semestral publication tomo 13 blg. 2 hulyo - disyembre 2011layunin ng aktibidad na ito na...
TRANSCRIPT
Sinasabing ang mga batas
na inakda ng mga nasa-
kinauukulan ang siyang magi-
ging gabay upang maisayos
ang lipunan at mapangalagaan
ang mga karapatan ng mga indibidwal at grupo ng ating
pamayanan. Ngunit, sa mga
nagdaang siglo ang mga batas
ding ito ang siyang nagiging
sanhi ng pagkawasak ng mga
pinagkakaingatang karapatan
ng mga mamamayan higit lalo
ng mga katutubong nananahan
sa ating bansa. Isa sa mga ba-
tas na ito ang ay RA. 8371 o
higit na kilala sa tawag na
"IPRA", na inakda upang
bigyang pansin ang mga
karapatan ng mga katutubo.
Ano ang IPRA?
Ang IPRA o Indigenous
People Rights Act ay isang
batas na pinarmahan ng
dating Pangulong Fidel V.
Ramos noong ika-19 ng
Oktubre, taong 1997 at
inaprubahan noong Hunyo
9, 1998. Nilalaman nito ang m g a p r o b i s y o n g
naglalayong kilalanin ang
mga
karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno,
pagkilala sa kanilang
karapatang pang -
ekonomiya, pangpulitika,
panlipunan, kultura at
kaugalian, maging ang
kanilang karapatan bilang
mga mamamayan na magkaroon ng sariling
pagpapasya. Kalakip din
nito ang panukalang m a g k a r o o n n g
Pambansang Komisyon
para sa mga Katutubo
(National Commission for Indigenous Peoples) na
siyang pangunahing
tagapagtaguyod ng mga
serbisyong patungkol sa
lupon ng mga katutubo dito
sa ating bansa.
Itutuloy, p3
IPRA: PARA o KONTRA KATUTUBOIPRA: PARA o KONTRA KATUTUBO
CVTs Conference, Matagumpay na Nailunsad!
Inilunsad sa Palawan ang
kauna-unahang conference ng
mga Community Volunteer
Teachers o CVTs sa ilalim ng
programang literasiya at numer-
asiya ng Integrated Devel-
poment Program for Indigenous
People noong ika - 2-4, ng
Setyembre taong 2011. Ito ay
dinaluhan ng mga CVTs mula
sa tribo ng Tagbanua at Pela-
wan. Layunin ng aktibidad na
ito na makapagbahaginan ng
karanasan ang mga CVTs
mula sa kanilang karanasan
sa paglulunsad ng pro-
gramang literasiya at numer-
asiya sa kani-kanilang mga
komunidad.
Isang matingkad na naging
resulta ng paglulunsad ng
litnum program sa mga
komunidad ng katutubo ang
pagkakaroon ng kumpiyansa
ng mga bata na mag-aral sa
pampublikong paaralan
IPRA: Para o Kontra
Katutubo?
1
Dumagat-Rizal Con-
gress: Isang Laban,
Isang Mithiin
2
Health Care Center ng
NTNP, Pinasinayanan!
2
Ang Laban sa mga Dam-
buhalang Dam
3
Pagkawasak ng Likas na
Yaman, Ating Putulin
4
Katutubong Lider Pela-
wan, Pinaslang!
1
CVTs Conference,
Matagumpay na
1
South East Asia Coordi-
nator ng EED, Bumisita
2
Handog ng Run for Pen-
cils para sa Katutubong
Kinabukasan
3
MGA NILALAMAN
sapagkat marunong na si-
lang magbasa, magsulat at
magkwenta. Unti-unting
nababawasan ang diskrimi-
nasyon ng mga hindi katutu-
bo sa mga katutubo.
Itutuloy, p5
Semestral Publication Tomo 13 Blg. 2 Hulyo - Disyembre 2011
Kilala siya bilang isang
mabuting katutubo, mabait na ama
ng 6 na anak, walang bisyo, malu-
manay, mahusay
makisama sa mga tao at makatwiran.
Kinikilala rin ang kanyang kredibilidad
bilang isa sa mga nanguna sa ilang taong
matatag na pagtutol sa operasyon ng
mina sa lugar ng mga katutubo.
