Download - RA 1425
Mga Hamon at Pakikibaka:
Si Claro M. Recto at ang
Batas Rizal
nina
G. Jely A. Galang
Bb. Janet S. Reguindin
Panimula
Sa bisa ng R. A. 1425 (Batas Rizal), mahigit 50 taon nang kinukuha ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang kursong tumatalakay sa buhay at mga akda ni Jose Rizal.
Mahalagang balikan ang konteksto ng pagpapanukala at ang mga naging kaakibat na isyu sa pagsusulong nito.
Tatalakayin sa presentasyong ito ang krisis-panlipunan na kinaharap ng mga Pilipino matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Bibigyang-diin ang mga aspetong
pampulitika, pangmilitar at pang-
ekonomiya
Ilalahad ang papel na ginampanan ng
dating Senador Claro M. Recto upang
matugunan ang mga nasabing suliraning
panlipunan
Ang Pilipinas Matapos ang
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
(1) Nagpatuloy ang dominasyon ng
Estados Unidos sa Pilipinas partikular na
sa aspetong pampulitika, pangmilitar at
pang ekonomiya
(A) Pampulitika
Batay sa Batas Tydings McDuffie, ipagkakaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan ng Pilipinas matapos ang sampung taong transisyon sa ilalim ng Commonwealth (1935-1945)
Subalit dahil sa Okupasyong Hapon (1942-1945), nabinbin ang pagkakaloob ng kasarinlan ng Pilipinas na ipinahayag lamang noong July 4, 1946.
Pumasok ang Pilipinas sa iba’t ibang kasunduan sa Estados Unidos na nagbigay-daan sa patuloy na pangingibabaw ng dayuhang bansa.
(B) Pang-ekonomiya
Bell Trade Act (1946)
Mga probisyon:
Parity rights
Eksportasyon ng produkto ng Pilipinas sa US,
halimbawa ay asukal
Pagbababa ng taripa sa mga imports ng Pilipinas
mula sa US.
Pagkakatali ng halaga ng piso sa dolyar
(C) Pangmilitar
Military Assistance Agreement (1946)
Military Bases Agreement (1947)
Mutual Defense Pact (1951) pananatili ng mga base militar sa Pilipinas sa
loob ng 99 taon nang walang upa. Kabilang dito
ang Subic at Clark.
Extraterritoriality
paglalagay ng mga tagapayong Amerikano sa
pamamagitan ng:
1. Central Intelligence Agency(CIA)
2. Joint US Military Advisory Group
(JUSMAG)
(2) Patuloy na pakikibaka ng mga Pilipino para sa tunay at ganap na pagbabagong Panlipunan
(A) pagkilos ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon
– paghiling ng mga pagbabago para sa katarungan at makatwitrang pamamahagi ng
yaman
(B) Partido Komunista ng Pilipinas
– naglunsad ng mga natatanging organisadong kilusang bayan na naghangad ng pagbabagong
panlipunan
(C) Hukbong Mapagpalaya ng Bayan
- ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng radikalismo laban sa neokolonyalismo at imperyalismo;
“We, too, can prosper, as other nations which have become free and have known how to rely on
themselves with dignity and self-respect have prospered. Our
people deserve a better fate, a destiny realized in happiness and
freedom…”
- Claro M. Recto
Si Recto at ang Batas
Rizal
Si Recto at ang Batas
Rizal
Sa gitna ng mga panlipunang suliraning
ito, isang makabayang Pilipino ang
pumagitna at naghain ng akmang
solusyon.
Itinuturing si Sen. Claro M. Recto na
mahigpit na oposisyon sa mga polisiyang
isinulong nina Pang. Elpidio Quirino at
Pang. Ramon Magsaysay.
Maalam sa mga akda at buhay ni Rizal,
naniniwala si Claro M. Recto na integral sa
pagmamahal sa bayan ang pag-aaral sa mga
dakilang gawa ng ating Pambansang Bayani.
“…the reading of Rizal’s novels would strengthen the Filipinism of
the youth and foster patriotism”.
- C. M. Recto
Sa layuning ito, kanyang isinulong ang
sapilitang pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni
Dr. Jose Rizal sa mga mag-aaral ng kolehiyo.
Ang Batas Rizal (R.A. 1425)
Inihapag sa Senado ni Sen. Jose P. Laurel ang
isang panukalang batas (Senate Bill 438) na
naglalayong pag-aralan ang buhay at mga
akda ni Jose Rizal noong Abril 17, 1956.
