sa kandungan ng langit

22
qwertyuiopasdfghjklzxcvbnmq wertyuiopasdfghjklzxcvbnmqw ertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwe rtyuiopasdfghjklzxcvbnmqwer tyuiopasdfghjklzxcvbnmqwert yuiopasdfghjklzxcvbnmqwerty uiopasdfghjklzxcvbnmqwertyu iopasdfghjklzxcvbnmqwertyui opasdfghjklzxcvbnmqwertyuio pasdfghjklzxcvbnmqwertyuiop asdfghjklzxcvbnmqwertyuiopa sdfghjklzxcvbnmqwertyuiopas dfghjklzxcvbnmqwertyuiopasd fghjklzxcvbnmqwertyuiopasdf STUDENT PORTFOLIO PROYEKTO SA FILIPINO 02 (LIHAM PANGKALAKAL AT PANURING PAMPELIKULA) April 2010 Junelle Cathryn E. Maninang BSIT -CE

Upload: jei13jei

Post on 27-Apr-2015

1.768 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

A movie review for the movie "Sa Kandungan ng Langit".

TRANSCRIPT

Page 1: Sa Kandungan Ng Langit

qwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmrtyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcvbnmqwertyuiopasdfghjklzxcv

STUDENT PORTFOLIOPROYEKTO SA FILIPINO 02

(LIHAM PANGKALAKAL AT PANURING PAMPELIKULA)

April 2010

Junelle Cathryn E. ManinangBSIT -CE

Page 2: Sa Kandungan Ng Langit

AMA PARAÑAQUE CAMPUSTHIRD SEMESTER

S.Y. 2009 - 2010

STUDENT PORTFOLIO

PROYEKTO SA FILIPINO 02

(LIHAM PANGKALAKAL AT PANURING PAMPELIKULA)

Ipinasa ni

Junelle Cathryn E. ManinangBSIT – CE

Ipinasa kayGng. Jeannett V. Maquinay

(Instructor)

April 2010

Page 3: Sa Kandungan Ng Langit

TALAAN NG NILALAMAN

I. Liham Pangkalakal (Business Letter)

A. Liham ng Nag-aaply (Letter of Application)

B. Liham ng Pagsusumite (Letter of Transmital)

C. Liham ng Pagtatanong (Letter of Inquiry)

II. Panuring Pampelikula (Movie Review)

A. Pamagat

B. Tauhan

C. Buod

D. Banghay ng Pangyayari

E. Paksa

F. Sinematograpo (Effects)

G. Mensahe

Page 4: Sa Kandungan Ng Langit

SA KANDUNGA

N NGLANGIT

Page 5: Sa Kandungan Ng Langit

Isinulat at Pinamunuang Buoin ni

Gina Marissa Tagasa

A. Tauhan

Joji ~ napadpad sa Bethesda upang gumawa ng dokumentaryo tungkol sa may mga ketong.

Liway ~ tumulong na mabuksan ang isipan ni Joji sa pagmamahal at kapatawaran.

Gimo ~ tumulong at kumupkop kay Joji ng mapadpad ito sa lugar nila.

Lani ~ dating kasintahan ni Joji.

Domeng ~ ama ni Liway.

Celing ~ madrasta ni Liway.

Sol ~ pinaka-matanda sa mga kapatid ni Liway.

Caloy ~ nakatatandang kapatid ni Liway.

Damian ~ sundalong asawa ng kanyang ate Sol.

B. Buod

Isang maaliwalas na panahon ang sumalubong kay Joji sa kanyang paglalakbay. Hindi

niya malaman kung bakit siya dito napunta dahil wala na rin naman siyang pakialam kung

saan siya mapadpad. Ang kanya na ring sasakayan ang itinuturin niyang tahanan dahil sa uri

ng propesyon na kanyang pinili. Kaya naman inis na inis siya ng maplatan siya ng dis-oras

ng gabi. Inilabas na niya ang pamalit na gulong at ilang kagamitan na kakailanganin niya.

