elemento ng mk

8
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Upload: byng-sumague

Post on 25-Jul-2015

98 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Elemento ng mk

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Page 2: Elemento ng mk

Banghay 

tumutukoy sa maayos, kawing-kawing

at magkakasunod na mga pangyayari.

Paningin 

pananaw na pinagdaraanan ng mga

pangyayari sa isang kwento.

Page 3: Elemento ng mk

Paksang-diwa o tema 

tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha.

Ito ang sentral na ideya ng kwento na

naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay

hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala

lamang kundi sabihin ito sa isang buong

pangungusap.

 

Page 4: Elemento ng mk

Himig 

ito‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin.

Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba

pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan

ng damdamin.

Salitaan 

ang usapan ng mga tauhan. Kailangang

magawang natural at hindi artipisyal

angdayalogo.

Page 5: Elemento ng mk

Suliranin 

mga problemang kinakaharap ng mga tauhan

sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang

magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga

pangyayari sa kwento. Dito makikita kung

paano kakaharapin ng mga tauhan ang

paglutas sa suliraning kinakaharap.

Page 6: Elemento ng mk

Tunggalian 

ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang

lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga

panggyayari. Nagsisimula ito sa paghahangad ng

pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o

anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling

lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng

layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at

kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.

Mga uri ng Tunggalian: 

a.tao laban sa tao b. tao laban sa sarili c. tao

laban sa kalikasan

Page 7: Elemento ng mk

Kasukdulan 

 dito nagwawakas ang tunggalian.

Pinakamasidhing pananabik ang madarama

ng mga mambabasa sa bahaging ito

sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran

ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito

ng kasabikan, kailangan maguyan muna ang

pananabik ng mambabasa sa isang lundo na

sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang

pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing

tauhan.

Page 8: Elemento ng mk

Kapananabikan 

nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng

bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang

pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa

bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng

pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

Kakalasan 

ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa

akda.