thesis [tagalog] mass media pornography

48
KABANATA I Ang Suliranin At Kaligiran Nito Introduksyon Inilalahad ng kabanatang ito ang panimula, suliranin, kahalagahan, paradaym, at saklaw at limitasyon ng pananaliksik na ito. Ipapakita din ang paradaym na kung saan ipapaliwanag ang konseptong pinagbatayan ng pananaliksik sa pamamagitan ng isang illustrasyon. Nakalahad din sa kabanatang ito ang definisyon ng mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral. Panimula Ang pornograpiya ay isang bagay na nakakaakit sa mga kalalakihan sa anumang edad maging pasalita, pasulat o kaya naman ay napapanood. Ito ay matagal ng umiikot sa lipunan, kung kaya naman ay nasusulat na rin ito sa kasaysayan. Dahil sa nakakatukso at nakapag-iinit na naiidulot nito, ang mga nasa awtoridad ay gumawa ng mga batas at alituntunin na nagbabawal sa pagpapalabas ng mga malalaswang panoorin. Pero sa kabila ng isyung ito, ang pinakanakababahalang problema 1

Upload: junnel-rose

Post on 12-Nov-2014

31.137 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

My first term paper [baby thesis] about Mass Meda Pornography. It is written in our language [Filipino]

TRANSCRIPT

Page 1: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

KABANATA I

Ang Suliranin At Kaligiran Nito

Introduksyon

Inilalahad ng kabanatang ito ang panimula, suliranin, kahalagahan, paradaym, at

saklaw at limitasyon ng pananaliksik na ito. Ipapakita din ang paradaym na kung saan

ipapaliwanag ang konseptong pinagbatayan ng pananaliksik sa pamamagitan ng isang

illustrasyon. Nakalahad din sa kabanatang ito ang definisyon ng mga terminolohiyang

ginamit sa pag-aaral.

Panimula

Ang pornograpiya ay isang bagay na nakakaakit sa mga kalalakihan sa anumang

edad maging pasalita, pasulat o kaya naman ay napapanood. Ito ay matagal ng umiikot sa

lipunan, kung kaya naman ay nasusulat na rin ito sa kasaysayan. Dahil sa nakakatukso at

nakapag-iinit na naiidulot nito, ang mga nasa awtoridad ay gumawa ng mga batas at

alituntunin na nagbabawal sa pagpapalabas ng mga malalaswang panoorin. Pero sa kabila

ng isyung ito, ang pinakanakababahalang problema ay ang pagkalulong ng mga

kalalakihang nasa adolescence period o pagbibinata - ang kanilang pag-uugali sa tuwing

nakakapanood ng mga malalaswang panoorin. Sa edad na ito nagsisimulang umusbong

ang kuryosidad ng mga kabataan sa mga bagay-bagay na hindi nila nalalaman. Sa

pananaliksik na ito ay pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pag-uugali ng mga

kalalakihang nasa edad 15-18 habang nanunuod ng pornograpiyang materyal.

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay para maipakita at mapag-aralan ang maaaring resulta

ng panunuod ng mga kalalakihan ng mga malalaswang panoorin sa telebisyon. Ang mga

1

Page 2: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

kasagutan sa ilang mga katanungan gaya ng mga sumusunod ay lubhang makakatulong sa

paksang ito:

1. Sa anong programa sa telebisyon unang nakakapanuod ng mga malalaswang

eksena ang isang binata?

2. Ilang taon kadalasan nakakapanuod ang mga kalalakihan ng mga malalaswang

panoorin?

3. Sino o ano ang nag-uudyok sa mga kalalakihan na manuod ng mga malalaswang

panoorin?

4. Anu-ano ang mga kadalasang bunga ng panunuod ng mga malalaswang panoorin

sa kanilang pag-uugali?

5. Ano ang pumapasok sa pag-iisip ng mga kalalakihan at ano ang kanilang

reaksyon sa tuwing at matapos makapanuod ng mga malalaswang panoorin?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay ang makakuha ng mga

datos o impormasyon sa mga pagbabagong nagaganap sa pag-uugali ng isang kabataang

lalaki na parokyano ng pornograpiya.

Ilan sa mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay ang:

1. Malaman kung anong factor ang nagtutulak sa mga 15-18 taon na kalalakihan

para malulong sa ganitong bagay na pornograpiya.

2. Malaman kung ano ang kadalasang bunga ng panunuod ng mga malalaswang

panoorin sa ugali ng mga kalalakihan; at

3. Malaman ang mga bagay na pumapasok sa isipan ng mga kalalakihan sa tuwing

nanunuod ng mga malalaswang panoorin.

2

Page 3: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang bahaging ito ay naglalayong maipahayag ng mga mananaliksik ang mga

kahalagahan sa pag-aaral ng kanilang ginawa.

Sa mga mag-aaral; sapagkat sila ang target market sa mga isyung panlipunan

tulad ng pornograpiya.

Sa mga guro; sapagkat sila ang madalas na kasama ng mga mag-aaral at sila ang

makakapaggabay tungo sa tamang landas.

At sa mga magulang; sapagkat tungkulin nilang gabayan ang kanilang mga anak

at alamin ang mga bagay na pinagdadaanan nito.

Lubhang malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa lahat dahil ito ang

magmumulat sa pananaw ng mga maidudulot ng pornograpiya sa buhay ng isa’t isa

maging mabuti man o hindi.

Batayang Konseptwal

Sa pag-aaral na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na magiging mahirap para sa

mga respondente na sagutin ng walang pag-aalinlangan at pawang katotohanan lamang

ang mga tanong na ibibigay. Ngunit gagawing mas madali ang mga katanungan para

hindi makaramdam ng hiya ang mga respondente sa mga ibibigay nilang kasagutan.

