valedictory (farewell) session of the 2019 election ... · kaniyang sanggunian na nakaagapay niya...

4
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph Taon 19 Blg. 2 Abril - Hunyo 2019 June 27, 2019, Huwebes, naganap ang huling sesyon ng ika-9 na Sangguniang Panlalawigan. Masigla at may kagalakan ang bawat isa gayunpaman ay may kaanib ding kalungkutan dahilan sa mga kasangguning magpapaalam na. Mahaba na ring panahon ang pinagsamahan ng mga bokal lalo na yaong mga nagsimula pa noong ikapitong Sangguniang Panlalawigan; kayat sa farewell speech ng mga Kasangguning panghuling termino at mga nagpasi- yang magpaalam na kahit isang termino pa lang silang nanun- ungkulan ay umagos ang mga damdamin bunsod ng kaligayahan at pasasalamat para sa isat-isa. Masayang bumati ang magpapaalam na rin na Bise Gobernador Daniel R. Fernando sa kaniyang sanggunian na nakaagapay niya sa loob ng siyam (9) na taon ng kaniyang panunungkulan, kaulayaw sa paggawa at pagpapasa ng mga kautusan at kapasiyahan. Ito ang isang pagkakataon kung saan pinakahihintay ng bawat miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na makapagbigay ng pananalita o mensahe para sa bawat isa. Kaalinsabay nito, bilang isang bahagi ng pang-huling sesyon ay binigyang pagkilala at pagpapahalaga rin ang mga BOKAL na magtatapos na ng kanilang termino at gayundin ang mga na- nungkulan ng isang termino lamang. Nabanggit nga po ng ating Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan, Sec. Ma. Perpetua UAR. Santos, mula sa Talata sa Bibliya sa Aklat ng Mangangaral, Kaba- nata 3, mga Talata 1, 10 at 11: Ang lahat sa mundong ito ay may kani–kaniyang panahon, may kani-kaniyang oras. Alam ko na na ang itinakda ng Diyos sa tao, iniangkop Niya ang lahat ng bagay Sa tamang kapanahunan. The Lord has made everything beautiful in each time. Today is really a beautiful day sapagkat sa araw na ito, ang magandang araw na ito ay gagamitin natin para sa pagkilala sa ating mga natatanging Kasangguni na nagbigay ng napakahalagang paglilingkod sa ating Sangguniang Panlalawigan. Narito ang ilan sa mga pananalitang kanil- ang nasambit sa pagkilalang iginawad: (sundan sa pahina 2 at 3) 2019 Election Winners: Bulacan GOVERNOR FERNANDO, DANIEL R. VICE GOVERNOR SY-ALVARADO, WILHELMINO M. PROVINCIAL BOARD MEMBER: First District ANDAN, ALLAN P. FERMIN, ROMINA D. OPLE, BERNARDO , JR. B. Second District DELA CRUZ, ERLENE LUZ V. POSADAS, RAMON R. Third District CASTRO, ROMEO , JR. V. VICEO, EMELITA I. Fourth District DELOS SANTOS, ENRIQUE , JR. A. CASTRO, ALEXIS C. BALUYUT, ALLAN RAY A. CONGRESSMAN: 1 ST District: SY-ALVARADO, JOSE ANTONIO R. 2 nd District: PANCHO, GAVINI C. 3 rd District: SILVERIO, LORNA C. 4 th District: VILLARICA, ATTY. HENRY R. Lone District San Jose del Monte: ROBES, FLORIDA P. (sundan sa pahina 3) VALEDICTORY (Farewell ) Session of the 9th SANGGUNIAN truly heartwarming

Upload: others

Post on 02-Mar-2020

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: VALEDICTORY (Farewell) Session of the 2019 Election ... · kaniyang sanggunian na nakaagapay niya sa loob ng siyam (9) na taon ng kaniyang panunungkulan, kaulayaw sa paggawa at pagpapasa

