ap final edited

30
Group I: 1.Rose Angelica S. Carandang 2.Earl Edson Dumago 3.Karen T. Fields 4.Grystle Gail Tabang COLD WAR (DIGMAANG MALAMIG)

Upload: mike-do-oma

Post on 19-Jun-2015

1.237 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ap final edited

Group I:1.Rose Angelica S. Carandang2.Earl Edson Dumago3.Karen T. Fields4.Grystle Gail Tabang

COLD WAR (DIGMAANG MALAMIG)

Page 2: Ap final edited
Page 3: Ap final edited

Ang Digmaang Malamig ay isang digmaan na nangyari pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991. Pinatanyag ang katawagang Digmaan Malamig ng tagapayong pampolitika at tagapondo na Amerikanong si Bernard Baruch sa isang debate noong Abril 1947 tungkol sa Paniniwalang Truman.

Page 4: Ap final edited
Page 5: Ap final edited

Isang diplomatikong tensyon sa pagitan ng United States at USSR na sadyang pinaninindigan ang kanilang pulitikal at ekonomikang kapakinabangang walang labanan. Gamit ang kanilang kapangyarihan at impluwensya hinikayat nila ang mga bansang sumanib sa kanilang paninindigan. Ito ay higit na kilalang tensyon sa pagitan ng demokrasya at komunismo.

Page 6: Ap final edited

Paniniwalang Truman- ay isang kumpol ng mga prinsipyo ng banyagang patakaran ng Estados Unidos na ipinahayag ni Pangulong Harry S. Truman noong 1947 na nakasulat para sa Kongreso para humingi ng $ 400 milyon para sa pagtulong sa Gresya at Turkiya. Ito rin ang nagsasaad ng pahintulot na magpadala ng Amerikanong ekonomiko at militar na tagapagpayo sa dalawang bansa.

Page 7: Ap final edited
Page 8: Ap final edited

Paglawak ng Digmaang Malamig

Page 9: Ap final edited

Lumawak ang Digmaang Malamig noong 1949-1950 nang pinasabog ng Unyong Sobyet ang kanyang unang Bombang Atomika. Pinaalis ng mga komunista sa China sa pamumuno ni Mao Zedong ang pamahalaang Nasyonalista ni Chiang Kai-shek at nagtatag ng bagong pamahalaan Sila ay nakipagalyansa kay Stalin. Samantala, hindi kinilala ng Estados Unidos ang pamahalaan ni Mao. Sa Japan, pinabilis ang pagunlad ng ekonomiya upang salungatin ang komunismo sa Asya.

Page 10: Ap final edited

Joseph Stalin 

- Pinuno ng Unyong Sobyet

- Naging punong kalihim ng Partidong Unyong Sobyet noong 1992

Page 11: Ap final edited

Digmaan sa Korea (Hilaga at Timog):

Ang Digmaang Koreano ay nagsimula pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagresulta sa paghihiwalay ng Korea sa dalawa, ang Hilagang Korea na pumanig sa Unyong Sobyet habang ang Timog Korea ay pinanigan ng Estados Unidos.

Page 12: Ap final edited

Humantong ang unang bahagi ng Digmaang Malamig sa paglusob ng Hilagang Korea sa Timog Korea noong Hunyo 26, 1950. Dito nasangkot ang Estados Unidos sa Digmaan sa Asya. Nahati ang Korea sa 38th parallel sa dalawa noong 1948. Nagtatag ang bawat panig ng pamahalaan- komunista sa Hilaga at maka-Estados Unidos naman sa Timog. Noong Hunyo 1950, nilusob ng Hilagang Korea ang Timog Korea. Nagpadala ang United Nations ng hukbong sandatahan upang tulungan ang Timog Korea. Tumulong din ang Estados Unidos at lumaban kasapi ng Timog Korea, sa pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur. Itinaboy ng magkasanib na pwersa ang mga taga-Hilagang Korea sa hangganan ng China. Dito kumilos kaagad si Mao Zedong.

