www.depednaga.com.ph files esp g7 learner s module q1 2 with cover

14
ang pag-unlad ng mga kakayahan ay nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon sa kaniya, ang tunay na kabiguan ay ang kabiguan ng isang taong hindi kumilos upang paunlarin ang kaniyang sarili. Mapalad ang maraming kabataan ngayon at marami ang mga babasahin na nagbibigay gabay kung paano ito gagawin. Isa sa mga ito ang aklat ni Covey. Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng sarili ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkakamit nito. Sabi nga ni Covey, “Begin with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili o Personal Development Plan. Ito ay tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pag-unlad ng sarili. Ito ay pagtatakda rin ng tunguhin (goal) tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Dapat na taglay nito ang mga bahagi ng ating sarili na dapat nating paunlarin o kahinaang kailangang malampasan, kasanayang kailangang matutuhan at mga talento o kakayahang kailangang paunlarin. Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili. Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano-ano ang ating mga kalakasan at kahinaan. Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin. At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga pagbabago. Maaaring ang pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung magagawa natin ito, mas magiging madali na ang iba pang bahagi. Kung ating I-Gogoogle ang salitang talento, karaniwang mababasa natin sa mga resulta na ito ay isang biyaya. Isa sa mga resulta ng search engine na ito ay ang Parable of Talents. Sinasabi sa maikling anekdotang ito na dapat nating gamitin ang ating talento. “Sapagkat sa sinumang mayroon nito, bibigyan pa siya at magkakaroon nang sagana; ngunit ang wala, maging ang sa kaniya ay aagawin pa .” Ito ay isang linya sa Parable of the Talents na binitiwan ng amo sa kaniyang alipin na binigyan niya ng talento ngunit ibinaon ito at walang ginawa upang ito ay 56

Upload: raniellesantos

Post on 30-Oct-2014

2.397 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

ang pag-unlad ng mga kakayahan ay nagsisimula rin sa ating sarili. Ayon sa kaniya,

ang tunay na kabiguan ay ang kabiguan ng isang taong hindi kumilos upang

paunlarin ang kaniyang sarili. Mapalad ang maraming kabataan ngayon at marami

ang mga babasahin na nagbibigay gabay kung paano ito gagawin. Isa sa mga ito

ang aklat ni Covey.

Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng

sarili ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkakamit nito. Sabi nga ni

Covey, “Begin with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawa ng Plano sa

Pagpapaunlad ng Sarili o Personal Development Plan. Ito ay tulad ng isang mapa na

gabay sa paglalakbay tungo sa pag-unlad ng sarili. Ito ay pagtatakda rin ng tunguhin

(goal) tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Dapat na taglay nito ang mga bahagi ng

ating sarili na dapat nating paunlarin o kahinaang kailangang malampasan,

kasanayang kailangang matutuhan at mga talento o kakayahang kailangang

paunlarin.

Simple lamang ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili.

Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon: Ano-ano ang ating mga

kalakasan at kahinaan.

Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto ang

kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin.

At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga

pagbabago. Maaaring ang pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy at

pagtanggap sa ating mga kahinaan. Kung magagawa natin ito, mas magiging

madali na ang iba pang bahagi.

Kung ating I-Gogoogle ang salitang talento, karaniwang mababasa natin sa

mga resulta na ito ay isang biyaya. Isa sa mga resulta ng search engine na ito ay

ang Parable of Talents. Sinasabi sa maikling anekdotang ito na dapat nating gamitin

ang ating talento. “Sapagkat sa sinumang mayroon nito, bibigyan pa siya at

magkakaroon nang sagana; ngunit ang wala, maging ang sa kaniya ay aagawin pa.”

Ito ay isang linya sa Parable of the Talents na binitiwan ng amo sa kaniyang alipin

na binigyan niya ng talento ngunit ibinaon ito at walang ginawa upang ito ay

56

Page 2: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

magamit. Katulad mo ba ang katulong na ito na di ginagamit ang biyayang talento na

ipinagkaloob ng Diyos?

TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

Kamusta ka na? Naunawan mo bang lubos ang mensahe ng binasang

teksto? Ngayon, sagutin mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong

kuwaderno ang iyong mga sagot.

