tungro sintomas ng tungro - pinoyrice.com · kanlungan ng mga glh. 6. iwasang itanim ang barayting...

2
Ang tungro na bayrus ay karaniwan sa mga palayang may patubig na nasa mabababang lugar at hindi sabay-sabay ang taniman. 1. Naninilaw at batik-batik ang mga batang dahon 2. Pagkabansot at kakaunti ang mga suwi 1. Sakit na sanhi ng bayrus na dala ng mga berdeng ngusong kabayo o green leafhoppers (GLH) 2. Maaari ring mailipat ng zigzag leafhopper 3. Malala ang tama ng bayrus sa panahon mula sa pagtubo hanggang sa paglilihi ng palay Tungro RICE HANDOUT 2017 Sintomas ng Tungro Series 7, No. 14

Upload: letuyen

Post on 29-Aug-2019

238 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Ang tungro na bayrus ay karaniwan sa mga palayang may patubig na nasa mabababang lugar at hindi sabay-sabay ang taniman.

1. Naninilaw at batik-batik ang mga batang dahon

2. Pagkabansot at kakaunti ang mga suwi

1. Sakit na sanhi ng bayrus na dala ng mga berdeng ngusong kabayo o green leafhoppers (GLH)

2. Maaari ring mailipat ng zigzag leafhopper

3. Malala ang tama ng bayrus sa panahon mula sa pagtubo hanggang sa paglilihi ng palay

Tungro

RICE HANDOUT 2017

Sintomas ng Tungro

Series 7, No. 14

1. Magtanim ng mga barayting matibay sa tungro.

2. Sabayang magtanim kasama ang mga karatig sakahan.

3. Ugalihing magpalit ng barayti matapos ang dalawang taniman.

4. Araruhin ang palayan pagkatapos umani upang matanggal ang pinamumugaran ng GLH.

5. Bunutin ang mga damo sa mga pilapil dahil maaaring magsilbi itong alternatibong host o kanlungan ng mga GLH.

6. Iwasang itanim ang barayting tinamaan na ng sakit na tungro sa parehong lugar.

7. Sabayang pahingain ang lupa ng mga isang buwan pagkatapos umani para masira ang inog o life cycle ng GLH.

8. Mag-adjust sa buwan ng pagtatanim para maiwasan ang panahon ng pagdami ng GLH.

9. Mag-apply lamang ng rekomendadong insektisidyo na pamuksa ng GLH kung kinakailangan.

10. Kung malala na ang sira na dulot ng bayrus, araruhin at suyurin ang palayan upang maiwasan ang pagkalat ng mga ito.

11. Ugalihin ang wastong pamamahala ng tubig.

12. Palagiang mag-monitor sa palayan para maagang malaman kung may sintomas ng sakit.

Pamamahala ng Tungro

Series 7, No. 14