tv ads irvin p sto tomas 1
DESCRIPTION
filipino, advertisment, educational technology, teaching aid, psychology of color, psychological needs, figure of speech, ortograpiyaTRANSCRIPT
TV ADS: HANGUAN NG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
SA ELEMENTARYA
____________________________
Isang Tisis
na Iniharap sa Fakulti ng School of Graduate Studies
University of Nueva Caceres
Naga City
____________________________
Bilang Bahagi ng mga Gawaing
Kailangan sa Pagtatamo ng Titulong
MASTER OF ARTS IN FILIPINO
____________________________
Ni
IRVIN P. STO. TOMAS
Marso, 2008
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang isang bahagi ng kailangan sa pagtamo ng titulong MASTER OF ARTS IN FILIPINO, ang tisis na ito na pinamagatang “TV ADS: HANGUAN NG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA ELEMENTARYA,” ay inihanda at iniharap ni IRVIN P. STO. TOMAS na ngayon ay itinagubilin para sa kaukulang Pagsusulit na Pagbigkas.
MERLINDA C. CANTRE, Ph.D. Advayser
Ang tisis na ito ay tinanggap at itinagubilin ng Lupon ng Tagasuri para sa kaukulang Pagsusulit sa Pabigkas.
NELIA R. DANTE, Ed.D.Tagapangulo
LILY A. VIDAL, Ph.D. VIVIAN B. FORTUNO, Ed.D. Kagawad Kagawad
-----------------------------------------------------------
PANEL NG TAGA-EKSAMING PAGBIGKAS
Pinagtibay ng Lupon ng Pagsusulit na Pagbikas na ibinigay noong Marso 7, 2008 at nakakuha ng markang 95%.
NELIA R. DANTE, Ed.D.Tagapangulo
LILY A. VIDAL, Ph.D. VIVIAN B. FORTUNO, Ed.D. Kagawad Kagawad
Pinatunayan na si IRVIN P. STO. TOMAS ay kumuha ng Komprehensibong Pagsusulit noong Hulyo 21 at Hulyo 28, 2007 at nakapasa sa lahat ng asignatura at nakakuha ng markang PASADO.
Tinanggap at pinagtibay bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong MASTER OF ARTS IN FILIPINO.
MEDA D. SAN JUAN, Ed.D. Dekana, Paaralang Gradwado
UNIVERSITY OF NUEVA CACERESCity of Naga
School of Graduate Studies and Research
C E R T I F I C A T I O N
This is to certify that this thesis entitled “TV ADS:
HANGUAN NG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA ELEMENTARYA,”
written by IRVIN P. STO. TOMAS, has been edited and found to
be in accordance with the suggestions/recommendations by the
panel of examiners.
Issued on June 12, 2009 at the University of Nueva
Caceres, Naga City.
MERLINDA C. CANTRE, Ph.D. Adviser
MEDA D. SAN JUAN, Ed.D. Dean, School of Graduate Studies
PAGPAPASALAMAT
Gikan sa kaibuturan ng kanyang puso, nagpapasalamat ang
risertser sa mga sumusunod:
Kay Dr. Meda D. San Juan, Dekana ng Paaralang Gradwado
at kaibigan, sa kanyang walang sawang pagbibigay ng payo;
Sa kanyang mga profesor, Dr. Merlinda C. Cantre, sa
kanyang pasensya at walang sawang pagtulong para maayos na
maisagawa ang riserts na ito; at Dr. Elsa E. Durante, sa
kanyang pagsisikap na ibahagi ang lahat ng kanyang kaalaman;
Sa kanyang mga kaibigan lalo na kina Jam, Marianne,
Elkess; Ringer, Chris, Alfred, Shellane, Allan, Jonas;
Marigold, Shiela, Carlo, Mons, Mara; Mams Ems, Leonor,
Virns, Eunice, Marge, Paning, Sarah, Rose; Ely, Perry, Fae,
Joyce; Mich, Peter, Bhem; Ryan, Jing, Venus, Tang, Kix,
Nora, Champ, Tor, Mar, Wil, Jo, Jef; at Manay Sharyll, sa
mga memorabol at maliligayang alaala;
Sa kanyang pamilya: mga magulang, Ireneo at Gregoria
Nelly P. Sto. Tomas; mga kapatid, Manoy Gerry, Manoy Don-Don
at Ate Tin, Bembet, Wing-Wing, Ogie, at Nene; at mga
pamangkin, Min, Boboy, Babols, at Biboy, na nagsisilbing
inspirasyon at nagbibigay ng kusog sa kanyang buhay.
Maraming salamat sa inyong tabang.
I.P.ST.
DEDIKEYSYON
Para sa Canaman Central School
ABSTRAKT
STO. TOMAS, IRVIN PARCO, “TV Ads: Hanguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo sa Elementarya” (Di-nalathalang Tisis Pangmaster, University of Nueva Caceres, Naga City, 2008)
Keywords: Kagamitang Pampagtuturo, Pantelebisyong Advertisment, Antas Elementarya, Makabayan
Pag-aaral ito ng dalawampung (20) pantelebisyong
advertisment na gawang Pilipino na ipinalabas sa praymtaym
sa mga nasyunal na telebisyon ng Pilipinas sa loob ng taong
2007 hanggang 2008. Sinuri ang mga advertisment upang
matukoy ang mga kaisipang nakapaloob dito na magagamit
bilang kagamitang pampagtuturo sa Makabayan 6 sa University
of Nueva Caceres Elementary Laboratory, TP 2007-2008.
Espesipikong tinukoy sa pag-aaral ang mga sumusunod: mga
pantelebisyong advertisment na nauukol sa kaisipang
pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at
pangkapaligiran; kahulugang literal at figyurativ na
nakapaloob sa mga advertisment; mga binuong mga banghay-
aralin sa Makabayan 6; at ang kahusayan ng mga banghay-
aralin base sa kraytirya sa layunin, integrasyon, gawain,
mga tanong at TV Ad/s na ginamit.
Ginamit ang dokyumentari analisis upang maisalaysay ang
lantad na katotohanang nakikita at naririnig, at mainterpret
at maungkat ang mga nakatagong kahulugan sa mga
advertisment, kabilang ang mga figure of speech, fallacy,
kulay at psychological appeal.
Nadiskubre sa ginawang pag-aaral na naglalaman ang mga
advertisment ng mga kaisipang nagpapahayag ng mga sumusunod:
wastong pag-uugali at pagkikitungo sa kapwa; potensyal ng
tao na umunlad at mamahala ng mga bagay na may kaugnayan sa
kabuhayan; pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang palibot at
pagpapahalaga nya sa kagandahan ng kalikasan; at katangiang
pisikal, mental at emosyunal ng tao. Ginamitan ang mga
advertisment ng mga sumusunod: mga salita at pariralang may
dalawang kahulugan at ng mga salitang dinugtungan ng
“pinaka” o “-est” upang paghambingin, bigyang-diin at
pabanguhin ang mga ideya; mga maling argumento upang ilihis,
itago at baluktutin ang katotohanan; mga makakahulugang
kulay na nagpapaigting sa mensaheng nais ipahatid sa
manonood; at mga pangangailangang sikolohikal na
nagiimpluwensya sa subconscious mind at emosyon ng tao upang
tangkilikin ang mga produktong inoofer sa mga ito.
Bumuo ang risertser ng labin-anim (16) na banghay-
aralin sa Makabayan 6 na ginamitan ng mga nasuring
advertisment. Nagamit sa Musika, Sining at Edukasyong
Pagpapalakas ng Katawan (MSEP), Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP), Heograpiya, Kasaysayan at Sibika
(HEKASI), Edukasyon sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-
uugali (EKAWP) sa mga bahaging motiveysyon, malayang
talakayan, pagsasagawa at evalyuweysyon ang mga
advertisment. Napakahusay ng binuong mga banghay-aralin
batay sa pagtataya ng jurors na binuo ng labin-dalawang (12)
titser sa Naga City at Camarines Sur na may malawak na
karanasan sa pagtuturo at pagbuo ng iba’t ibang uri ng mga
banghay-aralin.