1. May talento ba ang bawat tao? Pangatuwiranan.

2. Magkasinghulugan ba ang talento at kakayahan? Patunayan.

3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Gardner na ang mas angkop na tanong ay “Ano

ang iyong talino?” at hindi “Gaano ka katalino?” Pangatuwiranan.

4. Sang-ayon ka ba sa dalawang bagay na natuklasan nina Prof. Ericsson

tungkol sa talento at kakayahan? Patunayan.

5. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit dapat paunlarin ang ating mga talento

at kakayahan.

6. Bakit mahalaga ang paglinang ng tiwala sa sarili?

7. Ipaliwanag ang mga elemento ng Plano ng Pagpapaunlad sa Sarili.

8. Anong mahalagang aral tungkol sa talento ang ipinahahayag ng “Parable of

the Talents”? Ipaliwanag.

9. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at

kakayahan?

Paghinuha ng Batayang Konsepto

Sa iyong kuwaderno, isulat sa kasunod na graphic organizer ang nahalaw na

malaking konsepto mula sa babasahin. Isang konsepto ay ang sagot sa tanong na:

Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at

kakayahan at ang paglampas sa mga kahinaan?

57

Page 3: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

0

10

20

30

40

50

15

30

40 35

46

35

47

17 25

Multiple Intelligence Survey

Multiple Intelligence Survey

PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO

Pagganap

Gawain 1

Hindi lamang ang iyong mga talento at kakayahan ang natuklasan mo gamit

ang Multiple Intelligence Survey, kilala mo rin ang iyong mga kahinaan. Paano mo

nga ba malalampasan ang iyong mga kahinaan?

Itala ang mga kategorya sa ikatlong bahagi kung saan nakakuha ka ng

mababang marka. Halimbawa:

Mga Kakayahan at Talento

-

-

Mga Kahinaan

-

-

58

Page 4: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

Mababang Marka:

1. Logical-Mathematical

2. Naturalist

3. Existential

Itala ang mga ito sa iyong kuwaderno. Gumupit ng klipings tungkol sa mga

taong matagumpay sa mga larangang ginagamitan ng talino o talentong ito lalo na

iyong mga nagtagumpay sa kabila ng mga kahinaan nila sa larangang ito. Alamin

kung paano nila pinaunlad ang mga talentong ito. Magbasa ng mga pantulong o mga

hakbangin kung paano malilinang ang mga talentong ito.

Marahil sa puntong ito ay malinaw na sa iyo kung bakit kailangan mong

paunlarin ang iyong mga kakayahan at talento, at malampasan ang iyong mga

kahinaan.

Gawain 2

Nakahanda ka na ngayon na magplano upang paunlarin ang mga natuklasan

mong talento at malampasan ang iyong mga kahinaan. Tunghayan ang kasunod na

tsart. Isulat at gawin ang hinihinging mga impormasyon at gawain.

Tsart ng mga Kakayahan (Chart of Abilities)

Pangalan: ___________________________________ Petsa: _________________

Kasarian: ______Edad: ______Antas: _______

Panimula: Punan ang unang hanay ng mga asignaturang iyong pinag-aaralan

ngayon. Lagyan ng tsek ang mga kakayahan na sa iyong palagay ay nakatutulong

sa pag-aaral nang mahusay. Iguhit ang:

kung sa iyong palagay ay taglay mo ang katangian

para sa asignaturang may pinakamataas na marka sa ikalawang hanay

Bilangin lamang ang mga tsek na may katapat na at

59

Page 5: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

Asignatura Mataas na Marka

Kakayahan

Pagsasalita upang

mapakinggan ng iba

Pagsulat upang

maunawaan ng iba

Mahusay sa bilang o

pagtutuos

Nakaiisip ng solusyon sa mahihirap

na suliranin

Nakapaglalarawan sa isipan

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

Kakayahan

Kabuuan

Iranggo ang pagkakaayos ng Abilidad:

1. _____________________ 5. _____________________

2. _____________________ 6. _____________________

3. _____________________ 7. _____________________

4. _____________________

PAGNINILAY

Magsulat ng isang pagninilay sa iyong dyornal.

