ugat sa dugo

2
Pangalan: Patricia Amos Kurso at Seksyon: Ese11 Ugat Sa Dugo ni Joey A. Arrogante Ang storyang ito ay tungkol kay Sidra. Siya ay inosente sa maraming bagay. Siya’y pinalaki sa poder ng kanyang Tiya Concha, na napakahigpit at relihiyoso. Sa bawat pagkakamali niya ay buntot ng pagi ang pinanghahampas sa kanya. May nagkagusto sa kanya na lalaki na ang pangalan ay Cardo. Si Cardo ay may pagkatorpe kaya tinutulungan siya ni Sido, na asawa ng kapatid niya na si Desta, na manligaw kay Sidra. Silang tatlo lamang ang pinayagan ni Tiya Concha na mapalapit kaya Sidra dahil kilala niya ang magkapatid na sila Cardo at Desta. Habang nag tatrabaho si Cardo, ay si Sido ang nanliligaw para sa kanya. Sa kalaunan ay nagkaroon ng pagtingin sa isa’t isa si Sido at Sidra. Isang gabi ay nahuli silang nagtatalik ng kanyang Tiya Concha sa kanyang tabi. Pinagpapalo niya ng buntot pagi ang dalawa. Sa galit ni Tiya Concha ay intake ito sa puso at namatay. Nalaman nila Desta at Cardo ang nangyari. Si Cardo ay nagpakamatay habang si Desta ay galit na galit sa dalawa. Nagkaroon ng bunga ang ginawa nila Sido at Sidra. Sa kabwanan ni Sidra ay sinugod siya ni Desta ngunit napigilan niya ito sa pamamagitan ng pag tutok ng itak sa kanya. Nagsama sila Sidra at Sido. Nagkaroon sila ng apat na anak. Pinalaki nila ito ng malayo sa mga tao. Pagkatapos ng eskwela ay didiretso agad sila sa kanilang bahay. Sila ay panay dasal at magandang asal lang ang pinapakita ng kanilang magulang. Isang araw ay nakita niya ang kanyang panganay na dalaga at pangalawa niyang binatilyo na nakikipagtalik. Siya ay nagtataka kung bakit ito nangyari. Bumalik sa kanya an ala ala ng kanyang ina noong siya ay limang taon na papunta sa kahuyan. Ang kanyang ama ay sumunod. Nakita na lang nila ang kanilang ama na pinatay ang sarili at ang kanyang ina na nakahubad at wala ng ulo. Si Joey A. Arrogante ay gumamit ng flash back effect sa storya na ito. Sa bawat masidhing pangyayari o eksena sa storya ay may ala alang sumusuporta dito. And mga ala alang ito ay nag papalinaw sa mga maaring maging dahilan ng mga eksenang iyon. Dahil dito mas naging “intriguing” ang mga panyayari sa kwento. Tulad na lang ng pinakauang eksena sa storya na mas nagpasunod at gumawa ng tanong sa mga isipan ng mga mambabasa. Ang storya na ito ay napapalibot sa isang tauhan. At mas nakilala ang karakter ni Sidra sa pamamagitan ng pag lalarawan sa

Upload: patricia-amos

Post on 19-Jan-2016

1.137 views

Category:

Documents


23 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ugat Sa Dugo

Pangalan: Patricia Amos Kurso at Seksyon: Ese11

Ugat Sa Dugo

ni Joey A. Arrogante

Ang storyang ito ay tungkol kay Sidra. Siya ay inosente sa maraming bagay. Siya’y pinalaki sa poder ng kanyang Tiya Concha, na napakahigpit at relihiyoso. Sa bawat pagkakamali niya ay buntot ng pagi ang pinanghahampas sa kanya. May nagkagusto sa kanya na lalaki na ang pangalan ay Cardo. Si Cardo ay may pagkatorpe kaya tinutulungan siya ni Sido, na asawa ng kapatid niya na si Desta, na manligaw kay Sidra. Silang tatlo lamang ang pinayagan ni Tiya Concha na mapalapit kaya Sidra dahil kilala niya ang magkapatid na sila Cardo at Desta. Habang nag tatrabaho si Cardo, ay si Sido ang nanliligaw para sa kanya. Sa kalaunan ay nagkaroon ng pagtingin sa isa’t isa si Sido at Sidra. Isang gabi ay nahuli silang nagtatalik ng kanyang Tiya Concha sa kanyang tabi. Pinagpapalo niya ng buntot pagi ang dalawa. Sa galit ni Tiya Concha ay intake ito sa puso at namatay. Nalaman nila Desta at Cardo ang nangyari. Si Cardo ay nagpakamatay habang si Desta ay galit na galit sa dalawa. Nagkaroon ng bunga ang ginawa nila Sido at Sidra. Sa kabwanan ni Sidra ay sinugod siya ni Desta ngunit napigilan niya ito sa pamamagitan ng pag tutok ng itak sa kanya. Nagsama sila Sidra at Sido. Nagkaroon sila ng apat na anak. Pinalaki nila ito ng malayo sa mga tao. Pagkatapos ng eskwela ay didiretso agad sila sa kanilang bahay. Sila ay panay dasal at magandang asal lang ang pinapakita ng kanilang magulang. Isang araw ay nakita niya ang kanyang panganay na dalaga at pangalawa niyang binatilyo na nakikipagtalik. Siya ay nagtataka kung bakit ito nangyari. Bumalik sa kanya an ala ala ng kanyang ina noong siya ay limang taon na papunta sa kahuyan. Ang kanyang ama ay sumunod. Nakita na lang nila ang kanilang ama na pinatay ang sarili at ang kanyang ina na nakahubad at wala ng ulo.

Si Joey A. Arrogante ay gumamit ng flash back effect sa storya na ito. Sa bawat masidhing pangyayari o eksena sa storya ay may ala alang sumusuporta dito. And mga ala alang ito ay nag papalinaw sa mga maaring maging dahilan ng mga eksenang iyon. Dahil dito mas naging “intriguing” ang mga panyayari sa kwento. Tulad na lang ng pinakauang eksena sa storya na mas nagpasunod at gumawa ng tanong sa mga isipan ng mga mambabasa. Ang storya na ito ay napapalibot sa isang tauhan. At mas nakilala ang karakter ni Sidra sa pamamagitan ng pag lalarawan sa ugali at ginagawa ng kanyang tiya Concha. Dahil sa paraan ng pagpapalaki niya kay Sidra ay makikita ang naging personalidad ni Sidra. Nakilala rin ang mga karakter ni Sido, Desta at Cardo. Ang storya ay napapalibot sa lugar ng kalipungao. Sapagkat hindi masyadong na ilarawan ang lugar napinapalooban ng storya ay naging masining ang pag sulat ng awtor sa mga eksena tulad na lang ng pagtatalik nila Sido at Sidra. Ang Pagtatapos ng storya ay magandang naisulat ng awtor. Ito ay hindi inaasahan ng mga mambabasa sa una. Mas binigyang kulay nito ang storya sa kabuuan. Lahat ng pangyayari sa kwento ay nabigyan dahilan at koneksyon. Nabigayang daan ng awtor ang imahinasyon ng mambabasa tungkol sa katapusan nito. Para sa akin, walang ibang paraan ko itatapos ang storya kundi sa paraan ng awtor. Gumawa ito ng suspense at gulat sa isipan ng mambabasa. Sabi nga nila “ending a story with a Boom”. Lahat ng tension ay nagtungo papunta sa dulo ng storya.

Sa lahat lahat ay magaling ang pagawa ng awtor ng storya. Organisado at nakakalibang ang mga pangyayari sa storya. Bawat eksena ay nakakapanghikayat para sa mga mambabasa na basahin pa ng tuluyan ang kwento. Ang kwento na nagiiwan ng mensahe ng lahat ng mga panyayari sa ating buhay ay may dahilan at pinaghuhugutang pangyayari.