anna marie d. talento - region4b.nia.gov.ph

6
“Cast your cares upon the Lord, for He cares about you.” - I Peter 5:7 Occidental Mindoro IMO at Malatgao-Batang-Batang RIS na sina Engr. Carlito T. Resurreccion, Engr. Ray- mundo L. Calusin at Engr. Ramon V. Perdido na kap- wa nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga dumalo. Ang programa ay nagsimula bandang alas-9 ng umaga. Si Engr. Shirley G. Bahia, Senior IDO ng NIA Regional Office ang nagpakilala sa mga dumalo. Ipinaliwanag niya na ang “Functionality Survey” ang naging batayan sa pagpili ng paparangalang IA. Ito ay sinundan ng pinakahihintay na “Awarding of Perform- P. 5 Editorial Executive Engr. Conrado V. Cardenas Jr. Editorial Adviser Engr. Cesar M. Pobre Managing Editor Aileen Vernice G. Bahia Layout Mayzie P. Pacoma Jimmy V. Lozano Jr. Contributors Ave Jane T. Vargas Anna Marie D.Talento Hare Krizna Z. Roldan Maria Gayveline D. Laygo Christian Bumatay Mildred Madrigal Ernesto P. Tiamsim Rodolfo Pablo Circulation Patricia Joy E. Agutaya Editorial Board Ave Jane T. Vargas Sa pangunguna ng Acting Regional Irrigation Manager Conrado V. Cardenas, Jr. at Acting EOD Manager Cesar M. Pobre, ay ginanap ang kauna- unahang “Regional O & M Summit” noong ika-15 ng Disyembre, 2012 sa NIA Compound, Calapan City, Oriental Mindoro. Ang nasabing “summit” ay dinaluhan ng mga Pangulo at iba pang opisyales mula sa iba’t ibang Irrigators Association ng Oriental Mindoro, Occi- dental Mindoro, Marinduque at Romblon. Umabot sa 168 ang dumalo kasama ang mga kawani ng NIA- MIMAROPA. Dumalo rin ang OIC ng MOMARO IMO, Left Photo: (L-R) Engr. Raymundo L. Calusin, Occ. Mindoro IMO, Engr. Carlito T. Resurreccion, MOMARO IMO, Mr. Venerando Sanchez, SABAPECO IA President, Engr. Conrado V. Cardenas Jr., Acting Regional Manager, Engr. Cesar M. Pobre, EOD Acting Divi- sion Manager Right Photo: Pinasalamatan ni Engr. Conrado V. Cardenas Jr., Acting Regional Manager, ang mga samahan ng magpapatubig sa kanilang pagdalo at sa kanilang mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin bilang katuwang ng NIA Ang opisyal na publikasyon ng Pam- bansang Pangasiwaan ng Patubig Rehiyon IV-B. Ang ginamit na background sa nameplate ay ang Apu- rawan CIS na matatagpuan sa Palawan. Layunin ng Daluyan na maghatid ng mga importanteng impormasyon at kaganapan tungkol sa NIA IV-B. Para sa komento, suhestyon at kontribusy- on, tumawag lamang sa (043) 288-2367, mag-email sa [email protected] o maaaring ipadala sa NIA IV-B Regional Office, Bayanan II, Calapan City, Oriental Mindoro. Benepisyo ng 5S sa Sistema, Itinuro sa Kawani ng NIA MIMAROPA Regional Office P. 2 Samahan ng Magpapatubig ng NIA MIMARO- PA, Nakiisa sa National Convention of Food Staple Producers P. 3 Regional Performance Updates P. 4 Kauna-unahang Regional O & M Summit cont.. P. 5 Si Pangulong Ernesto P. Tiamsim o mas kilala sa ta- wag na Pangulong “Erning” ay aktibong pinamumunuan ang Malad-Calapan Irriga- tors Association. Sa loob ng anim na buwan, nabuo niya at naitatag ang nasabing IA at narehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong Setyembre 15, 2010. Si Pangulong Erning ay da- ting naglingkod bilang Ba- rangay Chairman ng Malad sa loob ng 18 taon mula 1989-2007. Ayon sa kanya, hanggang ngayon ay nasa puso pa rin niya ang pagiging public servant sa kanyang mga mamamayan. Sa kasalukuyan, ginagawa niya ang abot ng kanyang makakaya para mas mapaunlad ang kabuhayan ng mga miyembrong magsasaka. Hangad din niya na maging IMT/Model 2 ang kanilang IA kung saan ito ang may pinakamataas na Collection Effi- ciency sa ilalim ng Baco-Bucayao River Irrigation Sys- tem (BBRIS). Nais din niyang makapag-ambag ng kakayahan bilang hinalal na Pangalawang Pangulo ng NIA BBRIS IA Federation tungo sa magandang rela- syon ng NIA at mga Irrigators Association. Pang. Ernesto Tiamsim, Malad-Calapan IA Bilang isa sa kinatawan ng Occidental Mindoro NIS-CIS Irrigators Federation ay nabigyan ako ng pagka- kataon na makasama sa kauna-unahang Operation & Maintenance Summit na ginanap sa NIA Regional Office, Calapan City, Oriental Mindoro. Dito ay muli naming nada- ma ang mainit na pagkalinga at pagtugon ng NIA sa aming mga pangangailangan bilang mga IAs. Batid namin na baga- man maliit ang pondo ng rehiyon ay pinagtuunan pa din ng pansin ng ating butihing Director Conrado V. Cardenas Jr. ang mga pagawain na makakatulong upang mapaunlad pa naming mga magsasaka ang aming mga kabuhayan sa larangan ng pagsasaka. Masaya at makabuluhan ang naging Summit na nagbigay sa amin ng pag-asa na kami ay patuloy na tu- tulungan ng pamahalaan pamamagitan ng NIA. Ito ay upang kami’y maging maunlad at makatulong na mapataas ang ani at sumulong ang programang pang-agrikultura ng ating pamahalaan. Kami’y nagpapasalamat sa NIA sa paggabay at pagpapanatili ng mahigpit na ugnayan sa aming mga mag- sasaka. Kami’y patuloy na umaasa sa marami pang pro- grama, pagawain at pagsasanay ang maigagawad sa amin ng pangasiwaan sa taong 2013. Rodolfo Pablo, PAETAN IA President IA Christmas Party P. 6 - P. 7 NIA MIMAROPA Christmas Party, Idinaos P. 8 - P. 9 Lakbay-Aral ng mga IA ng Pagbahan RIS, Naging Matagumpay P. 10 Palawan IMO Sumailalim sa Teambuilding P. 11 2012 Yearend RPW, Isinagawa P. 11 Feature Stories/ Kilalanin Natin Sila P. 12

