canal de la reina

24
Canal de la Reina Liwayway A. Arceo

Upload: tin-dee

Post on 14-Jun-2015

1.542 views

Category:

Education


20 download

DESCRIPTION

Isang nobelang isinulat ni Liwayway Arceo

TRANSCRIPT

Page 2: Canal de la reina

Canal de la Reina

Isinulat ni Liwayway A. ArceoInimprenta noong 1985"The Queen's Canal“Ito’y isang nobela kung saan pinapakita

ang sakit ng sosyedad o social cancer sa mataas na lebel ng sosyedad sa Pilipinas.*

Page 3: Canal de la reina

ArceoSiya ay isang nobelistang Tagalog na

nakapagkamit ng napakaraming parangal dahil sa kanyang mga akda.

Ipinanganak siya noong Enero 30, 1924.Siya ang may-akda ng iba’t – ibang sikat na

nobelang tulad ng Canal de la Reina(1985) at Titser(1995).

Nagsulat din siya ng mga maikling kwento tulad ng Ina, Maybahay, Anak at iba pa,Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), and Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997).

Page 4: Canal de la reina

Tumanggap din siya ng iba’t- ibang parangal gaya ng Carlos Palanca para sa Maikling Kwento sa Filipino, Gawad CCP para sa literatura(1993), CatholicAuthors Award from the Asian Catholic Publishers(1990), at Gawad Balagtas LifeAchievement Award for Fiction from the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas

Siya ay pumanaw sa edad na 75.

Arceo

Page 5: Canal de la reina

TemaAng tema ng nobelang Canal de la Reina ay

napapaloob sa aspetongSosyo-ekonomikal at Sosyo-politikal.

Makikita rito ang tunay na kalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyung napapanahon.*

Sanobela, mapapansing ang tema nito ay kahirapan. *

Page 6: Canal de la reina

TAGPUAN

Sa isang lugar na mabaho, maputik and may mga illegal na gawin. Mayroong isang canal dito na puno ng “water lilies”; ang canal na ito ay naghubog ng isang ilog na tinatawag na ‘Canal de la Reina´.

Page 7: Canal de la reina

Mga TauhanPamilyang de los Angeles

Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t isa. Masasabing isa silanghalimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya.

1. SalvadorAng padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mga desisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at parasa ikabubuti ng asawa.

Page 8: Canal de la reina

Mga Tauhan2. Caridad

Isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya. Malaki ang pagmamahal at pag-aalala niya sa kanyang asawa lalo na sa kanyang mga anak na sina Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap.

3. LeniPanganay na anak na babae nina Salvador at

Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor. Espesiyalidad nito ang Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sa katunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical  Board Exam.

Page 9: Canal de la reina

Mga Tauhan

4. JuniorHuling miyembro ng pamilya. Kasalukuyan itong

kumukuha ng kursong Architecture sa isang unibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng abogasya ngunit tinutulan nito ang kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang kanyang mga magulang.

Page 10: Canal de la reina

Pamilyang de los Angeles

Caridad Salvador

Leni Junior

Page 11: Canal de la reina

Mga TauhanPamilyang Marcial

Ang pamilyang ito ay puno ng kaguluhan. Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit na ayaw naman nito.

5. VictorAma ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sa kanyang ina. Hindi man kita, ay mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.

Page 12: Canal de la reina

Mga Tauhan6. Gracia

Asawang hiniwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng inang si Nyora Tentay.

7. GerryAnak ni Victor at Gracia. Isang duktor at bukas palad sa mga nangangailangan. Siya ay nagtatrabaho sa isang pamublikong ospital.

Page 13: Canal de la reina

Mga Tauhan

8. Vicenta Marcial o Nyora TentayAng reyna ng Canal de laReina´.*

Pinapangunahan niya ang kanyang pamilya at inaabuso ang mga mahihirap sa pagpapautang sa kanila nang may mataas sa interes.

 

Page 14: Canal de la reina

Pamilyang Marcial

Victor

Gerry

Gracia

Nyora Tentay

Page 15: Canal de la reina

Mga Tauhan

9. Precioso Santos o OsyongSiya ang nagbenta ng lupa kay

Nyora Tentay sa mababang halaga. * 

10. InggaSiya ang katulong ni Nyora Tentay.

 

Page 16: Canal de la reina

Buod

Page 17: Canal de la reina

Saglit na KasiglahanSa bayan ng Canal De La Reina, si

Nyora Tentay ang may kayasa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doonupang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niyaang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong mgakatiwalian at bayaran sa mga opisyal.*

Page 18: Canal de la reina

Suliranin

Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na biniliang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwalanila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasangmagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.

Page 19: Canal de la reina

Tunggalian

  Nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang magkaroon ng alitan sa pagitan ngdalawa.

Page 20: Canal de la reina

Kasukdulan

Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahatay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isangmaayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuhang abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasyasilang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupasa Canal de la Reina.

Page 21: Canal de la reina

Kakalasan

 Nagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang araw aymay dumating na napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulotnito ay ang pagkakatangay sa baha ng mga naninirahan sa Canalde la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili parin itong isauli ng pamilya dahil nais nilang maging patas.

Page 22: Canal de la reina

Katapusan

Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang kanyang mga ginagawa. Tinanggapnito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa sa tunay nanagmamay-ari.

Page 23: Canal de la reina

Buod

Page 24: Canal de la reina

MensaheMaraming makikitang isyung-panlipunan sa

nobela. Hanggang sa ngayon ay nagaganap pa rin ito sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Maliit man o matataas na tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain. Dahil dito, buhay ng mga mamamayan ang naaapektuhan. Bumababa na rin tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating bansa. Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sa katangian ng Diyos. Kahit kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.