assignment

33
Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba’t-Ibang Manunulat Ano ang Wika? Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua , na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino , isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behiku ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat katotohanan. Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ati kinabibilangan. Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfl na nalathala sa Daluyan, Tomo II ! "il #$% &ournal ng Sentro ng 'ikang (ilipino kalian man ay di magiging nyutral o i larangan ang wika. Ayon kay Whitehead , isang edu)ator at *ilosopong Ingles+ Ang 'ika ay kabuuan ng kai ng lipunang lumikha nito bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng l lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan. Sa depinisyon ni leason + Ang wika ay masistemang balangkas. Lahatng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag$aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. -apag ang ponema ay pinagsama$sama maaaring makabuo ng maliliit na yu ng salita na tinatawag na !o"pe!a . Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay$ugnay na mga pangungusap. Disko"s , kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higi pang tao. Sa paliwanag ni gugi Ihiong /#0123 isang Aprikanong manunulat+ Ang wika ay ku itong konektibong kaban ng karanasang mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng bayan ang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki. Ayon kay San #uenaventu"a /#0143+ “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isa kaya5t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Tagla haka$haka at katiyakan ng isang bansa. Ang wika ayon kay Cho!sky /#0423, isang prosesong mental. 6ay unibersal na gramatika mataas na abstrak na antas may magkatulad na katangiang linggwistik. Sa pagpapaliwanag ni $y!es /#02%3, nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistem ang wika na nakikipagnteraksyon. "inabago at bumabago sa kapaligiran bilang ba kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.

Upload: vanessa-halili

Post on 03-Nov-2015

430 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Can help with your assignment.

TRANSCRIPT

Depinisyon ng Wikang Ayon sa Ibat-Ibang ManunulatAno ang Wika?Ang salitangwikaay nagmula sa salitang Latin salengua,na ang literal na kahulugan ay dila, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.Ayon sa pagpapahayag niConstantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaatekonomiya.Angmabisang paggamit nitoang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.Ayon kayRandy S.Davidsa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika.Ayon kayWhitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.Sa depinisyon niGleason:Ang wika ay masistemang balangkas.Lahatng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag naponolohiya.Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag namorpema.Sintaksisang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga pangungusap.Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasang mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wiksng nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.Ayon kaySan Buenaventura(1985): Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa. Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kayat kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.Ang wika ayon kayChomsky(1957), isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.Sa pagpapaliwanag niHymes(1972), nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipagnteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.Sa pagtalakay niHalliday(1973)may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.Ayon kayHayakawa,may tatlong gamit angn wika : 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan.Ayon kayHaring Psammatikos,ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang naging batayan, ipinadala niya ang dalawang sanggol sa malayong lugar na walang nakikita at naririnig. Ang unang salitang binibigkas ay bekos, ang ibig sabihin ay tinapay.Sa pag-aaral niCharles Darwinnakasaad sa aklat ni Lioberman (1957) na amy pamagat na THE ORIGIN OF LANGUAGE ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ay may nagtuturo sa kanya uoang makalikha ng ibat-ibang wika.Ayon kay Plato, isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sahomo sapienso mg unang tao.Sa pananaw niRene Descartes, ang wika ay nagpapatunay na ang tao ay iba-iba. Ang mga hayop ay maaring nakaiintindi, katulad ng kalawakan ng isip at pag-unawa ngntao.May paniniwala rin ang kauna-unahang wika na ginamit sa daigdig ay ang linggwahe ng mga Aramean. Sila ang sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. Ang wikang Aramaic na nabibilang sa angkan ng Afro-Asiatic sa timog ng Africa at hilagang-kanluran ng Asya at kasama ang pangkat ng Semitik, ay ang linggwaheng ginagamit ni Hesukristo at ang kanyang mga disipulo. Sa wikang ito unang sinulat ang Bibliya. Noong dumating ang kalagitnaan ng ika-8 siglo, ipinalalagay na ang lingwahey nagmula sa Herbrew, anong orihinal na wika Bibliy