Hindi pa man niya nasisimulang galawin ang papalitang gulong ay bigla na lamang may

humampas ng malakas sa kanyang likuran. Nasubsob siya sa lupa dahil sa sakit na nadarama.

Dumiretso ang salarin sa loob ng sasakyan ng biktima upang alamin kung ano ang mga

Page 6: Sa Kandungan Ng Langit

maaari nitong makuha. Nang bahagyang humupa ang sakit na kanyang nararamdaman ay

nagpumilit siya bumango upang makabawi at pigilan ang tangkang pagnanakaw sa kanyang

sasakyan, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may kasama pa ito. Kaya bago pa niya

mapigilan ang ginagawang pagnanakaw at muli siyang nahampas ng matigas na bagay sa

likod na nagging sanhi ng tuluyan niyang pagkawala ng malay. Nang matangay na ng

masasamang loob ang pakay ng mga ito ay agad din namang nagsipulasan. Habang

nalulugmok sa kawalan ng malay si Joji ay isang misteryosong tao ang nagmagandang loob

at tumulong sa kanya.

Nang magbalik sa huwisyo si Joji ay nagising na lamang siya sa isang maliit na barung-

barong. Nang humarap ang taong kumupkop sa kanya ay ganoon na lamang ang kanyang

pagkagulat sa nakitang hitsura nito. Kulubot at tila nasira na dahil sa markang iniwan ng

hindi malamang sakit. Bakas sa mukha ni Joji ang takot sa bawat hakbang ng matandang

lalaki. Humingi ang matanda ng paumanhi dito at nagpaliwanag na magaling na ang sakit

niya; hindi na siya maaari pang makahawa ng iba. Nagpakilala ito bilang Gimo. Isinsuli niya

ang nalimot na aparato sa binata upang matawagan ang pamilya nito. Itinanong ng matanda

kung saan siya papunta. Nasabi ng binata na sa Bethesda ang lugar kung saan niya gusting

magpunta upang gumawa ng dokumentaryong pelikula. Sunod na itinanong ng matanda kung

tungkol saan ang dokumentaryong pelikula. Nais daw sanang i-dokumentaryo ng binata ang

tumgkol sa mga naninirahan sa kugar na iyon, ang mga may ketong. Bahagyang natawa ang

matanda at sinabing kung sa kanya pa lamang daw ay nandidiri na siya paano pa kaya sa

lugar kung saan may mga sakit pa rin ang mga tao.

Page 7: Sa Kandungan Ng Langit

Kinabukasan ay isinama na ni Joji si Gimo upang maging taga gabay nito patungo sa

Bethesda. Pero bago pumunta sa Bethesda ay nagtungo muna sila sa presinto upang ireklamo

ang pagnanakaw sa mga gamit niya noong isang gabi. Halos mapatalon ang mga pulis sa

kinauupuan nila ng pumasok sa presinto si Gimo. Pangungutya lamang sa kalagayan ng

matanda ang nakuha nila mula sa mga pulis kaya agad din silang umalis doon.

Pagkarating sa Bethesda, nasorpresa si Joji ng makita si Lani doon. Bumalik ang mga

alala noong panahon na nagpaplano sila ng kasal. Lubos ang kaligayahan noon ni Lani

habang sinasabi ang mga detalye ng kasal sa binata. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay

ipinahinto itong muli ng binata na tuluyang naghiwalay sa kanilang dalawa. Kaya naman ng

magkita silang muli sa Bethesda ay halos hindi na siya pinansin ng dalaga.

Nang gabi ring iyon ay nanaginip si Joji ng isang nasusunog na kubo. Sa paglabas niya ay

may narinig siyang umiiyak na babae. Hinanap niya ito at ng matagpuan ay nakita niya ang

isang babaeng nakaputi na nakatayo sa gilid ng isang malaking puno. Kaya naman

kinabukasan ay hinanap niya agad ang lugar kung saan niya nakita ito. Sa paglapit niya sa

malaking puno ay nabasa niya ang pangalang “Liway” na naka-ukit dito. Dumating si Gimo

at nagpresinta na ikukwento sa binata ang buhay ni Liway kung nais nitong marinig. Hindi

naman nag-atubili ang lalaki na marinig ang kwento ng matanda dahil interesado din itong

marinig ang sasabihin nito.

