ang kahon at ang mga kwento ng mga lumang

22
ANG KAHON AT ANG MGA KWENTO NG MGA LUMANG LARUAN Oktubre 5, 2011 Isang araw, may isang kayumanggi at walang lamang kahon ang naiwan sa isang sulok ng tindahan. Maya-maya’y may isang lolong nagdikit ng papel sa kahong walang laman. Hindi mabasa ng kahon ang nakasulat pero sabi ng kahon sa sarili, “Salamat at mayroon pa pala akong silbi kahit isang basurahan”. Dati kasi siyang kahon ng sigarilyo. Dumaan ang ilang araw, isang kasambahay ang naglagay ng isang manikang madumi ang damit at ang dilaw na buhok ay di pantay ang gupit. Natuwa ang kahon dahil nagkaroon na siya ng laman, isang basurang manika. “Kumusta, manika?” ang bungad na bati ni Kahon. “Sa hitsura mo’y parang pinaglaruan ka yata ng batang sa iyo’y umampon.” “Uy, kaibigan. Maigi ngang nandito ako sa loob mo,” sagot ni Manika. “Kung alam mo lang ang aking kwento, pihadong pati ikaw’y manlulumo.” “Tutal, dalawa lang naman tayo, makikinig ako sa kwento mo,” ngiti ni Kahon. “O sige. Ako’y isang magandang manika noong una. Gintong mais ang aking buhok at mabango ang damit kong kulay pula. Madami ang sa akin ay nagbakasakali ngunit sabihin nating mayamang bata ang nagmay-ari. Ang hindi ko lang inaasahan, mayroon siyang panget na ugali.

Upload: rzelbtst

Post on 29-Oct-2014

1.163 views

Category:

Documents


14 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

ANG KAHON AT ANG MGA KWENTO NG MGA LUMANG LARUAN

Oktubre 5, 2011

Isang araw, may isang kayumanggi at walang lamang kahon ang naiwan sa isang sulok ng tindahan. Maya-maya’y may isang lolong nagdikit ng papel sa kahong walang laman. Hindi mabasa ng kahon ang nakasulat pero sabi ng kahon sa sarili, “Salamat at mayroon pa pala akong silbi kahit isang basurahan”. Dati kasi siyang kahon ng sigarilyo.

Dumaan ang ilang araw, isang kasambahay ang naglagay ng isang manikang madumi ang damit at ang dilaw na buhok ay di pantay ang gupit.  Natuwa ang kahon dahil nagkaroon na siya ng laman, isang basurang manika.

“Kumusta, manika?” ang bungad na bati ni Kahon. “Sa hitsura mo’y parang pinaglaruan ka yata ng batang sa iyo’y umampon.”

“Uy, kaibigan. Maigi ngang nandito ako sa loob mo,” sagot ni Manika. “Kung alam mo lang ang aking kwento, pihadong pati ikaw’y manlulumo.”

“Tutal, dalawa lang naman tayo, makikinig ako sa kwento mo,” ngiti ni Kahon.

“O sige. Ako’y isang magandang manika noong una. Gintong mais ang aking buhok at mabango ang damit kong kulay pula. Madami ang sa akin ay nagbakasakali ngunit sabihin nating mayamang bata ang nagmay-ari. Ang hindi ko lang inaasahan, mayroon siyang panget na ugali. Kaming mga laruan ay hindi iniingatan at madalas gawan ng kalokohan. Biruin mong ilublob ako sa putikan at gupitin ang buhok kong ginintuan. Hay, nasayang lang ang aking ganda sa isang batang hindi marunong magpahalaga.”

“Masaklap pala ang iyong sinapit sa isang batang ugali’y malupit,” yun na lang ang sinabi ni Kahon sa kanyang unang bisita.

Ilang araw ang lumipas, may amang naglagay naman ng isang asul na robot sa kahon.

“Kamusta, Robot,” sabay na bati nina Kahon at Manika.

Page 2: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

“Hay, eto, nakakahiya na ang hitsura. Bali ang isang kamay at lagyan man ng baterya ay di na gumagana. Ano pa nga ba, isa na akong basura!” dismayadong sagot ni Robot.

“Makikinig kami sa kwento mo, tutal tatlo lang naman tayo,” ang paunlak ni Kahon.

