canal de la reina

18
Liwayway A. Arceo

Upload: minnie-rose-davis

Post on 12-Jun-2015

1.976 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Canal De La Reina

Liwayway A. Arceo

Page 2: Canal De La Reina

Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Manila noong ika 30 ng Enero 1924 mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat.Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito

ang Canal de la Reian at Titser. Mayroon din siyang mga koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang

Mag-Anak na Cruz, Mga Maria, Mga Eva at "Maybahay, Anak at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng ikalawang gantimpala

sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943.

LIWAYWAY A. ARCEO

Page 3: Canal De La Reina

Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa

radyo. Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949

hanggang Hulyo 1958. Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya

ng ilang script sa telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinangkilik ng publiko.

Namatay siya noong 1999 sa edad na 75.

Page 4: Canal De La Reina

TALASALITAAN1. Kaayon-parallel2.Kamusmusan-kawalan ng alam/bata3. bughaw-asul4. katuwas-kabaligtaran5. maburak-maputik6. kalakaran-sistema7. banghay-kwento8. nakakawangki-asimilasyon/paghahalo9. manuskrito-makinilya10. sipi-kopya

Page 5: Canal De La Reina

MGA TAUHAN

Pamilyang de Los Angeles - Sila ay isang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isa’t

isa. Masasabing isa silanghalimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya.

1. Salvador - Ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.Tahimik lang

ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahitminsan lamang ito magsalita, talagang may kabuluhan at maylalim naman ito. Madalas din siyang sumasang-ayon sa mgadesisyon ni Caridad lalo na’t kung sa tingin niya’y ito’y tama at parasa ikabubuti ng asawa.

Page 6: Canal De La Reina

2. Caridad - Isang napakamaunawaing ina

sa kanyang pamilya.Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalona sa kanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas at matibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemang kanyang kinakaharap.

3. Leni - Panganay na anak na babae nina Salvador at

Caridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong doktor.Espesiyalidad nito ang  Pediatrics at talaga namang makikita ang husay ni Leni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at sakatunayan ay siya pa ang nakakuha ng unang pwesto sa Medical  Board Exam.

Page 7: Canal De La Reina

4. Junior - Huling miyembro ng pamilya. Kasalukuyan

itong kumukuha ng kursongArchitecture sa isang unibersidad.

Pamilyang Marcial - Ang pamilyang ito ay puno ng kaguluhan.

Wala kasi silang maayos na komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit naayaw naman nito.

Page 8: Canal De La Reina

5.Victor -Ama ni Gerry at asawa ni Gracia.

Sunud-sunuran ito sakanyang ina. Hindi man kita ay mahal na mahal niya angkanyang pamilya.

6. Gracia -Asawang hinwalayan ni Victor dahil

sa kagustuhan nginang si Nyora Tentay.

Page 9: Canal De La Reina

7. Gerry - Anak ni Victor at Gracia.

8.Nyora Tentay -Siya ang bumubuhay sa lahat halos ng

naninirahan sa Canal de la Reina. Dahil sa kanyang pagiging usurera, ang kanyang tindahan ay siyang kinukunan ng pagkain ng lahat ng nakapaligid sa kanya. Simula nang mabyuda siya ay pera na lang ang kanyang ninanasa sa buhay. Siya ang utangan at ang tubo ay 20% kada buwan.

Page 10: Canal De La Reina

ANG TAGPUAN

Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng mga iskuwater, at si Nyora Tentay ang nagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito ay simbolo ng mga lunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nandirito.Maraming pangyayari ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-laman ng nobela.

Page 11: Canal De La Reina

BUOD

Page 12: Canal De La Reina

Binalikan ni Caridad de los Angeles ang lugar kung saan unang namulat ang kanyang mga mata, ang Canal de la Reina, makalipas ang ilang taon mula nang lisanin niya ito dulot ng sunog bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit sumikip ang kanyang dibdib nang maratnang ang lupang noo’y tila paraiso sa kanya ay isa nang larawan ng kahirapan dahil sa mga iskwater at sa ‘di kanais-nais na tanawin at amoy.

Nagtungo siya sa Canal de la Reina kasama ang asawang si Salvador at ang mga anak na sina Leni at Junior upang bisitahin ang kanilang lupa na ipinagkatiwala pa ng mga ninuno niya kay Osyong. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lupang ipinamana sa kanya ay ipinagbili ni Osyong sa usurerang si Nyora Tentay nang mabaon ito sa utang. Sa suliraning ito nag-umpisa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa bawat isa. Ipinapakita lamang na mahalaga ang lugar sa buhay ng tao. Nagdemanda si Caridad patungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi naman siya inurungan ni Nyora Tentay. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian bilang babae na maging matigas at malakas ang loob. Si Caridad ay suportado ng kanyang mapagmahal na pamilya.