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PAHINA NG TAYTEL . . . . . . . . . . . . . . . i
DAHON NG PAGPAPATIBAY . . . . . . . . . . . . . . . ii
SERTIFIKEYSYON . . . . . . . . . . . . . . . iii
PAGPAPASALAMAT . . . . . . . . . . . . . . . iv
DEDIKEYSYON . . . . . . . . . . . . . . . v
ABSTRAKT . . . . . . . . . . . . . . . vi
TALAAN NG MGA NILALAMAN . . . . . . . . . . . . . . vii
LISTA NG TEYBOLS . . . . . . . . . . . . . . . viii
LISTA NG FIGYURS . . . . . . . . . . . . . . . ix
KABANATAI PANIMULA . . . . . . . . . . . . . . 1
Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . . 5
Saklaw at Delimitasyon . . . . . . . . . 6
Disensyo ng Pananaliksik . . . . . . . . . 7
Balangkas Teoretikal . . . . . . . . . 8
Balangkas Konseptwal . . . . . . . . . 12
Katuturan ng Talakay . . . . . . . . . 17
Mga Panghulihang Tala . . . . . . . . . 26
II RIVYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURAAT PAG-AARAL . . . . . . . . 28
Mga Kaugnay na Literatura . . . . . . . 28
Mga Kaugnay na Pag-aaral . . . . . . . 34
Kalagayang Pansining . . . . . . . 41
Mga Panghulihang Tala . . . . . . . 42
III MGA KAISIPAN AT PAGPAPAKAHULUGANNG MGA TV ADS . . . . . . . 44
Iba’t Ibang Kaisipan sa TV Ads . . . . . 44
Literal at Figyurativ na Kahulugan . . . 54
IV MGA BANGHAY-ARALIN SA MAKABAYAN 6 . . . . 113
Pagbubuo ng mga Banghay-Aralin . . . . . 113
Gamit ng mga TV Ads sa Makabayan 6 . . . 129
Pagtataya ng Jurors . . . . . . . 132
BIBLIOGRAFI . . . . . . . . . . . . . . . 145 APENDIKS
PAGTATAYA NG BANGHAY-ARALIN . . . . . . . 150
BANGHAY-ARALIN SA MAKABAYAN 6 . . . . . . . 163
PROFAYL NG RISERTSER . . . . . . . . . . . . . . . 188
LISTA NG FIGYURS
Figyur 1 – Modelong Teoretikal na Nagpapakita ng Daloy at
Relationship ng Variables
Figyur 2 – Modelong Konseptwal na Nagpapakita ng Daloy at
Relationship ng Variables
Figyur 3a-3d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Rejoice TV
ad na “Kering-Keri”
Figyur 4a-4d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Globe TV ad
na “Bridges”
Figyur 5a-5d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Bench TV ad
na “Bush”
Figyur 6a-6d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Ovalitine
TV ad na “Oh No! Monster”
Figyur 7a-7d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Tide TV ad
na “Gulat Ka? (Rally)”
Figyur 8a-8d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Talk N Text
TV ad na “Reporter”
Figyur 9a-9d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa ABS-CBN TV
ad na “Boto Mo, Ipatrol Mo”
Figyur 10a-10d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Smart TV
ad na “Stewardess”
Figyur 11a-11d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Super
Ferry TV ad na “Ms. Barangay”
Figyur 12a-12d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa DBP TV ad
na “Kayod”
Figyur 13a-13d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Knorr TV
ad na “Makulay ang Buhay”
Figyur 14a-14b. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Whisper
TV ad na “Do the Flexi Move”
Figyur 15a-15d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Anchor TV
ad na “Anchor Family”
Figyur 16a-16d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa BioFlu TV
ad na “Anak”
Figyur 17a-17d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Centrum
TV ad na “I Wanna Be Complete (Lara)”
Figyur 18a-18d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa DOT-Smart
TV ad na “Summer Biyahe Tayo”
Figyur 19a-19d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Globe TV
ad na “Giants”
Figyur 20a-20d. Video Grab ng mga Piling Eksena sa Pigrolac
TV ad na “Habang Bata Pa”
LISTA NG TEYBOLS
Teybol Blg. 1 – Kaisipan ng mga Pantelebisyong Advertisment
Teybol Blg. 2 – Literal at Figyurativ na Kahulugan ng mga
Pantelebisyong Advertisment
Teybol Blg. 3 – Gamit ng mga TV Ad sa Makabayan 6
Teybol Blg. 4 – Profayl ng Jurors
Teybol Blg. 5 – Buod ng Reytings ng mga Banghay-Aralin
Teybol Blg. 6 - Buod ng Reytings ng Kraytirya
KABANATA I
Naging madali ang akses sa dyaryo, radyo, telebisyon at
pelikula ng masa dahil sa maunlad na teknolohiya. Maraming
tao ang nainform ng mga importanteng pangyayari at naging
malapit sa mga pinaka-importanteng isyu na direktang
nakakaapekto sa buhay nila. Ito ang layunin ng media,
marating ang malaking bilang ng tao gamit ang isang
behikulong pangkomunikasyon na hatid ang enterteynment,
balita, sports, edukasyon gayundin ang kultura.
Maliban sa mga impormasyong itrinatransmit ng media,
hatid din nito ang mga mensahe na kung hindi maiproproses
nang mabuti ng receiver nito ay pwedeng makapagpahamak sa
kanila (Rugeria, 1996). Kabilang dito ang imoralidad,
karahasan, masamang-asal at iba pang di-tanggap na gawi sa
lipunan at hindi gustong matutunan ng mga bata.
Ayon sa Foundation for English Language Arts for
Atlantic Canada o FELAAC:
The influence of media, such as TV, film, videos, magazines, computer games, and popular music, is persuasive in the lives of students today.
Kaya naman importanteng sa elementarya pa lang, matutunan na
ng mga estudyante na gamitin nang mabuti at tama ang media
resources.
Madaling makakuha ng iba’t ibang mensahe sa media ang
isang bata. Katunayan, sa pagbubukas ng radyo o telebisyon,
pagbuklat ng dyaryo o magazin, pagsaksak ng pelikula sa DVD
player o pagklik sa isang websayt, agad siyang may
mapupulot. Sa loob lang ng ilang segundo, maaari niyang
magaya ang isang karakter sa isang sitkom, makanta ang isang
advertising jingle o makapagbigay ng iba pang halimbawa ng
matututunan mula rito.
Para sa Media Awareness Network, ang telebisyon ang isa
sa mga pinakamakapangyarihang medium na nakakaapekto sa
buhay ng mga bata. Nakadepende sa sumusunod na factors ang
laki ng epekto ng telebisyon: 1) kung gaano sila kadalas na
nanonood, 2) ang kanilang edad at personalidad, 3) kung mag-
isa silang nanonood o may kasamang nakakatanda, at 4) kung
kinakausap sila ng kanilang mga magulang tungkol sa kanilang
napapanood.
Ang pagkakalunsad ng telebisyon, para kay Pocock
(1980), ay makabuluhang nagmulat sa mabilis na pag-unawa sa
karamihan na nasa makabagong henerasyon. Ayon naman sa
namayapang brodkaster at dating presidente ng Columbia
Broadcasting System News na si Fred Friendly sa lektsur ni
Francisco (2006), gustuhin man natin o hindi, ito ay ang
pinakamakapangyarihang educational force na alam ng tao.
Pinagdedebatehan man ng mga saykolojist ang impluwensya
nito bilang tagabantay at taga-aliw ng mga bata, ang
kapangyarihan nito ay kinikilala at hinahanap-hanap ng mga
advertizer at pulitiko. Sa report ng AGB Nielsen Media
Research noong 2007, tatlong oras at 36 minuto ang averij ng
pagtutok sa telebisyon ng mga batang may edad 2 hanggang 12
taon sa Pilipinas noong 2006. Pumapangalawa ito sa
housewives na may edad 40 taon pataas, sa pinakamatagal na
tumutok sa telebisyon sa taong iyon. Samantala, sa report ng
Philippine Daily Inquirer noong nakaraang mid-term
elections, gumasta ang mga pulitiko na karamihan ay
tumatakbong senador, ng 70% ng regular TV ads rate na
Php301,133.00 sa ABS-CBN 2 at Php252,000.00 sa GMA Network,
ang reyt para sa mga political ads sa taong iyon, para sa
isang 30 segundong political ad sa praymtaym. Kinonfirm nito
ang kapangyarihan ng media.
Sa mga palabas, parte na ang mga advertisment na
naglalaman ng iba’t ibang mensahe na ang pangunahing layunin
ay makapagmotiveyt sa mga manonood upang bumili ng
produktong inaalok dito. Ayon kay Arcilla (2007), ang
Pilipinas ang may pinakamahabang advertisement load kada
oras ng TV programming sa buong mundo na umaabot sa 20
minuto laban sa 16 minutong averij ng United States, at 12
minutong averij naman sa Asya at Europa.
Maituturing na isang literatura ang mga pantelebisyong
advertisment dahil nare-reflect sa mga ito ang mga karanasan
o “napapagmasdang dula ng buhay” ng manunulat at ng mga
bumuo nito, at ang mga nangyayari sa lipunan. Humuhubog din
ito sa kamalayan, nag-iimpluwensya sa pag-iisip at nagdadala
ng pagbabago sa lipunan upang ganap na maunawaan ang mga
nagaganap sa kanilang kapaligiran.
Ang pagkatuto at pagtuturo para kay Adeyanju (2003), ay
ang konsern ng isang mahusay na titser subalit ang pagkatuto
ay isang masalimuot na proseso. Ayon sa kanya:
Learning can occur as a result of newly acquired skill, knowledge, perception, facts, principles, new information at hand etc. Learning can be reinforced with learning aids of different variety because they stimulate, motivate as well as arrest learner's attention for a while during the instructional process.
Mapapataas ang bisa ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto
simula elementarya hanggang graduate level sa pamamagitan ng
tamang paggamit ng mga kagamitan. Iklinasifay ni Bucu at mga
kasama (1994) ang mga kagamitang pampagtuturo bilang: mga
nakaprint na babasahin, audio at visual aid, demonstrations,
community resources, mga laboratoryong pangwika,
nakaprogramang instruksyon at mga kompyuter.
Simula umaga hanggang gabi, araw-araw na makikita sa
lokal at nasyunal na telebisyon ang mga advertisment na
gawang Pilipino. Ang mga ito ay nagpapahayag ng iba’t ibang
kaisipan na maaaring pagkunan ng mga kagamitang
pampagtuturo. Sa panahon ng pamamayagpag ng teknolohiya,
malaking tabang ito sa mabilis na pagkatuto at pagkaunawa ng
mga estudyante maging sa pagkakaroon ng karagdagang
kagamitang pampagtuturo sa mga guro. Malaki ang magagawa ng
paggamit ng mga kaisipang ipinapahayag sa mga pantelebisyong
advertisment sa pagpapahalaga ng mga bata sa kanilang asal,
pamumuhay, kalusugan at kapaligiran, at sa paglinang ng
krieytiviti at pagkamaparaang paggamit ng mga ito sa mga
leksyon ng mga titser.
