janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/you won't hear... ·...

25
You Wont Hear Me Cry (This I Testify) [The Despicable Guy Book 2 Side Story) By: shirlengtearjerky © 2012 2 © 2012 - shirlengtearjerky

Upload: hoangthuy

Post on 23-Mar-2018

222 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

You Won’t Hear Me Cry (This I Testify) [The Despicable Guy Book 2 Side Story) By: shirlengtearjerky © 2012 2 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 2: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

One Romeo & Thousand Juliets Minsan tinatanong nya sa sarili nya kung kailan sya magsasawa sa takbo ng buhay nya. Kung gusto pa ba nya ng ganitong buhay. Sure akong nagsasawa na kayo sa role ng ating bida ngayon. Madalas (at talamak!) ang ganitong lalaki sa Wattpad. Playboy siya. Sinong babae ang di magkakagusto sa kanya? Kilala siya sa campus na gwapo, matalino, mayaman.. lahat na. Pero pag binanggit mo ang pangalan niya, isa lang ang consistent na maririnig nyo: Playboy. Masisisi niyo ba ang pheromones niya? Iba't iba ang reaksyon ng mga tao sa pagiging playboy nya. Maraming naiinis, maraming nandidiri.. Halos sumpain na sya ng mga babaeng nakarelasyon na. Meron na nga syang haters dahil sa ginawa nyang kagaguhan sa mga babae nya. Ang iba naman natutuwa pa sa ginagawa nya. Sino yung mga yun? Malamang barkada nya. Kalat naman sa campus ang reputasyon nya, pero ang mga babae hindi na nadala. Sa mga kwentuhan maririnig mo kung gano sya nakakainis, pero pag ikaw na mismo ang nakaranas ng kanyang charm, wala na. Talo ka na. Gwapo kasi, natural lang na pagkaguluhan sya ng mga babae (at ilang teh). Numbers lang naman ang mga babae para sa kanya, laro lang. Sa sobrang daming kwento tungkol sa kanya, pihadong alam na ng mga babae kung san ang magiging last stop ng relasyon nila. Never syang nagbigay ng motibo na seryoso sya, na tatagal sila. No strings attached ba, just enjoy the ride. Kung marami kang tanong, pwede ka nang pumara. "Alam mo namang saglit lang 'to, diba?" 3 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 3: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Iba't-ibang sagot. Wala siyang pakialam. Sa ilang beses ba naman niyang ginagawa iyon, hindi na siya nag-eexpect ng bago. Nagtatalo na ang mga numero. Alin nga ba ang mas marami, ang mga iniwan niya o ang mga tumagal sa kanya? Yeah, he breaks (crushes) hearts. Malungkot ba siya? Hindi. Sa totoo lang masaya pa nga siya. Wala siyang pakialam sa feelings ng mga babae. Sarili lang naman niya ang mahalaga. Kuntento na sya sa ganun. Siya ang hari ng kanyang mundo. Walang pwedeng makialam. Walang pwedeng manalo kundi sya lang. Ang hindi lang niya alam, may iba nang magpapaikot nito. Two Unfair Verona Kung sya ang playboy ng campus, hindi naman nagpapahuli ang Miss Sungit ng campus. Narinig nya ang kwentuhan tungkol sa babae. Kesyo running for honors daw ito. Matalino. Perfectionist. Kaso.. mataray. Mayabang. All-knowing. Self-righteous. Ayan ang Miss Sungit ng campus. 4 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 4: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Wala naman syang pakialam sa babaeng yon. First of all, hindi nya type ang mga babaeng GC. Tamad sya, gusto nya rin ng tamad. Second, ayaw lang nya. Walang challenge. Natandaan nya yung unang beses na nagkausap sila. Kasama nya ang barkada sa isang cafe, isang hapon. As usual, cutting class. Wala na silang magawa, nakuha na nila ang number nung ate na nasa kabilang table (Hindi nya alam kung pang-ilan na yun) nang biglang bumukas ang cafe door. 3pm, may tao? Sanay silang tumambay sa cafe dahil walang tao pag 3pm tapos.. may tao? "Pssst pre, si Miss Sungit oh!" bulong sa kanya ng isang kaibigan. Agad naman nyang tinignan ang bagong pasok. "Lapitan mo nga! P5500, pag tumiklop yan sayo," natatawang pusta sa kanya ng barkada. Sya pa? Tumayo sya para lapitan ang babae. Yep, gagawin nga nya. Hindi para sa pera, bored lang talaga sya. Kahit malakas ang amoy ng kape sa cafe, naamoy agad nya ang pabango ni Miss Sungit. Likod pa lang nito, mukhang mataray na. Kinalabit nya ito. "Hi Miss." Nang humarap sa kanya ang babae.. napanganga na lang sya. As in nganga. Parang naputol ang dila nya. Blanko ang nya. "It's rude to stare with your mouth open, you know. It's kinda offensive." Ang taray, yan ang una niyang naisip. "May reverse lock jaw kasi ako.. eh baka.. pwedeng tulungan ng lips mo ang lips ko? Mahirap kasi e." Kung anu-ano na lang ang naimbento nyang excuse. No reaction ang babae. Hindi lang pala sya Miss Sungit, Ice Queen pa. Ang dami namang nickname ng babaeng 'to! Imbis suma'got, kinuha nito ang lalagyan ng creamer at ihinagis sa kanya ang laman. Napa-OOOHHHH ang barkada. Sya naman? Nagulat. 5 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 5: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

