ii
Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected]
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMusika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. ParakikayMga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. AndresMga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. VillenaTagatala: Richilo L. LacedaNaglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal
Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano
iii
Paunang Salita
Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.
Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.
Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng:
•mapanuri at replektibong pag-iisip;•mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;•mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at•mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
iv
Talaan ng Nilalaman
MUSIKA
Yunit 1 – RhythmAralin 1: Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika........... 5Aralin 2: Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic
Pattern at Time Signature..................................... 8
Aralin 3: Ang Rhythmic Pattern at ang 24 Time Signature...... 12
Aralin 4: Ang Rhythmic Pattern sa 34 Time Signature............ 15
Aralin 5: Ang Accent at Rhythmic Pattern sa 34 Time
Signature.............................................................. 19
Aralin 6: Ang Rhythmic Pattern sa 44 Time Signature...... 22
Aralin 7: Ang Accent sa mga Recorded Music................... 28Aralin 8: Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas ..... 31Glossary .............................................................................. 267Appendix .............................................................................. 274
3
Yunit I Rhythm
4
Gaya ng musika, ang mga bagay sa paligid ay mayroon ding
rhythm. Ang patak ng ulan, tunog ng orasan, paghampas ng alon
sa dalampasigan, at ang tibok ng ating puso ay ilan lamang sa
mga bagay na may rhythm.
Ang rhythm ay isa sa mga elemento ng musika na
tumutugon sa pagpapangkat-pangkat ng tunog ayon sa time
signature.
Sa yunit na ito, malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral
sa pagkilala ng iba’t ibang uri ng mga note at rest, kasama ang iba
pang simbolong pangmusika. Gayundin ang pagbabasa at
pagsusulat ng rhythmic pattern sa mga meter na dalawahan,
tatluhan, at apatan, gamit ang mga time signature na at na
kasabay ang galaw ng katawan tulad ng pagpalakpak, pagtapik,
pagmartsa at pagsayaw o iba pang paraan ng pag-indak o pag-
indayog ng katawan, na akma sa rhythm.
Tatalakayin din sa yunit na ito ang pamamaraan sa
pagkumpas ng mga awitin.
5
Ang mga Simbolo at Konsepto sa Musika
Bawat komposisyong musikal ay binubuo ng iba’t ibang
note at rest at ng iba pang simbolong pangmusika. Ang bawat
note ay may katumbas na rest. Sa araling ito, matututuhan ang
pakikinig, pagkilala, pagbasa, paggalaw, at pagsulat ng
rhythmic pattern gamit ang iba’t ibang note at rest.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa
dalawahan, tatluhan, at apatang kumpas:
2
3
4
Awitin ang “Lupang Hinirang”. Bigyang pansin ang
tamang titik at tono. Tandaan ang mga kailangan sa maayos
na pag-awit tulad ng tamang pag-upo, hindi pasigaw, at
paghinga buhat sa diaphragm sa halip na sa lalamunan.
6
Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang
chant.
Gawin 2
Suriin ang iskor ng awiting “Magandang Araw”. Basahin
ang titik ng awit at awitin sa pangunguna ng guro.
Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit.
Pag-aralan kung paano napangkat ang mga note at rest
sa bawat measure.
7
Tandaan na ang bawat note ay may katumbas na rest.
Mga Uri ng Note
Simbolo Bilang ng Kumpas Mga Uri ng
Rest Simbolo
Quarter note
1 kumpas Quarter rest
Eighth note
½ kumpas Eighth rest
Half note
2 kumpas Half rest
Whole note
4 kumpas Whole rest
Ano ang kahalagahan ng mga note at rest sa musika?
Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang hitsura ng quarter note? Iguhit mo ang iyong
sagot.
2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eighth note?
3. Anong note ang katumbas ng dalawang eighth note?
4. Ano-ano ang mga note na nasa ikatlong measure ng
awiting “Magandang Araw”?
5. Ano ang hitsura ng quarter rest? Iguhit mo ang iyong
sagot.
8
Ang Simple Meter, Pagtuturo ng Rhythmic
Pattern, at Time Signature
Ang meter ay isa sa mga elemento ng rhythm. Ito ang
pagkaka-pangkat ng mga kumpas o pulso sa musika.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa
dalawahang kumpas:
Pangkat A – Ipalakpak ang beat.
Pangkat B – Ipalakpak ang rhythmic pattern.
9
Gawain 2
Pangkatang gawain:
Gamit ang mga flashcard ng note at rest, bubuo ang
bawat pangkat ng rhythmic pattern sa dalawahang kumpas.
Ipalakpak ang mga nagawang rhythmic pattern.
Gawain 3
Pag-aralan at suriin ang awiting “Tayo Na!”
- Ano-anong uri ng note at rest ang ginamit sa awitin?
- Ano ang meter ng awitin?
- Ilan ang bilang ng kumpas sa bawat measure?
- Paano nabuo ang rhythmic pattern sa bawat measure?
- Ano ang inilagay/ginamit upang mapangkat ang mga
tunog?
- Awitin muli ang “Tayo Na!” habang ipinapalakpak ang
beat ng awit.
10
Gawain 4
Gamit ang barline, pangkatin ang mga note at rest ayon
sa time signature.
Ang isang measure ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga note at rest at ginagamitan ng barline
upang makabuo ng pangkat ayon sa nakasaad na time
signature.
Ano ang mangyayari kung may sinusunod tayong mga
patakaran sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay?
Tukuyin at isulat ang limang karaniwang rhythmic
pattern na matatagpuan o ginamit sa awiting “Tayo Na!”.
1.
2.
3.
11
4.
5.
Takdang-aralin
Pag-aralan ang awit na “Umayka Ti Eskuela.” Lagyan ng
kaukulang bilang ng kumpas ang bawat note at rest ng awitin.
UMAYKA TI ESKUELA
Umayka ti eskuela, tapno lumaing ka, Adu ti masursuro, maestro ti pangulo. Tungpalem ti ‘bagana paginbagan ida, Taragsak da nanang mo, ken ni pay tatang mo.
COME TO SCHOOL
Come to school so you’ll be wise Many things you will learn The teacher is the head Do what she says, it is for your own good It is your mother’s joy and your father’s too.
12
Ang Rhythmic Pattern at ang Time Signature
Ang ay may time signature na dalawahan ang bilang ng
kumpas. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o galaw na pang
martsa. Ang bilang nito ay 1-2│1-2│1-2│. Napapangkat ang
mga bilang na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng barline.
Gawain 1
Echo clapping: Ipalakpak ang sumusunod.
1) 4)
2)
3)
Awitin ang “Umayka Ti Eskuela”.
Hatiin ang rhythm nito ayon sa time signature.
13
Gawain 2
Awitin nang sabay-sabay ang “Baby Seeds”.
- Ilang measure mayroon ang awit?
- Ano-anong mga simbolo ng musika ang nasa loob ng
mga measure?
- Tukuyin ang mga note at rest na ginamit sa awitin.
- Paano nabuo ang mga measure?
- Ano ang time signature ng “Baby Seeds”?
- Ilang bilang mayroon ang bawat measure?
Gawain 3
Mula sa awit na “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop na
salita ang bawat rhythmic pattern.
1. ______
2. ______
3. ______
4. ______
14
Gawain 4
Muling awitin ang “Baby Seeds”. Sabayan ng pagtapik/
pagpalakpak ng rhythmic pattern ng awitin.
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang note at
rest na naaayon sa isang nakatakdang time signature.
Ano-ano ang mga gawain na higit na nakatulong sa pag-
unawa sa aralin?
Pangkatin ang mga note ayon sa time signature at batay
sa tamang bigkas ng mga salita. Gumamit ng barline.
15
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature
Ang rhythmic pattern sa time signature na ay
pagpapangkat ng mga tunog sa tatluhan. Ito ay karaniwang
sinasabayan ng sayaw na balse o waltz, at may bilang na 1, 2,
3.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
1) 4)
2) 5)
3)
Awitin ang awit tungkol sa mga note habang ipinakikita
ang pagbuo ng iba’t ibang note sa pisara.
(Tono: “This is the Way I Brush My Teeth”)
We have here a hollow head, a hollow head, a hollow head.
We have here a hollow head and we call it a whole note.
16
Then we put a stem on it, a stem on it, a stem on it.
Then we put a stem on it and we call it a half note.
Then we put a shade on it, a shade on it, a shade on it.
Then we put a shade on it and we call it a quarter note.
Then we put a flag on it, a flag on it, a flag on it.
Then we put a flag on it and we call it an eight note.
Gawain 2
Pakinggan ang isang recording ng isang waltz tulad ng
“Waltz of the Blue Danube” at maaaring sumayaw o
magkumpas ang mga bata habang nakikinig.
Gawain 3
Awitin at suriin ang musical score ng “Batang Magalang”.
- Ano-anong uri ng note at rest ang makikita sa awit?
- May kakaiba ka bang napansin sa pagkakaayos o
pagkakasulat ng awitin? Saan nakita ang measure na ito?
- Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa
bawat measure?
17
Tukuyin ang bilang ng kumpas ng bawat note.
Gawin nang sabay ng bawat pangkat.
Pangkat 1: Ipalakpak at suriin ang rhythmic pattern ng
unang apat na measure ng awitin.
Pangkat 2: Itapik ang beat ng awitin.
Gawain 4
Awitin ang “Will You Dance With Me?” at sabayan ng
nababagay na dance step.
Gawain 5
Iguhit ang akmang note sa bawat patlang upang mabuo
ang mga rhythmic pattern sa time signature.
1.
2.
3.
4.
5.
T. Martinez Mel Santos
18
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga
note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature.
Sa pag-awit ng “Batang Magalang”, ano ang inyong
naramdaman? Bakit?
Anong uri ng sayaw ang maaaring gawin kasabay ng
awitin na may meter?
Isulat ang angkop na rhythmic pattern batay sa lyrics ng
awitin.
Ba- hay ku -bo ka- hit mun- ti
19
Ang Accent at Rhythmic Pattern sa Time Signature
Upang makasunod sa daloy ng rhythm o ritmo ng isang
musika, kinakailangang matukoy ang unang kumpas ng beat
nito. Ang diin o accent ay karaniwang inilalagay sa unang
kumpas upang maging malinaw na makasunod sa daloy ng
awitin o tugtugin.
Bersiyong Bicol Bersiyong Ingles
Kon dili sin abaniko If hand fan is not with me
Tapus na ining buhay ko My life will be miserable
Lawas ko, ay,ay! My body! Oh! My body
Madedesmayo Fainting will happen,
Kun dili sin abaniko If hand fan is not with me
20
Gawain 1
Awitin ang “An Sakong Abaniko”.
Suriin ang rhythmic pattern ng “An Sakong Abaniko”.
Ipalakpak ang rhythm ng awitin.
Ano ang naramdaman mo habang isinasayaw ang balse,
umaawit at ipinapalakpak ang rhythm ng awit?
Ano ang time signature ng awit? Ano ang kilos na maaaring gawin habang inaawit ito?
Gawain 2
Lagyan ng panandang diin (>) ang unang kumpas ng
bawat measure ng awit na “An Sakong Abaniko”.
Gawain 3
Awiting muli ang “An Sakong Abaniko.” Lagyan ng
accent ang bahaging binigyang diin sa awit. Gawin ito sa
sagutang papel. Awitin ito ayon sa pagkakalagay ng accent.
Gawain 4
Sumayaw habang inaawit ang “An Sakong Abaniko.”
Bigyang-pansin ang bahaging may accent.
Sa pangkaraniwang kumpas, ang unang note o kumpas
ng bawat measure ay binibigyan ng accent (>) o diin.
Ang accent sa unang kumpas ng rhythmic pattern sa ay
nagbibigay ng mas maayos na pagsaliw sa mga sayaw na balse.
Tulad sa musika, mahalaga ang makasunod sa daloy o
ritmo ng nangyayari sa buhay ang isang mag-aaral na tulad
21
mo. Kung tahimik ang klase dahil nag-aaral ang mga kamag-
aral mo, dapat na tahimik ka rin. Magbigay ka nga ng iba pang
halimbawa kung kailan ka dapat makasunod sa daloy ng
nangyayari sa iyong paligid.
Pagmasdan ang musical score ng “Ang Huni ng Ibong
Pipit”. Lagyan ng accent ang bahagi ng awit na nararapat na
may diin.
R. Tecson L. Villanueva
22
Ang Rhythmic Pattern sa Time Signature
Sa time signature na , may apat na bilang ang bawat
measure.
Gawain 1
Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
Bigkasin ang mga rhythmic syllable.
23
Ating balik-aralan ang pagkumpas ng apat, gamit ang
kaliwa at kanang kamay. Pakinggan ang “Pop Goes the
Weasel” at sabayan ang kumpas nito.
Awitin ang “Ang Huni ng Ibong Pipit” (tingnan sa Aralin).
Bigyang pansin ang tamang lugar ng accent. Lapatan ng
angkop na galaw ang awitin.
Gawain 2
Bigkasin ang lyrics ng awiting “We’re on the Upward
Trail” ayon sa tamang rhythm. Awitin din ito.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol dito.
24
- Ano-anong uri ng mga note ang makikita sa awit?
- May bagong note ka bang nakita? Ano ito?
- Ilan ang bilang ng isang whole note?
Gawain 3
Ipalakpak ang rhythmic pattern ng awitin.
Ano ang time signature ng awitin?
Ilan ang bilang sa bawat measure?
Bigkasin ang rhythmic syllable ng una at pangalawang
linya ng awit.
Itapik/Ipalakpak ang pangatlo at pang-apat na linya.
Gawain 4
a. Awiting muli ang “We’re on the Upward Trail”.
Lapatan ng galaw ng katawan ang bawat note.
- takbo - lakad
- slide - talon
25
b. Tukuyin/Hanapin ang mga kaparehong measure o mga
measure ng sumusunod na rhythmic pattern sa awiting
“We’re on the Upward Trail”.
1)
2)
3)
4)
Gawain 5
Kilalanin ang mga note at rest na makikita sa awit na
“Inday Kalachuchi”.
26
Visayan Version English Translation
Inday Kalachuchi Inday Kalachuchi
may langgam tamsi, there’s a sunbird,
Iyang balhibo and it has feathers
pula ug berde, bright red and green,
Ayaw’g hingkalimti, Don’t you ever forget,
Ang baryo dinhi, Here in the barrio,
Daghang dalaga, Are many maidens,
daghang dalaga, many maidens
Ako ay gwapa But I’m the prettiest
Ang rhythmic pattern na may time signature na ay may
kaukulang mga note at rest na pinagsasama-sama upang
makabuo ng apat na bilang.
Bakit mahalaga ang kaalaman sa iba’t ibang note, rest, at
time signature?
