ap 2 nd grading

7
Republic of the Philippines Department of Education CARAGA Administrative Region Division of Agusan del Sur ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION Second Periodic Exam Araling Panlipunan II TABLE OF SPECIFICATION Topics Teachi ng Time % of Teachin g Time # of Ite ms 70 % 20 % 10 % Item Locat ion 1.Ebolusyong Biyolohikal 360 8 4 3 1 1-4 2. Ebolusyong Kultural sa Asya 240 5 2 2 5-6 3. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 300 7 4 2 1 1 7-10 4. Mga Kaisispang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo 300 7 4 2 1 1 11-14 5. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Kanlurang Asya 480 11 6 4 1 1 15-20 6. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Silangan at Hilagang Asya 540 12 6 5 1 21-26 7. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Timog Asya 300 7 3 2 1 27-29 8. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Timog Silangang Asya 480 11 5 3 2 30-34 9. Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya 360 8 4 2 1 1 35-38 10. Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya 480 11 6 5 1 39-44 11. Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya 240 5 2 2 45-46 12. Mga Pamana ng Sinaunang Asyano sa Daigdig 360 8 4 3 1 47-50

Upload: jerome-alvarez

Post on 07-Apr-2017

97 views

Category:

Education


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ap 2 nd grading

Republic of the PhilippinesDepartment of Education

CARAGA Administrative RegionDivision of Agusan del Sur

ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION

Second Periodic ExamAraling Panlipunan II

TABLE OF SPECIFICATION

Topics TeachingTime

% of Teaching

Time

# ofItem

s

70% 20%

10% ItemLocation

1.Ebolusyong Biyolohikal 360 8 4 3 1 1-42. Ebolusyong Kultural sa Asya 240 5 2 2 5-63. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 300 7 4 2 1 1 7-104. Mga Kaisispang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo

300 7 4 2 1 1 11-14

5. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Kanlurang Asya

480 11 6 4 1 1 15-20

6. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Silangan at Hilagang Asya

540 12 6 5 1 21-26

7. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Timog Asya

300 7 3 2 1 27-29

8. Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Timog Silangang Asya

480 11 5 3 2 30-34

9. Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya

360 8 4 2 1 1 35-38

10. Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya

480 11 6 5 1 39-44

11. Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya 240 5 2 2 45-4612. Mga Pamana ng Sinaunang Asyano sa Daigdig

360 8 4 3 1 47-50

4,440 100 50 35 10 5

Page 2: Ap 2 nd grading

Republic of the PhilippinesDepartment of Education

CARAGA Administrative RegionDivision of Agusan del Sur

ARALING PANLIPUNAN UNIFIED QUARTERLY EXAMINATION

SECOND GRADING EXAMAraling Panlipunan II

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Bilugan ang letra na kumakatawan sa tamang sagot.

1. Ang ibig sabihin ng Homo erectus ay “taong may tuwid na tindig at paglalakad”. Ano naman ang ibig sabihin ng Homo habilis?a. taong nag-iisip b. able o handy man c. Southern Ape d. taong may malaking utak

2. Ang sumusunod ay tumutukoy sa pisikal na pagbabago ng mga hominid. Alin ang hindi kabahagi?a. Bipedalism c. pagbabago ng kinakain ng hominidb. paglaki ng sukat ng utak d. pagliit ng molar

3.Sa pamamagitan ng pagpapanahon na ito, maaaring matiyak ang tanda ng isang bagay hanggang sa 40, 000 taon.a. potassium-argon dating c. radiocarbon datingb. argon dating d. artifact

4. Ano ang nais na patunayan ng mga ginawa na pag-aaral ni Charles Darwin ukol sa pinagmulan ng tao?a. magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na katangian ng sinaunang taob. maunawaan ang kultura ng mga sinaunang taoc. mapatutunayan na ang tao ay nagmula sa unggoyd. mapatutunayan ang teorya ng ebolusyon

5. Ang permanenteng paninirahan at paggamit ng palayok ng unang tao ay naganap dahil sa kanilang pamimirmihan sa isang lugar. Alin sa sumusunod ang nagtulak sa unang tao para mamirmihan?a. pagtatanim c. paggamit ng apoyb. pagpapamilya d. pag-aalaga ng hayop

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kakayahan ng tao sa panahong paleolitiko?a. pagpipinta sa dingding ng kwebab. ang mga tao ay na ninirahan sa pampang ng ilog at dagatc. nadiskubre ng tao ang pagsasakad. pinaghalo ang tanso sa lata sa paggawa ng kagamitang metal

