araling panlipunan grade 5 - bulacandeped.com · 8. iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin...
TRANSCRIPT
1
Araling Panlipunan
Grade 5
Patnubay ng Guro
YUNIT II - PAMUNUANG KOLONYAL NG ESPANYA
(Ika 16th hanggang 17th siglo)
Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro
Konsultant: Virgilio L. Laggui
Tagasuri at Editor: Virgilio L. Laggui, Cecille E. Cruz , Charito N. Laggui
Mga Manunulat: ,Anne P. Castillo, Cecille E. Cruz, Rochelle S. Enriquez,
Maricel F. De Mesa, Dulce Regina C. Flores, Edna T. Gomez,
Charito N. Laggui, April Rose C. Muga, Michelle Sarmiento
Layout Artist/Designer: May Luningning A. Desiderio
Punong Tagapangasiwa: Virgilio L. Laggui
2
ARALIN 1 KOLONYALISMONG ESPANYOL SA PILIPINAS
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin:
1. Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo 2. Natatalakay at nailalarawan ang konteksto ng kolonyalismo
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas 3. Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa mga Pilipino
Paksang Aralin Paksa : Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas Kagamitan : mga larawan ng pananakop, video clips o powerpoint presentations, laptop, manila paper, pentel pen Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5PKE-IIa-1 (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Balik-aral: Magbigay ng sariling konklusyon tungkol sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino.
3. Ipakita ang larawan ng pagdating ng mga Espanyol sa bansa. Itanong sa mga mag-aaral kung ano nakikita nila sa larawan at ano ang ipinapahiwatig nito.
4. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin. B. Paglinang
1. Ipadinig ng guro sa mga mag-aaral ang awiting “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar. Tanungin ang mga bata tungkol sa mensahe ng awit.
2. Sa inyong palagay, ano ang pakiramdam ng isang ibon na ikinulong sa hawla at tinanggalan ng kalayaan?
3. Isulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara. 4. Ipaliwanag at iugnay ang mga kasagutan ng bata sa tatalakaying
aralin. 5. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah ___. 6. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming, kaugnay ng
aralin.
3
7. Itanong ng guro: a. Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo? b. Ano ang ibig sabhin ng kolonya? c. Paano natin ilalarawan ang konteksto ng kolonyalismo
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas? 8. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain.
Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM.
(Ikalawang Araw) Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ipabasa ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Muling pangkatin ng guro ang mga bata. Sa pagkakataong ito maaaring pangkatin sa apat na pangkat ang klase.
Ipaliwanag ng guro ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat. 9. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata
sa Gawain B at C 10. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, LM pah.
Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa LM pah. Takdang Aralin Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang impluwensya ng mga Espanyol sa mga Pilipino na hanggang ngayon ay nananatili sa ating araw-araw na pamumuhay? Ipaliwanag ang iyong sagot. Susi sa Pagwawasto Gawain A (1-5) Indibidwal na Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot. Gawain B (Pangkatang Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot. Gawain C
1. Ferdinand Magellan
4
2. pagsakop o pananakop 3. Miguel Lopez de Legazpi 4. Krus at espada 5. 333 na taon
Rubric para sa Gawain B at C Rubric para sa gawaing Venn Diagram at Bubble Map
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May 75% na detalye lamang ang nailahad o naipaliwanag ang mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lang ang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
ARALIN 2 MGA DAHILAN AT LAYUNIN NG KOLONYALISMONG ESPANYOL
Takdang Panahon: 3 araw
Layunin: 1. Naipapaliwanag ang mga dahilan ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas 2. Natutukoy ang mga layunin ng kolonyalismong Espanyol sa
bansa 3. Matutukoy ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga Pilipino
Paksang Aralin Paksa : Mga Dahilan at Layunin ng Kolonyalismong Espanyol Kagamitan : mga larawan ng pananakop, video clips o powerpoint presentations, laptop, manila paper, pentel pen Sanggunian : Learner’s Material pah. ___ K to 12 - AP5PKE-IIa-2 (Unang Araw) Pamamaraan
5
A. Panimula 5. Pagkakaroon ng balitaan na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin. 6. Balik-aral: Itanong ng guro. Ano ang kolonyalismo? Ano ang
kolonya? 7. Magpakita ng larawan ng magagandang tanawin at mga likas
yaman ng Pilipinas. Itanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano kaya ang kaugnayan ng mga ito sa pagsakop ng mga dayuhang Espanyol sa ating kapuluan?
8. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin na tatalakayin. B. Paglinang
1. Ipanood ng guro sa mga mag-aaral ang music video ng awiting “Piliin mo ang Pilipinas” o ang awiting “Pilipinas, Tara Na!” Tanungin ang mga bata tungkol sa mensahe ang awit.
2. Itanong ng guro. Ano ang mga magagandang tanawin at likas na yaman ang nakita mo sa music video? Isulat sa pisara ang mga sagot.
3. Ipaliwanag at iugnay ang mga sagot ng bata sa tatalakaying aralin. 4. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah ___. 5. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng
aralin. 6. Itanong ng guro sa klase:
d. Ano ang dahilan at layunin ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
e. Bakit mabilis tayong nasakop at matagal na napasailalim sa pamamahala at kapangyarihan ng mga Espanyol?
7. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain sa Gawin Natin. Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM. (Ikalawang Araw) Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Ipabasa ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Pangkat 1 at 2 ang magsasagawa ng gawaing Catch the Falling Stars
Pangkat 3 at 4 ang magsasagawa ng Role Playing
6
(Ikatlong Araw) Gawain C (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ipabasa ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM.
Ipalahad sa klase ang sagot ng bawat pangkat.
8. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga bata sa Gawain B at C.
9. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin sa pah. ___ ng LM.
Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin sa pah. ___ ng LM. Takdang Aralin Sumulat ng isang makasaysayang pangyayaring naganap sa ating bansa kung saan naipakita ang matinding pagkakaisa ng mga Pilipino. Susi sa Pagwawasto Gawain A (Indibidwal na Gawain) Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata. Gawain B (Pangkatang Gawain) Sagot para sa gawain ng Pangkat 1 at 2 Catch the Falling Stars (Maaaring tanggapin ang mga sagot na may pagkakahawig dito)
1. Walang pagkakaisa 2. Walang pinuno at malakas na sandata 3. May disiplina at malakas na armas ang mga Espanyol 4. Madaling niyakap ng mga Pilipino ang Kristiyanismo 5. Humanga ang mga Pilipino sa mga Espanyol
Sagot para sa gawain ng Pangkat 3 at 4 – Gamitin ng guro ang rubric upang tasahin ang ipinakitang Role Playing Gawain C (Pangkatang Gawain) Maaaring iba-iba ang saloobin at opinyon ng bawat pangkat sa kanilang sagot. Gamitin ng guro ang rubric upang tasahin ang pangkatang gawaing ito.