Page 13: Ap final edited

Gumawa ng surpresang paglusob ang China hanggang maitaboy ang hukbo ng United Nations at maibalik ang lumang hangganan noong 1951. Nagpatuloy pa ang labanan sa loob ng dalawang taon. Nang magbanta ang Estados Unidos ng Sandatang Nuklear, saka lamang nilagdaan ang tigil putukan. Naibalik sa Korea ang dating kalagayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit nagpatuloy ang Digmaang Malamig at pumasok sa bagong anyo. Namatay si Stalin at natapos ang panunungkulan ni Pangulong Truman subalit nagpatuloy ang dalawang panig sa kanilang pakikipaglaban tungkol sa Europa.

Page 14: Ap final edited

Nahating Korea:Ang mga mamamayan ng Timog Korea ay pinapayagang magkaroon ng eleksyon, at gumawa sila ng malayang Republika, sa Hilagang Korea, ang mga Ruso ay nagtayo ng Komunistang Gobyerno. Ang United Nations ay hindi muli nagtagumpay na protektahan ang mga mamamayan laban sa mga Komunistang Mananakop.Ginawang klaro ng mga Komunista na gusto nilang kontrolin ang ibang bansa. Noong 1950, ang Komunistang Hilagang Korea ay sinakop ang Timog Korea. Ipinagutos ng United Nations sa Hilagang Korea na itigil nito ang pag-atake ngunit hindi nila ito sinunod. Ang United Nations ay nagpadala ng pwersa sa Kanlurang Korea. Kahit na ang mga Sandatahan ng Estados Unidos ang bumubuo halos lahat ng pwersa, labing limang bansa pa ang nagpadala ng kanilang pwersa sa Kanlurang Korea. Ang labanang ito ay tinawag na Digmaang Koreano.

Page 15: Ap final edited

Katapusan ng Digmaang Korea:Sinabi ni Heneral MacArthur kay Pangulong Truman na ang polisiyang Containment ay mahina at maghihikayat sa mga Komunista upang manakop. Dahil sa kanyang kritisismo, Sinibak ni Presidente Truman si Heneral MacArthur sa kanyang pamumuno. Umalis ang mga Amerikano sa Hilagang Korea, na nasailalim ng Komunista. Samantala, ang mga Kristiyanong misyoneryo ay nagtrabaho sa malayang Republika ng Korea.

Page 16: Ap final edited

Kim Il Sung

• April 15 1912 – July 8 1994

• The leader of Democratic People’s Republic of Korea, commonly referred to as North Korea

Page 17: Ap final edited

Syngman Rhee /

Yi Seung-man

• March 26, 1875 – July 19, 1965

• The first president of the Provisional Government of the Republic of Korea as well as the first president of South Korea.

Page 18: Ap final edited

KASALUKUYAN NAMUMUNO SA HILAGANG KOREA AT TIMOG KOREA

Kim Jong-un Park Geun-hye

Page 19: Ap final edited

Digmaan sa China:

Ang tagumpay ng komunismo sa China noong 1949 ay tumapos sa mahabang rebolusyon, digmaang sibil, at kaguluhan sa China. Ito rin ay nagpasimula ng bagong panahon sa bansa. Sa kanilang pagtatagumpay, pinalakas ng mga lider na komunista ang kanilang pamamahala sa bansa at iniayon ang kanilang sistema sasistemang Soviet Union.

Page 20: Ap final edited

Pagtakas Mula sa China:- Itinatag ni Chiang Kai-Shek ang kanyang pamahalaan sa Taiwan. Sa pagkakataong ito, sinikap tulungan ng United States ang bansa at prinotektahan laban sa komunista ng China.- Nang magkaroon ng pakikipagkasundo ang United States sa People’s Republic of China, binawi ng United States ang lahat ng kanyang mga hukbo mula sa Taiwan.

