tupac

3

Click here to load reader

Upload: rommell-bacos

Post on 15-Apr-2016

29 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

tupac

TRANSCRIPT

Page 1: Tupac

NOVICIO, Christian Eric A.BSCE2-2

Panimula: Ang nag-uulat ay babati ng magandang umaga sa guro at sa mga kamag-aral.

Reporter: Ang aking irereport ay patungkol sa iba pang mga ekspidisyong ipinadala ng Espanya sa ating bansa. So, matapos ang pagbabalik ng barkong Victoria sa Espanya, naganyak o naanyaya nito ang hari ng Espanya na si Haring Carlos na magpondo at magpadala pa ng mga ekxpidisyon sa lugar na pinagbuhatan ng Victoria. Pangunahing layunin ng pagpapadaa ng mga ekspidisyong iyon ay ang pagtatatag ng kolonya sa Molukas. Subalit, sa kasamaang palad, ang mga sumunod na ekspidisyon na iyon ay hindi nagtagumpay.

Una sa mga ekspidisyong ito ay pinamunuan ni Padre Juan Garcia Jofre de Loaisa noong 1525-1526 na nakarating lamang sa may bahagi ng Mindanao ngunit nabigong magtatag ng kolonya doon. Isang dahilan marahil ay sapagkat ang mga Muslim na nananahan sa bahaging iyon ng Mindanao ay may mataas na antas ng pagkakaisa na nakaugat sa kanilang pagpapahalaga sa kanilang mayamang kultura.

Ikalawang ekspidisyon ay pinamunuan ni Sebastiain Cabot, ang naging kapitan ng Victoria matapos ang pagkamatay ni Magellan at naglayag pabalik ng Espanya. Nabigo rin siya at sinasabing nakarating lamang sa Brazil.

Ikatlo ay ang ekspidisyong pinamunuan ni Alvaro de Saavedra o Sayavedra noong 1527-1528, na katulad rin ng mga nauna ay hindi rin nagtagumpay at ang namuno na si Saavedra ay nadakip ng mga Potuges.

Sa kabila ng mga pagpapadala ng mga ekspidisyong ito ng Espanya, may tunggalian pa rin sila ng Portugal pagdating sa pag-angkin ng mga lupain. Dito, lumagda sila sa bagong kasunduan o tinatawag na Treaty of Zaragoza noong Abril 22, 1529. Dito ay nagbayad ang Portuagl ng 350,000 gintong ducat upang mabili ang Molukas mula sa Espanya. Nagkaroon din ng bagong pagtatakda sa Line of Demarcation sa pagitan ng mga lugar na mapapasakamay ng Espanya at Portugal. Sinasaad ng kasunduan na ang mga matatagpuang lupain sa kanluran ng linya ay sa Espanya at ang sa silangan naman ay mapapasa-Portugal.

Maraming taon na umiiral ang kasunduan subalit noong 1538-1541, nakipagkasundo si Haring Charles ng Espanya sa mga viceroy ng Mexico at Guatemala na magpadala ng mga ekspidisyon sa Silangan, lalo na sa Molukas. Dito ay napili si Ruy Lopez de Villalobos, ang brother-in-law ng Viceroy ng Mexico, upang mamuno sa ekspidisyon. Nakarating siya sa Mindanao buhat ng 6 na barko. Maraming mga pagsubok at paghihirap ang dinanas ng kanyang ekspidisyon. Subalit sa kabila nito ay napangalanan niya ang kapuluan ng Las Islas Filipinas bilang parangal sa prinsipe ng Espanya na si Prince Philip.

Maraming taon ang lumipas bagong muli nagpadala ng ekspidisyon sa Pilipinas. Noong 1556, nagpadala si Haring Philip II ng bagong ekspidisyon. Nilinaw niya na ang mga

Page 2: Tupac

ekspidisyon ay hindi dapat pumasok sa mga lupaing pag-aari ng Portugal at ang mga ito ay naglalayon lamang na magsarbey at mag-ulat sa kalakalan ng pampalasa.

Pinili ng hari si Padre Andres de Urdaneta upang manguna sa paglalakbay at si Miguel Lopez de Legaspi bilang pinuno. Naglayag sila buhat ng Navidad, Mexico noong 1564 buhat ng 4 na barko at 380 na katao. Narating niya ang Cebu noong 1565 subalit nabigong magtatag agad ng kolonya dahil sa bangis ng mga Cebuano. NAglayag siya mga kalapit-pulo gaya ng Samar at Leyte kung saan ay nakipag-sandugo siya kay Bankaw, isang datu ng Samar. Naglayag din siya patungong Bohol kung saan ay nakipagsandugo siya kay Datu Sikatuna at Datu Sigala.

Buhat sa Bohol ay naglayag sila pabalik sa Cebu at inatake ang mga Cebuano. Dahil sa mga armas nilang gamit gaya ng mga riple ay nanalo sila at naitaboy ang mga Cebuano patungong kabundukan. Naitatag ni Legaspi ang unang panahanan ng Espanya sa Cebu at pinangalanang San Miguel subalit pinalitan ng Sto. Niňo matapos matagpuan dito ang imahe ng santo.

Nalipat ang panahanan mula Cebu patungong Panay matapos harasin ng mga Portuges ang grupo ni Legaspi at harangin ang suplay ng kanilang pagkain. Mula sa Panay ay nagpadala siya ng mga ekspidisyon sa mga kapalapit na pulo.

Noong 1570, nagpadala si Legaspi ng ekspidisyon sa mas malayo pang lupain – sa Maynila. Ito ay pinamunuan nina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Noon ay ang kaharian ng Maynila ay pinamumunuan nina Raja Sulayman at Lakandula. Tinanggihan ni Rajah Sulayman ang pagbabayad ng tributo sa mga Espanyol kaya nauwi ito sa labanan kung saan ang mga katutubo ay natalo buhat na rin sa kalamangan sa mga armas ng mga Kastila.

Nagbalik si de Goiti sa Panay at iniulat kay Legaspi ang patungkol sa kaharian ng Maynila. Dito ay naghanda si Legaspi ng mas malaking ekspidisyon patungong Maynila. Naging mapayapa ang sumunod na pagtungo sa Maynila at nakuha ni Legaspi ang titulong Adelantado. Itinalaga niya ang Maynila bilang capital city ng kapuluan. Ito rin ang nagsilbing pundasyon ng pananakop sa kapuluan.