Simpleng mga tanong pero tinitiyak ng mga mananaliksik na buo pa rin ang diwa ng

gagawaing pag-aaral. Inaasahan din na masasagot ang mga katanungan ng buong

katapatan at mabigyang linaw ang tunay na papel ng pornograpiya sa isyu ng kalaswaan

na kung saan namumulat ang murang isipan ng mga kalalakihang Pilipino.

3

Page 4: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Paradaym

INPUT PROCESS OUTPUT

Talahanayan Blg. 1

“Ang Impak ng mga Malalasawang Panoorin sa Telebisyon sa Pag-Uugali ng mga Kalalakihang Edad 15-18 na Taga-Villa Theresa Compound, Lungsod ng Valenzuela"

4

Pagsagot ng

mga

respondente sa

inihandang

kwestyoneyr.

Inaasahang

kalalabasan ng

pananaliksik na

malaman ang

pagbabago sa

ugali ng mga

kalalakihan na

parokyano ng

pornograpiya.

Ang paggawa

ng mga

mananaliksik ng

kwestyoneyr at

pagsasagawa ng

sarbey

Page 5: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang nasabing pamanahong papel ay tatagal lamang ng isang semestre, sinimulan

noong Enero 8 at inaasahang matatapos ng Marso sa taong 2009. Ang mga respondente

ay 50 na mga kalalakihan nasa edad 15-18 na taga – Villa Theresa Subdivision , Lungsod

ng Valenzuela. Inaasahang masasagot ang mga katanungan na umiikot sa paksang ang

impak ng paglaganap ng mga malalaswang panoorin sa telebisyon sa pag-uugali ng mga

kalalakihan.

Definisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit

Child abuse - pisikal, sikolohikal, at sexwal na pagmamaltrato sa mga bata.

Desensitization - isang proseso para mabawasan ang mga masasamang epekto ng phobia

at iba pang sakit.

Escalation – ang pagbabago ng ugali, mula sa hindi katanggap-tanggap hanggang sa

maging ito’y katanggap-tanggap.

Internet - ay ang mga magkakakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng

publiko sa buong mundo. Dito makakakuha ng milyun-milyong impormasyon ukol sa

naturang bagay.

Kuryosidad - emosyon ng isang tao kung saan nagiging dahilan ng paggawa,

pagdiskubre, at pag-iimbistega sa isang bagay.

Mass media - kabilang dito ang mga libro, telebisyon, radyo, at iba pa upang maiabot sa

buong mundo ang mga impormasyon na nais iparating.

Masturbation - isang uri ng libangan na kadalasang ginagawa ng mga kalalakihan upang

maisakatuparan ang pagpapaligaya ng sarili.

Pornograpiya - mga malalaswang panoorin o babasahing pampalibog.

5

Page 6: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Sex scandals - isang sekswal na gawain kung saan ipinalalabas ito sa publiko.

Sexual relationship - isang relasyon na kung saan may kasamang pagtatalik.

Teknolohiya - ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at

proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Teleponong selular o cellphone - teleponong maliit na ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Upload - ito ay ang pagbibigay daan sa mga tao upang makita at maibahagi sa iba ang

iyong mga bidyo o litrato.

Webcam - isang instrumento na kinakabit sa kompyuter at ginagamit upang makita ang

sarili at ang kausap na nasa ibang lugar.

6

Page 7: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

KABANATA II

Rebyu Ng Mga Kaugnay Na Literatura At Pag-Aaral

Sa kabanatang ito ipapakita ang mga nakalap na pag-aaral at babasahing may

kaugnay sa paksang pornograpiya sa mass media. Kasama na din ang pagtukoy sa mga

may-akda ng mga nakalap na pag-aaral.

Pag-aaral na Dayuhan

Marami ang natatakot sa kasalukuyang pagsabog ng teknolohiyang mass media

dahil hindi nagiging maganda ang epekto nito sa bawat isa at sa ating lipunan dahil na rin

sa paglawak ng pinagkukunan ng mga pornograpiyang materyales (Martmanson, 2007).

Halos 50 porsyento ng mga kabataan ang naireport na nakakakuha sila ng mga

impormasyon tungkol sa birth control mula sa mass media.

Ang ilan sa mga posibleng epekto ng pagtaas ng paghantad ng sexualidad sa mass

media ay ang mga estudyante na nag-iisip na ang mga programa sa telebisyon na

nagpapalabas ng mga malalaswang panuorin ay kadalasang nagsasabing hindi sila

nakokontento sa kanilang unang sexual na karanasan (Brown at Newcomer, 1991).

Isang pag-aaral naman ng mga Black Women na nasa 14 hanggang 18 taon

gulang ang nagsasabi na ang mga kabataan na nanunuod ng mga malalaswang panuorin

ay may mas mababang porsyento ng gumagamit ng condom o iba pang pamamaraan ng

birth control kumpara sa ibang mga kabataan (Wingood, 2001).

Hindi rin natin masasabi na ang panunuod ng mga malalaswang programa sa

telebisyon ay nakakasira at isang maling gawain, kung saan naiisip natin baka

mapariwara ang buhay ng mga kabataan. Ang panunuod ng telebisyon ay nakakatulong

sa paghubog ng ugali ng mga manunuod at pananaw ukol sa mga sexual relationships.

7

Page 8: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Ang telebisyon ay may impak sa pananaw ng kabataan sa kanilang kapaligiran at

institusyong kinabibilangan. Ang impak na ito sa pag-uugali ng mga kabataan ay isa ng

sa mga mahahalagang paksa at pag-aaral mula pa noong ipinakilala ang telebisyon sa

taong 1940. (Gilmore, 1994).

