ulat ng pananaliksik
TRANSCRIPT
1
Ulat ng Pananaliksik
BALAM:
Isang Pagsusuri sa Epekto ng Pagkaantala sa Pagresolba ng mga Kaso sa
Pagkamit ng Katarungan
Tugano, Erika Marie T.
2008-42139
BA Political Science
Prof. Fatima A. Castillo
SY 2011-2012
2
Talaan ng Nilalaman
I. Panimula 4
II. Pagsusuri sa Mga Kaugnay na Literatura
A. Pagkamit sa Hustisya 6
B. Sistemang Hukom sa Pilipinas at ang Relasyon sa Pagitan
ng Matagal na Pagdedesiyon sa Kaso at Hustisya 8
C. Municipal Trial Court 11
III. Balangkas ng Pag-aanalisa
A. Katarungan O Hustisya 12
B. “Ang Pagkaantala ng Katarungan ay Pagkakait Nito”
(Justice Delayed is Justice Denied) 13
C. Ang Tungkulin ng Mga Korte at Hukom 14
IV. Pamamaraan ng Pagkalap at Pagsusuri ng Datos
A. Pagkalap ng Datos 15
B. Pagsusuri ng Datos 19
V. Etika 19
VI. Mga Resulta
A. Istruktura ng Municipal Circuit Trial Court 20
B. Sitwasyon ng Viga MCTC 21
C. Mga Dahilan ng Pagkaantala sa Pagresolba sa Mga Kaso 22
D. Mga Epekto ng Pagkaantala ng Kaso 23
E. Katarungan 23
F. Ang Pagkabalam sa Pagkamit ng Katarungan ay
Pagkakait Nito 24
VII. Pagsusuri 24
VIII. Konklusyon 28
IX. Bibliyograpiya 29
X. Appendices
A. KEY INFORMANT INTERVIEW GUIDE
(Para sa Hukom, Clerk of Court, Administrative
3
Personnel ng MTC) 32
B. KEY INFORMANT INTERVIEW GUIDE
(Mga Taong Nagsampa/Sinampahan ng Kaso, Mga Abogado) 34
C. Informed Consent Para sa KII 36
4
I. Panimula
Noong 1960s hanggang 1970s, malaki ang pagtitiwala ng mamamayan sa
hudikaturang sangay ng pamahalaan ng Pilipinas kumpara sa dalawang iba pang
sangay ng pamahalaan, ang ehekutibo at lehislatibo. Ito ay sa konteksto ng matinding
destabilidad na nagaganap sa administrasyon ni Marcos sa panahong ito. Kasabay nito
ay ang paggigiit ng mamamayan na makamit ang kanilang mga karapatan at
pakikipaglaban sa ngalan ng katapatan at katarungan. Ngunit sa paglipas ng panahon
ay naging popular ang tema ng kawalan ng katarungan sa iba‟t ibang aspeto ng buhay
ng mamamayan tulad ng ilang mga paglabag sa karapatang pantao at iba pa, sa kabila
ng relatibong estabilidad ng administrasyong sumunod kay Marcos.
Ang kawalan ng katarungan sa loob ng mga korte ang dahilan kung kaya‟t
nawawala na rin ang tiwala ng mamamayan sa sistemang panghukuman ng bansa.
Maraming kaso ang hindi nareresolba ng korte, o kung nareresolba man ay inaabot ng
ilang taon o umaani ng duda o mga katanungan sa mata ng mamamayan, (Tadiar,
1999, p.1).
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat naglalayon itong tingnan ang
ganitong sitwasyon sa mababang korte. Gaano nga ba katagal inaabot ang pagbaba ng
hatol sa mga kasong isinasampa sa korte? Ano ang maaaring epekto nito sa pagkamit
ng katarungan?
Binibigyang halaga ng pag-aaral na ito ang perspektibo ng tao, ang kanilang
konsepto ng katarungan at ang tingin nila sa sistemang panghukuman sa Pilipinas.
Pangkalahatang Tanong:
Gaano katagal inaabot ang pagbaba ng hatol sa mga kasong isinasampa sa Municipal
Trial Court at ano ang epekto nito sa pagkamit ng hustisya?
Mga Partikular na Katanungan:
1. Ano ang katarungan? Kailan masasabing may katarungan sa mga korte?
5
2. Ano ang “Pagkaantala ng Katarungan ay Pagkakait Nito” (Justice Delayed is Justice
Denied)?
3. Paano ito nakikita sa haba ng panahon na maresolba ang kaso sa mga korte?
4. Ano ang pangkalahatang sitwasyon ng kahusayan ng mga korte sa Pilipinas sa haba
ng panahon ng pagbaba ng hatol sa mga kasong isinasampa rito?
5. Ano ang Municipal Trial Court?
A. Ano ang legal na istruktura nito?
B. Ano-ano ang mga kasong isinasampa rito?
C. Ilang kaso ang isinasampa rito sa isang taon?
D. Ilan ang kasong napagdedesisyunan sa isang taon?
E. Anu-ano ang mga salik na nakakapekto sa paglutas ng kaso?
6. Ano ang mga dahilan ng mabagal na pagresolba ng mga kaso?
7. Sinu-sino kadalasan ang nabibiktima ng mabagal na pagresolba ng mga kaso sa
MTC?
8. Ano ang ugnayan sa pagitan ng matagal na pagbaba ng hatol sa mga kaso at ng
pagkamit ng hustisya?
6
II.Pagsusuri sa Mga Kaugnay na Literatura
Pagkamit ng Hustisya
Ayon kay Maria Dakolias, may-akda ng Court Performance around the World: A
Comparative Perspective na inilathala sa Washington, D.C. noong 1999, ang
pangangasiwa ng sistemang panghukuman ay maaring masukat sa pamamagitan ng
kahusayan, kakayahang maabot ang korte, katarungan, tiwala ng publiko, at kasarinlan
ng hukuman. Sa limang nabanggit, ang kahusayan ang matibay na batayan sa
pagkukumpara sapagkat ito ay maaring masukat ang dami gamit ang walang
kinikilingang datos, ayon pa ay Dakolias. Ang kahusayan ay maaaring masukat gamit
ang kalidad at oras. Ang aklat na ito ni Dakolias ay isang paghahambing sa mga
pagganap ng mga korte sa iba‟t ibang bansa sa kanilang tungkulin ng pagbaba ng
pasya sa mga kaso na inihahain sa kanila.
Ayon pa kay Dakolias, ang mga sumusunod ang ginamit niya upang matukoy
ang kahusayan ng mga korte: ang bilang ng mga kaso na inihahain sa loob ng isang
taon; bilang ng mga kasong natatapos sa isang taon; bilang ng mga kaso na nakabinbin
pagkatapos ng isang taon; clearance rate o ang ratio ng mga kasong natapos sa isang
taon sa mga kasong naisampa; congestion rate o ang ratio ng mga kasong nakabinbin
at naisampa sa mga kasong nabigyan na nag hatol; gaano katagal ang karaniwang
inaabot ng pagbaba ng hatol ng isang kaso; at ang bilang ng hukom kada 100, 000
residente.
Sa kabila ng pag-aaral na ginawa ni Dakolias sa hukuman ng iba‟t-ibang bansa
ay hindi niya nagawang tukuyin kung bakit mas mahusay ang ibang korte kung
ihahambing sa iba. Ngunit napansin ni Dakolias na ang malaking congestion rate ay
hindi nangangahulugan na hindi mahusay ang korte sapagkat nakakaapekto sa
clearance rate at congestion rate. Ang isang mahalagang obserbasyon din ni Dakolias
ay ang epekto ng kulturang legal sa kahusayan ng korte. Ang kulturang legal ay
tumutukoy sa istruktura ng hukuman, pangkasaysayan at ekonomikong konteksto,
paningin ng publiko, at mga usapin ng kasarinlan ng hukom.
7
Ang pananaliksik naman ni Hector Fix-Fierro noong 2004 mula sa Oxford ay
nagsilbing malaking tulong sa pag-aaral na ito. Sinuri niya kung gaano kahusay ang
mga korte sa iba‟t-ibang panig ng mundo sa pagganap ng mga ito sa kanilang legal na
tungkulin. Mas naging partikular siya sa relasyon sa pagitan ng kahusayan ng bumubuo
ng korte at ng hustiya.
