ako si juan pero sino ako (full version)

5
AKO SI JUAN, PERO SINO AKO? (FULL VERSION) A.L Nepomuceno Kumakayod, lumalaban, sumasabay sa pag-ikot ng mundo. Tumatawa ng lantaran, umiiyak ng patago. Namumuhay ng payak, hinding-hindi nagpapa-apak. Sumasabay sa agos, tinatangay ng alon, minsan nadadapa, pero agad bumabangon. –ako po si Juan dela Cruz, alam ko ang pangalan ko, pero SINO NGA BA AKO? Isinilang ako sa Pilipinas, “Perlas ng Silangan”, maraming kapuluan at dinarayo ng dayuhan. Oo, gising si Inang Bansa nang magsabog ang Diyos ng biyaya. Malamang ay may dala sya noong malaking timba kaya marami syang nasalo. May tropikal na klima, kabundukang may ginto at sariwang hangin. Mula sa magagandang tanawin, lupain at karagatan na pinamumugaran ng iba’t-ibang uri ng hayop at halaman, hanggang sa kailaliman ng dagat ay may paraiso, at syempre, bonus pa ang yamang tao. Pawang lahing kayumanggi ang aking mga magulang kaya’t walang duda, dugong Pilipino ang dumadaloy ugat ko. Alam ko ang pinagmulan ko, pero nagtatanong ang isip ko, sino ako? Pilipino ako, kabisado ko nga ang “Bayang Magiliw” eh, kinakanta ko yun sa’twing may laban si Pacquiao. Sayang nga lang at “dinaya” sya ni Marquez. Iniidolo ko si Rizal, isa rin akong manunulat, manunulat sa pader ng kapit- bahay. Idolo ko rin si Bonifacio kaya bawal may sumulat sa pader ko, hahabulin ko sya ng itak. Biniyayaan ang aking bayan kaya’t walang habas akong gumagamit ng likas na yaman. Malaki ang aking bansa kaya’t patuloy ako sa pagpaparami ng mamamayan, mahigit 100 milyon pa lang tayo no! marami pang bakanteng ilalim ng tulay at estero. Hilig ko ring magtapon ng basura kahit saan ko naisin. Ayokong madumi ang bahay ko kaya’t itatapon ko sa labas ng bakuran lahat ng kalat sa loob nito. Ayos lang bumaha, instant holiday naman yun. May libre ring pakain kaya paulit-ulit nalang akong pipila sa relief goods. Hindi ko rin aamining akin ang basurang bumara sa mga daluyan ng tubig, balat lang naman ng candy yung hinagis ko. Taga-Pinas ako, pero mas gusto kong pumunta ng Disneyland at Universal Studio kaysa magbayad ng buwis. Hindi ko rin kasalanan kung bakit mahirap ako. Kasalanan yun ng gobyerno. Kasalanan yun ng mga tiwaling politiko. Binoto ko naman nung eleksyon ung kandidatong inindorso ng paborito kong artista, ung sumayaw ng gangnam style, ung kumain ng nakakamay, pati na rin ung nagbigay sa’kin ng isang libo. Hindi ko rin kasalanan kung bakit wala akong trabaho. Pagod na pagod na nga ako sa kahihintay ng oportunidad na papasok sa loob ng bahay ko.

Upload: mengkymagubat

Post on 31-Oct-2015

59 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

first prize

TRANSCRIPT

Page 1: Ako Si Juan Pero Sino Ako (Full Version)

AKO SI JUAN, PERO SINO AKO? (FULL VERSION)

A.L Nepomuceno

Kumakayod, lumalaban, sumasabay sa pag-ikot ng mundo. Tumatawa ng lantaran, umiiyak ng patago. Namumuhay ng payak, hinding-hindi nagpapa-apak. Sumasabay sa agos, tinatangay ng alon, minsan nadadapa, pero agad bumabangon. –ako po si Juan dela Cruz, alam ko ang pangalan ko, pero SINO NGA BA AKO?