Upload: others

Post on 13-Nov-2021

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Anna Marie D. Talento - region4b.nia.gov.ph

“Cast your cares upon the Lord, for He cares about you.” - I Peter 5:7

Occidental Mindoro IMO at Malatgao-Batang-Batang

RIS na sina Engr. Carlito T. Resurreccion, Engr. Ray-

mundo L. Calusin at Engr. Ramon V. Perdido na kap-

wa nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga

dumalo.

Ang programa ay nagsimula bandang alas-9

ng umaga. Si Engr. Shirley G. Bahia, Senior IDO ng

NIA Regional Office ang nagpakilala sa mga dumalo.

Ipinaliwanag niya na ang “Functionality Survey” ang

naging batayan sa pagpili ng paparangalang IA. Ito ay

sinundan ng pinakahihintay na “Awarding of Perform-

P. 5

Editorial Executive Engr. Conrado V. Cardenas Jr.

Editorial Adviser Engr. Cesar M. Pobre

Managing Editor Aileen Vernice G. Bahia

Layout Mayzie P. Pacoma

Jimmy V. Lozano Jr.

Contributors Ave Jane T. Vargas

Anna Marie D.Talento Hare Krizna Z. Roldan

Maria Gayveline D. Laygo Christian Bumatay Mildred Madrigal

Ernesto P. Tiamsim Rodolfo Pablo

Circulation Patricia Joy E. Agutaya

E d i t o r i a l B o a r d

Ave Jane T. Vargas

Sa pangunguna ng Acting Regional Irrigation

Manager Conrado V. Cardenas, Jr. at Acting EOD

Manager Cesar M. Pobre, ay ginanap ang kauna-

unahang “Regional O & M Summit” noong ika-15 ng

Disyembre, 2012 sa NIA Compound, Calapan City,

Oriental Mindoro. Ang nasabing “summit” ay dinaluhan

ng mga Pangulo at iba pang opisyales mula sa iba’t

ibang Irrigators Association ng Oriental Mindoro, Occi-

dental Mindoro, Marinduque at Romblon. Umabot sa

168 ang dumalo kasama ang mga kawani ng NIA-

MIMAROPA. Dumalo rin ang OIC ng MOMARO IMO,

Left Photo: (L-R) Engr. Raymundo L. Calusin, Occ. Mindoro IMO, Engr. Carlito T. Resurreccion, MOMARO IMO, Mr. Venerando

Sanchez, SABAPECO IA President, Engr. Conrado V. Cardenas Jr., Acting Regional Manager, Engr. Cesar M. Pobre, EOD Acting Divi-sion Manager Right Photo: Pinasalamatan ni Engr. Conrado V. Cardenas Jr., Acting Regional Manager, ang mga samahan ng

magpapatubig sa kanilang pagdalo at sa kanilang mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin bilang katuwang ng NIA

Ang opisyal na publikasyon ng Pam-

bansang Pangasiwaan ng Patubig Rehiyon IV-B. Ang ginamit na background sa nameplate ay ang Apu-

rawan CIS na matatagpuan sa Palawan. Layunin ng Daluyan na maghatid ng mga importanteng impormasyon at kaganapan tungkol sa NIA IV-B. Para sa komento, suhestyon at kontribusy-

on, tumawag lamang sa (043) 288-2367, mag-email sa [email protected] o maaaring ipadala sa NIA IV-B Regional Office, Bayanan II, Calapan City, Oriental Mindoro.

Benepisyo ng 5S sa Sistema, Itinuro sa Kawani ng NIA MIMAROPA Regional Office P. 2 Samahan ng Magpapatubig ng NIA MIMARO-PA, Nakiisa sa National Convention of Food Staple Producers P. 3 Regional Performance Updates P. 4 Kauna-unahang Regional O & M Summit cont.. P. 5

Si Pangulong Ernesto P.