Ito ang nagtulak sa risertser na ianalayz at
pahalagahan ang dalawampung (20) mga pantelebisyong
advertisment na ipinalalabas sa praymtaym upang magamit sa
pagtuturo ng Makabayan 6 sa elementarya.
Makakapagbigay ng interesting at kakaibang experience
sa mga estudyante ang mga pantelebisyong advertisment kapag
ginamit sa klase. Magsisilbi rin itong dugang na hanguan ng
mga kagamitang pampagtuturo upang magsilbing lunsaran ng mga
aralin.
Paglalahad ng Suliranin
Tinukoy ng pag-aaral ang mga kaisipang nakapaloob sa
mga advertisment sa nasyunal na telebisyon na magagamit
bilang kagamitang pampagtuturo sa Makabayan 6, University of
Nueva Caceres Elementary Laboratory, TP 2007-2008.
Sinagot din ang mga sumusunod na espesipikong
katanungan:
1. Anu-ano ang mga nakolektang pantelebisyong
advertisment para sa mga kaisipang pangkaasalan,
pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran?
2. Ano ang kahulugang literal at figyurativ na
nakapaloob sa bawat advertisment?
3. Anu-anong mga banghay-aralin sa Makabayan 6 ang
mabubuo gamit ang mga advertisment?
4. Gaano kahusay ang binuong mga banghay-aralin base sa
mga sumusunod na kraytirya: layunin, integrasyon,
mga gawain, mga tanong at TV ad/s na ginamit?
Saklaw at Delimitasyon
Ginamit sa pag-aaral na ito ang dalawampung (20)
pantelebisyong advertisment na tiglilima sa kada kaisipan.
Ang mga ginamit na advertisment ay ipinapalabas mula 6:00
hanggang 10:30 ng gabi sa mga pangunahing nasyunal na
telebisyon ng bansa: ABS-CBN 2, GMA 7 at ABC 5. Ginamitan
ang mga ito ng wikang Filipino, English, vernakyular,
Taglish o kombinasyon ng alin man sa mga nabanggit na wika
sa mga dayalog, kapsyon at advertising jingle. Ang mga
piniling mga advertisment ay kumatawan sa iba’t ibang
produkto, lokal man at banyaga. Ang mga hinangong
advertisment ay ipinalabas sa loob ng taong 2007 hanggang sa
kasalukuyang taon.
Hindi saklaw ng pag-aaral ang mga advertisment na
bagamat ipinalabas sa Pilipinas ay di-gawang Pilipino dahil
sa kaibahan ng seting nito sa mga advertisment na
ipinalalabas sa buong bansa.
Disenyo ng Pananaliksik
Ginamit ng risertser ang dokyumentari analisis sa
pagsusuri ng mga nakolektang pantelebisyong advertisment.
Gumamit siya ng dalawampung (20) advertisment na
ipinapalabas sa mga pangunahing nasyunal na telebisyon sa
Pilipinas na iklinasifay ayon sa kaisipang nakapaloob sa
bawat advertisment. Tinukoy ang kahulugang literal at
figyurativ na nakapaloob sa bawat advertisment sa
pamamagitan ng pagsasalaysay ng lantad na katotohanang
nakikita at naririnig dito gayundin ng pag-iinterpret at
pag-uungkat ng mga nakatagong kahulugan nito.
Gamit ang prototype lesson plans ng Department of
Education (DepEd), naging krieytiv ang risertser sa pagbuo
ng labing-anim (16) na banghay-aralin sa Makabayan 6, gamit
ang mga kaisipan at kahulugang natagpuan sa TV ads. Sinikap
ding maging integrativ sa dalawa hanggang tatlong sabjikts
ang bawat leksyon.
Nagkaroon ng jurors na tumaya sa kahusayan ng binuong
mga banghay-aralin. Binuo ito ng labindalawang (12) titsers
sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Naga City at
Camarines Sur. Sa layuning masigurong kwalifayd ang jurors
na tayain ang binuong mga bahay-aralin, sinuri ang kanilang
educational qualification at karanasan. Inihanda ang
evaluation sheet o ang papel para sa pagtataya ng mga
banghay-aralin na kinapapalooban ng kraytirya sa layunin,
integrasyon, mga gawain, mga tanong at ginamit na TV ad/s.
Ilang kagamitang pang-estadistika ang ginamit sa
riserts. Ito ang paaverij na teknik at katamtamang bigat o
averij ng weighted mean. Ginamit ang paaverij na teknik sa
profayl ng jurors na sumukat ng kahusayan ng mga binuong
banghay-aralin. Ang katamtamang bigat o averij ng weighted
mean ay ginamit sa pagsukat ng ebalwasyon sa bawat
kraytiryon. Ginamit ang iskeyl kung saan ang 4 ay para sa
“Napakahusay”, 3 para sa “Mahusay”, 2 para sa “Medyo
Mahusay” at 1 para sa “Hindi Mahusay.” Ginamit din ang
ranking para alamin kung aling banghay-aralin at kraytiryon
ang nauuna at nahuhuli o kung ano ang wastong pagkakasunod-
sunod ng preferens ng jurors.
Balangkas Teoretikal
Ikinonsider ang ilang mga theory upang magsilbing
batayan ng pag-aaral.
Sa Social Cognitive Theory ni Bandura, ayon kay Omrod
(1999) binibigyang diing natututo ang tao sa kapwa sa
pamamagitan ng direkta o di-direktang observation at
imitation ng anumang napapagmasdan. Maaaring makuha ang
anumang nakikita at naririnig sa panonood ng telebisyon.
Puno ng positibo at negatibong mensahe ang mga advertisment
na maaaring gayahin ng mga bata. Sa patnubay ng titser at sa
paggamit ng mga ito sa pagtuturo, magiging makabuluhan ang
mga maiikli subalit maiimpluwensyang advertisments.
Ayon sa Informational Social Influence Theory ni
Cialdini, ayon kay Syque (2007), kinokopya ng isang tao ang
iba kapag hindi niya alam kung papaano kumilos nang tama.
Ginagawa niya ito ayon sa pinanggagaligan ng impormasyon sa
pagpapalagay na alam nila ang kanilang ginagawa. Gumagamit
ng mga silebriti at di-silebriti bilang endorser o karakter
sa mga advertisment na ikinokonsider na mas “nakakaalam” ng
kung ano ang tama.
Binanggit ni Davis at kasama (1995) na sa Mastery
Learning ni Bloom, ang lubusang pagkatuto ng mga estudyante
sa mga araling itinuturo ay may kaugnayan sa mabuting
kondisyon sa pagkatuto at sa kalidad ng pagtuturo.
Napapataas din nito ang atityud at interest ng mga
estudyante. Magbibigay ng interesting at kakaibang
experience sa mga estudyante ang paggamit ng mga
advertisment sa pagtuturo sa tabang ng isang mahusay na
titser.
Sa Operant Conditioning ni Skinner, ayon kay Huitt at
kasama (1997), ang hayop kasama na ang tao ay maaaring
kontrolin upang kumilos nang maayos. Ang isang organismo,
tao o hayop, ay kikilos nang maayos upang tumanggap ng
gratifikeysyon na nasa iba’t ibang anyo tulad ng pagkain,
pagkilala, pagpuri at iba pa. Ang susi ng operant na
pagkokondisyon na ito ay ang tamang reward matapos na kagaad
na maipakita ng estudyante ang inaasahang tamang gawi.
Sinasabi pa rin ni Skinner na ang premyo ay nagpapatibay sa
pagkatuto ng mag-aaral. Atensyon, papuri, marka o kahit
kendi ang karaniwang pangreinfors. Samakatuwid, mamomotiveyt
ang mga estudyante na kusang sumagot o sumali sa discussions
sa tabang ng reinforcers na ito.
Sa Multi-Sensory Learning ayon kay Rose (1995),
makakabuting magamit ang lahat ng pamamaraan kung
kinakailangan. Karamihan ng tao ay umaasa lang sa isa sa mga
pamamaraang ito: 40% sa kinesthetic, 35% sa visual at 25% sa
auditory. Mapapataas ang pagkatuto kung higit sa isa sa
limang senses ang nagagamit. Mahalagang pantulong sa proseso
ng pagkatuto ang kombenasyong images at sounds sa
advertisment bukod pa sa mga gawaing may actions sa klase.
Namomotiveyt nito ang mga bata at napatataas ang resulta ng
pagkatuto.
Sa kognitibong pananaw ng Educational Technology,
itinuturing na aktiv at masigla ang estudyante ayon kay
Saettler (2005). Nagiging isang aktibong partisipant siya sa
proseso ng pagtatamo at paggamit ng katalinuhan. Sa paggamit
ng telebisyon, kompyuter at iba pang teknolohiya sa proseso
ng pagkatuto, hindi lang nagiging tagatanggap o tagamasid
ang estudyante.