Isinilang ako sa Pilipinas, “Perlas ng Silangan”, maraming kapuluan at dinarayo ng dayuhan. Oo, gising si Inang Bansa nang magsabog ang Diyos ng biyaya. Malamang ay may dala sya noong malaking timba kaya marami syang nasalo. May tropikal na klima, kabundukang may ginto at sariwang hangin. Mula sa magagandang tanawin, lupain at karagatan na pinamumugaran ng iba’t-ibang uri ng hayop at halaman, hanggang sa kailaliman ng dagat ay may paraiso, at syempre, bonus pa ang yamang tao. Pawang lahing kayumanggi ang aking mga magulang kaya’t walang duda, dugong Pilipino ang dumadaloy ugat ko. Alam ko ang pinagmulan ko, pero nagtatanong ang isip ko, sino ako?

Pilipino ako, kabisado ko nga ang “Bayang Magiliw” eh, kinakanta ko yun sa’twing may laban si Pacquiao. Sayang nga lang at “dinaya” sya ni Marquez. Iniidolo ko si Rizal, isa rin akong manunulat, manunulat sa pader ng kapit-bahay. Idolo ko rin si Bonifacio kaya bawal may sumulat sa pader ko, hahabulin ko sya ng itak. Biniyayaan ang aking bayan kaya’t walang habas akong gumagamit ng likas na yaman. Malaki ang aking bansa kaya’t patuloy ako sa pagpaparami ng mamamayan, mahigit 100 milyon pa lang tayo no! marami pang bakanteng ilalim ng tulay at estero. Hilig ko ring magtapon ng basura kahit saan ko naisin. Ayokong madumi ang bahay ko kaya’t itatapon ko sa labas ng bakuran lahat ng kalat sa loob nito. Ayos lang bumaha, instant holiday naman yun. May libre ring pakain kaya paulit-ulit nalang akong pipila sa relief goods. Hindi ko rin aamining akin ang basurang bumara sa mga daluyan ng tubig, balat lang naman ng candy yung hinagis ko.

Taga-Pinas ako, pero mas gusto kong pumunta ng Disneyland at Universal Studio kaysa magbayad ng buwis. Hindi ko rin kasalanan kung bakit mahirap ako. Kasalanan yun ng gobyerno. Kasalanan yun ng mga tiwaling politiko. Binoto ko naman nung eleksyon ung kandidatong inindorso ng paborito kong artista, ung sumayaw ng gangnam style, ung kumain ng nakakamay, pati na rin ung nagbigay sa’kin ng isang libo. Hindi ko rin kasalanan kung bakit wala akong trabaho. Pagod na pagod na nga ako sa kahihintay ng oportunidad na papasok sa loob ng bahay ko.

Ako si Juan, pero tawagin mo akong Jhune. “Jhune Cruise” Men! Mas ok, mas astig, mas may dating na parang si Uncle Sam. Natural akong may kayumangging balat. Sa paghanga ko sa kulay ng mga banyaga ay pilit akong nagpaputi. Salamat sa glutathione soap, lotion at pills! Ngayon ay may mala-perlas na’kong kutis. Isinilang akong may kulot at itim na buhok, salamat sa rebond at mayroon na’kong straight hair! Pina-blonde ko narin para mas “in”. Ayos lang kahit mamatay sa gamot ang buhok ko, naging kamukha ko naman ang iniidolo kong K-Pop Superstars. Dark-brown ang totoong kulay ng mga mata ko, pero para mas nakaka-artista, nagko-contact lens ako ng blue. Ayos lang kahit masakit, ayos lang kahit mabulag ako, atlis magkakulay kami ng mata ni Harry Potter.

Siguro naman ay hindi masamang makiuso, ngunit kapag nagsasalamin ako, nakakalito. Hindi kaila sakin ang lahi ko, pero sa pagbabago ng kulay ko, sino nga ba ako?

Page 2: Ako Si Juan Pero Sino Ako (Full Version)

Ako si Jhune, bihira lang ang alam ko sa OPM at pelikulang Pilipino, korni kasi. Mas masarap pakinggan at panuorin ang mga kanta at pelikula sa Hollywod. Kapag kumakain ako, mas pinipili ko yung mga kainang nagse-serve ng putaheng dayo, masarap kasi ang steak, nakakasosyal kainin. Paborito ko ang hamburger at French fries, mas OK kaysa lugaw at kwek-kwek. Sa bahay namin, maraming imported chocolates, soaps at shampoos. At ung sapatos ko puro made in china. Mas ok ung mga States side, ung mga gawa kasi dito hindi de-kalidad, walang “class”. Di tulad nung imported, I-mighty bond mo lang pwede na ulit magamit.

