violet otieno catherine groenewald arlene avila tagalog...
TRANSCRIPT
Bakasyon sa bahay ni Lola
Violet Otieno Catherine Groenewald Arlene Avila Tagalog Level 4
Nakatira si Odongo at Apiyo sa lungsod kasama angkanilang tatay. Gustong gusto nila ang bakasyonhindi lang dahil walang pasok, pero dahil dinadalawnila ang kanilang lola na nakatira sa palaisdaanmalapit doon sa malaking lawa.
2
Masaya sina Odongo at Apiyo na malapit na nilamakasama si lola. Sa gabi pa lang, naka-impake naang mga damit at nakahanda na ang lahat para sabiyahe. Hindi sila makatulog sa tuwa kaya buonggabi silang nagkuwentuhan.
3
Kinaumagahan, hinatid sila ng kanilang tataypapunta sa lola. Dumaan sila sa mga taniman ngtsaa at mga bundok na may ligaw na hayup.Binilang nila ang mga sasakyang dumaan atnagkantahan din sila.
4
Di nagtagal, napagod ang dalawa at nakatulog ngmahimbing.
5
Ginising sila ng tatay nung makarating sila sanayon. Nakita nila si Lola Nyar-Kanyada nanagpapahinga sa ilalim ng puno. Sa Luo, ang ibigsabihin ng Nyar-Kanyada ay “anak ng mga tiga-Kanyada.” Maganda at matatag na babae ang lola niOdongo at Apiyo.
6
Sumayaw at kumanta sa tuwa si Nyar-Kanyadanang dumating ang mga apo. Nag-uunahan sapagbigay ng pasalubong sina Odongo at Apiyo.“Buksan po ninyo, bilis,” sabi ni Odongo. “Akinmuna unahin ninyo,” sabi ni Apiyo.
7
Pagkatapos mabuksan ang mga pasalubong,pinagmano ni Nyar-Kanyada ang mga apo.
8
Naglaro agad sa labas sina Odongo at Apiyo.Nakipaghabulan sila sa mga paru-paru at mga ibon.
9
Inakyat nila ang mga puno at nagtampisaw sa lawa.
10
Bumalik lang sila sa bahay ng lola nung malapit namaghapunan. Hindi pa man natatapos kumain,nakatulog na sila!
11
Kinaumagahan, bumalik sa lungsod ang tatay atnaiwan sina Odongo at Apiyo kay Nyar-Kanyada.
12
Tumulong sila sa mga gawaing-bahay ng lola. Nag-igib sila ng tubig at nag-hanap ng panggatong.Inipon nila ang mga itlog sa manukan at nanguhang gulay sa gulayan.
13
Tinuruan din sila ni Nyar-Kanyada kung paanomagluto ng stew. Pinakita pa ng lola kung paanogumawa ng ginataang kanin at inihaw na isda.
14
Isang araw, dinala ni Odongo ang mga baka sabukid ng kapitbahay. Kinain ng mga baka ang damoat nagalit ang may-ari. Nagbanta siyang kukuninang mga baka bilang kabayaran pero nangako siOdongo na hindi na uulit.
15
Isang beses, sumama ang magkapatid sa palengke.May tindahan pala ng gulay, asukal at sabon si lola.Si Apiyo ang tigasabi ng presyo at si Odongo namanang tigabalot ng mga binili.
16
Nang maubos lahat, uminum silang tatlo ng tsaa atbinilang ang perang kinita.
17
Di nagtagal, natapos ang bakasyon. Nag-impake nggamit ang magkapatid. Binigyan ni Nyar-Kanyada siOdongo ng sombrero at pangginaw naman angpara kay Apiyo. Naghanda rin siya ng makakain nilasa biyahe.
18
Dumating ang tatay para sunduin sila pero ayawsumama ng magkapatid. Nagmakaawa sila kayNyar-Kanyada na tumira na lang sa lungsod.“Matanda na ako. Hindi ko na kaya ang buhay salungsod. Hihintayin ko na lang kayo sa sunod nabakasyon.”
19
Mahigpit na niyakap ni Odongo at Apiyo ang lola.
20
Kinuwento nina Odongo at Apiyo sa kanilang mgakaibigan ang lahat. Sabi ng iba mas gusto pa rin nilaang buhay sa lungsod. Sabi naman ng iba, masmaganda talaga sa nayon. Pero lahat sila sang-ayonna walang hihigit pa kay Lola Nyar-Kanyada!
21
Storybooks UKglobal-asp.github.io/storybooks-uk
Bakasyon sa bahay ni LolaWritten by: Violet Otieno
Illustrated by: Catherine GroenewaldTranslated by: Arlene Avila
This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) and is broughtto you by Storybooks UK in an effort to provide children’s stories in UK’s manylanguages.
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.