27
Isulat sa patlang ang note o rest na bubuo sa measure ng
time signature na
(note) 1.
(rest) 2.
(note) 3.
(note) 4.
(rest) 5.
28
Ang Accent sa mga Recorded Music
Ang rhythm at tiyempo ng mga awitin at tugtugin ay
madaling natutukoy sa pamamagitan ng accent na naririnig at
nararamdaman sa unang kumpas nito.
Gawain 1
Pakikinig: Pakinggan ang “Pop! Goes the Weasel”.
Sa anong salita maririnig ang accent?
Ipakita ang tsart ng awiting “Ano-ano.” Awitin ito.
Ano ang time signature ng awitin?
Tungkol saan ang awit?
Awitin ang “Ano-ano” na sinasabayan ng paglalakad.
29
Tukuyin ang mga lugar sa awitin na nabigyan ng mas
malakas na bigkas o pag-awit bunga ng paglalakad.
Awitin nang sabay-sabay ang “Ano-ano” at bigyang
pansin ang mga accent.
Gawain 2
Gumawa ng rhythmic pattern na angkop sa mga time
signature na makikita sa ibaba. Gamitin ang sumusunod
na uri ng note at rest.
Gawain 3
Awitin ang “Ano-ano”. Lagyan ng akmang galaw ayon sa
time signature na at sa titik ng awitin.
Ang diin ay karaniwang makikita sa unahang bahagi ng
measure o sa unang kumpas/beat ng isang measure.
30
Ang maayos na pakikinig ay nagdudulot ng malawak na
pag-unawa. Paano ito naipakikita sa loob ng silid-aralan?
Itapik ang sumusunod na mga rhythmic pattern sa Hanay
A. Piliin sa Hanay B ang awitin na ginamitan ng naturang
rhythmic pattern.
An Sakong Abaniko
31
Ang Pagtugon sa Musika Gamit ang Kumpas
Sa bawat araw na may pasok sa paaralan, umaawit ng
“Lupang Hinirang” ang mga mag-aaral habang nakatingin sa
itinataas na watawat. Inaawit naman ang “Pilipinas Kong
Mahal” tuwing ibinababa ito.
Madalas na may isang lider na nangunguna sa pag-awit
nito habang siya ay kumukumpas.
Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong kumumpas ng
alinman sa dalawang awit na ito?
Pakinggang mabuti ang awiting “Lupang Hinirang”.
Tingnan sa tsart ng awitin kung ang lyrics nito ay pareho
sa binibigkas mo tuwing aawit ka nito. Pansinin ang mga
pagkakaiba at isulat ito sa kuwaderno.
Batay sa napakinggan, ano ang pamagat ng ating
Pambansang Awit?
Nasa anong palakumpasan ang “Lupang Hinirang”?
Sa anong kumpas nagsisimula ang “Lupang Hinirang”?
32
Narito ang mga paalaala kung paano ang pagkumpas ng
“Lupang Hinirang”.
Tumayo ng tuwid at tumingin sa mga gagabayan ng
iyong pagkumpas.
Itaas ang braso at ang mga kamay na katapat at
kasintaas ng dibdib.
Kailangang maramdaman at makita ang unang
bagsak ng beat sa bawat measure.
Kung nais mong maging malakas ang pag-awit,
lakihan ng bahagya ang kumpas. Samantala, liitan
lamang ang kumpas kung nais mong hinaan ng mga
umaawit ang kanilang boses sa pag-awit.
Ibukas ang mga palad upang maging malakas at
may diin din ang gagawing pag-awit at itaob ang
mga ito para hinaan ang pag-awit.
Bigyang kahulugan ang bawat galaw ng kamay sa
pagkumpas, ngunit hindi dapat nagdidikit sa gitna
ang mga kamay.
Sabayan ng kumpas ang recorded music ng “Lupang
Hinirang.” Gayahin ang larawang nasa ibaba.
33
Isagawa rin ang pagkumpas sa “Pilipinas Kong Mahal”
habang sinasabayan ang recorded music.
Tingnan ang nasa larawan sa ibaba at ikumpas ang
“Pilipinas Kong Mahal” sa palakumpasang .
Simulan ito sa pataas na kumpas o sa ikatlong bilang.
Ang pagkumpas ay isang paraan ng pagtugon sa metric
pulse ng awit o tugtuging napakikinggan. Isa itong uri ng
komunikasyon na kailangang maunawaan ng umaawit o ng
tumutugtog.
34
Ang pagkumpas ay isang uri ng komunikasyon sa pagitan
ng mang-aawit o manunugtog at ng tagakumpas. Hindi lamang
sa musika ginagamit ang pagkumpas upang makipag-usap.
Anong mga kumpas pa ang ginagamit mong paraan ng
pakikipag-usap?
Paano ito nakatutulong sa malinaw na pag-unawa sa nais
mong sabihin?
Tayahin ang sarili. Gawin ito sa kuwaderno.
Kasanayan
Napakahusay
Mahusay
Di-
gaanong
Mahusay
Nanganga-
ilangan ng
Tulong
1. Nakakumpas ako
nang tama sa
rhythm
2. Naunawaan ng
mga umaawit ang
kahulugan ng
aking pagkumpas
3. Nakasunod ako sa
pamantayan ng
pagkumpas
4. Tama ang
posisyon ng aking
katawan at
kamay habang
kumukumpas
5. Naging maganda
ang pag-
awit/pagtugtog
dahil sa aking
pagkumpas
267
GLOSSARY MUSIKA
2-Part Vocal bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaring soprano at alto part o kaya naman ay soprano at tenor
Acappela pag-awit na boses lamang ang naririnig, walang kasamang instrumentong pansaliw
Accent (<) ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o sa unang kumpas ng bawat measure
Antecedent Phrase
nagsisilbing panimulang parirala ng isang musical phrase
Bajo de Arco itinuturing na pinakamalaking instrumentong may kwerdas at nagbibigay ng mababang tono
Barline guhit na patayo na ginagamit na panghati sa bawat measure ng staff
Bassoon instrumentong hinihipan na may double reed at may makapal na tunog
Beat ang pulso ng awit o tugtugin
Cello instrumentong may apat na kwerdas at nakatono nang mas mababa ng isang oktaba sa viola
Chant paawit na pagsasalita na walang sukat
Clarinet instrumentong woodwind na may ihipan na isang pirasong reed at may 24 na butas at nakapagbibigay ng mataas na tono
Coda huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o tugtugin
Consequent Phrase
nagsisilbing pangwakas na parirala bilang katapusan ng isang musical phrase
Descant isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody bilang karagdagang himig na sumusuporta sa pangunahing himig
Di-magkatulad na musical phrase
binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at panghimig
268
Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o higit pang pinagsama-samang maninipis na kawayan
Dynamics elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas o paghina ng pag-awit o pagtugtog
Flute instrumentong woodwind na walang reed at pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas na nasa gawing dulo ng katawan nito
Forte (f) malakas na pag-awit o pagtugtog
French Horn instrumentong hinihipan na yari sa inikot na tubong labindalawang talampakan ang haba at nababago ang tono sa pamamagitan ng mga piston at valve
G Clef simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staff na nagtatakda ng tono ng mga note sa staff
Harmonic Interval
tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtog nang sabay
Harmonic Third Interval
binubuo ng dalawang magkaugnay na note na may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2 step
Harmony ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos na pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde
Instrumental Music
musikang galing sa mga musical instrument
Interval ang pagitan ng dalawang tono
Kalaleng o Tongali
instrumentong etniko na yari sa mahabang kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng overblowing
Kodaly Hand Sign
isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit ang iba’t ibang senyas kamay
Largo tempo na mas mabagal sa andante
Ledger Line dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff
269
Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob sa dalawang barline at may tamang bilang ng kumpas na naaayon sa nakasaad na meter
Melodic Ostinato
isang maikling melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing melodiya
Melodic Phrase
pariralang panghimig na nagtataglay ng himig na hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga note na siyang bumubuo sa isang magandang linya o melody
Meter pantay-pantay na sukat ng rhythm na ipinamamalas sa kumpas o beat
Musical Phrase
ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o nagsasaad ng isang buong kaisipan
Musical Staff binubuo ng limang linya at apat na puwang na pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga panandang pang-musika (musical symbol)
Oboe instrumentong woodwind na may ihipang yari sa dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may maliit na pagitan
Octave pagitan o interval ng tono mula sa lower do hanggang sa higher do
Ostinato isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Palendag isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon
Piano (p) mahinang pag-awit o pagtugtog
Pitch Name pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G)
Presto musical symbol na nagpapahiwatig na ang komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin o tutugtugin nang mabilis na mabilis
Prime una o isa
Range lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa ng boses o musical instrument
270
Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa ihipan ng instrumentong woodwind
Rhythmic Ostinato
rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Rhythmic Pattern
ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature
Rote Method isang paraan ng pagtuturo ng awit na pagagad/paggaya
Saggeypo instrumentong etniko na yari sa kawayan at kahalintulad ng panpipes
Score ang piyesa ng awit o tugtugin
Staff binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung saan isinusulat ang music notation
Tempo ang bilis o bagal ng musika o awitin
Texture elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog
Timbre ang uri o kalidad ng tunog
Tonal Tono
Trombone instrumentong brass na nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong-sulong ng slide nito
Trumpet instrumentong brass na may pinakamataas na tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit sa pagbabago ng tono
Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa instrumentong brass
Viola may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at A. Ito ay may mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing na alto ng string family
Violin may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang soprano ng string family
271
Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang boses
Waltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter o kumpas na may malakas na accent o diin sa unang beat
274
APPENDIX
Musika
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
Do a Little Thing
Early to Bed
Gising Na
Hear the Rain
Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play
275
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
We’re on the Upward Trail
Will You Dance With Me?
Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit
276
Bibliography
Musika
Antukin: Philippine folk songs and lullabies; Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for Young Readers, 1998
Dazzle 4, Innovative Educational Materials Inc
Halina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos, Copyright St. Mary’s Publishing Corp.
Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42 J. C Palabay Interprises
Halina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.
Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, Inc
Ilonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. Pangan
Immortal Philippine Native Songs, Carmelita V. Jose
Introduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy Marasigan
Leaflet, 2000, Gloria C. Quinto
Lower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Music, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications, Inc.
Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4
Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p. 52, 1963 by MJ Enriquez, Philippine Book Company
Musical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Musical Wonders Worktext and Teachers Guide
277
Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk Songs Compiled and edited by Damiana L. Eugenio Sanayang Aklat sa Musika 4 Chita C. Erice at Victorina A. Mariano
Sanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza and Victorina Mariano
Sparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.
Internet:
Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristo https://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8
Balitaw-Visayan song https://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fY
Benjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor Roger Parker and the Badke Quartet https://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtM
Celso Espejo Rondalla Czardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1E
Chu-ay Sta. Teresita Parish Chorale https://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMw
Cordillera hymn-nose flute https://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qI
Cordillera Musical Bamboo Instruments 2 https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuI
Dabakan Solo https://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0
Davao Christian High School Orchestra's "Frozen" Medley https://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8
Gangsa https://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2k
Gaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Trio https://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k
278
Hudhud (Ifugao) https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9I
Kalesa (by Ernani Cuenco) https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5s
Kalinga's Musical Instrument https://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8
Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduque https://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXw
Kids singing Happy Birthday https://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0
Kolitong https://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2Y
Kudyapi Master Samaon Sulaiman https://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcI
Leroy Anderson - The Syncopated Clock https://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2g
Les Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestra https://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCU
Loboc Children's Choir The Prayer https://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXM
Mabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-Nagkalituhan Duet by Raye Lucero and Peping de Leon https://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0
Mindanao Kulintang Ensemble https://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAs
Mindanao Sketches by Antonino Buenaventura http://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbA
Pop! Goes the Weasel www.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuE
Ode to Joy by Beethoven http://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA
279
Ode to Joy - Piano sheet music https://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxU
Odiyat Kambayok by Erlynda https://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-k
Paldong - Julia Yabes https://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkI
Paldong Lip-Valley Flute https://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIU
Percussion Family https://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnE
Percussion Instruments https://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lc
Philippine Bamboo Orchestra in Beijing https://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQ
Philippine Marching Bands https://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84
Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen) https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0Fg
Philippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medley https://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4s
Philippine Symphonic Medley PNU Rondalla - https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiE
PMA Marching Band https://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI
"Prayer of St. Francis" sung by the Philippine Madrigal Singershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPE
P.Tchaikovsky. Serenade for Strings. https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQ
Samaon Sulaiman 2 https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4
Sarah Geronimo solo https://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE
280
Street Parade at Tagaytay City, Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOY
Surprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydn http://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8
The Brass Family https://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzY
The Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanao https://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjgg
The Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harp https://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PLWdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oG
The String Family - A Digital Story https://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0
Woodwind instruments https://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1c
Vivaldi Spring The Four Seasons https://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXE
Yo-Yo Ma The Swan Saint-Saens https://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw
ii
Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected]
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMusika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. ParakikayMga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. AndresMga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. VillenaTagatala: Richilo L. LacedaNaglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal
Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano
iii
Paunang Salita
Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.
Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.
Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng:
•mapanuri at replektibong pag-iisip;•mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;•mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at•mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
iv
Talaan ng Nilalaman
MUSIKA
Yunit 2 – MelodyAralin 1: Ang Daloy ng Melody............................................ 37Aralin 2: Ang mga Pitch Name........................................... 42Aralin 3: Ang G Clef............................................................ 45Aralin 4: Ang mga Pitch Name sa Ledger Line................... 49Aralin 5: Ang Tunog na Pinakamataas at
Pinakamababa...................................................... 53Aralin 6: Ang Pagitan ng mga Tono.................................... 57Aralin 7: Ang Likhang Melody.............................................. 61
35
Yunit 2
Melody
36
Ang melody ay elemento ng musika na nagsasaad ng kaaya-ayang
pagkakasunod-sunod ng mga note na bumubuo ng mahalagang bahagi ng
isang awit o tugtugin.
Ang mga rhythmic pattern na natutunan sa Unang Yunit ay nilapatan
ng iba’t ibang direksiyon ng himig na maaaring pataas, pababa, pataas na
palaktaw, pababa na palaktaw, o inuulit ang daloy.
Matututunan din sa araling ito na ang melody ay nagpapahiwatig ng
mga damdaming napapaloob sa isang awit o tugtugin. Maaari ring makilala
ang katauhan o ano mang nais ipahatid ng isang kompositor ayon sa uri ng
melody na naririnig batay sa kinalabasan ng mga notang nabuo sa isang
likhang himig.
