hulog ng langit

Upload: vineservidad

Post on 25-Feb-2018

232 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 Hulog Ng Langit

    1/1

    Hulog ng Langit

    Hindi lahat ng kabataan ay pinagpala.

    Sa milyong kabataang nabubuhay sa mundong ito, karamihan sa mga ito ay

    pinanganak na salat sa karangyaan. Nakakalungkot man isipin ng kanilang

    kapalaran, subalit hindi maitatanggi sa bawat galaw nila ang hirap na kanilang

    dinaranas. Sa kabila ng mga ito, napakainit naman sa kalooban na mayroon pa ring

    mga taong handing makibaka at bigyan muli ng pag-asa ang kanilang mga matang

    malapit nang magsara.

    Isa si Ginang Lorelyn si Minon sa nakikiisa sa proyektong Makibata.

    Nasasalamin sa kaniyang mukha ang mula sa pusong pagtulong sa mga batang

    hindi nagisnan ang marangyang buhay. Ang kaniyang maamong mukha ang naging

    isa sa mga ito. Ika niya, hindi dapat ipagdamot ang pagtulong. ila nakakatuwang

    isipin na sa gitna ng matindig pagsubok, isa siya sa mga nagpapaangat sa mga

    taong nalulugmok.

    Naging dahilan rin ng pagsang-ayon ko sa kaniya ay ang bawat salitang

    namumutawi sa kaniyang labi na nagpapakahulugan sa pagtulong. Marahil ay isa

    siyang butihing ina at asawa, ngunit hindi hadlang ang kaniyang tungkulin upang

    hindi siya mkapagpatuloy sa kaniyang pagtulong. Na imbes na selos ang

    maramdaman ng kaniyang pamilya, pagsuporta pa ang ibinibigay sa kaniya.

    Nag-iwan siya ng katagang !Ang pagtulong nagmumula sa puso." Sana bawat

    tao ay gaya niya. Nakapanata sa puso ang pagkalinga at nakabukas ang palad sa

    bawat taong nangangailangan. Mahirapan man sa una, sa bandang huli ay

    ipagpapatuloy pa rin ang nais tapusin upang makamtan ang tagumpay.