“O, sige. Ganito yun. Ako’y isang robot na modelo ng isang sikat na robot sa telebisyon. Binili ako ng isang mabait na tatay para sa kanyang bunsong anak. Tuwang-tuwa sa akin ang bunso, pero naiinggit naman sa kanya ang panganay na kapatid. Minsang naglalaro si bunso, nakiusap ang kuya niya na hiramin ako pero naging madamot ito. Nainis ang mas matanda kaya bigla akong hinaltak sa kanya. Pinag-agawan nila ako at parehong ayaw magpatalo.”

“Hay, may mga bata talagang dapat dinidisiplina,” sambit ni Manika.

 “Oo nga. Ang nangyari, nahulog ako sa semento, nabali ang kamay at nabasag pa ang lagayan ng baterya. Nang malaman ng ama, pinalo pareho ang dalawang bata at ako’y itinapon na lang. Ang sabi ng ama, kayong dalawa ay dapat nagbibigayan. Itatapon ko na lang ang robot upang kalimutan ang ugaling karamutan. At hindi ako bibili ng anumang laruan, hangga’t di ninyo natututunan ang magbigayan ng anumang kagamitan,” ang malungkot na salaysay ni Robot.

“Sabagay, dapat talagang nagbibigayan ang bawat isa, lalo na sa pamilya,” ang sabi na lang nina Manika at Kahon sa isa’t isa.

Kinabukasan, isang binata naman ang naglagay sa kahon ng isang magara at makintab na itim na kotse-kotsehan.

“Kamusta, Kaibigan,” ang bati nina Manika at Robot, “Maligayang pagdating sa basurahan.”

“Eto, malungkot, ” matamlay na sagot ng bagong dating.

“Ha? Anong ikinalulungkot mo? Sa hitsura mo, ika’y bagong-bago, ano ba ang kwento, kaming tatlo ay makikinig sa ‘yo,” ani Kahon.

“Ganito kasi yun. Hindi bata ang bumili sa akin. Isang binatang mahilig bumili ng laruang sasakyan pero hindi naman niya nilalaruan. Itinatago sa istante, ayaw

Page 3: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

maalibukan, walang pakinabang. Bumili nang bumili pero pandisplay lang. Hay, gusto kong sabihin sa kanya, ako’y isang laruan. Tanging hiling ko’y may batang ngingiti habang ako’y pinaglalaruan.”

“Pero anong nangyari at napunta ka dito?” tanong ni Manika.

“Ang binata kasi ay sa ibang bansa na maninirahan, pinili niya ang pinakamagaganda niyang laruang-sasakyan upang dalhin sa ibang bayan. At akong hindi napili, heto, napunta sa isang basurahan.”

“Iyan ang isang pinakamasaklap na mangyari sa isang laruan, ang hindi man lang mahawakan ng isang bata,” nanghihinayang na nasabi ni Robot.

Sumunod na araw, isang dalaga ang naglagay ng isang laruang oso sa kahon.

“Maligayang pagdating sa iyo, laruang oso,” sabay-sabay na bati nina Manika, Robot, Kotse-kotsehan at Kahon.

“Uy, marami na pala kayo dito, salamat naman at hindi na ako mag-iisa,” wika ng kadarating na kulay rosas na laruan.

“Apat pa lang naman kaming nagkukuwentuhan, ikaw ba, pwede ka bang kahuntahan?” sambit ni Kahon.

“Aba’y oo naman,  ganito ang aking karanasan. Ako’y isang laruang nagsilbing kaibigan. Isang dalagita ang sa akin ay bumili at mga sikreto niya’y sa akin lang sinasabi. Nakakatuwa naman at ako’y kanyang inalagaan. Ilang taon din kaming naging magkakwentuhan, pero..” napalitan ng lungkot ang mukha ni Laruang Oso.

“O, bakit, akala ko ba’y masaya ang iyong karanasan,” tanong ni Robot.

 “Nagtataka nga ako kung bakit ako inilagay dito. Basta sabi niya sa akin, dalaga na siya. Matanda na raw siya para sa kagaya ko, kung kaya’t ako’y kanyang pakakawalan. Bulong niya’y may makapulot sa aking bata na ituturing din akong kaibigan.”

“Mabuti naman at hindi naman pala masama ang iyong karanasan, may dahilan naman pala ang iyong naging kalaro,” ang sabi ni Kotse-kotsehan.

Page 4: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

Lumipas pa ang mga araw at malapit nang mapuno ang kahong dating walang laman na naging basurahan. Parati kasing may naglalagay ng mga kung anu-anong basura sa kanya. Iba-ibang laruan. Iba-ibang kulay. Iba-ibang hugis. May bolang kupas at sombrero ng mangkukulam na butas. May espadang patpat at may lumang trumpo. May laruang bus, gitara at barko. Mayroon pa ngang mga damit ng diwata, nars at sundalo. Lahat ay may mga baong kwento.

