wikang ipaglalaban

2
Cabana, Gabrielle Aine Creative Writing SPA 7-Artistry Wikang Ipaglalaban Napakamoderno na ng henerasyon natin ngayon. Pati rin sa pagtuturo ng mga guro ay napapansin kong moderno na rin. to ang nagtutulak sa mga estudyante nila upang gayahin sila sa paraan nila ng pagtuturo at pagsasalita na rin. At dahil sa mga nangyayaring ito, mayroong isang !ika na unti-unti nang nalilimutan at namamatay. Ayon sa Pilipino Star Ngayon, mayroong bagong memorandum ang Commission on Higher Education (CHED) na tatanggalin na nila ang asignaturang "ilipino sa korikulum ng #olehiyo. to ay ang ikinagulat ng mga mamamayan at ngayon ay mas nagiging "anti-Filipino" na ang CHED. Ngunit, ang ginaga!a ba nila na ito ay makabubuti para sa atin$ Nag-isyu naman ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court sa CHED dahilan pa rin sa memorandum %& nila na magtatanggal sila ng asignaturang "ilipino sa kurikulum ng mga #olehiyo. Agad namang dinepensahan ito ng CHED Eecuti!e Director na si 'ulito (itriolo nang sabihin niyang napakaimportante ng reporma na ito sa #-)% dahil ililipat lang naman nila ang asignaturang ito sa senior highs*hool. Sa mga pangyayaring ito, sino na nga ba ang nasa tamang panana! ngayon$

Upload: alice-del-rosario-cabana

Post on 02-Nov-2015

232 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

wika

TRANSCRIPT

Cabana, Gabrielle Aine Creative WritingSPA 7-ArtistryWikang Ipaglalaban

Napakamoderno na ng henerasyon natin ngayon. Pati rin sa pagtuturo ng mga guro ay napapansin kong moderno na rin. Ito ang nagtutulak sa mga estudyante nila upang gayahin sila sa paraan nila ng pagtuturo at pagsasalita na rin. At dahil sa mga nangyayaring ito, mayroong isang wika na unti-unti nang nalilimutan at namamatay.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, mayroong bagong memorandum ang Commission on Higher Education (CHED) na tatanggalin na nila ang asignaturang Filipino sa korikulum ng Kolehiyo. Ito ay ang ikinagulat ng mga mamamayan at ngayon ay mas nagiging "anti-Filipino" na ang CHED. Ngunit, ang ginagawa ba nila na ito ay makabubuti para sa atin?

Nag-isyu naman ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court sa CHED dahilan pa rin sa memorandum 20 nila na magtatanggal sila ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng mga Kolehiyo. Agad namang dinepensahan ito ng CHED Executive Director na si Julito Vitriolo nang sabihin niyang napakaimportante ng reporma na ito sa K-12 dahil ililipat lang naman nila ang asignaturang ito sa senior highschool. Sa mga pangyayaring ito, sino na nga ba ang nasa tamang pananaw ngayon?

Marami akong nasasaliksik tungkol sa ating wika. At nalaman kong napakahalaga nito dahil ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa ating bansa. Ngunit sa pananaw ko ay tama lang na maglagay ng TRO ang Supreme Court sa CHED para ipaglaban ang ating asignatura at wika. Ngunit, mayroon lang akong isang tanong sa aking mga kababayang Pilipino, kaya rin ba natin ipaglaban ang ating sariling wika?

Criteria:Pagsulat: Pamagat (Unique) (20%)- Kaugnayan ng pamagat sa nilalaman (30%)- Nasusunod ang mga paraan ng pagsulat ng sanaysay na nangangatwiran (40%)- Bantas, gamit ng maliit at malaking titik, talata, pangungusap (10%)-

Pagbasa: Tiwala sa sarili (30%)- Paraan ng pagbabasa (35%)- Tindig at kilos/tayo (10%)- Boses (Malinaw) (25%)-