buhay nga naman

4
BUHAY NGA NAMAN! Ni: Jenita D. Guinoo Hindi ko alam kung bakit ako nabubuhay? Ano kaya ang papel ko sa mundo? Ito ang mga katanungang kahit ako ay hindi makasasagot. Ano nga ba ang buhay? At paano mo magagawang magkaroon ng kabuluhan ang iyong buhay? Sa palagay ko’y iba-iba ang pananaw ng tao ukol sa kaniyang buhay. Marahil ang ilan ay magsasabing ang kanilang buhay ay isang paraiso o kahalintulad ito sa isang impyerno ng iilan. Bakit kaya? Siguro’y maiisip mong tiyak na nakararanas ang mga ito ng pangyayaring nagiging basehan nila kung bakit nila nasabi ang kanilang pagpapakahulugan ukol sa buhay. Tiyak na maganda ang naging buhay ng unang nagpahayag ng kaniyang pakahulugan at naging taliwas naman ito sa mga

Upload: jenita-guinoo

Post on 14-Apr-2017

173 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Buhay nga naman

BUHAY NGA NAMAN!

Ni: Jenita D. Guinoo

Hindi ko alam kung bakit ako nabubuhay? Ano kaya

ang papel ko sa mundo? Ito ang mga katanungang kahit

ako ay hindi makasasagot.

Ano nga ba ang buhay? At paano mo magagawang

magkaroon ng kabuluhan ang iyong buhay?

Sa palagay ko’y iba-iba ang pananaw ng tao ukol sa

kaniyang buhay. Marahil ang ilan ay magsasabing ang

kanilang buhay ay isang paraiso o kahalintulad ito sa

isang impyerno ng iilan. Bakit kaya? Siguro’y maiisip

mong tiyak na nakararanas ang mga ito ng pangyayaring

nagiging basehan nila kung bakit nila nasabi ang kanilang

pagpapakahulugan ukol sa buhay. Tiyak na maganda ang

naging buhay ng unang nagpahayag ng kaniyang

pakahulugan at naging taliwas naman ito sa mga taong

masama ang naging takbo ng kanilang buhay na

itinuturing na impyerno ang kanilang pamumuhay. Ito ang

nag-uudyok sa isang tao upang hihilinging huwag na

Page 2: Buhay nga naman

lamang mabuhay. Kasi ba naman itong letseng buhay,

kung kailan ka naghihirap at sobrang kinakapos ay saka

pa darating iyong mga problemang pagkabigat-bigat, para

bang binagsakan na tayo ng mundo na magtutulak sa atin

upang maisip na wawakasan na lamang itong walang

silbing buhay. Mga masasakit na dagok na nagpapawala

sa atin sa tamang direksyon, kawalang halaga at

pagpapahalaga sa sariling buhay.

Ganito ba talaga ang mabuhay? Puro na lamang

paghihirap ang ating nararanasan. Kailan ba natin

mararamdaman ang isang maginhawang buhay? Kung

ganito na lamang lagi, nanaisin na lamang natin ang

mamatay!

Ngunit, hintay! Nasaan na ang sagot sa tanong ko

kanina? Ano nga ba ang buhay? At paano natin

magagawang makabuluhan ang ating buhay?

Wala talagang tunay na makapagbibigay kahulugan

ng salitang buhay kundi ito ay puno ng misteryo.

Napakahiwaga na walang maaring makaaalam kung ano

Page 3: Buhay nga naman

ang magiging takbo nito. Ang iba nga, nakahiga na ay

hindi pa rin namamatay habang ang ilang may malulusog

pang pangangatawan ay bigla na lamang nating

mababalitaang namatay. Kakakausap pa lamang natin at

agad nang nawalan ng buhay dahil sa isang aksidente.

Kaya, napakahirap man ng ating naging buhay sa

kasalukuyan, habang nabubuhay pa ay may pag-asa pa

rin. Upang maging makabuluhan ito, sikaping maging

daan sa pagkakaroon ng maayos na buhay ng iba.

Tulungan natin sila ayon sa abot ng ating makakaya. Kung

hindi man naging paraiso ang ating buhay at least hindi

naman tayo ang naging dahilan kung bakit naging

impyerno ang buhay ng iba.

Wakas!