Ang huling nagdagdag ng basura ay ang lolong naglagay sa kahon sa isang sulok ng tindahan. Ang kanyang inilagay ay mga bareta ng luwad.

“Uy, may mga kakaibang bagay na nadagdag sa basurahan,” ang bungad ni Manika.

“Kami ay mga basurang laruan, pero kayo ba ay ano?” tanong ni Robot.

“Sabon ba kayong ayaw bumula?” tanong ni Kotse-kotsehan.

“Baka naman kending hindi mabili,” wika ni Robot.

“O kaya tsokolateng luma na at inaamag,” hula naman ng ibang mga laruan.

“Mga kaibigan, kami ng aking mga kasamahan ay maituturing ding laruan,” sagot ni Puting Luwad. “Ang tawag sa amin ay Luwad.”

“Luwad, anong luwad?” nagtataka na din si Kahon.

“Mga simple lang kami kung tutuusin. Isang bulag na bata ang sa amin ay nagmay-ari. Nabulag daw sa paglalaro ng mga walis-tingting. Ang batang bulag ay naging malulungkutin at nawalan ng tiwala sa sarili,” simulang kwento naman ng Berdeng Luwad.

“Mabuti na lang at iniregalo kami sa kanya ng kanyang lolo.  At ang dalawa’y parati na ngang nagsama sa paghulma sa amin ng kung anu-anong hugis. Pati nga kami’y namamangha sa kanilang ginagawa,” nakangiting salaysay naman ni Kahel na Luwad.

“Kami marahil ang naging paraan upang mabuksan ang angking kakayahan ng batang bulag. Dahil nawalan ng paningin, pinagana niya ang kanyang malawak na imahinasyon. Nakabuo siya ng iba-ibang hugis at iba-ibang bagay base sa kanyang nahahawakan. Naging mahusay na mahusay siya at noon lang nanumbalik ang

Page 5: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

tiwala niya sa sarili. Alam ninyo bang isa na siya ngayong mahusay na alagad ng sining?” pagmamalaki naman ni Lilang Luwad.

“Sining? Ano naman ang sining? Laruan din ba iyun?” tanong ulit ni Kahon.

“Ang Sining ay tumutukoy sa anumang kasanayan kung saan ipinapakita ng isang tao ang kagandahan sa kanyang paligid base sa kanyang nararamdam, nakikita, naririnig, naaamoy, at nararanasan. Alam ninyo bang ang batang bulag ngayon ay isa ng tanyag na iskultor at makata?” nakangiting sabi ni Abong Luwad.

“Nakakabilib naman. Sana ay may makapulot sa atin na mga batang malilibang at matututo sa atin.” Iyun na lang ang nasambit ng mga lumang laruan sa loob ng kahon.

Nasa gayon silang pagkukuwentuhan nang tuluyang isinara ng lolo ang kayumangging kahon. Natakot ang mga laruan dahil alam nilang sa Bundok ng Basura ang kanilang pupuntahan. Sabay-sabay silang nagdasal.

“Sana ay mapulot kami ng mga batang hangad ay kasiyahan  at paglilibang. Mga batang matututo sa amin ng pagkakaibigan at pagbibigayan. Mga batang ngingiti at matutuwa kapag kami ay nahawakan. At nawa’y magmulat sa kanilang imahinasyon upang kuminang ang kanilang mga talento. Mga batang mag-aalaga, mag-iingat, magpapahalaga at magmamahal sa aming mga laruan at ituturing kaming mahalagang parte ng kanilang kabataan.”

Mahaba ang nilakbay ng kahon. Ang mga lumang laruan naman ay mistulang mga batang naglalaro sa loob nito. Nag-umpugan. Tumambling. Nagbungguan. Nagpabalentong. Napataas. Napababa. Pabalikwas-balikwas. Bumabali-baligtad. Nawala sa isip nila ang pag-aalala sa pupuntahang Bundok ng Basura.

Hanggang ang kahon ay nakarating sa isang trak ng puno rin ng mga kahong kagaya niya. At ngayon lang niya nabasa ang nakasulat.

“Kahon ng Kasiyahan, Panahon ng Pagbibigayan. Laruan Para sa Bahay-Ampunan.”