Wika - ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,damdamin at mithiin.Katangian ng wika1.Masistemang Balangkas2.nagbabatay sa kultura3.sinasalitang tunog4.arbitaryo5.wika ay ginagamit6.pinipili at isinasaayos7.pagbabago o dinamikoKalikasan ng Wika1.Pinagsama-sama ng tunog2.May dalang kahulugan3.May Ispeling4.May gramatika/istruktyur5.Sistemang oral-awral6.Pagkawala o Ekstinsyon ng wka7.Iba-iba diversifayd at pagkakatubo o indijenusPangunahing gamit1.Pagpangalan o labeling]2.Interaksyon3.TransmisyonAng kahalagahan ng wika1.Ang wika ay behikulo ng kaisipan.2.Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.3.Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita.4.Ang wika ay kasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng karanasan.5.Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap.6.Ang wika ay luklukan ng panitikansa kanyang artistikong gamit.7.Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.8.Ang wika ay tagapagbigkas ng lipunan.Pag-aralan(Santoset.al)1.Dayalek2.Sosyolek3.Idyolek4.Varayti at Varyasyon5.Heyograpikal at Sosyal6.Rejister7.Istilo8.Domeyn9.Repertwa10.Ibat-ibang faktor panlipunan na nakakaapekto sa pagpili ng wika varayti ng wika na dapat gamitin.Depinisyon ng Wikang Filipino1.Ang Filipino ay pambansang linggwa franka ng plipinas. Ang Filipino bilang linggwa franka ay tumutulong sa mga taong nagmula sa ibat-ibang rehiyon na magkaunawaan at makipag-ugnayan.2.Ang Filipino ay wikang pambansa ng Pilipinas dinedevelop at ginagamit ito bilang simbolo ng pambansang pagkakaisa.3.Ang Filipino ay wka sa opisyal na komunikasyon.4.Ang Filipino ay opisyal na wikang panturo at pagkatuto.Paraan ng Padevelop sa Wikang Filipino1.Pagsasabatas at pagsunod sa batas tungkol sa wika.2.Tulong ng ibat-ibang organisasyong pangwika sa pangunguna ng KWF.3.Paggamit sa ibat-ibang domeyn ng wika.4.Iba pang paraan.a.)panghihiram ng mga salitab.)pagrereform ng alpabetoTungkulin ng Wikang Filipino1.Binibigkas ng wikang Filipino ang lipunang Pilipino2.Tumutulong ito sa pagpapananatili ng kulturang Pilipino3.Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino4.Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino5.Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-pilipino ng mga PilipinoKasaysayan ng Wikang Filipino

Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino.

Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraay naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa buong kapuluan.

Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na ibat ibang wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo.

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kayat minabuti ng mga prayle na mag-aral ng ibat ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng ibat ibang wikain sa Pilipinas.

Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya ngat pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandistay sumulat sa Kastila, batid nilang ang wikay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.

Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika.

Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.

Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Itoy napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.

"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang

wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika.

Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles

at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."

Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng ibat ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat itoy nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.

Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika:

Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.

Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at ditoy nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

Artikulo XIV - Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

A. Makrong Kasanayan sa PakikinigIto ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Kahalagahan ng PakikinigAng pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig. Pamamaraan sa Mabisang PakikinigAlamin ang layunin sa pakikinig Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan Maging isang aktibong kalahok Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan B. Makrong Kasanayan sa PagsasalitaKahulugan ng PagsasalitaIto ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap.Kahalagahan ng PagsasalitaMahalaga ang pagsasalita dahil:naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito. C. Makrong Kasanayan sa PagbasaKahulugan at Kahalagahan ng PagbasaAng pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon. Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay. Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahinAyon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip. Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at krunungan. Itoy isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng ibat ibang karanasan sa buhay. D. Makrong Kasanayan sa PagsulatKahulugan ng PagsulatAng pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isangparaan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang ibat ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.Kahalagahan ng PagsulatMahalaga ang pagsulat dahil:kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon. Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay. Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.

ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA1Komisyon sa Wikang FilipinoAgosto 1, 20070. PANIMULA: Ang ortograpiya ng wikang pambansa ng Pilipinas ay ang kabuuan ng ipinapalagay na pinakamaunlad at pinakatumpak na mga kalakaran kung paano inililipat ng mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat. Ang ortograpiyang ito ay tumutukoy sa istandardisadong set ng mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at ng mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito, kapag sumusulat sa wikang pambansa.2I. MGA GRAPEMA. Ang mga grapema o pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng:A. Letra (na kung tawagiy ang alpabeto). Ito ay binubuo ng dalawamput walong (28ng) simbolo: Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz.B. Di-Letra. Ang mga di-letra ay binubuo ng:1. wala ( ) at gitling (-), na parehong sumisimbolo sa impit na tunog (_).2. tuldik: wala ( ), pahilis ( ), paiw ( `) at pakupya ( );3. bantas: tuldok (.), pananong (?), pandamdam (!), kuwit (,), tulduk-kuwit (;), tutuldok (:), at kudlit ( ). Tatalakayin sa hiwalay na papel ang gamit ng mga bantas.TAWAG SA MGA LETRA AT PASALITANG PAGBAYBAY.A. Tawag sa mga letra. May dalawang paraan sa pagtawag ng mga letra:Tawag - abaseda o ponetiko: a, ba, se, da, e, fa, ga, ha, i, ja, ka, la, ma, na, nya, nga, o, pa, kwa, ra, sa, ta u, va, wa, eksa, ya at za.Tawag - Ingles: ey, bi, si, di, i, ef, ji, eych, ay, jey, key, el, em, en, enye, en ji, ow, pi, kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobolyu, eks, way, zi.Ang pagtawag sa mga di-letra ay alinsunod sa I, (B).B. Dalawang paraan ng pasalitang pagbaybay.1. Baybay-abaseda (a-ba-se-da) o ponetiko3:Rizl = malaking ra- i-za- a-la pag-asa = pa-a-ga-gitling-a-sa-a buko = ba-u-ka-obat = ba-a-i - ta lut = la-u-ta- o bas = ba-a-sa- a2. Baybay-Ingles (ey-bi-si-di):Rizl = kapital ar-ay-zi- ey-elpag-asa = pi-ey-ji-gitling-ey-es-ey buko = bi-yu-key-owbat = bi-ey-ay-ti lut = el-yu-ti- ow bas = bi-ey-es- eyC. Mga katwiran sa pagtuturo ng dalawang paraan ng pagbabaybay. 1. Ang mga kalakasan ng dalawang pagbabaybay ay ang sumusunod:Pagsasarili. Maipapakita na magkaiba ang wikang sarili at ang wikang Ingles sa pamamagitan ng magkaibang paraan ng pasalitang pagbabaybay.Madaling matutuhan. Kumpara sa tawag-Ingles, ang tawag-abaseda ay higit na malapit sa aktuwal na tunog na kinakatawan ng mga letra. Inaasahang makapagpapadali ito sa pagkakatuto ng mga nagsisimulang bumasat sumulat sa wikang pambansa.Episyente. Sa ortograpiyang ito ay nababaybay hindi lamang ang katutubong mga salita sa wikang pambansa at sa iba pang mga wika sa Pilipinas kundi pati ang mga hiram na salita buhat sa mga banyagang wika.Tumpak. Ang pagsusulat ng mga letra at di-letra gaya ng mga tuldik at ng gitling ay nagpapatingkad sa pangangailangan na maging eksakto at tumpak, lalo pat ang mga tuldik at gitling ay kumakatawan sa mga makahulugang tunog sa wikang pambansa.Madaling ituro. Kabisado pa rin ng mga guro ang tawag-abakada, kung kayat inaasahang hindi na mahihirapan ang mga ito kapag bumalik sa pagbabaybay ponetiko. Kapag walang mga tuldik, nahihirapan kapwa ang guro at mag-aaral sa pag-alam kung ano ang tamang bigkas at tamang ibig sabihin ng mga nakasulat na salita. Maililipat sa ibang mga wika. Makatutulong ang ortograpiyang ito para mas madaling maunawaan at matutuhan hindi lamang ang mga lokal na wika kundi pati ang mga wika para sa mas malawak na komunikasyon (i.e. Ingles).Para sa lahat. Ang pagtuturo ng pagbabaybay ay para sa kapakinabangan ng mga nagsisimulang bumasat sumulat at ng mga hindi katutubong tagapagsalita ng Tagalog. Tandaan na karamihan ng mga Pilipino ay nagsasalita ng wikang pambansa (at ng Ingles) bilang pangalawang wika.2. Tutol ang iba sa dalawang paraan ng pagbabaybay sapagkat nakasanayan na raw ng mga tao ang baybay-Ingles. Kahit totoo ito, dapat tandaan na ang kasanayan sa baybay-Ingles ay nakamtan sa eskuwelahan. Ibig sabihin, maaari ring ituro at makasanayan ang baybay-abaseda.MGA TUNOG, HABA AT DIIN A. Mga KatinigAng mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, , NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at ZzSa pagbabaybay ng karaniwang katutubong salita sa wikang pambansa, gamitin lamang ang sumusunod na mga letrang pangkatinig: Bb, Dd, Gg, Hh, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Rr, Ss, Tt, Ww at Yy. Ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa 15 sa 16 na katutubong katinig sa wikang pambansa: [b], [d], [g], [h], [k], [l], [m], [n], [], [p], [r], [s], [t], [w], at [y]. Ang bawat letra ay representasyon ng isang katinig lamang. Ang panglabing-anim na katutubong katinigang impitay kinakatawan ng wala ( ), gitling (-), paiwa ( ` ) at pakupya ( ) .Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa iba pang mga katutubongwika sa Pilipinas, panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan at/o palatunugan ng pinagkunang wika.4. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: una, panatilihin ang orihinal nitong anyo batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika, at ikalawa, baybayin ito ayon sa katutubong sistemang nakasaad sa III A, 2. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikalimang bahagi ng patnubay na ito.5. Ang impit na tunog ay kinakatawan ng mga sumusunod na di-letrang pangkatinig: wala ( ), gitling (-), tuldik na paiw (`) at pakupya (). 4____4Kumplikadong mga simbolo ang mga tuldik. Ang pakupya (^) ay binubuo ng markang pahilis () sa kaliwa, at ng markang paiwa ( ` ) as kanan. Ang pahilis ay simbolo ng diin sa dulong pantig; ang paiwa, sa impit na tunog sa dulo ng salita. Gayon din, ang paiwa ( ` ) ay may dalawang bahagi. Ang kaliwa ay kakikitaan ng malumay na marka na sinisimbolo ng wala ( ) at ang kanang bahagi nito, ng tuldik na paiwa. Ang wala ( ) ay sumisimbolo sa diin sa penultimang pantig at ang paiwa ( ` ) ay sumisimbolo sa impit na tunog sa dulo ng salita.a) Ang impit na nasa unahan ng salita at nasa pagitan ng mga patinig ay hindi isinusulat:aso ['_a_ . so] kain ['ka_._in]b) Ang impit na nasa pagitan ng katinig at patinig ay kinakatawan ng gitling:pang-araw [pa.'_a_.raw]c) Ang impit na nasa dulong pantig ng salitang may diin sa penultima ay kinakatawan ng tuldik na paiw sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig:bat [_ba_.ta_]) Ang impit na nasa dulo at may-diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig.lik [li._ko_]Ang impit na tunog sa pinal na pusisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang pusisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika.lik [li._ko_] > [li._ko]e) Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita.matand [ma.tan.'da_]pero matand na siya [ma.tan.da:. na. si.y]Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita:matand na siya [ma.tan._da_. na. si.y]B. Mga patinig:1. Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.2. Sa pagbigkas ngkatutubongsalita,hindi makabuluhan ang

pagkakaiba ng i vs. eat ng ovs. u.

sakt = [sa._kit] ~ [sa._ket] kurt = [ku._rot] ~ [ku._rut] lalake = [la._la:.ki] ~ [la._la:.ke]pero: kalalakihan = [ka.la.la._ki_.han]3. Kahit hindi kontrastibo sa bigkas, may nakagawian nang gamit ang e at i. gayon din ang o at u. Ginagamit ang e at o sa dulong pantig ng mga katutubong salita at ang i at o sa ibang kaligiran.

babae pero: kababaihan hindi kababaehan buhos pero: buhusan hindi buhosan4. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na e at o kapag ikinukumpara ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita.mesa: misaoso : uso5. Gaya ng mga katinig, maaari ring gamitin ang mga letrang patinig ng wikang Filipino sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa orihinal nilang anyo. Pero ang patinig ng hiram na salita ay maaaring kumatawan sa mahigit na isang tunog.table = ['tey.bol]ballet = [ba.'ley]C. Haba at Diin:1. Ang diin ay kinakatawan ng sumusunod na simbolo: wala ( ) at pahilis ( ).2. Ang diin sa isang bukas na pantig (i.e. isang pantig na nagtatapos sa patinig) maliban sa ultima ay binibigkas na mahaba (_).tao [_ta_._o], mahaba ang may-diing tapero: is [_i._sa], walang hab ang may-diing sa tuky [tu._koy], walang hab ang may-diing koy3. Ang diin sa penultima ay hindi isinusulat.tao [_ta_._o]lum [_lu_.ma_]4. Ang diin sa iba pang pantig maliban sa penultima ay minamarkahan ng pahilis ( ) sa ibabaw ng patinig na may diin.tanm [ta.'nim] tniman [ta_.'ni_.man]ptniman [pa_.ta_.'ni_.man]5. Ang katutubong salita na may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa dulong pantig.5banty [ban._tay]6. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na sa pasulat na anyo ay may magkatabing magkaparehong patinig sa penultima at sa dulong pantig.6bik [bi.'_ik]sut [su.'_ot]7. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na may uw o iy sa pagitan ng penultima at dulong pantig.tuwd [tu._wid]tiyk [ti._yak]

Nakakaltas ang u at i sa mga salitang ito sa aktuwal na pagsasalita:tuwd [_twd]tiyk [_tyk]IV. MGA PANTIG:A. Katutubong pantigDalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan: KP (katinig-patinig) at KPK (katinig-patinig-katinig).Walang di-pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa impit na tunog [_]. Ang isang salitang gaya ng: bgo [ba_.'go] ay hindipangkaraniwan sa wikang pambansa, sapagkat ang unang pantig nito ay nagtatapos sa impit na tunog.Walang di-pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa tunog na h. Ang isang salitang gaya ng: kahkah ['kah.kah] ay hindi rin pangkaraniwan, sapagkat ang dalawang pantig nito ay nagtatapos sa h.May mga nagsasabi na ang dulong pantig ng isang katutubong salita ay laging nagtatapos sa katinig. Halimbawa, ang salitang gaya ng sabi ay nagtatapos raw sa tunog na [h].a) May ilang ebidensyang sumasalungat sa ganitong pusisyon:. Hindi distintibo o hindi naririnig ang [h] na ito kumpara sa mga wikang may [h] sa dulo ng pantig, gaya ng Kakilingan Sambal;Kakilingan Sambal lot [_lo_.to_] `lutolotoh [_lo_.toh] `pagsabog (ng bulkan)ii. Ang salitang gaya ng sabi kapag sinundan ng daw, ay nagiging ['sa_.bi. raw] hindi *['sa_.bih. raw] o *['sa_.bih.daw]. Ibig sabihin, walang naririnig na [h] bago ng [r] o [d]; atiii. Malamang na nagtatapos sa patinig ang sabi, sapagkat nagiging raw ang daw. Ang tuntunin ay ginagamit ang raw kapag ang salitang sinundan o nasa unahan nito ay nagtatapos sa patinig.b) Mayroon din namang ebidensya na nagpapahiwatig na mayroong [h] sa dulo ng sabi. Kapag kinabitan ito ng hulaping -an, nagiging distintibo at naririnig ang [h].[_sa_.bih] + [-an] > [sa._bi_.han] sabihanc) Alinman sa pagsusuring ito ang gamitin, malinaw na hindi sinusulat ang [h] sa dulo ng isang pantig ng isang katutubong salita.Hiram at Dayuhang Pantig

Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Bukod sa KP at KPK, ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK.tra-po [_tra_.po] (KKP-KP) plan-ta [_plan.ta] (KKPK-KP)trans-por-tas-yon [trans.por.tas._yon] (KKPKK-KPK-KPK-KPK) isprts [__is.ports] (KPK-KPKKK)2. Isang palaisipan sa maraming Pilipino ang tamang pagpapantig sa mga salitang-hiram na may kambal-katinig gaya ng sobre ( sob-re o so-bre?); ng tokwa (tok-wa o to-kwa?) at ng pinya (pin-ya o pi-nya?). May dalawang tuntunin na sinusunod kaugnay nito:a) Ang tamang pagpapantig ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang sob-ra, tok-wa at pin-ya ay sumusunod sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malayo sa aktuwal na bigkas at mas malapit sahiram o dayuhang pantig ang so-bra, to-kwa at pi-nya. Ang totooy tama ang huling paraan ng pagpapantig sa pinanghiramang wika.b) Ang tamang pagpapantig ay umaayon o mas malapit sa aktuwal na bigkas. Ang bigkas ng mga Pilipino sa nasabing mga salita ay mas malapit sa [_sob.bre] ~ [_sob.bre], [_tok.kwa] ~ [_tok.kwa], at [_pin.nya] ~[_pin.nya]. Ibig sabihin, sumasama ang huling katinig ng penultima sabigkas ng dulong pantig. Kung ang tamang pagpapantig ay sob-re, tok-wa at pin-ya, mas madaling ipaliwanag ang pagsasama ng huling katinig ng penultima sa dulong pantig. Mas mahirap ipaliwanag ang ganitong pangyayari kung ang istandard na pagpapantig ay: so-bre, to-kwa at pi-nya, gaya ng sa pinanghiramang wika.3. Palaisipan din sa maraming Pilipino ang tamang pagbabaybay at pagpapantig ng mga salitang may kambal-patinig sa orihinal na baybay. Ang ilang halimbawa ay: provincia (pro-bn-si-y o pro-bin-sya?), infierno (im-pi-yer-no o im-pyer-no?), violin (bi-yo-ln o byo-ln?), guapo (gu-wa-po o gwa-po?), cunto (ku-wen-to o kwen-to?) at accin (ak-si-yn o ak-syn?). Mayroon ding ilang tuntuning sinusunod kaugnay nito.Ang namamayaning pagbabaybay (at pasulat na pagpapantig) ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malapit ang pagpapantig ng unang anyo (i.e. pro-bn-si-y, gu-wa-po, im-pi-yer-no, bi-yo-ln) sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang ikalawang anyo (i.e. pro-bin-sya, gwa-po. im-pyer-no, byo-ln) ay may mga pantig na binubuo ng KKP na itinuturing dito na hiram o dayuhang pantig.Ang namamayaning bigkas (at pasalitang pagpapantig) ay umaayonsa aktuwal na bigkas at kung gayoy mas malapit sa ikalawang anyo (i.e. pro-bin-sya, gwa-po, im-pyer-no, byo-ln). Samakatwid, mas malapit sa namamayaning bigkas ang ikalawang anyo, pero mas malapit sa namamayaning baybay ang unang anyo.c) Iwasan ang tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita. Ang baybay na probnsiy, impiyerno at aksiyn ay hindi lamang umaayon sa katutubong kayarian ng pantig kundi nakaiilag din sa tatlong magkasunod na katinig (i.e. aksyn). Totoo lamang ang tuntuning ito(*KKK) sa mga hiram na salita na may orihinal na kambal-patinig pero hindi sa iba pang mga kaso (i.e. eksklusibo).d) Piliin ang anyo na maaaring paghanguan ng iba pang anyo. Halimbawa: maaaring sabihin na sa anyong ku-wen-to nagmula ang kwen-to. Nakuha ang maikling anyo nang kaltasin ang u.7V. PANGHIHIRAMTuntunin sa panghihiram:Huwag manghiram. Ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto.rule = tuntunin hindi rul2. Huwag pa ring manghiram. Ihanap ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto.tarsier = momag, mlmag (Bol-anon) whale shark = butandng (Bikol)3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo.Eng psychology = psychology hindi saykolojiSp psicologa = sikolohiyaAng katwiran dito ay ang kawalan ng kakumpetensiyang anyo ng baybay-Espanyol.___________

7Sa kuwento ay mahahango ang tatlo pang deribasyon: nagkkuwento (inuulit ang ku); nagkwkwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang kwe-) atnagkkwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang unang katinig atunang

patinig). Kung ang pangunahing anyo ay kwento, mahahango lamang anghuling

dalawang anyo ng reduplikasyon. Mahalagang banggitin din dito na ang biswal na ispeling ng nagkwkwento ay hindi nagkakaloob ng palatandaan para sa bumabasa kung paano ang tamang pagpapantig (nag-kw-kwen-to o nag-kwk-wen-to). Walang ganitong problema sa nagkuwento at nagkukuwento.4. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. Sa pana-panahon ay naglalabas ang KWF, kasabay ng ibang ahensya ng pamahalaan, ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas na agham, agham na panlipunan, sining at panitikan. Mangyaring sumunod sa mga opisyal na pagtutumbas o salin buhat sa mga ahensyang ito.Repblik ng Pilipinas hindi Repblik ng Filipinas aghm panlipunan hindi sosyal-sayansB. Pagbabaybay ng Hiram na Salita1. Ang lahat ng salitangpantangi, panteknikal atpang-agham ay

maaaring panatilihin ang orihinal na baybay.

Manuel Luis QuezonIlocos Norte

chlorophyllsodium chloride

2. Ang lahat ng hiram na salita buhat sa Espanyol,maliban sa mga

salitang pantangi, ay maaaring baybayin alinsunod sa katutubong sistema.cebollas > sibuyassocorro>saklolo

componer > kumpunpero>pero

3. Ang lahat ng salitang galing sa ibang katutubong wika sa Pilipinas ay maaaring panatilihin ang orihinal na baybay.vakulhadji

ifuncaao

4. Ang lahat ng hiram na salita buhat sa Ingles ay maaaring panatilihin ang orihinal na baybay, maliban kung taliwas sa nakasaad sa (5).daddyboyfriendsirjoke5. Ang lahat ng hiram na salita na naiba na ang kahulugan sa orihinal ay maaari nang baybayin alinsunod sa katutubong sistema.stand by = istambay up here = aprhole in = holencaltex = kaltek (tab)6. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit.telpon hindi telfonpamilya hindi famili o familya epektibo hindi efektibo o efektivo7. Kailangang tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya-kanyang partikularidad alinsunod sa sistemang pamponolohiya nito. Kahit magkakahawig ang bigkas (at letra) ng mga salita sa nanghihiram at sa orihinal na wika ay hindi pa rin masasabing magkakatumbas ang mga tunog ng mga ito. Halimbawa, may ilang nagmumungkahi na gamitin ang mga salitang deskriptiv at narativ (sa halip ng nakagawiang paglalarawan at pasalaysay). Ayon sa mga ito, ang v ay katutubong tunog daw sa mga wika sa Pilipinas kung kayat maaari na raw gamitin ito sa karaniwang mga salita. Ang baybay daw sa deskriptiv at narativ ay bahagi raw ng leksikal na elaborasyon ng Filipino at bahagi ng intelektwalisasyon. Hindi ito tamang katwiran, sa sumusunod na kadahilanan:Ang v sa mga wika sa Pilipinas ay iba sa v ng Ingles. Panlabi ang artikulasyon ng v sa Pilipino; labiodental naman ang sa Ingles Bukod dito, natatagpuan lamang ang v na Pilipino a pagitan ng dalawang patinig; hindi ito nakikita sa dulo ng isang karaniwang salita at pantig.Ang ispeling na narativ at deskriptiv ay nakikipagkumpetensya sa narrative at descriptive ng Ingles, at mababansagang maling ispeling.Sa lumang tuntunin sa panghihiram, maaaring hiramin ang salita sa orihinal na anyo. Hindi na kailangang isakatutubo ang ispeling ng salita.Ang intelektwalisasyon at modernisasyon ng wikang pambansa ay hindi lamang nakasandig sa pagkakaroon ng mga terminong magagamit sa diskursong pangkapantasan. Mas importante pa rito ay ang kahandaan ng mga Pilipinong gamitin ang sarili nilang wika upang lumikha at magpalitan ng bago, orihinal at makabuluhang mga kaalaman.B. Pagbigkas sa mga Hiram na Salita na nasa Orihinal na Baybay1. Sa pagpapanatili ng hiram na salita sa orihinal na anyo, ang mga letra, ma-katinig o ma-patinig, ay maaaring kumatawan sa mahigit sa isang tunog, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na halimbawa:a) Ang c ay maaaring kumatawan sa tunog na [k], [s] o [];Spanishcasa = ['ka.sa]English ice =['_ays]

Italiancello = ['e.low]

b) Ang j ay maaaring kumatawan sa tunog na [j] o [h];

Englishjack ['jak]Spanish jai alai['hay _a.'ly]

c) Ang x ay maaaring kumatawan sa tunog na [s] o [ks];

Englishextra ['_eks.tra]English xylophone= ['say.lo.fown]

2. Kahit pinanatili sa orihinal na anyo, ang mga salitang dayuhan ay binibigkas pa rin ng maraming Pilipino sa katutubong paraan gaya ng sumusunod:Ang [f] ay binibigkas na parang [p]; father [_fa._ r] > [_pa_.der]Ang [v] ay binibigkas na parang [b]; visa [_vi.sa] > [_bi.sa]Ang [z] ay binibigkas na parang [s]; zoo [zu_] > [su]Ang [] ay nagiging simpleng [a];map [mp] > [map]Ang [ow] ay nagiging [o]; goal [gowl] > [gol]Ang [i_] ay nagiging [i];brief [bri_f] > [brip]g) Ang [u_] ay nagiging [u];shoot [u_t] > [ut]VI. PANGWAKAS. Ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa mga nagsisimulang bumasat sumulat, at mga bihasa nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di-Tagalog; mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito, kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at kumbensyon sa patnubay na ito. Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag, naimungkahi o naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Sa ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay.

1. "KALALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO"

Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog . Ang mga tunog na ito ay tinatawag na ponema na matatalakay pa ng higit sa mga ka sunod na pahina.

2. "PONOLOHIYA"

Ang ponema ay tumutukoy sa mga makhulugang tunog ng isang wika. Ang makaagham na pag-aaral nito ay tinatawag namang ponolohiya.

May dalawmpu't isang (21) ponema ang wikang Filipino, labing-anim (16) ang katin ig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig ay ang mga sumusnod: /p,b,m,t ,d,n,s,l,r,y,k,g,n,ng,w,/. Ang katinig naman ay ang /i,e,a,o,u,/.

3. "Morpolohiya"

Tumotukoy ang morpolohiya sa makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ngisang salita o morpema.Ang morpema ay maaring isang ponema.Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaring mangahulugan ng kasarian.

Halimbawa:maestrovsmaestraabugadovsabugadaPaulovsPaulatinderovstinderaAngelitovsAngelita

4. "Mga Pagbabagong Morpoponemiko"

Ang mga pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anu mang pagbabago sa karaniwa ng anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ito ay may ilan g uri.

a.) Asimilasyon

Sangkot ng uring ito ang mga pgbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dah il sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.

Dalawng uri ng asimilasyon;AI. Asimilasyong parsyal AJ. Asimilasyong ganap

Asimilasyong parsyal- yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ at nagiging /n/ o /m/ o nanatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog.Halimbawa:

[pang]+paaralan-------pampaaralan [pang]+bayan---------pambayan

Asimilasyong ganap- sa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa po nemang /ng/ ayon sa punto ng artikulasyon na kasunod na tunog, nawawala parin an g unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.Halimbawa:[pang]+palo----------pampalo-----------pamalo[pang]+tali-----------pantali--------------panali

b.)Pag-papalit ng ponema

May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.

1. /d/----- /r/

Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napap alitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.Halimbaw:ma-+dapat------------marapatma-+dunong----------marunong

2. /h/-----/n/Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sapagsusulat na panlaping/-han/ ay nagiging /n/.Halimbawa:/tawah /+ -an--------/tawahan/--------tawanan

3. /o/----/u/Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhunlapian osalitang inuulit ay nagiging /u/.Halimbawa:dugo + an----------dugoanmabango----------mabangung-mabango

c.) MetatesisKapag ang salitang ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping -in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng posisyon.Halimbawa:-in- + lipad--------nilipad-in- + yaya--------niyaya

d.) Pagkakaltas na ponema

Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang ponimag patinig ng saliatng-ugat ay nawawala sa pag huhunlapi nito.Halimbawa:takip + an--------takipan-----------takpankitil + in----------kitilin-------------kitlin

e.) Paglilipat-diin

May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian.Halimbawa:basa + -hin------------------basahinka- + sama + -han----------kasamahanlaro + an--------------------laruan(lugar)

f.) Reduplikasyon

Pag-uulit ng pantig ng saliata.Halimbawa:aalismatataasmagtatahopupuntamasasayanaglalakad

4."Sintaksis"

Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Halimbawa:Nanay! (panawag)

Aray! (nagsasaad ng damdamin) Sulong! (utos)Opo (panagot sa tanong)Umuilan (pandiwang palikas o penomenal)

titiksalitapangungusapdiskursoponemamorpemasintaksisponolohiyamorpolohiya(palatanungan)(palabusan)

5."Pagpapalawak ng pangungusap"

Ang mga maaring gamiting pampalawk ng pangungusap ay 1.) paningit at 2.) panurin g (pang-uri at pang-abay) at 3.) kaganapan ng pandiwa.

a.)Mga paningit bilang pampalawak

Mga paningit o ingklitik ang ta wag natin sa mga katagang isinasama sa pngungusa p upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.Talaan ng ating mga paningit:

ba na ho po

kasi naman lamang/lang sana

kaya nga man tuloy

daw/raw pa muna yata

din/rin pala

Ang mga paningit ay may tiyak na posisyon sa loob ng pangungusap. Ang mga katagang ka, ko at mo ay maaring manguna sa paningit. Watong pagamit ng mga paningit:

1. Unang salitang may diin + paningit2. Unang salitang may diin +ka/ko/mo + paningit Halimbawa:

Unang salitang may diin + paningit a.) Ang bata na ang tawagin mo. b.) Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.

Unang salitang may diin + paningit a.) Bakit ka nga ba hindi dumating?b.) Hinihintay ko naman siya ngunit talagang hindi siya dumating.c.) Alam mo ba ang dahilan ng kanyang biglang pag-alis?

Sa ating talaan ang mga paningit aymapapansing may mga pningit na malayang nagk akapalitan, tulad ng daw/raw at din/rin.

Sa kolokyal na gamit, ang daw at raw, din at rin ay malayang nagkakapalitan kah it na sa anung kaligirang ponemiko. Sa mga pormal na okasyon, may mga taong nag bibigay ng pagkakaiba sa gamit ng daw at raw, din at rin. Ang daw at din ay g inagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig, maliban sa mga m alapatinig na /w/ at /y/. Samantala ang raw at rin ay ginagamit kapag ang sinusu ndang salita ay nag tatapos sa patinig o malapatinig na /w/, /o/, /y/.

Halimbawa:3. Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napag bigyan. 4. Swelduhan din daw ang ama niya. 5. Maswerte na rin naman ang batang yon. 6. Buhay raw ang nakulong sa minahan. 5. Kalabawraw niKuya ang nawala.

Ang lamang ay pormalnaanyongkolokyal na anyo nglang.

Halimbawal:

1. Isasangunipo lamang namin angtaga pangulo ng komite ang hi

ngil sa suliranin ngkaspi.

2. Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.

b.) Mga panunuring bilang pampalawak

Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panu ring sa pangngalan o panghalip, at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-ur i o kapwa pang-abay.

Btayan ngPangungusap

Angmag-aaral ay iskolar.

1.Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri

Ang matalinong mag-aaral ayiskolar.

2. Pagpapalawak sapamamagitan ng pariralang panuring

a.)Angmatalinongmag-aaralsa klase ko ay iskolar.

b.)Angmatalinongmag-aaralsa klase ng kasysayan ay iskolar.

c.)Angmatalinongmag-aaralsa klase ng kasysayan ay iskolar sa pamantasan.

d.)Angmatalinongmag-aaralsa klase ng kasysayan ay iskolar ng pamahalaan

sa pamantasan.

e.)Angmatalinongmag-aaralsa klase ng kasysayan na magaling mag talumpati

ay iskolarpamahalaansa pamantasan.

3.Pagpapalawak sa pamamagitanngibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tu

ngkulin ngpang-uri.

a.) Pangngalang ginagamit na panuring

Ang mag-aaral na babae ay eskolar.

b.) Panghalip na ginagamitnapanuring

Ang mag-aaral na babaingiyon ayeskolar.

c.) Pandiwang ginagamit napanuring

Ang mag-aaral na babaingiyon nanagtatalumpati ay eskolar.

Diskurso- ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng isang minsahe, ito man ay pagpapahayag, pasulat man o pasalta.

- ay functional. Paglalahad-ay isang anyo ng pagpapahayag.

"Konteksto ng Diskurso"

a) Kontekstong Interpersonal- ito ay usapan pang mag-kaibigan.

b) Kontekstong Panggrupo- pulong ng isang samahan pang mag-aaral.

c) Kontekstong Pang-organisasyon- memorandum ng pangulo ng isang kompanya sa lahat ng empleyado.

d) Kontekstong Pangmasa- pagtatalumpati ng isang politiko sa harap ng mga botante.

e) Kontekstong Interkultural- pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN.

f) Kontekstong Pangkasarian- usapan ng mga mag-asawa.

"Mga Teorya Ng Diskurso"

Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon.

a) Speech act theory- isang teorya ng wikang batay sa aklat na "how to do things with words" ni JL Austin(1978)

b) Ethnography of communication- ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, ga mit, patern, at tungkulin.

1.Introspection5.Ethnosemantics

2.Delached observation6. Ethnomethodology

3.Interviewing7.Prenomenelogy

4. Philology

* Communication accommodation theory- sinusuri ang mga motibasyon at kasikwens n g pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon.

* Narrative paradigm- ay nag lalarawn sa mga tao bilang mga storytelling.

komunikatib kompitens kasanayanexpertise sa paggamit ng wika pasulat man o pasalit

a.diskurso

(tunogsalitapangungusapdiskurso)