Isang mahalagang punto sa librong ito ni Fix-Fierro na pinamagatang Courts,
Justice And Efficiency: A Socio-Legal Study Of Economic Rationality In Adjudication na
inilathala noong 2004, ay ang obserbasyon na wala talagang tunay na pagdami ng
bilang ng mga napapagpasyahan na kaso at nagkakaroon pa ng pagdami ng bilang ng
mga kasong isinasampa sa korte kung kaya‟t nagdudulot ito ng pagtingin ng overload,
kawalan ng kakayahan, at pagbagal sa pagbibigay ng hustisya. Ang lahat ng ito, ayon
kay Fix-Fierro ay paiba-iba depende sa pagtingin ng tao na kabilang sa panghukuman
at legal na mga proseso. Dahil dito, nagkakaroon ng tinatawag na „krisis sa
pangangasiwa‟ sa hukuman na maaaring nagmumula sa mga gawain at interes ng mga
aktor kabilang na ang mga partidong nagtutunggali sa mga kaso at ang mga hukom
mismo. Sila ang mga aktor na kabilang sa panghukuman at legal na proseso (Fix-
Fierro, 2004, pahina 10-13).
Kung gayon, ang dapat pag-aralan ay ang kakayahan ng hukom sa pagbibigay
ng kanyang pagpapasya sa mga kaso pa sa kanya, ang pagsukat sa kakayahan ng
korte batay sa oras na ginugugol upang resolbahin ang mga kaso o bilang ng mga kaso
na isinasampa sa korte ay hindi dapat ang mga dominante o nangungunang usapin sa
aspeto ng paggawa ng mga desisyon (Fix-Fierro, 2004, pahina 235). Batay sa mga
puna ni Fix-Fierro, masasabing ang pagsukat sa kakayahan ng korte ay hindi lamang
dapat sa perspektibo ng ekonomiko, kundi sa sosyolohikal o panlipunang perspektibo.
Ang Anti-Corruption Resource Centre naman, kasama ang Transparency
International, ay binigyan ng kahulugan ang konsepto ng kahusayan ng korte sa
artikulong pinamagatang Indicators of Judicial Efficiency in Corruption Cases na
inilathala noong Oktubre taong 2008. Ayon sa dalawang kilalang organisasyon, ang
kahusayan ng korte ay tumutukoy sa abilidad o kakayahan ng sistemang panghukuman
8
na iproseso at pag-aralan ang mga kaso sa propesyonal at independent na paraan na
walang pagkaantala at backlogs. Nagbigay rin sila ng mga indikasyon na maaaring
gawing batayan upang masukat ang kahusayan ng korte.
Sistemang Hukom sa Pilipinas at ang Relasyon sa Pagitan ng Matagal na
Pagdedesiyon sa Kaso at Hustisya
Ayon kay Malou Mangahas sa kanyang artikulong pinamagatang Wheels Of
Justice Grind Slow; Results, Audit Of Funds Slower na inilathala ng Philippine Center
for Investigative Journalism noong 2010, sa bawat 52, 077 na Pilipino ay mayroon
lamang iisang hukom o judge, halaw sa taunang ulat mismo ng Supreme Court noong
2008. Sa bawat isang kaso na nareresolba, dalawang kaso ang pumapalit sa posisyon
nito (Mangahas, 2010, n.p.).
Sa pagtatapos ng taong 2007, ang dockets sa mababang korte ay mayroong
674, 917 pending o nakabinbin na mga kaso. Sa pagtatapos ng 2008, ito ay naging
642, 649 o limang porsyentong pagbaba sapagkat kasali na rito ang bagong 333, 597
bagong mga kaso na isinampa sa mga korte. Sa case outflow o disposition naman, 418,
031 mga kaso ang naialis ng mga mababang korte sa listahan ng mga ito sa
pagtatapos ng 2008. Ngunit hindi nangangahulugan na naresolba ang mga ito sapagkat
282,236 kaso lamang ang nabigyan ng desisyon o naresolba; 116,560 ang naitala o
naidokumento; at 19,235 ang inilipat sa ibang korte.
Ang may pinakapunong dockets ay ang Regional Trial Courts o RTCs na may
358,112 pending na mga kaso, sunod ang Metropolitan Trial Courts o MeTCs, noong
taong 2008. Mayroon lamang 770 hukom sa RTC (maliban sa 192 na bakanteng
posisyon), at 69 hukom sa MeTC (maliban sa 26 na bakanteng posisyon) sa pagtatapos
ng 2008.
Kung mabagal ang mga mababang korte, mas mabagal naman ang nakataas na
korte. Ang Court of Appeals ay may disposition rate na 42.9 porsyento noong 2007
patungong 41.2 porsyento noong 2008. Ang disposition rate ng Sandiganbayan ay
tumaas mula 11.72 porsyento noong 2007 patungong 22.8 porsyento noong 2008
9
samantalang ang Court of Tax Appeals ay mula 33.8 porsyento patungong 36.4
porsyento. Subalit, ayon kay Mangahas, ang disposition rate na ito ay masasabing
maliit pa rin kung ikukumpara sa bilang o dami ng mga kasong isinasampa rito.
Ano nga ba ang epekto ng mabagal na pagresolba sa mga kaso? Ayon sa Law
Reform Commission sa New South Wales sa issue paper nito noong 1982 na
pinamagatang Criminal Procedure: General Introduction and Proceedings in Courts of
Petty Sessions (Courts of Petty Sessions: Delays), ang pagdinig sa kaso na hindi
natapos sa itinalagang oras ay nakakadagdag sa usapin ng clogged dockets. Kasunod
rin nito ang pagkaantala sa mga susunod na kaso na kailangan pang dinggin.
Ang mga biktima, kamag-anak at kaibigan ng biktima, at witnesses naman ay
nakararanas ng emotional at psychological strain dulot ng pagkaantala sa kaso na
kanilang kinabibilangan. Ang mga witnesses rin ang maaaring makaranas ng biglaang
pagkamatay, magkasakit at makaranas ng memory loss kung saan maaapektuhan ang
kanilang kakayahan na magbigay ng testimonya. Bukod pa rito ay ang pagkaubos ng
oras at pera sa paulit-ulit na pagkaantala sa pagdinig ng kaso (Law Reform
Commission, 1982, n.p.). Kung kaya naman higit itong nakakapekto sa mga taong
walang sapat na pinansiyal na kakayahan upang ipagpatuloy ang kaso sa mahabang
panahon. Maaari ring masira, mawala o sadyaing mawala ang mga nakalap na
ebidensiya kapag tumagal ang pagdinig sa kaso na sadyang makakaapekto sa landas
na tatahakin ng desisyon.
Ayon kay Francis H. Monek, dekano ng International Academy of Trial Lawyers
sa kanyang artikulong Court Delay: Some Causes and Remedies na inilathala noong
1982, ang congestion sa korte at pagkaantala ay nagbibigay ng panganib sa sistemang
pangkatarungan dahil habang tumatagal ang delays, ang mga inosente na walang
kakayahang magpiyansa ay naghihirap nang mas matagal sa loob ng kulungan, ang
mga may sala na nakakawala ay nagdudulot ng panganib sa lipunan, at ang halaga ng
mabilis na pagbibigay ng katarungan ay nawawala.
10
Ayon sa artikulong The Criminal Justice System in the Philippines Is Rotten na
inilathala ng International Covenant on Civil and Political Rights noong 2007, ang mga
institusyon ng gobyerno na naatasang magbigay ng hustisya sa mga biktima ng mga
pang-aabuso o paglabag sa karapatan ang siya mismong nagkakait ng hustiya sa
tuwing hindi nila matugunan ang mga kaso na isinasampa sa kanila o kaya naman ay
umaabot ng napakahabang panahon bago pa marinig ang resulta.
Sa katotohanan, ang mga reklamo laban sa korte ng Pilipinas mula sa bibig ng
mga ordinaryong tao at media ay karaniwang naririnig. Mahirap din ang makahanap ng
isang desididong tagapagtanggol sa linya ng mga intelektuwal. Ang mga Pilipino na
nagpupunta sa korte sa paghahanap ng katarungan ay mas madalas na nadodoble ang
kahirapan ng loob na dinaranas. Ngunit saan pa nga ba sila pupunta upang malutas
ang kanilang mga problema?
Inilahad din ng Asian Human Rights Commission o AHRC sa artikulo nito noong
2006 na pinamagatang PHILIPPINES: An Improved Criminal Justice System Is Key To
Upholding Human Rights na kahit pa nagawang maisampa ang mga kaso sa hukuman,
ang mga biktima ay patuloy na humaharap sa pagkaantala ng pakikinig sa kanilang
mga kaso. Sa Pilipinas, hindi sapat ang resources at kulang ang staff sa mga opisina ng
prosecution kung kaya‟t ang mga hukuman ay hindi epektibong nagagampanan ang
kanilang mga tungkulin sanhi ng workloads. Ayon pa sa AHRC, ang mas nakakabahala
ay ang mistulang pagbabalewala ng gobyerno ng Pilipinas sa nakikitang kabalintunaan
sa ating sistemang panghukuman. Ang pagsasantabi na ito ay nagdudulot ng
negatibong pagtingin at kawalang tiwala ng mga mamamayan sa sistemang
panghukuman.