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa resulta ng “Tsart ng mga

Kakayahan”?

2. May maitutulong ba ito sa kurso na gustong mong pag-aralan o trabaho na

gusto mong pasukan? Ipaliwanag.

PAGSASABUHAY

Gumawa ng Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan gamit ang

iyong mga natuklasan sa iyong sarili.

Isualat sa kasunod na tsart ang iyong plano ng pagpapaunlad ng talento at

kakayahan. Ibatay ito sa naging resulta ng Multiple Intelligences Survey at Tsart ng

Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan.

60

Page 6: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

TSART NG PAGPAPAUNLAD NG MGA TALENTO AT KAKAYAHAN

Mga Talento at

Kakayahan na

Kailangang Paunlarin

(Multiple

Intelligences)

Mga Layunin Panahong Ilalaan

Mga Pamamaraan Mga Taong Tutulong

Mga Kakailangani

ng Kagamitan

(Resources)

Halimbawa: Naturalist

Mapalawak ang kaalaman tungkol sa kalikasan

Maitaas ang

antas ng pagmamalasakit sa kalikasan

Isang Buwan

Magbabasa ng mga aklat tungkol sa kalikasan

Maglalaan ng panahon upang suriin ang lawak ng suliranin ng mundo tungkol sa pagkasira ng kalikasan at sa epekto nito sa mundo.

Lalahok sa samahan na ang adbokasiya ay sa pangangalaga ng kalikasan

Magsasagawa ng mga proyekto para sa kalikasan

Magtatanim ng mga halaman

1. Mga kaibigan 2. Guro 3. Mga kasapi

ng samahan para sa kalikasan

Teksbuk at mga aklat na

hiram sa library

Mga

dokumentaryo tungkol sa

dulot ng pagkasira ng kalikasan sa

tao

61

Page 7: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

Mga Kakailanganing Kagamitan

Multiple Intelligences Survey Form (McKenzie, 1999)

Chart of Abilities (Abiva, 1993)

Sipi ng Babasahin: Pagtuklas at Pagpapaunlad sa Mga Angking Talento at

Kakayahan at Paglampas sa Mga Kahinaan

Mga Sanggunian:

Abiva, Thelma G (1993), Learning Resource for Career Development. Abiva

Publishing House, Inc. Q. C.

Covey, Sean (1998), The 7 Habits of Highly Effective Teens. Fireside: Simon and

Schuster Inc. N.Y., Pahina 73-104

McKenzie, Walter, The One and Only Surfaquarium. Hinango Enero 26, 2010

mula sa http://surfaquarium.com/MI/inventory.htm

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.19 pahina 3/18 1.3.

Hinango Enero 26, 2010 mula sa (http://www.bse.portal)

Tony DiRomualdo. Are Top Performers Born or Made? Hinango Abril 20, 2010

mula sa http://wistechnology.com/article.php?id=2958

Mga Larawan:

http://image.yaymicro.com/rz_1210x1210/0/5e9/practice-makes-perfect---bow-and-arrow-aimed-

at-bulls-eye-5e9096.jpg

http://www.purpleopurple.com/biography/Short-Biography/Michelangelo.jpg

http://3.bp.blogspot.com/_XCYZ1aYxssk/TS_Ccw1KgsI/AAAAAAAAAfY/pNSXoZfmFgY/s1600/wp_tale