Page 21: Ap final edited

KASALUKUYAN NAMUMUNO SA

TSINA

Hu Jintao Xi Jinping

Page 22: Ap final edited

Digmaan sa Vietnam:Isang NLF activist na inaresto habang nagaganap ang pagatake ng mga Amerikano sa isang base ng Amerika malapit sa Cambonian Border.Sa kabilang dako, nakipaglaban ang Estados Unidos sa Digmaan sa Vietnam kung saan 57,000 Amerikano ang namatay sa layong mapanatili ang South Vietnam. Nariyan pa ang Estados Unidos sa pangunguna sa ekonomiya na sinundan ng Japan at West Germany.

Page 23: Ap final edited

Ang Dalawang Vietnam: Sa pagtatapos ng usapang pagkakasundo sa Geneva, ang Vietnam ay nahati sa dalawa sa pamamagitan ng 17th parallel. Ang North Vietnam ay pinamunuan ni Ho Chi Minh at ang South Vietnam ay ni Ngo Dinh Diem. Di naglaon ay napabagsak ng North Vietnam ang pamahalaan ng South Vietnam. Ang mga sumunod nalider pagkatapos ni Diem ay hindi naging kasing popular niya.

Page 24: Ap final edited

KASALUKUYAN NAMUMUNO SA

VIETNAM

Truong Tan Sang(Simula noong July 25 2011)

Page 25: Ap final edited

Ang Boat People Ng Vietnam: Sa buong kasaysayan ng daigdig, itinuturing nalabis na kalunus-lunos ang naging bunga ng Cold War sa pagkakaalis ng mga mamamayan ng South Vietnam mula sa kanilang mga tahanan.

Page 26: Ap final edited

Mga Estratehiya ng Dalawang Panig

Upang mahirapan ang bawat hamon, gumamit ng mga estratehiya ang Unyong Sobyet at Estados Unidos. Tinawag na Containment ang estratehiya ng Estados Unidos kung saan sinasagot ang pang-aapi o pagpipilit ng Unyong Sobyet saanman ito nagaganap. Gumamit naman ang Kremlin ng estratehiyang pangganti laban sa Containment ng Estados Unidos.Noong dekada-50, gumamit ng lakas-militar ang Estados Unidos upang mahadlangan ang komunismo. Nagtatag ito ng mga bagong alyansa tulad ng  Southeast Asian Treaty Organization (SEATO) at saGitnang Silangan, ang  Central Treaty Organization (CENTO) at nagbigay ng tulong militar at pangkabuhayan sa anumang bansa na nasa panganib ng paglusong ng pwersang komunismo.

Page 27: Ap final edited

Noong 1956, gumamit ang USSR ng dalawang bagong istratehiya. Ang una ay pangkabuhayan at militar na kompetisyon laban sa Estados Uinidos. Ang pangalawa ay ang paghahati ng mga makapangyarihang bansa sa kanluran sa pamamagitan ng pagpupumilit ng Unyong Sobyet na paalisin ang mga kanluranin sa Berlin. Noong 1955, itinatag ang Kasunduan ng Varsovia bilang kasagutan sa pag-aarmas ng Kanlurang Germany. Dahil dito, nagkaroon ng bagong komprontasyon ang Estados Unidos at USSR. Naging mas mapanganib ang mundo dahil kapwa may mga Sandatang Nuclear ang dalawang panig. Higit na naging mapanganib nang magkaroon ng krisis sa Berlin at Cuba.

Page 28: Ap final edited

Epekto ng Pagtatapos ng Cold War:

Natapos ang Cold War noong November 19, 1990. Ilan sa mga epekto nito ay:

• Nagbago ang nakasanayang pulitika sa Italy kung saan nawalan ng kapangyarihan ang mga komunista

• Naging maayos ang Korea.

Page 29: Ap final edited

• Ang paghina ng Yugoslavia at pagsiklab ng Balkan ay nagingsanhi ng pagkabuwag ng USSR at paghina ng American forces.

• Naging malakas ang Vietnam sa ekonomiya.

• Naging malakas sa militar ang Japan muli.

Page 30: Ap final edited

The End