7. Pinaniniwalaang pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdiga. Sumer b. Harappa c. Shang d. Persian

8. Ang Ziggurat ay isanga. lungsod b. dambana c. palengke d. templo

9. Kumpara sa mga kabihasnang Sumer, Egypt at China, kulang ang kaalaman sa kabihasnang Indus. Ano ang dahilan nito?a. Hindi pa nababasa ng mga eksperto ang mga sinulat ng taga-Indusb. walang naiwang artifact o labi ang mga Indusc. Hindi nagtagal ang kabihasnang Indusd. Nawasak ang mga ebidensya ukol sa kabihasnang Indus

10. Ang pagbuo ng alpabeto mula sa mga larawang simbolo noong kabihasnan ay naging daan sa makabagong pamamaraan ng pagsusulat. Bakit ito naging mahalaga sa kasalukuyan?a. nagawa nitong mapabilis ang pagsusulat at pagbabasab. mas madali itong intindihin kaysa mga larawang guhitc. marami ang mabilis na natutong bumasa at sumulatd. maraming aklat talambuhay ang naisulat

11. Para sa mga Tsino, ang kanilang imperyo ay Zhonggou o Gitnang Kaharian na ang ibig sabihin ay

A B C D

Page 3: Ap 2 nd grading

a. pinakamalaking imperyo sa daigdigb. pinakamalakas na kaharianc. sentro ng daigdigd. sentro ng kalakalan

12. Para sa mga Hapones, banal o sagrado ang kanilang emperador dahil nagmula it okay Amaterasu. Ano ang naging implikasyon nito?a. umunlad ang Japan hanggang sa kasalukuyanb. sila ay naging paladigmac. ginagalang at hindi kinakalaban ang emperador ng mga mamamayan kaya hindi sila pinapaalis sa tungkulind. naging makapangyarihan ang hukbong military ng Japan

13. Ang datu sa Pilipinas ay halimbawa ng isang pinuno na napabilang sa katawagang Men of Prowess o mga lalaking nagtataglay nga. galing, tapang at katalinuhan c. kayamananb. kapangyarihan tulad ng mahika d. maraming nasasakupan

14. Ang Mandate of Heaven ay itinaguyod ng Chinese sa panahon ng mga dinastiya. Ang ibig sabihin nito ay nagkakaroon ang emperador ng basbas ng langit sa pamumuno. Alin sa mga sumusunod ang sumasang-ayon sa katuturang ito?

a. Ang diyos ay maaaring magtanggal at magtalsik ng emperadorb. Kapag natalo sa digmaan ang emperador, sinasang-ayunan ng diyos na siya ay papalitanc. hindi pwedeng palitan ang emperadord. napapalitan lang ang emperador kapag siya ay patay na

15. Maraming imperyo ang naitatag sa kanlurang Asya. Anong imperyo ang naitatag ni Haring Sargon I?a. Babylonia I b.Akkadian c. Chaldean d. Assyrian

16. Alin sa sumusunod na imperyo ang malupit ang pamamahala?a. Persian b. Akkadian c. Phoenician d. Assyrian

17. Ang caliphate ay tumutukoy sa sistemang pampulitikal ng mgaa. Muslim b. Korean c. Mongol d. Hindu

18. Hari ng Imperyong Chaldean na nagpatayo ng hanging Gardens para sa kanyang mga asawaa. Cyrus b.Nebuchadnezzar c. Sargon I d. Alexander

19. Ang ibig sabihin ng kaparusahan sa mga batas ni Hammurabi na “Mata sa mata, ngipin sa ngpin” ay

a. kamatayan ang kaparusahan sa mabigat na kasalananb. makapangyarihan ang batas ng haric. paggawad ng kaparusahan batay sa bigat ng kasalanand. pagtanggap sa kaparusahan kapag nagkasala

20.Sa pagkakaroon ng kaharian sa iba’t ibang kaharian sa China, nagkaroon ng maraming mga pagbabago at ambag sa sibilisasyon ang mga ito. Alin sa sumusunod ang magkatulad na ambag nila sa sibilisasyon?a. paggamit ng gulong bilang transportasyonb. paggamit ng bakal bilang kasangkapanc. ang pagtatayo ng ilang palapag na istruktura bilang temple at simbahand. ang pagkakaroon ng sistema ng pagsulat

21. Ang pagpapatayo ni Emperor Shi Huang Ti ng Great Wall of China ay isang malaking ambag ng China sa sibilisasyon. Anong pagpapahalaga ang isinaalang-alang dito?a. Pagtatanggol laban sa mga kaawayb. Pagpapalawak ng kanyang kaharianc. Paghahangad na maging tanyag na arkitektod. Pagsasaayos ng nasasakupan