Rubrik para sa Gawain B
7
Rubrik para sa gawaing Catch the Falling Star
Pamantayan Batayang Puntos 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng
mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May isang detalye na hindi nasagot ang mga mag-aaral
11-15
3. Kalahati o 50% lamang ang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Halos walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
Rubrik para sa Gawain B (Role Playing)
Pamantayan Batayang Puntos 1. Napakahusay. Malinaw at angkop ang
diyalogo, at kilos. Maayos na naipahayag ang mensahe at tumpak ang lahat ng impormasyong ipinakita
16-20
2. Mahusay. May malinaw na pagpapahayag ng angkop na dayalogo at kilos , subalit may 1 pagkakamali sa impormasyong ipinakita
11-15
3. Katamtaman ang Kahusayan. Nakapagpahayag ng dayalogo at may kilos ngunit may 2 o higit pang pagkakamali sa impormasyong ipinakita
6-10
4. Nangangailangan ng Pagsasanay. Walang naipahayag na diyalogo at walang kilos na naipakita
1-5
Rubrik para sa Gawain C
Pamantayan Batayang Puntos 1. Kumpletong kaalaman ang nailahad ng mga
mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May mga isang detalye na hindi nailahad o naipaliwanag ang mga mag-aaral
11-15
3. May kalahati o 50% lamang na detalye ang hindi naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Halos walang naipaliwanag o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
8
ARALIN 3 PAGLALAKBAY NG ESPANYOL SA PILIPINAS AT PAGKATATAG NG MAYNILA Takdang Panahon: 2 araw
Layunin: 1. Nakabubuo ng timeline ng paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas 2. Natutukoy kung kailan naitatag ang Maynila bilang kabisera ng
Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Spain 3. Nailalarawan ang naging engkwentro ng mga Pilipino sa mga
Espanyol
AP5PKE-IIb-3 Paksang Aralin Paksa : Timeline ng Paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas at Pagkatatag ng Maynila Kagamitan : mga larawan ng ekspedisyon sa Pilipinas, powerpoint presentations, laptop, manila paper, pentel pen/marker Sanggunian : Learner’s Material K to 12 - AP5PKE-IIb-3 (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Magdaraos ang guro ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Balik-aral: Itanong ng guro sa mga mag-aaral.
Ano ang layunin ng kolonyalismong Espanyol?
Bakit naging madali sa mga Espanyol na sakupin ang Pilipinas noong panahong iyon?
3. Ipakita ng guro ang larawan o video clips ng pagdating ni Magellan sa bansa. Magpakita rin ng larawan ng Lungsod ng Maynila (maaaring gamitin ang lumang larawan ng Maynila noong panahon ng Espanyol kung mayroon). Itanong sa mga mag-aaral kung ano nakikita nila sa larawan at ano ang masasabi nila tungkol dito.
4. Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin na tatalakayin.
9
B. Paglinang 11. Ilahad ng guro ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin
Natin sa LM, pahina ___. 12. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng mga
tanong. 13. Ipabasa ng guro ang Alamin Natin sa LM, pah. ___. 14. Talakayin ang mga sumusunod:
Taon o petsa ng paglalakbay/ekspedisyon ng mga Espanyol sa Pilipinas
Kailan at paano naitatag ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Espanya?
Mahahalagang kaganapan sa engkwentro ng mga Pilipino at Espanyol
15. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM. (Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang mga bata.
Ipaliwanag ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Gabayan ng guro ang bawat pangkat para sa maayos na pagsasagawa ng gawain.
Gawain C (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM. 1. Gumamit ng rubric sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga
bata sa Gawain B. 2. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, LM
pah. ___
Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin, LM pah. _ Takdang Aralin Sa isang talata, ilarawan mo ang naging engkwentro nina Magellan at Lapu-lapu sa Mactan noong ika-27 ng Abril, 1521. Pagyamanin Natin Anong katangian ni Lapu-lapu ang hinangaan mo? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
10
Susi sa Pagwawasto GAWIN NATIN Gawain A 1. Ferdinand Magellan 2. Lapu-lapu 3. Raja Humabon 4. Miguel Lopez de Legazpi 5. Maynila Gawain B
I. Timeline
1 2 3 4 5 6 7 8 9
1. Abril 27, 1521 – narrating ni Magellan ang Cebu 2. Abril 27, 1521 – natalo ng pangkat ni Lapu-lapu ang mga Espanyol
at napatay si Magellan 3. 1525 – ekspedisyong Loaisa 4. 1526 – ekspedisyong Cabot 5. 1542 – ekspedisyong Villalobos 6. 1565 – itinitag ni Legazpi ang Lungsod ng Cebu 7. 1570 – unang paglusob ng mga Espanyol sa Maynila 8. Abril 15, 1571 – pinamunuan ni Legazpi ang ekspedisyon sa
Maynila 9. Hunyo 24, 1571 – ipinahayag ang Maynila bilang kabisera ng
Pilipinas Gawain C
1. Ekspedisyong Magellan 2. Ekespedisyong Loaisa 3. Ekspedisyong Cabot 4. Ekspedisyong Saavedra 5. Ekspedisyong Villalobos 6. Ekspedisyong Legazpi
Abril 7,1521 Abril 27,1521 1525 1526 1542 1565 1570 Abril 15,1571 Hunyo 24,1571
1571
11
Rubrik para sa Pangkatang Gawain Gawain B
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpleto at tumpak lahat ang impormasyon at detalyeng nailahad ng mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May mga isang detalye na kulang at hindi malinaw na nailahad ang mga mag-aaral
11-15
3. May kalahati o 50% lamang ang nailagay na detalye o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Halos walang nailagay na detalye o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
ARALIN 4 IBA’T IBANG PERSPEKTIBO UKOL SA PAGKATATAG NG KOLONYA
Takdang Panahon: 2 araw Layunin: 1. Nasusuri ang iba’t-ibang perspektibo ukol sa pagkatatag ng kolonyang
Espanyol sa Pilipinas AP5PKE-IIb-4 Paksang Aralin Paksa : Iba’t-ibang Perspektibo ukol sa Pagkatatag ng Kolonya Kagamitan : larawan, powerpoint presentations, laptop, manila paper, pentel pen/marker Sanggunian : Learner’s Material
K to 12 - AP5PKE-IIb-4 (Unang Araw) Pamamaraan A. Panimula
1. Magdaraos ang guro ng balitaan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang pananaw sa demokrasya bilang uri ng pamahalaang ipnatutupad sa ating bansa.
2. Balik-aral: Itanong ng guro sa mga mag-aaral.
Kailan naganap ang unang paglalakbay ng dayuhang Espanyol sa Pilipinas?
12
Kailan naitatag ang Maynila bilang kabisera ng bansa? 3. Ipakita ng guro ang larawan o video clip ng pagdating ni Magellan
sa Mactan kung saan naganap ang unang labanan ng mga Pilino at mananakop na Espanyol.
4. Iugnay ang larawan o video clip sa paksang aralin na tatalakayin. B. Paglinang
1. Ilahad ng guro ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Natin sa LM, pahina ___.
2. Magdaos ng palitan ng kuro-kuro o brainstorming kaugnay ng mga tanong.
3. Ipabasa ng guro ang Alamin Natin sa LM, pah. ___. 4. Talakayin ang mga sumusunod:
Ipakita ang dalawang panandang pangkasaysayan. Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata na masuri ang nilalaman ng bawat pananda
Ano ang binigyang tuon sa panandang pangkasaysayan ni Lapu-lapu? sa panandang pangkasaysayan ni Magellan?
Paano mo iuugnay ang iba’t-ibang perspektibong nabuo sa salaysay ni Pigafetta sa kanyang siping “First Voyage Around the World”
5. Ipaliwanag ng guro ang panuto sa pagsasagawa ng bawat gawain. Gawain A (Indibidwal na Gawain)
Ipabasa ang panuto sa Gawain A, pah. ___ ng LM. (Ikalawang Araw)
Gawain B (Pangkatang Gawain)
Pangkatin ng guro ang klase sa apat .
Ipaliwanag ang panuto sa Gawain B, pah. ___ ng LM.
Gabayan ng guro ang bawat pangkat para sa maayos na pagsasagawa ng gawain.
Gawain C (Pangkatang Gawain)
Igrupo ang klase sa 4 na pangkat
Ipabasa ang panuto sa Gawain C, pah. ___ ng LM. 1. Gumamit ng rubrik sa pagtasa sa pangkatang gawain ng mga
bata sa Gawain B at C. 2. Bigyang diin ng guro ang mga kaisipan sa Tandaan Natin, LM
pah. ___ Pagtataya Pasagutan ng guro ang Sukatin kung Natutunan Natin, LM pah.
