filipino project

14
Pamagat: Ang Paghahanda Buod: Isang gabi, nagpaalam si Tonyo na pupunta siya sa kabilang nayon upang umakyat ng ligaw sa matagal na niyang iniibig na si Celia. Nang makarating na ito sa bahay ni Celia ay agad niya itong tinanong tungkol sa matamis na oo ng dalaga. Sa pakakataong ito ay nakuha na niya ang sagot ng dalaga. Tuwang-tuwa si Tonyo at dali daling umuwi sa kanilang bahay upang ibalita ito sa kanyang magulang. Sa daan, habang siya’y papauwi, pinili niya ang daan kung saan malapit sa kanilang bahay ngunit ito ay madamo at madilim. Maya maya ay naramdaman niyang may tumuklaw sa kanyang paa. Tinutukan niya ito ng flashlight at nakita niya ang ahas na gumagapang palayo sakanya. Agad niyang sinugatan ang parteng may tuklaw at pinadugo niya ito. Pagdating sa bahay ay hinugasan niya ito. Hindi na siya nagabalang gisingin pa ang kanyang mga magulang tutal gabi na at malayo pa ang bayan kung siya’y magpapaggamot. Ang tanging paraan na lamang na kanyang ginawa ay manalangin. Hiningi niya sa diyos na kahit ano mang mangyari sakanya ay huwag pababayaan si Celia. Sinabi niya rin na kahit ano man ang mangyari sakanya ay lubos niya itong tatanggapin. Pagkaumaga, laking pasalamat na lamang niya dahil buhay pa siya. Alin Bahagi ng akda ang nagustuhan mo? - Ang nagustuhan ko ditto sa kwento ay yung laks ng loob ni Tonyo kahit tinuklaw siya ng ahas. Pinagkatiwala niya ang kanyang kapalaran sa poong maykapal. At kahit ano man ang mangyari ay tanggap niya kung anu man ang mangyari sakanya.

Upload: xylaxander

Post on 03-Oct-2015

61 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

FilipinoSchool WorksCompositionOwn WorkProject

TRANSCRIPT

Pamagat: Ang Paghahanda Buod:

Isang gabi, nagpaalam si Tonyo na pupunta siya sa kabilang nayon upang umakyat ng ligaw sa matagal na niyang iniibig na si Celia. Nang makarating na ito sa bahay ni Celia ay agad niya itong tinanong tungkol sa matamis na oo ng dalaga. Sa pakakataong ito ay nakuha na niya ang sagot ng dalaga. Tuwang-tuwa si Tonyo at dali daling umuwi sa kanilang bahay upang ibalita ito sa kanyang magulang. Sa daan, habang siyay papauwi, pinili niya ang daan kung saan malapit sa kanilang bahay ngunit ito ay madamo at madilim. Maya maya ay naramdaman niyang may tumuklaw sa kanyang paa. Tinutukan niya ito ng flashlight at nakita niya ang ahas na gumagapang palayo sakanya. Agad niyang sinugatan ang parteng may tuklaw at pinadugo niya ito. Pagdating sa bahay ay hinugasan niya ito. Hindi na siya nagabalang gisingin pa ang kanyang mga magulang tutal gabi na at malayo pa ang bayan kung siyay magpapaggamot. Ang tanging paraan na lamang na kanyang ginawa ay manalangin. Hiningi niya sa diyos na kahit ano mang mangyari sakanya ay huwag pababayaan si Celia. Sinabi niya rin na kahit ano man ang mangyari sakanya ay lubos niya itong tatanggapin. Pagkaumaga, laking pasalamat na lamang niya dahil buhay pa siya.

Alin Bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ang nagustuhan ko ditto sa kwento ay yung laks ng loob ni Tonyo kahit tinuklaw siya ng ahas. Pinagkatiwala niya ang kanyang kapalaran sa poong maykapal. At kahit ano man ang mangyari ay tanggap niya kung anu man ang mangyari sakanya.