Tatalakayin din ang iba pang mga katawagang pangmusika gayundin
ang iba’t ibang simbolong musikal, tulad ng G clef, pitch name, ledger line,
interval, range, at marami pang iba na lalong makatutulong upang maging
kasiya-siya ang pag-aaral ng musika.
37
Ang Daloy ng Melody
Ang isang melody ay bunga ng pagdaloy ng tono na
maaaring tumataas o bumababa. Ito ay nalilikha gamit ang
iba’t ibang daloy ng mga note na nagbibigay ng magandang
tunog. Sa araling ito ay matutunghayan ang iba’t ibang daloy
ng melody na bumubuo sa isang magandang musika.
Gawain 1
Pakinggang mabuti ang awit.
38
Awitin ito nang sabay-sabay.
Awitin naman nang pangkatan. Sundin ang bilang ng
measure para sa pag-awit ng bawat pangkat.
Pangkat – I – measure 1 at 9
Pangkat – II – measure 2 at 10
Pangkat – III – measure 3, 4 at 11, 12
Pangkat – IV – measure 6, 7, 8 at 13, 14, 15, 16
Awitin ang mga so-fa syllable ng awit habang sinusundan
ang daloy ng mga note.
Gawain 2
Tukuyin ang daloy ng melody sa bawat measure ng awit
na “Song and Dance”. Sabihin kung ito ay pataas o pababang
pahakbang, pataas o pababang palaktaw, o kaya nama’y
inuulit. Pagkatapos ay awitin ang mga ito upang higit na
marinig at madama ang daloy ng melody.
39
Gawain 3
Pakinggan ang mga melodic phrase na may iba’t ibang
daloy sa awiting iparirinig ng guro. Tukuyin kung ang narinig
na himig ay pataas o pababang pahakbang, pataas o pababang
palaktaw, o kaya nama’y inuulit.
Ang iba’t ibang daloy ng melody ay pataas at pababang
pahakbang, pataas at pababang palaktaw, o kaya nama’y
pantay o inuulit.
40
Sa anong daloy ng melodiya mo maihahambing ang iyong
natutuhan sa ating aralin? Pataas ba o pababa o di kaya ay
nananatili ka ba sa dati mong gawi?
Magpangkat sa lima ang buong klase. Bawat pangkat ay
lilikha ng galaw na magpapakita ng iba’t ibang daloy ng
melody. Awitin ang “Batang Masipag” at sundan ang daloy ng
melody sa pagsasakilos nito.
41
Panuto: Sukatin ang sariling kakayahan ayon sa ginawang
pangkatang gawain. Lagyan ng tsek ( √ ) ang bilang na angkop
sa ginawang pagganap.
Pamantayan
Di-
gaanong
Mahusay
1
Mahusay
2
Napakahusay
3
1. Nakapagpapakita ng
sigla at galak sa
pagtatanghal
2. Nakaaawit nang may
tamang tono ayon sa
mga note ng awit
3. Nakapag-uukol ng
panahon at sarili sa
pagsasanay ng
gawain
4. Naipakikita ang
pakikiisa sa gawain
5. Nakakikilos nang
naaayon sa daloy ng
musika
42
Ang mga Pitch Name
Ang melody ay isang mahalagang elemento ng musika.
Ang mga tono ng isang melody ay nakasulat sa staff na binubuo
ng limang guhit at apat na puwang. Ang note ang
kumakatawan sa bawat tono ng isang melody. Ito ay
ginagamitan ng mga titik ng Alpabeto na A, B, C, D, E, F, G.
Ang tawag sa mga ito ay pitch name.
Gawain 1
Awitin ang “Do Re Mi Song” at tukuyin ang mga titik ng
alpabetong ginamit sa awit.
Gawain 2
Awitin nang sabay-sabay ang “ Tayo’y Umawit ng ABC”.
43
Pagmasdan muli ang music notation ng “Tayo’y Umawit
ng ABC”.
Bigyang pansin ang mga guhit kung saan nakasulat ang
music notation.
Bilangin ang mga guhit at puwang ng staff.
Alam ba ninyo na ang bawat guhit at puwang sa staff ay
may katumbas na pitch name?
Ilan ang mga titik ng alpabeto na ginamit sa lunsarang
awit?
Ano-ano ang mga ito?
Isulat ang mga pitch name na natutuhan sa guhit at
puwang.
Gawain 3
Tayo nang maglaro ng Musical Word Game.
Isulat ang pitch name upang mabuo ang mga salita.
Tugtugin sa flute/recorder o xylophone pagkatapos sagutin.
44
Nakatulong ba ang ating pag-aaral ng pitch name na
bumubuo sa guhit at puwang sa G clef staff, upang lalo nating
matandaan ang mga salitang kadalasang ginagamit sa
musika? Sa inyong palagay, may mabuting dulot ba ito upang
lalong pagbutihin ang pag-aaral ng musika?
Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa
guhit at puwang ng G clef staff.
Ang mga pitch name sa guhit ay ang sumusunod:
Ang pitch name sa puwang ay ang sumusunod:
45
Ang G clef
Ang clef ay isang simbolong nakalagay sa unahan ng
musical staff. Ito ang nagtatakda ng tono ng mga notes sa staff.
Isa sa karaniwang simbolo ng clef ay ang G clef o Treble clef.
Ang G clef o Treble clef ang nagtatakda ng tone ng mga
note sa itaas ng middle C.
1. Awitin ang “Bandang Musika” habang sinasabayan ng
Kodaly Hand Signs.
46
2. Basahin ang musical scale gamit ang mga pitch name.
Awitin ang musical scale gamit ang mga so-fa syllable.
- Ano ang musical symbol na nakikita sa unahan ng
scale?
3. Pakinggan ang lunsarang awit na “Tayo’y Magpasalamat”
habang nakatingin sa music notation.
- Pag-aralan ang awit sa pamamagitan ng rote method.
- Awitin ang mga sofa-syllable na bumubuo sa awit.
- Awitin nang sabay-sabay ang lyrics ng awit.
47
4. Tingnan ang musical symbol na nakalagay sa unahan ng
staff.
- Ano ang tawag sa simbolong ito?
5. Suriin ang musical scale. Tukuyin kung ano ang pitch
name ng note na nasa ikalawang guhit ng staff.
Ang G clef ay matatagpuan sa unahang bahagi ng staff.
Nangangahulugan ito na ang pitch name na G ay nakalagay sa
pangalawang guhit ng staff. Ang G clef o treble clef ang
nagtatakda ng tono ng mga note sa staff.
Ang G clef ay simbolo ng notasyon. Ang aralin sa G clef ay
nagpapahiwatig na ang bawat simbolo dito sa mundo tulad ng
musika ay may kani-kaniyang mahahalagang bahaging
ginagampanan upang matugunan at maipahayag ang
kahalagahan ng bawat isa.
48
1. Isulat ang sumusunod na mga pitch name sa G clef
gamit ang whole note.
2. Tingnan ang nakaguhit sa loob ng kahon. Iguhit ito sa
unahan ng staff. Buuin ang sumusunod na mga pitch
name na hango sa mga natutuhang awit.
3. Gamitin ang (quarter note) sa pagbuo ng mga pitch
name.
4. Awitin ang mga nabuong pitch name gamit ang pantig
na loo.
5. Tugtugin ang nabuong mga pitch name gamit ang
keyboard, flute recorder, lyre, o melody bells.
49
Ang mga Pitch Name sa Ledger Line
Ang maiikling guhit na makikita sa ibaba o itaas ng staff
ay tinatawag na ledger line. Bawat ledger line ay may
katumbas na pitch name o kaya naman ay so-fa syllable.
Gawain 1
Awitin ang mga pitch name ng Kodaly Hand Sign na
ipakikita ng guro gamit ang mga flashcards.
Ano-anong pitch name ang inyong nakita?
50
Gawain 2
- Pag-aralan ang awit sa pamamagitan ng rote method.
- Basahin ang notation (so-fa syllable) ng “Bandang
Musika”.
- Basahin ang mga pitch name ng “BandangMusika”.
- Awitin ang lyrics ng awit.
Gawain 3
Batay sa awiting “Bandang Musika”, tingnan ang ikalima
hanggang ikawalong measure ng awit?
- Ano ang inyong napansin sa notation?
- Ituro ang measure kung saan nakaguhit ang mga ledger
line.
51
- Ngayong mahusay ninyong nasagot ang tanong, awitin
ang mga note sa bahaging unang staff kung saan may
ledger line.
- Isabay ang Kodaly Hand Sign habang umaawit tulad
nito:
Ang ledger line ay matatagpuan sa ibabaw o ilalim ng
staff. Ang pitch name na makikita sa unang puwang sa ibaba
ng staff ay D. C naman ang nasa unang ledger line at B ang
matatagpuan sa ilalim ng unang ledger line sa ibaba ng staff.
Matatagpuan naman ang pitch name na A sa unang ledger line
sa ibabaw ng staff at G naman ang sa unang puwang sa ibabaw
ng staff.
Ang aralin sa ledger line ay gabay upang lalong
maintindihan ang pagbabasa ng mga note na isang
mahalagang bahagi sa pag-aaral ng musika.
52
1. Isulat sa patlang ang pitch name na makikita sa mga
ledger line ng G clef staff.
2. Bilugan ang mga note kung saan matatagpuan ang ledger
line.
a.
b.
Gumuhit ng star ( ) sa nakalaang kahon.
Gawain Napakahusay Mahusay Di-gaanong
Mahusay
1. Nakaaawit nang
may kasiyahan
2. Natutukoy ang mga
ledger line
3. Nasasabi ang
kahulugan at gamit
ng ledger line
4. Naiguguhit ang mga
ledger line sa tamang
lugar sa staff
5. Naipakikita ang
pakikiisa sa mga
gawain
53
Ang Tunog na Pinakamataas at Pinakamababa
Tampok sa araling ito ang pagkilala sa pinakamataas at
pinakamababang tono ng awit. Ang higit na ikinagaganda ng
isang awit ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng tono na
maaaring awitin sa pinakamataas o pinakamababang himig.
Maaaring mabigyang damdamin ang taas at baba ng tono
kung ang paraan ng pag-awit ay may tamang range o antas ng
boses.
Gawain 1
Tingnan ang mapa ng Pilipinas.
Saan kaya matatagpuan sa mapa ang lugar na
pinanggalingan ng awit?
Pakinggang mabuti ang awit na iparirinig ng guro.
Pag-aralan natin ang awit.
Sa pamamagitan ng musical score ng mga awit, suriin
ang note na may pinakamataas at pinakamababang antas sa
bawat measure.
Alamin ang pinakamababa at pinakamataas na note na
makikita sa mga awit.
54
- Ano-anong mga note ang ginamit sa awit?
- Ilang note ang ginamit sa awit?
- Awitin ang “Salidommay”.
- Tukuyin ang pinakamababa at pinakamataas na tono.
Gawain 2
Tukuyin ang range ng mga note sa mga melodic phrase.
1. Bilugan ang pinakamababa at pinakamataas na note.
2. Isulat ang mga note na ginamit sa staff sa ibaba.
55
3. Alamin kung malawak o maikli ang range ng phrase.
Isulat sa patlang.
Makikilala ang pinakamataas at pinakamababang tono
sa awit sa pamamagitan ng range sa pagitan ng tono nito.
56
Ano ang kahalagahan ng range ng tono sa pagpapahayag
ng damdamin ng isang awitin?
A. Suriin ang mga note at tukuyin ang range ng
pinakamataas at pinakamababang note. Isulat din kung
malawak o maikli ang pagitan ng bawat note.
B. Pakikinig
Pakinggang mabuti ang iparirinig ng guro. Tukuyin ang
range ng tunog kung malawak o maikli. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
57
Ang Pagitan ng mga Tono
Kung susuriin ang mga awit, mapapansin ninyo na hindi
magkakatulad ang pagitan ng mga note na bumubuo nito.
May mga note na magkakalayo at mayroon din namang
magkakalapit ang pagitan. Ang pagsukat ng pagitan ng mga
tono ay mula sa note na tinutukoy hanggang sa kasunod nito.
Sa araling ito sikapin ninyong awitin ang mga bahagi ng himig
na mayroong iba’t ibang pagitan.
Gawain 1
Gawain sa Pakikinig
Pakinggang mabuti ang sumusunod:
“Happy Birthday”, “Tayo’y Umawit”, “Bahay Kubo”, “Star
Wars-Opening Theme”, “It Came Upon the Midnight Clear”,
“Somewhere Over The Rainbow”, “We’re on the Upward Trail”
at iba pang mga instrumental music.
58
Aawitin ng guro ang “Umawit at Sumayaw”.
Habang nakikinig ay pag-aralan ang tono ng awit.
Pagkatapos ay gawin ang sumusunod.
- Awitin ng buong klase kasabay ang guro o CD.
- Magpangkat ayon sa itatalaga ng guro.
- Iparinig ng bawat pangkat ang awit.
- Tukuyin ang interval sa pagitan ng bawat note.
Gawain 2
Magpangkat sa apat ang buong klase. Gamit ang mga
melodic phrase, ibigay ang pagitan ng mga note. Isulat sa papel
ang sagot ng bawat pangkat.
59
Iparinig sa klase ang mga melodic phrase sa
pamamagitan ng sumusunod:
pagtugtog ng lyre pagpapatunog ng melody bells
pag-awit ng “loo” pagtugtog ng keyboard
Ang interval ay ang pagitan ng dalawang note. Ito ay
makikilala batay sa kinalalagyan o posisyon nito sa staff. Ang
mga interval ay ang sumusunod:
1. Prime (1st) - inuulit 5. Fifth (5th)
2. Second (2nd) 6. Sixth (6th)
3. Third (3rd) 7. Seventh (7th)
4. Fourth (4th) 8. Octave (8ve)
Ano ang magandang naidudulot ng mga simple interval
ng melody sa tamang pag-awit?
60
Tukuyin ang uri ng interval o pagitan ang makikita sa
ibaba. Isulat ang sagot sa mga bilang sa ilalim ng staff. Awitin
o tugtugin ito gamit ang flute/recorder o lyre.
61
Ang Likhang Melody
Isa sa mga masining na pagpapahayag ng damdamin ang
pag-awit. Ang awit ay binubuo ng mga tono na may kani-
kaniyang daloy at agwat ng note na tinatawag na melody. Ang
melody ay madaling matututunan lalo’t higit kung ito’y laging
naririnig. Sa araling ito, bukod sa pag-awit ay sikaping
malaman ang paglikha ng simpleng melody na magbubuhat sa
iyong isip at damdamin.
62
Gawain 1
Pagmasdang mabuti ang gagawin ng guro.
Gawin ang pagtapik ng rhythmic pattern ng awit.
I-chant ang lyrics ng awit ayon sa rhythmic pattern nito.