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN

Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph

Taon 19 Blg. 2 Abril - Hunyo 2019

June 27, 2019, Huwebes, naganap ang huling sesyon ng ika-9 na Sangguniang Panlalawigan. Masigla at may kagalakan ang bawa’t isa gayunpaman ay may kaanib ding kalungkutan dahilan sa mga kasangguning magpapaalam na. Mahaba na ring panahon ang pinagsamahan ng mga bokal lalo na yaong mga nagsimula pa noong ikapitong Sangguniang Panlalawigan; kaya’t sa farewell speech ng mga Kasangguning panghuling termino at mga nagpasi-yang magpaalam na kahit isang termino pa lang silang nanun-ungkulan ay umagos ang mga damdamin bunsod ng kaligayahan at pasasalamat para sa isa’t-isa. Masayang bumati ang magpapaalam na rin na Bise Gobernador Daniel R. Fernando sa kaniyang sanggunian na nakaagapay niya sa loob ng siyam (9) na taon ng kaniyang panunungkulan, kaulayaw sa paggawa at pagpapasa ng mga kautusan at kapasiyahan. Ito ang isang pagkakataon kung saan pinakahihintay ng bawa’t miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na makapagbigay ng pananalita o mensahe para sa bawa’t isa. Kaalinsabay nito, bilang isang bahagi ng pang-huling sesyon ay binigyang pagkilala at pagpapahalaga rin ang mga BOKAL na magtatapos na ng kanilang termino at gayundin ang mga na-nungkulan ng isang termino lamang. Nabanggit nga po ng ating Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan, Sec. Ma. Perpetua “UA” R. Santos, mula sa Talata sa Bibliya sa Aklat ng Mangangaral, Kaba-nata 3, mga Talata 1, 10 at 11:

“Ang lahat sa mundong ito ay may kani–kaniyang panahon, may kani-kaniyang oras. Alam ko na na ang itinakda ng Diyos sa tao,

iniangkop Niya ang lahat ng bagay Sa tamang kapanahunan.”

“The Lord has made everything beautiful in each time. Today is really a beautiful day sapagkat sa araw na ito, ang magandang araw na ito ay gagamitin natin para sa pagkilala sa ating mga natatanging Kasangguni na nagbigay ng napakahalagang paglilingkod sa ating Sangguniang Panlalawigan. Narito ang ilan sa mga pananalitang kanil-ang nasambit sa pagkilalang iginawad: (sundan sa pahina 2 at 3)

2019 Election Winners: Bulacan

GOVERNOR FERNANDO, DANIEL R. VICE GOVERNOR SY-ALVARADO, WILHELMINO M.

PROVINCIAL BOARD MEMBER: First District ANDAN, ALLAN P. FERMIN, ROMINA D.

OPLE, BERNARDO , JR. B. Second District DELA CRUZ, ERLENE LUZ V. POSADAS, RAMON R. Third District CASTRO, ROMEO , JR. V. VICEO, EMELITA I. Fourth District DELOS SANTOS, ENRIQUE , JR. A. CASTRO, ALEXIS C. BALUYUT, ALLAN RAY A. CONGRESSMAN: 1ST District: SY-ALVARADO, JOSE ANTONIO R. 2nd District: PANCHO, GAVINI C. 3rd District: SILVERIO, LORNA C. 4th District: VILLARICA, ATTY. HENRY R. Lone District San Jose del Monte:

ROBES, FLORIDA P.

(sundan sa pahina 3)

VALEDICTORY (Farewell) Session of the 9th SANGGUNIAN … truly heartwarming

Page 2: VALEDICTORY (Farewell) Session of the 2019 Election ... · kaniyang sanggunian na nakaagapay niya sa loob ng siyam (9) na taon ng kaniyang panunungkulan, kaulayaw sa paggawa at pagpapasa

—————————————-

Page 2

IGG. Therese Cheryll B. Ople: “Magandang gabi

po sa ating lahat. Sa nagging paglilingkuran ng inyong ling-

kod bilang Bokal ng tatlong termino, masasabi ko po na ito

ang isa sa pinakamagandang bahagi ng aking buhay, at

hinding-hindi ko po malilimutan.Napakalaking biyaya ng

Poong Maykapal na makilala ang bawat isa sa inyo. Para sa

inyong lingkod, ang lahat permanenting kaibigan. Salamat

po .”

