filipino prop

23
ANG PANAHON NG MGA PROPAGANDISTA Dy. David. Filipino 4

Upload: bianchi-dy

Post on 24-May-2015

1.390 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino prop

ANG PANAHON NG MGA PROPAGANDISTA

Dy. David.Filipino 4

Page 2: Filipino prop

Mariano Ponce

Page 3: Filipino prop

Mariano Ponce

Sagisang-panulat: Kalipulako, Naning, Tigbalang Araw ng Kapanganakan: 23 Marso 1863 sa Baliuag, Bulacan na

panganay sa pitong magkakapatid Ama: Mariano Ponce Ina: Maria Collantes de Los SantosBiograpiya: Nagtapos siya ng kanyang sekondarya na edukasyon sa pribadong

paaralan ng Juan Evangelista, Hugo Ilagan at Escolastico Salandanan sa Maynila.

Pumasok siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran kung saan siya ay nagtamo ng Bachiller en Artes noong 1885.

Lumipat naman siya sa UST para mag-aral ng medisina. Noong 1887, nagtungo siya ng Europa at pumasok sa Central na

Unibersidad ng Madrid kung saan siya ay nagtapos ng medisina noong 1889.

Page 4: Filipino prop

Mariano Ponce

Mga Akda at Tanyag na Gawain: Kasama sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at iba

pang mga bayani, sumali si Ponce sa kilusan para sa inaasam na reporma.

Tinulungan niya si Lopez Jaena sa pagtatatag ng La Solidaridad sa Barcelona noong 12 Pebrero 1889.

Siya ang namuno sa seksyon ng Panitikan ng Asosacion Hispano-Filipina, isang samahan ng mga liberal na Espanyol at Filipino na tumutulong sa kilusang Propaganda, kung saan, siya rin ang naihalal na kalihim.

Bilang tagapangasiwang-patnugot, nagsusulat si Ponce sa La Solidaridad ng tungkol sa kasaysayan, politika, sosyolohiya at paglalakbay sa ilalim ng iba't ibang mga sagisag-panulat.

Ang ilan dito ay ang Naning (ang kanyang Sagisang-panulat), Kalipulako (hango mula kay Lapu-lapu), at Tigbalang. Tumulong siya sa paglabas ng Filipino Celebres, isang serye ng talambuhay ng mga katangi-tanging Pilipino.

Page 5: Filipino prop

Mariano Ponce

Kinalaunan, gumawa rin siya ng Efemerides Filipinas, isang serye ng mga mahahalagang, makasaysayang pangyayari sa Pilipinas, na inilathala sa El Ideal, sa kolaborasyon ni Jaime C. de Veyra.

Nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896, siya ay ikinulong sa Barcelona sa loob ng 48 na oras o dalawang araw, sa hinala na siya ay may koneksyon sa nangyaring pag-aalsa.

Lumipat siya sa Pransiya upang maiwasan na muling mapagbintangan at naglayag papuntang Hongkong, kung saan siya ay naging kalihim ng Junta Revolucionaria.

Noong 1898, itinalaga siya ni Emilio Aguinaldo bilang diplomatikong kinatawan nang Unang Republika sa Japan.

Dumating si Ponce sa Yokohama noong 29 Hunyo 1898 upang humingi ng tulong sa Japan at upang bumili ng mga bala para sa Hukbo ng mga Pilipino.

Nakilala niya at naging kaibigan si Dr. Sun Yat-Sen, ang unang Presidente ng Republika ng Tsina, at si Jose Ramos Ishikawa, isang Pilipinong-Hapon.

Page 6: Filipino prop

Mariano Ponce

Dahil sa kanyang pagsusumikap, tumulong ang Hapon sa ipinaglalaban ng mga Pilipino. Sa kasamaang-palad, ang mga baril at bala ay hindi nakarating sa Pilipinas dahil sa nawasak ang barko na nagdadala ng mga ito, dahil sa isang bagyong dumating sa Formosa noong 21 Hulyo 1899.

Kasunod nito, si Ponce ay naglakbay sa Shanghai, Canton, Hangkow, Indo-Tsina, Cambodia at Siam.

Bumalik siya sa Maynila noong 1907, kasama ang kanyang Hapon na asawa na si Okiyo Udanwara.

Naging direktor siya ng El Renacimiento noong Pebrero 1909 at isa sa mga nagtatag ng El Ideal, ang pahayagan ng partido Nacionalista.