ntado1_1024.jpg

http://mintscreen.com/wp-content/uploads/2011/12/showtime.jpg

http://pinoysgottalent.com/files/2009/10/pilipinasgottalent.jpg

http://pinoysgottalent.com/files/2009/10/pilipinasgottalent.jpg

http://www.preschools4all.com/image-files/picture-smart.jpg

http://www.rb-29.net/graa/GRAATMIPgm/TMI%20Scans/eightwaysscans/08.008ways.jpg

http://www.ourschoolzone.com/main/dox/project/mi/bodily/bodily.gif

http://www.wpsvideo.com.au/temp/micups/musical.jpg

62

Page 8: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

http://www.ourschoolzone.com/main/dox/project/mi/intra/intra.gif

http://www.ourschoolzone.com/main/dox/project/mi/inter/inter.gif

http://www.ourschoolzone.com/main/dox/project/mi/nature/natural.gif

63

Page 9: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

Annex 1

I. Sagot sa Paunang Pagtataya

1. d 6. a

2. b 7. c

3. c 8. d

4. d 8. d

5. c 9. d

Rubric para sa Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan

Kraytirya 5 4 3 2 1

May nabuong tiyak na

hakbang sa pagpapaunlad ng mga talento at

kakayahan

Natukoy ang talento at

kakayahanan na pauunlarin

ngunit walang naitalang hakbang

Nakapagtala ng

hakbang sa lahat ng mga

talino na nakakuha ng mababang

marka

Natukoy ang talento at

kakayahanan na pauunlarin

ngunit walang naitalang hakbang

Nakapagtala ng

hakbang sa dalawang talino na nakakuha ng

mababang marka

Natukoy ang talento at

kakayahanan na pauunlarin

ngunit walang naitalang hakbang

Nakapagtala ng

hakbang sa isang talino na nakakuha ng mababang

marka

Natukoy ang talento at

kakayahanan na pauunlarin

ngunit walang naitalang hakbang

Hindi napunan ang lahat ng

kolum sa tsart

Hindi natukoy ang mga talento

pauunlarin

Walang naitalang hakbang.

Ang itinalang hakbang ay: tiyak makatotohan malinaw ang

pagkakasalaysay

Ang itinalang hakbang ay: makatotohan malinaw ang

pagkakasalaysay

Ang itinalang hakbang ay: tiyak malinaw ang

pagkakasalaysay

Ang itinalang hakbang ay malinaw ang pagkakasalaysay

Ang itinalang hakbang ay hindi tiyak, hindi makatotohanan at hindi malinaw ang pagkakasalaysay

May kalakip na patunay ng pagsasakatuparan ng

mga hakbang sa pagpapaun

lad ng talento at

kakayahan

Nakatulong ang patunay upang maging kapani-

paniwala na naisakatuparan talaga ang mga

hakbang

May patunay sa lahat ng talento at kakayahan na

pauunlarin

Nakatulong ang patunay upang maging kapani-

paniwala na naisakatuparan talaga ang mga

hakbang

May patunay sa dalawang talento at

kakayahan na pauunlarin

Nakatulong ang patunay upang maging kapani-

paniwala na naisakatuparan talaga ang mga

hakbang

May patunay sa isang talento at kakayahan na

pauunlarin

May inilakip na patunay ngunit

hindi sapat upang mataya ang aktwal na paglalapat ng

mga pamamaraan na

ginawa

Walang inilakip na patunay

64

Page 10: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

Edukasyon sa Pagpapakatao I

Yunit I

MODYUL 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG

Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?

Marahil, narinig mo na mula sa ibang tao ang pahayag na:

“Mahalin mo ang iyong ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”.

Naniniwala ka ba sa mensahe ng pahayag na ito? Kaya mo bang gumawa ng isang

bagay sa loob ng isang maghapon na kakaunti lamang ang pahinga ngunit hindi

gaanong nakararamdam ng pagod? Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang malalim

na kahulugan ng mga naunang pahayag.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay

b. Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito

c. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa, at paglilingkod sa pamayanan

d. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga sariling hilig

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik d:

a. Ang mga hilig na pauunlarin ay batay sa pagsusuri sa mga larangan at tuon

ng hilig.

b. Malinaw ang mga paraan ng pagpapaunlad ng mga natukoy na hilig.

c. May limang paraan ng pagpapaunlad sa bawat hilig.

d. Angkop ang bawat paraan ng pagpapaunlad ng bawat hilig.

e. Makatotohanan ang mga paraan ng pagpapaunlad ng bawat hilig.

65

Page 11: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

Paunang Pagtataya

Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig maliban sa:

a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong

kompanya bilang isang inhenyero. Namulat siya sa gawain ng kanyang

ama at napansin niyang nagkakainteres na rin siya matematika, pagguhit

at pagdidisenyo.

b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kaniyang mga kaibigan sa larong

badminton. Nais niyang makasama nang madalas ang kanyang mga

kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito sa kabila ng hirap.