Sa isang pag-aaral naman na ginawa ng World Economic Forum na
pinamagatang Global Competitiveness Report 2010-2011, pinagkalooban ng mga
business executives ang sistemang legal sa Pilipinas sa kahusayan nitong ayusin ang
mga kaso ng mga pribadong kumpanya ng markang 2.8 laban sa kabuuan o
perpektong marka na 7 (1 bilang lubhang hindi mahusay at 7 bilang lubhang mahusay).
Nagpapakita lamang ito na pati na rin ang mga executive ng mga kumpanya at hindi
11
lamang ang mga karaniwang mamamayan ang nababahala sa suliranin sa ating
sistemang panghukuman.
Municipal Trial Court
Sa kanyang inaugural speech, inamin mismo ni Chief Justice Renato Corona na
mula sa pinakamababang antas ng korte hanggang sa kataas-taasang tribunal ng
Pilipinas ay naroroon ang problema ng napakatagal at mahirap na paghihintay sa mga
desisyon ng korte hinggil sa mga kasong isinasampa ng mga mamamayan. Madalas
ring ang mga akusado at ang naghain ng kaso ay namatay na bago pa man nakita ang
pagbaba ng hatol ng kaso, (Torrevillas, 2010, n.p.).
Ang opisyal na pahina ng Korte Suprema ng Pilipinas din ay nagbibigay ng pag-
uulat taon-taon tungkol sa mga natupad nitong tungkulin at mga reporma sa mga korte
sa bansa at kabilang na nga rito ang bilang ng kasong kanilang nabigyan ng mga
desisyon. Ayon sa ulat na pinamagatang Disposition of Cases ng Congressional
Planning and Budget Department House of Representatives na inilabas noong 2009,
ang Court of Appeals ang may pinakamalaking disposition rate na 43 porsyento. Ito ay
mas mataas lamang ng kaunti sa Court of Tax Appeals na may 34 porsyento, MTCs na
may 27 porsyento, at ang RTC naman ay may 25 porsyentong disposition rate.
Sa puntong ito, masasabi nating mabagal nga ang pagresolba ng mga kaso ng
mga korte sa Pilipinas, lalo na ang mababang korte. Ang katanungang nais nating
sagutin ay kung sino ba ang kadalasang nabibiktima ng mabagal na pagresolba sa mga
kaso, kung paano sila naapektuhan, at kung ano ang epekto ng mabagal na pagresolba
sa kaso sa pagkamit nila ng hustisya.
12
III. Balangkas ng Pag-aanalisa
Sa pag-aaral na ito ginagamit ang lente ng hustisya o katarungan. Mas
naangkop dito ang perspektibo ng procedural justice sapagkat tumutukoy ito sa mga
pamamaraan ng pagresolba ng kaso sa loob ng korte na siyang tinitingnan ng pag-aaral
na ito. Gamit ang perspektibong ito, tinitingnan ang mga tungkulin ng korte na
pangalagaan ang karapatan ng mamamayan na makamit ang katarungan.
Katarungan O Hustisya
Si John Rawls sa kanyang libro na pinamagatang A Theory of Justice na
inilathala noong 1999, ay inilarawan ang hustisya o katarungan pagkakapantay-pantay
samantalang si Hans Kelsen naman sa kanyang akda na What Is Justice?: Justice,
Law, And Politics In The Mirror Of Science noong 1957 ay sinabing ang hustisya ay ang
posibleng kalidad ng lipunan na maayos na nangangasiwa sa relasyon ng bawat isa.
Si Takato Natsui, isang abogado at propesor sa Meiji University sa kanyang
artikulong Procedural Justice Changes in Social Structures in an Information Society
and the Maintenance of Justice (walang nabanggit na petsa), ay nagsabing ang
procedural justice ay ang pangangalaga sa due process of law sa mga pagdinig sa
kaso.
Subalit ayon kina kay Chandran Kukathas at Philip Pettit sa kanilang libro na
pinamagatang Rawls: A Theory Of Justice And Its Critics noong 1990 na pumupuna sa
mga isinulat ni John Rawls, may dalawang aspeto sa konsepto ng hustisya: pagnanais
na makamit ito at ang pagiging posible nito. Ayon sa kanila, naisin man ng isang tao na
makamit ang hustisya ay may mga grupo ng tao na mas may kakayahan na
mapagkalooban nito. Kung kaya naman ang hustiya ay subjective o depende sa taong
tumitingin sa konsepto na ito.
13
“Ang Pagkaantala ng Katarungan ay Pagkakait Nito” (Justice Delayed is Justice
Denied)
Ang mga katagang ito na naging popular bilang isang salawikain ay unang
ginamit ni William Ewart Gladstone (1809 - 1898) na isa sa pinakatanyag na Ingles na
pulitiko at dati ring British Prime Minister (Das, 2009, n.p.). Gayunpaman, sa pagdaan
ng panahon, ang mga katagang ito ay nagiging legal maxim na ang ibig sabihin ay kung
mayroon ng mga pamamaraan para sa isang partido o kampo na makatanggap ng legal
redress dahil sa paglabag sa kanilang mga karapatan ngunit hindi ito nabibigay sa
sapat na panahon, ang ibig lang nitong sabihin ay tuluyang pagkawala ng legal redress
na hinahangad, (Dumbuya, 2010, n.p.). Ito ang naging basehan ng karapatan ng mga
mamamayan sa mabilis na trial upang mapaigting ang sistemang legal sa bansa.
Ayon sa Law Reform Commission sa New South Wales sa issue paper nito
noong 1982 na pinamagatang Criminal Procedure: General Introduction and
Proceedings in Courts of Petty Sessions (Courts of Petty Sessions: Delays), ang
pagkaantala ay hindi maaaring maiwasan at minsan pa nga ay nakabubuti. Tunay na
kailangan ng sapat na oras upang makakuha ng mga ebidensya, testigo, at
paghandaan ang kaso. Isang suliranin dito ay ang kawalan ng pormal na kahulugan nito
sa korte. Sa kontekstong ito, binibigyang kahulugan ang pagkaantala bilang oras sa
pagitan ng pagsabi ng korte na diringgin nito ang kaso hanggang sa aktwal o literal na
pagdinig sa kaso. Ngunit para sa pag-aaral na ito, binibigyang-diin ang oras sa pagitan
ng pagsampa ng kaso hanggang sa oras na mabigyan ito ng hatol o desisyon. Ayon sa
isang ekspertong mahistrado sa New South Wales, ang pagkaantala ng hanggang
walong linggo ay hindi delikado, ngunit hindi rin kanais-nais. Ngunit ang pagkaantala ng
lampas sa walong linggo ay dapat ng bigyang pansin. Sa Pilipinas, ang nakatakdang
panahon na ibinibigay ng 1987 Philippine Constitusyon sa mababang korte upang
resolbahin ang isang kaso ay tatlong buwan o labindalawang linggo.
14
Ang Tungkulin ng Mga Korte at Hukom
Sa karaniwang mamamayan ay napakasimple ng tungkulin ng mga hukom na
may jurisdiction sa mga korte. Ito ay ang mabilis na pagresolba sa mga kaso hindi
lamang sa mabilis na paraan kung hindi pati na rin sa paraang matapat at walang
pinapanigan. Ang jurisdiction o hurisdiksyon ay tumutukoy sa awtoridad o karapatan ng
hukom na dinggin, magbigay ng trial, at magresolba ng mga kaso sa itinakdang korte
para sa kanya.
Bukod sa konstitusyon na siyang pinakamakapangyarihang batas sa bansang
Pilipinas ay nasasaad din sa Revised Penal Code ang mga tungkulin ng mga hukom.
Sa Artikulo 207 nito, nagsasaad na bawal ang malicious delay sa pagbibigay ng
katarungan, (Soriano, 2011, n.p.).
Ang Seksyon 4-A ng Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical
Standards for Public Officials and Employees ay nagsasaad na ang sumusunod ay
dapat taglay ng mga hukom at mahistrado: pagtatanggol sa pampublikong interes,
professionalism, pagiging makatarungan at sinsero, may political neutrality,
nasyonalismo at patriyotismo, pagtatanggol sa demokrasya, at simpleng pamumuhay.
Dagdag pa rito, ang Administrative Number 03-05-01-SC ay nagbibigay ng anim
na canons ng judicial conduct: independence, integrity, impartiality, propriety, equality,
at competence at diligence.
Panghuli, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act No. 3019 ay
nag-iisa-isa ng mga korap na gawain ng mga public officials. Kahit kabilang sa
hudikaturang sangay ng gobyerno, nasasaklaw pa rin nito ang mga mahistrado at
hukom dahil sila ay empleyado pa rin ng gobyerno.