Malaki ang papel ng kapaligiran sa paghubog ng pagkatao
ng estudyante. Sangkot ang lipunan, titser, teknolohiya,
pamilya at sarili sa kanyang pagkatuto. Makikita sa modelong
teoretikal na napapaligiran ng mga batayang teoryang
sinisimbolo ng iba’t ibang bagay at hugis ang estudyante,
kinakatawan ng isang pulang smiley, na may kakayahang
makapagpasya sa sarili: ang cube, simbolo ng karunungan
dahil sa perpektong sukat nito, para sa lubusang pagkatuto
(Mastery for Learning); pointer, representasyon ng internet
na pinanggagalingan ng iba’t ibang impormasyon, para sa
teknolohiya (Educational Technology); pagsabog, isang
kaganapang nadarama ng iba’t ibang kasangkapang pandama ng
tao lalo na ang pandinig, paningin, pandamdam at pang-amoy,
para sa iba’t ibang senses (Multi-Sensory Learning); puso,
isang simbolo na tumutukoy sa spiritual, emotional at moral
core ng tao, para sa tamang gawi (Operant Conditioning);
scroll, ang sinaunang gamit sa paghahatid ng mensahe, para
sa impormasyon (Informational Social Influence Theory); at
apat na direksyon, ang hilaga, silangan, timog at kanluran
na pinanggagalingan ng iba’t ibang kaganapan, para sa mga
napapagmasdang pangyayari sa paligid (Social Cognitive
Theory).
Matatagpuan sa sumunod na pahina ang modelong
teoretikal (Figyur I).
Balangkas Konseptwal
Ang konsepto ng pag-aaral na ito ay naisasalarawan sa
Figyur 2 na nagpapakitang magagamit na mga kagamitang
pampagtuturo sa elementarya ang mga kaisipang nakapaloob sa
mga nakolektang advertisment sa nasyunal na telebisyon.
Pinaghanguan ng deyta ang mga pantelebisyong
advertisment na gawang Pilipino, nasa wikang Filipino,
English, vernakyular, Taglish o kombenasyon ng alin man sa
mga nabanggit na wika, at ipinalabas sa praymtaym sa mga
pangunahing nasyunal na telebisyon sa taong 2007 sa
Pilipinas. Naglalaman ang mga ito ng mga kaisipang pangka-
asalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na
mahalaga sa paghubog sa mamamayang Pilipinong may wastong
pagkilos sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, may kakayanan sa
E S T U D Y A N T E
Figyur 1. Modelong Teoretikal na Nagpapakita ng Daloy at Relationship ng Variables
SocialCognitiveTheory
ni Bandura
SocialCognitiveTheory
ni Bandura
Informational Social
Influence Theory
ni Cialdini
Informational Social
Influence Theory
ni Cialdini
Mastery Learning ni Bloom
Mastery Learning ni Bloom
Operant Conditionin
g ni Skinner
Operant Conditionin
g ni Skinner
Educational Technology Educational Technology
Multi-Sensor
yLearning
Multi-Sensor
yLearning
pagpaunlad ng sarili at sa pagpamahala ng kabuhayan, may
pagpapahalaga sa katangiang pisikal, mental at emosyunal, at
may maayos na pakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran at
pagpapahalaga sa kalikasan.
Puno ang TV ads ng iba’t ibang diwang literal at
figyurativ gikan sa karanasan ng mga sumulat at bumuo ng mga
advertisment. Ang kahulugang literal at figyurativ na
nakapaloob sa mga advertisment ay ang lantad na katotohanang
makikita rito at mga kahulugang nakatago o “nagtatago.”
Sa pamamagitan ng pagsuri ng mga kahulugang nakapaloob
sa mga advertisment, nagamit ang mga ito sa binuong mga
banghay-aralin sa mga sabjikt sa Makabayan 6. Tinaya ang
kahusayan ng mga banghay-aralin ng mga titser gikan sa
pribado at pampublikong eskwelahan sa Naga City at Camarines
Sur. Ang pagtaya ay batay sa mga sumusunod na kraytirya: sa
layunin, ang saklaw ng kasanayang sinusukat nito ng banghay-
aralin; integrasyon, ang pagpapakita nito sa ibang disiplina
sa talakayan; sa mga gawain, ang pagtugon nito sa inihandang
layunin; sa mga tanong, ang pagiging malinaw at pagsukat
nito sa pagkaunawa ng mga bata sa mga aralin; at sa ginamit
na TV ad/s, ang kaangkupan sa paksang tinatalakay ng mga ito
sa aralin.
Matapos ang ibayong pagsusuri, magagamit ang mga
advertisment sa Makabayan 6, ang sabjikt kung saan ay
hinuhubog ang mga estudyante na maging responsableng
mamamayan ng kumunidad, ng bansa at ng mundo. Malaking
tabang ito sa mga bata para maunawaan at maging kawili-wili
ang mga aralin sa araw-araw.
Asampsyon
Ang TV ads ay naglalaman ng mga kaisipang pangkaasalan,
kaisipang pangkabuhayan, kaisipang pangkalusugan at
kaisipang pangkapaligiran na mapaghahanguan ng mga
kagamitang pampagtuturo.
Figyur 2. Modelong Konseptwal na Nagpapakita ng Daloy at Relationship ng Variables
Mga Kaisipansa mga Pantelebisyong Advertisment:
a. Pangkaasalan b. Pangkabuhayanc. Pangkalusugand. Pang- kapaligiran
Mga Kaisipansa mga Pantelebisyong Advertisment:
a. Pangkaasalan b. Pangkabuhayanc. Pangkalusugand. Pang- kapaligiran
Mga Kahulugan:
a. Literal b. Figyurativ
Mga Kahulugan:
a. Literal b. Figyurativ
TV ADS: HANGUAN NG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA ELEMENTARYA
University of Nueva Caceres Elementary Laboratory T/P 2007-2008
TV ADS: HANGUAN NG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA ELEMENTARYA
University of Nueva Caceres Elementary Laboratory T/P 2007-2008
Mga Kagamitang Pampagtuturo sa Makabayan 6:
a. Pagbubuo ng banghay-aralinb. Gamit ng mga
TV ads sa Makabayan 6
c. Pagtataya ng jurors
Mga Kagamitang Pampagtuturo sa Makabayan 6:
a. Pagbubuo ng banghay-aralinb. Gamit ng mga
TV ads sa Makabayan 6
c. Pagtataya ng jurors
Katuturan ng Talakay
Binigyang depinesyon ang mga sumusunod na termino ayon
sa pagkakagamit ng mga ito sa pag-aaral.
Fallacy. Tumutukoy ito sa isang klase ng kamalian sa
argumento. Kabilang sa mga falasi na nabanggit sa pag-
aaral ay ang mga sumusunod:
a. Appeal to authority . Ito ang paggamit ng awtoridad
na hindi eksperto sa isang larangan o may
kinikilingan bilang suporta sa argumento; o ang
hindi pagbanggit sa partikular na awtoridad na
tinutukoy.
b. Appeal to popularity . Ito ang pagtanggap na tama ang
isang pahayag dahil karamihan ay naninilawa rito.
c. Selective attention . Tumutukoy ito sa hindi
makatwirang pagbibigay ng atensyon sa ilang bagay at
pagbabaliwala sa iba.
d. Quoting out of context . Ito ang pagputol o
pagbaluktot sa isang pahayag.
Figure of speech. “Tayutay” ito sa Tagalog na tumutukoy lang
sa matalinghaga at imajinativ na paggamit ng mga salita
sa pagkukumpara at pagbibigay-diin. Ang terminong ito
ay dekorativ na paggamit din ng mga salita sa
pagdaragdag ng istayl. Kabilang sa mga figure of speech
na nabanggit sa pag-aaral ay ang mga sumusunod:
a. Anaphora . Ito ang repetisyon ng parehong salita o
grupo ng mga salita sa umpisa ng mga magkakasunod na
sugnay. Sa Rejoice TV ad na “Kering-keri,” ipinakita
ang pagiging konfident at positibong tignin sa buhay
matapos gumamit ng syampu sa pamamagitan ng jingle
“Kering-keri, susunod sa aking galaw; kering-keri,
laging na nangingibabaw; kering-keri susunod sa
aking galaw; kering-keri, laging na nangingibabaw;
Keri-keri, kering-kering ko.”
b. Antimeria . Pagpapalit ito ng isang parte ng
pananalita, karaniwan ay ginagawang verb ang isang
nawn. Ipinakita ito sa paggamit ng “game” bilang
hudyat upang isakatuparan ng mga bata sa Ovaltine TV
ad na “Oh No! Monster” ang nabuong planong pag-
improvise ng props.
c. Hypallage . Pagpapalit ito ng relasyong sintaktik ng
dalawang salita. Sa Whisper TV ad na “Do the Flexi
Move,” ipinahayag ang pakiramdam ng babaeng
protektado ng ginagamit na sanitary napkin sa
pagdeskrayb niya sa mga araw na may menstruation
bilang “happy period.”
d. Hyperbole . Ito naman ang paggamit ng exaggeration sa
isang pahayag. Ang pagsama ng buong barangay kay
“Ms. Barangay” sa Super Ferry TV ad ay pagpakita ng
todong suporta.
e. Hypophora . Ito ang pagsagot sa sariling rhetorical
question. Sa Tide TV ad na “Gulat Ka? (Rally),”
ipinahihiwatig ang pagpapababâ sa posisyon ng “naka-
upo” o “nakapwesto” sa tanong ng lider ng mga
raliyista na “Ikaw ba ang dapat na nakaupo dyan?”
f. Metaphor . Tuon nito ang pagkukumpara sa dalawang
magkaibang bagay. Ipinakita sa Centrum TV ad na “I
Wanna Be Complete (Lara)” ang hindi tuwirang
paghahalintulad sa pagpuno ng iba’t ibang vitamins
sa isang kapsula at ng pagtupad ng mga pangarap sa
buhay ng pahayag na “Gusto kong maging complete.”
g. Personification . Pagbibigay ito ng karakterestiks ng
tao sa mga bagay, hayop o pangyayari. Ang pagpresent
sa mga biik sa Pigrolac TV ad na “Habang Bata Pa” na
naghahabulan sa damuhan, at nagtatampisaw ay
pagpapahiwatig na tulad sa mga batang pinalaki sa
pagmamahal, magiging malaman, mabigat at hindi
sakitin ang mga ito.
h. Pun o play of words . Ito ang paggamit sa isang
salita o pariralang may dalawang kahulugan. Pang-
iinggit o pang-iinis sa sinumang hahanga sa gara ng
pantalon sa Bench TV ad na “Bush” ang layunin ng
paggamit ng “b/low” o pinagdugtong na treydmark ng
kompanya na “b/” at “low” para sa “low-rise jeans.”
i. Superlative . Layunin nito ang pagtukoy sa isang
bagay na may namumukadkad na katangian. Sa Globe TV
ad na “Bridges,” ipinakita ang pagmamalaki sa lawak
ng koverij ng kompanya sa pamamagitan ng mga
salitang “widest international coverage.”
