123456 max

16
PERFORMANCE TASK SA ARALING PANLIPUNAN 6 Max Lorenz A. Viado 6- St. Augustine of Hippo

Upload: diane-viado

Post on 02-Feb-2016

265 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

hfjhdgjxfgjdhk

TRANSCRIPT

Page 1: 123456 max

PERFORMANCE TASK

SA

ARALING PANLIPUNAN 6

Max Lorenz A. Viado 6- St. Augustine of Hippo

Page 2: 123456 max

EDITORYAL

Ito ang aking napiling editoryal. Ang ibig sabihin ng editoryal na ito ay dapat tayong magtanim ng mga puno. Sa bawat paghihirap, may magandang bunga. Ang mga puno ay may madaming gamit lalo na sa kalikasan. Ilan dito ay nagbibigay ito ng lilim sa mga lugar, pinapalamig nito ang ating daigdig, nagbibigay ito ng sariwang hangin, pumipigil ito ng mga baha at nagbibigay ito ng tahanan para sa mga ilang hayop. Kapag tayo’y nagtanim ng mga puno, hindi lang natin pinapalamig ang ating bansa ngunit pinipigilan din natin ang mga baha kaya sa tingin ko ay mahalagang magtanim ng mga puno. Kung papansinin natin ang ating kapaligiran, makikita nating mainit ang ating paligid dahil bihira na tayong makakita ng mga taong nagtatanim ng mga puno sa kanilang tahanan o bakuran. Sa tingin ko, kailangan nating palawakin ang ating kaalaman sa mga puno at halaman upang mas makatulong tayo sa ating daigdig.

Page 3: 123456 max

KARIKATURA

Ito ang aking napiling karikatura. Ang ibig sabihin ng karikaturang ito ay kapag pinatilihin natin ang kalinisan ng ating paligid, hindi tayo maaapektuhan ng mga dumi, langaw at iba pang mga maduming organismo. Sa ating mundo, maraming bagay na nagdudulot ng pagkadumi ng ating kapiligiran. Ilan dito ay ang tatlong polusyon, ang polusyon sa tubig, lupa, at hangin. Ang maduming paligid ay labis na nakaaapekto sa ating buhay lalo na sa mga nakababata. Maaaring magkasakit tayo dahil sa mga duming galing sa mga gawa ng tao. Sa tingin ko, mahalagang panatilihin nating malinis at maayos ang ating kapaligiran dahil kung madumi at mabaho an gating paligid, hindi natin kayang mabuhay ng matagal dahil sa mga duming ito.

Page 4: 123456 max

POLUSYON SA TUBIG

Isa sa mga isyung pandaigdig ay ang polusyon sa tubig. Ano nga ba ang polusyon sa tubig? Ang polusyon sa tubig ay ang kontaminasyon ng tubig kagaya ng dagat, lawa o ilog dahil sa kagagawan ng mga tao. Ilan sa mga epekto ng polusyon sa tubig ay pumipinsala ito ng mga organismong nakatira sa mga anyong-tubig at binabawasan nito ang tubig na maaaring magamit ng mga tao. Ilan sa mga sanhi naman nito ay ang mga duming industriyal, duming itinatapon ng mga tao, at iba pa. Upang masolusyunan ang problemang ito, sa tingin ko ay dapat nating iwasang magtapon ng mga dumi kung saan-saan at iwasan din nating magtapon ng mga gamot o mga kemikal sa mga lababo.

Page 5: 123456 max

ILIGAL NA PAGTOTROSO

Kasama rin ang illegal logging sa mga isyung pandaigdig. Ang iligal na pagtotroso ay ang pagkuha, pagbili, at pagbenta ng mga kahoy ng walang permiso galing sa gobyerno. Ilan sa mga epekto ng iligal na pagtotroso ay mas lumalaki ang pagkakataon na dumaloy ang mga baha, at mas iinit ang ating daigdig. Kagaya ng sinabi ko sa aking editoryal, mahalaga ang magtanim ng puno dahil marami itong gamit sa ating mundo.