Si Liway ay ikatlo sa magkakapatid. Namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya.

Isang simpleng mangingisda si Mang Domeng katulong ang pangalawa sa magkakapatid na

Page 8: Sa Kandungan Ng Langit

si Caloy. Ang Ate Sol naman niya ang naghahabi ng labat na gagamitin. Hindi naglaon ay

muling nag-asawa ang kanyang ama. Ang kanya namang ate ay nagkapangasawa ng isang

sundalo sa batang edad. Sakit sa ulo ng kanyang ama si Caloy. Ang pagrerebelde nito ay dala

ng kahirapan na sumira sa mga pangarap nito. Para sa kanya, ang kahirapan ay isang sumpa.

Isang gabi, inutusan ng madrasta si Liway na bumili ng halambra o sigarilyo. Tinangkang

pigilin ng ama ang gagawin sana ng anak at sa halip ay ipinirisinta pa ang sarili. Kumontra

ang madrasta at sinabing pagod na si Domeng at ipinillit pa rin ang utos kay Liway kahit

gabing-gabi na. Walang nagawa ang mag-ama at sumunod na lang sila sa nais ng madrasta.

Sa pagbili ni Liway sa tidahan ay anpansin niya ang dalawang lalaki na tila sumusunod sa

kanya. Binilisan niya ang paglalakad ngunit bumilis din ang mga ito; hanggang ang mabilis

na paglakad ay nauwi sa pagtakbo. Mabilis na tumakbo ang dalaga , ngunit agad din naman

siyang naabutan ng mga ito. Pwersahan itong pinahiga sa mamasa-masang buhangin sa

tabing-dagat at doon sinimulan ang masama nilang balak. Salamat na lamang at bago pa

tuluyang makuha ng mga lapastangan ang gusto nila sa dalaga ay dumating si Caloy upang

tulungan ang kapatid. Pagkarating sa bahay ay matinding pinagtalunan ni Domeng at Caloy

ang nangyari kay Liway. Sinisisi ng binata ang ama sa pagiging sunud-sunuran nito sa

madrasta.

Kinabukasan ay lumayas ang binata dahil sa matindi nilang pagtatalo ng gabing iyon.

Tinangka ni Liway na pigilin ang kuya nito sa pag-alis ngunit wala siyang nagawa sa

kagustuhan nitong lumayo sa lugar na iyon at mapaunlad ang sariling pamumuhay.

Page 9: Sa Kandungan Ng Langit

Isang araw ay napansin ni Liway na may pigkakaguluhan ang mga tao sa tabing-dagat.

Nakita niya na may pinagkaka-isahan ang mga ito. Tinangka niyang tulungan ang

nalulugmok ng pobreng nilalang. Pinigil siya ng mga tao sa paligid ng mgakita ng manga ito

na balak hawakan ng dalaga angtaong iyon na nakabalot ng tela muna ulo hanggang paa na

tila may itinatago. Sinabi ng mga tao na delikadong hawakan iyon dahil baka mahawa ito ng

sakit na taglay ng estranghero. Sinabi ng mga ito na taglay ng taong iyon ang sakit na ketong

na maaaring makahawa kung hindi mag-iingat at kung hahawkan ito sa kahit anong parte ng

katawan. Dahil noon lamang nakakita ang dalaga ng may ketong kaya napaatras din siya

dahil sa mga babalang ibinigay ng mga tao sa paligid niya.

