the manila collegian volume 28 number 15 | pre-election issue

12
THE MANILA COLLEGIAN THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MANILA Thursday April 16, 2015 Volume 28 Number 15 MORE INSIDE 02 NEWS UPM Students join Nationwide Walkout 06 CULTURE Mahirap Maging Mahirap 12 FEATURES Pagbasag sa mga Tanikala 10 OPINION Sepanx 11 EDITORIAL At All Costs

Upload: the-manila-collegian

Post on 21-Jul-2016

271 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue | The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila | 12 pages | April 16, 2015, Thursday

TRANSCRIPT

Page 1: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

TH

E MA

NILA

CO

LLEGIA

NT

HE

OF

FIC

IAL S

TU

DE

NT

PU

BLIC

AT

ION

OF

TH

E U

NIV

ER

SIT

Y OF

TH

E P

HILIP

PIN

ES

MA

NILA

ThursdayApril 16, 2015

Volume 28Number 15

MORE INSIDE02 NEWS UPM Students join Nationwide Walkout

06 CULTURE Mahirap Maging Mahirap12 FEATURES Pagbasag sa mga Tanikala

10 OPINION Sepanx11 EDITORIAL At All Costs

Page 2: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

1) Para sa akin ung tatlong pinakamamalalaking isyu ng pamatansan ngayon ay yung RSA, Return Service Agreement, yung STS, at tsaka yung, iisa-isahin ko muna. Yung RSA isa siyang malaking dagok sa mga Iskolar ng Bayan sapagkat nais niyang solusyunan yung malaking problema sa kalusugan which is yung kakulangan ng healthcare workers pero nais din natin i-unite sa mga Iskolar ng Bayan na meron pa siyang mas malaki at mas malawak na problemang inihahapag sa atin. Una, ung malalang sitwasyon ng edukasyon at ung komersyalisasyon ng edukasyon dahil ngayon di na lamang yung karapatan sa edukasyon ang may presyon kundi ang paglilingkod sa bayan. Ikalawa, yung dreadful na situation ng ating healthcare system. Sa STS naman, malinaw na malinaw na nagbabago man yung porma nitong mga income generating projects na ito, isa pa rin ung layunin niya which is kumuha ng kumuha ng salapi sa mga Iskolar ng Bayan. At lagi ang hamon natin ay tumindig yung mga Iskolar ng Bayan para magtanong, at ipanatili ung isang pamantasan ng bayan na walang tuition fee. At lastly, collectively I would say the last would be yung National Issues kasi ung mga isyu ng sambayanan ay isyu ng Iskolar ng Bayan.

2) Yung limang taon na panunungkulan ni Noynoy Aquino ay limang taon ng pagpapahirap sa mamamayang Pilipino. Bukod sa samu’t-saring mga pagtataas ng mga bilihin at paglalagay ng presyo sa ating mga batayan serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan at edukasyon. Meron ding mga malalaking isyu ang kinaharap ng bansa ayon sa kanyang panunungkulan. Sinasabi nga natin ano na sa loob ng 5 taon di natin na-imagine na ganito pala kalaki, kalawak yung kanyang damage na nagawa niya

sa mamamayang Pilipino. I would like to highlight two issues, one would be yung DAP, yung issue sa DAP at sa PDAF, kung saan napakalaganap ng korupsyon, napakalawak ng korupsyon at maiko-connect natin ito sa kakulangan ng budget ng UP at iba pang basic social services, kasi may pera sa tayo sa korupsyon pero wala sa edukasyon at wala sa

kalusugan. Ngayon, yung second naman would be yung very recent na Mamasapano incident, kung saan pinatunayan lamang ng ating Pangulong Aquino yung kanyang kawalan ng pagta- take ng accountability sa kanyang gobyerno, sinisisi niya, pinipilit niya ung sisi kung kani-kanino at hindi niya inirerespeto ung self-determination ng mga kapatid nating Moro. Limang taon ng pagpapahirap ng sambayanang Pilipino.