Page 6: 123456 max

OZONE DEPLETION

Isa pa sa mga isyung pandaigdig ay ang ozone depletion. Ang ozone depletion ay ang pagkawala ng kapa ng ozone. Ang maaaring dahilan ng pagkawala ng ozone ay ang pagkakasira ng ozone dahil sa mga kemikal sa mga chlorofluorocarbons. Ilan sa mga epekto ng ozone depletion ay ang pagkakaroon ng skin cancer at ang pagkapinsala ng mga halaman.

Page 7: 123456 max

POLUSYON SA HANGIN

Isa rin sa mga isyung pandaigdig ang polusyon sa hangin. Ang polusyon sa hangin ay ang pagdumi ng hangin dahil sa mga kemikal galing sa mga pabrika, mga usok na binubuga ng mga kotse at mga usok na galing sa mga plastic, Styrofoam at iba pa. Katulad ng iba pang polusyon, nakakapagdulot ito ng sakit tulad ng asthma, at iba pang sakit sa baga. Sa ating bansa, maraming nagkakaroon ng sakit sa baga dahil sa mga usok na binubuga ng mga kotse, tricycle, at mga dyip. Araw-araw, marami tayong nalalanghap na mga usok galing sa mga kotse at pabrika kaya may posibilidad na tayo’y magkasakit. Dahil dito, pinapayuhan ko ang lahat na tao na magdala ng panyo kapag kayo ay lalabas sa inyong tahanan upang maiwasang magkasakit sa baga.

Page 8: 123456 max

INTERBYU NICOLE D. BULANADI – Ikinalulungkot ko ang nangyayari sa ating kapaligiran, kalikasan, at daigdig. Unti-unti nang nasisira ang ating daigdig dulot ng mga ginagawa natin na nakasasama para sa ating kalikasan. Bilang isang mamamayan at naninirahan sa daigdig na ito, kailangan nating pangalagaan ito dahil wala na tayong mapupuntahang lugar kung nasira itong mundo dahil ito lamang ang planetang may buhay.

DIANA A. VIADO – Para sa akin, dapat mamulat sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran hindi lang ang mga mamamayan ng mundong ito ngunit pati narin ang gobyerno. Kailangang bigyan pansin ng gobyerno ang mga suliraning nangyayari sa ating kapaligiran upang mas guminhawa an gating buhay at mabuhay tayo ng mas matagal.

Page 9: 123456 max

PANANAW NG MANUNULATPara sa akin, naniniwala akong may pagasa pa ang ating mundo na

mabuhay ng payapa at malinis. Kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang mga nangyayari sa ating kapaligiran upang masolusyunan ang mga ito at bigyan ng magandang tirahan ang mga mamamayan ng mundong ito. Malaki ang pinagbago ng ating kapaligiran ngayon kaysa noon. Tuluyan nang nasisira an gating mundo! Ang pag-unlad ng ating bansa ay ang pagbagsak ng ating kapaligiran. Hindi lang ang gobyerno ang may magagawa upang bumuti ang kalagayan ng ating paligid kundi tayo rin. Maaari tayong magtanim ng mga puno at halaman upang magbigay ng sariwang hangin sa bansa, magtapon ng mga basura sa maling tapunan at umiwas na magsunog ng mga plastik upang makatulong sa pagunlad ng ating mundo at kapaligiran. Panghuli, gusto kong mas palawakin ang pagiisip ng mga batang mamamayan upang malaman nila kung ano ang dapat gawin sa kanilang pagtanda.

Page 10: 123456 max

KONKLUSYONKahit tayong mga tao rin ang nahihirapan, hindi natin naiisip at

napapansin na tayo rin naman ang gumagawa ng mga suliraning nangyayari sa ating mundo dahil dito, kailangan nating iwasang gumawa ng mga bagay na makakasama sa ating kapiligiran. Marahil ngang nabubuhay tayo ng payapa at maayos ngunit napapansin ba natin kung ano ang nangyayari sa ating kapaligiran?Tayo rin ang dapat sisihin dahil hindi natin naaalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran. Kaya naman kailangan nating magbago at tingnan ang ating mga pagkakamali.