13
Susi sa Pagwawasto GAWIN NATIN Gawain A (Pangkatang Gawain)
Magellan magiting na manlalakbay na kauna-
unahang nakapagligid-layag sa mundo
Lapu-lapu unang Pilipinong tumangging
magpasakop at nakipaglaban para sa kalayaan
2 4 7 10
1 3 5 6 8 9
Gawain B Maaaring magkaiba-iba ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagsuri sa dalawang panandang pangkasaysayan. Gawain C (Pangkatang Gawain) Narito ang mga maaaring maging kasagutan
Dalawang Pinuno ayon Palatandaang Pangkasaysayan
Suportang Pahayag mula sa Sipi ni Pigafetta na Maiuugnay sa Kanila
bilang isang Pinuno
1. Lapu-lapu – bilang pinuno ng mga sinaunang Pilipino na nakipaglaban sa mga mananakop
- tumangging sumunod sa hari ng Espanya
- mayroong mga sibat na kawayan at tulos na pinagtibay ng apoy
- Napakarami nilang pinalipad na palaso at ipinukol na sibat
- Namuno sa pangkat na nakapatay kay Magellan
2. Magellan – bilang pinuno ng mga mananakop na Espanyol na nakipaglaban sa mga Pilipino
- Ipinasunog ang mga bahay ng mga katutubo
- tinamaan ng palasong may lason ang kanang binti
- dalawang ulit na natanggal ang kaniyang pananggalang sa ulo ngunit matatag parin siyang tumindig tulad ng mabuting kabalyero
- itinuring na salamin, ilaw, pinagkukunan ng ginhawa at tunay na gabay
- itinuring ng mga Espanyol na magiting na kapitan
14
Rubrik para sa Pangkatang Gawain Gawain B at C
Pamantayan Batayang Puntos
1. Kumpleto at tumpak lahat ang impormasyon at detalyeng nailahad ng mga mag-aaral sa kanilang gawain/output
16-20
2. May mga isang detalye na kulang at hindi malinaw na nailahad ang mga mag-aaral
11-15
3. May kalahati o 50% lamang ang nailagay na detalye o nagawang output ang mga mag-aaral
6-10
4. Halos walang nailagay na detalye o nagawang output ang mga mag-aaral
1-5
ARALIN 4 : Kristiyanisasyon at Pagbabago sa Panahanan sa Panahon ng mga Espanyol
Takdang Panahon: 3 araw Layunin 1. Natatalakay ang mga naging pagbabago sa relihiyon at panahanan
ng mga katutubo sa pagdating ng mga Espanyol 2. Natatalakay ang paglaganap ng Katolisismo sa bansa 3. Naibibigay ang kahulugan ng reduccion 4. Nakapagtatala ng mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa
sa sariling pananampalataya 5. Naiguguhit ang isang simpleng larawan ng panahanang Espanyol Paksang Aralin Paksa : Kristiyanisasyon at Pagbabago sa Panahanan sa Panahon
ng mga Espanyol Kagamitan : manila paper, marker, mga larawan, AVP Sanggunian: Yunit 2, Aralin 23, LM, pp. Kto12- AP5PKE-IIc-d-5 (Unang Araw) Pamamaran
A. Panimula
15
1. Balitaan: Talakayin ang napapanahong isyu hinggil sa paglipat sa mga relocation sites ng mga informal settlers.
2. Balik-aral: Ano ang iyong masasabi sa pagkakatatag ng kolonya ng Espanya sa Pilipinas?
3. Pagganyak: Pagsasagawa ng “Gallery Walk” tampok ang mga larawan ng istrukturang naitayo noong panahon ng Kastila sa inyong bayan gaya ng simbahan, lumang munisipyo, lumang bahay at iba pa.
4. Itanong:
Kailan naitayo ang mga istrukturang nakita ninyo sa gallery?
Ano kaya ang anyo o itsura ng inyong bayan bago dumating ang mga Espanyol sa bansa?
Ano-ano ang naging pagbabago sa relihiyon at panahanan ng mga Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol?
Bakit binago ng mga Espanyol ang panahanan ng mga katutubo?
Paano lumaganap ang Katolisismo sa bansa?
B. Paglinang 1. Pangkatang Gawain: Pagbibigay ng Task Card sa bawat pangkat.
Pangkat 1- Pagbabago sa relihiyon ng mga katutubo sa pagdating ng mga Espanyol
Pangkat 2- Pagbabago sa panahanan ng mga katutubo Pangkat 3- Paglaganap ng Katolisismo sa bansa Pangkat 4- Reduccion Gawing gabay ang aralin sa Alamin Natin, LM pahina .
2. Pag-uulat ng bawat pangkat. (Ikalawang Araw)
1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bahaging Alamin Natin. Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga bata.
3. Gamit ang graphic organizer, bigyang-linaw ang sagot ng mga bata.
4. Ipagawa ang bahaging Gawin Natin sa LM, pahina . Gawain A
Gawin ang Gawain A sa LM, pahina . Gawain B
Humanap ng kapareha. Gawin ang Gawain B sa LM, pahina
Isulat ito sa bond paper.
16
(Ikatlong Araw) Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain C
Gamit ang parehong pangkat, ipagawa ang Gawain C
Ibigay ang pamantayan sa paggawa nang tahimik at maayos.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat para matapos ang gawain.
Ipaulat at idikit sa pisara ang kanilang gawa. 5. Bigyang-diin ang kaisipan sa LM, pahina .
Pagtataya Pasagutan ang Subukan Kung Natutuhan Natin sa LM, pahina . Susi sa Pagwawasto Gawain A
1. Ebanghelisasyon 6. Agustino 2. pagano 7. Islam 3. sakramento 8. plaza complex 4. Bathala 9. kampana 5. Reduccion 10. orasyon
Gawain B I. Mga maaaring sagot:
1. Mula sa dating mga pagano, natuto ang mga katutubo na sumampalataya kay Kristo. Natutunan din ng mga Pilipino ang iba’t ibang sakramento at pagsamba sa mga santo.
2. Mula sa dating layo-layo, naging magkakalapit ang tahanan ng mga Pilipino. Ang mga tahanan ay sadyang inilapit sa plaza complex na ang sentro nito ay ang simbahan.
3. Ang mga misyonerong Espanyol ang nagpalaganap ng Katolisismo sa bansa. Pinangunahan ito ng mga misyonerong Agustino.
4. Ang Redeccion ay sapilitang paglilipat sa mga katutubo mula sa malalayong panahanan tungo sa lapit-lapit na pamayanan na malapit sa simbahan.
5. Hindi nagawang masakop ng mga Kastila ang mga Muslim sa Mindanao dahil sa kanilang paninindigan sa pananampalatayang Islam.
17
II. Mga maaaring sagot:
Sinaunang Panahon
Panahon ng mga Espanyol
Relihiyon
Panahanan
-Ang mga unang Pilipino ay pagano -Sila ay naniniwala sa mga anito, mga diyos at diyosa -Ang pamayanang Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila ay matatagpuan sa mga bukirin, kabundukan, sa itaas ng mga puno, sa tabing –dagat o sa loob ng bangka. Layu-layo ang mga pamayanan ng ating ninuno noon.
-Naniniwala ang mga Pilipino sa turo ng Katolisismo -Napalitan ito ng mga santo at paniniwala kay Kristo, maliban sa mga Muslim -Magkakalapit na ang pamayanan
Gawain C Pagdating ng mga Pransiskano Pagdating ng mga Agustino Pagdating ng mga Recoletos Pagdating ng mga Heswita Pagdating ng mga Dominikano
Pagyamanin Natin 1. Tignan ang link:
https://www.youtube.com/watch?v=YMD1YNFuADw Ito ay hinggil sa pagbabago sa pueblo at nayon noong pananakop ng mga Espanyol.
Gabay na tanong para sa guro: a. Ano ang reduccion? b. Magbigay ng halimbawa ng lugar sa bansa na naitatag sa
pamamagitan ng reduccion.