Ano ang repleksiyon mo sa iyong binasa? Para saakin, maganda ang nagging mensahe ng kwento. Ang natutunan ko dito ay kahit ano man ang mangyari ay dapat tayong magtiwala sa diyos at tanggapin ito ng buong puso.

Pamagat: Kakaba-kabang Kabataang Pilipino

Buod: Ang mga kabataang Pilipino na sanay magtataguyod saating bansa ay unti- unting nawawala at natataliwas na sa tamang daan. Karamihan sa mga ito ay nasasangkot sa di kanais nais na gawain sa ating lipunan. Halimbawa na lamang ng mga kabaatang nagnanakaw, nalulong sa sigarilyo, mga biktima ng panggagahasa at iba pa. Marahil nangyayari ang mga itp dahil sa kahirapan. Minsan naman pamilya ang dahilan kung bakit sila nasasangkot sa mga ganitong sitwasyon. Ang pamilya na dapat sana ay magaaruga sakanila. Pero paano nga ba natin ito masusugpo? Ayon sa sanaysay na ito kailangan lamang natin magsimula sa sariling pagdidisiplina. Hindi lamang ang mga kabataan pero pati narin sa mga nakatatanda na siyang dapat gumagabay sa mga ito. Alalahanin natin ang panata natin sa ating bansa. Laging isaisip at isagawa ang panatang paulit ulit na binigbigkas simula ng tayo ay bata pa lamnag. Ibigin natin ang Pilipinas dahil ito ang tahanan ng ating lahi, sundin natin ang payo ng ating mga magulang, tuparin natin ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan. Sa ganitong paraan, unti unti nating maibabangon muli ang ating bansa at maitaguyod ang isang PAMILYANG PILIPINO. Tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan at simulan natin ang pagbabago.

Alin bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ang bahagi na nagustuhan ko dito ay yung paraan na pagpapaalala satin na tayong mga Pilipino ay kaylangan ng pagbabago upang maiangat natin ang ating bansa. Kailangan ng mga kabataan ngayon ng tulong upang maitama ang kanilang landas.

Ano ang repleksiyon mo saiyong binasa? Para saakin, maganda ang mensahe ng akda dahil nagpukaw nito ang aking damdamin kung ano nga ba talaga ang nangyayari saating lipunan. Kaylangan natin ng pagbabago.

Pamagat: Ang Pagbabalik

Buod: Isang araw, ang magkumapareng si Kadyo at Jose ay nagsasaka sa kanilang palayan. Magtatanghalian na kung kayat tumigil na muna sila upang magpahinga at mananghalian. Pagkatapos nilang kumain ay nagkwentuhan muna sila. Maya maya may kumagat sa paa ni Jose, dali daling sinugatan ni Kadyo yung parteng tinuklaw at pinadugo niya ito. Tinanong ni Jose kung ano daw yung kumagat sakanya dahil hidi niya agad ito nakita. Hindi ipinagtapat ni Kadyo na ahas ang kumagat dito at sinabing isang ligaw na daga iyon. Wala naman nangyaring masama ki Jose noon. Nagabroad si Jose upang magtrabaho. Makalipas ang dalawang taon at umuwi na si Jose galing ibang bansa. Inanyayahan niya si Kadyo sa kanilang bahay upang magkamustahan at magkwentuhan. Habang silay nagkwekwentuhan ay naalala nila ang nangyari noong sila ay nasa bukid. Ipinagtapat na ni Kadyo an ang kumagat talaga noon kay Jose ay isang ahas. Hinimatay si Jose at hindi na umabot pa sa hospital na buhay.

Alin bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Bilang isang mambabsa, nagiwan ito ng katanungan sa aking isip. Bakit kaya hindi sinabi ni Kadyo kay Jose ang totoo? ngunit gayun pa man ay nabigyan ri ako ng linaw saaking katanungan kung kayat nagustuhan ko ito. Ano ang repleksyon mo saiyong binasa? Para saakin, maganda ang mensahe na nais ipabatid ng may akda. Dapat na lamang tayong mag-ingat sa mga ganitong sitwasyon at alamin ang mga posibleng mangyari kung tayo ay magsasalita at gagawa ng aksyon.