Alam kong taga-Pilipinas ako, pero Pilipino nga ba ako?

Oo, minsan nahihiya akong aminin na Pinoy ako. Hindi naman kasi maitatangging isa sa pinakamahirap na bansa ang Pilipinas. Sikat din ito sa pagiging huli sa takdang oras, masyado kasi nating isinasabuhay ang “Filipino Time”. Marami na ring kahihiyang ginawa yung mga kababayan MONG kawatan at terorista. Pero tanungin mo yung mga nasa selda, karamihan dun sasabihing inosente, nadamay at napag-bintangan lang sila. Bayan kung saan ang turismo ay magandang pagkakataon para sa mga oportunista. Alam din nating hindi malinis ang eleksyon dito, patunay lang ang “Hello,Garci Controversy”. Sa bayan kung saan ang mga batang lansangan at mahihirap ay nagiging instant commercial model kapag panahon ng kampanya. Sister company ang gobyerno at pag-aartista. Pati ang presidente at Chief Justice NYO napatalsik sa pwesto. Bawal ang tapat na pulitiko, ung mga mabubuti kasi namamatay sa tama ng bala o kaya plane crash. Bayan kung saan baluga ang mga Aeta, nilalait ang mga Mangyan, at itinataboy ang mga Badjao, pero ginagalang yung mga buwayang lumalamon sa kaban ng bayan. Pati ang tulay na pinondohan ng Milyon-milyong piso ay gumuho agad sa simpleng ulan, at ang mga kalsada ay hinuhukay para magkapera. Bayan kung saan ang trabaho ng mga senador ay magbangayan at maghanapan ng butas.

Nakakahiya ang bayan MO. Paboritong tambayan ng baha at kalamidad, bestfriend nya yata si “Low pressure area”. Kung paramihan lang din ng basura, ay naku! Tyak wagi ang bayan MO. Kailan lang ay nasama rin sa world’s worst airport ang NAIA, ipinangalan pa man din kay Ninoy. Pati mga kabundukan natin nakikiuso sa semi-kalbo, ung iba nga naka-skin-head pa. Yung mga ilog isang malaking banyo at basurahan, sa ilog pasig nga parang bacteria, dengue at malaria na lang yung nabubuhay. Bansa na ang paboritong libangan ay tsismisan, yung tipong mas kabisado mo pa ang buhay ng artista kaysa sa buhay ng mga bayani. Bayan na proud pa ang mga kabet at uso ang agawan ng asawa, at si Maria Clara, … teka nasaan na si Maria Clara? Si Mary Claire lang ang nakikita ko. Ang ligawan? Simpleng-simple, “hanap, usap, deal!”

Maraming matatalino at magagaling mag-Ingles dito, kaya ayun nagpapaunlad sila ng mga mauunlad nang bansa. At ang mga nagpapatakbo sa ekonomiya natin, ung mga singkit na barok sa salitang Ingles. Bayan kung saan ang ineexport natin ay tao at nag-iimport tayo ng mga pinaglumaang gamit at damit. Kung hindi pa namatay si Francis M., hindi pa mauuso ang maka-nasyonalismong fashion trend. Bansa kung saan nagrereklamo ng pang-aabuso si demokrasya. Totoo diba? Nahihiya ka na rin bang maging Pilipino? ONLY IN THE PHILIPPINES. Pag nasasaldak sa kahihiyan ang Pilipinas, parang ayoko nang maging ako. Nasasabi ko nalang, “hay, ang mga Pilipinong YAN talaga, nakakahiya SILA”.

Pero syempre, nung muntik nang maging Miss Universe si Janine Tugonon, post agad ako sa twitter ko, “Janine, WE Filipinos are proud of you!” Ginawa ko rin yun sa Facebook nang magtop-5 sila Shamcey Supsup at major major Venus Raj. Ganon din syempre nung nanalo si Nonito Donaire, nung pumasok sa American Idol si Jessica Sanchez, nung nasama sa Wonders of the World ang Puerto Prinsesa Underground River at Tubattaha Reef. Nung may mga tapat na Pinoy na nagsosoli ng napulot nilang gamit ng dayuhan. Nung nasama sa sikat na magazine ang pinagmamalaki nating Lechong Cebu.

