penitential rite

Post on 10-Dec-2015

72 Views

Category:

Documents

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

A stand-alone guide to a group celebration of a penitential rite in preparation for the sacrament of confession that can also be used in the context of a recollection.

TRANSCRIPT

PAGDIRIWANG NG SAKRAMENTO NG

PAKIKIPAGKASUNDOCHSC RECOLLECTION 2014

NAMUMUNO : Ito ay araw ng pasasalamat. Bukal sa loob natin ang magpasalamat sa Diyos para sa lahat ng pagpapala at biyaya….

Ito rin ay araw ng pagsisisi. Araw na may taglay na pighati dala ng ating mga pagkakamali at pagkakasala sa harap ng Diyos…

Mahalaga na maitaguyod ang isang makatotohanan at buhay na pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa-tao….

PAGSISISI: NAMUMUNO : O Diyos, Ikaw ang aming Ama. Natitipon kami ngayong dahil sa imbitasyon ng Inyong Anak, ang Panginoon naming si Hesukristo.

Gusto naming makinig sa Iyong Salita. Bigyan mo kami ng lakas ng loob na panibaguhin ang aming buhay at makipag-ayos sa Iyo at sa aming mga kapatid. Ito ang aming hiling sa pamamagitan ng aming Panginoon na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Pagbasa : Roma 12:9-12, 16-18

“Maging tunay ang inyong pag-ibig. Kasuklaman ninyo ang masama, pakaibigin ang mabuti. Mag-ibigan kayo na parang tunay na magkakapatid. Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. Magpakasipag kayo at buong pusong maglingkod sa Panginoon. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa. Magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at laging manalangin.

“Magkaisa kayo ng loobin. Huwag kayong magmataas, kundi makisama sa mga aba. Huwag ninyong ipalagay na kayo’y napakarunong.

“Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyo ng mamuhay nang marangal sa lahat ng panahon. Hangga’t maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao.”

Ang Salita ng Diyos.

Tugon: Salamat sa Diyos.

Maikling Pagpapalalim

Salmo 143:1-11Panalanging Nanghihingi ng Tulong (Bigkasin ng dahan-dahan ng salitang grupo)

..\..\..\..\Music\As We So Love by Carolyn McDade and Friends\Hold Lose The Spinning Thread.wma

Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin.

Tapat Ka’t matuwid, kaya ako’y dinggin.

Itong iyong lingkod, h’wag Mo nang subukin,

Batid Mo nang lahat, kami ay salarin.

Ako ay inuusig ng aking kaaway at ako ay lubos niyang napipilan;

Sa dilim na dako, ako ay nakulong,

Tulad ko’y patay nang mahabang panahon.

Ako ay handa nang magtaas ng kamay sapagkat wala nang pag-asa ang buhay.

Araw na lumipas, aking nagunita

at naalala ang iyong ginawa,

Sa aking isipa’y gumuhit na bigla! Ako’y dumalangin na nakataas ang kamay

Parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw.

Nawala nang lahat ang aking pag-asa.

Kaya naman, O Diyos, ako’y dinggin mo na!

Kung ikaw’y magkubli, baka ang hantungan—

Ako ay tanghaling malamig na bangkay at ang tunguhin ko’y madilim na hukay.

Ako ay umasa sa ‘yo nagtiwala, na kung umumaga’y ipagugunita

Yaong pag-ibig mo na lubhang dakila.

Ang aking dalangin na sa iyo’y hibik,

Patnubayan ako sa daang matuwid.

Ako ay umasang ‘yong isasanggalang,

Kaya iligtas mo ako sa kaaway.

Ikaw ang aking Diyos,

Ako ay turuan na aking masunod ang ‘yong kalooban.

Ang Espiritu Mo’y maging aking tanglaw

Sa aking paglakad sa ligtas na daan.

Ikaw ay nangakong ako’y ililigtas pagka’t dakila Ka, iligtas Mo agad;

Iligtas Mo ako sa mga bagabag.

Papuri sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo

Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang-hanggan.

Amen.

PAGHINGI NG TAWAD

PAGSUSURI NG BUDHUSa mga panahon na nagkulang ako ng malasakit at awa sa iba…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa pagdadamot ko ng aking ari-arian, panahon, at kakayahan…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa pagtatanim ko ng galit at sama ng loob at sa pagkait ko ng kapatawaran sa aking kapwa…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa aking pamumula, pagtsi-tsismis at paninira sa pangalan ng iba…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa pagbabale-wala o pagtalikod sa pangangailangan ng iba…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa pagpapabaya ko sa aking sarili: ang aking katawan, damdamin, at kaluluwa…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa aking pagpapabaya at paglapastangan sa kalikasan at kapaligiran…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Para sa aking paghuhusga at pag sasantabi sa kapwa…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa mga pagkakataong ako’y naging makasarili…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

 

Sa maling pagturing, paggamit at pang-aabuso sa regalo ng aking sekswalidad…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa pagsarado ko ng pinto at puso sa mga walang masilungan at walang mabalingan…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa paniniwala at pag-asta na nakasalalay ang kaligtasan sa aking sariling sikap...

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa pag aalinlangan na ako ay kaya Mong patawarin at pinatatawad ng walang pasubali…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Sa pagdududa ko sa pag-big ng Diyos, isang pag-ibig na walang hanggan.

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

Para sa mga hindi ko nagawang kabutihan: ang tulong na ipinagkait ko, ang simpatiya at ginhawa na hindi ko ipinaabot, ang dalamhatu na hindi ko inalo…

Tugon: Patawarin Mo ako, Panginoon.

LAHAT:

O Makapangyarihan at maawaing Diyos / hindi Ka nagsasawa at napapagod na panumbalikin kami sa Iyo. / Tulungan Mong matanto naming na ang bawat kasalanan ay pagtanggi sa Iyong pag-ibig / na binabawasan nito ang aming pag-aasal tao na kawangis Mo / sumisira sa aming pagkakaisa bilang mga anak Mo.

 

Hipuin Mo ang aming mga puso at ilapit Mo kami sa Iyong dibdib. / Yakapin nawa kami ng Siyang aming kaligtasan / hanggang sa hindi na ang kami ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa amin. Siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen.

Puno ng pag-asa at panatag ang loob sa Ama, tayo’y manalangin kasama ng ating Panginoon na si Hesus sa panalanging Kanyang itinuro sa atin:

Ama Namin…

top related