1
5
3
4
2
18
Aralin 5 : Mga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol Takdang Panahon: 2 araw Layunin
1. Naiisa-isa ang mga patakarang pangkabuhayang pinairal ng mga Espanyol sa mga katutubo
2. Naipapaliwanag ang sistemang tributo at encomienda
3. Nailalarawan ang polo y servicio o sapilitang paggawa 4. Nakagagawa ng maikling tula ukol sa mga ama ng tahanang
nawalay sa kanilang pamilya dahil sa polo y servicio 5. Nakapagtatanghal ng role playing ukol sa mga patakarang
ipinatupad ng mga Kastila sa mga katutubo Paksang Aralin Paksa : Mga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol Kagamitan : manila paper, marker, mga larawan, AVP Sanggunian: Yunit 2, Aralin 24, LM, pp. Kto12- AP5PKE-IIc-d-5 (Unang Araw) Pamamaran
C. Panimula 5. Pagsasagawa ng e-field trip. Puntahan ang link:
http://www.pamana.ph . Magsagawa ng virtual tour sa mga simbahan sa Bulacan.
6. Itanong:
Kailan at paano naitayo ang mga simbahang napuntahan ninyo sa e-field trip?
Sa iyong palagay, sino-sino ang nagtayo ng mga simbahang ito?
Nagpatayo ang mga Kastila ng simbahan, paaralan, ospital, tulay at iba pang gusaling pampubliko. Sa iyong palagay, saan kinuha ang gastusin sa pagpapatayo ng mga imprastrakturang ito?
D. Paglinang 6. Gamit ang graphic organizer, ilahad ang aralin sa Alamin Natin,
LM pahina .
19
(Ikalawang Araw) 1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bahaging Alamin
Natin. Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga bata. 2. Gamit ang graphic organizer, bigyang-linaw ang sagot ng mga
bata. 3. Ipagawa ang bahaging Gawin Natin sa LM, pahina .
Gawain A
Gawin ang Gawain A sa LM, pahina . Gawain B
Humanap ng kapareha. Gawin ang Gawain B sa LM, pahina
Isulat ito sa bond paper. Gawain C
Gamit ang parehong pangkat, ipagawa ang Gawain C
Ibigay ang pamantayan sa paggawa nang tahimik at maayos.
Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat para matapos ang gawain.
Ipaulat at idikit sa pisara ang kanilang gawa. 4. Bigyang-diin ang kaisipan sa LM, pahina .
Pagtataya Pasagutan ang Sukatin Kung Natutuhan Natin sa LM, pahina . Susi sa Pagwawasto Gawain A
I. 6. Tributo 7. Encomienda 8. Bandala 9. Sedula/ sedula personal 10. Polo y servicio II. Mga maaaring sagot:
1. Ang mga patakarang pangkabuhayang pinatupad ng mga Espanyol ay sistemang encomienda, pagbubuwis o tributo at polo y servicio o sapilitang pagggawa.
2. Ang tributo o buwis ay salaping nililikom ng encomendero bilang kapalit sa serbisyong ipinagkakaloob niya sa encomienda. Ang buwis ay nililikom upang tugunan ang iba’t ibang gawaing bayan.
3. Ang encomienda ay pabuyang karapatan na iginagawad ng hari ng Espanya sa isang konkistador na pangasiwaan ang isang teritoryo.
20
Encomienda
•Ang Encomienda ay isang pabuyang karapatan na iginagawad ng hari ng Espanya sa isang konkistador na pangasiwaan ang isang teritoryo.
Tributo
•Isinakatuparan ang paniningil ng tributo o buwis sa mga mamayanan upang matugunan ang malaking gastusin nito.
Polo y servicio/ sapilitang paggawa
•Ipinatupad din ng pamahalaang Espanyol ang sapilitang paggawa sa mga kalalakihang 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa pamahalaang Espanyol. Sila ay pinagagawa ng mga tulay, simbahan o pinagkumpuni ng barkong galyon.
4. Maraming polista ang nawalay sa kanilang pamilya sa tuwing nadedestino sa malalayong lugar. Nakaranas din ng taggutom dahil sa kakulangan sa produksyon ng mga magsasaka at mangingisda.
Gawain B 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali
Gawain C 1.
Mga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol
2. Rubrik ng Role Playing Sukatin Kung Natutuhan Natin
A. 1. D 2. A 3. B 4. C 5. D B. Rubrik sa maikling tula
21
Aralin 7 : Reduccion : Bunga ng Kristiyanismo Takdang Araw: 3 Araw Layunin:
1. Naipapaliwanag ng mga mag- aaral ang dahilan ng ginawang pagbabago ng mga Kastila sa panahanan ng mga Pilipino
2. Nabibigyang-halaga ang mabuting pakikipag-ugnayan sa sariling komunidad
3. Nakapagtatanghal ng awit (rap, sabayang pag-awit) ukol sa panahanan ng mga Pilipino
Paksang-Aralin: Paksa: Kaugnayan ng Kristiyanisasyon saReduccion Kagamitan: larawan ng kabisera-bisita Sanggunian: Araling Panlipunan LM (Unang Araw) Pamamaraan:
A. Panimula 1. Pagbuo ng Isang Pamayanan/Pueblo
a. Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. Gamit ang mga larawang ibinigay ng guro. Buuin ang kaayusang kabiserang bisita ng isang pueblo.
b. Sabihing idikit ang larawan sa pangalang nasa kaayusang kabiserang bisita
2. Itanong: a. Batay sa inyong pangkatang gawain, ano ang nabuo ninyong
konsepto gamit ang mga larawan? b. Anu-ano ang mga gusaling makikita o matatagpuan
salarawang nabuo? c. Sainyong palagay, ano-ano ang mga dahilan bakit may
sinusunod na kaayusang kabiserang bisita ang mga Espanyol sa pagbuo ng isang pueblo?
3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral a. simpleng pamayanan b. simbahan, kabahayan, munisipyo c. dahil mas madaling mapalawak ang kristiyanismo kung ang
pupuntahang mga tao ay malapit lahat sa simbahan 4. Iugnay ang mga sagot sa aralin
Ang larawang nabuo ang nagpapakita ng pagkakaayos ng mga gusali sa isang pueblo.
22
B. Panlinang 1. Ipabasa ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa Kaugnayan
ng Kristiyanisasyon sa Reduccion sa pahina ___ ng LM. (Ikalawang Araw)
1. Ipagawa ang mga Gawain a. Clustered Map b. Punan ang patlang c. Sagutin ang mga sumusunod na tanong 2. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Mo.
(Ikatlong Araw) Pagtataya:
Pasagutan sa mga bata ang bahaging“Natutuhan Ko”. Pagyamanin Natin / Takdang-Aralin Kapanayamin ang tatlong mananampalatayasa Kristiyanismo. Itanong kung paano sila naging Kristiyano. Itanong din ang impluwensiya ng Kristiyanismo sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Paghambingin ang mga sagotng mga taong kinapanayam. SUSI SA PAGWAWASTO Gawain A
a. plasa b. kabahayan c. simbahan d. munisipyo e. palengke
Gawain B 1. Kabisera 2. Kristiyanismo 3. Wika 4. Reduccion 5. Plasa
Gawain C Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata. PAGATATAYA
1. H 6. I 2. C 7. E 3. G 8. L 4. B 9. K 5. A 10. D 6. I 7. E
23
Aralin 8 Epekto ng Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol
Takdang Araw: 3 Araw Layunin:
1. Natatalakay ng konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos ukol sa tributo kung saan ito kinukuha at ang halaga ng tributo
2. Naiisa – isa ang epekto ng encomienda, tributo at sapilitang paggawa sa pagkakatatag ng kolonya sa Pilipinas.
3. Nasasabi ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa konsepto ng encomienda, tributo at polo y servicio.
4. Naipapahayag ang sariling kaisipan at damdamin tungkol sa polo y servicios o sapilitang paggawa sa pamamagitan ng malayang pagguhit o paglalarawan.