Si Sen. Laurel bilang Tagapangulo ng Senate
Committee on Education ang naghapag nito,
subalit ang orihinal na panukala ay inakda ni
Sen. Claro M. Recto.
Senate Bill 438
An Act to Make Noli Me Tangere and El
Filibusterismo Compulsory Reading
Matter in All Public and Private Colleges
and Universities and for other Purposes.
Ang panukalang ito ay tumanggap ng
maraming mga pagbatikos mula sa mga
Katolikong Senador
Ilan sa mga ito ay sina:
Sen. Decoroso Rosales
Sen. Mariano Cuenco
Sen. Francisco Rodrigo
Ang mga pagbatikos ng mga senador na ito ang nagbigay-daan para sa mga debate sa pagitan ng mga laban at pumapabor dito.
Si Claro M. Recto bilang orihinal na may-akda ng panukala ang siyang buong-giting na nagdepensa sa kahalagahan ng panukala para sa mas malalim na pagkakilala sa pagiging Pilipino at pagmamahal sa bayan.
Maliban sa mga nabanggit na Senador,
ang Catholic Action of Manila (CAM) ang
isa sa mga pangunahing organisasyon
na naglunsad ng mga kampanya laban
sa panukala:
(1) ang kanilang opisyal na pahayagan,
Sentinel ay inilabas na araw-araw sa halip
na isang beses lamang sa isang linggo at;
(2) hinikayat ang mga Katoliko na sumulat
sa mga Senador at Kongresman na ibasura
ang Batas Rizal
Mga Pahayag Laban sa
Panukalang Batas Rizal
“Compulsion to read something against one’s
religious convictions was no different from a
requirement to salute the flag, which according
to the latest decision on the matter by the US
Supreme Court, was an impairment both of
freedom of speech and freedom of religion.”
- Principal argument of Senators Rodrigo,
Rosales and Cuenco
“A vast majority of our people are at the
same time Catholics and Filipino citizens. As
such, they have two great loves: their country
and their faith. These two loves are not
conflicting loves. They are harmonious
affections, like the love of a child for his father
and for his mother.
“This is the basis of my stand. Let us not
create a conflict between nationalism and
religion; between the government and the
church.”
- Senator Francisco Rodrigo
Rizal’s novels “belong to the past” and it
would be “harmful” to read them because they
presented a “false picture” of conditions in the
country at that time. Noli Me Tangere is an
“attack on the clergy” and its object was to “put
to ridicule the Catholic faith. The novel was not
really patriotic because out of 333 pages, only
25 contained patriotic passages while 120
were devoted to anti-Catholic attack.”
- Fr. Jesus Cavanna(speaker on the symposium organized by CAM)
“Since some parts of the novels had
been declared “objectionable matter” by
the hierarchy, Catholics had the right to
refuse to read them so as not to
“endanger their salvation.”
- Jesus Paredes
Radio commentator
“the bill was Recto’s revenge
against the Catholic voters who,
together with Magsaysay, were
responsible for his poor showing in
the 1955 senatorial elections.”
- Narciso Pimentel Jr.
Radio commentator
Laban sa Simbahang
Katoliko
Ang lahat ng pagbatikos sa panukalang batas na ito ay bunga ng paniniwala ng mga Senador na makakasira sa imahe ng Simbahan ang pagbabasa sa mga nobela at maging sa buhay ni Rizal.
Sa isang pastoral letter na inilabas ng Simbahang Katoliko, binabanggit na sa 333 pahinang edisyon ng nobela ni Rizal, 25 bahagi lamang ang naglalaman ng makabayang damdamin. 120 naman ay inilaan ni Rizal bilang pang-atake sa Simbahang katoliko.
Kasama rin sa nasabing pastoral letter
ang pagbanggit sa 170 bahagi mula sa
Noli at 50 bahagi mula sa Fili na
naglalayong sirain ang magandang
imahe ng Simbahang Katoliko.
Sa pananalita ng isang Senador: “But I
cannot allow my son who is now 16 to
read the Noli Me Tangere and the El
Filibusterismo lest he lose his faith”. – Sen. Rodrigo
Hindi na lamang sa loob ng Senado ang kontrobersiyang idinulot ng panukalang batas.
Nakialam na rin ang Simbahang Katoliko tungkol sa isyu.
Binantaan ng Simbahan si Recto na ipapasara nila ang lahat ng mga paaralang Katoliko sa sandaling maipasa ang nasabing panukalang batas.
Ang Tagapagtanggol ng
Panukalang Batas
Sa gitna ng mainit na debateng ibinunga
ng panukalang batas, nanatiling hindi
natitinag ang nagpanukala nito- si Sen.
