grade 7 filipino ikatlong markahan linggo 19 - ed la...
TRANSCRIPT
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Grade 7 Filipino Ikatlong Markahan
LINGGO 19 - Kay Mariang Makiling
Layunin: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
Suprasegmental (tono, diin, antala)
Panuto: Pumili ng tamang salita na nasa unahan ng bawat bilang upang
mabuo ang diwa ng pangungusap.
(LI:gaw ; liGAW) 1. Mga _____ na bulaklak ang ibinigay niya kay Rica nang
umakyat siya ng ________.
(BANG:ko ; bangKO) 2. Mahaba ang _____ na inupuan ko sa _____ na aking
pinuntahan.
(BA:ga ; baGA) 3. Nadarang si Inay sa mainit na _____ kaya sumakit ang kanyang
_____.
(PA:so ; paSO) 4. Nabasag ang _____ at tumama sa aking paa na may _____.
(LA:ta ; laTA) 5. Naging _____ ang sinaing nang lutuin sa _____.
Layunin: Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at palaisipan
Panuto: Iugnay ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A sa Hanay B.
Titik lamang ang isulat.
Hanay A Hanay B
__1. Tula a. mga paalala na matatagpuan sa pampublikong
sasakyan
__2. Awiting panudyo b. maikling patulang palaisipan
__3. Tugmang de gulong c. pagbibiro na nasa anyong patula
__4. Palaisipan d. pahayag upang makaiwas na makasakit sa mga
di nakikitang nilalang
__5. Bulong e. mga maririkit na mga salita
Layunin: Naipapapaliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
pagpapangkat
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na mga salita gamit
ang diin at haba.
Grade 7 Dep Ed La Carlota
1. BU:kas
2. puNO
3. PI:ko
4. A:so
5. HA:pon
Layunin: Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng
tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan
Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng
mga tula/awiting panudyo, tulang de gulong at palaisipan
Panuto: Bigkasin ng may wastong ritmo/tono ang mga sumusunod:
1. Si Maria/ Angela/ tawagin mo na.
2. Si Maria Angela/ tawagin mo na.
3. Buto’t balat lumulipad.
4. Nagbibigay na’y sinakal pa.
5. Tabi-tabi po, baka kayo ay mabungo.
Layunin: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan
Panuto: Sumulat ng tig-isang halimbawa sa mga sumusunod:
1. Tugmang de gulong:______________________________________
2. Tulang panudyo:_________________________________________
3. Awiting panudyo:________________________________________
4. Palaisipan:_______________________________________________
5. Bugtong:________________________________________________
Layunin: Nagagamit ng wasto ang mga primary at sekundaryang
pinagkukunan ng mga impormasyon
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na datos ayon sa APA Format ng
Bibliograpiya.
a. 2001 d. J & A Publishing House
b. Maurita M. Reyes e. Kadluan ng Wika at Panitikan
c. Pilipinas
Grade 7 Dep Ed La Carlota
_______1_____________ . (______2______) . _________3__________ .
_________4_________ : ___________5___________.
Grade 7 Dep Ed La Carlota
LINGGO 20 - Hari ng Tondo
Layunin: Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng
bisang pandamdamin ng akda
Panuto: Ipaliwanag ang damdaming nangingibabaw sa bawat pahayag.
_____1. Ang taong gipit sa patalim kumakapit.
_____2. Urong ang dilang sabihin ang katotohanan.
_____3. Mga kamay na may bahid ng galit.
_____4. Ang lahat ng pumalag walang tanong na kitilan ng buhay.
_____5. Ang mga walang alam ay yumuko na lamang.
Layunin: Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napakinggang
impormasyon (media literacy)
Panuto: Magtala ng limang (5) realidad sa buhay na nakapaloob sa awit
na Hari ng Tondo (sitwasyon).
1. 3. 5.
2. 4.
Layunin: Nakagagamit ng sapat na mga di pasalitang palatandaan(non-
verbal clues)
Panuto: Tukuyin sa Hanay B ang kahulugan ng mga simbolismo sa
hanay A.