22. Ang pagbuo ng alpabeto mula sa mga larawang simbolo noong kabihasnan ay naging daan sa makabagong pamamaraan ng pagsusulat. Bakit ito naging mahalaga sa kasalukuyan?a. nagawa nitong mapabilis ang pagsusulat at pagbabasab. mas madali itong intindihin kaysa mga larawang guhitc. marami ang mabilis na natutong bumasa at sumulatd. maraming aklat talambuhay ang naisulat

Page 4: Ap 2 nd grading

23. Ano ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga Chinese sa panahon ng pagsibol ng mga pilosopo sa dinastiyang Chou/Zhou? a. uri ng lipunan c. larangan ng agrikulturab. moralidad ng tao d. sistema ng edukasyon

24. Maraming kaharian ang sumibol, namayani at umunlad sa Asya. Ang mga kahariang ito ay maaaring panandalian lamang o nagtagal subalit nalupig pa din ng ibang mananakop. Ano ang ibig ipahiwatig ng pangungusap?a. walang kaharian ang nagtatagal na hindi nasasakop ng ibang kaharianb. ang pagpapanatili ng kaharian ay nakasalalay sa mahusay na pinunoc. ang pagpapanatili sa kapangyarihan ay hindi tiyak at lubosd. Kailangang sanayin ang susunod na mamumuno para manatili ang kaharian

25. Ang paglawak ng kalakalan sa Asya noong sinaunang kabihasnan ay maiuugnay sa kawalan o kakulangan ng mga sangkap ng mga sinaunang pamayanan. Ano ang ipinahiwatig ng pangungusap?a. malaki ang tulong na ibinibigay ng kalakalan sa mga bansang kapos sa pangangailanganb. malaki ang kikitain sa kalakalan ng mga pamayananc. ang kalakalan ay mabuting paraan para ipalaganap ang kulturad. ang kalakalan ay mainam na paraan para umunlad ang kabuhayan ng sinaunang pamayanan

26. Ang paggamit ng dahas sa pamamagitan ng pananakop ay isang mabisang paraan sa pag-iisa at pagpapaunlad ng isang kaharian. Ano ang implikasyon nito sa kasaysayan?a. Ang pagkakaisa ay hindi matatamo kung hindi gagamit ng dahasb. Ang dahas ang pinakamabisang paraan sa pagsupil ng kaawayc. Ang diplomasya ay mabisang paraan sa pagpapaunlad ng bansad. Ang bansang nahahati ay hindi uunlad kailanman

27. Sa sistemang caste ng India, alin ang tumutukoy sa mga alipin?a. Brahmin b. Kshatriya c. Vaisyas d. sudra

28. Isa sa mga pinuno ng imperyong Maurya ay si Asoka. Sa simula siya ay malupit sa pamumuno ngunit sa kalaunan ay naging mabait sa kanyang nasasakupan. Anong relihiyon ang nagpabago sa kanya?a. Hinduism b. Islam c. Jainism d. Buddhism

29. Ano ang katangian ng Indo-Aryan na mga tribung mananalakay sa hilagang kanlurang bahagi ng India?a. matangkad at maputi c. nakipagkalakalan sa mga karatig-tribob. marangya ang pamumuhay d. kalahi nila ang mga Tsino at Hapones

30. Bumagsak ang Madjapahit dulot ngpaglaganap ng isang uri ng relihiyon. Anong relihiyon ang tinutukoy?a. Islam b. Buddhism c. Sikhism d. Kristyanismo

31. Mahalaga ang Malacca bilang sentronga.pangsining at teatro b. pang-agrikultura c. pangrelihiyon d. pangkalakalan

32. Magkahawig ang kaharian ng Pgan at Angkor Wat dahil sa pagiging mga pamayananga. agrikultural b. kultural c. pangkalakalan d. etniko

33. May mga bansa sa Asya na nagkaroon ng impluwensyang kultural sa Pilipinas. Ito ay dulot ng maagang relasyong___a. pampulitikal b. pangkalakalan c. pangrelihiyon d. pangkultural

34. Mas angkop na gamitin ang makabagong konsepto ng timog Silangang Asya dahil saa. may sariling kultura ang mga tao sa Timog Silangang Asyab. tagatanggap lamang sila ng kultura ng mga Tsinoc. Ginaya nila ang relihiyon ng India at Chinad. Umasa lamang sila sa kakayahan ng mga Indian at Tsino

35. Maraming uri ng relihiyon ang umunlad sa India. Alin sa sumusunod ang dominanteng relihiyon sa kasalukuyan?a. Jainismb.Buddhismc. Hinduismd. Sikhism