Tiamsim o mas kilala sa ta-

wag na Pangulong “Erning”

ay aktibong pinamumunuan

ang Malad-Calapan Irriga-

tors Association. Sa loob ng

anim na buwan, nabuo niya

at naitatag ang nasabing IA

at narehistro sa Securities

and Exchange Commission

(SEC) noong Setyembre 15,

2010.

Si Pangulong Erning ay da-

ting naglingkod bilang Ba-

rangay Chairman ng Malad sa loob ng 18 taon mula

1989-2007. Ayon sa kanya, hanggang ngayon ay

nasa puso pa rin niya ang pagiging public servant sa

kanyang mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, ginagawa niya ang abot ng

kanyang makakaya para mas mapaunlad ang

kabuhayan ng mga miyembrong magsasaka. Hangad

din niya na maging IMT/Model 2 ang kanilang IA kung

saan ito ang may pinakamataas na Collection Effi-

ciency sa ilalim ng Baco-Bucayao River Irrigation Sys-

tem (BBRIS). Nais din niyang makapag-ambag ng

kakayahan bilang hinalal na Pangalawang Pangulo ng

NIA BBRIS IA Federation tungo sa magandang rela-

syon ng NIA at mga Irrigators Association.

Pang. Ernesto Tiamsim, Malad-Calapan IA

Bilang isa sa kinatawan ng Occidental Mindoro

NIS-CIS Irrigators Federation ay nabigyan ako ng pagka-

kataon na makasama sa kauna-unahang Operation &

Maintenance Summit na ginanap sa NIA Regional Office,

Calapan City, Oriental Mindoro. Dito ay muli naming nada-

ma ang mainit na pagkalinga at pagtugon ng NIA sa aming

mga pangangailangan bilang mga IAs. Batid namin na baga-

man maliit ang pondo ng rehiyon ay pinagtuunan pa din ng

pansin ng ating butihing Director Conrado V. Cardenas Jr.

ang mga pagawain na makakatulong upang mapaunlad pa

naming mga magsasaka ang aming mga kabuhayan sa

larangan ng pagsasaka.

Masaya at makabuluhan ang naging Summit na

nagbigay sa amin ng pag-asa na kami ay patuloy na tu-

tulungan ng pamahalaan pamamagitan ng NIA. Ito ay

upang kami’y maging maunlad at makatulong na mapataas

ang ani at sumulong ang programang pang-agrikultura ng

ating pamahalaan.

Kami’y nagpapasalamat sa NIA sa paggabay at

pagpapanatili ng mahigpit na ugnayan sa aming mga mag-

sasaka. Kami’y patuloy na umaasa sa marami pang pro-

grama, pagawain at pagsasanay ang maigagawad sa amin

ng pangasiwaan sa taong 2013.

Rodolfo Pablo, PAETAN IA President

IA Christmas Party P. 6 - P. 7

NIA MIMAROPA Christmas Party, Idinaos P. 8 - P. 9 Lakbay-Aral ng mga IA ng Pagbahan RIS, Naging Matagumpay P. 10 Palawan IMO Sumailalim sa Teambuilding P. 11

2012 Yearend RPW, Isinagawa P. 11

Feature Stories/ Kilalanin Natin Sila P. 12

Page 2: Anna Marie D. Talento - region4b.nia.gov.ph

Anna Marie D. Talento

ay ang proseso ng paghihiwalay at paglalagay ng red

tag sa mga gamit o dokumento na hindi na importante

o di kaya’y kailangan nang itapon. I

Ang pangalawa ay ang “Set in order” o Kaay-

usan kung saan ang mga natirang bagay, dokumento

o gamit pagkatapos ng paghihiwalay ay iaayos o ilala-

gay sa tamang lagayan o lokasyon gaya ng filing cabi-

nets.

Ang pangatlong hakbang ay ang “Shining” o

Kalinisan kung saan regular na ginagawa na natin

ang pag alis ng mga dumi at kalat sa ating lugar tra-

bahuhan.

Ang “Standardizing” naman ay ang pang-apat

na hakbang kung saan ay may sinusunod na tayong

pamantayan o sariling sistema gaya ng pagkakaroon

ng palagiang skedyul ng pag aayos / paghihiwalay o

di kaya ay pagtatapon ng mga di na kinakailangan

bagay, gamit or dokumento,

pagkakaroon ng listahan ng

mga pang araw araw na ga-

gawin at pagtanggap sa ating

mga responsibilidad para

mapanatili ang proseso ng

unang tatlong hakbang.

Ang “Sustaining” ay ang

huling hakbang na kapag ang

apat na naunang hakbang ay

matatag na, ito na ang ating

palagiang susundin at magi-

ging bagong paraan sa ating

pagtratrabaho.