1. Kadena a. kalayaan
2. Kalapati b. kulungan
3. Hawla c. walang pagpipilian/ tawag ng pangangailangan
4. Kamay na bakal d. nakagapos
5. Kutsilyo e. karahasan
Layunin: Natutukoy ang mga katangian ng anyong pampanitikan na
umuusbong sa bawat panahon
Panuto: Suriin ang dalawang awit ni Gloc-9 na Hari ng Tondo at Upuan,
pagkatapos aytugunin ang mga sumusunod:
1. Bakit ganito ang pamagat ng mga awit?
2. Ano-ano ang paksa ng bawat awitin?
Grade 7 Dep Ed La Carlota
3. Sino kaya ang nagsasalita sa bawat awitin? Anong antas ng lipunan siya
napabilang?
4. Saan ang tagpuang binanggit sa bawat awitin?
5. Ano ang mensaheng nakapaloob sa baat awitin?
Layunin: Nakagagamit at nailalapat ang mga napapanahong pangyayari
sa pagbuo ng pahayag na may simbolismo
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pahayag na may simbolismo
batay sa mga awitin ni Gloc-9.
1. Pagiging pepe at bingi sa nasaksihang krimen.
2. May hamon sa hapag kahit di naman pasko.
3. Pagiging “Hari ng Tondo”.
4. Isang kahig, isang tuka.
5. Ayaw nang tumayo sa “Upuan”.
Layunin: Nakasusulat ng suring-papel ng binasang akda (home reading
report)
Panuto: Sumulat ng isang maikling awitin/tula na nagtataglay ng mga
pahayag na may simbolismo. Lagyan ito ng angkop na
pamagat.
LINGGO 21 - Alamat ni Jose Rizal
Layunin: Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga
pangyayari sa tekstong napakinggan
Napaghahambing ang mga katangian ng mito/ alamat/
kwentong bayan batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan,
kaisipan, at mga aspektong pangkultura
Panuto: Sumulat ng maikling salaysay tungkol sa pinagmulan ng
Alamat.
Noong unang panahon:__________________________________________
_____________________________________________________________
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Dahil dito, ____________________________________________________
_____________________________________________________________
Mula noon ____________________________________________________
_____________________________________________________________
Layunin: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, at
kwentong bayan
Panuto: Tukuyin o kilalanin ang mga sumusunod na mga elemento ng
alamat. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Alamat Banghay Pangunahing Tauhan Tagpuan Pantulong na Tauhan
_____1. Ang pinakasentro at siyang iniikutan ng mga pangyayari sa kasaysayan ng
alamat.
_____2. Ang lugar at panahon na pinangyayarihan ng kwento.
_____3. Ang pagkakabalangkas o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
_____4. Anyo ng panitikan na ang layunin ay upang magbigay ng kasagutan sa
pinagmulan ng mga bagay.
_____5. Siya ang tumutulong na maging mapanghamon, masalimuot ang mga
pangyayari sa kwento.
Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang mga salita sa tindi ng
Pagpapakahulugan
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng bawat salita sa loob ng
panaklong.
1. Nakalatag - (nakabalot, nakahiga, nakaratay)
2. Kahawig - (kasama, kasundo, kamukha)
3. Pagkaligalig - (di-mapalagay, pagkalito, pagkayamot)
4. Nagninilay - (nagtatanong, nag-iisip, nagsasabi)
5. Pagtugis - (pagdakip, pagsunod, paghanap)
Layunin: Naipapaliwanag ang tema at iba pang elemento ng mito/
alamat/ kwentong-bayan batay sa napanood na mga
halimbawa nito
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Panuto: Punan ang puwang ng angkop na salita o parirala.
Ang anumang uri ng maikling katha gaya ng alamat, mito, at kwentong-
bayan ay may mahahalagang sangkap gaya ng (1)_____ na siyang
gumaganap o nagpapagalaw sa kwento, (2)_____ na nagsasaad ng lugar at
panahon ng pinangyarihan ng kwento at _____(3)_____ na siyang balangkas ng
mga pangyayari sa kwento. Sa pagbabalangkas ng mga pangyayari, ang
pinakamataas na antas ng kawilihan sa isang katha ay ____(4)_____ at sa isang
magandang katha ang kasukdulan ay sinusundan kaagad _____(5)_____.
Layunin: Naisasalaysay ng maayos at magkakaugnay ang mga
pangyayari sa nabasa o napanood na mito/ alamat /kwentong-
bayan
Panuto: Isulat ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa
binasang alamat.