Literatura ng Dayuhan

PINSALA SA MIDYA

Ang mga mananaliksik tatlong taon na ang nakakalipas ay nakalikom ng iba’t

ibang pag-aaral tungkol sa bahaging ginagampanan ng mga programa sa telebisyon, lalo

na sa impluwensya nito sa mga kabataan.

Ayon sa pag-aaral ng American Psychological Association, United States Surgeon

General, at National Institute of Mental Health, ang mga malalaswang palabas ay hindi

magandang impluwensiya sa mga kabataan, sa kabila ng edad, kasarian, kultura, o

pinanggalingan. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang pangunahing babala ay nakasalalay sa

katotohanan na ang mass media ay nagpapakita ng mga bayolentemg bagay bilang

normal o katanggap-tanggap, at ang problema ay kapag hindi sila napaparusahan. Ang

pagpapalabas nito ang magdadala sa atin sa desensitisasyon at sa agresibong pag-uugali.

Ang eksposyur sa mga malalaswang stimuli ay nagbubunga ng dalawang

magkaibang epekto. Ang una, nakakapagdagdag ito ng arousal at pangalawa ay

naiimpluwensyahan nito ang pangkasalukuyang kalagayan ng isang tao (Zillmann, 1998).

Maraming rapist sa ngayon ang umaamin na ang panunuod ng mga malalaswang

programa ang nag-uudyok sa kanila upang gumawa ng masama sa kapwa.

Ayon kay Hinkley (2004), ang Pangulo ng The Church of Jesus Christ of Latter-

day Saints, Ang pornograpiya ay parang rumaragasang bagyo, na sumisira sa mga tao at

8

Page 9: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

pamilya, lubusang sinisira ang dating mabuti at maganda. Mahirap iwasan ang impak nito

sa buhay ng mga tao. Ang pornograpiya ay lason sa ating isip at kaluluwa, sinisira nito

ang buhay ng mga inosenteng kabataan.

Pag-aaral na Lokal

Ang midya ay nagdiin ng malawak, halos pangkaraniwang impluwensya sa buhay

ng mga kalalakihan, kababaihan, at ng mga kabataan. Naiimpluwensyahan nito, lalong

lalo na ang mga teenagers, sa pamamagitan ng kanilang pananamit, pananalita, pag-

uugali, at sa pag-iisip.

Ang bayo o impak ng teknolohiya sa sistema ng ating edukasyon ay nagbunsod

ng maraming inobasyon lalong-lalo na sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto (Yregan,

1998).

Ayon sa pag-aaral nina Alisuag at Retiro (2001) ang pornograpiya ay ang

pumupukaw sa kalaswaan ng mga kabataan kung saan gusto nilang subukan at gawin

kung ano man ang napanuod nila at hindi din mawawala na iniisip nilang sila ang

gumagawa ng bagay na iyon. Ito ang nagdadala sa kanila ng kaligayahan. Nagiging

masaya at nakokontento sila sa tuwing nakakapanuod ng mga sex scandals. Ito din ang

bagay na nagdadala sa kanila upang mag-masturabate. Una, nagbibigay ito sa kanila ng

init upang magising at maging aroused, at pagkatapos noon ay magkakaroon naman ng

pagtayo o erection. Meron din naman ang nahihiya at natatakot. Hindi nila kayang

ipahayag ang kanilang mga sarili sa ibang tao habang nanunuod ng mga malalaswang

programa.

9

Page 10: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Literatura na Lokal

SENATE BILL NO. 2464

Ang ordinansa na ito ay ipinakilala ni Sen. Manny Villar noong taong 2008. Mas

kilala ito sa tawag na Anti-Obscenity and Pornography Act of 2008.

Ayon kay Sen. Revilla (2008) kung pababayaan natin ang paglaganap ng

pornograpiya sa mga cellphone, ang impak nito ay sadyang malubha kaysa mga

tinatawag nating sex scandals. Isipin niyo nalang kung ang pagpapasa ng mga

pornograpiya ay text-away na lamang. Hindi natin kailangan ng ganitong uri ng kulturang

pankanluran. Tulad din ng pagpapalabas ng mga malalaswang programa sa telebisyon ay

nararapat lang na ipagbawal.

PANG-AABUSO SA MGA KABATAAN

May apat na ginawang pagkakasaunod-sunod ng pag-uugali si Dr. Cline noong

dekada ‘90. Ang una ay ang Addiction; mayroong mapakapangyarihang epekto ang

panunuod ng pornograpiya. Ang pagkalulong nito ay mas malakas pa sa epekto ng mga

ipinagbabawal na gamot, alkohol, o paninigarilyo sa katawan. Ang mga taong lulong sa

pornograpiya ay paulit-ulit nilang hinahanap ang mga bagay na nagpapaligaya sa kanila,

at iyon ang mga malalaswang panoorin. Nagbibigay ito sa kanila ng makapangyarihang

pag-iisip at pag-uugali. Ang pangalawa ay ang Escalation; nakokontento ang isang tao

kapag ginagawa nila mismo ang kanilang napapanuod. Kaya nawawala ang kahalagahan

ng sex at nagiging lust na ito. Ang pangatlo naman ay ang Desensitization; kung ano ang

hindi katanggap-tanggap noong unang panahon, tulad ng mga nakakadiring panuorin, ay

nagiging katanggap-tanggap na sa ngayon. Nakokontento sila pag nagagawa nila ang mga

10

Page 11: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

hindi kaaya-ayang bagay. Ang pang-apat at huli ay ang Acting-Out kung saan lumalalim

na ang kanilang pag-iisip sa pamamagitan ng pag-gaya sa kanilang mga napapanuod.