3) Ang ating University Student Council ay unang-una para sa mga Iskolar ng Bayan itong institusyon na ito ay pangunahing makinarya upang ilatag yung ating kampanya at ihapag yung mga pamamaraan kung saan maiaaabot natin ung ating pamantasan sa mas malawak pang issue ng ating sambayanan. Yung University Student Council ay para sa Iskolar ng Bayan, para sa mamamayan. So ayun, yung University Student Council din po ay para sa Iskolar ng Bayan at sa bawat isang mamamayang Pilipino.

MANALO, Cid Ryan | ASAP-Katipunan

1) Una sa mga pinakamalaking problema na kinakaharap nating UP students ay siyempre ang STS. Dito sa isyu na ito ay nagkakaroon ng mga problema sa pag-eenroll, sa enrollment natin. Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng different categorizations. At dito, may mga misbracketing or mga nalilipat sa mga bracket na hindi naman talaga tama para sa kanya. Para ma-solve to, gusto natin siyempre magkaroon ng student consultation at siyempre ifoforward natin na hindi lang magkaroon nitong STS kundi mas ma-fulfill pa lalo ng gobyerno yung dapat naman talagang subsidy na binibigay niya para in the end, hindi na natin kakailanganin ng STS. Pangalawa naman ay ang RSA. Dito, ang unang batch na magkakaroon ng RSA ay graduate na ngayong 2015 kaya naman dapat nating tugunan ay yung mga provisions na hindi nagbibigay ng freedom para sa mga estudyante ay mabago o mabigyan ng mas maayos na lunas. At pangatlo, dun pala sa RSA nagkaroon tayo sa Bigkis UPM ng RRSAA or Reform RSA Alliance kung saan inakyat natin yung mga issues ng students papunta sa admin. At pangatlo, dahil gusto natin din na yung PGH patients ay matulungan, isang isyu din natin ay yung mga Class D patients. Sa Bigkis UPM, gusto natin atin ay konseho, masosolve natin ito pag lahat tayo ay nag-uusap at nagiging consultative.

2) Sa nakalipas na limang taon ni Pangulong Aquino, nagkaroon ng madaming mga aksidente, mga isyu, mga problema ang mga tao sa kanya. At, huhusgahan natin ang mga isyu na ito sa kung paano siya nagrespond sa atin. May mga pagkakataon na hindi niya tayo nabigyan ng tamang lunas, may mga pagkakataon na tila nagbibingi-bingihan, hindi binibigyan tamang solusyon o hindi inaaddress ng maayos ang mga isyu. Kaya naman as UP students, dapat naglalapit tayo, dapat inaakyat natin sa administrasyon, sa gobyerno, kung ano yung mga isyu natin. At magagawa natin ito sa proyekto nating USC Consultative Assembly kung saan makakausap tayong mga students at gagawan natin ito ng solusyon by lobbying, by campaigning, or pwede tayong gumawa ng alliances para mas maiakyat natin sa gobyerno dahil tayong mga UP students, mga Iskolar Para sa Bayan, dapat binibigyan din tayo ng boses.

3) As the highest representative body of all the UP students in UP Manila, dapat lang na ang USC natin ay nagiging maayos at hindi tayo magsesettle sa mediocre, hindi tayo magsesettle sa anything less than we deserve. Kaya naman maglelevel up tayo sa projects, sa campaigns, at sa lahat ng mga proyekto natin sa USC. At dito sa paglelevel up natin, sisiguraduhin natin na students ang mauuna, students ang pakikinggan, dahil sa USC, samin sa Bigkis, atin ang konseho.

CAYABYAB, Hanna Thea | BIGKIS-UPM

USC CHAIRPERSON1)Para sa’yo, ano ang tatlong pinakamabigat na isyung kinakaharap ng pamantasan? Paano mo ito tutugunan?

2)Tasahin ang panunugkulan ni Pangulong Aquino sa nakaraang limang taon ng kanyang termino.3)(For A-K) Para kanino ba talaga ang USC? | (For BIGKIS) Bakit kailangang i-level up ang USC?