IGG. Ma. Lourdes H. Posadas: “Gusto ko pong

magpasalamat sa lahat ng mga Bokal na naririto. And for all

those happy moments, fun that we have shared, thank you very

much. Muli maraming-maraming salamat po sa lahat-lahat., sa

mga nakatrabaho ko. Mabuhay po kayo!”

IGG. Perlita A. delos Santos: “Ako po ay

nagpapasalamat, una sa lahat sa Panginoon kasi nabigyan po

ako ng pagkakataong makapaglingkod sa ating lalawigan. At

salamat po ng marami sa aking mga Kasangguni. . . lalo na po . . .

sa inyong lahat kasi naramdaman po namin iyong malasakit sa

isa’t isa. Salamat nang marami” . . .

IGG. Enrique V. dela Cruz, Jr.: “Una, nais ko

pong magpasalamat sa Panginoon sa ibinigay na

pagkakataong maging bahagi ng Sangguniang

Panlalawigan na binubuo ng magagaling na miyembro.

Salamat din po sa ating Secretariat, sa mga Sanggunian staff

at kay Sec. Ua, ‘Sec. isa ka sa pinakamahusay na Kalihim ng

Sangguniang Panlalawigang ito. Ang aking iiwan ay

hanggang sa muli nating pagkikita. Maraming-maraming

salamat po.”

IGG. Josef Andrew T. Mendoza: “Ako po ay

maaga pong namulat sa pagiging isang lingkod-bayan. Sa

edad pong 26, ako po ay nahalal bilang Konsehal ng Bayan

ng Bocaue at pinalad po na maging miyembro ng Sanggu-

niang Panlalawigan. Maraming-maraming Salamat po sa

inyong lahat, sa anim na taon!”

IGG. Rino V. Castro: “Sa inyo pong lahat, marami

pong salamat. Isa pong napakalaking karangalan at napa-

kalaking kaligayahan sa akin na tapusin ang siyam (9) na

taon kong paglilingkod sa Sanggunian, Hanggang sa muli,

magkikita po tayo, tutulong pa rin po tayo sa ating lalawigan.

Maraming-maraming salamat po .sa pagkakataon. “

IGG. Felix V. Ople: “Maraming salamat po. . . .

napakasarap pong magpaalam dito po sa ating

Sanggunian, sa loob po ng siyam (9) na taon ay tayo

po ay naging isang pamilya. . . . sa bandang huli, sabi

ko nga ang mananatili sa atin ay iyong magagan-

dang alaala. Pero sa ngayon ako po’y taas-noo,

ipinagmamalaki ko na ako’y naging bahagi ng ika-7,

ika-8 at ika-9 na Sangguniang Panlalawigan.”

Page 3: VALEDICTORY (Farewell) Session of the 2019 Election ... · kaniyang sanggunian na nakaagapay niya sa loob ng siyam (9) na taon ng kaniyang panunungkulan, kaulayaw sa paggawa at pagpapasa

2019 ELECTION WINNERS….

DISTRICT I:

MALOLOS: Mayor: GATCHALIAN, BEBONG Vice Mayor: PINEDA, LEN

BULAKAN: Mayor: MENESES, VERGEL Vice Mayor: MENESES, PATRICK NEIL

CALUMPIT: Mayor: DE JESUS, JESSIE Vice Mayor: DE LEON, AMBOY

HAGONOY: Mayor: MANLAPAZ, AMBOY Vice Mayor: CRUZ, ANGELBOY

PAOMBONG: Mayor: MARCOS, ANN Vice Mayor: GONZALES, MARIA CRISTINA

PULILAN: Mayor: MONTEJO, MARITZ Vice Mayor: CANDIDO, REC

DISTRICT II:

BALAGTAS: Mayor: GONZALES, JR. Vice Mayor: VALDERAMA. ARIEL

BALIUAG: Mayor: ESTRELLA. FERDIE Vice Mayor: CLEMENTE, CRIS

BOCAUE: Mayor: VILLANUEVA , JONI Vice Mayor: SANTIAGO, JJS JONJON

BUSTOS: Mayor: JUAN, ISKUL Vice Mayor: MENDOZA, ARNEL

GUIGUINTO: Mayor: CRUZ, AMBROSIO Vice Mayor: SANTOS, JJ

PANDI: Mayor: ROQUE, RICO Vice Mayor: SEBASTIAN, LUI

PLARIDEL: Mayor: VISTAN, TESSIE Vice Mayor: DE LEON, MHEL

DISTRICT III:

ANGAT: Mayor: DE LEON, NARDING Vice Mayor: BAUTISTA, JOWAR

DRT: Mayor: FLORES, MARIE Vice Mayor: FLORES, ROLANDO T.

NORZAGARAY: Mayor: GERMAR, FRED Vice Mayor: SANTOS, BOYET

SAN ILDEFONSO: Mayor: GALVEZ, CARLA) Vice Mayor: SARMIENTO, ROCKY

SAN MIGUEL: Mayor: TIONGSON, RODERICK Vice Mayor: ALVAREZ, BONG

SAN RAFAEL: Mayor: VIOLAGO, GOTO Vice Mayor: VENERACION, EDISON

DISTRICT IV

MEYCAUAYAN: Mayor: VILLARICA, LINABELLE Vice Mayor: VIOLAGO. JOJIE

MARILAO: Mayor: SILVESTRE,. RICKY Vice Mayor: LUTAO, HENRY

OBANDO: Mayor: SANTOS , EDWIN Vice Mayor: DELA CRUZ, ARVIN

SANTA MARIA: Mayor: PLEYTO, YOYOY Vice Mayor: BUENAVENTURA, RICKY

SAN JOSE DEL MONTE: Mayor: ROBES, ARTHUR Vice Mayor: BARTOLOME, EFREN JR.

Page 3

IGG. Daniel R. Fernando: Tagapangulo ng

Hapag, 9th Sanggunian. “Maraming-maraming

salamat po. Napakabilis po ng panahon. Siyam (9) na

taon, parang isang (1) araw lang pong naganap sa

ating lahat. May mga Bokal nating nakasama, na wala

na rito. Well, I would like to congratulate all of you. Sala-

mat po lalo na po doon sa mga outgoing, at sa mga

incoming naman na nananatili diyan at mga bago

iyong dalawang (2) nandiyan. Kangina nag-uusap kami

ni Sec. Ua, na-break po natin iyong record. Tayo po ang

halos pinakamaraming nagawang mga ordinansa, pin-

akamaraming resolusyong nagawa lalo iyong mga

Code-Code, nakuha na nating lahat. Kaya po bilib ako

sa aking mga Kasangguni sapagkat nakuha ninyong

lahat, nakuha nating lahat halos ang dapat balangkas-

ing mga batas.”

“ Paalala ko lamang po, huwag tayong pasuhol

sa anumang klaseng halalan na ito. Iyon lang po ang

tanging masasabi ko sa inyo. Kailangan na nating ba-

guhin ang sistema ng pulitika. Sino po ang mag-

uumpisa niyan kundi tayo. Tayo na po ang mag-umpisa

nito, wala nang iba pa. Hindi po ako naniwala doon.