Siya rin ay nahalal na kongresista para sa ikalawang distrito sa Bulacan. Itinalaga rin siya ni Osmeña bilang tagapamahala ng lupon ng Komite sa Aklatan ng Kongreso ng Pilipinas na naglilipon ng Bibliografiya Parliamentaria.

Nang papunta sa Tsina upang bisitahin si Dr. Sun Yat-Sen, siya ay binawian ng buhay sa Civil Hospital sa Hongkong noong 23 Mayo 1918. Ang kanyang mga labi ay nasa Cementerio del Norte, Maynila.

Page 7: Filipino prop

Pascual Poblete

Page 8: Filipino prop

Pascal Poblete

Totoong pangalan: Pascual Hicaro; ang Poblete ay apelyido ng kanyang inay.

Araw ng Kapanganakan: 17 ng Mayo, 1857 sa Naic, Cavite

Ama: Francisco Hicaro Ina: Maria Poblete Biograpiya: Nag-aral sa Liceo de Manila kung saan nagtapos

siya ng Bachiller en Artes. Isa siyang manunulat at peminista.

Page 9: Filipino prop

Pascal Poblete

Mga Akda at Tanyag na Gawain: Unang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere. Dahil sa pagtatanghal ng kanyang dulang Amor Patria, siya at ang may-ari ng tanghalang

ginamit sa pagtatanghal ay nabilanggo, ngunit sila ay nakalaya rin. Si Ginoong Poblete ang nagtatag at naging patnugot ng pahayagang El Rusemen. Ginamit niya

ang pahayagang ito para tuligsain ang mga katiwalian at pang-aaping nangyayari sa ilalim ng mga Kastila na siyang naging rason ng pagkatapon niya sa Africa.

Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan) noong panahon ng mga Amerikano.

Isinulat din niya nag dulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na naging dahulan ng kanyang pagkakakulong muli.

Noong 1879 ay naging katulong siyang mamamahayag sa pahayagang La Oceana Espanola. Naging kolumnista siya ng Diariong Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na pinamatnugutan din niya nang umalis si del Pilar patungong Espanya.

Kasama rin siya ni del Pilar sa pahayangan Revist Popular na naglalathala ng mga artikulong iba-iba ang paksa na naglayong imulat ang kaisipan ng mga Pilipino.

Page 10: Filipino prop

Pedro Serrano Laktaw

Mga Akda at Tanyag na Gawain: Siya ang unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog

noong 1889. Kabilang siya sa mga propagandistang umuwi sa Pilipinas

upang bumuo ng Masonarya (Masonry). Itinatag niya ang Lohiyang Nilad. Sa Kilusang Propaganda,

siya ang may mithiing magkaroon ng demokratikong pamunuan, at gayon din ang pagkakaroon ng kalayaan at karapatan ng bawat tao, magkaroon ng kinatawan sa Korte ng España, maging lalawigan ng España ang Pilipinas at pagkakaroon ng mga pagbabago.

Sumulat din siya ng tungkol sa wikang Tagalog tulad ng Estudios Gramaticas at Sobre la lengua Tagala.

Page 11: Filipino prop

Jose Maria Panganiban

Page 12: Filipino prop

Jose Maria Panganiban

Sagisag-panulat: Jomapa, J.M.P. Araw ng Kapanganakan: 1 Pebrero 1865 sa Mambulao (ngayon

ay Maria Panganiban), Camarines Norte na panganay sa tatlong magkakapatid.

Ama: Vicente Panganiban (taga-Hagonoy, Bulacan) Ina: Juana Enverga (taga Mauban ---ngayon

Quezon---,Tayabas) Biograpiya: Mula sa murang edad ay mahilig na si Panganiban na magbasa

ng cartilla, caton at catecismo sa ilalim ng pagtuturo ng kanyang ina. Sa isang pagkakataon ay nahanap siya ng inay niya sa ilalim ng puno na may hawak-hawak ng librong Don Quixote.

Page 13: Filipino prop

Jose Maria Panganiban

Namatay ang kanyang ina nang bata pa lamang si Pangaiban, kaya ang nag-alaga sa kanya ay ang kanyang ama, ang kerk ng Daet, ang kapitolyo ng kanilang probinsya. Ipinadala siya ng kanyang ama sa seminaryo ng Nueva Caceres (Naga), kung saan siya ang naging protégé ng rector na si Fr. Santonja. Mabilis siyang natuto ng kanyang mga asignatura, at gumaling siya sa pagsulat.