Paksang-Aralin: Paksa: Konsepto ng Encomienda at Kwantitatibong Datos ukol sa Tributo Kagamitan: tsart Sanggunian: Learner’s Material pp.
(Unang Araw) Pamamaraan
A. Panimula: 1. Ipalaro ang “Hanap Salita”
a. Ipaskil sa pisara ang tsart ng hanap salita. Ipahanap sa mga bata ang mga sumusunod na salita.
Encomienda encomendero
Tributo buwis bandala
24
b. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral. c. Iugnay ang mga sagot sa aralin.
Paglinang 1. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Alamin Mo sa Kagamitan ng Mag-aaral, pahina ___ 2. Talakayin ang nilalaman ng aralin gamit ang mga nabuong salita mula sa nakaraang gawain.
(Ikalawang Araw) 1. Ipagawa ang mga gawain sa bahaging Gawin Mo sa Kagamitan ng Mag-aaral, pahina ____ Gawain A Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap. Isulat ang Mali kung di-wasto ang isinasaad ng pangungusap. Pagkatapos ay palitan ang salitang may salungguhit upang maitama ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. Gawain B
1. Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang konsepto ng Encomienda at Tributo. Ipakita at ipaulat sa bawat pangkat ang kanilang output.
B I K A G T W A S U K
A S G B M T M A G U L
K I O P N R M W E B I
E N C O M I E N D A L
B O U E I B Y U I N O
M L I R B U W I S D P
U K P T U T B M U A U
I H L Y K O W T N L R
P G O U L W D S A A W
E N C O M E N D E R O
25
(Ikatlong Araw)
Gawain C Pumili ng isang partner o kausap. Isagawa ang isang malayang talakayan tungkol sa mga sumusunod:
Katumbas ng paniningil ng tributoat buwis sa encomienda sa Panahon ng Espanyol sa kasalukuyang pamamaraan ng pagbabayad ng buwis. Iulat sa klase ang nabuong ideya. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa “Tandaan Mo” Kagamitan ng Mag-aaral, pahina ____
Pagtataya Pasagutan sa mga bata ang bahaging ‘Natutuhan Ko”.
Pagyamanin Natin / Takdang-Aralin Sa Panahon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon ng pagbabago sa mga patakaran ng bansa. Dito higit na nakilala ang mga salitang gaya ng cedula at buwis. Ano ba ang reaksyon mo o nang inyong mga magulang sa pagbabayad ng buwis? Isulat ang iyong sagot sa talahanayan sa ibaba. SUSI SA PAGWAWASTO Gawain A
1. Tama 2. 10 reales 3. encomienda 4. tributo 5. tama
Gawain B Ang sagot ay depende sa pangunawa nang mag-aaral. Gawain C Ang sagot ay depende sa pangunawa nang mag-aaral Pagtataya 1. d 4. b 2. e 5. c 3. a
26
REAKSYON NG MGA PILIPINO SA KRISTIYANISMO
Takdang Panahon: 2 araw
Layunin 1. Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo 2. Natatalakay ang pagbabagong ginawa ng mga Pilipino sa relihiyong natutuhan.
Paksang Aralin Paksa: Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo Kagamitan: mga larawan, manila paper, cartolina Sanggunian: Learner’s Material, pp. _ CG AP5PRE-IIg-7
Pamamaraan A. Panimula 1. Magpaskil ng larawan sa pisara ng mga epekto ng Kristiyanismo sa kulturang Pilipino. 2. Magtanong sa mga bata ng tungkol sa larawan. B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng masusing tanong sa Alamin Natin sa LM p. 2. Tumawag ng mga bata at ipasagot ang mga tanong. 3. Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan sa paglinang ng aralin. 4. Ipabasa ang babasahin sa LM, pahina __ 5. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa Gawin Natin , Gawain A na nasa LM,pahina _ 6. Bigyang diin sa talakayan ang pagpapaliwanag sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo at pagbabagong ginawa ng mga Pilipino sa relihiyong natutuhan. 7. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Natin sa LM, pahina __ Gawain B ( Indibidwal na Gawain ) - Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain A. - Sabihin sa mga mag-aaral na maaari silang sumangguni sa LM,
pahina _. - Tiyakin kung naibigay ng mga bata ang hinihinging impormasyon. Gawain C ( Pangkatang Gawain ) - Hatiin ang klase sa tatlong pangkat para sa pagdedebate. - Ilahad ang paksang pagtatalunan at ang paraan ng pagbibigay ng
opinion at panig tungkol sa paksa.
ARALIN 9
27
- Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata upang makapaghanda at makapagbuo ng pangangatwiran ng bawat panig.
- Wakasan ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagwawasto sa ilang ideya na salungat sa paksa.
Gawain D ( Indibidwal na Gawain ) - Ipaliwanag sa mga bata kung ano ang poster. - Bigyang diin kung ano ang dapat na maipahayag at maipakita sa
poster na gagawin. - Bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang gawain. - Ipakita sa klase ang nagawang poster para sa kanilang
pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman ng kanilang gawain. 8. Bigyang diin at pansin ang mahalagang kaisipan sa Tandaan Natin na nasa LM, pahina__ Pagtataya Basahin at pasagutan sa papel ang Natutuhan Natin na nasa LM, pahina __ Takdang Gawain 1. Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa naging epekto ng Kristiyanismo sa buhay ng mga Pilipino. 2. Magtanong sa mga taong nakakatanda at may kaalaman dito 3. Isulat sa isang buong kartolina ang sagot. 4. Iulat sa buong klase ang nasaliksik.
Susi sa Pagwawasto Gawain A 1. Gregorio Aglipay 6. Felix Manalo 2. Kristiyanismo 7. Pista 3. pag-oorasyon 8. Krus 4. Santo Papa 9. Bibliya 5. Protestantismo 10. Juana, Maria, Pedro Gawain B Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Gawain C Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Natutuhan Natin 1. Tama 2. Simbahang Katoliko 3. Tama 4. Tama 5. Espanyol
28
UGNAYAN NG SIMBAHAN AT PAMAHALAANG KOLONYAL
Takdang Panahon: 3 araw
Layunin 1. Natatalakay ang kapangyarihang Patronato Real. 2. Nasusuri ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino. 3. Natutukoy ang mga tungkulin o papel ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real.
Paksang Aralin Paksa: Ugnayan ng Simbahan at Pamahalaang Kolonyal Kagamitan: flower organizer, mga larawan Sanggunian: Learner’s Material, pp. _ CG: AP5PKE-IIg-h-8
Pamamaraan
A. Panimula 1. Magpaskil ng larawan ng simbahan at pari sa pisara. 2. Itanong: a. Ano ang napansin ninyo sa larawan? b. Sino ang namumuno sa simbahan? c. Ano kaya ang tungkulin ng isang pari at simbahan sa ating pamayanan? 3. Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. 4. Iugnay ang mga ito sa araling tatalakayin. B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Natin sa LM pahina _ 2. Magpalitan ng opinion o ideya tungkol sa paksa. 3. Itala ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan sa paglinang ng aralin.
4. Ipabasa at talakayin sa mga mag-aaral ang aralin sa Alamin Natin sa
LM pp._ 5. Ipasagot sa mga bata ang kasunod na tanong na nasa Gawin natin, Gawain A. 6. Ipagawa ang Gawain B sa LM pahina _ sa notbuk. Ipaliwanag na mabuti ang panuto upang maunawaan ng mga bata. Bigyan sila ng sapat na oras sa pagsasagawa ng gawain.