Gawin muna ng pangkatan at pagkatapos ay sabay-sabay
na ang lahat ng mga mag-aaral.
Gawain 2
Pangkatang gawain
Lapatan ng tono ang rhythmic pattern. Gamitin ang
sumusunod na note : do, re, mi, fa, so, la, ti, do
Awitin ang nabuong komposisyon.
Ang paglikha ng isang melody ay nakatutulong sa
pagiging malikhain upang maipakita ang kahusayan at pag-
unawa sa musika.
Ano ang naramdaman mo nang ikaw ay nakalikha ng
isang musika? Bakit?
63
Sukatin ang sarili ayon sa ginawang pangkatang gawain.
Pamantayan
Di-
gaanong
Magaling
1
Magaling
2
Napakagaling
3
1. Nakasusunod sa
alituntunin kung
paano ang paglikha
ng melody
2. Nakapagbabahagi
ng kaalaman sa
musika sa
pamamagitan ng
pag-awit
3. Nakaaawit nang
may wastong tono
ng likhang melody
4. Nakapagpapakita
ng pagpapahalaga
sa musika
5. Nakikiisa sa
pangkatang gawain
at pagtatanghal
3 – napakagaling
2 – magaling
1 – di-gaanong magaling
267
GLOSSARY MUSIKA
2-Part Vocal bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaring soprano at alto part o kaya naman ay soprano at tenor
Acappela pag-awit na boses lamang ang naririnig, walang kasamang instrumentong pansaliw
Accent (<) ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o sa unang kumpas ng bawat measure
Antecedent Phrase
nagsisilbing panimulang parirala ng isang musical phrase
Bajo de Arco itinuturing na pinakamalaking instrumentong may kwerdas at nagbibigay ng mababang tono
Barline guhit na patayo na ginagamit na panghati sa bawat measure ng staff
Bassoon instrumentong hinihipan na may double reed at may makapal na tunog
Beat ang pulso ng awit o tugtugin
Cello instrumentong may apat na kwerdas at nakatono nang mas mababa ng isang oktaba sa viola
Chant paawit na pagsasalita na walang sukat
Clarinet instrumentong woodwind na may ihipan na isang pirasong reed at may 24 na butas at nakapagbibigay ng mataas na tono
Coda huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o tugtugin
Consequent Phrase
nagsisilbing pangwakas na parirala bilang katapusan ng isang musical phrase
Descant isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody bilang karagdagang himig na sumusuporta sa pangunahing himig
Di-magkatulad na musical phrase
binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at panghimig
268
Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o higit pang pinagsama-samang maninipis na kawayan
Dynamics elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas o paghina ng pag-awit o pagtugtog
Flute instrumentong woodwind na walang reed at pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas na nasa gawing dulo ng katawan nito
Forte (f) malakas na pag-awit o pagtugtog
French Horn instrumentong hinihipan na yari sa inikot na tubong labindalawang talampakan ang haba at nababago ang tono sa pamamagitan ng mga piston at valve
G Clef simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staff na nagtatakda ng tono ng mga note sa staff
Harmonic Interval
tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtog nang sabay
Harmonic Third Interval
binubuo ng dalawang magkaugnay na note na may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2 step
Harmony ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos na pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde
Instrumental Music
musikang galing sa mga musical instrument
Interval ang pagitan ng dalawang tono
Kalaleng o Tongali
instrumentong etniko na yari sa mahabang kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng overblowing
Kodaly Hand Sign
isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit ang iba’t ibang senyas kamay
Largo tempo na mas mabagal sa andante
Ledger Line dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff
269
Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob sa dalawang barline at may tamang bilang ng kumpas na naaayon sa nakasaad na meter
Melodic Ostinato
isang maikling melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing melodiya
Melodic Phrase
pariralang panghimig na nagtataglay ng himig na hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga note na siyang bumubuo sa isang magandang linya o melody
Meter pantay-pantay na sukat ng rhythm na ipinamamalas sa kumpas o beat
Musical Phrase
ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o nagsasaad ng isang buong kaisipan
Musical Staff binubuo ng limang linya at apat na puwang na pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga panandang pang-musika (musical symbol)
Oboe instrumentong woodwind na may ihipang yari sa dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may maliit na pagitan
Octave pagitan o interval ng tono mula sa lower do hanggang sa higher do
Ostinato isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Palendag isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon
Piano (p) mahinang pag-awit o pagtugtog
Pitch Name pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G)
Presto musical symbol na nagpapahiwatig na ang komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin o tutugtugin nang mabilis na mabilis
Prime una o isa
Range lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa ng boses o musical instrument
270
Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa ihipan ng instrumentong woodwind
Rhythmic Ostinato
rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Rhythmic Pattern
ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature
Rote Method isang paraan ng pagtuturo ng awit na pagagad/paggaya
Saggeypo instrumentong etniko na yari sa kawayan at kahalintulad ng panpipes
Score ang piyesa ng awit o tugtugin
Staff binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung saan isinusulat ang music notation
Tempo ang bilis o bagal ng musika o awitin
Texture elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog
Timbre ang uri o kalidad ng tunog
Tonal Tono
Trombone instrumentong brass na nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong-sulong ng slide nito
Trumpet instrumentong brass na may pinakamataas na tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit sa pagbabago ng tono
Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa instrumentong brass
Viola may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at A. Ito ay may mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing na alto ng string family
Violin may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang soprano ng string family
271
Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang boses
Waltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter o kumpas na may malakas na accent o diin sa unang beat
274
APPENDIX
Musika
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
Do a Little Thing
Early to Bed
Gising Na
Hear the Rain
Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play
275
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
We’re on the Upward Trail
Will You Dance With Me?
Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit
276
Bibliography
Musika
Antukin: Philippine folk songs and lullabies; Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for Young Readers, 1998
Dazzle 4, Innovative Educational Materials Inc
Halina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos, Copyright St. Mary’s Publishing Corp.
Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42 J. C Palabay Interprises
Halina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.
Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, Inc
Ilonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. Pangan
Immortal Philippine Native Songs, Carmelita V. Jose
Introduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy Marasigan
Leaflet, 2000, Gloria C. Quinto
Lower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Music, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications, Inc.
Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4
Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p. 52, 1963 by MJ Enriquez, Philippine Book Company
Musical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Musical Wonders Worktext and Teachers Guide
277
Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk Songs Compiled and edited by Damiana L. Eugenio Sanayang Aklat sa Musika 4 Chita C. Erice at Victorina A. Mariano
Sanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza and Victorina Mariano
Sparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.
Internet:
Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristo https://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8
Balitaw-Visayan song https://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fY
Benjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor Roger Parker and the Badke Quartet https://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtM
Celso Espejo Rondalla Czardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1E
Chu-ay Sta. Teresita Parish Chorale https://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMw
Cordillera hymn-nose flute https://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qI
Cordillera Musical Bamboo Instruments 2 https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuI
Dabakan Solo https://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0
Davao Christian High School Orchestra's "Frozen" Medley https://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8
Gangsa https://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2k
Gaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Trio https://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k
278
Hudhud (Ifugao) https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9I
Kalesa (by Ernani Cuenco) https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5s
Kalinga's Musical Instrument https://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8
Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduque https://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXw
Kids singing Happy Birthday https://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0
Kolitong https://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2Y
Kudyapi Master Samaon Sulaiman https://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcI
Leroy Anderson - The Syncopated Clock https://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2g
Les Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestra https://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCU
Loboc Children's Choir The Prayer https://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXM
Mabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-Nagkalituhan Duet by Raye Lucero and Peping de Leon https://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0
Mindanao Kulintang Ensemble https://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAs
Mindanao Sketches by Antonino Buenaventura http://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbA
Pop! Goes the Weasel www.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuE
Ode to Joy by Beethoven http://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA
279
Ode to Joy - Piano sheet music https://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxU
Odiyat Kambayok by Erlynda https://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-k
Paldong - Julia Yabes https://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkI
Paldong Lip-Valley Flute https://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIU
Percussion Family https://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnE
Percussion Instruments https://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lc
Philippine Bamboo Orchestra in Beijing https://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQ
Philippine Marching Bands https://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84
Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen) https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0Fg
Philippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medley https://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4s
Philippine Symphonic Medley PNU Rondalla - https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiE
PMA Marching Band https://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI
"Prayer of St. Francis" sung by the Philippine Madrigal Singershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPE
P.Tchaikovsky. Serenade for Strings. https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQ
Samaon Sulaiman 2 https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4
Sarah Geronimo solo https://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE
280
Street Parade at Tagaytay City, Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOY
Surprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydn http://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8
The Brass Family https://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzY
The Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanao https://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjgg
The Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harp https://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PLWdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oG
The String Family - A Digital Story https://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0
Woodwind instruments https://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1c
Vivaldi Spring The Four Seasons https://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXE
Yo-Yo Ma The Swan Saint-Saens https://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw
DEPED COPY
ii
Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected]
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMusika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. ParakikayMga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. AndresMga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. VillenaTagatala: Richilo L. LacedaNaglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal
Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
iii
Paunang Salita
Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.
Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.
Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng:
•mapanuri at replektibong pag-iisip;•mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;•mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at•mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
v
Yunit 3 – Form, Timbre, at Dynamics
Aralin 1: Ang Introduction at Coda ng Isang Awitin.......... 68Aralin 2: Ang Antecedent Phrase at Consequent
Phrase ng Isang Awitin....................................... 72Aralin 3: Ang Magkahawig at Di Magkatulad na mga
Musical Phrase................................................... 75Aralin 4: Ang Iba’t Ibang Tunog........................................ 78Aralin 5: Ang Pangkat ng Instrumentong String/
Chordophone...................................................... 82Aralin 6: Ang Pangkat ng Instrumentong Hinihipan/
Aerophone.......................................................... 86Aralin 7: Ang Pangkat ng Instrumentong
Percussion/Idiophone at Membranophone ........... 90Aralin 8: Ang Forte at Piano.............................................. 99
Talaan ng Nilalaman
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
65
Yunit 3
Form, Timbre, at Dynamics
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
66
Tampok sa araling ito ang pagkilala natin sa tatlong elemento ng musika: form, timbre, at dynamics.
Ang form ay ang istruktura ng musika. Ito ay tumutukoy sa
kayarian ng isang komposisyon batay sa kaayusan at pagkabuo
ng mga musical phrase. Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng
mga musical phrase na may kani-kaniyang natatanging daloy ng
himig. Mayroon din itong pagdalang o pagbilis ng tunog ayon sa
takbo na kailangan sa kabuuan ng awit o tugtugin. Ang mga
melodic phrase o rhythmic phrase ay maaaring magkatulad, di-
magkatulad, o magkahawig.
Sa pag-awit, mas mainam na may himig na tinutugtog o
inaawit bilang paghahanda upang maibigay ang tamang tono.
Tinatawag itong introduction. Ang huling bahagi naman ng awit ay
tinatawag na coda.
Ang antecedent phrase at consequent phrase ay dalawang
parirala na bumubuo sa isang musical idea. Kadalasan ang
antecedent phrase ay may papataas na himig at ang consequent
phrase naman ay may papababang himig.
Bibigyang-kahulugan sa yunit na ito ang isa pang elemento
ng musika na tumutukoy sa uri ng tunog o tinig. Ito ay tinatawag
na timbre. Ito’y maaaring mabigat o magaan, mataas, matinis,
malambing, maindayog, mataginting, makalansing, bahaw, o
sintunado na maririnig sa pag-awit at sa pagtugtog.
Karaniwang nahahati sa apat na uri ang tinig ng mga mang-
aawit. Soprano at alto ang tinig ng mga babae, tenor at bass
naman ang tinig ng mga lalaki.
Kung may pagkakaiba-iba sa tinig ng mga taong nagsasalita
ay mayroon ding pagkakaiba-iba sa tinig ng mga taong umaawit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
67
Katulad din ito ng mga instrumento. Ang mga instrumento ay
binubuo ng mga pangkat na: string/chordophone, woodwind at
brass/aerophone, percussion/idiophone at membranophone.
Sa huling bahagi ng yunit ay mararanasan natin ang pag-
awit nang may kaukulang lakas o hina. Higit na kaakit-akit ang
pagkanta o pagtugtog nang may damdamin na naipakita sa
paggamit ng dynamics. Ang dynamics ay tumutukoy sa lakas o
hina ng pag-awit o pagtugtog. Ito ay agad naipadarama sa
pagbabago ng boses sa pag-awit. Higit na gumaganda ang isang
awit o tugtugin kapag naipahayag nang maayos ang isinasaaad
nito sa pamamagitan ng wastong paglakas at paghina ng pag-awit
o pagtugtog sa mga bahagi ng komposisyon na kakikitaan ng
antas. Ang pagsunod sa mga sagisag dynamics ay nagbibigay ng
kakaibang sigla at kahulugan sa isang awit o tugtugin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
68
Ang Introduction at Coda ng Isang Awitin
Sa alinmang awitin, mas mainam na may bahaging
naghahanda o introduction sa tagapakinig. Ito ay maaaring
isang maikling himig o tugtuging instrumental na tinutugtog
bago magsimula ang awitin. Bukod sa napagaganda nito ang
awitin, nagbibigay ito ng tamang tono o pitch sa isang mang-
aawit.
Sa katapusan naman ng awitin o tugtugin, may mga
karagdagang ideya ang kompositor upang magkaroon ng isang
magandang pagtatapos ang isang awitin o tugtugin at
tinatawag itong coda.
Gawain 1
Awitin ang “Ohoy Alibangbang”. Bilugan ang introduction
at ikahon ang coda sa tsart ng awit na nasa pisara.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
69
Salin:
Ohoy paruparo kung ikaw ay lilipad
Alagaan mo nang mabuti ang mga bulaklak
Baka kung sakaling malimutan mo
Sayang si Gumamela na malaglag sa lupa
Gawain 2
Pangkatang gawain.
Ang bawat pangkat ay gagawa ng simpleng introduction
at coda ng mga awiting napag-aralan na.
Pangkat 1 - Batang Masipag
Pangkat 2 - Umawit at Sumayaw
Pangkat 3 - Run and Walk
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
70
Ang introduction ay himig na tinutugtog o inaawit bilang
paghahanda sa kabuuan ng pag-awit. Ang coda ( ) ay bahagi
ng isang awit o tugtugin na nagsisilbing panapos o pangwakas
na bahagi ng komposisyon.
Ano ang kahalagahan ng isang introduction at ng coda sa
kaayusan at kagandahan ng isang awitin o tugtugin?
Panuto: Awitin ang “Paruparong Bukid”. Bilugan ang
introduction at ikahon ang coda sa tsart ng awit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
71

72
Ang Antecedent Phrase at Consequent Phrase
ng Isang Awitin
Kung ang tula ay binubuo ng mga taludtod, ang musika
ay may mga musical phrases na magkakaugnay at nakabubuo
ng isang musical idea.