Si Rabenio ay kapatid ni Abe Songit,
isang lider Pelawan na pina-
tay din ng mga hindi kilalang lalaki
noong 2005.
Siya ay pangatlong miyembro ng
pamilya na pinaslang, pangatlong
miyembro ng UCCP na pinaslang sa
lalawigan ng Palawan at ilan lamang sa
mga biktima ng pamamaslang na hindi
pa nagkakaroon ng hustisya. ***
asawa sa kalsada nang bigla siyang
barilin sa likod ng di pa nakakila-
lang lalake,nakabonet at sa di kalayuan
ay naghihintay sa isang motorsiklo
ang isa pang lalake na nakabonet din. Agad na tumakas ang mga suspek
sakay ng motorsiklo. Nagtamo ng dala-
wang tama ng bala sa dibdib at isang
tama ng bala sa tiyan ang biktima na
naging sanhi ng agarang pagkamatay
nito.
Ayon sa maybahay ng biktima, pau-
wi na sana sila ng maganap ang pama-maril sa kanyang asawa at nasaksihan
niya ito. Ayon umano sa isang lalakeng
lumapit sa maybahay ng biktima at
nakakita sa biktima ay ay
“napagkamalan lang daw ito kaya
pinatay”.
Samantala ayon sa pahayag ng
hepe ng pulisiya ng probinsiya kinabu-
kasan, ang pamamaslang umano ay kagagawan ng mga makakaliwang
grupo o NPA at ang motibo raw ng
pagpatay sa biktima ay dahil umano sa
kanyang pagiging impormer ng pulis.
Noong Nobyembre 14-15, 2011
ay bumisita sa Palawan ang South East
Asia Pacific Coordinator ng Evange-
lischer Entwicklungsdienst o EED sa
katauhan ni Ms. Juttah Werdes upang
makita ang tunay na kalagayan ng mga
komunidad ng Katutubo sa Palawan na
sinusuportahan ng kanilang organisasy-on.
Sa unang araw ng pagbisita ay
nagkaroon ng talakayan sa opisina ang
mga lider ng Inter-tribal forum patungkol
sa mga isyung kinakaharap ng mga Ka-
tutubo sa buong
Palawan partiku-
lar ang pagmimi-
na, plantasyon ng bio-fuel, eko-
turismo at prob-
l e m a s a
p ang ing isd a .
Nagkaroon ng
maikling pa-
nayam sa mga
lider hinggil sa
isyung kinaka-
harap nila at kung
ano ang mga
nakikitang paraan para harapin ito. Nag-
ing buhay ang talakayan na ito ng mga
lider.
Samantala, sa
ikalawang araw ng pagbisita sa komuni-
dad ay nadatnan ni Ms. Werdes ang mga katutubo sa So. Tina, Culandanum, Abor-
lan, Palawan na abala dahil katatapos
lamang ng pagsasanay ng mga Katutu-
bong Manggagawa pa-
ra sa Kalusugan o KMK
sa pagsasanay hinggil
sa pagproseso ng herb-al na gamot.
Nagkaroon din ng
pulong sa taong komun-
idad upang alamin kung
ano ang naidulot sa
komunidad at sa tao ng
programang kanilang
sinusuportahan. Naging maayos ang talakayan at
nagpahayag ng mensahe
ng pakikiisa ang panauhin.
Naging mainit ang pagtang-
gap ng mga katutubo sa bisita at nag-
ing abala sila sa paghahanda ng mga
katutubong luto ng pagkaing ihahain
sa bisita. Nagmistulang pista ang araw
na ito, masigla ang mga tao sa komuni-dad bilang pagtanggap sa bisita mula
sa ibang bansa. ***
Katutubong lider Pelawan, Pinaslang!
South East Asia Coordinator ng EED, Bumisita sa Palawan
Isang nagngangalang Rabenio
Songit, lider katutubo ng tribong Pelawan,
40 taong gulang, ang pinaslang ng di kila-
lang lalake noong Setyembre 5, 2011,
ganap na ika- 11:00 ng umaga sa harap ng
palengke sa bayan ng Quezon, lalawigan
ng Palawan. Ang biktima ay isang lay pas-
tor ng United Church of Christ in the Phil-
ippines o UCCP at organisador ng organ-
isasyong pinagtibukang kaundang-undangan it Pelawan at residente ng So.