Ang kakatwa sa “pornograpiya” sa bansa, ang aktwal na katawan ang

pinapahalagahang ikriminalisa.  Hindi nakukulong ang artista o prodyuser, maging ang

videographer at make-up artist na kalahok sa produksyon.  Ang krinikriminalisa ay ang

aktwal na naghuhubad, tulad sa massage parlor, gay bar at night clubs.  Hindi ang mga

katawang naging imahen ng pornograpiya sa pelikula at DVDs.  At maliban dito, ang

nagbebenta ng pirated porn ay aarestuhin hindi dahil sa nagbebenta sila ng porn, kundi

dahil nagbebenta ng pirated DVD.  

11

Page 12: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

KABANATA III

Disenyo At Metodo Ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay nahahati sa anim na bahagi na kung saan ipapaliwanag ang

disenyong ginamit sa pag-aaral, ang pagtatalakay sa pagpili at bilang ng respondente,

mga instrumentong ginamit sa pananaliksik, mga pamamaraan sa pagkalap ng datos, at

ang istatistikal ng tritment ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik na ito ay palarawan o deskriptibo.

Nilalayong maipakita at mailarawan sa pag-aaral na ito ang boses ng mga respondente sa

paksang ang impak ng mga malalaswang panoorin sa telebisyon sa pag-uugali ng mga

kalalakihan. Bilang isang palarawan na pananaliksik, inalam din ang ilang personal na

datos ng mga respondente at sinuri din ang pagkakaugnay-ugnay ng mga kasagutan sa

kahandaan tungkol sa paksang napili.

Respondente

Ang pag-aaral na ito ay inilaan para sa mga kalalakihang nasa edad 15-18 na

naninirahan sa Villa Theresa Compound, Lungsod ng Valenzuela. Kumuha ang mga

mananaliksik ng 50 na respondente mula sa lugar na iyon.

Pamamaraan Ng Pagpili Ng Respondente

Sampling Technique- isang non-probability technique na kung saan walang

pagkakapantay-pantay ang pamamaraan ng pagpili ng mga respondente.

Convenience Sampling Technique- ang lokasyon o lugar na kung saan ginanap at

isinagawa ang pag-aaral ay napili sapagkat ang mga mananaliksik ay pamilyar sa

nabanggit na lokasyon.

12

Page 13: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Villa Theresa Compound ang pinili ng mga mananaliksik dahil ito ay mas malapit

at para hindi mahirapan sa pagkuha ng mga respondente.

Purposive Sampling Technique – Ang pinili ng mga mananaliksik ay mga

kalalakihang edad 15-18 bilang mga respondente sa pag-aaral na ito.

Quota Sampling Technique – 50 na respondente ang kinakailangan ng mga

mananaliksik upang maisagawa ang pag-aaral na ito.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay pagsasarbey. Isang sarbey-

kwestyoneyr ang ginawa na naglalayong makakuha ng mga kasagutan mula sa mga

respondente at masuri ang kanilang damdamin ukol sa paksa.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Narito ang mga hakbang na ginawa ng mga mananaliksik upang makakalap ng

datos sa pamamagitan ng pagsasarbey.

1. Ang mga mananaliksik ay napagpasyahang gawin ang sarbey sa pinakamalapit na

lugar, kaya ang napili ay ang Villa Theresa Compound.

2. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey form at kwestyoneyr na

naglalayong masagot ang mga katanungan na inilahad sa pagpapahayag ng

suliranin.

3. Isinagawa ang sarbey sa pamamagitan ng pakikiusap sa mga kalalakihang

nandoon.

13

Page 14: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

4. Natapos ang sarbey nang umabot na sa 50 na respondente ang nakasagot.

Naisagawa ng matagumpay ang pagsasarbey at sinimulan ng bilangin ang bawat

kasagutan sa bawat aytem at sa pamamagitan ng pagkuha ng porsyento.

5. Sumunod ay ang pagtatali ng mga nakalap na sagot mula sa sarbey. Kinuha ang

average at porsyento ng bawat sagot sa bawat aytem.

6. Matapos ang sarbey at pagtatali ng isinagawa, kasunod nito ay ang pagrerebisa ng

buong pananaliksik. Ginawa ito upang matiyak na tama ang lahat ng mga

impormasyon na inilagay.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos

Ang pananaliksik na ito ay para sa isang pamanahong papel lamang at isang

pangangailangan sa kursong Filipino 2. Hindi na ginawang komplikado ang istatistikal na

pagsusuri sa mga nakalap na datos. Kaya naman sa pamamagitan ng pagtatalli at pagkuha

ng porsyento ng bawat sagot sa partikular na aytem ang kinuha. Inalam din kung ilan ang

pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr.

Ginamitan ng formula na ito upang makuha ang porsyento ng mga sagot sa bawat

aytem.

P= fn

x100

P = Porsyento

f = dami ng respondenteng sumagot sa partikular na aytem

n = kabuuang dami ng taong sumagot ng sarbey

14

Page 15: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

KABANATA IV

Presentasyon At Interpretasyon Ng Mga Datos

Ang resulta ng sarbey sa mga reaksyon, gawain, pag-uugali, o pag-aasal ng mga

respondente tungo sa paksang ang impak ng paglaganap ng mga malalaswang panoorin

sa telebisyon sa pag-uugali ng mga kalalakihan ay ilalahad sa kabanatang ito. Pero hindi

magiging kapaki-pakinabang ang mga resulta na ito kapag hindi maipapaliwanag ng

husto. Kaya, ang analisis na ibibigay ay makakatulong ng malaki upang maintindihan ito.

Ang mga talahanayan at grafs na ilalahad sa kabanatang ito ay magpapakita sa resulta ng

ginawang sarbey.

Ipapakita sa mga susunod na pahina ang mga resulta at interpretasyon ng mga

nakalap na datos.