1) When we say student governance, ang tingin ko dyan ito yung kapag nagkakaroon ng power yung student leader dahil meron siyang hinahawakan na title and because naghahawak siya ng isang position. When we say student representation, yung isang leader, student leader for that matter, meron siyang power dahil binigay yun sa kanya ng students. At yung students naniniwala na yung leader nirerepresent yung kanilang ideals at siyempre yung kanilang concerns. So when we say student representation, ito ung kind of leadership that we want, isang leader na nagkakaroon ng mandate na talagang irepresent yung lahat ng kanyang constituents. Actually, di nga constituents yung tingin niya sa mga estudyante, ang tingin niya sa mga estudyante ay mga kasama, kasama niya, for our case kasama sa USC. So as your USC Vice Chairperson ang gusto natin ay isang council na magfo-forward ng student representation. Dahil di naman konseho at kayo eh, ang usapan dito tayo bilang mga UP Manila students.

2) So tingnan natin ung Enhanced Defense Cooperation Agreement. Tingnan natin meron ba talagang na-ga-gain ung yung ating bansa. Kasi di ba naipagpartner tayo with US, tapos dadating ung tropa nila. So basically dumadami ung bases nila, dumadami ung American troops sa bansa natin para daw i-enhance yung ating defense. Unfortunately, ang nangyayari kasi is nagiging negative ung effect niya, for example sa health and environment, nangyari naito sa Subic at sa ibang lugar na merong mga toxic wastes na siyempre naka-affect sa kalusugan ng mga mamamayan. Isa pa sa Human Rights, sobrang fresh nung isyu nito lang nakaraan kay Jeniffer Laude. Di kasi ito isyu lang ng LGBT, lagi natin sinasabi yung isyu ni Jeniffer Laude kasama diyan kung bakit ba in the first place nandito ung American troops, bakit ba may EDCA, bakit ba

nagkaroon ng VFA before. Isa pa sa Human Rights Violations ay maraming nadidisplace gaya sa Mindanao ung mga lumad, mga locals. So ang stand natin sa EDCA kung hindi naman siya nakakaganda sa mga mamamayan, di naman nag-ga-gain yung Philippines actually ginagamit lang tayo, yung EDCA dapat ibasura na yan.

3) Naniniwala talaga yung AK na dapat yung council ay pro-student, pro-people. Ang USC ay para mga taong nakakapanood ng video na ito at sa mga taong di nakakapanood ng video na ito. Para sa mga taong nasa loob ng UP Manila at sa mga taong nasa labas ng UP Manila.

BALAHADIA, Ana Pholyn | ASAP-Katipunan

1) Okay. So pagkakaiba ng student governance at student representation. Student representation, siguro yung pagkakaisa-isa, yung pag-voice out mo ng ano bang gusto mo sa mga particular subject, kung ano yung mga gusto mo sa mga issues, kung anong stand mo dito, yung mga projects na gusto mo. Siguro yung student governance, mas maganda ‘to pag meron talagang student representation. Kasama talaga yung bawat isang Iskolar para sa Bayan. Kaya nga sa katunayan nga neto, ang USC, atin ang konseho, talagang ine-aim natin na bawat isa ay napapakinggan sa ating konseho. Bawat isang Iskolar ay merong boses sa ating USC. Yan man, to concretize this, meron tayong yung May Boses Ka at yung USC Consultative Assembly. So May Boses Ka, aalamin natin kung ano bang gusto ng mga estudyante natin, bakasyon palang. At dun sa USC consultative assembly, yun nga, merong representation tayo kasama nung League of College Student Councils na aalamin natin, icocollaborate natin, kung ano nga ba yung mga gusto nila at magkakaroon tayo ng mga concrete na mga projects at yung mga stand ay tinatanong natin sa lahat ng mga nasasakupan natin bago pa man tayo gumawa ng kahit anong stand at mga projects. Para ma-satisfy natin kung ano nga bang gusto, kung anong pulso ng bawat isang estudyante sa ating unibersidad. Salamat.