"So.. the rumors are true. Bastos ka nga." Kinancel ni Miss Sungit ang order nya at naglakad papalabas ng cafe. Bago nya buksan ang pinto, may pahabol pa ito. "Know what? Lesson one: if you want to be respected, try to respect back. I feel sorry for people like you." Wala na syang nasabi. Naiwan sya sa may counter na nakanganga, at may creamer sa katawan. Sayang, maganda pa naman ito. Three Star-crossed Ilang linggo rin syang hindi makamove on sa ginawa sa kanya ni Miss Sungit/Ice Queen. Sa sobrang hindi sya makamove on, sinubaybayan nya ang babae. Hindi sila magka-course o magka-college. Kahit malakas ang connection niya sa ibang tao, wala pa ring makapagbigay sa kanya ng schedule nito. Tumatambay na rin siya sa iba't-ibang café sa vicinity ng campus para makita ang babae. But no luck. Pero pag nakikita nya 'to, pag nakita nya to sa napadaang jeep o lumalabas ng lecture hall.. parang fulfilled sya. Yung inis nya sa ginawa nung babae? Nakakalimutan nya. Teka, bakit nga ba nya hinahanap yon? Niloloko lang nya ang sarili nya. 6 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 6: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Napapagod ba siya sa ganun? Hindi. Pero kung ibang babae yan, matagal na niyang iniwan. Nakakalimutan kasi nila sumunod sa (unspoken) rules. Ang daming possessive, umiiyak pag natapos na ang laro. Yung iba nagagalit. At may iba ring masaya kasi nawala na siya sa buhay nila. Kasalanan ba niya kung magulo ang buhay niya? Na feeling niya magiging maayos ito pag marami siyang babae? Oo, mababaw. Pero totoo. Malas lang niya. Maraming babae ang nagkakandarapa para sa kanya. Sorry sila, hindi sila ang type niya. Tapos ngayon.. sa isang.. ano bang problema nya? Problema nya: Ano ba 'tong nararamdaman nya? Sagot: Hindi nya alam. Hindi sya pwedeng magkagusto sa babaeng 'to. Ayaw nya sa lalaki. Galit sya sa lalaki. Nalaman nyang ilang matatapang ang loob na ang sumubok na lapitan sya, na ligawan sya. Kaso hindi nagtagumpay. Palaging sinasabi nito na walang kwenta ang mga lalaki sa mundo. Mga salot ang lalaki etc. Mukhang mahihirapan ata sya sa isang 'to. First time. 7 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 7: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Four Two Households "Bayaran mo ang damit ko." "Bakit ang taray mo?" "Wala ka bang dila?" "Panget ba ang boses mo?" "Tara hatid na kita!" Wrong move. Hindi nya inakalang mahihirapan sya sa babaeng 'to. Siya, playboy, hirap na hirap? Lintek oo! Ang hirap! Ginawa na niya ang lahat ng tricks na alam niya sa babae. Nireview pa niya ang previous notes niya. Napapamura na lang siya sa huli. Feeling niya bumalik siya sa Kinder, nangangapa sa lahat ng bagay. Wala nang kwenta ang mga taon na experience niya sa babae. "Pare baka friend zoned ka na agad." Agad? Teka, friends ba sila? Hindi! Ni hindi nga sila nag-uusap eh! Pag nagkakasalubong (finally!) sila sa daan, natameme agad siya. Ang babae naman, iiwas. Ganun lang. Reality check: They were never friends. He played every trick on the book right! What's wrong with him? "Baka naman.. gusto ka niyang pahirapan. Alam mo kaming mga babae, pa-hard to get talaga. Deep inside kinikilig yan." 8 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 8: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Gusto niyang sabihin na iba ang babaeng tinutukoy niya. Hindi ito katulad ng karamihan, na madaling makuha. Normally pag pakipot ang babae, nagsasawa agad sya. Marami naman kasing papalit dun eh. But this one's different. Five It Was Never Rosaline "Grabe, nakita mo yung flowers? Ang ganda diba?" "Really? He did that for her? Binayaran talaga nya ang Up Dharma Down para kumanta sa lecture class nya kanina?" "Effort kung effort! Belgium chocolates!" "First time lang nya gawin yan diba? OMG!" Ayan, ginawa nya lahat yan. Para kay Miss Sungit. Kaso wala pa rin. Shet, ano pa ba ang kailangan nyang gawin? Hindi na siya lumalandi. Nagpakatino na siya. Pumapasok na nga siya e. Ano pang kulang? "Oy. Pwede ka ba para sa dinner? Tara!" Lalagpasan lang sya ng babae. 9 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 9: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