Mga kawani ng NIA IV-B Regional Office No. IV-B hawak ang kanilang sertipiko matapos na sumailalim sa 5S seminar kasama ang guest speaker na si Ms. Belinda Cleofe

Anna Marie D. Talento

2 11

Bilang isang bago at

katatatag na Rehiyon ng

Pambansang Pangasiwaan

ng Patubig, isa sa mga

layunin ni Engr. Conrado

Cardenas Jr., Regional Di-

rector ng NIA Region IV-B

ang mabigyan ang mga ba-

gong kawani nito ng ka-

ragdagang kaalaman

tungkol sa kahalagan ng 5S.

Ito ay sistema na maka-

katulong sa ikakaayos,

epektibo at mas mapa-

padaling paraan ng

pagtratrabaho na hindi

lamang mapapakinabangan ng bawat empleyado

kundi para na rin sa ikagaganda ng imahe ng nasa-

bing ahensya.

Inimbitahan si Mrs. Belinda P. Cleofe, Head

ng Research & Planning Office ng Divine Word Col-

lege of Calapan bilang tagapagsalita sa nabanggit na

seminar na ginanap noong December 7, 2012 sa NIA

-Region IV-B Training Center, Bayanan II, Calapan

City. Ayon sa pag-aaral, ang 5S ay nagmula sa li-

mang salita ng Hapon na: 1. “Seiri – Sort”; 2. “Seiton

– Set in order”; 3. “Seiso – Shine”; 4. “Seiketsu –

Standardize”; 5. “Shitsuke – Sustain”. Ito ang sinasa-

bing isa sa naging sekreto nila sa pagkakaroon ng

isang organisado, mabisa at mataas na kalidad ng

proseso sa pagtratrabaho.

Ang unang hakbang ay ang “Sorting” kung

saan ang “Red Tagging Technique” ay ginagamit. Ito

(Left) Ang mga kawani ng NIA Regional Office No. IV-B habang nakikinig sa 5S seminar na tinatalakay ni Ms. Belinda Cleofe (Right).

Muling nagsama-sama ang mga opisyales at

ilan sa mga kawani ng NIA MIMAROPA Regional Of-

fice at Irrigation Management Offices (IMOs) para sa

2012 Yearend Regional Review and Planning Work-

shop na isinagawa noong ika - 13 ng Disyembre 2012

sa NIA-IA Training Center sa Bayanan II, Calapan

City, Oriental Mindoro.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang lagay ng

koleksyon (Irrigation Service Fee at Amortization Fee)

at ang inaasahang makokolekta sa pagtatapos ng

2012. Bukod sa pinansyal ay binigyang-pansin din

ang operasyon at pagmimintina ng mga

kagamitan gayundin ang teknikal

at institusyonal na aspeto nito. Pinag

-usapan ang implementasy- on

ng mga proyekto para sa

taong 2012. Hinimok ang

kagalingan ng bawat isa

sa pagpa-plano para

sa mabilis na proseso

ng mga naiiwan

pang proyekto at sa

mga maaaprobahan

pang mga proyekto

para sa taong 2013. Sa layuning maayos na

masiyasat ang mga problema tungkol sa mga

bumababang report ng mga “irrigated areas”, nag-

talaga ng mga “area monitor” kada IMO ang Engi-

neering Office ng RIO na siyang magsasagawa ng

pagpapatunay sa mga proyekto base sa nasasa-

kupang lugar nito. Pinag-aralan din ang pagbuo at

pagtapos sa budget para sa taong 2013, mga

isinusumiting reports ng mga IMOs at ang mga

usaping pang administratibo ng nabanggit na ahen-

sya.

Acting Regional Manager Conrado V. Cardenas Jr.

Mga kawani mula sa MOMARO IMO, Occ. Mindoro

IMO at Palawan IMO habang nakikinig sa pagtatalakay sa kalagayan ng region sa pagtatapos ng taong 2012

Maria Gayveline D. Laygo

Naging matagumpay ang ginanap na Team

Building Activity ng mga kawani ng Palawan Irrigation

Management Office (IMO) sa pangunguna ni Engr.

Mario M. Hebreo, Division Manager. Isinagawa ito sa

Emerald Playa Beach and Nature Park, Puerto

Princesa City noong ika-20 ng Disyembre 2012.

Sa tulong ng mga Institutional Development

Officers ng Palawan IMO, pinadaloy nina Bb. Melanie

V. Pangilinan at Bb. Maria Gayveline D. Laygo, kapwa

IDOs mula sa Regional Office ang programa. Isa sa

mga naging gawain ay ang larong “Minefield” na

naglalayong maipakita ang tamang pamumuno at ang

kahalagahan ng komunikasyon sa isang samahan.

Ang ikakatagumpay ng isang samahan ay kailangan

ng kooperasyon at tamang plano ng bawat isa. Ito

naman ang ipinakita ng larong “Let’s Get There!”.

Sinundan ito ng pagkilala sa mga retiradong

empleyedo ng taong 2012 at sa hindi mapantayan

nilang kontribusyon sa samahan. Nasundan pa ito ng

ilan pang palaro, salo-salo at bigayan ng pa-

maskong regalo. Naging masaya at makubuluhan

para sa mga kawani ng opisina ang mga ganitong

pagtitipon upang lalo pa nilang pagbutihin sa mga

susunod na taon ang serbisyo at paglilingkod para

sa mga magsasaka.

