unang kwarter modyul 9bnvhsmodules.com/.../2020/10/filipino-8-q1-module-9.pdf · 2020. 10. 1. ·...
TRANSCRIPT
i
UNANG KWARTER – MODYUL 9
MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA NG PANGYAYARI
8
ii
Filipino – IKAWALONG BAITANG
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: F8WG-Ig-h-22 Nagagamit ang mga hudyat ng
sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Department of Education- Region VII- Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu Telefax: (032) 255-640 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ariel D. Rebonza Tagasuri: Dr. Eugenia M. Solon Tagaguhit: Minelyn A. Villaceran Tagapag-ugnay: Dr. Necifora M. Rosales Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province Division Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID Mr. Isaiash T. Wagas, EPSvr, LRMDS Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSvr, Filipino
iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
“ Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan sa
lahat ng aspekto ng buhay.”
Tugon sap ag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mudo ang pagyakap at
pakikipagsabayan sa bawat sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-
anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan
upang manapay maipabatid sa karamihan , lalo’t higit sa kabataan ang
kayamanang angkin ng panitikang natatangi, ang panitikang Pilipino.
Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mga kagamitang panturo at
pagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral
sa Asignaturang Filipino.
Pinaglaaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na
maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunit na ito. Naniniwala ang
Kagawaran ng Edukasyonna ang mahusay at kalidad na edukasyon ay
makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa susunod
pang henerasyon.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iv
Para sa mag-aaral
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng ( ADM ) Modyul ukol sa Nagagamit ang
mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga
nito, iba pa). Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
v
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
vi
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1
Magandang Araw mga mag-aaral…..!
Ang Modyul na ito ay sadyang ginawa para makuha ang mga paksa na
naayon sa inyong baitang. Ang mga pagsasanay, Gawain at pagsusulit ay
masisinang nilikha tumutugma sa inyong kakayahang pang-unawa. Samakatuwid
ang paksang pinagkukunan nito ay para sa inyo na mas lalong maintindihan ang
Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
(dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa) F8WG-Ig-h-22. Sa pag-iisa, sa
pagpapatuloy ng modyul na ito kayo mismo ang gagawa sa lahat nang Gawain
batay sa mga patnubay na isinaalang-alang para sa inyo.
Gamit ang learning resources na ito, kayo ay inaatasang nagagamit ang
mga hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga pangyayar ( dahil,sapgkat,kaya,bunga
nito, iba pa) ( F8WG-Ig-h-22 ) na naaayon sa K to 12 Most Essential Learning
Competency.
Sa katapusan ng modyul, kayo ay inaasahang makuha;
a. natutukoy ang gamit ng mga hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga
pangyayari;
b. nagagamit sa sariling pangungusap gamit ang sanhi at bunga;
c. naipapaliwanag ang gamit ng Sanhi at Bunga ng mga pangyayari gamit
ang kritikal na pag-iisip.
ALAMIN
2
Gawain 1. Panuto: Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng
ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Isulat sa inyong sagutang- papel.
1.Nahuli sa klase si Bea -
_________________________________________________________________
2. Hindi pumasok sa paaralan si Nonoy-
_________________________________________________________________
3. Masakit ang ngipin ni Daniel-
_________________________________________________________________
4. Nagkasugat sa tuhod si Jimmy-
_________________________________________________________________
5. Gutom na gutom na si Isko-
__________________________________________________________________
6. Si Tricia ay humingi ng tulong kay Sarah-
__________________________________________________________________
7. Umiiyak ang sanggol-
__________________________________________________________________
8. Masayang-masaya si Rommel-
__________________________________________________________________
9. Walang pasok bukas ang mga mag-aaral-
__________________________________________________________________
10. Maraming tao ang humahanga kay Lady Gaga-
_____________________________________________________________
SUBUKIN
3
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Suriin ang Simula ,
Ginta at Wakas ayon sa pagbabalangkas nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang
Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin
din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para
bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga.
Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo
ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga
palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero
ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging magalang, masipag,
mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong
Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang
pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.
Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito.
Siya ay tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng
mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng
katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang
gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili.
Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at
sinagot-sagot niya ito.
Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang
bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing
at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya
pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak
ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok.Pedrito, magsaing ka na nga
at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong
Salamangkero.Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.
4
Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa
nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.
Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at
kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang
sinabi Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan.
Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili
sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang
suklay sa ulo ni Pedrito.
Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang
naging tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito
ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang
mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.
Simula:
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Gitna:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Wakas:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain.
Magpatuloy ka lang at magagawa pang madagdagan ang iyong kaalaman.