Isang araw ay naglalagay ng mainit na tubig sa termos si Liway ng bigla na lamang

sumigaw ang madrasta nito mula sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung bakit ito

nagkakaganoon kaya patuloy lang siya sa ginagawa. Pinigilan ito ng madrasta at tinanong

kung hindi niya nararamdaman ang mainit na tubig na dumadaloy sa kanyang kamay. Ang

totoo ay wala talaagang naramdaman ang dalaga na kahit anong sensasyon sa kamay niya na

katulad ng kanyang madrasta ay nagtataka din siya sa pangyayari. Pinayuhan siya ng ama na

sumama kay Sol sa bayan kapag nagpatingin ito sa barangay health center upang ipatingin

ang mga kamay niya. Dahil sa mga eksamin na ginawa kay Liway ay sinabi ng doktor kay

Sol na maaaring taglay nito ang sakit na ketong. Pinayuhan ng doktor ng ibayong pag-iingat

si Sol lalo na ngayon na nasa kritikal itong panahon ng pagbubuntis.

Ang balitang ito ay agad namang nakarating sa kaalaman ng kanilang ama. Noong una ay

hindi nito matanggap ang naging kalagayan ng anak, ngunit dahil sa ayaw niyang ilagay pa

Page 10: Sa Kandungan Ng Langit

sa higit na kapahamakan ang buong pamilya ay gumawa siya ng desisyon na labag sa

kanyang kalooban. Sinimulan ni Mang Domeng ang paggawa ng papag kung saan niya

papatulugin si Liway. Noong una ay masaya ang dalagita na magkakaroon na siya ng sariling

higaan, ngunit anpalitaan ito ng lubos na kalungkutan ng sabihin ng kanyang ama na ilalagay

niya ito sa labas ng kanilang kubo kasama ng iba pang mga gamit niya. Mula ng araw na

iyon ay ang manipis na pawid ang kanyang nagging bubong at ang ilang kawayang suporta

nito ang kanyang naging haligi at panlaban sa lamig ng gabi.

Sa pagkakataong iyon ay nararanasan na niya ang mga maaaring pinagdaanan na rin ng

mga taong katulad niya. Ang mas masakit ay ang sarili niyang pamilya ang nagtataboy sa

kanya dahil sa kanyang kalagayan. At kung minsan, dahil sa lumalala niyang sakit ay

nakakaramdam siya ng pagkamanhid sa ilang bahagi ng kanyang katawan. Sinubukan niyang

hingin ang tulong ng kanyang ama ngunit wala itong ginawa kundi panoorin siya mula sa

loob ng bahay habang unti-unting lumuluha dahil sa awang nararamdaman para sa kanya.

Isang araw ay kinausap si Mang Domeng ng mga mamamayan tungkol sa anak nitong

may ketong. Nais ng mga ito na mapalayas ang dalagita mula sa kanilang komunidad dahil sa

takot na pati sila ay mahawa ng sakit nito. Kahit ayaw ng ama sa suhestyon ng mga tao ay

wala siyang magagawa dahil pinagbantaan na rin siya ng mga ito na kung hindi siya gagawa

ng paraan ay sila mismo ang kikilos para mapatalsik ang dalaga sa malayong lugar.

Samantala, habang naghahapunan si Liway ay narinig niya ang pagdaing ng kapatid na si

Sol. Malapit na itong manganak, ngunit pinagtabuyan lamang siya nito ng subukan niyang

Page 11: Sa Kandungan Ng Langit

tumulong. Wala ang asawa nitong sundalo pati ang madrasta niya kaya napilitan siyang

lumabas ng bakuran upang hanapin ang ama. Hindi naman siya nabigo at nakita niya agad

ang ama kausap ang maraming tao. Nang ibalita niya sa ama ang kalagayan ni Sol ay agad

itong kumaripas ng takbo pabalik ng bahay. Dahil hirap na ngayon si Liway na makalakad ay

naisip ng mga mamamayan na ilabas na ang galit dito. Binato nila ang dalagita hanggang sa

mapalayo ito. Umuwi itong puno ng galos at pasa sa katawan dahil sa laki ng mga batong

ipinukol sa kanya ng mga tao.