Gawain sa Pagkatuto. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing
nagpapayaman ng kaisipan, kaasalan at kasanayan ng mga
bata. Makakadagdag sa kaalaman ang mga TV ad na parte
na ng mga programa sa telebisyon.
Jurors. Sa ginawang pag-aaral, ito ay ang kalipunan ng
labindalawang (12) titsers gikan sa Naga City at
Camarines Sur, Taong Panuruan 2007-2008 na sumuri sa
mga binuong banghay-aralin ng risertser.
Hanguan ng kagamitang pampagtuturo. Ito ay ang dalawampung
(20) nakolektang mga pantelebisyong advertisment na
maaaring gamitin sa pagtuturo sa Makabayan 6 sa
bahaging motiveysyon, malayang talakayan, aplikeysyon
at evalyuweysyon.
Kagamitang pampagtuturo. Tumutukoy ito sa anumang karanasan
o bagay na ginagamit ng titser bilang tabang sa
paghahatid ng katotohanan, mga kasanayan, saloobin,
kaalaman, palagay, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
mag-aaral para lalong maging kongkreto, tunay, daynamik
at ganap ang pagkatuto (Abad, 1996). Halimbawa, ang mga
kaisipang pangangalaga sa buhay ng hayop na nakapaloob
sa Pigrolac TV ad na “Habang Bata Pa” ay makakatulong
upang mamotiveyt ang mga bata sa pagtalakay ng araling
Kahalagahan ng Pag-aalaga ng Hayop sa EPP.
Kahulugang figyurativ. Ito ay tumutukoy sa mga nakatago at
“nagtatagong” kahulugan sa TV ads. Halimbawa, sa “Ms.
Barangay”, ang pag-iwan ng buong barangay sa kani-
kanilang ginagawa at pagsama sa Ms. Barangay sa pagsali
niya sa isang beauty contest ay pagpapakita ng todong
pagsuporta dahil sa napakamurang pamasahe sa Super
Ferry.
Kahulugang literal. Ito ang lantad na katotohanang nakikita
at naririnig sa mga pantelebisyong advertisment. Sa
“Ms. Barangay”, ang kahulugang literal ay ang pagdayo
ng Ms. Barangay, sakay ng Super Ferry, upang sumali sa
isang beauty contest.
Kaisipan. Tumutukoy ito sa kaisipang pangkapaligiran,
pangkaasalan, pangkalusugan at pangkabuhayan na
makikita sa mga nakolektang advertisment.
Kaisipang pangkaasalan. Ito ay tumutukoy sa mga kaisipang
nagpapahayag ng mga kinaugaliang wastong pagkilos sa
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Tumutukoy pa rin ito sa
iba’t ibang aspeto ng isang tao base sa mga ikinikilos
ng isang indibidwal.
Kaisipang pangkabuhayan. Nauukol ito sa mga kaisipang
nagpapahayag ng potensyal ng tao na umunlad at mamahala
ng mga bagay na may kaugnayan sa kabuhayan. Kabilang
din dito ang pagkamasipag, pagkamatiyaga,
pagkamasigasig at pagkakaroon ng determinasyon upang
umunlad ang buhay.
Kaisipang pangkapaligiran. Ito ay tumutukoy sa maayos na
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran at
pagpapahalaga niya sa kagandahan ng kalikasan.
Kaisipang pangkalusugan. Tumutukoy ito sa mga kaisipang may
kaugnayan sa katangiang pisikal, mental at emosyunal ng
tao.
Kulay. Tumutukoy ito sa ginamit na kulay sa mga TV ad na
naghahaylayt sa mga nakatagong kahulugan tulad ng kulay
puting t-shirt sa Tide TV ad na “Gulat Ka? (Rally)” at
Whisper TV ad na “Do the Flexi Move” na nirerepresent
ang kalinisan. Nabanggit sa pag-aaral ang mga kulay na
asul, para sa sensitiviti ng isang tao; green, para sa
pagiging sariwa ng isang bagay, kalinisan at
kapaligiran; itim, para sa kawalan ng kulay o buhay;
orange, para sa determinasyon at mababang-loob; puti,
para sa kalinisan at pag-asa; at yellow, para sa
inspirasyon at kusog.
Media. Ito ay hinggil sa iba’t ibang behikulong
pangkomunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, magazin,
video, pelikula, kompyuter, selfown at iba pa.
Tumutukoy rin ito sa mga ahensyang nagrereport ng mga
balita.
Saykoloji sa advertisment. Ito ay ang mga nakikita at
naririnig sa mga advertisment na nakakaimpluwensya sa
subconscious mind at emosyon ng isang tao sa
pamamagitan ng pagpapahiwatig na makakamit ang isang
subconscious desire kung susundin ang iminunungkahi ng
advertisment, ang pagtangkilik sa produkto (Taflinger,
1996). Kabilang sa mga psychological appeal na
nabanggit sa pag-aaral ay ang mga sumusunod:
a. Pangangailangan sa pagsasamahan . Tumutukoy ito sa
pangangailangan ng tao ng kaibigan o makakasama.
b. Pangangailangan sa pagmamahal o pangangalaga . Ito ay
pagpapahalaga ng tao sa pagmamahal o pag-aalaga na
naipadadama sa pamamagitan ng paggamit ng produkto.
c. Pangangailangan sa patnubay . Ito naman ang
pagpapahalaga ng tao sa patnubay na ibinibigay ng
awtoridad o kilalang tao.
d. Pangangailangang makapantay o makalevel . Ito ang
adhikain ng tao na makapantay o makalevel sa iba
kahit man lang sa ibang bagay.
e. Pangangailangang magtagumpay . Ito ay tumutukoy sa
hangarin ng tao na mapagtagumpayan ang isang bagay
na mahirap matamo.
f. Pangangailangan mangibabaw . Tumutukoy naman ito sa
kagustuhan ng taong mamaster ang lahat ng
posibilidad at magkaroon ng kusog na wala sa kanya.
g. Pangangailangang maging prominente . Ito ang
kagustuhan ng tao na hangaan at irespeto para
maitaas ang pagkilala sa kanya.
h. Pangangailangang kumuha ng atensyon . Ito naman ay
ang kagustuhan ng tao na maka-attract ng atensyon at
tumawag ng pansin.
i. Pangangailangan sa seguridad . Tumutukoy ito sa basic
instinct ng tao na mabuhay, maging ligas at
kampante.
j. Pangangailangan ng sagot sa kyuryositi . Ito naman ay
ang paniniwala ng tao na nasasagot at napatutunayan
ng mga numero at dayagram ang mga tanong.
Slang. Ang terminong ito ay ang mga salita rin na ginagamit
ng isang partikular na grupo tulad ng mga young
professionals, mga bakla, mga elitista atbp. Kaiba ito
sa “salitang balbal” sa Tagalog na limitado lang sa mga
salitang ginagamit ng taong hindi edukado. Hindi ito
tumutukoy sa aksent sa pagsasalita.
TV Ads. Tinatawag ding komersyal, palatastas o
pantelebisyong advertisment, ito ay isang porma ng
advertizing na nagpropromowt ng produkto, gamit ang
telebisyon bilang medium. Sa pag-aaral na ito,
tumutukoy rin ito sa nakolektang dalawampung (20)
pantelebisyong advertisment na ipinalabas sa praytaym
sa mga pangunahing nasyunal na telebisyon ng bansa sa
loob ng taong 2007 hanggang sa kasalukuyan.
TV Ads na gawang Pilipino. Tumutukoy ito sa mga
pantelebisyong advertisment na ipinaprodyus ng
Pilipinong advertizer, prinodyus ng Pilipinong ahensya,
o dinirekt o inedit ng isang Pilipino; at/o
nagpropromowt ng Pilipinong produkto. Ang Tide TV ad na
“Gulat Ka? (Rally),” halimbawa, ay prinodyus ni Ato de
Guzman, dinirekt ni Henry Frejas at inedit ni Tessmen
Bautista, puros Pilipino, para sa advertizer na Procter
& Gamble-Philippines.