Claro M. Recto.
Sa Senado, hindi napigilan si Recto sa
pagtatanggol para sa nasabing panukala
Sa tatlong oras na talumpati sa Senado,
binatikos ni Recto ang pastoral letter ng
Simabahang Katoliko. Ayon sa kanya, dinaig
pa ng pastoral letter ang pagkundena ng mga
Dominikano sa mga nobela na naging dahilan
ng pagbaril kay Rizal sa Luneta noong ika-19
dantaon.
Dagdag pa rito, binanggit ni Recto na ang
pagbabasa ng nasabing pastoral letter “should
open the eyes of the people to the real
enemies of Rizal and true nationalism”
Bilang tugon sa bantang ipapasara ng
Simbahan ang mga paaralang Katoliko sa
sandaling maipasa ang batas, nakita ni Recto
na pabor ito sa bansa upang maisakatapuran
na ang nationalization ng mga paaralan.
Katulad ng Senate Bill 438, hakbang din ito
upang mapalawak ang nasyonalismo sa mga
Filipino.
Ayon kay Recto, “They (Catholic Church) are
making too much profit which they can ill-afford
to give up.”
“Rizal did not pretend to teach religion or
theology when he wrote these books. He
aimed at inculcating civic consciousness in the
Filipinos, national dignity, personal pride, and
patriotism, and if references were made by him
in the course of his narration to certain
religious practices in the Philippines in those
days and to the conduct and behavior of erring
ministers of the church, it was because he
portrayed faithfully the general situation in the
Philippines as it then existed”
- CM Recto
“Noli Me Tangere and El Filibusterismo must
be read by all Filipinos. They must be taken to
heart, for in their pages we see ourselves as in
a mirror: our defects as well as our strength,
our virtues as well as our vices. Only then
would we become conscious as a people, and
so learn to prepare ourselves for painful
sacrifices that ultimately lead to self-reliance,
self-respect and freedom.”
-Senator Jose P. Laurel
Dahil humigit na sa dalawang lingo ang matindihang debate at tila walang pinatutunguhang pag-uusap tungkol sa panukala, nirebisa ni Sen. Laurel ang panukala.
An Act to include in the curricula of all public and private schools, colleges and universities courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novels Noli Me Tangere and El Filiobusterismo, authorizing the printing and distribution, thereof, and for other purposes.
Malinaw na tinanggal ni Sen. Laurel ang
ideya ng “sapilitan” (compulsion).
Marami pa rin ang umasa na hindi ito
maaprobahan (kabilang na si Cong.
Miguel Cuenco) ngunit nabigo ang mga
ito sapagkat nilagdaan ang panukalang
batas ng dating Pangulong Ramon
Magsaysay at naging Republic Act 1425
noong Hunyo 12,1956
Ilang Panghuling
Pananalita
Sa ilang taong karanasan naming
nagtuturo ng P. I. 100 (Philippine
Institutions 100- Buhay at mga Sinulat ni
Rizal), hindi miminsang nakarinig kami
ng ibang pakahulugan sa P. I. mula sa
mga estudyanteng tila ayaw pag-aralan
ang buhay at mga akda ni Rizal.
Subalit katulad nga ng binabanggit ni Ambeth Ocampo, ang reaksyong ito ng mga mag-aaral ay dulot ng hindi malalim na pagkaintindi sa pinagdaanan ni Claro M. Recto sa pagpapasa ng batas.
Sa gitna ng panlabas at panloob na mga panlipunang suliraning kinaharap ng bansa noong 1950’s, naniwala si Recto na ang pag-aaral sa buhay at akda ni Rizal ang gigising sa natutulog na damdaming makabayan ng mga Pilipinong mag-aaral.
Taong 1956 nang ipasa at ipatupad ang
R.A. 1425. Makalipas ang 50 taon,
nananatili pa rin ang mga suliraning
panlipunan; nananatili pa rin ang
pangangailangan ng bansa sa mga
bayani; nananatili pa rin ang bisa ng mga
sinulat ni Rizal.
At nananatili pa rin ang panawagan ni
Rizal na mahalin at paglingkuran ang
Inang Bayan.
“Nasaan ang kabataang dapat mag-alay
ng kanyang kasariwaan, ng kanyang
mga panaginip at sigasig ukol sa
kabutihan ng kanyang Inang
Bayan?...Hinihintay namin kayo, o
mga kabataan! Halikayo sapagkat
hinihintay namin kayo!”
- Padre Florentino
El Filibusterismo
Maraming Salamat!
Mabuhay ang mga Kabataang
Para sa Bayan!