"Natikman mo na ba yung chocolate? Masarap ba?" Tinuro ng babae yung box ng chocolates na nasa basurahan na. "Ang galing ng Up Dharma Down noh?" Absent ang babae sa lecture. Araw-araw niyang pinapatunayan na seryoso siya sa babae. Araw-araw din hindi naniniwala ito sa kanya. Nagsimula na silang pag-usapan sa campus. Karma yan, sabi ng karamihan. Tinatawanan siya ng mga tao. Kung kelan naging seryoso tsaka siya ayaw pansinin. May ilan na naaawa sa kanya, himala kasi na magseryoso ang siya sa babae. Kung sa ibang playboy nangyari 'to, pihadong sumuko na agad sila. Pero pag sumuko siya.. hindi. Hindi siya susuko. Sinugal niya ang reputasyon niya para mapatunayan na seryoso siya sa babaeng ito. Wala siyang pakialam sa kung anumang tsismis na kumakalat. Lahat ito ay para sa kanya. Lutak na ang pride niya. Ganyan ba talaga sya katigas? 10 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 10: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Six Lachrymose Dumating ang araw na kinakatakutan nya. Ang araw na kung saan hindi na nya maintindihan kung bakit sya nagkakaganito. Kung bakit sya nagpapakatanga para sa babaeng 'to. Nung una nagagawan pa nya ng dahilan ang lahat ng pinaggagagawa nya. Kesyo bored. Kesyo ang sarap asarin. Kesyo lahat na. Nagdududa na nga ang mga kabarkada nya, iba na raw 'to. Tumatawa na lang sya, sinasabing baliw na ang mga kaibigan. Konti na lang, magsasawa na rin sya sa kakahabol sa babaeng 'to. Kaso.. mukhang hindi sya nagsawa. Kasi kahit malapit nang grumaduate si Ice Queen/Miss Sungit, hindi pa rin nya ito tinitigilan. Isang taon ang agwat nila, idagdag pa ang pagkakadelay niya ng isang taon. Equals a two-year gap. Sinasagad na nya ang pasensya nya. Lahat na ginawa nya. Wala pa rin. Ayaw lang naman nya na grumaduate ang babae na hindi nawawala ang first impression sa kanya nito, na playboy sya. Gusto nya ipakita rito na may natatagong kabaitan sa kanya kahit playboy sya. Na isa lamang maskara ang pagiging playboy nya. Na sa loob nya, merong isang batang gustong makaranas ng totoong pagmamahal. At.. gusto rin nyang malaman kung may pag-asa sya rito. Kung basted man sya, okay lang. At least nasabi nya ang nararamdaman nya. Napatunayan nya na kaya nyang magseryoso. Last chance na 'to, kaya kailangang maging bongga. Maging memorable. 11 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 11: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

"What now, Herrera?" kanina pa palinga-linga ang babae sa paligid. Pinagtitinginan kasi sila sa hallway. Finals na kasi sa university nila kaya busy ang tao. Dapat nag-aral na rin siya ng art theories pero hindi kasama sa priorities niya ngayon ang magbasa ng makakapal na handouts. Hindi niya mapigilang inisin ang babae."Isang taon na kitang kinukulit, di mo pa rin ako matawag sa first name ko." "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" nauna na itong maglakad. Sa likuran ng Arts building niya planong dalhin ang babae. Kanina pa niya hindi maalis ang tingin sa babae, narealize niya na ito na ang huling beses na makakausap niya ito ng harapan. Nang makarating sila sa likuran ng FA Building, tumambad sa kanila ang isang canvas na nakabalot sa puting tela. Bakas sa mukha ng babae ang pagkairita nito. "This is such a waste of time! I'm going." Nagsimula na siyang lumakad pabalik ng main building. "Wait lang." Himalang tumigil ang babae. Nako, ito na ang kinakatakutan niya. Ngayon lang nangyari na tumigil ito sa walkout scene niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya. Wala siyag pinractice na kung anong spiel sa moment na ito. Kung ano na lang ang maisip niya, okay na yun. At that moment gusto na niyang magpalamon sa lupa. Ni hindi niya mabuka ang bibig niya. Ang hirap malaman kung anong reaksyon ng babae. Bland kasi ang magandang mukha nito. Wala syang na syang mapigang emosyon. Todo kabog ang dibdib nya.. sasabihin pa ba nya? 12 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 12: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

