wastong bigkas ng mga salita

17
Wastong Bigkas ng mga Salita

Upload: jenita-guinoo

Post on 22-Jan-2018

1.233 views

Category:

Education


22 download

TRANSCRIPT

Page 1: Wastong bigkas ng mga salita

Wastong Bigkas ng

mga Salita

Page 2: Wastong bigkas ng mga salita

Kasama sa araw-araw na paglalakbay ng tao angpakikipag-ugnayan gamit ang wika.Ang wika aydapat na nakapagpapatatag ng bigkis ng mga taosa pamamagitan ng pagkakaunawaan.Kaya namanmahalagang pag-aralan ang maliliit na sangkap ngwika dahil ang mga ito ang maghahatid sa atin nghigit na pagkakaunawa sa mga salita omensaheng dapat ipahayag.

Page 3: Wastong bigkas ng mga salita

Suprasegmental:

-ang suprasegmental ay isa sa

mahahalagang bahagi ng pag-aaral ng

wika.Nagiging epektibo lamang ang kahulugan

ng isang salita kung angkop ang tono,diin,at

antala nito. Ito ay binubuo ng dalawang

pinagsama: supra at segmental.

Page 4: Wastong bigkas ng mga salita

Ang segmental ay nangangahulugan ng

“katumbas na tunog ng isang titik.”Kaya sa pag-aaral

ng suprasegmental,pinag-aaralan dito hindi lamang

ang tunay na tunog ng isang titik kundi maging ang

labis (supra) pa sa usapin ng tunog.Kasama rito ang

angkop na paraan ng pagbigkas ng salita tulad ng

wastong tono,diin,at antalang maghahatid ng

kalinawan sa pagpapahayag ng nais ipahayag.

Page 5: Wastong bigkas ng mga salita

Ang mga tunog ng bawat titik kapagpinagsasama ay kumakatawan sa iba’tibang kahulugan depende sapagkakabigkas nito.Sa wikang Filipino,maraming salitang pareho ng baybayngunit magkaiba ng ibig sabihin.Pag-aralan ang mga sumusunod na Halimbawa:

Page 6: Wastong bigkas ng mga salita

1. Magbasa kaMaaaring magbigay ito ng kahulugang

angkop lamang sa konteksto tulad na lamangng pag-uutos na magbasa ng libro o isangpangungusap /mag.basa/ ka.Maaari rinnais ng nagsalita nito na kumuha ng tubig angisang tao upang basain ng tubig ang kanyangsarili /magbasa’/ ka.

Page 7: Wastong bigkas ng mga salita

2. Paso

Ang paso ay maaaring may kinalaman sa mainit na bagayna nahawakan ng isang tao na nagdulot ng kaniyang hapdisa balat /pa.so’/,o maaari din namang may kinalaman ito saisang bagay na pinagtataniman ng isanghalaman/paso’/.Maaari din itong mangahulugang sira na o“expired”/paso/.

Narito pa ang ilang halimbawa:

Pamimili/pa.mimilih/ - kilos o paraan ng pagbili ng maraming bagay o pamamalengke

pamimili/ pa.mimili’/ kilos o paraan ng pagpili mula sa ilangpamimilian

Page 8: Wastong bigkas ng mga salita

Narito pa ang ilang halimbawa:Pamimili/pa.mimilih/

- kilos o paraan ng pagbili ng maraming bagay o pamamalengke

pamimili/ pa.mimili’/- kilos o paraan ng pagpili mula sa

ilang pamimilian

Page 9: Wastong bigkas ng mga salita

Magiging epektibo lamang angpakikipag-ugnayan kung isasaalang-alangang angkop na tono, diin, at antala ngpagbigkas ng mga salita. Higit na malinawang usapan at mabuti ang pagdaloy ng pag-unawa kung ginagamit nang mahusay angmga sumusunod:

Page 10: Wastong bigkas ng mga salita

A.Tono- ito ay ang pagbaba at pagtaas sa bigkas o

intonasyon ng pantig. Ang tono ng isang salita aynaiiba ang gamit depende sa pagkakabigkas. Isanghalimbawa nito ang pagtatanong at pagpapahayag.

Pupunta ka sa silid-aralan.Pupunta ka sa silid-aralan?Pupunta ka sa silid-aralan!

Page 11: Wastong bigkas ng mga salita

Maaari din naman sa isang salitalamang ito Makita.Halimbawa:

Mamaya? – nagtatanongMamaya! - Nagsasabi ng panahon na

may matinding damdaminMamaya. - naglalahad ng panahon

Page 12: Wastong bigkas ng mga salita

B. Diin- ito ay ang lakas o bigat ng bigkas ng isang

salita o pantig. Kumakatawan sa diin ang simbolongpaiwa gaya ng nasa loob ng vergules:/’/Halimbawa:

kilala/ki.lalah/ (alam ang pangalan)kilala’/kila.lah/ (tanyag)tubo’/tu.bo’/ ( interes)

Page 13: Wastong bigkas ng mga salita

Tubo/tu.boh/-(matigas na bagay nagawa sa plastic o bakal)

Puno/puno’/ - (wala nang pagsisidlan)Puno/pu.no’/ - ( tanim, tumutubo, may

sanga at dahon)

Page 14: Wastong bigkas ng mga salita

C. AntalaAng antala ay patungkol naman sa haba at hinto ng

pagkakabigkas ng salita. Ang haba ng bigkas ay gumagamitng simbolong /./ at /?/ na hudyat kung paano bigkasin ang tiyak na patinig sa isang pantig. Ang hinto naman ay tumutukoy sa pansamantalang tigil sa pagbigkas ng isangsalita at gumagamit ng simbolong /#/ o /,/ bilang hudyat ng paghinto.Halimbawa:1. Hindi,/bu.kas/ - No,tomorrow2. Hindi /bu.kas/ - Not tomorrow3. Hindi,/bukas/ - No it’s open4. Hindi/bukas/ - Not open

Page 15: Wastong bigkas ng mga salita

Pagsasanay:A. Magtala ng anim na salitangmagkakapareho ang baybay ngunitmagkaiba ang ibig sabihin. Gamitin ang mgaito sa pagbuo ng rap kaugnay ng napanoodna video tungkol sa isang masayangpaglalakbay sa ibang bayan.

Page 16: Wastong bigkas ng mga salita

B. Gumawa ng maikling sanaysay na hindilalampas sa tatlong talata nanagpapaliwanag ng pangungusap na ito:“Hindi naman ito tungkol sa iyong sinabi.Ito ay tungkol sa kung paano mo ito sinabi.”Iugnay ito sa iyong natutuhan sa pag-aaralng suprasegmental.

Page 17: Wastong bigkas ng mga salita

Kinuha mula sa sipi:Pinagyamang Wika at Panitikan 9Edisyong K-12Batayang AklatNina:

Mar Anthony Simon dela CruzJulie Hementera – Agato