Ginagawa nila nang madalas ang gawain na ito nang sama-sama.

c. Si Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong

na siya sa kanilang patahian at lumaon ay nakahiligan na niya itong gawin.

Natutuwa sa kanya ang kanyang ina dahil mahusay na siyang magdisenyo

ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo.

d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang

kapwa. Nang makatapos ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang

kumalap ng tulong sa mga nakaaangat sa buhay para sa mga

nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach

programs at refief operations.

2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain

na kinahihiligan?

a. Nakapagpapasaya sa tao

b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili

c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay

d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap

3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:

a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin

b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.

c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.

66

Page 12: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.

4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid.

Ano-ano ang larangan ng kanilang kinahihilig?

Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang

kaisa niya ang kalikasan.

Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor

na ito ay siya ang nagdisenyo at nagsaayos.

Si Jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng

serbisyo bilang doktor.

Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t

ibang larawan.

a. persuasive, outdoor, clerical, mechanical

b. naturalist, visual, existential, intrapersonal

c. outdoor, artistic, mechanical, social service

d. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual

5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at

tuon ng hilig ni Hadji.

a. Larangan: musical

Tuon: tao

b. Larangan: musical, artistic

Tuon: tao, ideya

c. Larangan: musical, literary

Tuon: tao, ideya

d. Larangan: musical, literary

Tuon: tao, datos, ideya

6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-

akademiko/bokasyunal?

a. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na

tagumpay sa hinaharap.

b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng

kasiyahan sa hinaharap.

67

Page 13: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag-

aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.

d. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang-

akademiko o teknikal-bokasyonal

7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?

a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.

b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong

libreng oras.

c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at

kaganapan sa iyo bilang tao.

d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.

8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay

gumagawa nito kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng mga gamit na

kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang

buwan nakita naman niya nauuso naman ang paggawa ng scrapbook kung

kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit.

Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano ang

matwirang gawin ni Liza?

a. Kausapin ang kanyang magulang upang tulungan siyang piliin ang

wastong kahihiligan.

b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyang-

pansin ang nauuso.

c. Suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang

ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya.

d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya

kung ano talaga ang kanyang nararapat na pagtuunan ng pansin.

Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas-oras, pasa-tiyempo, himagal,

o dibersyon ay isang gawaing nakalilibang na ginagawa ng mga tao upang maaliw o para

sa rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan

ng paggamit ng libreng panahon o oras. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao ang

isang hilig, marami pa itong ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng

pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit

na ginagawa ito na nag-iisa lamang. Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang

hilig. Maaari ring maipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa

68

Page 14: Www.depednaga.com.Ph Files Esp G7 Learner s Module Q1 2 With Cover

loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding

nangangailangan ng natatanging kasanayan. (Hinango sa: http://tl.wikipedia.org/wiki/Hilig)

9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?

a. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal, at pandamdamin.

b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap.

c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung mapauunlad ang mga hilig d. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng

kanilang hilig

10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o

pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:

a. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig. b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng

buong sigla at husay c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan

ang kapwa d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao

upang makamit ang mga ito.

Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain 1

A. Basahin at unawain mo ang kasunod na case study. Pagkatapos ay sagutin

mo ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang mga sagot sa iyong

kuwaderno.

Mula pagkabata, nakasanayan na ni Lesli na panoorin ang kaniyang ina sa paggawa ng

oatmeal cookies. Natuto siyang mag-bake at ito ang kaniyang gustong gawin sa kaniyang libreng

oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang kakaibang sangkap.

Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang timpla. Dahil

dito, nagkaroon siya ng tiwala sa sarili.

Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga kaibigan

bilang regalo. Hanggang nagbigay siya ng mga ito sa isang ‘Home for the Aged’ dahil nabalitaan

niyang wala silang panghimagas.

Sa edad na 15, nagtayo siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang dahil sa

kakaibang timpla ng kanyang mga oatmeal cookies. (www.guideposts.com)

69