Gawain 1
Panuto: Ang mga babae ay bibigkas ng chant nang
papataas na tono samantalang ang mga lalaki ang
pababang tono.
Babae: Kaming mga babae, kami’y sumasayaw
Lalaki: Kaming mga lalaki, kami’y napapa-wow
Babae: Sumayaw, katawan ay igalaw
Lalaki: Pumalakpak, mga paa’y ipadyak.
Gawain 2
Awitin ang lunsarang awit. Bigyang pansin ang
antecedent phrase at consequent phrase.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
73
Gawain 3
Itaas ang kaliwang kamay para sa antecedent phrase at
kanan para sa consequent phrase habang nakikinig ng musika
ni Ludwig Van Beethoven, ang “Ode to Joy”.
Gawain 4
Pangkatang gawain.
Magsagawa ng angkop na kilos para sa mga antecedent
phrase at consequent phrase ng awit na “Ugoy ng Duyan”.
Maaaring magpalitan ng gawain.
Pangkat 1 - magsasagawa ng kilos para sa
antecedent phrase
Pangkat 2 - magsasagawa ng kilos para sa
consequent phrase
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
74
Ang mga antecedent at consequent phrases ay
magkakaugnay. Ito ang dalawang phrase na bumubuo ng isang
musical idea. Kadalasan ang antecedent phrase ay may
papataas na himig at ang consequent phrase naman ay may
papababang himig.
Ano ang inyong naramdaman habang inaawit ang mga
antecedent at consequent phrase? Saan maihahambing ang
isang musical idea? Bakit?
Panuto: Pakinggan ang awiting “Ako Mananggete”. Tukuyin
ang antecedent at consequent phrases. Bilugan ang antecedent
phrase at ikahon ang consequent phrase sa awiting, “Ako
Mananggete” sa inyong sagutang papel.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
75
Ang Magkahawig at Di-Magkatulad
na mga Musical Phrases
Sa musika, ang pagsasama-sama ng mga note at rest ay
humahantong sa pagbubuo ng mga melodic at mga rhythmic
phrase na siyang nagiging mahalagang bahagi ng isang likhang
pangmusika.
Gawain 1
Basahin ang titik ng “Atin Cu Pung Singsing”, ang
awiting bayan ng Pampanga.
Pakinggan ang awit at pagkatapos ay suriin ito.
Awitin ang lunsarang awit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
76
Gawain 2
Pakinggan ang mga awitin o tugtugin na iparirinig ng
guro. Tukuyin kung ang mga musical phrase ay magkahawig o
di-magkatulad.
Ang mga phrase ng isang awit ay binubuo ng mga himig
at rhythm na may iba’t ibang uri. Ito ay ang magkahawig na
parirala na binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit sa mas
mababa o mas mataas na tono at di-magkatulad na parirala na
binubuo ng magkaibang rhythmic at melodic phrase. Ang
himig at rhythm ay naiiba sa mga naunang phrase o
sumasalungat sa daloy ng himig.
Melodic phrase ang tawag sa pangkat ng mga tono o
himig na bahagi ng isang awit. Rhythmic phrase ang tawag sa
pangkat ng mga note at rest batay sa palakumpasan sa isang
bahagi ng awit o komposisyon.
Paano mo maipakikita ang anyo sa iba’t ibang sining?
Ano ang magiging anyo kung walang istruktura? Anong
leksiyong moral ang inyong natutuhan sa ating lunsarang
awit? Ano ang inyong naramdaman habang inaawit ang “Atin
Cu Pung Singsing”?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
77
Pangkatang gawain.
Panuto: Isagawa ang sumusunod na gawain para sa awiting
“Ugoy ng Duyan”. Sumangguni sa Yunit 3 Aralin 2.
(Maaaring magpalitan ng gawain ang bawat pangkat.)
Pangkat 1 - awitin ang magkahawig na melodic phrase
Pangkat 2 - awitin ang di-magkatulad na melodic phrase
Pangkat 3 - ipalakpak ang magkahawig na rhythmic phrase
Pangkat 4 - ipalakpak ang di-magkatulad na rhythmic
phrase
Lagyan ng tsek ang kahon para sa inyong sagot sa
kasanayang natutuhan.
Kasanayan
Napakahusay
(3 puntos)
Mahusay
(2 puntos)
Di-gaanong
Mahusay
(1 puntos) 1. Natutukoy at
naaawit ang
magkahawig na
melodic phrase
2. Natutukoy at
naaawit ang di-
magkatulad na
melodic phrase
3. Naipapalakpak nang
maayos ang
magkahawig na
rhythmic phrase
4. Naipapalakpak nang
maayos ang di-
magkatulad na
rhythmic phrase
5. Nakikiisa sa mga
pangkatang gawain
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
78
Ang Iba’t Ibang Tunog
Ang tinig ng tao ang pinakamagaling na halimbawa ng
instrumento. Iba-iba ang timbre ng tunog ng mga tinig. Hindi
magkakatulad ang boses ng mga tao sapagkat iba-iba ang likas
na kapal at laki ng vocal chord ng bawat isa.
Ganoon din, ang tunog ng instrumento ay may iba’t
ibang katangian. Maaaring ito’y pailong, malambing, makapal,
matinis, magaralgal, maindayog, at bahaw na maririnig sa iba’t
ibang tugtugin at pag-awit.
Gawain 1
Alamin ang awiting “The Little Band”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
79
Gawain 2
Pakikinig:
Pakinggan ang tinig ng mang-aawit sa CD at ang tunog
ng mga instrumento. Kilalanin ang mang-aawit at pangalanan
ang instrumentong narinig.
Sa pamamagitan ng pakikinig, pag-usapan natin ang mga
larawan na nasa ibaba.
Mga mang-aawit:
Mga Instrumento:
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
80
Mapapansin na ang tinig na ginagamit sa pagsasalita ay
iba sa tinig na ginagamit sa pag-awit. Ang bawat mang-aawit
ay may kani-kaniyang antas ng tinig. Iba rin ang timbre ng
tunog ng mga instrumentong pangsolo, orchestra, banda, at iba
pang instrumentong pangmusika.
Ang sumusunod ay iba’t ibang timbre ng tinig ng tao sa
pag-awit at tunog ng iba-ibang instrumentong pangmusika.
tinig na pailong magaralgal mahina
paos matagingting buo
bahaw malambing maugong
matinis basag mababa
mataas
Gawain 3
Pakinggan ang mga tugtugin at awiting ipatutugtog sa
CD. Ipalakpak nang tatlong beses ang mga kamay kapag tunog
ito ng instrumento at ikampay ang dalawang braso kapag tinig
ito ng tao.
Nakikilala ang kaibahan ng tunog ng mga instrumento at
tinig ng mga taong kumakanta dahil sa kanilang kakaibang
katangian o himig ng bawat tunog. Ito ay maaaring buo,
makapal, matinis, malambing, magaan, mataas, maindayog,
mataginting, makalansing, bahaw, at sintonado.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
81
Paano naipakikita ng uri ng tunog ang damdamin ng
musika?
Pakinggan ang mga tugtog (mga excerpt lamang) ng iba’t
ibang mang-aawit. Isulat ang S kung solo, D kung duet, G
kung grupo.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
82
Ang Pangkat ng Instrumentong
String/Chordophone
Isa sa mga pangkat ng instrumentong may kuwerdas ay
ang pangkat ng string o chordophone. Ito ay kinabibilangan ng
mga instrumentong may tono. Karamihan sa instrumento ng
orchestra ay ang pangkat ng instrumentong string. Ang mga
iyon ay kadalasang tumutugtog ng melody sa orchestra.
Gawain 1
Iparinig at awitin ang “Oh Who Can Play”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
83
1. Oh who can play the viola, the viola, the viola
Oh who can play the viola, ting, ting, ting, ting, ting.
2. Oh who can play the cello, the cello, the cello
Oh who can play the cello, eng, eng, eng, eng, eng.
3. Oh who can play the double bass, the double bass, the
double bass
4. Oh who can play the double bass, dong, dong, dong,
dong, dong.
Gawain 2
Pakikinig sa mga tunog ng mga instrumentong string.
Pag-usapan ang mga larawan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
84
Gawain 3
Hanapin at bilugan sa puzzle ang pangalan ng mga
instrumento at isulat sa patlang.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
85
Ang string ay binubuo ng mga instrumentong may
kuwerdas. Ito’y tinatawag na chordophone na tinutugtog sa
pamamagitan ng paghagod ng daliri (strumming), pagkalabit
(plucking), o paghilis ng arko (bowing).
Kung gusto ninyong sumali bilang isang manunugtog ng
instrumentong string, anong instrumento ang gusto ninyong
tugtugin? Bakit?
Pangkatin ang klase sa apat. Ang bawat pangkat ay
gagawa ng gitara na yari sa kahon ng sapatos at makapal na
goma. Pansinin kung ano ang relasyon ng resonator at string sa
pagtotono nito.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
86
Ang Pangkat ng Instrumentong
Hinihipan/Aerophone
Ang woodwind at brass ay pangkat ng mga
instrumentong hinihipan. Kadalasan, ito ay makikitang
tinutugtog sa mga pagtitipon gaya ng pista, parada, at
prusisyon.
Gawain 1
Iparinig at ipaawit ang “Oh Come Play a Merry Tune”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
87
Gawain 2
Pakinggan ang CD ng tunog ng mga instrumentong nasa
larawan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
88
Gawain 3
A. Kilalanin ang mga instrumentong tinutukoy.
B. Pakinggan ang CD na ipatutugtog ng guro. Kilalanin
ang tunog na naririnig at kulayan ang kahon ng
tamang sagot.
Instrumentong woodwind na walang reed
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
89
Ang brasswind ay mga instrumentong yari sa tanso.
Hugis-kopa ang ihipan at napatutunog sa nais na tono sa
pamamagitan ng slide at mga piston na nagpapaikli o
nagpapahaba sa mga tubong dinadaanan ng hanging
nagbibigay ng tunog. Kabilang sa pangkat na ito ang trumpet,
trombone, French horn, tuba, at saxophone.
Ang woodwind ay binubuo ng mga instrumentong
nagtataglay ng reed, isang ihipang gawa sa manipis na
kawayan na inilalagay sa pagitan ng mga labi. Ang hanging
pumapasok sa manipis na tubo ang siyang nagbibigay ng
tunog. Ang nose flute ay isang plawtang gawa sa kawayan na
tinutugtog sa pamamagitan ng paghinga mula sa ilong. Ang
musikong bumbong ay mga instrumentong gawa sa kawayan
na hinihipan. Ang lahat ng mga instrumentong hinihipan ay
nabibilang sa aerophone.
Ano ang pakiramdam ninyo kung kayo ay nakakakita o
nakakapanood ng pagtatanghal ng isang brass band?
Pakinggan ang tunog ng mga instrumentong iparirinig ng
guro. Kilalanin kung anong instrumento ito at ihanay sa
pangkat na kinabibilangan ng mga ito.
Instrumentong Etniko
na Hinihipan
Woodwind
Brass
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
90
Ang Pangkat ng Instrumentong
Percussion/Idiophone at Membranophone
Ang mga tao ay tunay na malikhain sa paghahanap,
paggawa, at paggamit ng bagay na nakapagbibigay ng tunog
tulad ng mga piraso ng sanga ng punongkahoy, mga sigay sa
dagat, at gamit sa bahay. Kauri ng mga ito ang mga
instrumentong percussion na pinatutunog sa pamamagitan ng
pagpukpok o pagpalo, pagkiskis, pagtapik, at pagkalog.
Gawain 1
Pakinggan at awitin ang kantang “Kalesa”. Gamitin ang
pares ng stick at bao ng niyog at sabayan ang rhythm ng awit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
91
Gawain 2
Pakinggan ang mga tunog ng mga instrumento habang
nakamasid sa mga larawan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
92
Gawain 3
Gamitin ang mga instrumentong percussion. Tugtugin
ang mga rhythmic pattern at isabay sa awiting “She’ll Be
Coming ‘Round the Mountain”.
2. She’ll be driving six white horses when she comes.
3. We’ll kill the old rooster when she comes.
4. Oh we’ll all have chicken dumplings when she comes.
5. Oh we’ll go out to meet her when she comes.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
93
Pakinggan ang mga tugtog na ito. Paghambingin ang mga
narinig na instrumentong percussion.
“Ading” ni Jose Maceda
“The Syncopated Clock” ni Leroy Anderson
Philippine Tongatong
Gawain 4
Pangkatin ang mga instrumentong percussion na nasa
kahon ayon sa uri nito.
Tiyak na tono Di-tiyak na tono
glockenspiel maracas
tubular bells sticks
celesta cymbals
xylophone drum
timpani tambourine
marimba bell
kalutang wooden blocks
luntang triangle
kulintang bao
gangsa dabakan
kubing
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
94
Gawain 5
Makinig sa mga rhythmic pattern. Isulat ang titik ng
tamang rhythmic pattern na pinatutunog ng mga
instrumentong may tiyak na tono.
Gawain 6
Pangkatang gawain
Awitin ang “Rocky Mountain” at tugtugin ang iba’t ibang
rhythmic ostinato gamit ang mga instrumentong percussion.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
95
- mang-aawit
- drum
- castanets, blocks, tonga
- sticks
- xylophone (sundan ang pattern
ng awit)
- melody bells
- glockenspiel
“Rocky Mountain”
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
96
Gawain 7
Pangkatang gawain
Mag-improvise o magcompose ng rhythmic
accompaniment ng awiting natutuhan na. Gamitin ang mga
improvised na instrumentong percussion.
Pangkat 1- melody bells, xylophone, glockenspiel
(tugtugin ang “Mary Had a Little Lamb”)
M R D R M M M ____ R R R ___ M S S ____
M R D R M M M M R R M R D __ __ __
Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4
Pangkat 5
kutsara, shell bote na may mongo
kahon ng sapatos
tansan
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
97
Ang instrumentong percussion ay binubuo ng dalawang
pangkat: tiyak at di-tiyak na tono. Kabilang sa mga may tiyak
na tono ay glockenspiel, tubular bells, celesta, xylophone,
timpani, at marimba. Ang maracas, sticks, cymbals, drum,
tambourine, bell, at wooden blocks ay kabilang sa di-tiyak na
tono. Ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pagpalo,
pagkiskis, pagtapik, pagkalog, at pagtatama sa katawan o sa
balat (membrane) katulad ng sa drum. Ang drum ay tinatawag
ding membranophone.
Ano ang nagagawa ng tunog ng instrumentong percussion
sa isang tugtugin o awitin?