Pamagat: Hubad na Pangarap

Buod: May isang bata na naghahanap ng kanyang lugar sa mundo. Siya ay laki sa hirap, natutulog lamang siya sa lansangan at halos walang makain. Ginusto niya ring makaranas ng mga bagay na di niya nararanasan. Nais niyang makapag-aral, ng sa gayon daw ay magkaroon siya ng halaga sa lipunan. Nais niya rind aw makakain sa Jollibee at Mcdo dahil doon daw nahahanap ang masasarap na pagkain. Inaasam niya rin ang pagkalinga ng kanyang amat ina. Sa malawak na mundong ito, may tao rin kayang nakakaisip ng kanyang kalagayan at mithiin sa buhay?. Siyay isang bata na may pangarap at adhiksin ngunit walang nakakapansin.

Alin Bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ang nagustuhan ko dito ay yung pagpukaw sa damdaming nating mga mambabasa na kahit bata pa lamang ay marami na siyang mithiin at pangarap sa buhay. Kaylangan silang bigyan paansin dahil sila ang mas nangangailangan ng tulong galling satin

Ano ang repleksiyon mo saiyong binasa? Nang mabasa ko ang akdang ito, naawa ako sa mga batang hindi makapagaral at walang makain ng maayos. Wala sa kanilang nagaalaga. Maswerte tayo dahil kahit papaano ay nakakapagaral tayo ng mabuti at kumakain tayo ng tama sa oras. KAylangan nating pahalagahan ang mga bagfay naa ating natatamasa dahil hidi lang natin napapansin na may mga taong walang wala. Ipagpasalamat natin kung anong meron tayo.

PAMAGAT: Kanser sa Baga: Ano ang dpat mong malaman tungkol dito?

Buod:

Ayon dito, ang kanser sa baga ay nagsisimula sa matinding paninigarilyo. Minsan ay marahil nanggaling rin ito sa ibang parte ng katawan at kumakalat ito hanggang baga. Bukod pa rito, ang sintomas ng kanser sa baga ay hindi agad agad natutuklasan dahil karaniwan ay nakikita ito s edad na labing limang taong gulang pataas. Kaya importatnte na maaga pa lamang ay huwag ng hayaan ang sarili na malulong sa paninigarilyo. Maswerte tayo dahil sa mga makabagong teknolohiya para madugtungan ang buhay ng bawat isa. Pero hidi ito nangangahulugan na maging pabaya tayo saating kalusugan. Gayunpaman, mahirap muli sa normal na buhay ang taong may kanser sa baga. Kaya dapat tandaan na upang hidi humantong sa kanser sa baga ay HUWAG MANIGARILYO!. Umiwas rin tayo na makalanghap ng usok nito. Pangalagaan natin ang ating mga sarili.

Alin Bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ang nagustuhan ko sa akda ay yung pagpapaalala at pagbibigay nito ng impormasyon upang makaiwas tayo sa anumang sakit.

Ano ang repleksiyon mo sa inyong binasa? Para saakin, maganda ang akdang ito. Maaari itong basahin ng sinuman upang maging aware tayo sa ating kalusugan habang maaga pa. Kaylangan nating alagaan ang ating sarili.