15

Page 16: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

1. Sa anong programa sa telebisyon una kang nakapanuod ng mga malalaswang

eksena?

a. Palabas [Soap Opera, Telenobela] c. Komersyal [Advertisements]

b. Pelikula d. Cartoons [Anime, Hentai]

Palabas Pelikula Komersyal Cartoon0

5

10

15

20

25

30

35

Programa Sa Telebisyon Na Kung Saan Unang Nakaka-panuod Ng Mga Malalaswang Eksena Ang Mga Kalalaki-

han

Programa sa Telebisyon

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 2

Sa unang tanong, pinapakita na ang mgay pinakamalaking bilang ng sagot ay ang

letrang B at ang may pinakamababang bilang ng sagot ay C. Kadalasang unang

napapanuod ng mga kalalakihan sa pelikula ang mga malalaswang panoorin maging sa

sinehan mismo o sa VCD/DVD lang. Ang pinakamababa naman ay ang letrang C kung

saan sa komersyal sa telebisyon nila ito unang napanuod. Kakaunti ang bilang ng

nakakapanuod sa komersyal dahil may mga pagsusuri ng mga pinapalabas na

advertisement, dumaan muna sa Bureau of Sensorship bago maipalabas sa publiko.

16

Page 17: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

2. Ilang taon ka noong una kang nakapanuod ng malaswang panoorin?

a. 15 pababa c. 17

b. 16 d. 18

15 Pababa 16 Taon 17 Taon 18 Taon0

5

10

15

20

25

30

35

Edad Na Kung Saan Unang Nakakapanuod Ng Mga Malalaswang Panoorin Ang Mga Kalalakihan

Edad ng Kalalakihan

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 3

Batay sa ginawang sarbey, pinapakita na mula edad 15 pababa nagsisimulang

makapanuod ng pornograpiya ang karamihan sa mga kalalakihang tinanong. 31 ang may

sagot na 15 pababa, at ang pinakamababa naman ay 3 na kung saan 18 taon sila nung

unang nakapanuod. Nagkaroon ng maagang pagkamulat ang mga kalalakihan sa

malalaswang panoorin at nagpapakita laman ito ng elementarya pa lamang sila ay

namulat ng sila sa mga makamundong bagay.

17

Page 18: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

3. Bakit mo ginustong manuod ng mga malalaswang panoorin?

a. Kuryosidad c. Self-Awareness

b. Peer Pressure

Kuryosidad Peer Pressure Self-Awareness0

5

10

15

20

25

30

Ang Bagay Na Nag-Udyok Sa Mga Kalalakihan Upang Manuod Ng Mga Malalaswang Panoorin

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 4

Nagkaroon ng tatlong pagpipilian at mula sa tatlong ito, karamihan sa mga

respondente ay pumili ng letrang A kuryosidad. Sa edad na ito nagsisimulang maging

curious ang mga kabataan sa mga bagay-bagay na hindi sila pamilyar. Magkakalapit

naman ang nakuhang bilang ng letrang B at C na kung saan lamang ng 5 ang letrang C

self-awareness. Aware sila sa mga ganitong bagay kaya gumagawa sila ng mga bagay

para madiskubre pa ang mga ito.

18

Page 19: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

4. Sino ang nag-udyok sa iyo upang manuod ng mga malalaswang panoorin?

a. Kabarkada c. Kamag-anak [Kapatid, Pinsan]

b. Kaklase

Kabarkada Kaklase Kamag-Anak05

10152025303540

Kung Sino Ang Nag-Udyok Sa Mga Kalalak-ihan Na Manuod Ng Mga Malalaswang

Panoorin

Ang Nag-Udyok

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 5

Ang madalas na nag-uudyok sa mga kalalakihan na manood ng mga malalaswang

bidyo ay ang kanilang mga kabarkada. Base ito sa nakalap na datos ng mga mananaliksik.

36 ang nagsagot na kabarkada nila ang nag-udyok sa kanila, 10 ang nagsasabing kaklase

at 4 naman ang may sabing kamag-anak tulad ng kapatid, pinsan, atbp. ang nag-udyok sa

kanila na manuod ng malaswang bidyo. Nangangahulugan lamang ito na malaki ang

naidudulot ng kapaligiran sa kaisipan ng mga kalalakihan. Partikular na ang kanilang

mga kabarkada na madalas nilang makasama. Kung sino ang kabarkada mo ay

masasalamin na rin kung anong personalidad at ugali na meron ka.

19

Page 20: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

5. Ano ang naidudulot ng pagkalulong sa mga malalaswang panoorin sa iyong

buhay?

a. Pagbaba ng mga marka sa eskwela

b. Pag-ikli ng Attention Span

c. Naaadapt ang mga terminolohiya

d. Isinasabuhay ang mga napanuod

Pagbaba ng Grades Pag-Ikli ng Attention Span

Naaadapt ang mga Terminolohiya

Isinasabuhay ang napanuod

0

5

10

15

20

25

30

35

Ang Naidudulot Sa Pagkalulong Sa Mga Malalaswang Panoorin

Ang Mga Naidudulot

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 6

Ang pangunahing naidudulot ng pagkalulong sa mga malalaswang panoorin ay

naa-adapt nila ang mga terminolohiya na ginamit. Nakakuha ito ng 29 na bilang ng sagot

habang 4 lang ang nagsagot na bumababa ang kanilang mga marka sa eskwelahan.

Pinapakita lang na walang epekto sa pag-aaral ang panonood ng mga malalaswang

panoorin, ang naidudulot lang nito ay nagagaya nila ang mga terminolohiya. Nabibigkas

nila ang mga bastos na salita na nahango sa panood ng “porn mat”.