At muling napangiti si Kahon. At sa isip niya’y gumuhit ang masayang larawan ng mga batang sabik sa laruan at mga laruang sabik sa pagmamahal ng mga kabataan.

Page 6: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

BAKIT SI MAYA ANG NAPILI?

Setyembre 23, 2010

Kakatapos lang pumili ng bagong hari ng kagubatan. Tapos na kasi ang panunungkulan ng malakas na si Leon at ng matalinong si Kuwago. Lahat ng hayop, kulisap at ibon sa gubat ay nagkaisa. Si Maya ang kanilang napiling mamumuno sa kanila sa kabila ng kanyang kaliitan. Nagtaka tuloy si Elepante, ang pinakamalaking hayop sa gubat at siya ring pinakamahigpit niyang kalaban.

Tinanong ni Elepante si Baboy Damo.

“Bakit si Maya ang iyong napili?”

“Napili ko si Maya kasi tinuruan niya ako ng kalinisan,” tugon naman ni Baboy Damo.

“Pero ikaw ay baboy, ayos lang sigurong magdumi ka,” pangungutyang dagdag ni Elepante.

“Hindi ko nga iniisip dati ang maglinis pero nang minsang kumakain ako ng aking pagkain, nakita niyang madumi ang lugar na aking pinagkainan, tinuka niya ang mga natapong pagkain, at nalinis pa ang aking tahanan. Simula noon, natuto na akong maglinis ng kapaligiran,” paliwanag ni Baboy Damo at si Elepante ay kanyang tinalikuran.

Pero nagtaka pa rin si Elepante. Sunod naman niyang tinanong si Unggoy.

“Bakit si Maya ang iyong napili?”

“Napili ko si Maya dahil tinuruan niya akong mag-isip na kahit basura ay may pakinabang pa.” sagot ni Unggoy na naglalambitin pa sa sanga ng isang puno.

“Basura, May pakinabang?” Nalilitong tanong ni Elepante.

“Iyan din ang nasa isip ko dati pero nang minsang sabay kaming kumain ni Maya, napansin kong iniipon niya ang mga patapong uhay ng palay. Gagamitin niya daw iyun sa pagbuo ng kanyang pugad. Siya ang nagsabi sa akin na ang balat ng saging ay pwede palang gawing pataba sa lupa kaya simula noon, ganoon na nga ang aking ginawa,” matalinong sagot ni Unggoy.

Page 7: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

Pero nag-isip pa rin si Elepante kung bakit isang maliit na hayop ang kanilang napili. Sunod niyang tinanong si Tipaklong.

“Bakit si Maya ang iyong napili?”

“Napili ko si Maya kasi mayroon siyang pagpapahalaga sa pag-aaral,” sagot ni Tipaklong.

“Bakit mag-aaral ka pa, sapat na sigurong maglibang ka na lang sa iyong paglundag-lundag sa damuhan,” sabi naman ni Elepante.

“Iyan nga din ang nasa isip ko. Pero minsang tanungin niya ako kung ilang oras ba ako dapat maglaro, hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi kasi ako marunong magbilang. Noon ko nalaman na tama si Maya, dapat akong mag-aral upang matutong magbilang at ngayon, marunong na rin akong magsulat at magbasa,” paliwanag naman ni Tipaklong na muling lumundag sa isang damo.

Pero hindi pa rin makumbinse si Elepante. Tinanong niya naman ang matandang Kalabaw.

“Bakit si Maya ang iyong napili?”

“Si Maya ang aking napili dahil may paggalang siya sa matatanda. Dangan kasi, napikon ako kay Tagak dahil parati siyang kumakanta ng Kalabaw lang tumatanda, Kalabaw lang ang tumatanda. Sinabihan pa akong ang bagal ko na daw kumilos sa bukid. Nag-away kami ni Tagak at si Maya na ang sumakay sa likod ko para tukain ang mga insektong sa aking likod ay nananahan.”

Nag-uusap ang dalawa nang lumapit sa kanila si Tagak.

“Pasensya ka na, Kalabaw sa aking inasta noong isang araw. Kinausap na ako ni Maya at ipinaunawa sa akin ang aking kamalian. Simula ngayon, hindi na kita tutuksuhin sa iyong kalagayan.” Paliwanag ni Tagak.

At nagbati na ang dalawa. Agad sumakay si Tagak sa likod ni Kalabaw at lumakad palayo. Pero ayaw pa ring maniwala ni Elepante. Lumapit siya sa mag-inang usa. Binulungan niya si Usa at tinanong.