ARALIN 10
29
7. Hatiin ang mag-aaral sa apat na pangkat para sa Gawain C sa LM pahina __. Bigyan ng tig isang envelop ang bawat pangkat. Ibigay ang sumusunod na panuto sa bawat gawaing isasagawa ng mga mag-aaral. a. Bawat envelop ay mayroong flower organizer sa loob. b. Mag-unahan ang bawat pangkat na makabuo ng flower organizer. c. Isulat sa bawat petal ang tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng patronato real. d. Ipaskil sa pisara ang natapos na gawain. 8. Iuulat ng bawat pangkat ang kaisipang nabuo sa flower organizer. 9. Ipagawa ang Gawain D sa pahina __ ng LM. Ipaliwanag nang mabuti ang panuto. Gabayan ang mga bata sa pagsagot ng gawain. 10. Talakayin isa-isa ang mga gawaing isinasagawa ng mga mag-aaral. Bigyang-pansin ang mahahalagang impormasyong dapat matutunan ng mga bata. 11. Bigyang diin ang kaisipan sa Tandaan Natin, pp _ ng LM.
Pagtataya Ipasagot ang gawain sa Natutuhan Natin sa LM pahina ___. Takdang Gawain 1.Pagawain ng survey ang mga bata. 2. Hayaang hingin nila ang opinion ng kapwa kamag-aral hinggil sa paksang, “ Ano ang naging epekto ng pag-uugnay ng simbahan at pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ng mga prayle sa naging buhay ng mga Pilipino noon.” 3. Iulat ang resulta ng kinalabasan ng survey sa klase. Susi ng Pagwawasto Gawain A 1. D 5. H 2. C 6. A 3. E 7. B 4. F 8. G Natutuhan Natin 1. Wasto 2. Di-Wasto 3. Di-Wasto 4. Wasto 5. Wasto Pangwakas na Gawain 1. Pangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat. 2. Bawat pangkat ay isusulat sa manila paper ang pagkakaiba ng uri ng
30
pamamahala ng simbahan sa ngayon. 3. Iulat ng bawat pangkat ang kanilang sagot.
REAKSYON NG MGA PILIPINO SA PAMAMAHALA NG MGA PRAYLE
Takdang Panahon : 3 araw Layunin
Nailalahad ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa paraan ng pamamahala ng mga prayle.
Naipaliliwanag ang mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle.
Natutukoy ang mga dahilan at kinalabasan ng pag-aalsang isinagawa ng mga Pilipino.
Paksang Aralin Paksa: Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle Kagamitan: mga larawan, tsart, cartolina, pentel pen, pastel color Sanggunian: Learner’s Material, pahina _ CG: AP5PKE-IIg-h-8.8.3 Pamamaraan (Unang Araw) A. Panimula 1. Magpaskil ng larawan ng mga misyonerong dumating sa ating bansa. 2. Magtanong sa mga bata ng tungkol sa larawan. B. Paglinang 1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng mga susing tanong sa Alamin Natin sa LM pahina _. 2. Tumawag ng mga bata at ipasagot ang mga tanong. 3. Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan sa paglinang ng aralin. 4. Suriin ang larawan sa Alamin Natin at magtanong tungkol dito. 5. Ipabasa ang babasahin sa LM, pahina _ 6. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa Gawin Natin sa Gawain A na nasa LM, pahina _ 7. Bigyang diin sa talakayan ang pagpapaliwanag sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga Prayle. (Ikalawang Araw) 8. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin Natin sa LM, pahina _
Aralin 11
31
Gawain B ( Indibidwal na Gawain )
- Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain A.
- Sabihin sa mga mag-aaral na maaari silang sumangguni sa LM, pahina __
- Tiyakin kung naibigay ng mga bata ang hinihinging impormasyon. Gawain C ( Indibidwal na Gawain )
- Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain B.
- Basahing mabuti ang panuto.
- Gawin ito sa notbuk. Gawain D ( Pangkatang Gawain )
- Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pipili ng lider ang bawat pangkat.
- Maghanda ng isang puting cartolina, lapis, pentel pen at pastel color.
- Ipaliwanag na mabuti sa mga bata ang panuto.
- Bigyang diin kung ano ang dapat na maipahayag at maipakita sa gawain.
- Bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang gawain.
- Ipakita sa klase ang natapos na gawain at hayaang maipaliwanag ng lider ang nilalaman ng kanilang gawain.
(Ikatlong Araw) 9. Bigyang diin at pansin ang mahalagang kaisipan sa Tandaan Natin na nasa LM pahina __ Pagtataya Pasagutan sa papel ang Sukatin Kung Natutuhan Natin sa LM pahina ___. Takdang-aralin Ipagawa ang takdang-aralin na sa LM. pah. ___.
Susi sa Pagwawasto GAWIN NATIN Gawain B
1. e 2. a 3. b 4. c 5. d
SUKATIN KUNG NATUTUHAN NATIN Gawain I 1. Pag-abuso
32
2. Kalupitan 3. Pagkamatiisin 4. Katapangan 5. Pagmamahal sa bayan
EPEKTO SA LIPUNAN NG PAMAMAHALA NG MGA PRAYLE
Takdang Panahon: 1-3 araw Layunin
1. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle.
2. Nabibigyang halaga ang mga pamana ng Espanyol na patuloy pa ring isinasagawa sa kasalukuyan.
3. Masiglang nakikilahok sa talakayan. Paksang Aralin Paksa : Pagbibigay ng Sariling Pananaw sa Naging Epekto sa Lipunan ng Pamamahala ng mga Prayle. Kagamitan : mga larawan, mga tsart, “Show-me Cards”, Tape ng awit ng “Sampaguita” , strips ng laro, Roleta ng mga Titik Sanggunian : Learner’s Material p. ______ K to 12 AP5PKE-Iii-9 PAMAMARAAN
A. Panimula Laro- Roleta ng mga Titik
Aralin 12
33
1. Ipakita ang Roleta ng mga Titik sa klase. 2. Ipaliwanag na ang bawat titik nito ay simula ng sagot sa
bawat katanungan. 3. Paikutin ang Roleta ng mga Titik. 4. Sagutin ang tanong patungkol sa titik kung saan nahinto ang
roleta. 5. Bigyan ng “Star” ang sinumang makasagot nang tama
B. Paglinang 1. Hatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat. Pumili ng lider at tagatala
sa bawat pangkat. 2. Ilahad ang aralin sa Alamin Natin sa LM, pah. ______
(Maaari rin ipabasa na ang Alamin bago ang araw na ito) Bigyan ng paksang babasahin ang bawat pangkat:
Pangkat 1- Edukasyon Pangkat 2- Relihiyon Pangkat 3- Kultura
3. Ipabasa ang teksto tungkol sa paksa at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Itala sa “manila paper” ang sagot ng bawat grupo at basahin sa buong klase ang sagot.
4. Iproseso ang gawain ng bawat pangkat. Pangalawang Araw
1. Balik- aralan ang mga kaisipang nabuo sa unang araw. 2. Ipagawa ang mga Gawain sa Gawin Natin, pah.______ ng LM. 3. Ipaliwanag ang panuto sa pagsasagawa ng bawat Gawain. 4. Iproseso ang kinalabasan ng Gawain.
Pangatlong Araw 1. Balik aralan ang ginawa sa bawat Gawain sa Gawin Natin. 2. Bigyang diin ang Tandaan Natin sa pahina ___ ng LM.