Dahil sa kanyang galing sa pagsusulat at pagmumulat ng kanyang mga kaisipan ay pinarangalan siya ni Gob. Hen. Domingo Moriones na bumisita sa kanilang probinsiya at narinig magsalita si Panganiban sa isang programa ng kaniyang paaralan.

Si Fr. Santoja ang nagrekomenda kay Panganiban noong mag-aral ito sa Colegio San Juan de Letran. Nagtapos si Panganiban dito ng Bachiller en Artes. Nagtapos naman siya ng medisina sa UST, habang nag-aaral ng mga kursong bokasyonal na ukol sa agrikultura sa Letran. Noong 1885, siya ay naging isang eksperto sa agrikultura.

Mga Akda at Tanyag na Gawain: Isinulat niya ang A Nuestro Obispo para kaya Obispo Francisco Gainza noong Abril,

1878. Nanalo siya sa mga pampanitikang paligsahan habang nasa UST; ang una niyang

napanalunan na paligsahin ay noong 1885 (pangalawang pwesto).

Page 14: Filipino prop

Jose Maria Panganiban

Nanalo naman siya ng unang gantimpala para sa bawat isa sa kanyang mga akda ukol sa General Pathology, Therapeutics, at Surgical Anatomy. Si Fr. Gregorio Echevarria, ang rector ng Unibersidad, ay pinalimbag ang kanyang mga akda at ipinakita ang mga ito sa Exposition ng 1887 sa Madrid.

Nagtungo siya sa Espanya noong Mayo 1888 para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa medisina sa Unibersidad ng Barcelona, kung saan nakilala niya ang mga ibang propagandista. Sumali siya sa mga organisasiyon kagaya ng Asociacion Hispano-Filipino at ang La Solidaridad.

Isa siya sa mga pumirma noong 25 Abril 1889 sa petisyon sa Ministro ng mga Koloniya ng Espanya, na humingi ng pagkarepresenta ng Pilipinas sa Spanish Cortes.

Maramig siyang mga natutuhang linggwahe habang nasa Espanya. Naisalin niya sa Kastila ang libro ng taga-Aleman na manunulat na si Carl Julius Weber na mag pangalang Die Religio und Die Religionen.

Gamit ang mga sagisag-panulat, nagsuluat din siya ng mga artikulong El Pensamiento, La Universidad de Manila: Su Plan de Estudio, at ang Los Nuevos Ayutamientos de Filipinas, na naisama sa La Solidaridad. Sa El Pensamiento, nagsulat siya ukol sa kalayaan ng mga manunulat at mambibigkas habang sa La Universidad ay tinuligsa niya ang edukasyon sa ilalim ng mga Kastila.

Nagsulat din siya ng mga maikling-katha at tula, kagay ng Ang Lupang Tinubuan, Noches en Mambulao, Sa Aking Buhay, Bahia de Mambulao, La Mejerde Oro, at Amor Mio. Ang kanyang mga kwentong Clarita Perez at Kandeng ay ipinalimbag sa La Solidaridad pagkatapos niyang mamatay.

Page 15: Filipino prop

Jose Maria Panganiban

Nagsulat siya ng mga liham sa mga propagandista na ituloy ang pagtratrabaho para makuha ang kalayaan. Namatay siya noong 19 Agosto 1890, sa boarding house niya sa No.2 Rambla de Canaletas, Barcelona at inilibing sa no. 2043 sa Southwest Cemetery ng Barcelona.

Si Dr. Domingo Abella, isang historian, ang naghanap ng kanyang mga labi at ang nagbalik ng mga ito sa Pilipinas.

Page 16: Filipino prop

Dr. Pedro Paterno

Page 17: Filipino prop

Dr. Pedro Paterno

Araw ng Kapanganakan: 27 Pebrero, 1858, isa sa 13 na magkakapatid Ama: Don Maximo Paterno Ina: Donya Carmen de Vera Ignacio Biograpiya: Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila. Ipinagpatuloy pa rin niya

ang pag-aaral sa Unibersidad de Salamanca. Dito niya kinuha ang mga kursong Pilosopiya at Teolohiya, pagkatapos ay lumipat siya sa Unibersidad Central ng Madrid na kung saan naman ay nagtapos niya ang pagkadalubhasa sa batas noong 1880.