Ladayon, Bgy. Sowangan, bayan ng Que-
zon, lalawigan ng Palawan.
Naglalakad umano si Rabenio para
puntahan ang kanyang naghihintay na
“kilala siya bilang isang
mabuting katutubo, mabait na
ama ng 6 na anak, walang
bisyo, malumanay, mahusay
makisama sa mga tao at ma-
Si Juuta kasama ang mga lider ng Palawan at staff ng IDPIP
Masayang Pagsalubong ng mga residente ng So. Tina sa South East Asia Pacific Coordinator ng EED
KATUTUBONG PANANAW
Page 2
English na diksyunaryo. Bukod sa mga
pagbibigay ng mga regalo, nagkaroon din
ng iba pang gawain katulad ng
pagkukwento ng pinangunahan ng mga
Black Pencil, pagpapalaro at pagguhit.
Mahigit 85-90 mga batang Mangyan ang
masayang nakilahok sa gawaing ito. ***
miyembro ng grupo na Black Pencil
katuwang ang HAGIBBAT at ilang mga
Staff ng IDPIP, ang mga katutubong
Mangyan sa Mansalay sa pamamagitan
ng kanilang mga handog. Mahigit na
320 mga batang Mangyan mula sa anim
na tribo ng Mindoro tulad ng Hanunuo,
Alangan, Iraya, Bangon, Buhid at
Tadyawan ang nakatanggap ng mga
bag pang-eskwela na may laman ng
mga notebook, papel, lapis, ballpen,
pangkulay, pambura at pantasa. Ang
bawat isang mag-aaral ay nabigyan din
ng tubig inuman, pangsepilyo at mga
bitamina.
Samantala, nakatanggap din ng mga
gamit ang 20 mga Para-teachers gaya
bag na naglalaman ng mga malalaking
kwaderno, isang kahon ng chalk,
pangbura sa pisara, ballpen at Filipino-
Dahil dito, magkakaroon ng karapatan
ang mga hindi katutubo na patuloy na
panghimasukan at sirain ang mga
pinagkakaingatang lupa ng mga katutubo
gaya na lamang na kinasasadlakan ng
ilang mga lupain na mga katu-
tubo sa dako ng Palawan at ilan
pang panig ng bansa.
Ang Pagpapatitulo ng
Lupaing Ninuno
Nakasaad sa IPRA na ang
pagkilala sa lupain ninuno ay
nakabatay lamang sa pama-
magitan ng pagkuha ng CADT
o Certificate of Ancestral Do-
main Title. Ang pagkuha ng titulong ito ay
kailangang dumaan sa mahaba at
magulong proseso na kadalasan ay nau-
uwi sa dayaan at hindi pagkakaintindihan
ng mga katutubo.
Ilan sa mga kinakailangan sa pagkuha
nito :
1.Ang pagkakaroon din na kanya-
kanyang lupain ng mga katutubo ang nag
-uudyok ng pagkakahati-hati ng kanilang
lupain ninuno. Sa ganitong paraan, ma-
bilis itong mapapasakamay ng mga mi-
nahan na kung saan ang ayon sa mga ka-
tutubo, binabayaran diumano sila ng mga
kumpanyang ito at pinapipirma sa mga
kasunduan hindi nila lubos na nauuna-
waan.
Ang NCIP at ang Karapatan sa Sariling
Pagpapasya
Higit sa lahat, ang pagkakaroon ng NCIP
na itinakda ng pangulo na siyang diumano’y
magiging tagapagtaguyod ng mga indige-
nous people sa ating
bansa ay isang ring
paraan u pang
panghimasukan ang
sariling pagpapasya
ng mga katutubo sa
kung paano at ano
ang nakabubuti sa
kanila. Hindi rin nai-
patutupad ang kanil-
ang karapatan sa
Free Prior and In-
formed Consent (FPIC) na isa sa mga
karapatan ng mga katutubo na kung saan
ang anumang balakin ng estado na may ki-
nalaman o makakaapekto sa kanilang pa-
mumuhay ay dapat dumaan sa proseso na
ang mga katutubo ang magdedesisyon o
kanilang nalalaman, na may pagtutol o
pagpayag sa mga balakin na ito.