Dahil sa mga ganitong batas at kasalukuyang sitwasyon, hindi maikakaila na ang
matagal na panahon na lumilipas bago maresolba ang mga kaso na isinampa sa mga
korte ng Pilipinas ay hindi lamang nangangahulugan ng kawalang-katarungan kung
hindi isa ring krimen na maaaring ihabla sa mga hukom at mahistrado.
15
Tinitingnan ng pag-aaral na ito kung ano nga ba ang epekto ng matagal na
pagkaantala sa pagresolba ng kaso sa isang partikular na korte sa Pilipinas at ang
epekto nito sa katarungan.
IV. Pamamaraan ng Pagkalap at Pagsusuri ng Datos
Pagkalap ng Datos
Ang pag-aaral na ito ay isang evaluation research na naglalayon na suriin at
bigyang paliwanag ang isang pangyayari sa lipunan.
Dahil sa limitadong oras at resources, ang disenyo ng pag-aaral ay isang case
study. Mas pinagtutuunan ng pansin ng mananaliksik ang lalim ng pag-aaral kaysa sa
dami at representasyon. Ang pag-aaral rin ay nagsisilbing isang espisipikong
halimbawa kaugnay ng malawakang kalagayan ng bansa kung saan ang matagal na
panahon ang inaabot bago maresolba ang kaso ay tinitingnan na tuluyang pagkawala
ng katarungan.
Ang ginamit bilang case study ay ang Municipal Circuit Trial Court (MCTC) sa
munisipyo ng Viga, Catanduanes sa rehiyon ng Bicol.
Figure 1. Map of Catanduanes
16
Ang layunin ng pag-aaral ay malaman kung gaano katagal na panahon ang
inaabot bago maresolba ang mga kaso sa nabanggit na MTC at kung ano ang epekto
nito sa katarungan.
Ang MCTC sa Viga, Catanduanes ang siyang napili ng mananaliksik sapagkat ito
ay pamilyar na at ang paraan ng pagsasaliksik ay madali dala ng paglubog sa lugar at
ang tulong na nakuha upang makakuha ng mga datos dahil sa ilang mga tao na kilala
ng mananaliksik na nakunan ng mga mapagkakatiwalaan na impormasyon.
Ang mga pangunahing datos na kailangan ay nahahati sa tatlo.
Una ay ang kalagayan ng Municipal Circuit Trial Court at ang kakayahan nitong
magresolba ng mga kaso. Inalam ng mananaliksik kung naroon ba lahat ng mga
elemento upang maresolba ang kaso, kabilang ang presensiya ng hukom, mga staff,
kagamitan, at iba pang resources. Bukod pa rito ay kung maayos o mabisa ba ang
kanilang paggampan sa kani-kanilang mga tungkulin. Sa kabilang banda, inalam rin
kung anu-ano ang posibleng dahilan ng pagkaantala sa pagresolba ng kaso na kanilang
dinidinig at kung ano ang kanilang ginagawa upang ang mga di kanais-nais na mga
dahilang ito ay maiwasan o matanggal ng tuluyan. .
Ang pangalawang kategorya ng datos ay ang uri ng mga kaso sa MCTC, ilan
ang inihahabla taun-taon, ilan ang nareresolbang kaso sa isang taon, at ilan ang
nanatiling nakabinbin sa korte.
Ang pangatlong kategorya ng datos na inalam ng mananaliksik ay ang hustisya.
Ano ba ang hustisya sa paningin ng ordinaryong mamamayan na nagsasampa o
naghahabla ng kaso sa Municipal Circuit Trial Court? Sa perspektibo ng ordinaryong
tao, maayos at legal ba ang mga pamamaraan ng korte sa pagtanggap sa mga partido
at pagdinig sa kaso? Anu-ano ba ang mga dalahin o problema na kanilang kinakaharap
habang hinihintay ang pagbaba ng hatol ng hukom ng korte? Maaagap bang
nareresolba ang kaso? At ang panghuli, naniniwala ba sila na ang mahabang panahon
ng paghihintay bago maresolba ang mga kaso, kung ito ay nareresolba nga, ay
nangangahulugan na ito ng kawalang-hustisya sa parte ng mga partido?
17
Dahil inaamin na may kakulangan sa mga impormasyon na mayroon ang
tagapagsaliksik, ginamit ang grounded theory sa pag-aaral. Mula sa mga impormasyon
na nakuha ay nakabuo ang mananaliksik ng inference gabay ng perspektibo ng
katarungan. Ninais rin ng mananaliksik na marinig ang boses ng ordinaryong
mamamayan sa munisipalidad ng Viga sapagkat wala pang anumang pag-aaral ang
isinagawa rito. Higit sa lahat, bukas ang mananaliksik sa mga pagbabago sa mga
naunang datos na maaaring maging resulta sa pagtatapos ng pananaliksik.
Batay sa mga nabanggit, ang pangunahing paraan na ginamit ng mananaliksik
ay ang key informant interview o KII sa mga taong may kasanayan sa mga proseso sa
loob ng korte tulad ng hukom, prosekyutor, staff, at iba pang administrative personnel.
Isinaalang-alang dito ang kasanayan, kasarinlan, at pagiging pamilyar ng mga tao sa
mga proseso sa loob ng hukuman.
Sa pagkalap ng datos mula sa mga eksperto sa ganitong uri ng pag-aaral tulad
ng mga mananaliksik mula sa akademya ay ginamit rin ang KII. Muli, isinaalang-alang
dito ang kasanayan, kasarinlan at objectivity, at pagiging pamilyar ng mga tao sa mga
proseso sa loob ng hukuman.
Sa pangangalap ng pangunahing datos ay tanging KII lamang ang naging
paraan ng pangangalap dahil sa pagiging sensitibo ng ilang mga kaso. Bukod dito,
nakabinbin pa rin sa korte ang mga kaso kung kaya‟t hindi lahat ng mga nakapanayam
ay handang magsalita at magpahayag ng mga pagtingin sa harap ng ibang tao maliban
sa mananaliksik.
Ginamit rin ng mananaliksik bilang pangunahing datos ang mga datos mula sa
datos tulad ng mga dokumento na nagsasaad ng mga uri ng mga kaso na isinasampa
rito, gaano ito karami sa isang taon, ilan ang kanilang nareresolba sa isang taon,
gayundin ang bilang ng mga kasong nanatiling naka-archive sa korteng ito. Mahalaga
rin ang mga literatura at mga babasahin na una ng ginamit ng mananaliksik upang
tingnan ang kabuuang kalagayan ng sistemang hudikatura ng bansa.
18
Mahalaga rin ang mga literatura at mga babasahin na una ng ginamit ng
mananaliksik bilang mga sekundaryang datos upang tingnan ang kabuuang kalagayan
ng sistemang hudikatura ng bansa.
Table 1. Buod ng Pangangalap ng Datos
Mga Uri ng
Datos
Mga Kategorya ng Datos Pagkukunan Paraan ng
Pangangalap
ng Datos
Pangunahing
Datos
Kalagayan ng MTC, resources ng
MTC, pagganap sa tungkulin ng
mga nasa MTC, mga posibleng
dahilan ng pagkaantala sa
pagresolba ng kaso
Hukom, Clerk of
Courts, Administrative
Personnel (Set 1)
Key Informant
Interview (KII)
Mga uri ng kaso, bilang ng
inihahabla bilang ng nareresolba at
hindi
Hukom, Clerk of
Courts, Administrative
Personnel (Set 1)
KII
Ang haba ng panahon na inaabot sa
pagresolba sa kaso
Hukom, Clerk of
Courts, Administrative
Personnel (Set 1);
mga taong nagsampa
ng kaso o may
karanasan sa mga
proseso sa loob ng
korte (Set 2)
KII
Hustiya, pamamaraan sa loob ng
hukuman, problemang kinakaharap
dahil sa matagal na pagresolba sa
kaso,
Set 1, mga taong
nagsampa ng kaso o
may karanasan sa
mga proseso sa loob
ng korte (Set 2), mga
eksperto
KII
Sekundaryang
Datos
Mga uri ng kaso, bilang ng
inihahabla bilang ng nareresolba at
hindi
Dokumento,
Resolusyon, Literatura
19
Pagsusuri ng Datos
Sa pagsusuri ng datos ay kinuha ang pinakamahahalaga lamang. Upang
pagtibayin ito ay ginamit ang triangulation by data source.
Sa pangangalap ng datos ukol sa mga posibleng dahilan ng pagkaantala ng
pagbibigay ng hatol sa kaso, ginamit ng mananaliksik ang KII sa pagkuha ng
impormasyon mula sa hukom, clerk of courts, at iba pang administrative personnel o
staff; sa mga taong nagsampa ng kaso sa korte; at literature review ng mga pag-aaral
ng mga eksperto sa ganitong mga pag-aaral tulad ng iba pang abogado, NGO, at
akademya.
Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos ay gumamit ang mananaliksik ng coding,
case analysis, at cross-case analysis. Sa paraang ito ay binigyan ng mga kategorya o
uri ang mga nakalap na impormasyon. Ginamit ang mga kategoryang ito upang tukuyin
ang ugnayan ng mga ito sa isa‟t isa at sa gayon ay tukuyin ang kabuuang usapin ng
pag-aaral at suriin ito gamit ang perspektibo ng katarungan.
V. Etika
Sensitibo man o hindi ang pag-aaral na ito, nais proteksyunan ng mananaliksik
ang lahat ng tao na kalahok sa pag-aaral kung kaya‟t sa abot ng kanyang makakaya ay
hindi siya gumawa at kanyang hindi pinahintulutan ang anumang makapipinsala o
magdudulot ng kapahamakan sa mga taong kabilang sa pag-aaral.
Ngunit dahil alam ng mananaliksik ang mga panganib na posibleng mangyari sa
mga taong mapapabilang sa pag-aaral, siniguro ng mananaliksik ang pagiging
kompidensiyal ng anumang sasabihin ng katugon. Kaugnay nito ang pangangalaga sa
pagkakakilanlan ng mga katugon kung kaya‟t binigyan ng alyas ng mananaliksik ang
bawat taong napabilang sa pag-aaral.
20
Lahat ng tape at transcript ay nilagyan ng koda at itinago at sa pagtatapos ng
pag-aaral ay sisirain at itatapon. Ang mananaliksik lamang ang tanging may access sa
mga dokumentong ito.
Ang Free and Prior Informed Consent (FPIC) ay ibinigay sa mga kinapanayam
ng di bababa sa dalawang araw bago ang araw ng interbyu na itinakda mismo ng mga
kinapanayam. Sa ibang interbyu ay binasang muli at ipinaliwanag ng mananaliksik ang
sinasaad ng FPIC bago magsimula ang interbyu.
Pinaalam sa kanila na walang makukuhang anumang uri ng benepisyo ang mga
taong lumahok sa pag-aaral na ito ngunit sila ay may pagkakataong mabasa ang
resulta ng kabuuan ng pag-aaral.
VI. Mga Resulta
Istruktura ng Municipal Circuit Trial Court
Fig. 2. Organizational Chart of the Judiciary System in the Philippines
21
Ang Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ang pinakamababang antas ng korte
sa Pilipinas, kabilang ang Municipal Trial Court (MTC), Municipal Trial Court in Cities
(MTCC) at Metropolitan Trial Court (MeTC) para sa mgal lungsod.
Ang Viga MCTC na isang single-sala court ay binubuo ng tatlong munisipyo:
Viga, Panganiban, Bagamanoc. Ginawa itong MCTC dahil maliit lamang ang
populasyon ng mga munisipyong nabanggit.
Ang mga kasong pwedeng isampa sa MCTC ay ang mga criminal cases na may
kaukulang parusa na hanggang anim na taon na pagkakakulong at mga civil cases
kung saan ang halagang sangkot ay mas mababa sa Php 400,000.00.
Dahil maliit ang populasyon at kadalasan ang mga problemang pangkatarungan
ay may katangian na maaaring malutas sa Barangay Justice System o Lupong
Tagapamayapa, taun-taon ay tatlumpong kaso ang naihahain dito at may limampung
porsyentong clearance rate o ratio ng mga kasong natapos sa isang taon sa mga
kasong naisampa. Ngunit sa taong 2011, sa tatlumpong kasong dinidinig ng korte ay 26
ang nananatiling hindi pa napagdedesisyunan ng korte at apat lamang ang naresolba
na. Ibig sabihin ay mayroon lamang itong 20 porsyento disposition rate. Ang clearance
rate ay ang ratio ng mga kasong natapos sa isang taon sa mga kasong nakabinbin pa
sa korte, (Dakolias, 1999, n.p.).
Sitwasyon ng Viga MCTC
Sa pisikal na aspeto, ang nagsisilbing sala ay ang bulwagan kung saan din
nagsasagawa ng hearing ang munisipyo ng Viga kasama ang Sangguniang Bayan at
Office of the Municipal Mayor. Nanghihiram rin ang Viga MCTC sa munisipyo ng mga
upuan dahil wala itong sarili. Ayon kay Carlo (hindi totoong pangalan), na tatlong taon
nang dinidinig sa korte ang kaso, “Ang problema dyan, pag naghi-hearing maraming
nakatayo, walang upuan eh.” Dagdag pa ni Anton (hindi totoong pangalan),
“Nanghihiram na nga lang sa munisipyo, ang pagagalitan pa munisipyo.” Ayon naman
sa isang personnel tungkol sa kalagayan ng MCTC, “Hindi kanais-nais.Pag tag-init, lalo
22
namang mainit. Walang electric fan, walang computer. Pag naghi-hearing kami,
naghihiram ng mga upuan, lamesa, electric fan, at iba pa.”
Sa organizational structure naman ng MCTC ay wala itong Clerk of Court. Bukod
dito ay may mga pagliban na nagaganap sa parte ng hukom o judge sapagkat ang
hukom dito ay nagmumula o “hinihiram” pa sa Daraga, Albay na anim na oras ang layo
mula sa Viga, Catanduanes kung maglalakbay sa lupa o by land. Isang beses sa isang
buwan lamang pumupunta ang hukom sa Catanduanes upang magdinig ng mga kaso
sa Viga MCTC.
Mga Dahilan ng Pagkaantala sa Pagresolba sa Mga Kaso
Nakita sa pananaliksik na marami ang mga dahilan ng pagkaantala sa pagbaba
ng desisyon sa mga kaso. Isa ay ang hindi pagsipot ng mga testigo o saksi sa kaso sa
oras ng pagdidinig. Ikalawa ay ang hindi pagpunta ng isang partido sa oras ng
pagdidinig. Nagiging daan ang mga ito sa ikatlong dahilan kung bakit naantala ang
pagresolba sa kaso – ang pagrereschedule o pagtatakda ng pagdinig sa ibang araw.
Ang ikaapat ay kawalan ng mga abogado mismo. Lumabas sa pag-aaral na ang mga
abogado ng mga partido ay nagmumula pa sa Virac, ang pinakamalaking munisipyo sa
Catanduanes na isa hanggang dalawang oras ang layo mula sa Viga kung saan
nagaganap ang pagdinig. Ang ikalima ay ang madalas na pagpapalit ng mga hukom sa
korte. Ang kaso ng isa sa mga nakapanayam na tatlong taon ng nakabinbin sa korte ay
tatlong hukom na rin ang pinagdaanan. Ang ikaanim at pinakamabigat na dahilan ng
pagkaantala sa pagresolba ng kaso ay ang kawalan mismo ng judge o hukom na
nananatili sa Viga MCTC.
Isang mahalagang impormasyon din na ang kaso sa isang nakapanayam na
umaabot na ngayon ng apat na taon ay tumagal dahil sa hindi maayos na paghain ng
kanyang kaso. Ayon sa kanya, hindi ito dumaan sa prosecutor‟s office na siyang
nakatakda na maghain nito sa MCTC. Inabot siya ng apat na taon ng paghihintay sa
kanyang kaso. Sa pagdating ng bagong hukom ay nagpasya itong i-remand o ibalik sa
prosecutor‟s office ang kanyang kaso upang dumaan sa tamang proseso.
23
Mga Epekto ng Pagkaantala ng Kaso
Ang pinakakaraniwang epekto sa mga nakapanayam ng matagal na paghihintay
sa pagresolba ng kaso ay ang usaping pinansyal. Ang ibang kliyente din ang siya pang
nagbabayad ng accommodation ng abogado sa hotel kung saan ito tumutuloy sa araw
ng pagdinig. Kahit nariyan ang Public Attorney‟s Office o PAO para sa mga indigent
clients o iyong walang kakayahan na magbayad ng sarili nilang abogado. Ika nga ni
Anton, “Justice delayed, gastos gulpi” (ang „gulpi‟ ay salitang Bicol na sa Tagalog ay
„marami‟). Dagdag pa nya, “Magastos. Sain kita makitkit?” (Magastos. Saan tayo
kukuha?” Ayon naman kay Carlo, “Abala talaga sa trabaho yan o. Talagang abala. Tsk.”
Dahil dito, ang oras na dapat ay nagugugol nila sa paghahanap-buhay upang tustusan
ang pangangailangan ng kanilang pamilya ay nakokonsumo sa pagdinig sa kanilang
kaso na tumatagal ng ilang taon.