Pagtataya Pasagutan ang Sukatin Kung Natutuhan Natin A,B,C sa pahina
____ ng LM. Takdang Aralin
Ang pamamahala ng mga prayle sa ating bansa ay nagdulot ng malaking epekto sa ating lipunan. Alin dito ang sa palagay mo ang may pinakamalaking epekto sa iyo bilang bata? Ipaliwanag sa isang talata ang iyong sagot. Susi sa pagwawasto: Laro: Roleta ng mga Titik K- kristiyanismo: isa sa tatlong layunin na gustong ipalaganap ng mga Kastila sa Pilipinas
34
P- Patronato Real: gantimpala ng santo papa na nagbigay ng karapatan sa hari ng Espanya na maging patron ng simbahan at tagapagtaguyod ng Katolisismo M-Mactan: lugar kung saan nagsagupaan sina Magellan at Lapu Lapu noong ika-18 ng Abril, 1521 E- Encomienda: karapatan ng hari na ilipat sa sinumang kastila o institusyon ang kapirasong lupain L-Lapu lapu: pinuno ng Mactan na nakapatay kay Magellan R-Reduccion: paglipat ng mga katutubong tirahan mula sa kalat-kalat at malalayong lugar tungo sa mga siksik na komunidad Sagot sa mga gawain Gawain A 1. noon/ngayon 2. Noon/ngayon 3. Noon/ngayon 4. Noon/ngayon 5. Noon/ngayon Gawain B 1. D 2. A 3. C Tanggapin ang paliwanag ng mga mag-aaral. Gawain C - Retrieval Chart
MGA PILIPINONG KILALA SA Musika Panitikan Sining/Arkitektura
Padre Diego Cerra-Organong Kawayan
Tomas Pinpin-Prinsipe ng mga Pilipinong Manlilimbag
Felix Resurrection Hidalgo-“The Banca” at “The Lanzones Vendor”
Dolores Paterno-Sampaguita
Pedro Bukaneg-Biag-ni-Lam-ang
Juan Luna-“Spolarium”
Pambansang Awit-Julian Felipe at Jose Palma
Leona Florentino-mga tulang Espanyol
Genaro Palacio- kauna-unahang arkitektong Pilipino- Simbahan ng San Sebastian
Isabelo de los Reyes-manunulat ng kasaysayan , kwentong-bayan, at salaysayin
Jose de la Cruz-kilalang Huseng Sisiw
Francisco Balagtas- Prinsipe ng mga
35
Manunulat sa Tagalog-may akda ng Florante at Laura
Modesto de Castro- “Urbana at Felisa”
Sukatin ang Natutunan Natin: 1. Anumang isagot ay tama 2. Mali, Mali, Mali, Mali, Mali 3. Anumang isagot ay tama
Sampaguita ni: Dolores Paterno
Sampaguita ng aming lipi
bulaklak na sakdal ang yumi, Ikaw ang mutyang pinili na sagisag ng aming lahi
at ang kulay mong binusilak ay diwa ng aming pangarap.
Ay iyong bango’t halimuyak sa tuwina’y aming nilalanghap.
O bulaklak, na nagbigay ligaya
O paralumang mutyang sampaguita. Ikaw tanging bituing-hiraman ng kanilang ganda.
Ang iyong talulot ang siyang tunay na sagisag
ng sa dalagang puso’y wagas kayumian at pagkamatapat.
36
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III, Central Luzon
Division of Bulacan
District of __________
___________School____________
TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON
Ikalawang Markahan
Unang Lagumang Pagsusulit
CO
DE
NIL
ALA
MA
N
Antas ng Pagtatasa at Kinalagyan ng
Aytem
BIL
AN
G N
G A
RA
W N
A
NA
ITU
RO
BIL
AN
G N
G A
YTE
M
PO
RSY
ENTO
NG
AY
TEM
PA
GB
AB
ALI
K T
AN
AW
O K
AIS
IPA
N
PA
G-U
NA
WA
PA
GLA
LAP
AT/
PA
GG
AM
IT
PA
G-A
AN
ALI
SA
PA
GTA
TAYA
PA
GLI
KH
A
AP5PK
E-IIa-1
Natatalakay
ang kahulugan
ng
kolonyalismo at
ang konteksto
nito kaugnay sa
pananakop ng
Espanya sa
Pilipinas
1 4
5
2 3 2 5 25%
AP5PK
E-IIa-2
Naipapaliwanag
ang mga
dahilan at
layunin ng
kolonyalismong
Espanyol
7 8
10
6 9 3 5 25%
37
AP5PK
E-IIb-3
Nakabubuo ng
timeline ng mga
paglalakbay ng
Espanyol sa
Pilipinas
hanggang sa
pagkakatatag
ng Maynila at
mga unang
engkwentro ng
mga Espanyol
at Pilipino
11
12
13
15 14 2 5 25%
AP5PK
E-IIb-4
Nasusuri ang
iba-ibang
perspektibo
ukol sa
pagkakatatag
ng
kolonyangEspa
nyol sa Pilipinas
20 16
17
18
19 2 5 25%
KABUUAN 8 4 6 2 20 100%
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III, Central Luzon
Division of Bulacan
District of __________
___________School____________
ARALING PANLIPUNAN V
Unang Markahan
Ikalawang Lagumang Pagsusulit
Panuto. Unawain at tukuyin ang isinasaad ng bawat isa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
38
_____ 1. Ito ay tumutukoy sa pagsakop ng mga lugar o bansa upang makakuha ng mga kagamitan o mga likas na yaman mula rito.
a. kapitalismo c. komunismo b. kolonyalismo d. pyudalismo
_____ 2. Saang larangan sinasabing naging masigla ang mga bansang Europeo, batay sa kaalamang natuklasan ng mga unang manlalayag?
a. industriyalisasyon c. nabigasyon b. kapitalismo d. pangangalakal
_____ 3. Ang mga sumusunod ay mga bunga ng ginawang paglalakbay ni Magellan MALIBAN sa isa. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa naging paglalakbay ni Magellan?
a. Napatunayan na ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalawak na karagatan sa mundo
b. Pinalawak nito ang kaalaman sa astronomiya c. Pinatunayan nito na bilog ang mundo d. Napalaganap ang kristiyanismo sa Pilipinas
_____ 4. Sino ang nagtagumpay na nakapagtatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas?
a. Christopher Columbus c. Ruy Lopez de Villalobos b. Sebastian Cabot d. Miguel Lopez de Legazpi
_____ 5. Lugar sa Pilipinas na naging kauna-unahang permanenteng pamayanang Kastila.
a. Limasawa c. Bohol b. Cebu d. Davao
_____ 6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga layunin ng pananakop ng mga Espanyol?
a. kristiyanismo c. pangkalusugan b. pampulitika d. pangkabuhayan
_____ 7. Naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas. Ilang taon ang itinagal ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa?
a. 30 taon c. 303 taon b. 33 taon d. 333 taon
_____ 8. Isang dahilan ng madaling pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang kawalan ng mga Pilipino ng pagkakaisa at pambansang institusyon. Ano ang tinutukoy ng pambansang institusyon?
a. pamahalaan c. pamayanan b. pamilya d. pinuno
_____ 9. Ito ang itinuturing na pinakamalaking impluwensya sa mga Pilipino ng mga Espanyol.
39
a. kaugaliang Espanyol c. disiplina b. gawi ng mga Espanyol d. kristiyanismo
_____10. Ang paghahangad ng Espanya na maging tanyag at makapangyarihang kaharian sa buong daigdig ay bahagi ng kanilang hangaring ____________.
a. pangkabuhayan c. pangrelihiyon b. pampulitika d. pangkasaysayan
_____11. Pulo sa Pilipinas kung saan unang dumaong sina Magellan. a. Limasawa c. Leyte b. Homonhon d. Mactan
_____12. Ang pinuno ng Mactan na namuno sa pangkat na nakipaglaban at nakapatay kay Magellan.
a. Zula c. Sikatuna b. Tupas d. Lapu-lapu
_____13. Lungsod sa bansa na tinawag ng mga Espanyol na “Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni Jesus.”
a. Cebu c. Samar b. Limasawa d. Leyte
_____14. Maynila ang napili ng mga Espanyol na gawing sentro ng kalakalan dahil sa sumusunod na dahilan MALIBAN sa isa, alin ito?
a. Dahil sa estratehikong lokasyon nito b. Dahil sa pang-ekonomiyang kalagayan nito c. Dahil sa magandang klima nito d. Dahil sa kahalagahang pampulitika nito
_____15. Noong Hunyo 24, 1571, ipinahayag ang ____________ bilang kabisera ng Pilipinas.
a. Maynila c. Mactan b. Cebu d. Homonhon
16-18. Pagsusuri sa Panandang Pangkasaysayan ni Lapu-lapu at Magellan
Dito, noong ika-27 ng Abril, 1521 ay pinaurong ni Lapu-lapu at ng kaniyang mga tauhan ang mga mananakop na Espanyol at napatay ang pinuno ng mga ito na si Ferdinand Magellan.