Pangkatang gawain
Sundin ang mga rhythmic pattern na nasa ibaba.
Pangkat 1 – awitin ang “Bahay Kubo”
Pangkat 2 – tumugtog gamit ang drum
Pangkat 3 – tumugtog gamit ang triangle
Pangkat 4 – tumugtog gamit ang castanets
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
98

99
Ang Forte at Piano
Higit na kaakit-akit ang pagkanta o pagtugtog nang may
damdamin na maririnig sa paggamit ng dynamics. Ito ay
mahalaga sa isang awit upang maipahayag ang damdaming
ipinahihiwatig nito.
Gawain 1
Masdan ang mga larawan at tukuyin kung alin ang
nagbibigay ng mahina o malakas na tunog.
Iparinig ang tunog na nalilikha ng bawat isa.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
100
Gawain 2
Pakinggan ang “Mindanao Sketches” ni Buenaventura.
Ano ang naglaro sa inyong isipan habang kayo ay
nakikinig ng tugtugin? Paano nakadagdag ang lakas o hina ng
napakinggang tugtugin sa inyong naisip?
Masdan ang tsart ng lunsarang awit habang
pinakikinggan ang tono nito.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
101
Salin:
Ang paruparo ay lumilipad-lipad
Sa mga daan, kumikembot-kembot
Sutla ang saya, bordado ang kamison
May panyo sa leeg na parang nasa Paris
Ang dalaga ay inihalintulad sa isang paruparo kung
kumilos at manamit.
Gawain 3
a. Isulat sa tsart ang angkop na dynamics ng awit.
Awitin ang lunsarang awit na “Ang Alibangbang”
nang may tamang dynamics.
b. Isakilos ang galaw ng paruparo at bulaklak habang
inaawit na may angkop na dynamics ang lunsarang
awit.
Pangkat 1 - paruparo
Pangkat 2 - bulaklak
Ang dynamics ay elemento ng musika na tumutukoy sa
paglakas at paghina ng isang awitin o tugtugin. Ang p (piano)
ay para sa mahinang pag-awit o pagtugtog samantalang ang f
(forte) ay para sa malakas na pag-awit o pagtugtog.
Sa anong pagkakataon kailangan ninyong magsalita nang
mahina? Sa anong pagkakataon kailangan ninyong magsalita
nang malakas?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
102
Ano ang dapat gawin sa bahagi ng awit na may simbolong
p at f ?
Panuto: Kilalanin ang mga simbolo ng dynamics sa musical
score. Awitin nang may angkop na dynamics ang “Dance and
Sing”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
103
Kasanayan
Napakahusay
(3 puntos)
Mahusay
(2 puntos)
Di-gaanong
Mahusay
(1 puntos)
1. Nakikilala
ang gamit ng
p at f
2. Nagagamit
ang simpleng
simbolo ng
musika para
sa dynamics
3. Nakaaawit
nang may
angkop na
dynamics
4. Nakikiisa sa
pangkatang
gawain
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
267
GLOSSARY MUSIKA
2-Part Vocal bimubuo ng dalawang bahagi ng himig; maaaring soprano at alto part o kaya naman ay soprano at tenor
Acappela pag-awit na boses lamang ang naririnig, walang kasamang instrumentong pansaliw
Accent (<) ay sagisag na nagbibigay ng diin sa isang nota o sa unang kumpas ng bawat measure
Antecedent Phrase
nagsisilbing panimulang parirala ng isang musical phrase
Bajo de Arco itinuturing na pinakamalaking instrumentong may kwerdas at nagbibigay ng mababang tono
Barline guhit na patayo na ginagamit na panghati sa bawat measure ng staff
Bassoon instrumentong hinihipan na may double reed at may makapal na tunog
Beat ang pulso ng awit o tugtugin
Cello instrumentong may apat na kwerdas at nakatono nang mas mababa ng isang oktaba sa viola
Chant paawit na pagsasalita na walang sukat
Clarinet instrumentong woodwind na may ihipan na isang pirasong reed at may 24 na butas at nakapagbibigay ng mataas na tono
Coda huling parirala na nagsisilbing panapos ng awit o tugtugin
Consequent Phrase
nagsisilbing pangwakas na parirala bilang katapusan ng isang musical phrase
Descant isang melodiyang inaawit sa itaas ng melody bilang karagdagang himig na sumusuporta sa pangunahing himig
Di-magkatulad na musical phrase
binubuo ng magkaibang pariralang panritmo at panghimig
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
268
Diwdiw-as instrumentong etnikong hinihipan na yari sa lima o higit pang pinagsama-samang maninipis na kawayan
Dynamics elemento ng musika na tumutukoy sa paglakas o paghina ng pag-awit o pagtugtog
Flute instrumentong woodwind na walang reed at pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas na nasa gawing dulo ng katawan nito
Forte (f) malakas na pag-awit o pagtugtog
French Horn instrumentong hinihipan na yari sa inikot na tubong labindalawang talampakan ang haba at nababago ang tono sa pamamagitan ng mga piston at valve
G Clef simbolo na nakalagay sa unahan ng musical staff na nagtatakda ng tono ng mga note sa staff
Harmonic Interval
tumutukoy sa agwat ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit o tinutugtog nang sabay
Harmonic Third Interval
binubuo ng dalawang magkaugnay na note na may pagitang dalawang whole step o apat na 1/2 step
Harmony ang kaaya-ayang tunog na nalilikha ng maayos na pagsasama-sama ng mga tono sa isang akorde
Instrumental Music
musikang galing sa mga musical instrument
Interval ang pagitan ng dalawang tono
Kalaleng o Tongali
instrumentong etniko na yari sa mahabang kawayan na makitid ang loob, at tumutugtog ng iba’t ibang mga harmonic sa pamamagitan ng overblowing
Kodaly Hand Sign
isang paraan ng pagbabasa ng mga note gamit ang iba’t ibang senyas kamay
Largo tempo na mas mabagal sa andante
Ledger Line dagdag guhit na makikita sa itaas o ibaba ng staff
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
269
Measure binubuo ng mga nota at pahinga na napapaloob sa dalawang barline at may tamang bilang ng kumpas na naaayon sa nakasaad na meter
Melodic Ostinato
isang maikling melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog o inaawit kasabay ng pangunahing melodiya
Melodic Phrase
pariralang panghimig na nagtataglay ng himig na hinango sa alinmang bahagi ng awit. Ito ay ang pagkasunod-sunod ng mga note na siyang bumubuo sa isang magandang linya o melody
Meter pantay-pantay na sukat ng rhythm na ipinamamalas sa kumpas o beat
Musical Phrase
ito ay mga musical sentence na nagpapahiwatig o nagsasaad ng isang buong kaisipan
Musical Staff binubuo ng limang linya at apat na puwang na pinagsusulatan ng mga note, rest, at mga panandang pang-musika (musical symbol)
Oboe instrumentong woodwind na may ihipang yari sa dalawang pirasong reed na pinagtaklob at may maliit na pagitan
Octave pagitan o interval ng tono mula sa lower do hanggang sa higher do
Ostinato isang rhythmic o melodic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Palendag isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon
Piano (p) mahinang pag-awit o pagtugtog
Pitch Name pangalang pantono sa musika (A,B,C,D,E,F,G)
Presto musical symbol na nagpapahiwatig na ang komposisyon o bahagi ng komposisyon ay aawitin o tutugtugin nang mabilis na mabilis
Prime una o isa
Range lawak ng tunog na maaaring maabot o magawa ng boses o musical instrument
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
270
Reed isang maliit at manipis na bagay na ikinakabit sa ihipan ng instrumentong woodwind
Rhythmic Ostinato
rhythmic pattern na paulit-ulit na tinutugtog at ginagamit na pansaliw sa awitin
Rhythmic Pattern
ay ang pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time signature
Rote Method isang paraan ng pagtuturo ng awit na pagagad/paggaya
Saggeypo instrumentong etniko na yari sa kawayan at kahalintulad ng panpipes
Score ang piyesa ng awit o tugtugin
Staff binubuo ng limang guhit at apat na puwang kung saan isinusulat ang music notation
Tempo ang bilis o bagal ng musika o awitin
Texture elemento ng musika na tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog
Timbre ang uri o kalidad ng tunog
Tonal Tono
Trombone instrumentong brass na nakapagpapatunog ng iba’t ibang tono sa pamamagitan ng pag-urong-sulong ng slide nito
Trumpet instrumentong brass na may pinakamataas na tono. Ito ay may mga valve at piston na ginagamit sa pagbabago ng tono
Tuba pinakamalaki at may pinakamababang tono sa instrumentong brass
Viola may apat na kuwerdas na nakatono sa C, G, D, at A. Ito ay may mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa violin. Ito ay itinuturing na alto ng string family
Violin may apat na kuwerdas na nakatono sa G, D, A, at E. Ito ay may mataas at matinis na tunog. Ito ang soprano ng string family
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
271
Vocal musikang mula sa pag-awit gamit ang boses
Waltz isang musika o tugtugin na nasa tatluhang meter o kumpas na may malakas na accent o diin sa unang beat
SINING
acrylic paint isang uri ng pintura na ginagamitan ng tubig
Background tanawin pinakamalyo sa tumitingin, likod
Bookmark ginagamit na pananda sa isang pahina ng libro
pabalat sa libro
takip sa libro na may iba’t ibang disenyo o kulay
border design disenyo sa paligid ng papel
banana stalk bahagi ng halamang saging na ginagamit na pangdisenyo sa gawaing-sining
Bloke nagsisilbing pampatigas sa gilid na bahagi ng papel
cardboard isang uri ng matigas na papel na ginagamit sa gawaing-sining
container lalagyan ng tubig o anumang bagay
construction paper
isang uri ng papel na ginagamit sa gawaing-sining na may iba’t ibang kulay
cotton buds ginagamit na panlinis sa tainga
Chlorine nakalalasong kemikal na ginagamit na panlinis o pang alis ng mantsa sa damit
coin purse lagayan ng barya
Disenyo ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang makabuo ng dibuho
disenyong radial
disenyong nakaayos na ginagamitan ng linya
disposable spoon
kutsarang yari sa plastik

272
Espasyo bahagi ng isang buong lugar na nasusukat
elemento isang mahalagang sangkap o bahagi ng sining
Foreground Tanawing pinakamalapit sa tumitingin, harap
itanghal ipakita sa marami sa pamamagitan ng paglagay sa harap o pagpaskil
Istilo pamamaraan
jewelry pouch lagayan ng iba’t ibang palamuti tulad ng singsing, hikaw at kuwintas
kalikasan natural na makikita sa kapaligiran na gawa ng Diyos
kultural kaugnayan sa isang partikular na grupo ng mga tao at kanilang mga gawi, paniniwala, at tradisyon
kontribusyon mahalagang naiambag upang matapos ang isang gawain o proyekto
Luwad Molde
Myural malaking larawan na ipininta na kadalasan makikita sa mga dingding o pader
Middleground tanawin sa gitna, pagitan ng foreground at background motif na iba’t-ibang uri ng disenyo mula sa mga pangkat-etniko
malong isang uri ng kasuotan nagmula sa ating mga pangkat-etniko
Overlap pagpapatong-patong ng mga hugis
Oil pastel isang uri ng pangkulay ginagamit sa gawaing-sining
Palamuti Dekorasyon
Pista pagdiriwang sa isang lugar
Prinsipyo sinusunod na pamantayan sa sining
pangkat- etniko
grupo ng mga sinaunang tao

273
pattern proseso ng sining na ginagawao ginagamit nang paulit-ulit
placemat ginagamit na patungan ng mga pinggan, kubyertos, at baso sa hapag kainan
Paglalala ng Banig
Masining na paglalala at pagtitiklop ng mga piraso ng materyales upang makalikha ng kahanga-hangang disenyo ng banig-plorera na lalagyan ng bulaklak
retaso pinagtabasang piraso ng tela
recycled paper papel na gamit na
Table runner isang mahabang tela na inilalagay sa mesa para dekorasyon
Tina-tali ang Tina-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay ay karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit, papatong na pagtiklop, o paglukot ng tela o isang damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band) na sinusundan ng pagbabad o paglubog sa timpla na may kulay
T’boli mga taong nakatira sa pamayanang kultural na matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng T’nalak mula sa hibla ng abaka
T'nalak ay isang tradisyonal na tela ng ginagawa ng mga T’boli sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Ito tradisyonal na tela ay hinabing-kamay na gawa sa Abaka fibers na ayon sa kaugalian ay may tatlong pangunahing mga kulay, pula, itim at ang orihinal na kulay ng dahon Abaka
Value sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan at kadiliman nito
wall décor palamuti sa dingding
water color isang uri ng pangkula na ginagamitan ng tubig at brotcha o brush
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
274
APPENDIX
Musika
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
Do a Little Thing
Early to Bed
Gising Na
Hear the Rain
Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
275
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
We’re on the Upward Trail
Will You Dance With Me?
Mga Awit sa Pakikinig Ading Are You Sleeping Lazy Juan? Bahay Kubo Blue Danube Waltz Hallelujah Chorus Happy Birthday It Came Upon the Midnight Clear Mindanao Sketches My Heart Will Go on Philippine Tongatong Pop Goes the Weasel Row, Row, Row Your Boat Somewhere Over the Rainbow Star Wars- Opening Theme Tayo’y Umawit
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
276
Bibliography
Musika
Antukin: Philippine folk songs and lullabies; Selected by Felicidad A. Prudente,Tahanan Books for Young Readers, 1998
Dazzle 4, Innovative Educational Materials Inc
Halina’t Umawit 4, Manwal ng Guro, Emelita C. Valdecantos, Copyright St. Mary’s Publishing Corp.
Halina’t Umawit, Manwal ng Guro, Susana E. Samonte p. 42 J. C Palabay Interprises
Halina’t Umawit 4 J.C. Palabay Enterprises, Inc.
Halina’t Umawit 5, J. C. Palabay Enterprises, Inc
Ilonggo Folk Songs (Book 1) by Prof. Romulo J. Pangan
Immortal Philippine Native Songs, Carmelita V. Jose
Introduction to the Kodaly Method (leaflet), 2002, Daisy Marasigan
Leaflet, 2000, Gloria C. Quinto
Lower Primary, p. 194 C. Llamas Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Music, Art and Physical Education 4, Saint Bernadette Publications, Inc.