May epekto rin ito sa kalusugan ng mga kliyente. Ang pag-iisip sa kanilang kaso
ay nagdudulot sa kanila ng stress, parehong emotional at psychological.
Katarungan
Karamihan sa mga nakapanayam ay naniniwala na ang pagkamit ng katarungan
ay karapatan ng bawat isa. Ngunit isang mahalagang opinyon na naipahayag ay ang
obserbasyon na habang tumatagal ay nagiging pribilehiyo na lamang ito para sa mga
may pera.
Naroon rin ang mga pahayag na ang pagkamit ng katarungan ay nakadepende
sa korte. Karamihan sa mga nakapanayam ay nagsaad na depende sa korte kung
kanilang papatagalin o papabilisin ang pagresolba sa kaso.
Ang paniniwala na ang pagkamit ng katarungan ay nakadepende na lamang sa
korte ay nagbibigay ng pagtingin na mas may kontrol ang korte sa pagkamit ng
katarungan ng mamamayan. Ang pagtingin na ito ay hindi akma sa obligasyon o
tungkulin ng korte na magbigay ng katarungan sa mamamayan na humihingi ng tulong
nito, sa pinakamabilis na paraan.
24
Nagpapakita lamang ito ng helplessness sa parte ng mga taong naghihintay na
maresolba na ang kanilang kaso dahil sa paniniwalang ang korte ang may hawak ng
kapalaran ng kanilang mga kaso. Iminumungkahi nito na kinikilala nila ang kawalan nila
ng kakayahan na mapabilis ang usad ng kanilang kaso.
Ang Pagkabalam sa Pagkamit ng Katarungan ay Pagkakait Nito
Karamihan sa mga nakapanayam sa pag-aaral na ito ay naniniwala na hindi nila
nakakamit ang katarungan dahil sa mahabang paghihintay sa pagresolba sa kanilang
kaso. Isang hinaing ni Romy ay ang usapin ng suhulan habang nakabinbin sa korte ang
kaso. Nawawalan rin ng interes ang isa o parehong partido habang tumatagal. Ayon
nga kay Anton, “Nahohokus-pokus. Nung oras na ng paglilipat ng judge, biglang baba
ng promulgation na walang pasabi. Justice denied, justice delayed na yun.”
Isang personnel ng korte naman ang nagsabi na hindi siya naniniwala sa
konseptong ito. Ayon sa kanya, naaantala lang ang pagkamit ng katarungan dahil
walang judge pero nakakamit pa rin ito. Naniniwala rin siya na gaano pa man katagal
ang pagresolba ng kaso kung magiging patas na pa rin at magkakaroon pa rin ng
desisyon ang hukom ukol sa kaso, makakamit pa rin ang katarungan.
VII. Pagsusuri
Dahil nagsisilbing sala ng korte ang bulwagan ng munisipyo ay wala itong
sariling venue o ang pisikal na lugar kung saan dinidinig ang mga kaso. Isa itong
mahalagang usapin dahil sa aspeto ng convenience sa parte ng mga bumubuo ng korte
at ng mga partido ng dinidinig na kaso. Higit dito ay ang usapin na ang pagkakaroon ng
sariling venue ng korte ay maaaring tingnan na isang aspeto ng pagkakamit ng
awtonomiya o kasarinlan ng hudikatura. Ipinapakita rin nito ang kakulangan ng
pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng hudikatura sa pinansiyal na
aspeto.
Nanghihiram rin ang Viga MCTC sa munisipyo ng mga upuan dahil wala itong
sarili. Ayon kay Carlo (hindi totoong pangalan), na tatlong taon nang dinidinig sa korte
ang kaso, “Ang problema dyan, pag naghi-hearing maraming nakatayo, walang upuan
25
eh.” Dagdag pa ni Anton (hindi totoong pangalan), “Nanghihiram na nga lang sa
munisipyo, ang pagagalitan pa munisipyo.”
Ayon naman sa isang personnel tungkol sa kalagayan ng MCTC, “Hindi kanais-
nais.Pag tag-init, lalo namang mainit. Walang electric fan, walang computer. Pag naghi-
hearing kami, naghihiram ng mga upuan, lamesa, electric fan, at iba pa.”
Ang kawalan ng sapat na facilities, kabilang na ang computers ay nakakadagdag
sa pagbagal ng pagdinig sa kaso. Ang computer ay isang malaking tulong sa
pagsasaayos ng mga impormasyon at bilang ng mga kaso sa korte. Ang kawalan nito
ay nakadagdag sa oras ng paghahanap ng mga impormasyon hinggil sa kaso dahil sa
maraming papel na nakaimbak sa opisina ng MCTC.
Nakakaantala rin sa pagdinig ng kaso ang dagdag na oras at pagod na
ginugugol sa paghiram at pag-ayos ng mga kagamitan na kakailanganin sa pagresolba
ng kaso.
Kahit pa nagawang maisampa ang mga kaso sa hukuman, ang mga biktima ay
patuloy na humaharap sa pagkaantala ng pakikinig sa kanilang mga kaso. Sa Pilipinas,
hindi sapat ang resources at kulang ang staff sa mga opisina ng korte kung kaya‟t ang
mga hukuman ay hindi epektibong nagagampanan ang kanilang mga tungkulin sanhi ng
workloads.
Ito ay sa kabila ng responsibilidad ng gobyerno na bigyan ng sapat na
alokasyong pampinansiyal ang hudikatura. Ang judicial branch ng gobyerno ay kasali
rin sa taun-taong pagpapasa ng budget ng Kongreso. Mayroong fiscal autonomy ang
hudikatura sa usaping ito. Ayon sa Article 8, Sec. 3 ng 1987 Philippine Constitution,
“The Judiciary shall enjoy fiscal autonomy. Appropriations for the Judiciary may not be
reduced by the legislature below the amount appropriated for the previous year and,
after approval, shall be automatically and regularly released.”
Ang nakakabahala ay ang mistulang pagbabalewala ng gobyerno ng Pilipinas sa
nakikitang kabalintunaan sa ating sistemang panghukuman. Ang pagsasantabi na ito ay
26
nagdudulot ng negatibong pagtingin at kawalang tiwala ng mga mamamayan sa
sistemang panghukuman, (Asian Human Rights Commission o AHRC, 2006, n.p.)
Wala ring Clerk of Court ang Viga MCTC. Ayon sa Section 5, Rule 136 (Court
Record and General Duties of Clerk and Stenographers) ng Rules of Court, siya ay may
ganitong tungkulin: “In the absence of the judge, the clerk may perform all the duties of
the judge in receiving applications, petitions, inventories, reports, and the issuance of all
orders and notices that follows as a matter of course under these rules, and may also,
when directed so to do by the judge, receive the accounts of executors, administrators,
guardians, trustees, and receivers, and all evidence relating to them, or to the
settlement of the estates of deceased persons, or to guardianship, trusteeships, or
receiverships, and forthwith transmit such reports, accounts, and evidence to the judge,
together with his findings in relation to the same, if the judge shall direct him to make
findings and include the same in his report.”
Ayon pa sa Administrative Order No. 134-92 Re: Pairing System for Single Sala
Stations, “1) Whenever the presiding judge of a single sala stations is temporarily
absent and no acting judge has yet been designated, the clerk of court or branch clerk,
upon request of any party, shall refer any urgent matter requiring immediate action to
the nearest presiding judge of the appropriate Regional Trial Court or Municipal Trial
Court with jurisdiction to act on the matter.”
Dahil walang permanenteng hukom at wala ring Clerk of Court na magrerefer ng
kaso sa iba pang korte o hukom na may hurisdiksyon din sa kaso, napapabagal nito
ang dapat sana ay mabilis na pagresolba sa kaso. Ang tanging sumasalo sa mga
tungkulin na nakaatas sa Clerk of Court ay ang stenographer ng korte na
pinakamatagal ng nagtatrabaho dito sa loob ng walong taon.
Ang hudikatura ay kailangang mayroong sapat na pinansiyal at lohistikal na
pagkukunan, at sapat na lakas paggawa upang maayos nitong magampanan ang mga
tungkulin nito, mapanatili ang maayos na opisina at sala, maghikayat at mapanatili ang
mga staff na may sapat na kakayahan at training, (Anti-Corruption Resoure Centre,
2008, p.2).
27
Ang kawalan ng kaukulang pansin ng gobyerno sa mga batayang
pangagailangan ng hudikatura upang mapabuti at mapabilis ang serbisyo nito ay
nagbibigay ng implikasyon ng kawalan ng pansin ng gobyerno sa katarungan.