Masayang nakiisa sa Palawan IMO Teambuilding ang

kanilang Division Manager na si Engr. Mario M. Hebreo (wearing red)

Page 3: Anna Marie D. Talento - region4b.nia.gov.ph

Hare Krizna Z. Roldan

4 9

ASSETS DEBIT CREDIT

Cash & Cash Equivalents 23,061,564.03

Receivables (Net) 681,185,155.46

Fixed Assets 50,504,204.25

Total Assets 754,750,923.74

LIABILITIES & EQUITY 754,750,923.74

TOTAL 754,750,923.74 754,750,923.74

Province/ IMO No. of

POW

Physical Target Area (ha) Target Actual Accomplishment Actual Status of

Accomplishment (%) New Rehab Restored

Farmers

Beneficiaries New Rehab Restored

Farmers

Beneficiaries Phy'l Finan'l

CY 2011 Projects

Mindoro Oriental 11 243 1,799 65 1,681 223 1,799 65 340 98% 79%

Mindoro Occidental 6 23 730 160 693 23 730 160 684 100% 90%

Marinduque 5 38 300 152 864 38 300 152 300 100% 89%

Romblon 2 18 19 - 61 18 19 - - 100% 90%

Palawan 4 78 450 140 438 78 450 140 150 100% 91%

Region IV-B Total 2011 28 400 3,298 517 3,737 380 3,298 517 1,474 99% 86%

CY 2012 Projects

Mindoro Oriental 5 763 407 389 120 200 - 78% 90%

Mindoro Occidental 14 210 617 431 768 210 577 415 - 98% 92%

Marinduque 5 12 - 20 359 12 - 20 - 90% 92%

Romblon 2 40 - - 55 40 - - - 100% 92%

Palawan 9 335 - 610 362 240 - 245 - 58% 90%

Region IV-B Total 2012 35 1,360 617 1,061 1,951 891 697 880 - 75% 90%

Province/IMO System Firmed-up

Service Area

Operational

Area

Farmer

Beneficiaries

Irrigated Area C.I .

(%)

Benefited Area Collectibles Collection

C.E.

(%) Dry Wet Dry Wet

MOMARO IMO NIS 8,826 7,804 8,080 7,589 7,657 195 7,586 7,654 30,015,100.00 19,839,176.00 66

CIS 9,875 7,630 8,008 6,725 7,883 191 6,725 7,435 4,510,709.00 1,608,508.00 36

Occ. Mindoro IMO NIS 5,498 4,567 3,476 2,822 3,893 147 2,720 3,432 12,770,400.00 6,189,441.00 48

CIS 8,917 5,950 3,189 5,713 5,806 194 5,713 5,306 907,421.00 264,000.00 29

Palawan IMO NIS 4,614 4,449 2,919 3,407 4,010 167 3,370 4,003 13,587,150.00 8,257,243.01 61

CIS 10,354 4,218 3,361 3,483 3,810 173 3,483 3,810 2,803,150.00 1,462,909.00 50

Total NIS 18,938 16,820 14,475 13,818 15,560 175 13,676 15,089 56,372,650.00 34,285,859.90 61

Total CIS 29,146 17,798 14,558 15,921 17,499 188 15,921 16,551 8,221,280.84 3,335,416.60 40

48,084 34,618 29,033 29,739 33,059 181 29,597 31,640 64,593,930.84 37,621,276.50 58 Total Region IV-B

I. INCOME AMOUNT

01 - Operating Service 42,486,556.81

02 - Miscellaneous Income 3,430,159.65

03 - Capital Revenue 6,875,100.68

Total Income 52,791,817.14

II. EXPENSE

01 - PS 38,895,183.39

02 - MOOE 6,582,021.87

Total Expense 45,477,205.26

Net Income Per REV GEN 7,314,611.88

Project Implementation

As of December 31, 2012, the accomplishment status of the CY 2011 projects in Region IV-B is about 99% in Physical and

86% in Financial; 2012 projects has Physical accomplishment of about 75% and 90% in Financial. There was a change in the phys-

ical target area of 2012 projects due to re-alignment of some projects such as Valderama (Palawan), Bagtingon (Marinduque) and

Bolmaguilaguila (Marinduque). CY 2011 target for new area was changed due to re-alignment of Malaking Patag (Palawan).

Operation and Maintenance (NIS & CIS)

As of December 31, 2012, Region IV-B has a total Firmed-up Service Area of 48,084 hectares (NIS & CIS) and Irrigated

Area of 29,739 hectares (Dry Season) and 33,059 hectares (Wet Season).

Financial Management

Region IV-B has a total Net Income of Php7.3M as of December 31,

2012. While the total Assets, Liabilities & Equity amounted to about

Php754M. The Irrigation Service Fee (Current Account and Back Account)

amounted to Php34,285,859.90 and Php3,748,039.86, respectively.

Ang kapaskuhan ay tunay na namayani sa

NIA MIMAROPA compound sa pagdaraos ng Region-

al Christmas Party noong nakaraang December 14,

2012. Upang opisyal na simulan ang pagdiriwang,

isang misa ang pinamunuan ni Fr. Cris M. Raymundo

kung saan nagpasalamat ang mga kawani sa

Panginoon.

