wait

4
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School) Lakandiwa: Minamahal naming mga kamag-aral Mga magulang, mga guro at prinsipal Mga panauhing pinagpipitaganan Naririto ngayon sa’ting paaralan. Magandang umaga po, ang bating marangal Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang Ikalimang baitang ang amin pong alay Ipagmamalaki, isang balagtasan. Wikang Filipino ay sariling wika At ang wikang English ay wikang banyaga Kapwa ginagamit ng may pang-unawa Higit na mahalaga, alin na nga kaya? Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala Dalawang mahusay, maganda at batikang makata Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila. Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald At sa wikang English ang makakalaban Bb. Lariza ng Grade V- Section one. Wikang Filipino: Sa puso at diwa, ako’y Pilipino Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko May sariling wika, wikang Filipino Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko. Wikang Filipino ay wikang panlahat Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas Sa pagkakaisa naipahahayag Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad. Wikang English: 1

Upload: jcfish07

Post on 30-Sep-2015

229 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

With

TRANSCRIPT

Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)Lakandiwa:Minamahal naming mga kamag-aralMga magulang, mga guro at prinsipalMga panauhing pinagpipitagananNaririto ngayon sating paaralan.Magandang umaga po, ang bating marangalAng Buwan ng Wika ating ipagdiwangIkalimang baitang ang amin pong alayIpagmamalaki, isang balagtasan.Wikang Filipino ay sariling wikaAt ang wikang English ay wikang banyagaKapwa ginagamit ng may pang-unawaHigit na mahalaga, alin na nga kaya?Sa umaga pong ito, aking ipinakikilalaDalawang mahusay, maganda at batikang makataSa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanilaMasigabong palakpakan pasalubungan natin sila.Sa wikang Filipino ang mangangatuwiranSi Bb. Irish ng Grade V- EmeraldAt sa wikang English ang makakalabanBb. Lariza ng Grade V- Section one.

Wikang Filipino:Sa puso at diwa, akoy PilipinoMgandang Pilipinas ito ang bayan koMay sariling wika, wikang FilipinoNa syang nagbubuklod sa sambayanan ko.Wikang Filipino ay wikang panlahatAng ilaw at lakas ng tuwid na landasSa pagkakaisa naipahahayagMabisang kalasag tungo sa pag-unlad.Wikang English:Alam nating itong English, isang wikang pandaigdigSa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamitAng mga asignaturang Science, English at MathematicsPaano mo ililiwat, di malirip, di maisip.Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansinAng dating A B K D ngayon ay A B C D naMay computer, may internet, Facebook at may Google plus paItoy mga pagbabagong Wikang English ang simula.

Wikang Filipino:Alam nating sating mundo marami ng pagbabagoMakabagong teknolohiya patuloy sa pag-asensoMentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimunoNgunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.Sariling wika ay salamin nitong ating pagkataoMatibay na pundasyon ng ating pagka-PilipnoIsang wikang kinagisnan minana pa sa ninunoNararapat alagaan, itaguyod nang lumago.

Wikang English:Sapagkat itong English isang wikang unibersalWikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasanSa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhanUpang itong mga bansa ay magkaunawaan.Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaralKung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-applySiguradong matatanggap at kikita rin kaagadKaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.

Wikang Filipino:Sa mahal kong katunggali na kapwa ko PilipinoHuwag nating kalimutan, dapat nating isapusoItong wikang kinagisnan, ang Wikang FilipinoGamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.

Wikang English:Hindi ko nalilimot na ako ay PilipinoMahalaga rin ang English at yan ay nababatid moLalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungoAng pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.

Lakandiwa:Tama na, sukat na, mahuhusay na makataAng pagtatalo nyo ay hwag nang palawigin paSa madlang nanonood kayo na po ang magpasiyaAlin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?Kaming tatlo ay narito, sa inyoy nagpapasalamatMahal naming kamag-aral, mga guro at magulangTaos pusong bumabati, maligayang pagdiriwangAng hiling po namin, masigabong palakpakan.

3