Musika, Sining, at Edukasyong Pangkatawan 4
Music Time (Upper Primary), Felipe Padilla, Leon and Luz Padilla p. 52, 1963 by MJ Enriquez, Philippine Book Company
Musical Wonders 3, p. 205, Phoenix Publishing House, Cultural Arts Series
Musical Wonders Worktext and Teachers Guide
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
277
Philippine Folk Literature Series Volume VII The Folk Songs Compiled and edited by Damiana L. Eugenio Sanayang Aklat sa Musika 4 Chita C. Erice at Victorina A. Mariano
Sanayang Aklat Sa Musika 5, 2006, 2009, Chita E. Mendoza and Victorina Mariano
Sparkles 3, Music, Arts & Physical Education, Rex Book Store, Inc.
Internet:
Ang Mahal na Pasyon ni Hesukristo https://www.youtube.com/watch?v=Ku0pYNczuk8
Balitaw-Visayan song https://www.youtube.com/watch?v=LI4wjCzQ4fY
Benjamin Britten: String Quartet No.1 in D major - Professor Roger Parker and the Badke Quartet https://www.youtube.com/watch?v=ytMKODHsTtM
Celso Espejo Rondalla Czardas - https://www.youtube.com/watch?v=9pHgH6zYe1E
Chu-ay Sta. Teresita Parish Chorale https://www.youtube.com/watch?v=YLvHhFxuTMw
Cordillera hymn-nose flute https://www.youtube.com/watch?v=lOBOg4NP6qI
Cordillera Musical Bamboo Instruments 2 https://www.youtube.com/watch?v=_uCP8z6iYuI
Dabakan Solo https://www.youtube.com/watch?v=Cx8vbPO2UW0
Davao Christian High School Orchestra's "Frozen" Medley https://www.youtube.com/watch?v=W_7PAGVCvt8
Gangsa https://www.youtube.com/watch?v=eTaAH9PjP2k
Gaubert -- Medailles Antiques -- Flute, Violin, Piano Trio https://www.youtube.com/watch?v=r29WR4uOf9k
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
278
Hudhud (Ifugao) https://www.youtube.com/watch?v=sRu0F_LGP9I
Kalesa (by Ernani Cuenco) https://www.youtube.com/watch?v=J9jTQHxfV5s
Kalinga's Musical Instrument https://www.youtube.com/watch?v=oRel5kNIUW8
Kalutang Playing Preservation - Gasan, Marinduque https://www.youtube.com/watch?v=K9tGzON0lXw
Kids singing Happy Birthday https://www.youtube.com/watch?v=_obDFEUzFk0
Kolitong https://www.youtube.com/watch?v=-CeovlZFK2Y
Kudyapi Master Samaon Sulaiman https://www.youtube.com/watch?v=2OGHt50WhcI
Leroy Anderson - The Syncopated Clock https://www.youtube.com/watch?v=CrpdQngwk2g
Les Miserables Medley by the Philippine Philharmonic Orchestra https://www.youtube.com/watch?v=6_q-htASyCU
Loboc Children's Choir The Prayer https://www.youtube.com/watch?v=6j4CpzF8yXM
Mabuhay Singers 50th Golden Anniversary Concert-Nagkalituhan Duet by Raye Lucero and Peping de Leon https://www.youtube.com/watch?v=elja1f9wjM0
Mindanao Kulintang Ensemble https://www.youtube.com/watch?v=U1Zgb8_8RAs
Mindanao Sketches by Antonino Buenaventura http://www.youtube.com/watch?v=jULj2mK3jbA
Pop! Goes the Weasel www.youtube.com/watch?v=fv4kp4ZnSuE
Ode to Joy by Beethoven http://www.youtube.com/watch?v=Wod-MudLNPA
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
279
Ode to Joy - Piano sheet music https://www.youtube.com/watch?v=zFw0cmcihxU
Odiyat Kambayok by Erlynda https://www.youtube.com/watch?v=kveJePTJg-k
Paldong - Julia Yabes https://www.youtube.com/watch?v=okyIy_3aCkI
Paldong Lip-Valley Flute https://www.youtube.com/watch?v=WaATBErVUIU
Percussion Family https://www.youtube.com/watch?v=Dbve0x8lgnE
Percussion Instruments https://www.youtube.com/watch?v=GnPuHPte6lc
Philippine Bamboo Orchestra in Beijing https://www.youtube.com/watch?v=Rqk7X5sYiVQ
Philippine Marching Bands https://www.youtube.com/watch?v=Q2_q6ir4i84
Philippine Music, traditional Instruments – tboli tribe(Lemuhen) https://www.youtube.com/watch?v=wjVD-cKu0Fg
Philippine Philharmonic Orchestra - Frozen Medley https://www.youtube.com/watch?v=5zc7uC4Oa4s
Philippine Symphonic Medley PNU Rondalla - https://www.youtube.com/watch?v=IE0dqrlCXiE
PMA Marching Band https://www.youtube.com/watch?v=QoXjxLlm2eI
"Prayer of St. Francis" sung by the Philippine Madrigal Singershttps://www.youtube.com/watch?v=6Aboc4uATPE
P.Tchaikovsky. Serenade for Strings. https://www.youtube.com/watch?v=PAeXRJtxbrQ
Samaon Sulaiman 2 https://www.youtube.com/watch?v=Pv3uMaZCHs4
Sarah Geronimo solo https://www.youtube.com/watch?v=xaTGuKWZMeE
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
280
Street Parade at Tagaytay City, Philippinehttps://www.youtube.com/watch?v=AKeTDPFAIOY
Surprise Symphony Second Movement by Franz JosephHaydn http://www.youtube.com/watch?v=WZNIFN4x_U8
The Brass Family https://www.youtube.com/watch?v=IWxUqwWPQzY
The Darangen Epic of the Maranao People of Lake Lanao https://www.youtube.com/watch?v=4VzzhNkbjgg
The Kumbing - Filipino Bambo Jews (Jaw) Harp https://www.youtube.com/watch?v=Swd3yCFAgPA&index=3&list=PLWdxXfBGImBxZGgyKtckAyDsrGhtbW_oG
The String Family - A Digital Story https://www.youtube.com/watch?v=I6343CdYVB0
Woodwind instruments https://www.youtube.com/watch?v=7OjqeyOvC1c
Vivaldi Spring The Four Seasons https://www.youtube.com/watch?v=aFHPRi0ZeXE
Yo-Yo Ma The Swan Saint-Saens https://www.youtube.com/watch?v=zNbXuFBjncw
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
ii
Musika at Sining – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhDDirektor IV: Marilyn D. Dimaano, EdDDirektor III: Marilette R. Almayda, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________________Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072 E–mail Address : [email protected]
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMusika Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. ParakikayMga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. AndresMga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares, Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. VillenaTagatala: Richilo L. LacedaNaglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal
Sining Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
iii
Paunang Salita
Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.
Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.
Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral upang magkaroon ng:
•mapanuri at replektibong pag-iisip;•mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;•mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at•mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.
Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
v
Yunit 4 – Tempo, Texture, at Harmony
Aralin 1: Ang Kilos o Galaw Bilang Tugon sa Tempo....... 107Aralin 2: Ang Pag-awit sa Tempong Largo at Presto........ 110Aralin 3: Ang Paglalarawan ng Texture ng Awitin............. 115Aralin 4: Ang Paglalapat ng Ostinato................................ 120Aralin 5: Ang Descant at ang Melody............................... 125Aralin 6: Ang 2-Part Vocal o Instrumental Music.............. 129Aralin 7: Ang mga Harmonic Interval ng mga Awitin........ 133Aralin 8: Ang Paglikha ng Harmonic Third Interval.......... 136
Talaan ng Nilalaman
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
105
Yunit 4 Tempo, Texture, at Harmony
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
106
Kung ating pagmasdan ang ating kapaligiran, bawat isa ay may
sariling galaw. Ang pag-indayog ng mga puno sa pagdaan ng hangin, ang
paghahabulan ng mga alon at paghampas sa dalampasigan, ang
paglangoy ng bibe sa sapa, maging ang paglakad ng mga nagmamadaling
tao sa umaga pagpasok sa trabaho at pagtakbo ng mga rumaragasang
sasakyan ay nagpapakita ng iba’t ibang galaw o kilos.
Kaugnay ng mga bagay na ito, ang isang awitin o tugtugin ay may
tiyak na kilos o galaw. Ito ay tinatawag na tempo. Ang tempo ay
maaaring mabilis o mabagal. Ang mabilis na tempo ay tinatawag na
presto samantalang ang mabagal na tempo ay tinatawag na largo. Ang
tempo ng awitin ay maaaring ilarawan sa pamamagitan ng iba’t ibang kilos
ng katawan. Ang kilos o galaw ay naaayon sa daloy ng awitin o tugtugin.
Ang texture sa musika ay tumutukoy sa kapal o nipis ng isang tunog
na pinagsama-sama o pinag-uugnay. Sa awit, ang texture ay makikita sa
pinagsama-samang tinig o tunog upang magkaroon ng harmony.
Sa pag-aaral, matutunghayan at matutukoy ang iba’t ibang uri ng
pamamaraan ng paglalagay o paglalapat ng melodic line upang makabuo
ng ostinato at descant. Ganun din, napagtutuunan ng pansin ang
pagsasanay sa pag-awit ng mga awiting may ostinato at descant.
Ang pagsasama-sama ng dalawa o higit pang tono ay nakabubuo
ng harmony. Ang pagbubuo ng harmony ay nagsisimula sa pagtukoy ng
melodic at harmonic interval na ginagamit na pangsaliw o kaya
pampakapal ng texture ng isang tunog.
Ang mga tono ay sabayang tinutugtog upang makabuo ng isang
magandang harmony. Sa pag-awit ng dalawahang tinig, higit na
napapaganda ito kung ang mga tinig ay may kabagayan o blending. Kung
ganun ang mangyayari, sinasabing ang kanilang pag-awit ay may
harmony.
Sa araling ito, natutukoy ang mga harmonic interval na may
dalawang tono. Kasakop nito ang pagbubuo at pag-awit ng mga payak na
harmonic interval (thirds) na inilapat sa isang awitin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
107
Ang Kilos o Galaw Bilang Tugon sa Tempo
Ang mga awitin o tugtugin ay may tiyak na kilos o galaw.
Ito’y maaaring mabilis o mabagal. Maaari ring ilarawan sa
pamamagitan ng iba-ibang kilos ng katawan na naaayon sa
daloy ng awitin o tugtugin.
Gawain 1
Makinig sa sumusunod na tugtugin. Sabayan ng angkop
na kilos ng katawan.
a. Mga Alaga Kong Hayop
b. Lullaby
Gawain 2
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
108
Awitin nang mabilis ang “Chua-ay”.
Awitin muli ang “Chuay-ay” at sabayan ng kilos na
parang mga Igorot. Saan nanggaling ang awiting “Chua-ay”?
Saang lalawigan makikita ang mga Igorot?
Paano inaawit ang awitin?
Anong katangian ng mga Igorot ang ipinakikita sa
awitin?
Gawain 3
Awitin ang “Ili-ili Tulog Anay” at sabayan ng kilos o
galaw ng katawan.
Anong kilos ang ginawa habang umaawit ng “Ili-ili Tulog
Anay”?
Paano isinagawa ang kilos?
Gawain 4
Awitin ang “Do A Little Thing”. Lumikha ang bawat
pangkat ng sariling kilos at gawin ito nang salitan.
Pangkat ng mabilis
na kilos
Pangkat ng
mabagal na kilos
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
109
Gawain 5
Makinig sa mga tugtugin. Lumikha ng sariling kilos na
angkop sa awitin o tugtugin.
Ang mga awitin ay nagpapakita ng iba’t ibang kilos; may
mabagal at mabilis na kilos. Ito ay tinatawag na tempo.
Sa mga pang-araw-araw na gawain, kailan kikilos nang
mabagal at mabilis? Magbigay ng mga halimbawa.
Gawain
Napakahusay
(3 puntos)
Mahusay
(2 puntos)
Di-gaanong
Mahusay
(1 puntos)
1. Naisagawa nang maayos
ang mabilis at mabagal na
kilos
2. Nasabayan nang tama ang
tempo ng awitin ayon sa
kilos na isinagawa
3. Nakilala ang mga mabilis
at mabagal na tempo ng
awitin
4. Nakalikha ng akmang kilos
sa paglalarawan ng mabilis
at mabagal na tempo
5. Naipakita ang pakikiisa sa
mga pangkatang gawain
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
110
Ang Pag-awit sa Tempong Largo at Presto
Ang mga awitin o tugtugin ay kumikilos tulad ng mga
pangyayari sa ating paligid. May mga pagkakataon na
kailangang kumilos nang mabilis at mabagal. Kaugnay nito,
ang musika ay dumadaloy sa mabilis at mabagal na paraan.
Gawain 1
Pakinggan ang awiting “Kalesa”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
111

112
Anong uri ng transportasyon ang kalesa?
Sa anong uri ng pamayanan makikita ang kalesa?
Ano ang mabuting naidudulot sa kapaligiran ng paggamit
ng kalesa?
Kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataong makagamit
pa ng kalesa, nanaisin ba ninyo? Bakit?
Sa ano-anong paraan naipakikita ang pagpapahalaga sa
ating kapaligiran?
Ano ang inyong napansin sa tempo ng awiting “Kalesa”?
Aling bahagi ng awit ang may mabilis na tempo?
Aling bahagi ng awit ang may mabagal na tempo?
Gawain 2
Sabayan ng pag-awit ang tugtog na “Kalesa”.
Isadula ang awiting “Kalesa” nang may tempong largo at
presto.
Mga tauhan:
Isang batang lalaki – kutsero
Apat na batang lalaki – kabayo
Isang babae – dalagang Pilipina
Isang lalaki – binatang Pilipino
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
113
Ibang kasapi ng klase – mga pasahero ng
kalesa
Gawain 3
Makinig sa sumusunod na tugtuging nakarekord.
Tukuyin kung ang tempo ay largo o presto.
a. “Ang Alibangbang”
b. “Oh Who Can Play”
Gawain 4
Awitin ang “Masaya Kung Sama-sama” nang may
tempong presto at largo.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
114
Ang mabilis na tempo ay tinatawag na presto,
samantalang ang mabagal na tempo ay tinatawag na largo.
Paano tutulong sa mga taong nangangailangan sa loob ng
paaralan at pamayanan?
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na elemento ng musika ang
naglalarawan ng galaw o kilos?
a. rhythm c. dynamics
b. melody d. tempo
2. Alin sa sumusunod ang mabilis na tempo?
a. largo b. presto c. piano d. forte
3. Alin sa sumusunod ang mabagal na tempo?
a. piano b. largo c. forte d. presto
4. Lahat ng mga awitin sa ibaba ay may tempong presto
maliban sa isa. Piliin ito.
a. “Chua-ay” c. “Ili-ili Tulog Anay”
b. “Akong Manok” d. “Sitsiritsit”
5. Pakinggan ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan”. Ano ang
tempo nito?
a. mabilis at mabagal c. mabagal
b. mabilis na mabilis d. katamtamang bilis
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
115
Ang Paglalarawan ng Texture ng Awitin
Ang mga awitin o tugtugin ay may taglay na texture. Ang
texture sa musika ay nailalarawan sa pamamagitan ng kapal at
nipis ng mga tunog na maririnig.