Page 3: Ako Si Juan Pero Sino Ako (Full Version)

Kilala mo si Leah Salonga? Ilang Pilipino na ba ang kumatawan sa Miss Saigon? Eh si Kevin Balot kilala mo rin ba? Sya yung unang nagkampeon sa Miss International Queen. Nabasa mo yung love letter ni Dr. David Harwell sa ATING mga Pinoy? Yeah, over-whelming! Alam mo bang kalahi din NATIN ang umimbento ng fluorescent lamp, incubator at karaoke? Sana Buwaya na lang sa gobyerno yung nawala kaysa kay Lolong. Pinoy ako noong lumabas sa World’s survey na ang pinaka-masayahin, matulungin at mapag-mahal na tao sa daigdig ay TAYONG mga Pilipino. Nung may mga naisasama TAYO sa Guiness Book of World Records. Ilang beses din bang hinangaan ng mundo nang magkaisa TAYO sa EDSA? Aware ako sa People Power Revolution no! At sinong hindi nakakaalam sa pagka-relihiyoso NATING mga Pinoy? May dalawa na nga tayong Santo eh, sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod. Kapag may magagandang pangyayari at papuri sa ‘Pinas, ako na ULIT si Juan.

Pero dahil sa sobrang pag-idolo ko sa imported, nilisan ko na ang bansa. Nandito na ako ngayon sa Amerika, Amerikano na’ko! YEHEY! Umuwi pa kaya ako? Mukhang hindi na’ko marunong magtagalog nun.

Ang ganda dito, maginaw! Pero nakakapagtakang kahit may heater sa tinutuluyan ko ay may ibang lamig parin na dumadampi sa balat ko. Parang, may kulang… yung init yata ng bayan ko ang hinahanap ko, ung init ng ngiti ng mga masayahing Pilipino, ung init ng bagong lutong adobo. Ngayong nakamit ko na ang pamumuhay ng dayuhan, Masaya pero may kulang, buo ngunit may puwang.

Inakala kong binago ko lang ang panlabas kong anyo, pero binago ko na pala pati ang buo kong pagkatao. Nung nakilala ko ang mga banyaga at Amerikanong humahanga sa mga katangian ng Pilipinas, nakita ko ang kagandahan nito. Napahiya ako sa sarili ko. Unti-unti na nga palang bumabangon si Pilipinas, kahit papano’y nababawasan na ang mga gusot na iniinda nya. At marami pa rin palang Pilipinong gumagamot sa mga sakit ng bansa. Marami pa rin palang may pusong Pinoy na wagas ang pagmamahal sa Kanya. Marami na rin ang lumalakad sa tuwid na daan.

Nahihiya ako dahil ikinahihiya ko kung sino talaga ako. Nakinabang ako sa mga yaman ng Pilipinas, pero hindi ko tinanggap ang mga kapintasan nya. Kung nakakapagsalita lang siguro si Inang Bayan, Marami na syang Juan na sinermunan katulad ko. Oo, hindi ako makakapili ng bansang pagmumulan ko, at ganun din Sya, hindi rin sya makakapili ng mga taong magiging kanya. Nakakahiya sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan na meron tayo ngayon, baka bumangon sila at ipa-masaker nila ako sa Luneta.

Dati akala ko ang nagbibigay sakin ng diskriminasyon ay ang ibang lahi, mali pala. Ako pala ang nagdidiskrimina sa’king sarili, ako rin pala ang nangdudusta sa sarilikong dugo, kulay, buhok at pagkatao. Ako pala ang nagpapahirap ng bayan ko. Maraming dahilan para itanggi ko ang Pilipinas, pero ang pagiging Pilipino ko, sapat na para mahalin ko ang bansa ko.

Muli, ako po ay si Juan Dela Cruz. Pero teka lang, ako nga basi Juan? Baka ikaw ako?

“Paligsahan sa Online na Pagsulat ng Malayang Lathalain” - Gawad Guintong Pluma 2013