36. Ang doktrina ng islam ay batay sa Limang Haligi. Alin sa sumusunod ang hindi kabahagi?a. Shahadab. Jihad

Page 5: Ap 2 nd grading

c. Salatd. Zakat

37.Ayon sa Hinduism, pagkatapos ng paulit-ulit na kapanganakan at kamatayan, kapag wagas na ang kaluluwa, ito ay makikiisa kay Brahma at makakamit niya anga. karma b. moksha c. kevala d. middle path

38. Ang Hinduismo ay itinuturing na pinakamatandang organisadong relihiyon sa Asia. Ang mga Hindu ay naniniwalang ang kaluluwa ng bawat tao ay bahagi ni Brahman at hindi magiging lubos na maligaya ang tao kung ang kaluluwa niya ay hindi masasanib kay Brahman. Alin sa mga sumusunod ang impluwensiya ng relihiyong ito sa kalagayan ng mga kababaihan?a. Ang pagsasagawa ng Suttee o pagsusunog ng biyuda sa sarili kasama ng namatay na asawab. Ang pagsasagawa ng footbinding sa mga batang babaec. Ang pagsusuot ng mga babae ng kimono at Obid. Ang pagsusuot ng babae ng burka

39.Ito ay tumutukoy sa isang pilosopiya na nakatuon sa pakikiayon at pakikipagkaisa ng tao sa kalikasan a. Confucianism b. Buddhism c. Legalism d. Taoism

40. Ang katutubong relihiyon ng mga Hapones ay Shinto na isang pagsamba sa mga kami. Ang kami ay tumutukoy sa mgaa. kabundukan b. kalikasan c. katubigab d. kalangitan

41.Si Amaterasu O-mi-kami ay ang diyosa ng araw ng mgaa. Tsino b. Koreano c. Indian d. Hapones

42.Ang animism ay paniniwala naa. ang mga tao ay nagmula sa Diyosb. ang kapaligiran ay pinanahanan ng mga espiritu at diyosc. ang kapaligiran ay pinanahanan ng isang makapangyarihang diyosd. ang mga hari ay magiging makapangyarihang diyos

43. Nang magkaroon ng paglaganap ng mga pangunahing relihiyon katulad ng Hinduism, Islam at Buddhism at Kristyanismo sa Timog Silangang Asya, nagkaroon ng tinatawag na syncretism. Ang ibig sabihin nito aya. pagkawala ng relihiyong Animismob. paghahalo ng katangian ng animism sa mga relihiyong itoc. paglaganap ng panibagong uri ng relihiyond. nag-away-away ang mga katutubong sumasampalataya sa natukoy na mga relihiyon

44. Ang pag-aayuno o fasting ay makikita sa halos lahat ng relihiyon sa daigdig. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aayuno?a. para linisin ang kalooban ng tao c. para maranasan ang pagpapakumbabab. para maiwasan ang karamdaman d. para maranasan ang kahirapan

45. Ang sumusunod ay katayuan ng mga kababaihan sa lipunang Tsino. Alin ang hindi kabahagi?a. pinakamahalagang tungkulin ng babae ang magluwal ng sanggol lalo na ang sanggol na lalakib. ang pagiging baog ng babae ay maaaring maging dahilan ng diborsyoc. ang babae ay magbibigay ng doted. tumalon sa funeral pyre habang sinusunog ang labi ng kanyang asawa

46. Bakit nagsusuot ng burka ang isang babaeng Muslim?a. tanging ang kanyang asawang lalaki ang may karapatang makakita sa kanyab. pinoproyektahan niya ang kanyang sarili mula sa mga kalalakihanc. likas na seloso ang mga lalaking Muslim kaya itinago niya ang kanyang katawand. kasalanang ipakita ang alin mang bahagi ng kanyang katawan

47. Ang Haiku ay kilalang tula ng mgaa. Sumerian b. Hindu c. Tsino d. Hapones

48. Itinuturing na pinakadakilang tulang pilosopikal sa daigdiga. Panchatantra b. Ramayana c. Mahabharata d. Vedas

49. Alin sa sumusunod ang kontribusyon ng mga Sumerian sa aspetong pang-arkitektura?a. cuneifromb. zigguratc. cartographyd. pictogram

50. Paano pinatunayan ng mga Dravidian ang mataas na antas ng kaalaman sa matematika at surveying?

Page 6: Ap 2 nd grading

a. Gawa sa bricks ang mga bahayb. Maraming palapag ang kanilang temploc. May kaayusang grid pattern ang mga kalsadad. may bubungang pawid o kugon ang bahay