Alamat ni Jose Rizal
Layunin: Naisusulat ang buod ng isang mito/ alamat / kwentong-bayan
nang may maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
Panuto: Basahin ang alamat/ mito/ kwentong bayan at pagkatapos ay
isulat ang buod ng kwento. Gawing gabay ang balangkas sa
pagsulat ng kwento.
Pamagat
I. Panimula:
Saan:
Kailan:
II. Mga Pangyayari:
Unang pangyayari:
wakas
3.
4.
2.
1. Panimulang Pangyayari
Tauhan
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Ikalawang pangyayari:
Ikatlong pangyayari:
III. Kinalabasan:
Kasukdulan:
Wakas:
Layunin: Nagagamit ng wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula,
gitna at wakas ng isang akda
Panuto: Sumulat ng isang kwento. Ibatay sa isa sa mga alamat/ mito/
kwentong-bayan na nabasa o narinig mo na. sundin ang format
sa ibaba sa pagsulat,
Pamagat
Panimula:_____________________________________________________
________________________________________________________
Gitna:________________________________________________________
________________________________________________________
Wakas:________________________________________________________
________________________________________________________
Grade 7 Dep Ed La Carlota
LINGGO 22 - Pandesal
Layunin: Nahihinuha ang kaalaman at motibo/pakay ng nagsasalita
batay sa napakinggan
Panuto: Tugunin ang mga sumusunod na tanong batay sa tekstong
napakinggan.
1. Ang literal na ibig sabihin ng Pandesal ay __________________.
2. Ang itinuturing na patron ng mga panadero sa Pilipinas ay si _____________.
3. Pamana ng kolonyalismong _______________ ang Pandesal.
4. Ang Pan Amerikano ay naging popular sa panahon ng __________________.
5. Naging pamantayan din ang pandesal ng ________________ pambansa.
Layunin: Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at
mga pantulong na kaisipan
Naibabahagi ang ilang piling diyalogo ng tauhan na hindi
tuwirang ibinibigay ang kahulugan
Panuto: Ibigay ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa
tekstong binasa. (Pandesal)
Pangunahing Kaisipan: 1.__________________________________________
Mga Pantulong na Kaisipan: 1.______________________________________
2.______________________________________
3.______________________________________
4.______________________________________
Layunin: Naisusulat ang isang talatang naghihinuha ng ilang pangyayari
Panuto: Sumulat ng isang talat tungkol sa pahayag na “Paborito ng mga
Pinoy na Panghalili sa Almusal ang Pandesal”.
_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Layunin: Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa paghihinuha ng
pangyayari
Panuto: Itala ang mga mahahalagang kaisipan tungkol sa “Pandesal” na
nakuha sa binasang sanaysay.
1.
2.
3.
4.
5.
Layunin: Naipapaliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng
hinuha
Panuto: Bigyang hinuha ang mga sumusunod na na mga pahayag sa
pamamagitan ng pagdugtong sa mga ito.
1. Naging paboritong panghalili sa almusal ang pandesal dahil ______________.
2. Bakit pinaniniwalaang nakapagpapagaling sa sakit ang Pan de San Nicolas?
3. Naging pamantayan ang Pandesal ng ekonomiyang pambansa dahil _______.
4. Bakit itinuturing na pamana ng kolonyalismong Espanyol ang Pandesa?
5. Bakit hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Filipino ang
Pandesal?
Grade 7 Dep Ed La Carlota
LINGGO 23 - Pork Empanada
Layunin: Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa
napakinggang maikling kwento
Panuto: Ihambing ang katangian ng mga tauhan sa kwento gamit ang
Venn Diagram.
Batotoy katangian Tindera
Layunin: Nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kwento
Panuto: Bigyang hinuha ang naging katapusan ng kwento sa
pamamagitan ng pagdugtong sa di natapos na pangungusap. (5
puntos)
Sa aking palagay, matapos kumain nina batotoy at Nining ng PorkEmpanada,
sila ay _____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
Pagkakaiba
Pagkakatulad
Pagkakaiba
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng
pangungusap
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na mga salita.
1. Nagmumuni-muni =
2. Hinihimpilan =
3. Naghahagikhikan =
4. Malihis =
5. Pangungupit =
Layunin: Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik
ng pangngalan
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na panghalip sa pagbuo ng ng
mga makabuluhang pangungusap. Tukuyin kung ang panghalip
na ginamit ay bilang Anaporik o Kataporik.
1. Sila
2. Siya
3. Ito
4. Kanya
5. Kanila
6. Atin
Grade 7 Dep Ed La Carlota
LINGGO 24 - Pugad Baboy
Layunin: Natutukoy ang mga detalye ng isang isyu o paksa
Natutukoy ang sector na kinabibilangan ng ibang tauhan sa
akda
Nakikilala ang genre ng akdang napakinggan
Natutukoy at nailalarawan ang panahong pinangyarihan ng
akda
Panuto: Tukuyin kung sino ang nagsasalita sa mga dayalogong hango sa
komiks.
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Layunin: Nakasusulat ng tekstong naglalahad ng sanhi at bunga
Panuto: Sumulat ng tig-iisang talatang naglalahad ng sanhi at bunga ng
bawat komiks na binasa.
Grade 7 Dep Ed La Carlota
LINGGO 25 - Uri ng Balita
Layunin: Nakapagbabahagi ng ilang napapanahong balita na
napapanood o napakinggan
Nakasusuri ng iba’t ibang balita batay sa uri nito
Natatalakay ang iba’t-ibang uri ng balita
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot upang matukoy ang tamang uri
ng balita.
a. Panlibangan b. Pantahanan c. Pampalakasan
d. Buhat sa talumpati e. Pampulitikal f. Pambansa
g. Pang-edukasyon h. panlokal ___1. Balitang may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, at pelikula.
___2. Balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa.
___3. Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika
___4. Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at
kumpetisyong pampalakasan.
___5. Pangyayaring buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan,
seminar, o panayam.
Grade 7 Dep Ed La Carlota
LINGGO 26 - Pangwakas na Gawain
Layunin: Nasusuri ang mg salitang ginamit sa pagsusulat ng balita ayon
sa napakinggang halimbawa.
Panuto: Magparinig o magpabasa ng isang balita at ipasagot ang mga
katanungan sa ibaba.
1. Ano ang pamagat ng balita?______________
2. Ano ang sinasabi ng ulo ng balita?______________
3. Anong impormasyon ang nakapaloob sa unang talata?_______________
4. Anong impormasyon ang nakapaloob sa ikalawang talat?_____________
5. Sa lahat ng ibinigay na impormasyon, alin ang di mo makakalimutan?
Bakit?_____________________
Layunin: Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-
balita batay sa material na binasa
Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat puwang upang mabuo ang
diwa ng bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Balita Patas Nagbibigay ng impormasyon Kawilihan Nagtuturo Timbang Mambabasa/Tagapakinig Lumilibang Mga pangyayari Ganap na kawastuhan
1. Ang _______________ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga di
pangkariniwang pangyayari.
2. Ang mga salik na mahalaga sa isang balita ay __________, ___________, at
___________.
3. Mahalaga ang balita dahil ito ay ________________ at ______________.
4. Ang katangian ng isang mahusay na balita ay may _____________ at
__________.
5. Mahalaga sa isang balita ang pagiging ______________ o walang
kinikilingan.
Layunin: Naimumungkahi ang karagdagang impormasyon tungkol sa
mga hakbang sa pagsulat ng balita batay sa balitang napanood
sa telebisyon
Grade 7 Dep Ed La Carlota
Panuto: Isaayos ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga
hakbang sa pagsulat ng balita. Isulat ang titik A – E sa unahan
ng bilang.
___1. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang
pinakatampok.
___2. Mangalap ng mga datos o impormasyong hinggil sa isusulat na balita.
___3. Isulat ang buod.
___4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
batay sa pababang kahalagahan.
Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.
Layunin: Naisasagawa ang komprehensibong pagbabalita (news casting)
tungkol sa sariling lugar/bayan
Nagagamit sa pagbabalita ang kasanayan sa paggamit ng
makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter at iba pa
Panuto: Magbalita ng isang kakaibang pangyayari tungkol sa sariling
lugar/bayan.
Rubric:
10 - Pinakamahusay
8 - Mahusay
5 - Medyo mahusay