Sa pagkakataong iyon ay magkakahalong sakit, awa at galit ang nararamdaman niya para

sa sarili. Hindi niya naiwasan na magtanong at magalit sa Diyos. Hindi na siya naniniwala na

mahal siya nito. Ito ay isang maramot na Diyos, dahil pinagkait nito ang pagmamahal sa

kanya at kinuha ang lahat ng mahalaga at mahal niya tulad ng kanyang ina at kuya Caloy.

Tangging puot at galit ang ang namamayani sa kanyang dibdib na nagtulak sa kanya upang

itaboy ang Diyos. Nang gabi ring iyon ay umalis siya ng walang paalam. Hindi na rin siya

nag-abalang gumawa ng sulat dahil hindi rin naman ito tatangkaing hawakan at basahin ng

kanyang ama sa takot na mahawa ng taglay niyang sakit.

Bumalik si Caloy sa kanilang tahanan makalipas ang mahabang panahon. Laking galit na

lamang niya ng malaman ang naging kalagayan ni Liway at hayaan na lamang itong umalis

ng kanilang ama. Siya na mismo ang naghanap kung saan naglalagi ang kapatid.

Samantala, muling bumalik si Damian, ang sundalong asawa ni Sol upang magpahinga

ng ilang araw bago muling bumalik sa destino. Naisipan ni Celing na kunin ang tulong ni

Page 12: Sa Kandungan Ng Langit

Damian upang ipahanap at ipadispatsa si Liwayupang hindi na ito makabalik pa at

makahawa. Pumayag din naman si Damian sa balak ng madrasta ng asawa. Kaya naman ng

matagpuan na nila ang tinutuluyang kubo ni Liway sa isang liblib na lugar ay handa na silang

ipasunog ito. Lingid sa kaalaman nila ay una ng natunton ni Caloy ang tinitirahan ng kapatid

kaya bago patuluyang mapahamak ang kapatid ay naipagtanggol niya ito. Nasaksak at

napatay niya ang isa sa mga nagtatangkang sumunog sa bahay ni Liway. Nadala niya ang

kapatid sa Tala Leprosarium kung saan kinukupkop ang mga taong katulad ni Liway bago

siya nahuli ng mga pulis at maipakulong.

Habang nakakulong at sumali si Caloy sa grupo ng mga preso na nag-aaral ng bibliya sa

tulong ng ilang mga pastor na dumadalaw sa kulungan. Doon ay nabuksan angkanyang isip

tungkol sa pagmamahal ng Diyos sa mga nilikha nito. Naisip niya na ito ang kailangan ng

kapatid niya dahil hindi na niya ito kaya pang ipagtanggol at gabayan.

Walang sinuman sa pamilya niya ang dumadalaw sa Tala Leprosarium, maliban lamang

sa kanyang kuya Caloy na hindi nakakalimot na magpadala ng sulat. Minsan nga ay

nagpadala pa ito ng Bibliya. Itinapon lamang niya iyon dahil magpasahanggang ngayon ay

galit pa rin siya dito. Ngunit tila may kung ano ang kumurotsa puso niya ng mabasa ang

isinulat ng kanyang kuya sa unang pahina nito. Nang sinimulan niya itong basahin ay unti-

unti na muling napalapit ang loob niya sa Diyos; dahil sa mga mensahe, aral at pagpapahayag

nito ng pagmamamhal para sa lahat. Kaya naman ng naka lipat siya sa Bethesda ay naging

boluntaryo siyang katekista na nagtuturo ng salita ng Diyos sa mga bata pati na rin sa

matatanda na may ketong.

Page 13: Sa Kandungan Ng Langit

Nang lapitan ni Joji si Liway ay ilap ito sa kanya, marahil alam nito na uusisain lamang

niya ito tungkol sa mga may ketong. Nang makita ng dalaga na nagtalo si Joji at Lani dahil sa

estado ng kanilang relasyon ay ito na mismo ang lumapit sa binata upang bigyan ng pag-asa.