Page 13: Canal De La Reina

Naninindigan sila sa katotohanang maibabalik sa kanila ang lupa sa tulong ni Atty. Agulto, kahit may kahirapang kalabanin si Nyora tentay dahil pinapakilos nito ang kanyang pera upang impluwensyahan ang mga opisyal.Nakatulong sa paglutas sa kaso si Gracia, ang manugang ni Nyora Tentay na minatapobre ng matanda noong naninirahan pa sa kaniya. Masama ang loob ni Gracia kay Nyora Tentay at kay Victor na kaniyang hiniwalayang asawa. Nalaman ni Gracia ang tungkol sa kaso nang masabi sa kanya ni Dado, asawa ng yumaong si Paz na kaibigan niya. Si Paz bago mamatay ay naging pasyente pa ni Leni. Nagkapalagayan kaagad ng loob si Gracia at ang pamilya ni Caridad, maging ang mga anak na kapwa doktor, si Gery at Leni. Simula nang dumating si Caridad sa buhay ni Nyora Tentay ay tila natauhan na si Ingga sa pagmamalupit sa kanya ng matanda. Nang dumating ang isang napakalakas na bagyo na tumangay at luminis sa Canal de la Reina at iba pang bahagi ng Kamaynilaan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tauhan. Ang tubig dulot ng baha ang naging dahilan ng pagsibol ng kabutihan. Nang tangayin ang mga tao sa Canal de la Reina kasama na si Nyora Tentay, inagaw ni Ingga ang mga alahas sa katawan at ang bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang makapaghiganti. Kapwa sila nakaligtas sa baha.

Page 14: Canal De La Reina

Si Ingga ay napunta sa Sampaguita Health Center kung saan siya sinundo ni Junior, nagboluntaryong sumama sa rescue operation, upang iuwi sa bahay ng mga de los Angeles. Si Nyora Tentay naman ay napunta sa paaralang-bayan ng Lakandula, at nabaliw nang hindi makita ang kanyang bayong.Sa kabila ng kasamaan ni Nyora Tentay ay isinauli pa rin ng pamilya de los Angeles ang bayong ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga. Naroon ang mga papeles ni Nyora Tentay ngunit nanaig pa rin ang pagiging patas sa puso ng pamilya de los Angeles. Naibalik na ni Junior ang bayong ngunit hindi pa rin nakakakilala si Nyora Tentay; kahit si Victor na kaniyang anak ay hindi pa rin niya makilala. Ito ang naging magandang dahilan ni Victor upang makalapit sa kanyang minamahal na anak, si Gery na isang manggagamot. Hindi man espesyalista si Gery sa pag-iisip ay inirekomenda niya ang kanyang Lola Tentay sa isang kakilalang doktor sa mental hospital. Sa panahong iyon din sa loob ng klinika ni Gery muling nagkatagpo si Victor at si Gracia. Nanliit si Victor sapagkat sa kabila ng pagiging babae ni Gracia ay nagawa nitong itaguyod si Gery sa marangal at marangyang pamumuhay samantalang siya ay naging sunud-sunuran lamang kay Nyora Tentay.

Page 15: Canal De La Reina

Naramdaman ni Victor na gusto na niyang maging responsible at independenteng lalaki. Hindi maitatanggi na mahal pa rin niya si Gracia kung kaya’t naglakas-loob na siyang bumukod ng bahay kay Nyora Tentay nang bumalik na sa katinuan ang matanda. Ayaw na niyang maging alipin ng salapi ng kanyang ina.Napatunayan na sa korte na si Caridad ang tunay na may-ari ng lupang inaangkin ni Nyora Tentay, sa tulong ng pagtestigo ni Tisya, asawa ng yumaong si Osyong na naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa. Wala ng magagawa pa ang matanda kundi tanggapin ang kanyang pagkatalo. Nagbabadya ito ng mabuting simulain, total ay hindi na pinayagan ang mga iskwater sa Canal de la Reina. Malinis na talaga ang lugar.Karagdagan sa kagalakan ng pamilya de los Angeles ay ang pagkamit ni Leni sa unang pwesto ng Medical Board Exam bilang babae at pinakabatang doctor. Kasama sa pagbati at pagbisita ni Gery kay eni ang ama nitong si Victor.Ang naging wakas ng nobela ay tipikal na hinahanaphanap ng mga Pilipino na pagsikat ng araw matapos ang malakas na unos. Nagkasundo na ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial mula nang ikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si Leni, at ang anak ni Victor at Gracia na si Gery. Ang dalawa ay magkakaroon na ng sariling klinika na disenyo ni Junior.

Page 16: Canal De La Reina

Si Junior naman ay pinayagan nang kumuha ng kursong abogasya matapos ang kasalukuyang kursong arkitektura. Si Ingga ay bumalik na sa kanyang probinsya. Si Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at Gracia naman ay nagkakasundo na rin.Sa Canal de la Reina nangyari ang masalimuot na bagay, ngunit kaloob pa rin na dito umusbong ang pagbangon at pag-asa sa mas masiglang bukas. Ngunit hindi pa roon matatapos ang lahat; sapagkat nagbabadya ang pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.

Page 17: Canal De La Reina

TEORYA:REALISMO-Dahil ito ay nagpapakita ng katotohanan sa pangyayari sa lipunan.

-Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng Diskriminasyon, Kurapsyon, kahirapan at iba pa.

Page 18: Canal De La Reina

- Ang pagiging sakim ay walang maidudulot na maganda.

- Tumulong sa mga nangangailangan sa halip na gipitin ito.

- Huwag mong gawin sa iba kung ayaw mong gawin sayo.

GINTONG ARAL