2) Sa totoo lamang, napaguusapan palang namin sa Bigkis UPM at hindi pa kami nakakapagfinalize kung ano nga ba ang stand natin sa EDCA. Pero pag tayo’y nanalo sa USC, dapat yung mga ganito, yung mga stand natin sa isyu, ay dapat pinag-uusapan at hindi lang isang mayorya yung kung anong stand nila ay yun lang ang nasusunod. Dapat, kung anong stand ng mga estudyante, dapat kasama dun, dapat tinatanong natin. Uulitin ko lamang, sa USC Consultative Assembly, dun natin gagawin ito. Yung m g a stand ng bawat isa, per student kukuhain natin siya tapos gagawin natin per block tapos per college, together with the League of College Student Councils, tapos iaakyat natin ‘to sa USC so magkakaroon tayo ng stand na talagang gawa ng bawat isang estudyante dito sa ating unibersidad. Para naman maconcretize ‘to, gagawa tayo ng mga kampanya, mga infographics, para talagang ma-inform natin yung buong unibersidad at yung kampanya natin ay magiging mas okay at mas magaling kasi informed na lahat ng mga estudyante at yung mga involved na mga parties. Ayun, maraming salamat.

3) Siguro, hindi dapat i-level up ang USC sa kadahilanang ba’t natin ilelevel up? Dapat, nirereach nga natin yung grassroots natin – yung mga estudyante. Kailangan, kailangan alam natin kung ano nga bang gusto ng mga estudyante, kung anong gusto nilang gawin sa ating USC. Kaya naman sa Bigkis UPM, YouSC, atin ang konseho. Talagang dapat, dapat kasama yung estudyante. Para, sa mga gagawin nating proyekto at mga kampanya, mas okay ito dahil kasama talaga yung mga estudyante. At yung mga isyu, gagawan natin ng stand kasama sila. Ang pinakaimportante, kasama ang mga estudyante dahil YouSC, atin ang konseho. Maraming salamat.

YAO, Charles Kenneth | BIGKIS-UPM

USC VICE CHAIRPERSON1)What is the difference between student governance and student representation?

2) Ano ang stand mo sa EDCA?3)(For A-K) Para kanino ba talaga ang USC? | (For BIGKIS) Bakit kailangang i-level up ang USC?

Page 3: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

NEWS 03Volume 28 Number 15Thursday | April 16, 2015\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

ITANONG KAY ISKO’T ISKA

1Mahigit isang taon matapos tanggalin ng UPM admin ang GAB Caf, sapat na

ba ang food stall na kanilang itinayo sa CAS bilang kapalit? Bakit o bakit hindi?

LOL. HINDI MATATAPATAN NG ISANG FOOD STALL SILA ATE MAKELS. AT LALO NA HINDI NITO MATATAPATAN ANG RODIC’S. – Qtp2t, CAS

Hinde, yan tayo sa mga kapalit eh... Jokejoke, dun kaya ako bumibili madalas. Kasi malapit lang hindi na kailangan lumayo at ma-feel ang hotness sa labas pero sana more food choices. – patglow, CAS, 2014-05844

Hindi, dahil mahaba ang pila kadalasan at mahal pa rin siya kumpara sa ibang mga kainan o bilihan ng pagkain sa labas ng UP, affordable na sana kung below 50 pesos ang isang meal pero hindi eh. – FurryFriend 2014

Hindi. Mas konti lang ang pagpipilian at para sa P40 na ulam, konti lang yung laman. Mas maganda parin kung maraming iba’t-ibang tindahang mapagpipilian tulad ng sa GAB Caf. – Tobias, CAS, 2012-24852

Hindi, maa gugustuhin ko pa mag ulam ng fishball kesa bumili sa mga pagkain nilang overpriced. – pink carabao 2014

Okay na siguro yon kasi nandoon naman lahat ng mga kailangan na pagkain eh. – NBA, 2014

Nakakag*go iyong calamares swear. Saka wala na bang iba tinola bawat college pareho laman. – Tinola, CAS

Hindi. Ang unti ng kanin. Mahal ang juice. Unti rin ulam. Hindi sulit. – Charca, CAS