20

Page 21: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

6. Ano ang kadalasang bunga ng panunuod mo ng mga malalasawang panoorin sa

iyong pag-uugali?

a. Maging sexually matured

b. Maging agresibo

c. Malulong sa mga pampornograpiyang materyales

Sexually Matured Agresibo Malulong sa mga pornograpiya

05

1015202530354045

Kadalasang Bunga Ng Panunuod Ng Mga Malalaswang Panoorin

Pag-Uugali

Bial

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 7

Sa ika-anim na tanong, 39 ang pumili ng letrang A (Sexually Matured). Sumunod

ang B na nakakuha ng 9 na puntos na kung saan ang pagiging agresibo ang naidudulot ng

panonood ng malalaswang panoorin. Samantalang nakakuha lamang ng 2 puntos ang

letrang C na kung saan nalululong sila sa mga pornograpiyang materyales. Batay sa mga

sagot nila, ang pinakamalaking naidudulot ng panunuod ng malalaswang bidyo ay ang

pagiging sexually matured. Dahil na rin siguro sa madalas na pagkaka-expose sa

malalaswang panoorin kaya nagiging normal na lang sa kanila ang ganoong mga usapin,

kumbaga bukas na sila sa mga ganoong talakayan.

21

Page 22: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

7. Gaano kadalas mo gustong makapanuod ng mga malalaswang panoorin matapos

noong ikaw ay unang makapanuod?

a. Araw-araw c. Hindi na uulitin ang

panunuod

b. Kung kailan lang maisipan

Araw-araw Kung kailan lang maisipan Hindi na uulitin ang panunuod0

5

10

15

20

25

30

35

Ang Panunuod Ulit Ng Mga Malalaswang Panoorin

Beses

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 8

Sa ika-pitong tanong, 33 ang pumili ng letrang B (Kung kailan lang maisipan), na

kung saan ito ang nakakuha ng pinakamalaking bilang ng sagot sumunod ang C (13) na

nagsabing hindi na nila uulitin ang panunuod samantalang pinakamababa naman ang A

(4) na nagsabing araw-araw silang manunuod ng malaswang bidyo. Pinapakita lamang

lamang nito na matapos silang unang makapanood ay ninanais nila ulit makapanuod nito.

Karamihan sa kanila ay nag-isip na manood muli ng bidyo at iilan lang ang nagsabing

hindi na uulitin.

22

Page 23: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

8. Ano ang iyong reaksyon habang nanunuod ng mga malalaswang panoorin?

a. Nasisiyahan c. Nag-iinit

b. Aroused d. Walang reaksyon

Nasisiyahan Aroused Nag-iinit Walang Reaksyon0

2

4

6

8

10

12

14

16

18

20

Reaksyon Habang Nanunuod Ng Mga Malalaswang Panoorin

Reaksyon

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 9

Walang reaksyon ang karamihan sa mga respondente habang nanunuod ng

malalaswang panoorin. Nakakuha ito ng 18 na bilang samantalang pumapangalawa

naman ang letrang C, kung saan nakaramdam sila ng pag-iinit. Ang pinakamababa naman

ay ang letrang B na kung saan 5 lang ang nakaramdam ng arousal habang nanunuod ng

pornograpiya. Walang reaksyon ang karamihan dahil sanay na sila sa mga ganoong

panoorin kaya naman hindi na iba sa kanila ang napapanuod nila.

23

Page 24: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

9. Ano ang iyong reaksyon matapos makapanud ng mga malalaswang panoorin?

a. Nalilibugan c. Erection/Arousal

b. Nahihiya d. Natutuwa

IBANG KASAGUTAN: __________________

Nalilibugan Nahihiya Erection/Arousal Natutuwa Ibang Sagot02468

101214161820

Reaksyon Matapos Makapanuod Ng Mga Malalaswang Panoorin

Reaksyon

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 10

Tinanong ng mga mananaliksik ang mga respondente kung ano ang nagging

reaksyon nila matapos makapanuod ng malalaswang panoorin. Nakakuha ng

pinakamataas na puntos ang A (18), na kung saan nalibugan o nabastusan sila sa kanilang

napanood. 14 ang nagsabing natutuwa sila, 10 naman ang nahiya, at 2 ang nakaramdam

ng arousal. Mayroon din 6 na respondente na nagbigay ng sarili nilang kasagutan. Ang

iba ay nandiri, nag-enjoy, at mayroon din nagsabi na nais nilang gayahin ang napanuod.

Iba-iba naman ang kasagutan ng mga respondente, pinapakita lang nito na may kakaibang

nararamdaman ang mga kalalakihan sa tuwing nanonood ng malalaswang bidyo, maging

sekswal man o hindi.

24

Page 25: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

10. Nakikita mo ba ang iyong sarili na ginagawa ang bagay na iyong napanuod?

a. Oo

b. Hindi

Oo Hindi0

5

10

15

20

25

30

35

Nakikita Mo Ba Ang Iyong Sarili Na Ginagawa Ang Bagay Na Iyong Napanuod?

Sagot

Bila

ng n

g Re

spon

dent

e

Graf Blg. 11

Dalawampu’t siyam ang nagsabing nakikita nila ang kanilang mga sarili na

ginagawa ang kanilang mga napanuod. Habang 21 naman ang hindi. Hindi naman

maikakaila na dadating sa punto na gagawin din nila ang kanilang napapanuod pero dapat

isaalang-alang nila ang edad at kapasidad nila bilang tao. Isaisip dapat nila ang maaaring

maidulot ng bawat gagawin nila.

25

Page 26: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

KABANATA V

Lagom, Kongklusyon, At Rekomendasyon

Ang huling kabanata kung saan ihahayag ang lagom ng pananaliksik na ito, ang

panimula, pagpapahayag ng suliranin, at ang metodo na ginamit. Ang kongklusyon at

rekomendasyon ay ipapakita din sa kabanatang ito.

Lagom

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay ang makakuha ng mga

datos o impormasyon sa mga pagbabagong nagaganap sa pag-uugali ng isang kabataang

lalaki na parokyano ng pornograpiya.

Ito ang paksang napili dahil gusto malaman ng mga mananaliksik kung anong

factor ang nagtutulak sa mga 15-18 taon na kalalakihan para malulong sa ganitong bagay

na pornograpiya, malaman kung ano ang kadalasang bunga ng panunuod ng mga

malalaswang panoorin sa ugali ng mga kalalakihan, at malaman ang mga bagay na

pumapasok sa isipan ng mga kalalakihan sa tuwing nanunuod ng mga malalaswang

panoorin.

Ang mga mananaliksik ay nakakuha at nakapili ng mga literatura at pag-aaral na

nagsilbing gabay sa pag-aaral na ito.

Ang mga napiling respondente naman ay 50 na mga kalalakihang nasa edad 15-18

na nagmula sa Villa Theresa Compound, Lungsod ng Valenzuela.

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay pagsasarbey. Isang sarbey-

kwestyoneyr ang inihanda ng mga mananaliksik upang makakuha ng mga kasagutan

mula sa mga respondente.

26

Page 27: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Kongklusyon

Batay sa resulta ng ginawang pag-aaral, napatunayan ang mga sumusunod:

1. Unang napapanuod ng mga kalalakihang nasa edad 15-18 ang mga malalaswang

panoorin sa mga pelikula.

2. Nagsisimula ang panunuod ng mga malalaswang panoorin sa edad na 15 pababa.

3. Ang kuryosidad ang pangunahing dahilan at nag-uudyok sa mga kalalakihan

upang manuod ng mga malalaswang panoorin. Ang barkada din ay isa sa mga

dahilan kung bakit namumulat sila sa mga bagay na ganito. Malaki ang

naidudulot ng kapaligiran sa kaisipan ng mga kalalakihan.

4. Na-aadapt ng mga kalalakihan ang mga terminolohiya at mga malalaswang salita

na nakukuha nila sa panunuod. Ang kadalasang bunga ng panunuod ng mga

malalaswang eksena ay ang maging sexually matured ang isang lalaki. Hindi dito

nagtatapos ang panunuod ng mga malalaswang eksena at maaaring gawin ito ng

paulit-ulit.

5. Ang reaksyon matapos makapanuod ay nalilibugan samantalang habang

nanunuod ay walang reaksyon dahil normal na ang mga bagay ng ganito sa mga

kalalakihan.

Rekomendasyon

Matapos ang isinagawang pag-aaral, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod:

1. Ipagbawal o suriin muna ang pagpapalabas ng mga komersyal, pelikula, cartoons,

na may mga malalaswang eksena dahil hindi magandang ipalabas ito sa publiko

lalong-lalo na sa mga kabataan.

27

Page 28: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

2. Maaaring magsagawa pa ng katulad na pag-aaral upang matiyak ang pag-aaral na

ito mapag-alaman ang bagong inobasyon ukol sa paksa.

3. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga bagay na ganito. Kaya dapat

lang na gamitin ninyo sa tama ang mga napapanuod sa telebisyon. Kung mayroon

kayong problema at katanungan ukol ditto, huwag mahiyang lumapit sa inyong

mga magulang upang matulungan, at making kayo sa mga nakakatanda.

4. Para sa mga magulang naman; ang sex ay hindi masama kaya maging bukas kayo

sa inyong mga anak at huwag mahiyang pag-usapan ito at maging tapat sa inyong

mga asawa upang maging magandang halimbawa sa inyong mga anak.

28

Page 29: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

BIBLIOGRAFI

BNET Business Network. Sex, Pornography, and the Mass Media: How should Social Studies teachers respond. Retrieved March 2007, from http://findarticles.com/p/articles/mi_hb3547/is_200703/ai_n19274984

SEXINFO. University of California at Santa Barbara. Sexuality in the Mass Media: How to View the Media Critically, from http://www.soc.ucsb.edu/sexinfo/?article=activity&refid=026

BNET Business Network. Mass media influences on sexuality - Statistical Data Included. Retrieved February 2002, from http://findarticles.com/p/articles/mi_m2372/is_1_39/ai_87080439

University of the Philippines Forum. The New Communication Media and Their Effects on Filipino Culture and Society. Updated February 2008, from http://www.up.edu.ph/upforum.php?i=188&archive=yes&yr=2008&mnhttp://en.wikipedia.org/wiki/Media_influence=3

Senate Bill No. 2464: 'A crime against Philippine culture'.Articipation by Clarissa Chikiamco. Updated September 22, 2008, fromhttp://www.philstar.com/ArticlePrinterFriendly.aspx?articleId=402191

Senador Manuel Villar, 14th Congress. Senate Bill No. 2464. ANTI-OBSCENITY AND PORNOGRAPHY ACT OF 2008. Filed on July 24, 2008, from http://www.senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=14&q=SBN-2464

Ongpin, Ma. Isabel. AMBIENT VOICES. Caution: Porn on the InternetRetrieved September 28, 2007, byhttp://www.manilatimes.net/national/2007/sept/28/yehey/opinion/20070928opi6.html

Cliffnotes. Violence and Pornography in the Media. From http://www.cliffsnotes.com/WileyCDA/CliffsReviewTopic/Violence-and-Pornography-in-the-Media.topicArticleId-26957,articleId-26949.html

Alisuag & Retiro. (2001). Tesis, Valenzuela City, Our Lady of Fatima University. A Study on the Effects of Watching Pornographic Slides to the Behavior of Male Adolescents Ages 16-21 from Selected Places in Caloocan City and Valenzuela City.