Pamagat: Ang Santo Nio ng CebuBuod: Ayon dito, ang Santo Nio ay sinasabing pinakamatandang imahe sa buong Pilipinas. Nakarating ito sa Cebu dahil dala ito ng mga Europeo at binigay ito sa asawa ni Rajah Humabon ng itoy binyagan. Napagpasyahan niyang ipalit ang imaheng ito sa kanyang sinasambang anito. Ayon sa kwento, nag Santo Nio ay isang anito ng ulan at ipinuprusisyon ito upang humhingi ng ulan. Makaraan ang 44 na taon, nagkaroon ng ekspidisyon si Miguel Lopez de Legazpi sa nasunog na pamayanan ng Cebu at dito niya nakita ang imahe ng Santo Nio. Para sakanya, isa itong milagro at napagpasyahan niyang itayo muli ang lungsod. Nagpatayo siya ng simbahan para dito. Simula noong\ ay itinuturing na itong milagrosong imahen kung kayat ipinagdiriwang natin ang kanyang kapistahan tuwing Enero.

Alin Bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ang nagustuhan ko dito, ay yung nalaman ko kung saan talaga nanggaling at kung paano napunta dito sa Pilipinas ang imahe ng Santo Nio.

Ano ang repleksiyon mo sa inyong binasa? Para saakin, ito ay isang magandang akda para sa kahit na sino dahil natutunan ko kung kung paano siayb napunta sa Pilipinas at kung paano siya nagmemelagro. Isa itong paraan upang muli nating maalala ang kahalagahan ng pagadating ni Santo Nio saating mga Pilipino at Kristiyano.

Pamagat: Ang Kababaihan Noong Unang Panahon

Buod: Ang pananaw na ang mga lalaki ay mas mataas kaysa sa mga babae ay nagmula sa paniniwalang katoliko. Sinasabi dito na ang mga babae ay nanggaling lamang sa tadyang ng mga lalaki. Lalo pa itong lumaganap dahil sa malawakang pandarayuhan ng mga Kastila na naniniwala rin sa ganitong pananaw. Ngunit, kahit ganito man ang pagtingin sa mga babae noon ay hindi sila nagpadala sa ganitong uri ng sitwasyon. Isang halimbawa nito ay ang pagpoprotesta ng mga babae sa isang pabrika. Salat man sila sa edukasyon at karapatanng pambabae ay naglakas loob parin silang maipahayag ang kanilang panig. Nagpadala sila sa gobernador-heneral ng petisyon na payagan silang makapagaral, magkaroon ng negosyo at mamahala sa hacienda na meron sila.

Alin bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ang nagustuhan ko rito ay yung kahit mababa ang tingin sa mga babae noon ay hindi sila nagpadala rito bagkus ay ipinaglaban nila ang kanilang mga hinaing. Hindi sila natatakot na maipahayag ang kanilang panig.

Ano ang repleksiyon mo sa iyong binasa? Para saakin, maganda ang adang ito dahil sa mensaheng hatid nito sa mambabasa. Nagbibigay ito ng impormasyon na ang mga babae pala noon ay hindi masyadong iniintindi ng karamihan at ginagawa silang alipin kung minsan. Napagtanto ko na maswerte tayo ngayon dahil sinisikap n gating lipunana na lahat ay maging pantay, babae man o lalake.

Pamagat: Ang Mga Pilipino sa Galyon

Buod: Noong unan panahon, sinsabi na ang mga Pilipino ay naging bahagi ng mga Galyon. Nagsilbi silang mga marino sa mga barkong Pilipinas papuntang Mexico. MAkaraan ang mga taon, mas pinili ng mga Pilipino na manirahan na lamang sa isang lugar sa Mexico na tinatawag na Louisiana. Dito sila nagsimulang mamuhay. Sila ay nangingisda. Di lumaon ay naging popular ang Louisiana dahil sa malawakang pangingisda at patayuan ng hipon. Nang nagkaroon ng himagsikan ang mga Pilipino laban sa mga kastila ay dito sila humingi tulong pinansiyal. Sinikap nilang baguhin ang kilos at asal ng mag kababaihan na dala ng mga Europeo ngunit sa huli ay hindi sila nagtagumpay.