Mga Panghulihang Tala
Adonis L. Rugeria, Media Exposure, Knowledge and Attitudes related to Media of Teachers of Catholic Elementary and Secondary Schools in Naga City, Ateneo de Manila University, 1996
__________, Media Education in Canada: An Overview, Media Awareness Network http://www.media-awareness.ca/english/teachers/media_education/media_education_overview.cfm(Hinugot noong Pebrero 20, 2007)
D. C. D. Pocock, Sight and Knowledge, University of Durham, United Kingdom, 1980http://links.jstor.org/sici?sici=0020-2754%281981%292%3A6%3A4%3C385%3ASAK%3E2.0.CO%3B2-P&size=LARGE#abstract (Hinugot noong Pebrero 22, 2007)
Christian George C. Francisco, Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, De La Salle University-Dasmariñas, 2006http://www.ptechs.org/ptechs2006/Presentation/CFrancisco.pdf (Hinugot noong Abril 12, 2007)
AGB Nielsen Media Research, AGB Nielsen Media Research releases 2006 Mega Manila TV viewing habits, 2007http://agbnielsen.net/whereweare/localnews.asp?id=238&country=Philippines&newstype=L&mode=full&language=english (Hinugot noong Enero 1, 2008)
Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN: More money by ‘simple arithmetic’http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=52900 (Hinugot noong Enero 18, 2008)
Philippine Daily Inquirer, GMA Network to earn P500M from candidateshttp://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=52899 (Hinugot noong Enero 18, 2008)
Willy E. Arcilla, Philippines has world’s heaviest ad loads, Philippine Daily Inquirer, 2007http://business.inquirer.net/money/features/view_article.php?article_id=103944 (Hinugot noong Enero 6, 2008)
Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of
Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm (Hinugot noong Abril 12, 2007)
Luz C. Bucu at mga kasama, College Teaching in the Philippines, Rex Book Store, Manila, 1994
J.E. Ormrod, Human learning (3rd ed.), Upper Saddle River, NJ: Prentice-Hall, 1999 http://www.psy.pdx.edu/PsiCafe/KeyTheorists/Bandura.htm#Research (Hinugot noong Disyembre 29, 2007)
___________, Informational Social Influence, Changing Minds, Syque Websitehttp://changingminds.org/explanations/theories/informational_social_influence.htm (Hinugot noong Disyembre 29, 2007)
Denese Davis at Jackie Sorrell, Mastery learning in public schools. Isang papel para sa PSY 702: Conditions of Learning, Valdosta State University, Georgia, USA, 1995http://chiron.valdosta.edu/whuitt/files/mastlear.html (Hinugot noong Disyembre 29, 2007)
W. Huitt at J. Hummel, An introduction to operant (instrumental) conditioning. Educational Psychology Interactive. Valdosta, GA: Valdosta State University, 1997http://chiron.valdosta.edu/whuitt/col/behsys/operant.html(Hinugot noong Disyembre 29, 2007)
Colin Rose at kasama, Accelerated Learning, 1995 http://www.andrewgibbons.co.uk/documents/Rose_Accelerated_Learning_000.pdf (Hinugot noong Pebrero 20, 2008)
Paul Saettler, Evolution of American Technology, 2005 http://books.google.com/books?hl=en&lr=&id=s1ThX561Z58C&oi=fnd&pg=PR21&dq=educational+technology+theory&ots=yFSylSixVa&sig=AP7IlMTDWEhryA2zU45htinrCyY#PPA14,M1 (Hinugot noong Pebrero 20, 2008)
Allan C. Orstein, Strategies for Effective Teaching, Harpen Collins Publisher, 1992
Marietta Abad at mga kasama, Paghahanda ng Kagamitang Pampagtuturo, National Book Store, Manila, 1996
Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, 1996 (Bersyon sa internet)
http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html (Hinugot noong Pebrero 20, 2007)
KABANATA II
RIVYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Laybrari ng graduate school ng Ateneo de Naga
University at University of Nueva Caceres, at internet ang
pinaggalingan ng mga literatura at pag-aaral na may
kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik.
Mga Kaugnay na Literatura
Ayon kay Espiritu sa lektsur ni Francisco (2006) sa
“Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na
Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino,” binanggit niya na wika ang
gamit ng titser sa pagpapaunawa ng nilalaman ng kurso at ito
rin ang gamit ng estudyante para ipakita ang kanyang pag-
unawa at ipahayag ang kanyang iniisip at niloloob.
Samakatuwid, mahalagang konsiderasyon ang wika sa pagtuturo
gayundin sa pagkatuto.
Advays ni Lumbera (2005) sa mga manunulat sa intervyu
sa kanya ng Pinoy Weekly Online, importanteng kilalanin ng
isang writer na namumuhay siya sa ganitong lipunan at kung
hindi man siya kumilos para baguhin ang lipunan na iyon,
huwag maging hadlang sa pagkilos ng ibang tao. Lagi’t lagi,
kilalanin ang kanyang kaugnayan sa buhay ng lipunang kanyang
kinabibilangan. Ayon sa kanya:
Sa ganoong paraan, ang kanyang mga tula, kuwento, dula ay uungkat sa mga nangyayari sa ating lipunan at ’yong kanyang audience na bumabasa sa kanyang mga tula o nanonood ng kanyang dula ay mabigyan niya ng kamalayan na siya ay bahagi ng lipunang inilalarawan sa akda. Sa ganoong paraan ang manunulat ay hindi magiging kuntento na lamang sa paggamit sa wika ayon sa personal niyang kagustuhan.
Ang nilalaman ng mga advertisment ay gikan sa karanasan ng
mga sumulat at bumuo ng mga ito kung kaya’t kababakasan ng
iba’t ibang kaisipan.
Sa 192 mga Pilipinong advertisment pantelebisyong
sinorvey ni Thompson (2003), ang isandaan at walo (108) ay
gumamit ng English “E,” apatnaput isa (41) ay Tagalog na may
mga English na salita at phrase “T(E),” dalawamput dalawa
(22) ay Tagalog “T,” at dalawamput isa (21) ay English na
may mga Tagalog na salita at phrase “E(T).” Gumagamit ng
wika ang pantelebisyong advertisment. Karamihan sa mga ito
ay hindi gumagamit ng purong Tagalog, o English kung kayat
hindi ito kasama sa delimitasyon sa pag-aaral.
Sa pagtuturo, ayon kay Adeyanju (2003), mahalaga ang
visual aids sa lubusang pagkatuto ng mga bata. Ang mga ito
ay designed materials na maaaring locally made o
commercially produced. Para sa kanya:
They come in form of wall-charts illustrated pictures, pictorial materials and other two dimensional objects. There are also audio-visual aids.
These are teaching machines like radio, television, and all sorts of projectors with sound attributes.
Maaari ring magsilbing audio-visual aids ang mga
pantelebisyong advertisment. Madali at libre itong makukuha
dahil araw-araw itong nakikita sa telebisyon. Dahil
advertisment ang bumubuhay sa mga palabas, habang
tinatangkilik ng tao ang mga programa sa telebisyon ay
patuloy ang pagbuo ng mga ito ng mga advertizer. Makukuha
rin ang mga nirekord na advertisment sa mga video-sharing
website tulad ng You Tube sa www.youtube.com.
Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang
maipapalit sa isang mabuting titser ngunit isang
katotohanang hindi maitatanggi na ang mahusay na titser ay
gumagamit ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang
pagkatuto ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng pag-aaral na
ito, mari-realize ng mga titser na maraming mapagkukunan ng
mga kagamitan sa pagtuturo. Kailangan lang na maging
observant, prodaktiv at krieytiv.
May labinlimang (15) atraksyon sa mga advertisment na
tinawag ni Jif Fowles na “imbentaryo ng motibo ng tao,” ayon
kay Austero (1999). Ang saykoloji o mga atraksyon sa mga
advertisment ay mga pangangailangan: sa seks, pagsasamahan,
pagmamahal o pag-aalaga, ng patnubay, seguridad, aesthetic
sensation, curiosity, pangangailangang biological,
makapantay o makalevel ang isang tao, makatakas,
magpatnubay, mangibabaw, kumuha ng atensyon, maging
prominente at awtonomus. Samantala, sa libro ng “Taking
ADvantage” ni Taflinger (1996), binanggit niyang may sampung
psychological appeal na ginagamit sa advertizing upang
makapagmotiveyt sa mga mamimili: self-preservation, seks,
acquisition of property, self-esteem, personal enjoyment,
constructiveness, destructiveness, kyuryositi, panggagaya at
altruism. Bukod sa literal, sinubukang gamitin sa pagtuturo
ng Makabayan 6 ang mga nakatagong at “nagtatagong” kahulugan
sa mga advertisment.
Advays ni Gabuyo (1998) sa paghahanda ng kagamitang
pampagtuturo, alamin ang karakteristiks at pangangailangan
ng estudyante, siguraduhin ang objektiv, i-summarize ang
nilalaman, at planuhin ang suportang kakailanganin.
Isaalang-alang ang mga materyal na paghahanguan. Naaangkop
ang paggamit ng audio-visual materials sa napiling lugar ng
pag-aaral ng risertser. Bilang isang elementary laboratory,
inaasahang may pasilidad para sa pagtuturong ginagamitan ng
teknolohiya ang University of Nueva Caceres. Inaasahan ding
sanay ang mga estudyante sa iba’t ibang pamamaraan ng
pagtuturo, kabilang na ang mga makabagong pamamaraan.
Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang libro
ang kwalifikeysyon ng isang mahusay na titser. Ayon sa
kanila, matatawag na mahusay ang guro kung nagtataglay siya
ng sariling kakayanan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo
sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang karapatan ng
bawat estudyante. Kailangan ding may alam siya sa principles
ng mabuting pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na
pamamaraan sa pagtuturo, motiveysyon, paggawa ng banghay-
aralin, kasanayan sa pagtataya at integrasyon. Maaaring
magamit sa iba’t ibang bahagi ng klase ang mga advertisment
tulad sa motiveysyon, malayang talakayan, gawain at
evalyuweysyon kung nagtataglay siya ng mga kwalifikeysyon na
binanggit.
Ang pagkatuto para kay Panambo (1997) ay ang
pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Ang
pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting
paraan ng pagtuturo ng isang titser. Siya ang nagpaplano at
nagdedesayd sa pamaraang kaniyang gagamitin na angkop sa
bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan ng mga
estudyante, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayanan ng mga
estudyante at gayundin sa klase ng paksang-aralin at sabjikt
na kanyang ituturo.
Ayon sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property
Code of the Philippines (1997), ipinagbabawal ang
pagdidispley ng isang original na gawa o kopya nito tulad ng
mga pantelebisyong advertisment maliban kung gagamitin sa
pagtuturo. Kinakailangan lang na banggitin ang source at
pangalan ng may-ari kung makikita o binabanggit ito.
Alinsunod sa R.A. 8370 o Children’s Television Act of
1997, ang National Council for Children’s Television (NCCT)
ang magmomonitor, magririvyu at magkaklasifay ng mga
pambatang programa sa telebisyon at mga advertisment na
ipinalalabas sa mga oras na maraming bata ang nanonood. Sa
katuturan nito, ang “children” ay tumutukoy sa lahat ng tao
na wala pang labing walong (18) gulang. Mababasa sa Section
2, ang Declaration of Policy, na kinikilala ng estado ang
kahalagahan at impact ng brodcast media partikular ang mga
programa sa telebisyon kaugnay sa pagpapalaganap ng values
at intelektwal na pag-unlad ng mga kabataan bilang bahagi na
rin ng suporta at pangangalaga sa kanilang interes. Sa mga
dahilang ito, masasabi ng risertser na hindi ikapagpapahamak
ng mga estudyante ang paggamit sa mga ito sa eskwela bilang
kagamitang pampagtuturo.
Para kina Gresko at mga kasama (1996), matagal nang
ginagamit ang saykoloji sa advertizing bilang ifektiv na
pamamaraan sa pagbebenta ng isang produkto o serbisyo. Ang
pag-unawa sa mga pangunahing konsepto na nakakaapekto sa
saykoloji ng tao ay makakatulong sa isang kompanya na
makabenta ng kanilang produkto o hindi kaya ay makakatulong
sa isang konsyumer upang maunawaan ang mga marketing
strategy na nakakahimok sa kanilang bumili ng mga produkto.
Mahalagang makuha ang atensyon ng konsyumer sa pamamagitan
ng pag-apela sa emosyon. Kung nagagawang mahimok ng mga
advertisment ang mga manonood ay magagawa rin ito ng mga
titser sa kanyang mga estudyante upang matuto.
Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay
isa sa factors sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante.
Nakabase ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo sa
iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa
paghahanda ng kagamitang pampagtuturo, dapat isaalang-alang
ang mga gamit nito gayundin ang layunin, panahon at istilo
ng mga wikang gagamitin. Dapat ding ikonsider ang
pangkaisipang pananaw na binibigyang pansin ang pagkakaiba
ng estudyante sa paraan ng pagkatuto at humanistikong
pananaw na ang layunin ay lubusang malinang ang buong
katauhan ng mga mag-aaral. Sa pagbubuo ng mga kagamitang
pampagtuturo sa pag-aaral na ito, isinaalang-alang ng
risertser ang mga nabanggit.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Pinag-aralan ni Alvina (2007) ang 35 mga
kontemporaryong tulang Bikol. Sinuri niya ang mga tula upang
matukoy ang kahalagahan nito sa thrusts ng 2002 Basic
Education Curriculum ng Department of Education. Nadiskubre
niyang mayaman sa imagery at symbolism ang mga tulang Bikol.
Nagprepeyr siya ng mga banghay-aralin gamit ang mga sinuring
kontemporaryong tula upang maipakita kung paano magagamit
ang mga ito sa klase. Sa kasalukuyang pag-aaral, matapos
suriin ang mga pantelebisyong advertisement ay bumuo ng mga
banghay-aralin gamit ang mga kaisipang nakapaloob sa mga
ito.
Gumawa si Mallapre (2004) ng pag-aaral tungkol sa “Mga
Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga.” Sinuri at
binigyang pagpapahalaga ang labinlimang nobelang popular na
naipalabas sa ABS-CBN taong 1999-2000 sa pamamahala ni Charo
Santos. Batay sa isinagawang pag-aaral, kabilang sa mga
paksang-diwang inilahad ay ang pagsisikap na maiangat ang
buhay, pagkamatatag, katangian ng pag-ibig, at
pagpapahalagang sosyal. Sa mga advertisment, may mga isyung
tinatalakay patungkol sa kabuhayan, pamilya at kaasalan na
maaaring magamit sa pagtuturo ng HEKASI at EKAWP.
Sa pag-aaral nina Camaya at mga kasama (2004),
natuklasang mas pinipili ng mga kabataan sa Sta. Teresita,
Iriga City ang mga produkto at serbisyong iniindors ng mga
silebriti kaysa sa mga produkto at serbisyong iniindors ng
mga di-silebriti. Ang mga advertisment sa telebisyon ay mas
napapanood ng mga rispondent tuwing praymtaym kaysa sa ibang
oras. May epekto sa paggawa ng desisyon sa pagpili ng
kanilang pangunahing pangangailangan ang mga advertisment sa
telebisyon. Dito nakatuon ang kasalukuyang pag-aaral.
Sa case study ni Adeyandu (2003) sa “Perception of the
Effects and Use of Learning Aids in Teaching” na mahigit
siyamnapung porsyento ng mga gurong sinorvey ay sumang-ayon
sa positibong epekto ng pagtuturo na ginagamitan ng iba’t
ibang mga kagamitan sa pagtuturo. Pinatunayan nilang 1) mas
nauunawaan ng mga estudyante ang mga itinuturo kapag
ginagamit nila ang mga kagamitang pampagtuturo sa kanila, 2)
nag-iimprovayz sila ng mga kagamitang pampagtuturo kapag
kinakailangan, at 3) gumamit sila ng kagamitang pampagtuturo
upang maipaunawa ang iba’t ibang konsepto na nangangailangan
ng pagpapaliwanag. Ang mga dahilang nabanggit ang nagtulak
sa risertser na gumawa ng kagamitang pampagtuturo gikan sa
mga pantelebisyong advertisment.
Bumuo ng sanayang-aklat sa Filipino 6 si Transona
(2002). Tinukoy niya ang mga nilalaman nito upang mapaunlad
ang kasanayang pampanitikan ng mga estudyante sa Filipino
IV, at ang iba’t ibang istratejing ginamit na angkop sa
paglinang ng vokabyulari, mga kaugnay na aktiviti at
pagpapahalaga sa pagsukat ng natamong kaalaman ng mga
estudyante. Tinukoy rin niya ang kaangkupan ng binuong
sanayang-aklat sa kyurikulum ayon sa pananaw ng 17 titser sa
Filipino na nagsilbing mga juror. Sa pag-aaral na ito, mga
banghay-aralin ang binuo sa disiplinang Makabayan upang
makita ang kaangkupan nito sa mga paksang pag-aaralan.
Inalam ni Lopez (2001) sa kanyang pag-aaral ang
kahalagahan ng pahayagan bilang instrumento ng pag-unawa ng
katarungang panlipunan. Batay sa resulta, ang mga
katarungang pambata ay mga karapatan para mabuhay,
edukasyon, maayos na pamumuhay, pagtangkilik ng sariling
pamilya at proteksyon laban sa pag-aabuso; sa katarungang
pangkababaihan ay paghawak ng katungkulan, dangal at
reputasyon at proteksyong sekswal; sa katarungang
pangmanggagawa, ay maayos na paglilitis, tamang pasahod at
pagtanggap ng benifits sa pinagtatrabahuhan. Ang mga
dimensyong sosyal ay wastong paggamit at paggalang sa mga
nabanggit na katarungan: pagpapahalaga sa karangalan,
pantay-pantay na karapatan at pananagutan at katungkulang
dapat gampanan. May mga isyung tinatalakay sa mga
advertisment na tulad ng kabuhayan at kapaligiran na
maaaring magamit sa pagtuturo ng Heograpiya, Kasaysayan at
Sibika (HEKASI) at iba pa.
Sa pag-aaral ni Gastelo (1999) sa 96 na mga komikstrip
na ‘Pugad Baboy’ ni Pol Medina Jr., nadiskover niyang
mabisang paraan ang paggamit ng mga figure of speech sa
paglalahad at pagpapasigla ng isang writer upang mapukaw ang
kawilihan ng mambabasa, at ang paggamit ng mga slang o
balbal na salita upang maging realistik ang dialogue o
usapan sa komikstrip. Ayon sa kanya, may kahalagahan sa
paghahanda sa mataas na lebel ng edukasyon ang mga
komikstrip na ito. Tulad ng komikstrip, gumagamit ng figure
of speech, slang, sari-saring karikatura, kulay, tunog, at
iba’t ibang diwa, ang mga advertisment kayat mabisang
nailalahad ang mga kaisipan at kawili-wiling panoorin. Sa
dahilang ito kaya bumuo ng kagamitang pampagtuturo sa
elementarya ang risertser gamit ang mga advertisment.