Peterson, Theodore Bernard (1971). The Mass Media and Modern Society (2nd Edition). New York:Holt Publisher.

De las Llagas, Clothilde. (1990). Tesis, Pasay City, St. Paul College. Alam ba ninyo? Halaw sa Pornography and Violence in the Communications Media.

29

Page 30: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

APENDIKS

Graf Blg.2 - Programa Sa Telebisyon Na Kung Saan Unang Nakakapanuod Ng Mga Malalaswang Eksena Ang Mga Kalalakihan

a. Palabas [Soap Opera, Telenobela]

b. Pelikula c. Komersyal [Advertisements]

d. Cartoons [Anime, Hentai]

7 31 2 1014% 62% 4% 20%

Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg. 3 – Edad Na Kung Saan Unang Nakakapanuod Ng Mga Malalaswang Panoorin Ang Mga Kalalakihan

a. 15 Taon Pababa

b. 16 Taon c. 17 Taon d. 18 Taon

31 12 4 362% 24% 8% 6%

Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg. 4 - Ang Bagay Na Nag-Udyok Sa Mga Kalalakihan Upang Manuod Ng Mga Malalaswang Panoorin

a. Kuryosidad b. Peer Pressure c. Self-Awareness

25 10 1550% 20% 30%

Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg. 5 – Kung Sino Ang Nag-Udyok Sa Mga Kalalakihan Na Manuod Ng Mga Malalaswang Panoorin

a. Kabarkada b. Kaklase c. Kamag-anak [Kapatid, Pinsan]

36 10 452% 20% 8%

Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg.6 – Ang Naidudulot Sa Pagkalulong Sa Mga Malalaswang Panoorin e. Pagbaba ng mga

marka sa eskwelaf. Pag-ikli ng

Attention Spang. Naa-adapt ang

mga terminolohiya

h. Isinasabuhay ang mga napanuod

4 7 29 108% 14% 58% 20%

30

Page 31: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg. 7 - Kadalasang Bunga Ng Panunuod Ng Mga Malalaswang Panoorin d. Maging sexually matured e. Maging agresibo f. Malulong sa mga

pampornograpiyang materyales

39 9 278% 18% 4%

Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg. 8 – Ang Panunuod Ulit Ng Mga Malalaswang Panoorin a. Araw-araw b. Kung kailan lang

maisipanc. Hindi na uulitin

ang panunuod4 33 13

8% 66% 26%Kabuuang Bilang: 89

Graf Blg.9 – Reaksyon Habang Nanunuod Ng Mga Malalaswang Panoorin a. Nasisiyahan b. Aroused c. Nag-iinit d. Walang

reaksyon10 5 17 18

20% 10% 34% 36%Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg.10 – Reaksyon Matapos Makapanuod Ng Mga Malalaswang Panoorina. Nalilibugan b. Nahihiya c. Erection/

Arousald. Natutuwa e. Ibang

kasagutan18 10 2 14 6

36% 20% 4% 28% 12%Kabuuang Bilang: 100

Graf Blg. 11 – Nakikita Mo Ba Ang Iyong Sarili Na Ginagawa Ang Bagay Na Iyong Napanuod?

a. Oo b. Hindi29 21

58% 42%Kabuuang Bilang: 100

31

Page 32: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

Ang Impak ng mga Malalaswang Panoorin sa Telebisyon sa Pag-Uugali ng mga Kalalakihang Edad 15-18 na Taga-

Villa Theresa Compound, Lungsod ng Valenzuela

Direksyon: Basahing mabuti ang bawat katanungan bago ito sagutan. Bilugan ang letra ng napiling sagot.

11. Sa anong programa sa telebisyon una kang nakapanuod ng mga malalaswang eksena?c. Palabas [Soap Opera, Telenobela] c. Komersyal [Advertisements]d. Pelikula d. Cartoons [Anime, Hentai]

12. Ilang taon ka noong una kang nakapanuod ng malaswang panoorin?c. 15 pababa c. 17d. 16 d. 18

13. Bakit mo ginustong manuod ng mga malalaswang panoorin?c. Kuryosidad c. Self-Awarenessd. Peer Pressure

14. Sino ang nag-udyok sa iyo upang manuod ng mga malalaswang panoorin?c. Kabarkada c. Kamag-anak [Kapatid, Pinsan]d. Kaklase

15. Ano ang naidudulot ng pagkalulong sa mga malalaswang panoorin sa iyong buhay?i. Pagbaba ng mga marka sa eskwelaj. Pag-ikli ng Attention Spank. Naa-adapt ang mga terminolohiyal. Isinasabuhay ang mga napanuod

16. Ano ang kadalasang bunga ng panunuod mo ng mga malalasawang panoorin sa iyong pag-uugali?g. Maging sexually maturedh. Maging agresiboi. Malulong sa mga pampornograpiyang materyales

32

Page 33: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

17. Gaano kadalas mo gustong makapanuod ng mga malalaswang panoorin matapos noong ikaw ay unang makapanuod?c. Araw-araw c. Hindi na uulitin ang

panunuodd. Kung kailan lang maisipan

18. Ano ang iyong reaksyon habang nanunuod ng mga malalaswang panoorin?c. Nasisiyahan c. Nag-iinitd. Aroused d. Walang reaksyon

19. Ano ang iyong reaksyon matapos makapanud ng mga malalaswang panoorin?c. Nalilibugan c. Erection/Arousald. Nahihiya d. Natutuwa

20. Nakikita mo ba ang iyong sarili na ginagawa ang bagay na iyong napanuod?c. Ood. Hindi

Maraming Salamat Po!

33

Page 34: Thesis [Tagalog] Mass Media Pornography

34