Ang Katutubong Karapatan sa
Kultura't Kaugalian
Isa sa mga ipinagmamalaki ng mga may
akda ng batas na ito ay ang mga probisyong
naglalayong pangalagaan ang karapatan ng
mga katutubo sa kanilang kultura't kaugalian.
Subalit, sa totoong kulay ng batas, nais
lamang na panatilihin ang kanilang kaugalian
upang maging pangunahing atraksyon sa
mga turista. Tulad na lamang ng "eco
village" sa Palawan na kung saan ang ka-
tutubong Batak sa Puerto Prinsesa ay bin-
abayaran upang sumayaw at upang
kuhanan ng mga larawan. Sila ay gi-
nagamit upang makapanghalina ng mga
turista.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang
paglaban ng mga katutubo sa mga in-
dibidwal at mga grupong nais tapakan
ang kanilang mga karapatan. Kung tunay
nga at inilathala ang IPRA sa ikauunlad at
ikagiginhawa ng mga katutubo, ang mga
minahan na siyang namamahay sa mga
kabundukan na siya ring tahanan ng mga
katutubo ay hindi na sana pinahihintulutan
pa at ang batas na ito ang siya sanang
sandata ng mga katutubo upang labanan
ang mga panganib na ito. Subalit, ma-
linaw na ang batas na ito ay isa pa ring
pamamaraan upang sikaping patahimikin
ang mga katutubo sa kanilang
pakikipaglaban sa kanilang mga
karapatan sa sariling pagpapasya, dis-
kriminasyon at ang kanilang mga lupang
ninuno. ***
Handog sa Pag-aaral ng Run for Pencils para sa Katutubong Kinabukasan
Mga batang Mangyan habang masayang itina-
taas ang kanilang mga hawak na papel.
Run for Pencils
Ang Run for Pencils ay isa sa mga
programa ng Black Pencil na kung saan
ang mga mahihilig tumakbo ay
nakikibahagi sa mga adbokasiya sa
edukasyon sa mga kabataang Pilipino
higit sa mga malalayo at mahihirap na
pamayanan ng Pilipinas. Ang mga
boluntaryong tumatakbo ay
nangangalap ng mga donasyon sa
kanilang mga tagasuporta at ang
nalilikom nila dito ang siyang
ipinamimili ng mga gamit pang-
ekswela para sa batang kapus-palad.
Handog sa mga Batang Mangyan
June 25-26, 2011, bagamat
bumabagyo sa buong kaMaynilan, pat-
uloy na binigyang kasiyahan ng 11
“Pinatawag yung mga tao, hinakot
papunta sa sentro..syempre 'ung mga
tao walang alam. Nasunod ang dikta ng
NCIP sa mga chieftain..Ang ginawa nila
boto-botohan. Naglagay ng straw sa
gitna ng mga tao para sa yes or no.
Yung mas marami sinabi 'yon ang yes..
Ang sinabi pa ng NCIP na si Rico Sanga
KATUTUBONG PANANAW
Page 3
IPRA: Para o Kontra KatutuboIPRA: Para o Kontra Katutubo
Tagapagpaganap ang mga ito mula sa
kanilang hanay.
Sa huli, ang pangkalahatang kalihim
na rin ang nagsara at nagsuma ng
aktibidad at nanawagan ito ng pagkakaisa
ang pagkilos ng kasapian. Sa ganap na alas
dos ng umaga, nagtapos ang kongreso sa pamamagitan ng Gabi ng Pagkakaisa na
masayang binahaginan ng lahat ng mga
dumalo. ***
pagsusuri at posisyon o tindig ang bawat
bayan sa mga isyung kanilang
kinakaharap.