Sinabi ng isang personnel ng korte na 50 porsyento ang clearance rate nito. Ibig
sabihin ay kalahati ng mga kasong isinasampa rito ay nareresolba. Ngunit sa taong
2011, apat lamang sa tatlumpong kasong nakabinbin ditto ang naresolba. Ibig sabihin
ay mayroon lamang itong 20 porsyento clearance rate.
Ang 20 porsyentong clearance rate na ito ay datos ngayong taong 2011 kung
saan bago lamang ang hukom. Lumabas sa mga interbyu na positibo ang tingin ng
karamihan sa baong hukom sapagkat sa bawat pagdinig (isang buong araw sa isang
buwan) ay naroroon ang hukom, kumpara sa mga nakaraang hukom na mas madalas
ang postponement kaysa sa pagdinig. Kung gayon, maaaring mas mababa sa 20 at 50
porsyento ang clearance rate bago ang taong 2011.
Sinu-sino ba ang mas nabibiktima ng matagal na paghihintay sa pagresolba ng
kanilang kaso? Sa usapin ng pampinansyal na epekto ng paghihintay sa pagresolba ng
kaso, sa mga may sariling abogado, mabigat sa bulsa ang pagbabayad sa abogado sa
bawat oras na may pagdinig. mabigat pa ring maituturing para sa mga mahihirap ang
kanilang nagagastos sa pamasahe sa tuwing may pagdinig sa kanilang mga kaso. Isa
pang epekto ay ang dulot nitong abala sa kanilang trabaho, lalo na sa mga kliyenteng
nabibilang sa low-income class tulad ng magsasaka. Ang oras na dapat ay kanilang
ginugugol sa pagsasaka ay nakukunsumo ng pagpunta sa korte na may kaukulang
gastos sa pamasahe, upang malaman lamang na may kasunod pang pagdinig sa
kanilang mga kaso. Hindi ito simpleng usapin lamang ng convenience kung hindi ng
mas mabigat na epekto nito sa kanyang kabuhayan bilang magsasaka at mas
mahalaga, sa kanyang buhay.
28
VIII. Konklusyon
Sa simula pa lamang ay nilinaw na ng pag-aaral na ito na ang kahulugan ng
katarungan sa kontekstong ito ay ang due process na dapat ay nakikita at nakakamit sa
mga pamamaraan sa pagresolba ng kaso sa loob ng korte. Makakamit lamang ang
hustisya kapag nasusunod ang due process.
Nailahad ng pag-aaral na ang ilan sa mga bumubuo ng due process sa loob ng
korte ay hindi naipakita ng pamamaraan sa korte. Narito ang hindi pagsunod sa step-
by-step na pamamaraan ng paghahain ng kaso sa MCTC, patuloy na postponement o
pagtatakda ng pagdinig sa ibang araw, kawalan ng dalawang pinakaimportanteng tao
sa loob ng korte (Hukom at Clerk of Court), kawalan ng sapat na pasilidad ng korte, at
iba pa. Lahat ng ito ay mga dahilan ng matagal na paghihintay na maresolba ang kaso.
Sa matagal na paghihintay na maresolba ang kaso, mas nagiging biktima ang
mga wala o hindi sapat na kakayahan at resources na makabayad ng sariling abogado
at makapunta sa pagdinig dahil sa kaakibat na gastos. Ang sobrang court delay ay
nakadaragdag sa direct costs at error costs ng proseso. Ang direct costs ay
nadagdagan dahil ang mga partido ay kailangang maglaan ng pera at oras ngunit hindi
naman direktang nagdudulot ng pagresolba ng kanilang kaso. Ang error costs naman
ay nadadagdagan dahil ilang mga testigo ang tumatanggi na lumahok pa habang
tumatagal ang proseso o kaya ang mga ebidensya ay nawawala o hindi na kapaki-
pakinabang sa pagdaaan ng panahon, (Butts, 2010, p.14).
Sa matagal na paghihintay rin na maresolba ang kaso, nawawala ang karapatan
ng mamamayan sa mabilis na pagdinig sa kanilang kaso o karapatan sa pagkamit ng
katarungan o hustisya.
29
IX. Bibliyograpiya
Anti-Corruption Resource Centre. (2008). Indicators of judicial efficiency in corruption
cases. Retrieved July 26, 2011 from
http://www.u4.no/helpdesk/helpdesk/query.cfm?id=183
Asian Development Bank. (2005). Law and policy reform in Asia and the Pacific:
ensuring voice, opportunity & justice. Retrieved July 26, 2011 from
http://www.adb.org/documents/reports/law-policy-reform/chap2.pdf
Asian Human Rights Commission. (2006). Philippines: An improved criminal justice
system is key to upholding human rights. Retrieved July 26, 2011 from
http://www.humanrights.asia/news/ahrc-news/AS-306-2006
Bautista, D. (2011). About time: clogged dockets and judicial delay. Philippine Star.
Retrieved July 26, 2011 from
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=692861&publicationSubCategoryId
=64
Business Anti-Corruption Portal. (n.d.) Philipines country profile. Retrieved July 26,
2011 from http://www.business-anti-corruption.com/country-profiles/east-asia-
the-pacific/philippines/corruption-levels/judicial-system
Butts, Jeffrey. (2010). Delays in Youth Justice. Retrieved March 17, 2012 from
https://www.ncjrs.gov/pdffiles1/nij/grants/228493.pdf
Congressional Planning and Budget Department House of Representatives. (2009).
Disposition of cases. Retrieved July 26, 2011 from
http://congress.gov.ph/download
Dakolias, M. (1999). Court performance around the world: a comparative perspective,
Volumes 23-430. Retrieved July 26, 2011 from
http://books.google.com.ph/books?id=glyx5h6-
WV8C&pg=PA5&lpg=PA5&dq=efficiency+of+the+municipal+trial+court&source=
bl&ots=CUaZD3bHrP&sig=px8r1_ZXxkmZ_bbJFUncVFXbERI&hl=tl&ei=7XotTt_
30
5O-
z0mAXcqezlBg&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=1&ved=0CBQQ6AEw
ADgK# v=onepage&q&f=false
Das, Pradip Kumar. (2009). Justice delayed is justice denied. Legal Service-India.
Retrieved October 1, 2011 from http://legalserviceindia.com/article/l317-Justice-
Delayed-is-Justice-Denied.html
Dumbuya, Ishmael Kindama. (2010). Understanding the concept of justice delayed is
justice denied. International Institute for Journalism of GIZ. Retrieved October 1,
2011 from http://inwent-iij-lab.org/Weblog/2010/08/08/understanding-the-
concept-of-justice-delayed-is-justice-denied/
Fix-Fierro, H. (2004). Courts, justice and efficiency: a socio-legal study of economic
rationality in adjudication. Retrieved July 26, 2011 from
http://www.bsos.umd.edu/gvpt/lpbr/subpages/reviews/fixfierro604.htm
Francis, M. (1982). Court delay: some causes and remedies. Retrieved July 26, 2011
from www.iatl.net/files/public/82_court_i4a.pdf
International Covenant on Civil and Political Rights. (2007). The criminal justice system
in the Philippines is rotten. Retrieved July 26, 2011 from
http://www.article2.org/pdf/v06n01.pdf
Law Reform Commission. (1982). Criminal procedure: general introduction and
proceedings in courts of petty sessions. Retrieved July 26, 2011 from
http://www.ipc.nsw.gov.au/lrc.nsf/pages/IP3CHP7
Lotulung, P. (2003).Strengthening the independence and efficiency of the judiciary.
ASEAN Law Association. Retrieved July 26, 2011 from
http://www.aseanlawassociation.org/docs/w1_indo.pdf
Mangahas, M. (2010). Wheels of justice grind slow, results, audit of funds slower.
Philippine Center for Investigative Journalism. Retrieved July 26, 2011 from
http://pcij.org/stories/wheels-of-justice-grind-slow-results-audit-of-funds-slower/
31
Monek, Francis. (1982). Court Delay: Some Causes and Remedies. Retrieved August
15, 2011 from http://www.iatl.net/files/public/82_court_i4a.pdf
Natsui, Takato. (2004). Procedural Justice Changes in Social Structures in an
Information Society and the Maintenance of Justice. Retrieved July 27, 2011
from
http://www.isc.meiji.ac.jp/~sumwel_h/doc/ProceduralJustice%20Natsui%20rel%2
02.pdf
Soriano, Rowena. (2011). Class Discussion on Code of Judicial Conduct held on
October 1, 2011, UP Manila
Supreme Court of the Philippines. (1997). Amendment Of Administrative Order No. 134-
92 Re: Pairing System For Single Sala Stations. Retrieved March
3, 2011 from http://www.lawphil.net/courts/supreme/ao/ao_19_1997.html
Supreme Court of the Philippines. (2006). Conduct of further study on operations and
Llinkages of the five pillars of justice. Retrieved July 26, 2011 from
http://apjr.judiciary.gov.ph/pubreports/Conduct%20of%20Further%20Study%205
%20Pillars%20of%20Justice.pdf
Tadiar, A. (1999). Unclogging the court dockets. Retrieved September 4, 2011 from
http://dirp4.pids.gov.ph/ris/taps/tapspp9926.pdf
32
X. Appendices
Appendix A.
