filipino 8 elemento ng alamat

13
ELEMENT O NG ALAMAT

Upload: jmpalero

Post on 17-Feb-2017

1.731 views

Category:

Education


75 download

TRANSCRIPT

ELEMENTO NG

ALAMAT

ANO BA ANG

ALAMAT?

ALAMATIto ay isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay o nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. Maaaring magpaliwanag ito kung paano pinangalanan o kung bakit nagkaroon ng ganoong pook o bagay. Ito ay karaniwang kathang-isip at ito ay pasalin-dila mula pa sa panahon ng ating mga ninuno.

BANGHAY NG ALAMAT

Ang banghay ng alamat ay maaaring maging payak o komplikado. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay hindi makatotohanan bagama’t may mga pangyayari ritong kakikitaan ng mga kultura ng mga Pilipino, gayundin ang mga gintong-aral na laging nakapaloob sa mga panitikan kagaya nito.

BANGHAY NG ALAMAT

SimulaDito pinapakita ang mga tauhang gagalaw o gaganap sa alamat at ang papel na kanilang gagampanan sa alamat, kung sila ba ay bida o kontrabida. Makikita rin dito ang tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o ng mga eksena na naghahayag ng panahon, oras at lugar

BANGHAY NG ALAMAT

GitnaDito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito nakapaloob ang mga dayalogo, o ang usapan ng mga tauhan. Dito rin makikita ang tunggalian ng mga tauhan, at ang kasukdulan, kung saan dito iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ba ay kasawian o tagumpay

BANGHAY NG ALAMAT

WakasDito makikita ang kakalasan, o ang pagbaba ng takbo ng istorya. Dito rin mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di-inaasahang naganap. Makikita naman sa katapusan o wakas, ang kahihitnan ng kuwento, kung ito ba ay magtatapos ng masaya, malungkot, pagkapanalo o pagkatalo

KATANUNGAN:Ano kaya ang mangyayari kung hindi taglay ng isang alamat ang alinman sa mga nabanggit na elemento? Ipaliwanag.

KATANUNGAN:Sa iyong palagay o opinyon, bakit karaniwang nagkakaroon ng kaparusahan o namamatay ang pangunahing tauhan sa mga alamat?

KATANUNGAN:Bakit mahalagang maging maayos ang banghay ng isang akda? Paano ito makakatulong upang matiyak na maayos din ang magiging daloy ng pangyayari sa babasahin?

KATANUNGAN:Bagama’t ang alamat ay mga kathang-isip lamang, masasabi mo bang makatotohanan ang mensaheng hatid nito sa ating mga buhay? Bakit?

KATANUNGAN:Kung ikaw ay isang guro, hihikayatin o ituturo mo rin ba sa iyong mga mag-aaral ang pagbabasa at pagpapahalaga sa mga alamat? Bakit?

PAGSULAT NG JOURNAL

Paano nakakatulong ang pagbasa o pag-unawa sa mga alamat upang maipalawanag ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, o pangyayari sa kasalukuyang panahon?