Matapos ang misa, sinimulan naman ang

mga palaro na nilahukan ng mga kawani mula sa tat-

long Irrigation Management Offices (IMOs). Ito ay ang

Water Relay, Obstacle Race, Family Apir, Message

Relay at Catch My Egg.

Isa pa sa naging highlight ng pagdiriwang ay

ang Ms. Gay Barako. Anim na kalahok ang naglala-

ban-laban mula sa limang (5) probinsya at regional

office. Nagpakitang-gilas ang mga kalahok suot ang

kanilang gowns. Nagwagi si Arnulfo Omugtong, IDO

ng Occidental Mindoro IMO.

Sumunod naman ay ang pinaka-inaabangang

presentasyon mula sa tatlong IMO at Regional Office.

Sa pagsisimula ng programa, nagbigay ng maka-

buluhang mensahe ang Regional Direktor kung saan

binigyang detalye nya ang lahat ng magagandang

balita na makakatulong sa pag-angat ng regional of-

fice.

Sa pagitan ng bawat aktibidad ay nagka-

karoon ng raffle kung saan nagkamit ng iba’t-ibang

regalo ang mga maswerteng nabunot. Ang pinaka-

huling bahagi ng pagdiriwang ay ang pagkakaloob ng

gantimpala sa mga nagwagi sa mga palaro, sa pag-

eant at sa group presentation.

Ang aming tanggapan dito sa Pambansang Pangasiwaan ng Patubig Rehiyon IV-B ay patuloy ang

adhikain na mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay ng ating mga minamahal na magsasaka. Nais kong

ipabatid ang mga proyekto na aming sinimulan at natapos sa taong 2012.

Mula sa teknikal na aspeto ng 2012 proyektong pang-irigasyon, 75% na ang pisikal na natapos at

90% naman ang sa pinansyal. Labing-apat (14) sa mga ito ay matatagpuan sa Occidental Mindoro, lima (5)

mula sa Oriental Mindoro, tatlo (3) mula sa Marinduque, dalawa (2) sa Romblon at walo (8) mula sa

Palawan.

Naisakatuparan ng NIA MIMAROPA ang pagkakaroon ng new area na 891 hektarya mula sa target

area nito na 1,360 hektarya, rehabilitated area na 697 hektarya mula sa target na 617 hektarya at restored

area na 880 hektarya mula sa target na 1,061 hektarya.

Para sa Operation & Maintenance, natamo ng rehiyon ang 181% cropping intensity kung saan may

irrigated area na 29,739 hektarya para sa panag-araw at 33,059 hektarya para sa panag-ulan.

Marami na ring naisagawang mga pagsasanay ang IDO natin para sa ating mahal na mga

magsasaka tulad ng Basic Leadersip and Development Course at Teambuilding.

Sa taong 2013, lalo pang magsisikap ang mga kawani ng NIA MIMAROPA upang mas maayos na

makapaglingkod sa ating mga magsasaka at kapwa ahensya.

Photo by: Marvin Paderes

Status of Revenue Generation and Expenses

Page 4: Anna Marie D. Talento - region4b.nia.gov.ph

3

Aileen Vernice G. Bahia

Sa pangunguna ng Regional IA Federation

President na si Ms. Rustica “Baby” Panganiban,

nakiisa ang samahan ng magpapatubig ng NIA Re-

hiyon IV-B sa National Convention of Food Staple Pro-

ducers na ginanap noong nakaraang Disyembre 12-

14, 2012 sa Manila Hotel.

Ang nasabing aktibidad ay pinasinayaan ng

Kagawaran ng Agrikultura. Layunin nito na magkaroon

ng magandang ugnayan sa bawat magsasaka at

magpapatubig sa buong bansa. Nais rin ng convention

na maipahayag ang mahalagang papel ng mga “food

soldiers” sa pagkamit ng kasapatan sa pagkain lalo na

sa bigas. Ang tema para sa taong ito ay “Pagkaing

Sapat, Magsasakang Angat, Tagumpay Nating Lahat”.

Isang

sorpresang

panauhin

rin ang

dumalo at

nagpaha-

yag ng

kanyang papuri sa mga magsasaka, siya ay si Sena-

dora Loren Legarda. Mula sa Pambansang Pan-

gasiwaan ng Patubig, pinangunahan ito ni Administra-

dor Antonio S. Nangel kasama sina Ms. Pilipina Ber-

mudez, PAIS Chief at Engr. Bayani Ofrecio, Institution-

al Development Division Manager. Dumalo rin bilang

kinatawan ng DA sina Usec. Joel S. Rudinas, Field

Operations at Asec. Dante S. De Lima, National Coor-

dinator for Agri-Pinoy Rice Program. Ang mga kalahok

ay binubuo ng mga miyembro at opisyal ng Samahan

ng Magpapatubig, Small Water Impounding Systems

(SWISAs), magsasakang siyentista, samahan ng kab-

abaihan sa pook-rural, kabataan at katutubo.

Inilunsad din sa convention ang 2013 bilang

National Year of Rice kung saan ikinakampanya ang

pagpapahalaga sa Bigas/Kanin.