Ang ginawa ko po inilaban ko kung ano ang mayroon

ako. Iyan po ang katotohanan. At sinabi ko po sa

Panginoon, ito lagi ko pong sinasabi sa Kanya, umaasa

po ako sa bagsak ng langit kung ano ang ibibigay sa

akin. And I said. . . sabi ko kay Lord, “Lord, it’s Your will,

not my will.” Iyan po ang lagi kong sinasabi, kung ito ay

para sa akin, huwag Mo akong pabayaan, at kung ito

naman ay hindi para sa akin, huwag mo rin po akong

pababayaan. Dahil handa po akong manalo at handa

rin po ako lalo sa pagkatalo. Kaya thank you, thank you

po. . . sa ating Secretariat mula kay Sec. Alice, kay Sec.

Ua, sa lahat po ng mga nakasama ko sa Secretariat,

maraming-maraming Salamat. Sec. Ua, magaling kang

Secretary, thank you, katulad ng sinabi ni Bokal Buko. Sa

lahat ng mga BM Staff, maraming salamat sa inyo, sa

inyong suportang ginawa sa amin. So muli po maraming

-maraming salamat at pagpalain po tayong lahat ng

Poong Maykapal.”

Page 4: VALEDICTORY (Farewell) Session of the 2019 Election ... · kaniyang sanggunian na nakaagapay niya sa loob ng siyam (9) na taon ng kaniyang panunungkulan, kaulayaw sa paggawa at pagpapasa

PANLALAWIGANG KAUTUSAN

BLG. 192-2019

AN ORDINANCE PROVIDING FOR THE PROTECTION AND CONSERVA-

TION OF THE BULACAN CULTURAL HERITAGE AND CREATING THE

KONSEHO NG PANGANGALAGA NG SINING AT KULTURA (KPSK),

PROVIDING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES”

PANLALAWIGANG KAUTUSAN

BLG. 208-2019

KAUTUSANG NAGTATAKDA NG PAGDIRIWANG NG SINGKABAN FES-

TIVAL TUWING IKA-8 HANGGANG IKA-15 NG SETYEMBRE BILANG

PANLALAWIGANG KAPISTAHAN NG MAYAMANG KASAYSAYAN, SI-

NING AT KULTURA NG LALAWIGAN NG BULACAN TUNGO SA

PAGKINTAL NG PAGPAPAHALAGA SA KALINANGAN AT PAGGANYAK

NG TURISMO AT PAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA DITO. ============================================================

KAPASIYAHAN BLG. 156-T’19

ISANG KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN

ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA

LUMAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMA-

HALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NA KANYANG KAKA-

TAWANIN AT NG ASIA PRIME POWER CORPORATION NA KAKA-

TAWANIN NINA G. ROLANDO L. LABADOR, CHAIRMAN AT INHIN.

JANE A. VARGAS, PRESIDENT/CEO HINGGIL SA ITATAYONG “SELF-

GENERATING POWER MACHINE” NA KAYANG MAG-SUPPLY NG 100%

NG RELIABLE SOURCE OFF-GRID ENERGY UPANG PAGMULAN NG

ELECTRICITY SUPPLY SA BUONG CAPITOL COMPOUND

KAPASIYAHAN BLG. 158-T’19

ISANG KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY ANG PAGKAKAROON NG

"BULACAN TOURIST INFORMATION AND ASSISTANCE CENTER"

ALINSUNOD SA TADHANAIN NG SECTION 126 NG REPUBLIC ACT NO.

9593 (OTHERWISE KNOWN AS TOURISM ACT OF 2009 AND ITS IMPLE-

MENTING RULES AND REGULATIONS)

KAPASIYAHAN BLG. 166-T’19

ISANG KAPASIYAHAN NA NAGLILINAW AT NAGPAPATUNAY NA ANG

CONTINGENCY PLAN (2014-2019) NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

NG BULACAN NA PINAGTIBAY NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

NOONG TAONG 2014 SA BISA NG KAPASIYAHAN BLG. 213-T'14 AY

BINUBUO NG DALAWANG (2) BAHAGI, ISA (1) PARA SA HYDROMET AT

ISA (1) PARA SA EARTHQUAKE

KAPASIYAHAN BLG. 192-T’19

ISANG KAPASIYAHAN NA HINIHILING SA PUNONG LALAWIGAN IGG.