Gawain 1
Ano ang napansin sa mga larawan?
Gawain 2
Awitin ang “Bahay Kubo” sa paraang chain singing ng:
isang bata
dalawang bata
limang bata
kalahati ng klase
buong klase
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
116
Ano ang napansin sa paraan ng pag-awit?
Ilan ang kumanta sa unang pagkakataon? sa pangalawa?
pangatlo? pang-apat, at panlima?
Ihambing ang kapal ng tinig sa pag-awit ng isang bata,
dalawang bata, limang bata, kalahati ng klase, at buong
klase.
Ano-anong mga gulay at prutas ang nabanggit sa awiting
“Bahay Kubo”?
Ano ang kahalagahan ng pagkain ng mga gulay at
prutas?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
117
Gawain 3
Awitin ang musical score para sa alto ng “Bahay Kubo”.
Ano ang masasabi sa tono ng awit?
Pangkatang gawain
Awitin ang awiting “Bahay Kubo” sa mataas at
mababang tono.
Unang Pangkat - mataas na tono (soprano)
Pangalawang Pangkat - mababang tono (alto)
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
118
Awitin nang sabay ang “Bahay Kubo”.
Ano ang napansin mo sa tono ng itaas na bahagi? ibabang
bahagi?
Paano mo ilalarawan ang pag-awit nang magsabay ang
dalawang grupo ng tinig?
Gawain 4
Makinig sa mga awitin o tugtugin. Ilarawan ang mga
narinig sa pamamagitan ng mga tanawin. Isulat ang titik
lamang.
1. 4.
2. 5.
3.
Gawain 5
Awitin ang “Early to Bed”. Lumikha ng kaugnay na
tunog sa mga note na nasa kahon upang kumapal ang texture
ng awit.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
119
Ang texture ng awitin o tugtugin ay nakikilala sa
pamamagitan ng pakikinig sa pagiging manipis o makapal ng
iba’t ibang tunog.
Ano ang kahalagahan ng pakikinig sa guro sa loob ng
silid-aralan?
Gawain
Napakagaling
Magaling
Di-
gaanong
Magaling
1. Nakilala ang manipis
na texture ng awitin o
tugtugin
2. Nakilala ang makapal
na texture ng awitin o
tugtugin
3. Naunawaan nang
lubusan ang texture ng
napakinggang awitin o
tugtugin
4. Nakaawit nang may
pang-unawa sa
bahaging itinakda
5. Naipakita ang pakikiisa
sa mga pangkatang
gawain
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
120
Ang Paglalapat ng Ostinato
Napagaganda o nagiging kaaya-aya ang isang awitin sa
pamamagitan ng ostinato. Ang ostinato ay maaaring awitin o
tugtugin sa tulong ng mga rhythmic instrument.
Gawain 1
Pag-awit ng “Early to Bed” na sinasabayan ng pagtugtog
gamit ang mga dalang rhythmic instruments. Sundin ang “tap,
clap, clap”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
121
Gawain 2
Awitin ang “Hear the Rain”.
Pangkatin ang klase sa apat. Gawin ang sumusunod:
Pangkat 1 - bao
Pangkat 2 - drums
Pangkat 3 - tambourine
Pangkat 4 - aawit ng “Hear the Rain”
Awitin muli ang “Hear the Rain”, isabay ang melodic
ostinato tulad nito.
Ano ang isinabay na gawain sa pag-awit?
Ilang ulit tinugtog ang rhythmic pattern?
Paano inawit ang “Hear the Rain”?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
122
Ano ang pagkakatulad ng rhythmic at melodic ostinato?
Ano ang pagkakaiba ng rhythmic at melodic ostinato?
Ano ang kahalagahan ng ostinato?
(Pakikinig) Pakinggan ang ostinato ng drum habang
tumutugtog ang kulintang.
Gawin 3
Pag-awit nang may ostinato.
Pangkat I - Aawit ng “Hear the Rain”.
Pangkat II -
Pangkat III -
Pangkat IV -
Gawain 4
Awitin ang “Pamulinawen”. Lumikha ng rhythmic
ostinato. Gumamit ng sariling likhang rhythmic
instrument para sa rhythmic ostinato.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
123
Salin:
Huwag kang magtampo
Iyon ay biro lamang
Di na uulit
Manalig ka hirang
Kung galit ka pa
Parusahang lubusan
At iyong asahang
Hindi magdaramdam
Tunay ang aking pag-ibig
At hindi biro-biro lamang
Ang puso ko'y sa iyo
Huwag kang mag-alinlangan
At kung kulang pa rin
Ay kunin mo pa yaring buhay
'Yan ay tanda ng
Sukdulang pagmamahal
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
124
Ang ostinato ay paulit-ulit na mga rhythmic pattern o
himig na ginagamit bilang pansaliw sa mga awitin. May
dalawang uri ang ostinato; rhythmic at melodic ostinato. Ang
rhythmic ostinato ay binubuo ng rhythm lamang samantalang
ang melodic ostinato ay binubuo ng rhythm at melody.
Ano ang kahalagahan ng pag-uulit-ulit ng mga gawain sa
inyong pag-aaral?
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang ginagamit na pansaliw sa awitin?
a. rhythmic at melodic ostinato c. alto part
b. descant d. lahat
2. Ano ang tawag sa paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit
bilang pansaliw sa awitin?
a. descant c. rhythmic ostinato
b. melodic ostinato d. ostinato
3. Ano ang tawag sa paulit-ulit na melodic pattern na ginagamit
bilang pansaliw sa awitin?
a. ostinato c. rhythmic ostinato
b. descant d. melodic ostinato
4. Sa paanong paraan natutukoy ang ostinato?
a. sa pakikinig c. sa pakikinig at pagbabasa
b. sa pagbabasa d. wala sa nabanggit
5. Aling elemento ng musika ang nabibigyang halaga ng ostinato?
a. rhythm c. dynamics
b. melody d. texture
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
125
Ang Descant at ang Melody
Tulad ng ostinato, ang descant ay ginagamit na pansaliw
sa awitin. Ito ay nagbibigay ganda sa awitin at nagdadagdag
sa texture.
Gawain 1
Awitin ang “Magtanim ay ‘Di Biro” na sinasabayan ng
pagtugtog gamit ang mga dalang rhythmic instrument.
Sabayan ng pagtugtog ng pulso o beat ang awitin.
.
Gawain 2
Awitin nang pangkatan ang “Liza Jane”.
Unang Pangkat – kakanta ng melody
Pangalawang Pangkat – kakanta ng descant
Magtanim ay ‘Di Biro
Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko
Di man lang makaupo, di man lang makatayo
Magtanim ‘di biro, maghapong nakayuko
‘Di man lang makaupo, ‘di man lang makatayo
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
126
Ano ang isinabay na gawain sa pag-awit?
Suriin ang musical score. Ano ang nakikita sa itaas nito?
Awitin muli ang “Liza Jane” at sabayan ng himig na
nakasaad sa itaas ng melody.
Ano ang napansin ninyo habang kayo ay kumakanta?
Gawain 3
Pagmasdan ang musical score ng “Magtanim ay ‘Di
Biro”. Kopyahin ang titik ng descant ng awitin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
127
Gawain 4
Awitin ng buong klase ang awiting “Magtanim ay ‘Di
Biro” kasabay ng descant.
Unang pangkat – melody
Pangalawang pangkat - descant
Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita sa
awitin?
Bakit kailangan nilang gawing maayos ang trabaho?
Ang descant ay isang himig na inaawit kasabay sa itaas
ng melody, ngunit kaiba sa pangunahing melody. Ito ay
nagdadagdag sa texture ng awitin.
Paano naipamamalas ng descant ang pagtutulungan sa
musika?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
128
Gawain
Napakahusay
Mahusay
Di-
gaanong
Mahusay
1. Natukoy ang descant
sa pamamagitan ng
pakikinig
2. Natukoy ang descant
sa pamamagitan ng
pagbasa
3. Naawit nang tama
ang descant ng awitin
4. Naipakita ang
pakikiisa sa mga
gawaing itinakda
5. Naipakita ang lubos
na kasiyahan sa mga
gawain
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
129
Ang 2-Part Vocal o Instrumental Music
Ang isang awit ay maaaring awitin nang unison at
dalawahang tinig o higit pa. Ang 2-part vocal ay binubuo ng
dalawang tono na inaawit nang sabay. Nagbibigay ito ng
maganda at kaaya-ayang tunog at dumadagdag sa texture ng
isang awitin o tugtugin.
Gawain 1
Awitin ang “Manang Biday”.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
130
Gawain 2
Bumuo ng dalawang pangkat.
Unang pangkat – aawitin ang mga note na nasa itaas
Pangalawang pangkat – aawitin ang mga note na nasa
ibaba
Gawain 3
Suriin ang musical score ng “Manang Biday”.
Ano ang napansin sa mga note?
Ano-ano ang magkakatapat na note?
Paano inaawit ang mga bahaging may dalawang
magkatapat na note?
Aling pangkat ng mang-aawit ang kakanta sa mga notes
na nasa itaas na bahagi?
Aling pangkat ng mang-aawit ang kakanta sa mga note
na nasa ibabang bahagi?
Aling mga measure ang may bahaging alto at soprano na
magkaiba ang note?
Gawain 4
Makinig sa mga inirekord na musika. Lagyan ng tsek (√)
ang may 2-part vocal at (x) kung wala.
a. c e.
b. d.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
131
Gawain 5
Bumuo ng dalawang pangkat. Awitin ang 2-part vocal ng
“Bahay Kubo” sa paraang ito:
Unang pangkat – mga babae na aawit ng bahaging
soprano.
Pangalawang pangkat – mga lalaki na aawit ng bahaging
alto
Ang 2-part vocal ay binubuo ng dalawang himig: ang
bahaging soprano at alto. Ang soprano ay nasa itaas na bahagi
samantalang ang alto ay nasa ibabang bahagi ng musical score.
Maaari ring boses ng soprano at tenor na inaawit nang sabay.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
132
Paano ninyo naipakikita ang pakikiisa sa inyong mga
tahanan at sa loob ng silid-aralan?
Gawain
Napakahusay
Mahusay
Di-
gaanong
Mahusay
1. Nakilala ang bahaging
soprano ng awitin sa
pamamagitan ng
pakikinig at pagbabasa
2. Nakilala ang bahaging
alto ng awitin sa
pamamagitan ng
pakikinig at pagbabasa
3. Naawit nang tama ang
bahaging soprano
4. Naawit nang tama ang
bahaging alto
5. Naipakita ang ganap
na kasiyahan sa pag-
awit ng 2-part vocal
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
133
Ang mga Harmonic Interval ng mga Awitin
Tulad ng ostinato at descant, ang awitin ay maaaring
gawing kaaya-aya at maganda sa pandinig. Ito ay sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga harmonic interval. Ang
mga harmonic interval ay inaawit kasabay ng pangunahing
melody.
Gawain 1
Awitin ang “Ode to Joy”.
Gawain 2
Awiting muli ang “Ode to Joy” nang 2-part vocal.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
134
Ilarawan ang pangalawang piyesa ng awiting “Ode to
Joy”.
Aling mga measure ang may bahaging soprano at alto na
sabay na inaawit?
Anong note ang mga ito?
Ilan ang interval ng mga magkakatapat na note?
Ano-ano ang mga interval ang makikita sa awitin?
Ano ang kadalasang interval ng mga notes sa awiting
“Ode to Joy”? Paano inawit ang mga bahaging ito?
Gawain 3
Awitin ang mga interval ng “Ode to Joy”.
Gawain 4
Bilugan ang mga measure na may harmonic third
interval.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
135
Ang mga harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit
pang magkakaugnay na note na inaawit nang sabay. Ito ay
nagbibigay ng kakaibang kulay sa tunog ng awit.
Paano nakikiisa sa mga gawain sa pagtupad ng mga
hangarin sa paaralan?
Pagmasdan ang musical score ng “Manang Biday”.
Bilugan ang mga measure na may third interval.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
136
Ang Paglikha ng Harmonic Third Intervals
Ang isang awitin ay higit na maganda at kaaya-aya sa
pandinig kung lalapatan ito ng harmonic third interval. Ang
harmonic third interval ay ang pinakamadalas at
pinakamadaling ilapat sa pangunahing melody ng isang awitin.
Gawain 1
Iguhit ang harmonic third interval ng sumusunod na mga
note.
Awitin nang sabay ang mga harmonic interval.
Unang pangkat – itaas na bahagi
Pangalawag pangkat – ibabang bahagi
Gawaing 2
Pakikinig ng mga tugtuging nakarekord na may
harmonic third interval.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
137
Gawain 3
Awitin ang “Tiririt ng Maya”.
Awitin ang mga so-fa syllable ng awiting “Tiririt ng
Maya”.
Lumikha ng harmonic third interval sa bahaging may
parisukat.
Ilagay ang harmonic third interval sa bahaging ibaba ng
melody.
Awitin ito sa klase.
Ano ang harmonic interval na nilikha para sa unang
bahagi ng awitin?
Pakinggan ang harmonic third gamit ang sumusunod na
instrumento : lyre, xylophone, recorder, bamboo flute, o piano.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
138
Gawain 4
Lagyan ng harmonic third interval (ibaba) ang mga
bahaging may parisukat.
Awitin ito sa klase.
Gawain 5
Pangkatang gawain
Pumili ng isang musical score na dala mula sa takdang-
aralin. Pumili ng dalawang measure at lapatan ng harmonic
third interval. Tugtugin at iparinig ito sa klase.
Ang harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang
mga tone na magkaugnay at inaawit o tinutugtog nang sabay.
Kung ang note ay nasa linya, ang harmonic third nito ay
nasa kasunod na linya sa itaas o ibaba. Kung ang note ay nasa
space, ang third nito ay nasa kasunod na space sa itaas o sa
ibaba.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY
139
Sa paanong paraan naipakikita ang pakikiisa sa mga gawain
sa paaralan at pamayanan?
Gawain
Napakahusay
Mahusay
Di-
gaanong
Mahusay
1. Nakalikha ng harmonic
third interval para sa
awitin
2. Naawit nang tama ang
harmonic third interval
na nilikha
3. Naipakita ang
pakikiisa sa mga
gawaing itinakda
4. Naipakita ang
kasiyahan sa paglikha
ng harmonic third
interval
5. Nakalikha ng kaaya-
ayang harmonic third
interval sa pandinig