"Uhhh.." "Herrera please lang.. gusto kong grumaduate ng mati-" "Anna, mahal kita." Napanganga na lang ang babae sa narinig nya. Seven CODA Hindi makakalimutan ni Jicker ang pangyayaring yun. Ang pagbuka at pagsara ng bibig ni Anna. Ang painting na pinangalanan niyang "Lachrymose". Ang tagaktak ng pawis sa noo niya. Wala siyang masabi kay Anna. Ni hindi niya mahulaan kung ano ang iniisip nito kasi nakatungo na siya. Last chance na niya 'to bago grumaduate si Anna. Nasabi na niya ang gusto niyang masabi, isang paliwanag na lang ang kailangan niya. He took the risk. Bakit hindi pa niya maibigay ang todo? Ayaw niyang asarin siyang duwag. Jicker, come on. You can do it. "Lachrymose. Yan yung title ng painting." No reply. "Ikaw yang nasa painting, in case ayaw mong maniwala. Nakita kasi kita sa may Sunken, 2 years ago. That's how I remember you." 13 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 13: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

... "Bakit lachrymose? Halata naman siguro sa picture kung bakit diba. Ang lungkot mo kasi nung araw na 'yun. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng alaala ko sa'yo na pwede i-paint e yan pa napili ko. Siguro.. ewan. Hindi ko rin alam." "Stop joking, Herrera. This isn't funny anymore." "Hindi ako nagbibiro." Hindi na siya nakasagot. "Anna, alam kong lahat dinadaan ko sa pang-aasar at joke pero gusto kong malaman mo kung ano ang totoo. Galing na rin sakin." Huminga muna siya ng malalim. "Nung una.. alam nating pareho pinagtitripan lang kita. Ikaw pa lang eh, ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng sumagot-sagot sakin ng ganun. Bilib ako sa tapang mo, Anna! Hindi ka tulad ng iba dyan na nagkakandarapa para mapansin ko. Kung akala mong hindi kita mapapansin sa style na yun.. dun ka mali ng tantiya. You caught my eye, Pascua. Kaya pinagtripan kita. "Kaso.. ang hindi ko alam, ang hindi mo alam.. ewan. mahal na ata talaga kita e. Ay, mahal na kita talaga. Sa'yo lang ako nag-effort ng ganito. Alam kong ayaw mong matulad sa mga babae ko pero Anna, pinapangako ko na hindi kita itutulad sa kanila. Sabi nila marami nagtry na ligawan ka, na lapitan ka.. kakapalan ko na ang mukha ko ngayon. Hindi lang ako basta manliligaw, sisiguraduhin ko na magiging tayo." "Oo, malandi ako. Pansin mo naman yun diba?" Pumikit siya saglit. "Alam ko kung ano ang gusto ko, Anna. At ikaw yun. Sa dinami-daming babae na nakasama ko, ikaw ang gusto ko kasi sa'yo ko lang naramdaman to eh. Ikaw ang gusto ko kasi hindi mo ako tinatantanan pag alam mong mali ang ginawa ko. Maraming babae dyan oo, pero ikaw ang gusto ko. Ikaw. Kahit mataray ka pa, masungit o.. bugnutin. Tanga na kung tanga, kaso ngayon lang talaga 'to e. Ngayon lang." 14 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 14: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