Dahil dito, si Lapu-lapu ang naging kauna-unahang Pilipinong nakapigil sa pananalakay ng mga Europeo. (Isinalin ni Gadfrey T. Dancel mula sa orihinal na English na teksto na makikita sa marker)
40
_____16. Paano ipinakilala si Lapu-lapu sa pananda ni Magellan?
a. matapang na Pilipino b. mandirigmang pinuno ng Mactan c. nakakompleto sa kauna-unahang pagligid-layag sa mundo d. manlalayag mula sa Cebu
_____17. Paano ipinakilala si Magellan sa pananda ni Lapu-lapu? a. pinuno ng mga mananakop na Espanyol b. dakilang manlalayag c. manlalayag na Portuges d. manlalayag na Espanyol
_____18. Kailan nakompleto ang kauna-unahang pagligid-layag sa mundo?
a. Abril 27, 1521 c. Setyembre 6, 1522 b. Mayo 1, 1521 d. Abril 21, 1521
_____19. Ayon sa sipi ni Pigafetta sa kanyang “First Voyage Around the World,” sino ang itinuring niyang mabuting kapitan at pinakamatatag sa lahat ng pagsubok?
a. Lapu-lapu c. Antonio Pigafetta b. Martin de Goiti d. Ferdinand Magellan
_____20. Unang Pilipinong tumangging magpasakop, nakipaglaban at nakapigil sa pananalakay ng mga Europeo.
a. Lapu-lapu c. Raja Humabon b. Raja Kolambu d. Raja Tupas
Sagot sa Pagsusulit:
1. b 11. b
2. c 12. d
Sa lugar na ito noong ika-27 ng Abril, 1521 ay namatay si Ferdinand Magellan matapos masugatan sa isang labanan sa mga mandirigma ni Lapu-lapu, ang pinuno ng isla ng Mactan. Isa sa mga barko ni Magellan ang Victoria, sa pamamahala ni Juan Sebastian Elcano, ang naglayag mula sa Cebu noong ikaisa ng Mayo, 1521. Sa pagdaong nila sa San Lucar de Barrameda noong ikaanim ng Setyembre, 1522 ay nakompleto ang kauna-unahang pagligid-layag sa mundo.
(Isinalin ni Gadfrey T. Dancel mula sa orihinal na
English na teksto na makikita sa marker)
41
3. b 13. a
4. d 14. c
5. b 15. a
6. c 16. b
7. d 17. a
8. a 18. c
9. d 19. d
10. b 20. a
Sumatibong Pagsusulit sa AP 5 (Ikalawang Markahan)
A. Basahin at suriing mabuti ang sumusunod na pahayag. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.
1. Ito ang pinakamahalagang impluwensya ng mga Kastila sa mga Pilipino. a. Kristiyanismo c. Pamahalaan b. Edukasyon d. Kultura 2. Sila ang binigyang kapangyarihan ng pamahalaang Kastila na mamahala sa kolonya. a. Katutubo b. Pilipino c. Prayle d. Datu 3. Ang sumusunod ay ilan sa mga tungkuling ginampanan ng mga paring kastila MALIBAN sa isa. a. Pagpapagawa ng mga kalsada c. Pangangasiwa sa mga paaralan b. Pangungulekta ng buwis d. Pagpapaunlad ng kabuhayan 4. Ito ang ginagawa sa mga Pilipinong hindi sumusunod at di sumasang-ayon sa relihiyong Katoliko.
a. pinarurusahan b. binibitay c. itinatakwil d. pinagdarasal
5. Naramdaman ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle. a. natakot c. naghimagsik b. nagrebelde d. lahat ng nabanggit
42
B. Tukuyin ang salitang inilalarawan ng mga pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot. ____________ 6. Karapatang iginawad ng Santo Papa sa hari bilang gantimpala sa pagtulong sa Kilusang Reconquista ng simbahang katoliko laban sa mga Muslim. ____________7. Naging pangunahing institusyong pang-edukasyon noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas na ngayon ay tinatawag na Unibersidad ng Santo Tomas. ____________8. Kauna-unahang bangkong Espanyol na naitatag sa Pilipinas na nagpautang sa mga mangangalakal. ____________9. Siya ang pinakamataas na pinuno ng simbahan na hinirang ng Santo Papa na may kapangyarihang panrelihiyon, pampulitika at panghukuman. ____________10. Sila ang itinalaga ng mga prayle upang pangasiwaan ang mga lupain.
B. Isa-isahin ang mga misyonerong dumating sa ating bansa. Isulat ito sa loob ng dayagram ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nang taon ng kanilang pagdating.
Ang Mga Misyonerong Nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Bansa
C. Essay. Ipaliwanag na mabuti ang iyong sagot. (5 puntos) (Gagawa ang guro ng rubrics sa pagbibigay ng puntos) Kung ikaw ay isang batang mag-aaral noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, ano ang iyong magiging reaksyon sa uri ng kanilang pamamahala? Bakit?
11. ________________
1565
12. ________________
1577
13. _________________
1581
14. _________________
1587
15. ________________
1606
43
___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ __________________________________________________________ ___________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto A. 1. a 11. Agustino 2. c 12. Pransiskano 3. d 13. Heswita 4. a 14. Dominikano 5. d 15. Rekoletos 6. Patronato Real 7. Colegio de Nuestra Senora del Santissimo Rosario 8. Obras Pias 9. Arsobispo 10. Inquilino
Performance Test Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Magsagawa ng dula-dulaang nagpapakita ng sumusunod na pangyayari. (Bigyan ng sapat na panahon ang mga bata upang mapaghandaang mabuti ang pagtatanghal) Pangkat 1 – Mga tungkuling ginampanan ng mga Prayle sa pamamahala Pangkat 2 – Sapilitang paggawa na naganap noong panahon ng Espanyol Pangkat 3 - Reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga Prayle
Rubric sa Dula-dulaan/Skit Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 ( Katamtaman) 2 (Di-gaanong mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay)
PAMANTAYAN POKUS MARKA
1. Pagbibigay ng interpretasyon
• Tama at angkop sa diwa ng nilalaman ang pagpapakahulugan/ interpretasyon ng piyesa. Nagpakita ng reyalistikong tagpo ng maigting na tunggalian ng mga tauhan.
44
2. Pagkakaganap ng mga tauhan
• Maayos, makatotohanan, at makatarungang pagbibigay buhay sa uri ng personalidad na taglay ng tauhan sa piyesa mula sa pagsasalita, pagkilos at ekspresyon ng mukha.
3. Mga kasuotan, bagay/props na gamit sa tagpuan
• Umaangkop sa papel na tauhan ang kasuotang ginamit. Naaayon ang mga props at kagamitan sa panahon at kalagayan ng sitwasyon sa dula.
4. Kaangkupan ng tunog/ musika
• Isinasaad ng mga musika at tunog na inilapat ang himig, tema at damdamin ng dula na nakatulong upang higit na mabigyang buhay ito.
KABUUAN: Interpretasyon: 17-20 (Napakahusay) 13-16 (Mahusay) 9-12 (Katamtaman) 5-8 (Di-gaanong mahusay) 1-4 (Di-lubhang mahusay)