KII Set 1 No. ________
KEY INFORMANT INTERVIEW GUIDE
(Para sa Hukom, Clerk of Court, Administrative Personnel ng MTC)
Pangkalahatang Impormasyon:
Pangalan: ________________________________________
Phone number: _______________________________
Petsa ng Panayam: _____________________________
Kumakapanayam: ______________________________________________
Oras ng Simula: _________________ Oras ng Pagtatapos: ________________
Kabuuang Oras ng Panayam: ________________________________
(Kabuuang Bilang ng Minuto)
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung ano ang epekto ng haba ng panahon
bago maibaba ang hatol sa kaso sa pagkamit ng katarungan.
Kalagayan ng MTC
1. Gaano katagal na ang MTC?
2. Sapat ba ang pondo nito?
3. Sapat ba ang mga administrative personnel nito?
4. Maayos ba at makabago ang mga kagamitan dito?
5. May mga madalas bang pagliban na nagaganap?
4.a ng administrative personnel?
4.b ng Clerk of Courts?
4.c ng Judge o Hukom?
4.b. mga posibleng dahilan ng pagliban?
33
Mga Kaso
1. Ilan ang kasong isinasampa dito taun-taon?
2. Anu-ano ang mga uri ng kasong ito?
2.a criminal?
2.b civil?
2.c special proceedings? Special civil actions?
3. Sa isang taon, ilan ang kasong nareresolba?
3.a Marami na ba ito kung ihahambing sa bilang ng isinasampang kaso?
3.b Gaano katagal inaabot ang pagresolba sa mga ito?
3.c Depende ba ito sa uri ng kaso?
4. Ilang kaso ang nananatiling nakabinbin sa korte?
4.a Depende ba ito sa uri ng kaso?
5. Ano ang mga posibleng dahilan ng pagkaantala ng pagresolba sa mga kaso?
5.a mga salik sa loob ng korte tulad ng availability ng judge, resources?
5.b financial constraints?
6. Ano ang ginagawa ng korte upang mapabilis ang pagresolba sa kaso?
Hustiya
1. Ano ang hustisya o katarungan para sainyo?
1.a Ito ba ay karapatan ng tao?
2.a Ito ba ay isang pribilehiyo?
3.a May kaukulan bang mga kondisyon ang pagkamit ng katarungan?
2. Naniniwala ka ba na „ang pagkaantala ng hustisya ay pagtanggi nito‟ o „justice
delayed is justice denied?‟ Bakit?
3. Maayos ba ang pamamaraan sa loob ng hukuman?
3.a pakikitungo sa mga taong nagsasampa ng kaso?
3.b proteksyon na ibinibigay ng korte?
3.c. pagtrato sa mga ebidensya?
4. Para sayo, paano nakakamit ang katarungan sa loob ng korte?
34
Appendix B.
KII Set 2 No. ________
KEY INFORMANT INTERVIEW GUIDE
(Mga Taong Nagsampa/Sinampahan ng Kaso, Mga Abogado)
Pangkalahatang Impormasyon:
Pangalan: ________________________________________
Phone number: _______________________________
Petsa ng Panayam: _____________________________
Kumakapanayam: ______________________________________________
Oras ng Simula: _________________ Oras ng Pagtatapos: ________________
Kabuuang Oras ng Panayam: ________________________________
(Kabuuang Bilang ng Minuto)
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung paano nakakaapekto ng haba ng
panahon na inaabot bago maibaba ang hatol sa kaso sa pagkamit ng katarungan.
Kaso
1. Gaano katagal na ang iyong kaso sa korte?
2. Naresolba na ba ito?
2.a Kung oo, gaano katagal inabot?
2.b Kung hindi, ano ang mga posibleng dahilan ng pagkaantala ng pagresolba sa
mga kaso? mga salik sa loob ng korte tulad ng availability ng judge, resources?
financial constraints?
3. Ano ang mga epekto ng matagal na paghihintay sa pagbaba ng hatol ng kaso?
3.a pisikal?
3.b psychological?
3.c emotional?
3.d financial?
4. Ano ang ginagawa ng korte upang mapabilis ang pagresolba sa kaso?
35
Hustiya
1. Ano ang hustisya o katarungan para sainyo?
1.a Ito ba ay karapatan ng tao?
2.a Ito ba ay isang pribilehiyo?
3.a May kaukulan bang mga kondisyon ang pagkamit nito?
2. Naniniwala ka ba na „ang pagkaantala ng hustisya ay pagtanggi nito‟ o „justice
delayed is justice denied?‟ Bakit?
3. Maayos ba ang pamamaraan sa loob ng hukuman?
3.a pagganap sa tungkulin ng mga miyembro ng korte?
3.b pakikitungo sa mga taong nagsasampa ng kaso?
3.c proteksyon na ibinibigay ng korte?
3.d pagtrato sa mga ebidensya?
4. Para sayo, paano nakakamit ang katarungan sa loob ng korte?
5. Ano ang ginagawa ng korte upang mapabilis ang pagkamit ng katarungan?
36
Appendix C.
Informed Consent Para sa KII
Department of Social Sciences
College of Arts and Sciences
University of the Philippines Manila
Magandang araw!
Ako po si Erika Marie Tugano, nasa ikaapat na antas sa kolehiyo sa kursong BA
Political Science. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ako ng pananaliksik na may
layuning malaman kung paano nakakaapekto sa pagkamit ng katarungan ang
pagkabalam (delay) sa pagresolba ng kaso.
Kung kayo po ay pumayag na lumahok sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod ay
mangyayari:
1. Kayo po ay tatanungin na lumahok sa isang interbyu na aabutin ng mula 60
minuto hanggang 90 minuto.
2. Kayo po ay tatanungin hinggil sa mga sumusunod:
A. Pamamaraan sa pagresolba ng kaso sa loob ng Municipal Trial Court
B. Mga Kasong Naisampa
C. Pagtingin sa Hustisya
3. Kayo po ay tatanungin ng edad, socioeconomic status, at educational
background.
Maaari po kayong tumanggi na sumagot o tumanggi na sa paglahok sa pag-aaral
anumang oras na inyong gusto.
Ang mga record sa pag-aaral na ito ay kumpidensyal. Walang indibidwal ang
papangalan sa buong pag-aaral at sa halip ay bibigyan ng alias. Lahat ng tape at
transcript ay lalagyan ng koda at itatago at sa pagtatapos ng pag-aaral ay sisirain at
itatapon. Ang mananaliksik lamang ang tanging magkakaroon ng access sa mga
dokumentong ito.
37
Nais ko pong ipaalam na wala kayong makukuhang anumang uri ng benepisyo sa
paglahok sa mag-aaral na ito. Ngunit ang inyong ibabahagi ay mahalaga at kayo po ay
magkakaroon ng pagkakataon na mabasa ang resulta ng kabuuan ng pag-aaral.
Kayo po ay may kalayaang magtakda ng araw at oras ng panayam na paborable
sainyo. Kung sakaling kayo po ay may magastos sa pamasahe, ito ay aking babayaran.
Pinagbibigay-alam rin po ng mananaliksik na anumang oras ay maaari kayong
tumanggi sa panayam kahit kayo po ay pumayag na sa una. Ito po ay hindi
makakaapekto sa inyong pagkatao at kabuhayan.
Malaya po kayong tumangging lumahok sa pag-aaral na ito.
Kung mayroon po kayong mga katanungan ay huwag po kayong mag-atubli na
ipagbigay-alam sa akin sa mga numerong ito: 0939-258-0107, 525-5892 o sa adres na
ito: San Jose (Oco), Viga, Catanduanes (probinsiya) 0 1519 Benitez St, Paco, Manila
(lungsod).
Maraming salamat po!
Kayo po ay binibigyan ng kopya ng consent form na ito.
Ang partisipasyon sa pag-aaral na ito ay boluntaryo. Maaari kayong tumangging
lumahok sa pag-aaral, o itigil ang partisipasyon anumang oras. Anuman ang inyong
desisyon ay hindi makakaapekto sa inyong pagkatao o kabuhayan.
Ang inyong LAGDA ay nangangahulugan ng inyong paglahok sa pag-aaral, pagkatapos
basahin ang mga nasasaad sa taas.
___________________________________ _____________________________
Lagda ng Respondent Petsa
___________________________________ ______________________________
Lagda ng Mananaliksik Petsa