Ang mahal ng mga inumin nila. Di na baleng ma-dehydrate ako kesa bumili ng P30 na Smart C. At 3 piraso lang ng baboy yung laman ng asado nila. Walang kwenta. Huhuhuhu – El Kapitana, CAS

Hindi. Dapat mas madami pang options ng food. And university tayo, “state university” tapos walang canteen/cafeteria? My gosh! – Penname, CAS, 2014

Hindi. Napakalayo ng kalagayan ng GAB CAF sa food stall ngayon. – AngSabawngCampaignSloganKo, CAS, 2012- 1****

Hindi pero at least meron. – MahalinMoNamanAko, CAS, 2013-*****

Hindi. Kasi sobrang konti nung taong nagtitinda hirap sila i-accommodate yung mga students and pati yung tinda konti lang. Kailangan siguro nila ng kitchen para mas mainit yung pagkain. Huehuehue – Bang, CAS

Umay na please. kailangan mas maraming food choices para a mga tamad lumabas ng CAS. – Ayokosainyo, CAS

Hindi pa sapat kasi di pa kayang palitan yung mismong GabCaf na nawala. – boom,

2014-xxxxx

2Kung isa kang kandidato sa student council elections, anong magiging

campaign slogan mo? Bakit?

Sisiguruhing ibabalik ang kanin. Boto para sa goto. – Qtp2t, CAS

Whatever floats your boat. – longhairdontcare, 2014-68605, CAS

PAT... Pat.. patitibukin ang mga pusong sawi. – patglow, CAS, 2014-05844

“Uy, si Jam, ay hindi si Khalil, ay wait si ***** pala!” Dahil kamukha ko daw sila – FurryFriend, 2014

CARLO, CARLO, CARLO, pangalang subok na sa konseho! – Tobias, CAS, 2012-24852

Hahahhaa hirap pero siguro “Minsan hindi sapat ang pag-ibig, kaya kailangan tumindig!” Charla. – Theonethatgotaway, CAS

Kelangan pa ba ng campaign slogan? Yung sa blue nga ang laki ng muka tas ang liit ng letter kasi pogi daw siya. Pogi din naman ata ako, gayahin ko nalang yung sa kaniya. – tabon man, 2014

“TIGILAN ANG P*CHA MAHAL NA FIELDTRIP SA ZAMBALES NA MAS MAHAL PA DON SA MGA NAG VIGAN” – Tinola, CAS

“Down with oppression, stop with depression!” – RisingPincer, CAS

Magmahalan na lang tayo. Walang masamang nadudulot ang pagmamahal. – Charca, CAS

P*kyu kayo pag di nyo ko binoto. – El Kapitana, CAS

“Hindi dapat puro sa libro lang ang talino. Kilos para sa nakararami.” HAHAHAHAHA! – penname, CAS, 2014

Iskolar ng bayan, hindi iskolar para sa bayan lels. – Ayokosainyo, CAS

Iboto ako, para sa mabilis na progreso. –AngSabawngCampaignSloganKo, CAS, 2012- 1****

I ain’t got no slogan ‘cause I’m awesome. Jk. “Food for you, food for me, food for everybody! Go and vote for me!” – Yothegreat, 2013, CAS

No where to go but UP. This school needs a student council leader that will enhance and “bring UP” the quality of service in UP that the student, teachers and faculty rightfully deserves. AYOS BA? HAHAHAHAHA! – LittleMissNobody

Mga Fulung-Vulungan ng nagjijisang

Lola PatolaIsang mafagfalayang araw Yu Fi Em! Aketch itey, your wan, your only, Lola P! Lola P, sovrang tindi ng byuti, sa USZ! Charot! Mga afowz, anetch na nga ba ang aking platform heels??? Siyemprrre naman fowz, making pakalat owl of da sumvongz of my lovely afowz! Oh ano, merowng pa bang makakatalow sa beauty ng feslak ko? Waley na!!! Panalo na aketch, fo sure! Hihihi.