Ang mga napagkaisahang resolusyon ay
ang mga sumusunod:
a. Resolusyon Hinggil sa Pagtutol sa Laiban
Dam, iba pang Mapanirang Malalaking
Dam at mga Mini-Dam.
b. Resolusyon Hinggil sa Pagtutol sa
programang Reforestation sa mga lugar
ng mga Katutubong Dumagat at sa
Lupang Ninuno.
c. Resolusyon Hinggil sa Pagtataguyod ng
Karapatang Pantao at Pagpapalayas ng
mga Militar sa komunidad ng mga
Katutubo
d. Resolusyon Hinggil sa Paggigiit sa
Karapatan sa Panlipunang Serbisyo gaya
ng Kabuhayan, E d u k a s y o n , a t
Kalusugan.
Matapos ang paglikha ng mga
resolusyon, nagbigay din talakayan
hinggil sa saligang batas at eleksyon ng
pamunuan. Ang bawat bayan ay
nagbigay ng 5 kinatawan nila sa konseho.
Ito ay sa pamamagitan ng
paggugrupo-grupo sa kanila kada
bayan. Matapos maihalal ang mga
konseho ay naghalal naman ng opisyales
ng Komiteng
Makalipas ang isang buwang baya-
nihan sa paggawa ng mga taong komuni-
dad, natapos ang itinayong health center
sa So. Canyulan, Old Guinlo, Taytay, Pa-
lawan sa pangunguna ng komite sa ka-
lusugan ng organisasyong Nagkakai-sang Tagbanua sa Norte ng Palawan.
Noong Ika-5 ng Disyembre 2012, sa
kalagitnaan ng paghagupit ng bagyong
Pablo ay matagumpay na pinasinayaan
ang Health Center ng NTNP sa pama-
magitan ng isang ritwal. Naging maka-
buluhan ang araw na ito para sa mga
katutubo lalo na sa mga residente ng So. Canyulan sapagkat ito na ang hudyat na
maaari nang gamitin ang kanilang health
center at makapagbibigay na ng ser-
bisyong pangkalusugan sa mga komuni-
dad ng tulad nila.
Ang NTNP health center ay
matagumpay na naitayo sa tulungan
ng LGU ng Taytay, mga opisyales ng
barangay, Nagkakaisang Tagbanua sa
Norte ng Palawan, Integrated Devel-
opment Program for Indigenous Peo
ple at mga taong komunidad. Layunin
nito na maging sentro de grabidad sa
pagbibigay ng serbisyong pangka-
lusugan ng mga nagsanay na Katutu-
bong Manggagawa para sa kalusugan at iba pang aktibidad ng NTNP.
Ang nasabing aktibidad ay di-
naluhan ng butihing Bise - Mayor ng
Taytay sa katauhan ni Ms. Delma
Edep, Sangguniang Bayan Member
Arzaga, mga bgy. Kagawad, mga
opisyales ng NTNP, Integrated Devel-
opment Program for Indigenous Peo-ple at mga taong komunidad.
Umaasa ang mga katutubo sa ma-
gandang maidudulot ng health center
na ito sa kalusugan ng kanilang buong
pamayanan.***
DUMAGAT-Rizal Congress: Ang Kaisahan ng mga Katutubong Dumagat sa Rizal
Health Center ng NTNTP, Pinasinayanan!
Matiwasay na inilunsad ang
DUMAGAT-RIZAL Congress sa Sityao,
Quezon, Brgy. Puray, Motalban Rizal
noong Agosto 25, 2011. Ito'y dinaluhan
ng mga 97 na katutubong mula sa iba't-
ibang panig ng Rizal tulad ng Tanay, Antipolo, Montalban at Bulacan.
Dinaluhan rin ito ng ilang mga panauhin
mula sa IDPIP at sa probinsya ng Rizal.
Ang gawain ay binuksan sa
pamamagitan ng pambungad na salita
ng kagawad ng nasabing pamayanan at
dating chieftain na si Sotto Cruz.
Sinundan naman ito ng makabuluhang palihan hinggil sa Kalagayan ng mga
Katutubong Rizal na pinangunahan ng
isa sa mga staff ng IDPIP kung saan hinati
ang mga delegado sa kanya-kanyang
bayan na pinagmulan. Ito ay aktibong
ginanapan ng mga katutubo sa bawat
grupo sa pamamagitan ng kanilang pag-
uulat matapos ang naganap na palihan.