Panuto: Unawain ang mga pangyayari na ibinigay sa bawat bilang at tukuyin kung
anong dahilan at sanhi ng mga ito. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Pangyayari Sanhi Bunga
1.Lindol
2. Baha
3. Bagyo
4. Pagguho ng lupa
5. Pagbabago ng Klima
Nakilala niyo na ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari batay
sa inyong mga sagot na ibinigay. Ngayon tunghayan natin, ano nga ba ang mga
hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.? Paano ito nakakatulong sa atin,
upang matukoy ang sanhi at bunga ng isang pangyayari.
TUKLASIN
6
SURIIN
7
Ang mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga ay halimbawa ng diskursong
naglalahad. Ipinaliliwanag dito kung ano-ano ang mga dahilan ng isang
pangyayari, at kung ano-ano rin ang nagiging resulta nito. Mas magiging madali
ang pag-unawa at pagbuo ng mga pangungusap na nagbibigay ng sanhi at bunga
kung angkop ang mga pang-ugnay na ginagamit dito.
Ang mga pang-ugnay ay matatagpuan sa gitnang ng isang pangungusap,
bilang tagapag-ugnay ng isang sugnay na makapag-iisa (independent clause) at
isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa (dependent clause). Maaari din
namang nasa unahan ito ng pangungusap, at bantas ang siyang naghihiwalay sa
mga sugnay.
Naririto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi:
Sapagkat/Pagkat
Mga halimbawang pangungusap:
Nag-aaral ako nang mabuti sapagkat kinakailangan kong ipasa ang lagumang
pagsusulit sa Biyernes.
‘Pagkat iisa lamang ang buhay ng tao, nararapat lamang na sulitin niya ito.
Dahil/Dahilan sa
Mga halimbawang pangungusap:
Nagkasakit si Adam dahil naligo siya sa ulan at hindi agad nakapagbanlaw.
Sanhi at Bunga
Ang sanhi ay sang ideya o pangyayari na
maaring humantong sa isang bunga.
Halimbawa, nakuha mo ang pinakamataas na
grado sa pagsusulit dahil nagaral kang
Mabuti. Unang binanggit ang bung at
sumunod naman ang sanhi. Tandaan na hindi
lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa
bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o
pangyayari ang naunang naganap (sanhi)?
Ano ang kinalabasan (bunga)?
8
Patong-patong na interes sa utang, dahilan sa gahamang mga kapitalista ang
sinapit ng negosyo ni Lofel.
Palibhasa
Mga halimbawang pangungusap:
Palibhasa’y mayaman kaya wala pakialam si Russel sa nasasayang niyang tuition
fee sa tuwing liliban siya sa klase.
Masarap magluto si Anna, palibhasa’y laki sa pamilya ng mga chef.
Kasi
Mga halimbawang pangungusap:
“Hindi na ako makapapasok next semester kasi mahina ang kita ni Tatay ngayon”,
ani Karla.
Kasi nama’y ayaw umitim, kaya hindi naglalalabas itong si Anna.
Naging
Mga halimbawang pangungusap:
Pagkabaon sa utang ang naging dahilan ng pagsasara ng tindahan ni Aling
Martha.
Naging malulungkutin si Tina nang maghiwalay sila ng nobyo.
Dapat malinaw na nailalahad ang dahilan/sanhi ng isang pangyayari.
Madali itong matutukoy kung pipiliin ang pinakaangkop na pang-ugnay upang
gamitin sa pangungusap.
Naririto naman ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng bunga:
Kaya/Kaya naman
Mga halimbawang pangungusap:
Naparami ang pagkain niya ng manggang hilaw kaya sumakit ang kaniyang tiyan.
Kaya dumarami ang mahirap dahil maraming korap sa pamahalaan.
Dahil dito
Mga halimbawang pangungusap:
Gabi na nakauwi si Bea dahil dito nakagalitan siya ng kaniyang ama
kinaumagahan.
Patuloy pa rin ang ilegal na pagbebenta ng droga sa kabataan dahil
dito pinaigting pang lalo ang puwersa ng kapulisan.
Bunga nito
Mga halimbawang pangungusap:
Talamak ang pagputol ng mga puno sa kabundukan ng Sierra Madre, bunga
nito ay biglaang pagbaha sa kanayunan.
Nagsikap sa pag-aaral si Biboy kahit na siya ay working student, bunga
nito nakapagtapos siya nang may karangalan.