Alin bahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ang nagustuhan ko dito ay dahil sa pagpapapaunlad ng mga Pilipno ng kanilang kabuhayan sa ibang lugar ay nakatulong sila sa panghihimagsik ng Pilipino laban sa mga Kastila. Ano ang repleksiyon mo sa iyong binasa? Para saakin, ipinapakita lamang sa akdang ito na isang malaking bagay na tayong mga Pilipino ay dapat na magtulungan kahit saan man tayo mapunta. Kahit ano man ang ating kakahinatnan ay dapat tayong magkaisa.

Pamagat: Ang Laban ng mga Lolang Tinaguriang Comfort WomenBuod: Ang Pilipinas tulad ng ibang bansa ay nakaranas rin ng matinding pangaabuso ng mga dayuhang Hapones. Noong panahon ng digmaan ay laganap ang sinasabing mga Comfort Women kung saan ang babae ay nakararanas ng matinding sekswal na pangaabuso galing sa mga militar na Hapones. Si Lola Rosa Luna Henson ay ang kauna unahang babae na lumantad na siya ay naging isang comfort women. Inilahad niya ang kanyang mapait na sinapit at ito rin ang nagtulak sa kanya upang humingi ng hustisya. Kasama ang iba pang mga kababaihan, Si Lola rosa ay umapela sa gobyerno ng Japan. Inamin ng Japan na meron talagang mga comfort women noon ay hindi pa rin sila humihingi ng opisyal na kapatawaran sa mga babaeng kanilang nabiktima. Binigyan lamang nila ang mga ito n pansamantalang organisasyon na tututlong sakanila. Tinanggap ito ng mga comfort women dahil nangangailangan talaga ng susuporta sa kanilang pangangailangan dahil sila ay matatanda na at masasakitin pa. Pero para sakanila ay naniniwala parin sila na wala pa parin ang hustisyang kanilang hinihingi dahil hindi pa ganap ang tulong pinansyal na ito at hindi parin humihingi ng opisyal na kapatawaran ang opisyal ng pamahalaaan ng Japan. Ang tangin hangad lamang nila sa ngayon ay ang makamit muli ang kanilang dignidad at karapatang pantao.

Alinbahagi ng akda ang nagustuhan mo? Ag nagustuahn ko sa akdang ito ay kahit na maytindi ang sinapit ng mga Comfort Women ay gumawa parin sila ng paraan upang maibalik ang kanilang dignidad at pagkatao.

Ano ang repleksiyon mo saiyong binasa? Nang mabasa ko ang akdang ito ay naawa ako sa mga babae noon dahil talagang naging matindi ang kanilang sinapit. Maswerte tayong mga kababaihan ngayon dahil meron na tayong proteksyon laban sa mga pangaabuso.

Pamagat: Jose BurgosBuod: Si Jose Burgos ay isa sa tatlong paring martyr na nagbigay ng malaking kontribusyon para saating bansa. Siya ay matalino, masipag, at makabayan. Ipinaglaban niya ang karapatan ng mga Pilipino. Isa sa nilahukan niyang kilusan ay ang kilusang sekularisasyon na naglalayong ilipat ang pamamahala ng mga parokya sa mga paring sekular na sakanilang palagay ay higit na nakababatid sa mga panganagilangang espiritwal ng mga mamamayan. Nang malaman ito mga kastila ay gumawa sila ng paraan upang mapigilan ang kilusan ng mga pari. Sinamantala ng mga kastila ang isang pangyayari kung saan ay nagkaroon ng pagaalsa ang mga Pilipino. Dahil dito, sila ang hinihinalaan na nagudyok sa mga ito. Si Padre Burgos , kasama pa ang dalawang pari ay hinusgahan sa hukuman at hintulan ng bitay.

Alin bahagi ng kwento ang nagustuhan mo? Ang nagustuhan ko dito ay ang kabayanihang ginawa ni Padre Buros para saating mga Pilipino.

Ano ang repleksiyon mo sa iyong binasa? Para saakin, kahanga hanga ang ginawa ni Padre Burgos kasama pa ng ibang paring nagtanggol saatin. Sila ay tunay na bayani.