“Salamat sa inyong (magsasaka) pagsisikap,

abot na naman po natin ang ating mithiin.” Ayon kay

Proceso J. Alcala, Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultu-

ra. “Umaasa ako na kayo’y magiging mahigpit na katu-

wang at kabalikat ng Kagawaran [ng Agrikultura].

Binanggit din ng kalihim na sa mga susunod na taon

ay sisikapin nila na magkaroon ng kaparehong pag-

titipon sa bawat rehiyon.

“Ako ay labis na nagpapasalamat at damang-

dama ko ang kaligayan na nakikita ko, sa tuwing ako

po kasama ang ating kalihim sa paglilibot sa buong

kapuluan, ang magandang samahan ng ating mga

magsasaka”, maligayang pahayag ni Administrador

Antonio S. Nangel ng Pambansang Pangasiwaan ng

Patubig. “Kayo [magsasaka] po ang Superman.. Kayo

po ang Boss namin.”

Sa pagpapatuloy ng aktibidad, nagkaroon ng

workshop ang mga kalahok kung saan pinagsagawa

sila ng report ng mga plano at programa nila para

makamit ang kasapatan sa bigas. Aktibong nakiisa

ang mga magsasaka mula sa NIA Rehiyon IV-B.

Nagpahayag sila ng kani-kaniyang suhestyon at

madali nilang natapos ang output sa itinakdang oras.

Nagpahayag ng papuri at pasasalamat sa mga magsasaka si

Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Agrikultura sa ginanap na National Convention of Food Staple Producers sa

Manila Hotel

Ang mga samahan ng magpapatubig ng NIA MIMAROPA na pinamumunuan ni Ms. Baby Panganiban, Acting Regional IA

Federation President, habang isinasagawa ang workshop ng National Convention of Food Staple Producers

10

Christian Bumatay, IDO – Occ. Mindoro IMO

Bilang katugunan sa pangangailangan at pat-

uloy na pagpapaunlad sa kasanayan at kakayahan

ng mga Samahang Magpapatubig ng Occidental Min-

doro, nagpanukala ang Occ. Mindoro IMO na mag-

daos ng Lakbay Aral na ginanap noong Nobyembre 19

-22, 2013. Ito ay pinangunahan ng Sr. IDO na si Edwin

V. Arevalo.

Kabilang sa nasabing paglalakbay ay ang

mga IAs ng Pagbahan RIS: Alacaak IA, Aribugan Left

and Right IA, Ramayan IA at Kurtinganan Carumbac

IA. Ilang piling kawani rin ng IMO ang naisama sa

makabuluhang paglalakabay. Tangan nila ang layunin

na matuto ng mga makabagong kaalaman para sa

mahusay na pagpapatakbo ng sistemang pang-

irigasyon at mga teknolohiyang pang-agrikultura.

Unang tinungo ng grupo ang Pantabangan

Dam na nasusuplay ng patubig sa Upper Pampanga

River Irrigation System (UPRIIS). Ito ay nagmulat sa

grupo sa mga modernong teknolohiya tungo sa ma-

husay na Irrigation System.

Kasunod nito ay ang pagbisita sa mga Most

Outstanding IAs na kinilala at pinarangalan ng Pam-

bansang Pangasiwaan ng Patubig para sa kanilang

natatanging kagalingan sa pagpapalakad ng kanilang

mga samahan. Una rito ay ang Lower Talevara RIS

FIA, na nagpamalas ng mainit na pagtanggap sa mga

bisita. Ibinahagi nila ang kanilang mga pamamaraan

kung paaano sila naging matagumpay sa larangan ng

sistema ng pagpapatubig, mga di pangkaraniwang

pagkakataon na pumukaw sa mga kaisipan at damda-

min ng mga IAs ng Pagbahan RIS na kanilang tularan

ang mga nasabing pamamaraan. Kasunod nito kaa-

gad na nagtungo ang grupo sa MTG PLIVIRISCAF ng

Muñoz, Nueva Ecija. Katulad ng LTRIS FIA

nagbahagi dn sila ng mga bagong kaalaman at kasa-

nayan sa kanilang pamamalakd sa samahan. Ang

mga kaalamang ito ay kumintal sa puso at isipan ng

mga magsasaka ng Pagbahan RIS at nagbigay ng

pagnanasa na sundan ang kanilang mga hakbang ng

sa gayon ay mapaunlad din ang Pagbahan RIS at

NIA Occ. Mindoro IMO. Nagtungo rin ang grupo sa

Baguio para sa kaunting pagrerelax.

Naging malaki ang kapakinabangan ng mga

IAs at kawani ng NIA sa nasabing paglalakbay.

Maraming kaalaman at pamamaraan ang kanilang

naimpok na kanila namang unti - unting gagamitin sa

patuloy na paglago ng mga gawain sa mga bukirin at

para sa ikauunlad ng antas ng pamumuhay ng kani-

kanilang mga kasamahang magsasaka.

“Nagagalak ako at tayo ay nabigyan ng

pagkakataon na magkaroon ng lakbay aral ngayong

2012 , sana ay mas maging maganda pa ang sama-

han natin, at magtulungan tayong mapaangat ang

koleksyon ng NIA upang magkaroon ulit tayo sa

susunod na taon ng lakbay aral ” ito ang nasambit ni

Arnel M. Gumboc, Sr. IDO ng MOMARO IMO sa

ginanap na Lakbay Aral noong Disyembre 6-8, 2012

sa Baguio at Subic.