"Sa dami ng babaeng pwede kong mahalin, ikaw ang pinili ko. Promise, hindi na ako maghahanap ng iba, ikaw lang talaga. Pero Anna.. isa lang sana ang request ko.." "Sa lahat ng lalaking pwede mong mahalin.. eto ako, nagpiprisinta.. pwede bang.. ako na lang ang piliin mo?" May isang sagot syang hinihintay na manggaling kay Anna. Isang sa-- "Jicker, it's... a no." Eight Thus With A Kiss I Shall Die Expected na niya na ganun ang isasagot ni Anna sa kanya, pero isang malakas na sampal pa rin para sa kanya ang dalawang salitang 'yon. Pokerfaced pa rin siyang tinignan nito. Busy pa nga ito sa pagpagpag ng kung anumang alikabok o dumi bago pa ito tumingin sa kanya. Gusto nyang matawa sa reaction ng babaeng nasa harap nya. Yung alikabok sa sapatos napansin, pero ang confession nya hindi? Panalo. "Eto lang? Para dito kaya mo ako hinila dito?," she sighed while fixing her shirt. "Look.. fine. May gusto ka sakin. You don't have to go this far para makuha ang number ko. This is so.. ridiculous. And childish. If you want my number, you can ask around. Di ba marami ka namang kaibigan? And besides, may Facebook naman ngayon. Yun na lang ang gamitin mo. Tumango na lang si Anna. Lalo siyang nainis. "Hindi naman basta paghingi ng cellphone number mo ang purpose nito. Actually meron na nga akong number mo, hindi lang kita tinatawagan," medyo 15 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 15: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

nasasaktan at naaliw niyang sabi. "Don't cheapen my feelings like that. Uulitin ko, si Jicker Herrera, mahal na mahal kita, Anna Pascua kahit may psycho tendencies ka." She rolls her eyes. "Wag ka nga. Sige na, you have feelings for me. I acknowledge that. Pero sana intindihin mo na wala akong gusto sayo. Wala. Ni katiting na chance wala. Napakaimposible. Tsaka I am not the only girl in this campus. Kahit playboy ka, it's impossible na naubos mo na ang mga babae dito sa Diliman. Teka, malalate na ako sa finals ko. Mauna na ko." Nagsimula na maglakad si Anna palayo sa kanya. Nangati na naman ang dila niya at nagsalita. "Kasalanan ko siguro kung bakit ka makareact ng ganyan. Nagulat ka, oo. Naintindihan ko naman lahat ng sinabi mo pero eto lang: kahit anong sabihin mo, kahit anong gawin mong pagtaboy sakin, mamahalin pa rin kita. Kung magbago man ang isip mo bago ang graduation, nandito lang ako. Kung after graduation naman, nandito pa rin ako. Hindi 'to basta magbabago." Hinintay muna ni Anna na matapos siya sa sinasabi niya. "Lachrymose ang title ng painting diba?" "Yes. This is my graduation gift for you." "Too bad, I don't like paintings. Kung nag-effort kang kilalanin ako, my cheating father is also a painter. I hate men because of him. And what a coincidence, Fine Arts stud-" "Visual Communications major ako, hindi Painting." "Kahit na, you still painted that one. It reminds me of my father. Your painting style resembles his. I hate it. And kung tatanggapin ko yan, parang niloloko ko ang sarili ko. You're just like my father." 16 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 16: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Napatulala na lang siya sa sinabi ni Anna. Katulad ng tatay niya? Kung makakilatis siya ng tao parang kilala niya ito!!! "Don't get me wrong. Maganda ang painting mo, Jicker. I just can't accept it. I'm..whatever. Goodluck na lang sa studies. One year delayed ka na, umayos ka naman." Tumalikod na sya at naglakad pabalik sa building nito. Ni hindi na nya tinapunan ng tingin si Jicker. Merong boses sa loob nya na nagsasabing.. sana hinalikan mo na lang sya. Nine You Can’t Always Get What You Want Taong 2007 naganap ang lahat ng iyan. May mga araw na napapaisip si Jicker kung gusto pa niya ang takbo ng buhay niya. April 25 ang Graduation ni Anna, magna cum laude sa kursong BS Geology. Hindi niya pinanood ang graduation. Bakit pa niya papanoorin, ha? Para masaktan lang siya ulit? Hindi siya masokista. Hindi na. Umalis na lang siya papuntang Europe. Nag-file siya ng leave of absence sa university. Sinuyod niya ang lahat ng art galleries sa France at Italy. Gusto niyang malaman kung bakit ang gaganda at puno ng buhay ang mga painting doon. Sa totoo lang, pinipilit niyang hanapin mula sa mga iyon ang bagay na wala sa kanyang painting na Lachrymose. Bakit ba hindi ito nagustuhan ni Anna? Pinaghandaan nyang mabuti 'yon! Halos isang taon syang dry spell sa pagpipinta pero dahil gusto niyang mapatunayan kay Anna na seryoso siya dito, ginawa niya ang pinakamagandang painting sa abot ng kanyang makakaya. 17 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 17: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Kaso wala eh, hindi tinanggap. Maganda nga, ayaw naman kunin. Pinili niyang kalimutan si Anna. Pinilit. Kaso wala talaga, nakatatak siya sa utak nito. Nang pumunta siya sa Germany, dun siya namulat sa ibang kasiyahan. Nung unang beses, nandiri siya sa sarili niya. Bakit niya nakayang humalik sa isang lalaki? Hindi niya rin alam. Baka siguro sa alcohol? Sa coke na nakahalo sa yosing binigay sa kanya? Ewan. Kahit masama, kahit nakakadiri, ginawa pa rin niya. Dahil dun lang siya naging masaya pagkatapos ng lahat ng iyon. Sa loob ng 8 months niya sa Europe, hindi na niya mabilang kung ilan ang naging boyfriend niya. Marami ang nagkakandarapa sa kanyang babae at bading sa Europe, iba kasi ang charisma niya dun. Ramdam na ramdam niya ang daming naghahabol sa kanya. Napapamura na lang siya sa inis. T@ngina, namiss niyang maging habulin! Isang taon siyang nagkandarapa para sa isang babaeng hindi man lang siya pinansin? Na turing siyang basura? Pinagpalit niya 'tong panandaliang saya sa isang.. Ice Queen? Baliw na siguro siya. Oo, naging baliw siya. Noon. Hindi na niya uulitin 'yon. Ayaw na niyang maging t@nga pa. 18 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 18: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

May realize pala siya habang nasa Germany. Ibang klase pala ang feeling ng hinahabol ka ng lalaki. Hindi sila kasing needy ng mga babae, pero di hamak naman na mas sweet sila. Turing nga sa kanya ng mga bading na German dun e babaeng-babae! Teka, bading na nga ba siya? Hindi. Para sa kanya role-playing lang ang lahat ng ito. Para san pa ang uno niyang grade sa Thea 10 nung freshman siya? Sa lahat ng subject niya, dun lang siya nagkainteres na pumasok. Buti na lang at ganon, nagamit niya rin ang kanyang acting skills. Panandalian lang naman lahat ng iyan. Umuwi siya ng Pinas ng January 2008. Tinawagan na kasi siya ni Marlo, hinahanap na raw siya ng professor nito. Delayed na kasi siya ng isang taon. Bayaan na, uuwi na lang siya. Hindi na niya type ang ambiance sa Germany. ** Usap-usapan siya pagbalik niya ng Diliman. Marami kasing tsismis na kumalat tungkol sa homosexual relationships niya sa Germany. Tinawanan lang niya ang iba. Ano ngayon kung pumatol siya sa lalaki? At least foreigner ang natikman niya! Nagkita sila ni Marlo sa isawan ni Mang Larry. Bakit nga ba wala si Marlo sa lahat ng pinagdaanan ni Jicker? Nasa US kasi siya, exchange student sa University of Michigan nang mga panahong yon. Wala ngang kaalam-alam si Marlo sa mga nangyari. Kaya gulat na gulat ito sa nangyari sa bestfriend niya. Natututong siyang magtaray. Ayaw magsalita ni Marlo, bakit siya ang magsisimula? 19 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 19: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

20 minutes na silang kumakain ng isaw pero wala pa ring nagsasalita. Nagtataka na nga si Mang Larry kung anong gagawin ng dalawang 'to. "Ano, hindi ka naman nagka-STD?" sabi ni Marlo matapos niyang maubos ang huling stick ng isaw. "I am not that dumb. I had myself tested." "Tara inom." Naglakad sila papunta sa condo ni Marlo sa Katipunan. Nang walang imikan. ** Nagulat na lang si Jicker nang malaman niyang nanalo yung painting niya sa isang contest. Galit na galit siya kay Marlo na nagpasa ng painting. "Maganda yung painting mo. Bayaan mo na, hindi rin naman makikita ni Anna yang painting mo. Wag kang bitter." "Isa ka pang t@nga! Who told you to pass that?" "Wala.. pero. Ewan. May bago ka nang buhay ngayon. Bakit hindi yan na lang ang pagtuunan mo ng pansin?" Kalat na kasi sa campus na bading siya. Bading kung bading! Sira na rin naman ang reputasyon niya dahil kay Anna eh. Sinasabi ng iba na karma sa kanya ang pagiging bading. Yung mga ex naman niya biglang nanghinayang. Sayang kagwapuhan! Pakshet na kagwapuhan yan! Gwapo nga, basted naman ng taong mahal niya. Anong klase yon? ** Nasa Africa raw si Anna, naghahanap ng petroleum or something something. 20 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 20: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Balita sa kanya ng isa niyang kaibigan, habang kinukunan sila ng grad pic. Pakialam niya dun? ** One year din ang nakalipas. Medyo nawawala na ang sakit. Nakagraduate siya, BA Fine Arts Major in Visual Communication. At pinanindigan na niya ang assumption ng lahat sa kanya. Nasanay na siyang maging bading. Medyo naging bading siya. May ka-fling, kaso bihira.Pag napagtripan lang niya. This went on for years. Sinoportahan na lang siya ni Marlo all the way. Wala na rin siyang magagawa para mabago ang isip ng bestfriend. But one day, something happened. He met a girl. A girl just like Anna. Ten Doppleganger Nakilala niya si Jersey dahil kay Marlo. 21 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 21: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

2015. Plano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si Marlo at siya naman ay Visual Communication. Parehas silang photography enthusiast kaya madali lang sa kanila ang magconceptualize. Kaso hindi nila kayang sila lang dalawa ang mag-manage sa lugar kaya nirecommend ni Marlo si Jersey, na kaklase niya sa isang major sa masteral. May gig ang Hijo sa Saguijo nung gabing pinakilala ni Marlo si Jersey. Medyo nakainom na siya nun at nang makita niya si Jersey.. isang bagay lang ang nagregister sa utak niya. She's like Anna. Hindi naman sa katulad na katulad. Actually magkalayo si Jersey at Anna. Mula sa pananamit hanggang sa lifestyle, halata ang pagkakaiba nila. Ewan niya kung bakit si Anna agad ang pumasok sa utak niya pagkakita kay Jersey. "Jick, si Jersey nga pala. Siya yung sinasabi kong classmate ko sa masters." Nginitian siya ni Jersey. "Hello. Nice to meet you," at inextend ang kamay nito. "Hello," may konting pagtataray at nakipagkamay naman siya sa babae. Buong gabing magkausap sina Marlo at Jersey, as if wala siya sa tabi ng dalawa. Well ilang beses naman tinry ni Jersey na kausapin siya kaso maiikli lang ang sagot nito. Eventually she stopped talking to him. Halata kay Jersey na medyo natatakot siya sa kanya. Habang pauwi ang magbestfriend, tinanong siya ni Marlo. Si Anna nakita mo kanina noh? Hindi na lang siya sumagot. 22 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 22: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Kung galit ka kay Anna, wag mong gawing outlet si Jersey. You barely know the person. Silent treatment ang drama niya. Naging b*tchy siya kay Jersey mula sa araw na yon. Pag nagmemeet sila sa pagpaplano at kung anu-ano pa, hindi niya ito pinapansin. Bahala siya sa buhay niya. Si Jersey naman? Ginagawa lahat para mapalapit ang loob sa kanya. And that made him hate her more. ** 6 months ding ganun ang drama nilang dalawa. Umabot din sa point na nagsawa si Jersey sa kakareach out sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang loka, sa wakas hindi na siya guguluhin ng babae. Kaso napansin niyang medyo naging matamlay si Jersey, at palaging late pumasok sa studio. Isang araw, pumasok si Jersey ng 2pm. 11am ang call time nila nang araw na yun. Hoy, ano bang problema mo?!? Napaka-unprofessional mo teh!!! talak na talak niyang sabi. Tinignan lang siya ni Jersey. At boom. Kita niya sa mga mata nito ang lungkot. Tumahimik na lang siya. Nagkataong tumambay siya ulit sa Saguijo. Nagulat siya nag makita niya si Jersey na kausap si Mong sa may parking lot. Aba, sabi niya sa sarili, rockstars pala ang tipo ni Jersey! Mabilis siyang pumasok sa loob at uminom. 20 minutes later tumabi sa kanya si Jersey. Hindi sila nag-imikan. 23 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 23: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

"Boyfriend mo ba yung Mong?" nagulat siya sa sarili niya. Bakit niya yun tinanong? "We're dating." "Ah." Yun lang. Ganun lang silang dalawa. Para pa ngang may contest ang dalawa, kung sino ang unang malalasing. Malas, siya ang unang nalasing. Sumunod naman agad si Jersey. "Alam mo," sabi ni Jersey sa kanya. "I think you're not gay." He frozed. How could she know? 7 years na siyang nagpapanggap na bading (kasi bisexual naman talaga siya) tapos etong babaeng 'to na kinaiinisan niya for 6 months lang ang makakahalata? Ngayon nga lahat ng tao tingin sa kanya e bading. Si Jersey lang ang makakahalata ng totoo? "Sira ka teh, I am gay. Gay as ever!!!" pinigilan niya ang pangnginginig ng boses niya. "You're not." "Masasampal kita sige." "My gay-dar didn't detect you. You are not gay." May part sa kanya na naiinis and at the same time na natutuwa. Ang galing bumasa ng taong 'to, in fairness! "Sige nga. Pano mo naman masusure na hindi ako bading?" Nginitian lang siya ni Jersey. And seconds later, they were kissing. 24 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 24: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

Jersey was the one who broke the kiss. Gulat na gulat siya sa ginawa ng babae. Bakit siya hinalikan nito? Define nganga siya sa nangyari. "Goodness! LESBIANISM!!!" yan lang ang nasabi niya. "Felt that?" "Felt what?!? Your tongue? PLEASE LANG TEH HA. KADIRI KA!!!" "I saw it. You felt something. You're just scared to admit it." Isa lang ang narealize niya nung gabing yon, masarap palang kausap si Jersey pag lasing. ** "It's my ex boyfriend's birthday today," yan ang sagot ni Jersey sa kanya nang dumating ito sa isang pictorial na naka-all black. Medyo okay na sila ni Jersey ngayon, pinakilala na nga siya sa barkada. Gustung-gusto niya ang company nina Amae at ganun din naman ang barkada sa kanya. Hinigit niya si Jersey papunta sa isang cafe right after the shoot. "Ano ka ba teh, one year na kayong break! Wag mo nang isipin!" "Ang dali lang kasi para sa'yo nyan. Gay imposter!" "WAG KA NGANG MAINGAY!!!" "Jick, ganito ba talaga yun? Ganito kasakit?" Nahirapan siyang sagutin ang tanong ni Jersey. Siya rin naman, nasasaktan. Narinig niya sa dating orgmate niya na kinasal na si Anna, na nakatira na ngayon sa Canada. 8 years ago na yun pero tanda pa rin niya. Sa totoo lang, hindi pa niya 25 © 2012 - shirlengtearjerky

Page 25: janelleemaryconese.yolasite.comjanelleemaryconese.yolasite.com/resources/You Won't Hear... · Web viewPlano kasi nila ni Marlo na magtayo ng sariling studio, since Film graduate si

nasasabi kay Jersey ang tungkol kay Anna. Past is past nga, diba. Ayaw na niyang ungkatin ang nakaraan. Sa pagkakakilala niya kay Jersey, gagawin niya ang lahat para mapasaya ang isang kaibigan, whatever it takes. He smiled bitterly before answering,"When you love someone, you also give them the power to hurt you." "I heard about Anna." Nanlamig siya sa narinig. "Nagtataka ka siguro kung bakit ko alam. Don't worry. Walang sinabi sakin si Marlo. Matagal ko nang alam, Jick. Ilang beses ka kayang nadulas pag lasing tayo. You still love her, right?" "She's married." Halata ang disappointment sa mukha ni Jersey. "Oh. I'm sorry." "It's nothing. Siguro hindi lang kami talaga para sa isa't isa. Scratch that, hindi talaga ako para sa kanya." "Pero.. para sakin siya na talaga," bulong ni Jersey na narinig niya. She started to cry. Wala siyang gusto kay Jersey. Hindi siya in love o kung anuman sa kanya. Sa katunayan nakikita niya ang sarili niya sa kaibigan. Ayaw niyang maulit kay Jersey ang nangyari sa kanya. Kaya simula nun, pinangako niya sa sarili niya na ipagtatanggol si Jersey. Pati gagawan niya ng paraan para magkabalikan sila ni Kevin. Okay lang na wala siyang lovelife, basta masaya si Jersey, masaya na rin siya. "Ano ka ba Je, tama na drama. Yung uhog mo kumakaway na sakin." 26 © 2012 - shirlengtearjerky ** Umuusad ang plano ng Secret Society. Lumelevel up na sila. Kaso may problema, may girlfriend pala si Kevin. Si Tracy. Hindi niya akalaing alam ni Tracy yung painting nyang Lachrymose. Na nanalo ng first prize dahil kay Marlo. Nagkatinginan na lang sila ni Jersey nun. Bakas kay Jersey ang concern sa kaibigan. Ngumiti na lang siya, para bang sinasabi na "Okay lang ako", pero hindi. ** 9 years na mula nung binasted siya ni Anna. Hindi na ito bumalik ng Pilipinas. Tanggap na niya sa sarili na wala na siyang pag-asa. Nakamove on na rin siya. Minsan napapaisip na lang siya kung gusto pa ba niya ang takbo ng buhay niya. Oo, gusto naman niya. Kaso

kulang. -END-