Pero dahil elekshon seasonings nanaman, nag-multiplication table pa ang mga sumvongs ng mga kawawarla kong mga afowz! Ajujuju. Sow pasaway sum of diz candy-dates daw!!! Why oh why Delilah?! 7.50 na nga lung ang Ariel, hina-HAGGARDO VERSOZA niyo pa aketch at ang mga afowz ko! Chos!

Kalurkey na mga Candy-date Sumvong #1: That Thing Called Premature

Champagne-ing

Nalurkey ang ilang mga afowz ko sa isang fowlitical fartee na super duper excited mag-champagne! Wiz Khalifa pa ang ready, set, go ng champagne periodicals mula sa Ugnayan ng Elekshon Beachez, nag-change DP na ang mga meme-bers ng fowlitical fartee! Hindi leng nemen eng fowlitical fartee na itey ang nag-changesung ng DP vutt zila raw kazi ang nagmatigas! OMG! Gusto ko rin ng matigas!!Aber aber aber, siyempre hindi papayag ang UEB!!! Nag-postal sinetch ng statement making bawal the frosting of champagne maturyals before the champagne periodicals!

But wait, kebs lang dawsung ang mga meme- b e r s ng fowlitical fartee na itech! Kahit nag-frost na ng official statement ang UEB, tuloy parin daw ang pag-change nila ng DP! Az in, walang Obamacare at owl??? Wazzup wid that, my dear afowz?! Respect that thing called elekshon guidelines naman fowz!!! KALURKEY!!!

Kalurkey na mga Candy-date Sumvong #2: No Ask.FM

Allowed

Diz fowlitical fartee is really sumthing ha! Nakaka-HAGGARDO VERSOZA talaga! Kapag nag-Are Tea Are ang mga candy-dates nila, bawal mag-ask.fm ang aking mga poor afowz!!! Refer to their Fesbook page nuhlung daw! Eh di wow!

Say sumthing, I’m giving up on you na fowz! Hindi ba kayow vavavoom-voom na sumagoat in person?? Anetch kayang meron sa mahiwagang Fesbook page nila at dun dapat mag-ask.fm ang mga Yu Fi Em peeps?

Anddd, more importanterly, ang mga candy-dates nga buh ang sumasagoat sa mga ask.fm sa Fesbook page na itech? Baka may ibang niluhlung ang gumagawa nito for them! Chos! Charoterang palaka! HIHIHI.

Ganern din ang peg ng isang Miss Independent charing-cilor! Matapos mag-ispluk ng platform heels niya, faster than the speed of light ang pag-vavoo! As in poof, waley na itechiwa! Akele ko buh real, vaket puhrung ilusyon lang ang peg! Kalurkey! Alam kaya ng mga sisses nitey kung papunta saan tumambling si Ate Babes???

Kalurkey na mga Candy-date Sumvong #3: League of CSP-ends

Mag-throwback Thurzday muna tayow mga beloved and belated afowz! A few monthsungs or so agowz, trinying hard ng USZ Vice Charotera Jamboree Tentmaster na magtatag-team ng League of CSP-ends. For unification and reincarnation of student fab-lications daw lung pow ang life goals

ng League na itech! But MCool-eh said no, no, no, no way! No

way they were living with that, char! Meron namang Yu Fi Em

Sorry-laridad, and MCool-eh can handle everything! Tipong everything iz

owsum ang peg!

But ngunit subalit datapwat, incomebeynt

USZ Vice Charotera’s fowlitical fartee did not make kinig sa

MCool-eh puhluh! Nag-push pa more ng fourmation ng League of CSP-ends sa jeepoa niluh diz elekshonz!!! Aneksung diz?! Kalurkey much tuhluguh!!!

Aner bang stand ng fowlitical fartee na itey sa hippo-campus press freedom?? You told my afowz you would be console-tative, pero mukhang hindi namern puhluh! Anek?!

Ayan na siya day, owl of da sumvongz na nasagap ng Lola P niyo! Don’t be pasaway, afowz!!! Stretching stretchsung na zo you can exersize your right to vote! Remember, ang USZ ay belongings ng nobody, nobody but chu!!!