Mula sa nakuha sa palihan ay nagbigay ng mga mungkahing
resolusyon ang mga tagapagpadaloy na
nakabatay sa pangkabuuang isyu ng
lahat ng mga katutubong dumagat
saklaw na rin ang Bulacan at Quezon.
Ang bawat mungkahing resolusyon ay
dumaan sa bukas na talakayan. Dito
nagpahayag ng mga pagtingin,
Pagsisimula ng Pagpapasinaya sa
pamamagitan ng isang panalangin
Palihan ng mga kalahok
KATUTUBONG PANANAW
Page 4
Habang nanunumpa ang mga nahalal na mga pinuno ng Dumagat-Rizal
Ayon sa panayam ng
isang staff ng IDPIP sa isa sa
m g a p i n u n o n g m g a
Mangyan partikular sa tribo
ng Iraya, napag-alaman na
siya ay (kung tawagin ay
Mayor) kinausap diumano
ng isa sa mga kawani ng
Agusan Mining Company
upang pumayag na papasu-
kin ang minahin sa kanilang
lupaing ninuno. Sinuhulan
diumano siya ng malaking
halaga kapalit ng kanyang
pagpayag. Bagamat hindi
pumayag ang nakapanayam
na lider, nanatiling isang
bakahin ang posibleng
paglapit na ito ng mga ka-
wani ng Agusan Mining Company sa iba pang
pinuno ng mga katutubo
upang maigiit lamang ang
kanilang kagustuhan na mai-
pagpatuloy ang pagka-
karoon ng operasyon ng
pagmimina sa kanilang lu-
gar. Ang sumusunod na
pangyayari ay makikita sa
komiko sa gilid.
***
m a g s u l a t a t m a g k w e n t a .
Nakapagtukoy din ng mga
rekomendasyon ang mga CVTs
kung ano pa ang maaari nilang
gawin para maging matagumpay
ang nasabing programa.
Hinalawan ng mga aral ang
resulta ng nasabing aktibidad para
sa tuluy-tuloy na pagpapatakbo ng
mga literacy school sa mga
komunidad ng katutubo sa Palawan
at sa iba pang tribo sa iba pang
bahagi ng kapuluan.***
Isang matingkad na naging
resulta ng paglulunsad ng litnum
program sa mga komunidad ng
katutubo ang pagkakaroon ng
kumpiyansa ng mga bata na mag-
aral sa pampublikong paaralan sapagkat marunong na silang
magbasa, magsulat at magkwenta.
Unti-unting nababawasan ang
diskriminasyon ng mga hindi
katutubo sa mga katutubo. Sa
bahagi naman ng mgamatatanda,
ay natuto silang magbasa,
CVTs Conference, Matagumpay na Nailunsad!
KATUTUBONG PANANAW
Page 5
BANTAY MINAHAN: Ang Panunuhol ng mga Kawani ng Minahan sa isa sa mga
Pinuno ng mga Katutubo
KULTURA’T KALINANGAN
KATUTUBONG PANANAW Page 6
Kaya Mo Ba Ito?
Katutubong Wika TAGBANUA
Ari ka na?
Ayaw kamot pag
raraet
Magayeng
kadedelman
Ega ko padoon
Onoy pagbati'en
mo?
Onoy ma at mi?
Siyoy iba mo?
Tag pera to?
DUMAGAT
Masampet abi abi
Masampet ta
apon
Masampet a udto
Ano e ngalan mo?
De noka napa-
taen?
Ala nedi
No totul ketam di
TAGALOG
Magandang umaga
Magandang hapon
Magandang gabi
Anong pangalan
mo?
Saan ka nakatira?
Malapit na
Aalis na tayo
Mauno kamo na?
TAGALOG
Saan ka na?
Huwag kayong
mag-away
Magandang umaga
Hindi ako pupunta
doon
Anong
nararamdaman
mo?
Anong masasabi
ninyo?
Makikita ang sagot sa susunod na
Katutubong Pananaw.
KATUTUBONG KULTURA NG
MGA IRAYA
Bisitahin ang aming Website sa
www.idpipst.wordpress.com at
Idpipst.facebook.com