Sinuri at pinahalagahan ni Fortuno (1998) ang mga
piling sanaysay ni Bella Angeles Abayan na pinamagatang
“Maganda ang Buhay.” Sa isinagawang pag-aaral, lumabas na
naglalarawan ng mga paksang patungkol sa intelektwal, sosyal
at panlipunan, moral at ispiritwal na nagbibigay tuon sa
kahalagahan ng karunungan, pag-aaral, determinasyon sa
buhay, pag-ibig sa sarili, kapwa at bayan, pagtupad sa
tungkulin at paniniwala sa Diyos ang apatnapu’t walong (48)
sanaysay. Nagtataglay ang mga ito ng mga pagpapahalagang
nakapaloob sa DECS CORE VALUES na binibigyang-diin ang
pagpapahalagang panlipunan, pagpapahalagang pang-ekonomiya,
pagmamahal, katotohanan at pananampalataya. Ang mga
pantelebisyong advertisment ay naglalaman ng iba’t ibang
kaisipan tungkol sa kapaligiran, kabuhayan, kalusugan at
kaasalan na ipinahahayag sa iba’t ibang paraan tulad ng
paglalahad ng istorya. Maaaring magamit sa pagtuturo ng
Edukasyon sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP),
isa sa sabjikts na bumubuo sa Makabayan, ang mga
advertisment na naglalaman ng mga kaisipang pangkaasalan.
Natuklasan ni Alcedo (1998) batay sa isinagawang
pagsusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa piling elemento ng
nobela na patungkol sa mga kaisipang pangmakabayan,
pangmakatao, pangmoral at pangkagandahang-asal at pang-
intelektwal. Inilahad ang mga kaisipan at mga
pagpapahalagang kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng
lipunan. Ang mga kaisipang natuklasan sa kanyang pagsusuri
ay maaari ring matagpuan sa mga advertisment.
Sinuri at pinahalagahan ni Alegre (1998) ang
dalawampu’t limang tula ni Tinio, “A Trick of Mirrors” at
maikonekt ito sa pagtuturo ng panitikan sa kolehiyo.
Nadiskover sa pag-aaral na ang mga tula ni Tinio ay may
nilalamang-diwa batay sa relasyon ng magulang, mag-asawa at
kapwa na naglalahad ng iba’t ibang damdamin at isipan. Ang
mga tula ni Tinio, tulad ng mga advertisement, ay mayaman
din sa mga larawang-diwa at mga figure of speech na
nagpapalitaw sa iba’t ibang damdamin at kaisipan ng author.
Gumagamit din ng mga ito ang mga pantelebisyong
advertisment.
Ikinompeyr sa pag-aaral ni Ababan (1997) ang
tradisyunal at makabagong pamamaraan sa pagtuturo ng
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika sa Grade 6 sa Antipolo
Elementary School, Minalabac District, Division of Camarines
Sur sa Taong Panuruan 1996-1997. Natuklasan na nagkaroon ng
epektibong gamit ang makabagong pamamaraan, ang Values
Formation Approach kaysa sa tradisyunal na paaran base sa
resulta ng post-test na may antas ng kahalagahan. Releyted
sa kasalukuyang pag-aaral ang kay Ababan dahil nakafokus din
ito sa HEKASI, isa sa sabjikts sa Makabayan na kanyang
pinangtuunang-pansin.
Sinuri ni Arenas (1995) ang 14 pelikulang Pilipino na
iprinodus at ipinalabas mula 1990 hanggang 1994 at
sinubukang iaydentifay at ianalayz ang iba’t ibang roles ng
mga babaeng karakter. Natuklasang 9 sa 23 babaeng karakter
ay ina o asawa ang role, 8 ay kabit o gerlfrend, 3 ay anak,
at 2 ay prostityut. May mga babaeng karakter na iba’t iba
ang roles sa mga advertisment. Ang mga sitwasyong ito ay
maaaring gamitin sa pagtuturo ng mga kaisipang makukuha sa
paksang pag-aaralan.
Kalagayang Pansining
Lahat pagpapahalaga at pag-uugnay sa pagtuturo sa
Edukasyong Pagpapahalaga, Panitikan o HEKASI ang mga pag-
aaral nina Mallapre, Fortuno, Gastelo, Alegre, Ababan at
Alvina. Nakatuon at nagbibigay pagpapahalaga rin ang
kasalukuyang pag-aaral sa isang uri ng literatura, ang mga
pantelebisyong advertisment. Ang mga pag-aaral naman nina
Lopez, Arenas gayundin ang kina Fortuno, Mallapre, Gastelo,
at Camaya at mga kasama, ay gikan sa media kabilang ang
dyaryo, telebisyon at pelikula. Sa telebisyon o internet
gikan ang TV ads na ginamit sa kasalukuyang pag-aaral.
Kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral ang isinagawang pag-aaral
nina Adeyanju at Transona sapagkat kagamitang pampagtuturo
rin ang tinalakay nila.
Samantala, naiiba ang kasalukuyang pag-aaral sa mga
nabanggit na kaugnay na pag-aaral dahil nakatuon ito sa
antas elementarya. Dito, ginamit ang teknolohiya upang
maging makabago at napapanahon ang pamamaran ng pagtuturo.
Inaasahang makakapagbigay ng interesting at kakaibang
experience sa mga estudyante ang mga pantelebisyong
advertisment kapag ginamit sa klase. Sa parte ng mga titser,
magsisilbi itong dugang na hanguan ng mga kagamitang
pampagtuturo upang gamiting lunsaran sa mga aralin.
Mga Panghulihang Tala
Virgilio J. Adeyanju, Teachers Perception of the Effects and Use of Learning Aids in Teaching: a Case Study of Winneba Basic and Secondary Schools, Faculty of Education, Institute of Education, Obafemi Awolowo University, Nigeria, 2003http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm (Hinugot noong Abril 12, 2007)
Republic Act No. 8293, Intellectual Property Code of the Philippines (Available sa Internet)http://www.chanrobles.com/legal7copyright.htm (Hinugot noong Enero 19, 2007)
Lydia S. Liwanag, Phoenix Educational Journal, 1995
Araceli Gabuyo, “Ang Sanayang-Aklat Bilang Kagamitang Pampagtuturo” Panayam sa Pambansang Seminar sa Filipino sa Pagtataguyod ng Kagawaran ng Filipino sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Philippine Normal University, 1998
Leopoldo R. Transona, Sanayang-Aklat Pampanitikan sa Filipino IV: Isang Pagsusuri, (Di-Nalathalang Masteral Tesis Ateneo de Naga University, 2002) Naga City
Rosa Maria B. Panambo, Walong Linggong Kurikulum: Ang Bisa Nito sa Kakayahan ng mga Mag-aaral (Di-Nalathalang Masteral Tesis University of Nueva Caceres, 1997) Naga City
Roger Thompson, Filipino English and Taglish: Language Switching from Multiple Perspectives, Marketing messages through language switching in television commercials, Amsterdam: John Benjamins, 2003 http://www.clas.ufl.edu/users/rthompso/filipinocommercials.html (Hinugot noong Marso 30, 2007)
Richard F. Taflinger, Taking ADvantage, Washington State University/Edward R. Murrow School of Communication, Washington State, USA, 1996 (Bersyon sa internet) http://www.wsu.edu:8080/~taflinge/advant.html (Hinugot noong Pebrero 20, 2007)
Jon Gresko at mga kasama, Social Psychological Factors Underlying the Impact of Advertising, Miami University, Florida, USA, 1996 http://www.users.muohio.edu/shermarc/p324ads.shtml (Hinugot noong Abril 2, 2007)
Republic Act No. 8370, Children’s Television Act of 1997
Guillermo Gastelo, Comic Strip: Larawan ng Galaw ng Buhay (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1999
Vivian B. Fortuno, Kagamitang Pampagtuturo at Edukasyong Pagpapahalaga (Di-nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998
Marivic S. Lopez, Pamahayagan: Instrumento sa Pagpapahalaga ng Karapatang Panlipunan (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 2001
Manuel O. Ababan, Ang pagtuturo ng Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1997
Lilybeth R. Mallapre, Mga Nobelang Popular: Salamin ng mga Pagpapahalaga (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 2004
Camaya at mga kasama, The Perceived Effects of Television Advertisments to Decision Making of the Youth in Choosing their Basic Needs in Sta. Teresita, Iriga City (Unpublished AB-Development Communication Thesis), Ateneo de naga University, Naga City, 2004
Eden D. Arenas, Women Characters in Selected Filipino Movies (Unpublished Masteral Thesis), Ateneo de Naga University, Naga City, 1995
Virgilio J. Alcedo, Ibong Mandaragat: Pagsusuri at Pag-uugnay sa Kasalukuyang Panahon (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998
Amy A. Alegre, Mga Piling Tula: Isang Pagsusuri at Pagpapahalaga (Di-Nalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 1998
Geraldine C. Alvina, Contemporary Bikol Poetry an the Basic Education Curriculum’s Thrust on Lifelong Learning, (Unpublished Masteral Thesis), University of Nueva Caceres, Naga City, 2007