Babu for now, my afowz! Love you owl foreber and

eberrr.

USZ Elekzions Edishun!

Pwede ring ipadala ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng pag-text sa 09175109496! (Pero bawal ang textmate!)

Page 4: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

04 NEWS Volume 28 Number 15April 16, 2015 | Thursday

///////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

1) So, mailalapit ko yung mga plataporma, yung plataporma at proyekto ko, sa SHS campuses sa pamamagitan ng pakikipagcoordinate sa mga student councils nila. At bilang culture and arts committee, may mga malalaki kaming proyekto na pwede naming gawing fundraiser upang patugunan yung mga pangangailangan nila, tulungan sila sa mga school supplies, sa mga libro.

2) Bilang Iskolar ng Bayan, dapat kritikal tayo mag-isip. Wala pa naman pong lumalabas na pormal na listahan ng kandidato. So dapat kung meron man, kilatisin muna natin yung mga plataporma nila bago tayo pumili ng pipiliin, susuportahan sa susunod na eleksyon. At dapat tingnan natin yung track record nila, kung may nagawa ba sila, na hindi nalang purong pangakong napapako.

ACUESTA, Maria Rosa Julia | ASAP-Katipunan

1) The government’s lack of support to those who want to serve our nation reflects the government’s prioritization to our healthcare system. At dahil ang SHS units naman ay kaisa ng UP Manila at bilang ang ASAP-Katipunan ay naniniwala sa kolektibong aksyon, isasama natin sa UPM Agenda ang mga isyu ng SHS students such as yung hindi nabibigay yung tamang allowance nila from the LGU so isasama natin yun doon. Tapos iaangat natin ito sa…sa administration nang sa gayon we’ll collectively resolve this issue.

2) Uhm, yung bet ko for para maging president ay si Dra. Carol Araullo kasi isa siya sa mga nanindigan at nakipaglaban para sa kalayaan ng PIlipinas noong Martial Law. Tapos bilang doctor din, isa siya sa mga naglapit ng health care ng isa siya sa mga nagbitbit ng mass-oriented healthcare, inilapit niya yung, yun nga yung healthcare system natin sa mga marginalized sector sa pamamagitan ng pag-improve sa community medicine at hindi lang yun, she even went beyond her profession to serve our nation thru nationalistic and pro-people policies. Yah, siya yung gusto kong maging president.

CATALAN, Gil Dominic | ASAP-Katipunan

1) So syempre ang ASAP-Katipunan naniniwala ‘yan sa collective action at alam naman natin na malapit sa UP Manila ang ating mga Schools of Health Sciences. So ang gagawin natin makikipagcoordinate tayo sa mismong local councils nila at paiigtingin natin yung mga issues na kinakaharap ng mga SHS tulad ng kakulangan ng budget, kakulangan ng mga facilities gaya ng mga libro na hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy. Dahil ang gusto natin ay paigtingin at palakasin yung rights and welfare ng mga estudyante natin hindi lamang dito sa UP Manila pero yung saklaw din natin sa iba pang mga parte ng Pilipinas. Syempre, padadaanin natin ito thru UP Manila Agenda kasabay din nung Ronda UP Manila ni Vice Chair Balahadia para naman meron tayong isang comprehensive report na nagtataglay ng mga facts, details at syempre report mula sa mismong mga estudyante at makikipagcoordinate tayo sa ating chancellor upang matugunan natin head-on yung mga isyu na ito kasabay at kasama ang mga taga-SHS din.

2) Syempre, uh, si Miriam Defensor-Santiago. Nakita naman natin kung gaano siya ka-witty, nakita naman natin kung gaano siya katatas pagdating sa pagsasalita sa kongreso at sa senado at nakita natin kung paano siya naging palaban nang walang kumprumiso na kahit sino ay handa niyang sagasaan basta may kinalaman sa karapatan ng mga mamamayan. Pero bukod pa doon, mas importante lalo na sa darating na eleksyon ay kilatisin mo nang maigi yung plataporma at yung inihahatid na mga prinsipyo ng kandidato. Hindi ka lang babase sa kung sino lang yung kilala mo, sino yung witty, sinong chummy, sinong hindi. Yun lang, salamat.