Siya ay tinaguriang tagapamagitan sa mga Kastila at Pilipino upang makamit ang mapayapang pakikitungo sa mga Kastila. Ayon sa kanya, dahil sa Espanyol ay kulang-kulang ng isang daang taong may pagkakaugnayan sa Pilipinas. Subalit ito ay mahigpit na tinutulan ng mga tao sapagkat nais nilang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng bansang Pilipinas.

Mga Akda at Tanyag na Gawain: Siya ay isa sa mga Pilipinong propagandista sa Espanya. Noong 1882,

napagtagumpayan niyang maalis ang monopolyo sa tabako sa bansang Pilipinas. Bilang makataa, siya ang kauna-unahang Pilipino na sumulat ng isang opera sa

wikang Pilipino, sang Sandugong Panaginip. Nilikha rin niya ang mga aklat na tula na Sampaguitas y Poesias Varias at Poesias Lyricas y Dramaticas.

Page 18: Filipino prop

Dr. Pedro Paterno

Noong himagsikan, siya ay sumanib kung kaya'y isa siya sa sa mga prominenteng tao noong ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas.

Siya ay hinirang na Pangulo ng Kongreso sa Malolos noong Setyembre 15, 1898, at siya ang namuno sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong.

Nang bumagsak sa kamay ng mga kaaway ang Malolos, iminungkahi ni Paterno ang pakikipagsundo ng mga Pilipino at Amerikano. Nagsagawa siya ng dalawang araw na kapistahan (Hulyo 28 at Hulyo 29) na kung saan ay isa sa mga pangunahing pandangal ay si Heneral Arthur MacArthur at ilang opisyal ng Taft Commission.

Subalit ikinagalit ng mga Amerikano ang pagbabandera sa larawan ni Presidente Aguinaldo at ipinakumpiska ang mga ito.

Si Pedro Paterno ay nahalal na kinatawan ng Unand Distrito ng Laguna para sa Unang Asemblea ng Pilipinas noong Oktubre 16, 1907. Siya ay namatay sa edad na 53 noong Marso 11, 1911 sa sakit na kolera.

Page 19: Filipino prop

Isabelito delos Reyes

Page 20: Filipino prop

Isabelito delos Reyes

Anak ni Elias delos Reyes at ni Leona Florentino (ang unang makatang babae ng Ilocos Sur)

Kabilang siya sa tatlong panahon ng Panitikang Tagalog sa Panahon ng Propaganda, Panahon ng Himagsikan at Panahon ng mga Amerikano.

Tinagurian siyang Ama ng Sosyalismo sa Pilipinas at Ama ng mga Iloko.

Isa siyang mamahayag, manunulat, manananggol at pinuno ng mga mangagawa.

Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente. Nagtamo siya ng gantimpala sa Exposition sa Madrid dahil sa kanyang El Folklore Filipino.

Ang ilan sa mga akda niya ay ang Las Islas Bisayas en la Epoca de la Conquista, Historia de Ilocos, La Il Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina, Ang Singsing ng Dalagang Marmol, at iba pa.

Page 21: Filipino prop

Fernando Canon

Araw ng Kapanganakan: 6 Agosto 1860 sa Binan, Laguna Ama: Isang mangagawa ng mga relo Ina: Isang may-ari ng lupa Biograpiya: Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila kung saan naging kaklase

niya si Jose Rizal, at kung saan nagtapos siya noong 1876. Nagtungo siya sa Espanyan noong 1877, at nakagawa ng mga iba’t

ibang teknolohiya kagaya ng isang baril na kayang humawak ng pitong bala.

Nagtapos siya sa Real Escuela de Ingenieros Electricistas ng Barcelona ng kursong pag-iinhinyero.

Magaling siyang magsulat ng mga tula at kundiman. Mga Akda at Tanyag na Gawain: Siya ang nagdala ng kopya ng Noli Me Tangere sa Pilipinas noong 1888.

Siya rin ay naging propagandista, at ang naging pinuno sa pag-lagay ng mga linya sa Caloocan, Rizal at Malolos, Bulacan.

Page 22: Filipino prop

Fernando Canon

Ginawa siyang Direktor ng Public Works ni Hen. Emilio Aguinaldo sa pagbalik ng mga rebolusionariyo mula sa Europa noong 1898.

Nagturo siya ng arkitektura sa Liceo de Manila.

Page 23: Filipino prop

Sanggunian

 Sanggunian: Filipinos in History. Vol II. Philippine

Theater. Manila: National Historical Institute, 1990.

Quirino, C(1995). Who’s who in Philippine History. Manila: Tahanan Books.