WILHELMINO M. SY-ALVARADO AT SA MGA BUMUBUO NG SANGGU-

NIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN ANG KAPAHINTULUTAN

UPANG MAIPAGAWA O MA-RENOVATE ANG GUSALI AT PASILIDAD

NG PROVINCIAL BLOOD CENTER KAALINSABAY ANG PAGPAPAHIN-

TULOT NG PAGBILI NG PROVINCIAL MOBILE BLOOD DONATION

VEHICLE UPANG MAPAIGTING ANG PAGLILINGKOD-MADLA AT

LALONG MAPALAKAS ANG PAGKOLEKTA NG DUGO NG ATING PRO-

VINCIAL BLOOD CENTER

KAPASIYAHAN BLG. 205-T’19

ISANG KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN

ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA

LUMAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMA-

HALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NA KANYANG KAKA-

TAWANIN AT NG DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

(DOLE) NA KAKATAWANIN NI REGIONAL DIRECTOR, ZENAIDA EUSE-

BIA ANGARA-CAMPITA, HINGGIL SA PROYEKTONG “DOLE LIVELI-

HOOD KABUHAYAN PROGRAM” NA NAGKAKAHALAGA NG P500,000.00

GRANT PARA SA MGA KALALAWIGANG NAGSIPAGTAPOS NG SKILLS

TRAINING AT KANILANG PAMILYA; GAYUNDIN ADOPTING THE

PROGRAM AND ALLOCATION OF FUND/RESOURCES PARA SA PAG-

SASAGAWA NG NASABING PROYEKTO

KAPASIYAHAN BLG. 235-T’19

ISANG KAPASIYAHANG HUMIHILING SA KAGAWARAN NG EDUKASY-

ON, LALAWIGAN NG BULACAN NA ISAMA SA KURIKULUM NG ELE-

MENTARYA AT SEKONDARYA ANG MGA KASAYSAYAN NG MGA NAG-

ING BAYANI AT SENADOR NA MULA SA ATING LALAWIGAN

KAPASIYAHAN BLG. 256-T’19

ISANG KAPASIYAHAN NA SUMUSUPORTA SA EXECUTIVE ORDER NO.

26 NI PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE NA NAGLALAYONG MAG-

TATAG NG MGA “SMOKE-FREE ENVIRONMENTS” SA MGA PAMPUB-

LIKO AT MGA KULONG NA LUGAR

KAPASIYAHAN BLG. 260-T’19

A RESOLUTION SUPPORTING HOUSE BILL NO. 43 AND URGES CON-

GRESS OF THE PHILIPPINES/HOUSE OF REPRESENTATIVES TO

PASS/APPROVE THE SAID HOUSE BILL GRANTING MUCH-NEEDED

BENEFITS AND INCENTIVES TO ALL BARANGAY HEALTH WORKERS

IN THE PHILIPPINES

3 CSOs naakredita ng SP: 1. Children of St. Joseph Home For The Aged,

PWD and Orphan Bulacan Inc.

2. Bulacan Career Guidance Advocates Network, Inc.

3. Philippine Exporters Foundation Region III Inc. Philexport R3

SUMMARY OF ACCOMPLISHMENT 2nd Quarter (April to June 2019)

Sa Radio Program ng Sangguniang Panlalawigan na:

“SP Files” Mapapakinggan tuwing araw ng MIYERKULES,

9:30 - 10:30 ng umaga sa himpilan ng 103.9 FM

Radyo Bulacan

Hosted by Sec. Ma. Perpetua “Ua” R. Santos,

Anthony Amizona (Kuya Tonton) and

Divina Gracia R. Jimenez (Ate Divine)

Ang

LEGISLATIVE DIGEST

ay inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan 4 na beses sa 1 taon. Para sa komento, puna,

suhestyon o katanungan, makipag-ugnayan sa naturang tanggapan sa Telepono Blg.: (044) 791 8168

Page 4