hulyo 8

2

Click here to load reader

Upload: rose-ann-aler

Post on 09-Sep-2015

19 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

ok

TRANSCRIPT

Hulyo 8, 2015

TITO S. SARIONMayorMunisipalidad ng DaetDaet, Camarines Norte

Sir,Magandang Araw!

Ako po si Rose Ann Aler, isang dalubguro ng asignaturang Filipino sa Camarines Norte State College. Bilang isang guro ang pag-aaral po ay isang patuloy na proseso upang makasabay sa mga pagbabagong nagaganap sa larangan ng edukasyon. Ako po ay malapit nang matapos ng Masters of Arts in Education Major in Filipino sa Roosevelt College sa Maynila. Isang taon na lang po ang aking bubunuin ay makakatapos na po ako. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon po ay hindi ko po kayang tustusan mula sa aking sahod ang pamasahe para sa aking pag-aaral dahil ang estado ko po bilang guro sa Camarines Norte State College ay Contract of Service lamang.

Kaugnay po nito ay hihingi po sana ako ng tulong mula inyong butihing opisina upang maipagpatuloy ko po ang aking pag-aaral. Ako po ay nagbabakasakali na inyo pong matulungan sa aking transportation allowance. Dahil lingguhan po akong lumuluwas sa Maynila.

Hindi po kayo mabibigo sa pagtulong sa akin sapagkat bilang pagtanaw ng utang na loob ay kailangan kong tapusin ang aking pag-aaral. Kalakip po ng sulat na ito ang sertipikasyon ng pagpapatibay na ako po ay kasalukuyang nakatala bilang estudyante sa Roosevelt College. Aasahan ko po ang inyong positibong pagtugon.

Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,

Rose DP. Aler