Layunin ng paglalakbay na magkaroon ng

makabagong kaalaman sa teknolohiya ng pagtatanim

ang mga miyembro ng Irrigators Association (IA) ng

Baco-Bucayao RIS. Kasama nila ang piling kawani ng

MOMARO IMO.

Mildred Madrigal

“Kayo [magsasaka] po ang Superman… Kayo po ang Boss namin.”

Page 5: Anna Marie D. Talento - region4b.nia.gov.ph

From p. 1

8 5

ers” na naging tampok na bahagi ng aktibidad.

Pinangunahan ni G. Bernard D. Balocas ang SWRFT

Category samantalang ang SABAPECO IA at

Sumviltad IA ang kinilalang “Top Performer” sa NIS

Category at CIS Category. Pinarangalan din ang mga

IA na nakakuha ng 85% pataas na Collection Efficien-

cy na pinangunahan naman ng Bibihan IA. Ang mga

pinarangalan ay tumanggap ng plake at cash prize

samantalang ang mga IA na nakapasok sa 85%

pataas na CE ay tumanggap naman ng sertipiko at

cash prize.

Ang pangulo ng Sumviltad IA na si Ka Jun

Laberez ay nagpaabot ng pasasalamat sa NIA-

MIMAROPA sa walang humpay na pagsuporta at

pagiging kaagapay sa kanilang sakahan at nangakong

ipagpapatuloy ang kanyang sinumpaang tungkulin

upang mas lalong mapaganda at mapalakas ang aso-

sasyon. Ipinaabot naman ni Engr. Jun Manalo, isa sa

Outstanding SWRFT, ang pasasalamat sa mga IA

bilang kaagapay ng NIA. Ayon pa sa kanya “kung wala

po kayong mga IA ay hindi rin po namin makakamtan

itong award na ito”.

Sa pagtatapos ng “summit” ay ipinahayag ni

Direktor Cardenas ang kanyang taos-pusong suporta

sa mga IA at ayon pa sa kanya na ang mga magsasa-

ka ang kabalikat ng NIA. “Kaya po tayo ay patuloy na

umiikot sa rehiyon ay hindi lamang para makita ang

mga proyekto kundi upang makita ang tunay na sit-

wasyon ng mga magsasaka,” dagdag pa niya. Ipi-

nahayag din niya na ngaung 2013 ay isang maka-

buluhang taon sa NIA dahil bukod sa tayo ay magdiri-

wang ng “Golden Anniversary” ay ito rin ang taon na

makakamtan natin ang kasapatan sa pagkain. Ipinag-

malaki rin niya na ang MIMAROPA ay sobra na sa

bigas at malaking bahagi nito ang mga magsasaka.

Ang “Regional O and M Summit” ay ginanap

upang kilalanin at bigyang-parangal ang mga kawani

ng NIA at IA na nagpakita ng katangi-tanging pagga-

nap na nakapag-ambag ng malaki sa “viability” ng NIA

MIMAROPA. Ito rin ay isang paraan upang mas mahi-

kayat ang ibang IA na lalong magsumikap para mas

mapaganda ang kanilang samahan. Nagsilbi rin itong

daan sa mga IA na makadaupang-palad sina Engr.

Cardenas at Engr. Pobre kung saan naipaabot nila

ang kanilang pasasalamat at ilang kahilingan para

mas lalong maisaayos ang serbisyo ng patubig.

Award Awardee (SWRFT)

Outstanding Bernardo D. Balocas

Malatgao-BatangBatang RIS

Outstanding Antonio Manalo Jr.

Baco-Mag-asawang Tubig RIS

Outstanding Ruben Geneta

Baco-Mag-asawang Tubig RIS

Outstanding Inocencio Salcedo

Baco-Mag-asawang Tubig RIS

Very Satisfactory Ramon G. Galsim

Malatgao-BatangBatang RIS

Award Awardee (NIS)

Top Performer SABAPECO IA, MOMARO IMO

Venerando Sanchez, President

85% above CE

Bibihan IA

Nestor Mendoza, President

Managpi IA

Felicisimo Evangelista, President

Biga West IA

Larry Ricablanca, President

BAKAMATA IA

Romano De Roxas, President

Unique Group of IA

Michael Catapang, President

Autres IA

Narciso Pagsinuhin, President

SABAPU IA

Florante Hatulan, President

Award Awardee (CIS)

Top Performer Sumviltad IA, MOMARO IMO

Patricio Laberez Jr.,President

Very Satisfactory

Calamundingan IA

Fernando Salazar, President

Matungao-Matulatula IA

Gregorio Espina, President

Mga SWRFT na nagkamit ng parangal kasama sina Occ. IMO Acting Division Manager Raymundo L. Calusin, MOMARO

IMO Acting Division Manager Carlito T. Resurreccion, Eng’g and Operations Acting Manager Cesar M. Pobre at Acting Re-

gional Manager Conrado V. Cardenas Jr.

Page 6: Anna Marie D. Talento - region4b.nia.gov.ph

6 7 7 6