Mula noon ay naging kumportable na ang dalaga sa pakikipag-usap sa binata. Marahil

nahalata ng dalaga na may mabigat itong dinadala sa dibdib kaya magulo ang isip nito tulad

ng sinasabi ni Lani. Ibinigay ng dalaga ang Biblya niya sa binata bilang regalo at tulong na

rin para maliwanagan ang kanyang kalooban. Ngayon ay alam na ni Joji kung bakit siya nasa

lugar na iyon, ipinakita sa kanya na kayang baguhin ng Diyos ang maraming bagay sa buhay

niya. Gumawa ng liham ang binata para kay Lani na humihingi ng tawad sa nagawa niya dito

at pag-amin na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito.

Kinabukasan ay napagdesisyunan ni Joji na bumalik sa Maynila upang ayusin ang

matagal na nilang hidwaang mag-ama. Dumating si Lani, Liway at Gimo upang magpaalam

sa binata. Alam na niya angpinakamahalagang bagay na kanyang dapat dalahin sa bawat

paglalakbay; iyon ay si Liway at Gimo. Hindi lang sila ang mga dating may ketong kundi

pati rin ang binata na muntik ng maagnas ang kaluluwa. Pero gaya nila naniniwala siya na

gagaling din siya. Pagagalingin siya ng Panginoon na muli niyang kikilalanin.

Page 14: Sa Kandungan Ng Langit

C. Banghay ng Pangyayari

1. Naglalakbay si Joji patungo sa isang lugar sabay ng pagmumuni-muni kung bakit niya ito

ginagawa.

2. Nakilala niya si Gimo na dating may ketong, na siya ding nagkwento sa kanya tungkol sa

dalagang si Liway.

3. Ikinuwento ang tungkol sa pagkakaroon ni Liway ng ketong.

4. Pinandirihan at itinaboy si Liway ng mga tao sa paligid niya.

5. Nawala ang pananalig at pagtitiwala ng dalaga sa Diyos.

6. Ikinulong si Caloy dahil sa pagtatangol sa nakababatang kapatid.

7. Nagpagaling ang dalaga sa Tala Leprosarium.

8. Naging boluntaryong katekista sa Bethesda.

9. Nakilala doon si Joji na nagdo-dokumentaryo ng isang pelikula tungkol sa sakit na

ketong.

10. Tinulungan ni Liway si Joji na ibalik ang kalooban sa Panginoon at pakawalan ang

mapait na nakaraan.

11. Bumalik si Joji sa Maynila upang bisitahin ang kinamumuhian niyang ama at ng sa wakas

ay patawarin sa kasalanan nito sa kanya bago pa ito tuluyang pumanaw.

12. Nahanap na ni Joji ang sagot sa mga katanungan niya sa buhaydahil sa Panginoon.

D. Paksa

Ang relasyon at pananalig sa Diyos na susubukan ng matinding pagsubok sa buhay.

Page 15: Sa Kandungan Ng Langit

E. Sinematograpo

Ang pelikulang ito ay isa sa tinatawag na “Independent Film” (Indi Film). Mga

pelikulang nabuo sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at pagtutulungan, dahil kung iisipin

ay walang sumusuporta sa produksyon ng mga pelikulang tulad nito. Kaya naman kahit

walang special effects o computer animations ang pelikula ay humanga pa rin ako dahil sa

ganda ng pagkakakuha ng bawat eksena na talagang nagpapakita ng karakter na

ginagampanan ng mga artista. Epektibong naihatid ng kwento ang aral ng pelikula dahil sa

maayos na daloy ng storya.

F. Mensahe

Gaano man kahirap ang tinatahak natin na daan ngayon, tandaan na hindi nagbibigay ang

Diyos sa atin ng pagsubok na hindi natin malalampasan at pakikinabangan sa hinaharap.