“Bakit si Maya ang iyong napili?

Page 8: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

“Napili ko si Maya kasi siya ay matulungin at mapamaraan.” Sagot ni Usa habang pinapatulog ang anak.

“Paano mo naman iyan nasabi?“ dugtong na tanong ni Elepante.

“Alam mo bang noong isang araw ay nilusob tayo ng mga mangangaso, takot na takot kami ng anak ko. Napansin kami ni Maya at ang ginawa niya, ginising niya ang mga natutulog na bubuyog at ipinahabol niya ang mga mangangasong nagkaripasan sa pagtakbo. Salamat talaga kay Maya. Marahil kung hindi dahil sa kanya, wala na kami sa kagubatang ito.”

Malapit nang bumilib si Elepante. Lumapit siya kay Paruparo at nagtanong.

“Bakit si Maya ang iyong napili?”

“Si Maya ang aking napili dahil tinuruan niya akong mahalin ang aking sarili,” sagot ni Paruparo habang palipat-lipat ng lipad sa mga bulaklak.

“Hindi kita maintindihan,” tanong na naman ni Elepante.

“Ganito kasi yun, noong ako ay uod pa lang, sinabi ko sa kanyang ako’y kainin na dahil wala akong silbi sa panget kong kalagayan. Pero hindi niya ako man lang tinuka at sa halip ay pinayuhan na maghintay ng tamang oras. Tingnan mo ako ngayon, isang magandang paruparo. Salamat kay Maya at ako’y kanyang iminulat”

Nagsisimula nang humanga si Elepante. Tinanong niya si Musang.

“Bakit si Maya ang iyong napili?”

Napili ko si Maya kasi may pagpapahalaga siya sa kalikasan,” sagot ni Musang habang nakahiga sa isang ugat ng puno.

“Pero lahat tayo ay nagpapahalaga sa kalikasan.” Sabi naman ni Elepante.

“Oo nga, pero mas nakita ko iyan kay Maya. Minsan kasing kumakain kami ng mangga, hiningi niya sa akin ang buto at inilipad niya ito sa matabang lupa. Sabi niya, kailangan daw itanim uli ang mga iyon upang maging puno ng kinabukasan,” paliwanag ni Musang.

At sa dami ng kanyang napagtanungan, nakumbinsi na rin si Elepante. Kaya naman, lumapit siya kay Maya at binati niya ito.

Page 9: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

“Kaibigang Maya, binabati kita. Tunay na ikaw ay karapat-dapat na tularan sapagkat ikaw ay isang mabuting nilalang sa kagubatan.”

“Salamat, Kaibigang Elepante. Lahat tayo ay may magagawa. Kailangan nating magkaisa upang mas maging masaya ang buhay natin dito sa gubat. Hindi hadlang ang murang edad o laki ng katawan upang gumawa ng kabutihan.”

Lalong natuwa ang mga hayop, kulisap at ibon sa kagubatan. Hiningan nila ng isang awit si Maya na agad namang nagpaunlak.

“Twit, Twit, Twit, Twit.

Ako ay isang ibong marikit

Maliit ako pero mabait

Bata man ako’y may magagawa

Iyan ay ang tumulong sa aking kapwa.

Twit, Twit, Twit, Twit.

Mahalin natin ang ating paligid,

Mag-aral, maglaro at umawit.

Mas masaya ang buhay

Kung walang kaaway.

Twit, Twit, Twit, Twit.

At naging maligaya ang buong kagubatan.

Page 10: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

BAKIT KA LUMILIPAD, GORA SARANGGOLA?

Hulyo 27, 2009

Sa himpapawid ng Baryo Maulap, madalas nagkakasayahan ang lahat ng saranggola sa nayon. Pero ang kasiyahan ay napapalitan ng gulo kapag dumarating ang mayabang na si Gora Saranggola.

“Magsitabi kayo, ako ang hari dito sa kalawakan,” ang sigaw ni Gora sabay ang pagsugod sa mga maliliit at mahihinang saranggola. Tinatawanan pa niya ang mga batang saranggola na hindi pa mataas lumipad.

Pero nagsawa si Gora sa pang-aaway niya sa mga kapwa saranggola. Isang araw, pinilit niyang sumabay sa malakas na hangin para makawala at maputol ang kanyang pisi. Tuwang tuwa si Gora na lumipad sa Kanluran kung saan nakita niya doon si Agila.

“Hoy, panget. Saranggola ka ba?” pagsusungit agad ni Gora.

“Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang ibon. Lumilipad ako upang maghanap ng pagkain para sa aking mga inakay. Mahal ko sila. E ikaw, bakit ka lumilipad?” sagot ni Agila.

Walang maisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Silangan. Doon niya nakita si Eroplano.

“Hoy, panget. Saranggola ka ba?” pagsusungit agad ni Gora.

“Hindi kita papatulan sa iyong kahambugan. Ako ay isang eroplano. Lumilipad ako para maghatid ng mga pasahero. Mahal ko sila. E, ikaw, bakit ka lumilipad?” sagot ni Eroplano.

Wala na naman naisagot si Gora kaya lumipad naman siya sa Hilaga. Doon ginaganap ang makulay na Kite Festival.

“Mga kapwa makikisig na saranggola, pwede ba akong sumali sa inyong paglalaro?” bungad ni Gora.

“Ha? Saranggola ka nga pero hindi ka karapat-dapat, di hamak na mas malaki at mas maganda kami sa iyo,” sagot ng hugis-spaceship na saranggola.

Page 11: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

“Oo nga, isa pa, Lumilipad kami para magbigay ng kasiyahan sa mga kaibigan naming bata. E, ikaw, may kaibigan ka bang bata?” wika naman ng hugis-paruparong saranggola.

Natahimik si Gora. Naalala niya ang batang si Pepito. Si Pepito ang laging nag-aalaga sa kanya pero hindi niya naisip na malulungkot ito sa kanyang pagkawala. Hinahanap kaya siya nito?

Nasa ganun siyang pag-iisip ng lamunin siya ng buhawi ng Timog. Hindi siya makatakas sa paikot-ikot na hangin ng buhawi. Nabali ang kanyang buto at napunit ang kanyang balat. Noon niya lang naisip na pagsisihan ang kanyang kayabangan.

“Mamang Buhawi, nakikiusap po ako sa inyo. Basura na lang po ako ngayon pero nais ko pong bumalik sa Baryo Maulap.” sigaw ni Gora.

Narinig naman siya ni Buhawi. “Humahanga ako sa iyong pagsisisi. Ngunit huli na ang lahat. Hindi ako makakadaan sa iyong tahanan. Dito na lang kita iiwan.”

At iniluwa ni Buhawi si Gora sa isang puno. Agad na gumawa ng paraan si Gora. Nakipagkaibigan at inilipad siya ng hangin ng Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran hanggang sa makarating siya sa isang sampayan.

“Inay, Itay, tingnan ninyo, Bumalik ang aking kaibigan,” tuwang tuwang kinuha ni Pepito si Gora sa sampayan. At sa tulong ng kanyang ama, muli nilang inayos ang hitsura ni Gora Saranggola.

Muling nakalipad si Gora sa himpapawid ng Baryo Maulap. Ngunit ngayon, isa na siyang mabait na saranggola. Alam na niya ang dahilan ng kanyang paglipad. Iyun ay bigyan ng kasiyahan ang kaibigang si Pepito.

HOLY CHILD SCHOOL

Page 12: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

San Carlos City Pangasinan

Sy: 2012-2013

PROJECT

In

ENGLISH VI

(SHORT STORY)

Submitted by:

Marianne Karyme D. Crisostomo

Grade VI

Submitted to:

Ms. Dawna S. Zozobrado

(Teacher)

HOLY CHILD SCHOOL

Page 13: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

San Carlos City Pangasinan

Sy: 2012-2013

PROJECT

In

EPP VI(DIFFERENT KINDS OF CLOTHES FOR

DIFFERENT OCCASSION)

Submitted by:

Marianne Karyme D. Crisostomo

Grade VI

Submitted to:

Ms. Dawna S. Zozobrado

(Teacher)

HOLY CHILD SCHOOL

Page 14: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

San Carlos City Pangasinan

Sy: 2012-2013

PROJECT

In

MATHEMATICS VI

(Problem Solving)

Submitted by:

Marianne Karyme D. Crisostomo

Grade VI

Submitted to:

Ms. Dawna S. Zozobrado

(Teacher)

HOLY CHILD SCHOOL

Page 15: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang

San Carlos City Pangasinan

Sy: 2012-2013

PROYEKTO

Sa

FILIPINO VI

(Maikling kwento)

Ipinasa ni:

Marianne Karyme D. Crisostomo

Grade VI

Ipinasa kay:

Ms. Dawna S. Zozobrado

(Teacher)

Page 16: Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang