wikang pambansa

3
Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran Minsan ba dumaan sa inyong mga isipan kung bakit at paano nagkakaintindihan ang bawat tao sa iisang lugar? Naisip ko tuloy na para itong katulad ng pamosong linya ng sulit.com na hanap, usap at deal. Sa halimbawang ito mas lubos kong naintindihan kung paano nagkakaintindihan ang bawat taong tumatangkilik sa sulit.com hindi ito yung bagay na ipinagbibili o yung bagay na gusto mong mabili kung hindi ang salitang ``usap’’ na kung saan mas lubos na nagkakaintindihan ang dalawang taong may magkaibang layunin ngunit parehong nakakamtan ang kanilang magkaibang layunin. Nakakatuwang isipan na dahil mayroon tayong iisang wika, nagagawa nitong mapagkasundo ang mga taong hindi naman magkapamilya, magkaibigan, at higit sa lahat magkakilala. Ang wika ay isa sa pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao. Sa tulong ng wika ay malaya nating naipahahayag ang ating nararamdaman, at nasasaisip, ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakaunawaan ang tao sa mundo. Naalala ko tuloy noong ako ay nasa ikalimang baiting, isa sa mga napag-aralan namin ay ang naging dahilan ng digmaan ng Pilipino at Amerikano. Nakakalungkot isipin na ang simpleng hindi pagkakaintindihan ay nagdulot ng napakalaking pinsala sa buhay ng bawat Pilipinong nagnanais na makalaya laban sa mga mananakop. Bagamat maraming mga dayuhan ang nagtangka at sumakop sa atin ay hindi parin tayo

Upload: cacai-gariando

Post on 09-Dec-2015

30 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

wika

TRANSCRIPT

Page 1: Wikang Pambansa

Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran

Minsan ba dumaan sa inyong mga isipan kung bakit at paano nagkakaintindihan ang bawat tao sa iisang lugar? Naisip ko tuloy na para itong katulad ng pamosong linya ng sulit.com na hanap, usap at deal. Sa halimbawang ito mas lubos kong naintindihan kung paano nagkakaintindihan ang bawat taong tumatangkilik sa sulit.com hindi ito yung bagay na ipinagbibili o yung bagay na gusto mong mabili kung hindi ang salitang ``usap’’ na kung saan mas lubos na nagkakaintindihan ang dalawang taong may magkaibang layunin ngunit parehong nakakamtan ang kanilang magkaibang layunin. Nakakatuwang isipan na dahil mayroon tayong iisang wika, nagagawa nitong mapagkasundo ang mga taong hindi naman magkapamilya, magkaibigan, at higit sa lahat magkakilala.

Ang wika ay isa sa pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao. Sa tulong ng wika ay malaya nating naipahahayag ang ating nararamdaman, at nasasaisip, ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakaunawaan ang tao sa mundo. Naalala ko tuloy noong ako ay nasa ikalimang baiting, isa sa mga napag-aralan namin ay ang naging dahilan ng digmaan ng Pilipino at Amerikano. Nakakalungkot isipin na ang simpleng hindi pagkakaintindihan ay nagdulot ng napakalaking pinsala sa buhay ng bawat Pilipinong nagnanais na makalaya laban sa mga mananakop. Bagamat maraming mga dayuhan ang nagtangka at sumakop sa atin ay hindi parin tayo sumuko upang makamit ang ating minimithing kalayaan na kung saan malaya nating magagamit at mapapaunlad ang ating sariling wika. Isang pagpapatunay na tuluyang nililinang at pinayayabong ang ating sariling wika nang lagdaan ng dating Pangulong Manuel Luis Molina Quezon noong taong 1935 na Tagalog ang Pambansang Wika sa Pilipinas na kung saan ito ay naging daan upang lalo pang mabuklod ang mamamayang Pilipino. At sa patuloy na pag-unlad ng ating wika, patunay ito na ang Wikang Filipino ay buhay at patuloy na pinahahalagahan ng mga Pilipino. Isa sa magandang halimbawa nito ay ang ating pangulo na si Pangulong Benigno Aquino III na kung saan sa tuwing siya ay magpapahayag ng kanyang SONA ay ginagamit niya ang ating sariling wika sapagkat naniniwala siyan na mas lubusang maiintindihan ng mga Pilipino ang tunay na kalagayan ng bansa sa kung siya ay gagamit ng wikang Filipino. Ito ay isang tanda na kung saan ang wika ay daan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.

Page 2: Wikang Pambansa

Kung tunay na pag-iibayuhin ang paggamit ng wikang Filipino, hindi magtatagal isa na tayo sa mga bansang namamayagpag hindi lang sa kontinente ng Asya kung hindi sa buong mundo, dahil ang wikang Filipino ay hindi tulad ng mga salik sa pagpapaunlad ng ekonomiya na kung saan kung wala ang isa ay hindi nito makakayang mapa-unlad ang bansa kung hindi ito ay isang sandata nagbubunga ng pagmamahalaan, pambansang kapayapaan at pambansang kaunlaran na nagbubuklod sa bawat mamamayang Pilipino.

Sa kasalukuyan, isang malaking hamon sa mga Pilipino ang pagkamit ng kaunlaran ng bansa gamit ang wikang Filipino bilang pambansang wika, ngunit sa kabila nito ay patuloy parin ang pag-alab ng damdaming makabayan ng bawat Pilipino na kung saan hindi nagpapadala sa mga makabagong bagay na nagdudulot ng pagbabago ng isipan at damdamin ng isang tao. Bakit? Eh bakit pa sa tingin mo nagtitiyaga ang mga Pilipino sa “Hanap Usap at Deal”? Eh kasi ang mga Pilipino Hahanap at hahanap ng paraan upang mapaunlad ang bansa , Mag-uusap ng mag-uusap gamit ang wikang Filipino upang makamit nila ang Deal na kung saan ito ay tanda ng pagbubuklod ng mga Pilipino tungo sa pambansang kaunlaran.