9
Gawain 1
Pangalan __________________________ Petsa ____________ Marka ______
Pagtambalin ang sanhi na nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang
bunga sa patlang ng sanhi. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
____ 1. Napakainit ng panahon.
____ 2. May sirang ngipin si Tomas.
____ 3. Hindi kumain ng tanghalian si Michael.
____ 4. Hindi nag-aral si Danny.
____ 5. Napakalakas ng bagyo.
____ 6. Puno ng mga pasahero ang mga dyip.
____ 7. Nagtulungan kami.
____ 8. Hindi maingat magmaneho ang lalaki.
____ 9. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan.
____ 10. Tinapos ni Ramon ang kanyang mga takdangaralin.
a. Kinansela ng DepEd ang mga klase. b. Nakatawid ako nang maayos.
c. Gutom na gutom siya. d. Naaksidente siya sa daan.
e. Mababa ang nakuha niyang marka sa pagsusulit.
f. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay. g. Sumakay na lang kami sa
traysikel pauwi. h. Pumunta siya sa dentista. i. Binuksan namin
ang aircon.
j. Madali naming natapos ang gawain.
10
Gawain 1: Panuto: Hanapin sa kolum B ang katapat ng nasa kolum A upang
mabuo ng pangungusap ng sanhi at bunga ng pangyayari. Isulat ang sagot
sa sagutang- papel.
1. kulang sa tulog a. tumayo nang tuwid
2. hindi nagsisipilyo pagkatapos kumain b. hindi naintindihan ang leksiyon
3. madalas na pag-eensayo c. maayos na silid
4. hindi naghuhugas ng kamay bago kumain d. pagtupad ng pangarap sa buhay
5. pagsunod sa mga batas-trapiko e. pagiging antukin
6. inaawit ang Lupang Hinirang f. tumawag sa pulis
7. hindi nakikinig sa guro g. magtitipid sa mga gastusin
8. maingat habang nagmamaneho h. marami ang aanihin
9. pagtapon ng basura sa tamang lugar i. diarrhea
10. kumakain nang tama at sapat j. mahusay na manlalaro
11. hindi nalinisan ang sugat k. napaso ang dila
12. mataas na lagnat l. dadami ang bilang ng mga mahihirap
13. may problema ang kaibigan m. malinis na pamayanan
14. nakasaksi ng krimen n. sirang ngipin
15. pagiging masipag at matiyaga n. magpapahinga at iinom ng
gamot
16. pagliligpit ng mga gamit ng. malusog na katawan
17. mabilis na pagtaas ng populasyon o. maayos ang daloy ng trapiko
PAGYAMANIN
11
18. kulang ang perang pambili ng pagkain p. impeksiyon
19. marami ang tinanim q. mag-aalok ng tulong
20. mainit na sabaw r. nakaiwas sa sakuna sa daan
Gawain 1
Panuto: Pangalan Petsa Marka 10 Pagtukoy ng Sanhi o Bunga
Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy
ng sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay tumutukoy ng bunga. Sagutin ito sa
inyong sagutang- papel
_______1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng
kuryente.
_______2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
_______3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa
sampayan.
_______4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.
_______5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi
nakapagsuklay si Carla.
_______6. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.
_______7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya’t tama lahat ang sagot niya
sa pagsasanay.
_______8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang
lagnat.
_______9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.
_______10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.
ISAISIP
12
Panuto: Batay sa mga lawaran, bumuo ng pahayag gamit ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari. Gawain sa inyong sagutang- papel
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. _________________________________________
4. _________________________________________
5. _________________________________________
ISAGAWA
13
A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap. Gawin sa inyong
sagutang- papel.
1. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at taos
puso ang kanyang pag-awit.
2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa
panganib ang buhay nila.
3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t lumikas na ang mga tao
mula sa kanilang mga bahay.
4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka’t nais nilang
masorpresa si Nanay sa kanyang kaarawan.
5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang
kaibigan, nasaulo niya ito.
6. Pinahintulutan ni Aling Tessie na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala naman
kulog at kidlat.
B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap. Gawin sa inyong
sagutang- papel.
1. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya’t inilabas na ni Noel ang mga
bag ng basura.
2. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak.
3. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya
agad namukhaan.
4. Lumubog ang malaking barko sapagka’t ang bilang ng mga pasahero roon ay
labis sa kapasidad nito.
5. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi
malapit na ang pasukan.
TAYAHIN
14
Panuto: Bumuo ng maikling talata tungkol sa paksa gamit ang sanhi at bunga.
Gawin ito sa iyong sagutang- papel.
“ Ang Sitwasyon ng mga Estudyante ngayon sa New Normal”
KARAGDAGANG- GAWAIN
15
SUSI SA PAGWAWASTO
16
SANGGUNIAN
Infantado, Remedios, et.al ( 2015 ) Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan.
Manila: Rex Bookstore
Rusiana, Chelsea ( 2018 ) Filipino.// Pagtatala at Pagpapalawak ng Paksa
https://quizlet.com/217462767/filipino-pagtatala-atpagpapalawak-ng-
paksa-flash-cards/.
BSI1BBidasari ( 2018 ) https://www.youtube.com/watch?v=Bs06wEqyGBw&t=471s
Baisa-Julian, Ailene G. et.al ( 2014 ) Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix
Publishing House
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]