MERENCILLA, Micahella Jane | ASAP-Katipunan

1) ‘Yan, una, dalawa lang naman kasi ‘yan ano…ang atake natin diyan. Una, sa services at sa campaign. Sa services na nasimulan naman na natin nitong nakaraang taon eh yung tulong kabataan. Lingid sa ating kaalaman, noong November 2013, kung ‘di ako nagkakamali (ma..) lubos na nasalanta ng bagyong Yolanda yung SHS Palo unit natin at thru Tulong Kabataaan, nakapaglundas tayo ng pangmalakihang relief operation, tayo tayong mga Iskolar ng Bayan at ipinakita natin na ang mga facilities ng mga SHS units natin ay hindi ganun ka-dekalidad at mas prone sila sa mga national calamities at nilalapit, palalakasin pa natin ang Tulong Kabataan.Sa aspeto naman ng kampanya noh maaaring hindi tayo makapag-RTR sa kanila…direktang makipag-usap pero we’ll see to it na malalapit natin yung mga kampanya natin thru forums at syempre kung saan tayo mas nakakapag-interact at may point of groupvergence(?)….point of convergence, rather, kung saan tayo makakapag-interact talaga. Walang iba kundi sa mass media.

2) For so many years, yung mga nahahalal nating pangulo eh never naman talaga nagsulong ng interes ng sambayanan noh. Kung iisipin natin parang ilusyon lang ang eleksyon eh, kasi naghaharing uri yung uri na pinagmulan ng ating mga nailuluklok na pangulo at ang resolusyon natin diyan ay makapagluklok ng isang pangulo na mismong siya galing sa marginalized sector. Kaya ang ating presidentiable na ating ibabato, para sa akin, personally, ay si Ka Paeng sana’t kilala natin siya mula sa Anak-Pawis itong Anak-Pawis dahil it’s high time na may representa at maitaguyod ang interes ng nakararami naman talagang Pilipino at yun ay mga karaniwang tao—mga manggagawa, magsasaka, tayong mga kabataan.

OMAGA, Alfe | ASAP-Katipunan

1) Alam naman natin na my platform includes higher budget for UP. And the problem of lack of facilities in UP Manila is a part of a greater problem sa Philippine education. And, well, when we fight for a higher budget, hindi lang yun para sa UP Manila, para na yun sa SHS. So through my campaign for a higher budget for education, maiinclude na yung SHS dun, SHS units. At alam naman natin na ever since noon pa na ang AK ay lumalaban naman talaga tayo with genuine principles and collective action para sa mga estudyante at para sa masa.

2) Yung bet ko maging presidente is si Miriam Defensor Santiago, dahil nakikita naman natin yung post ng mga tao na witty siya, witty siya magdala ng ano. Tapos nakakasabay siya sa kabataan. Pero hindi lang dun, dahil ano rin, nakikita mo rin na nakikipagbakbakan siya sa ano sa loob ng Senado para maipaglaban yung tamang, yung ano, genuine governance, diba? Nilalabas niya yung mga issue. Ineexpose niya. Tapos pinapaglaban talaga niya yung tamang karapatan ng tao. Yun po.

VILLACRUCIS, Howell | ASAP-Katipunan

1) Pinakapangunahing proyektong ibinibida ko po sa aking pagtakbo ay ang UPM Demands, UPM College Conventions at ang pagbuo po natin, pagbuhay po natin sa Pamantasang Asembleya. Ito po ay mga proyekto kung saan sisiguraduhin po natin na mayroon po tayong venues for direct student participation. Hindi po natin kakalimutan na ang Schools of Health Sciences ay parte pa rin po ng UP Manila kung kaya naman po sisiguraduhin po natin na palagi po tayong konektado sa ating mga local student councils at pati sa mga estudyante po mismo nitong SHS Palo, Baler, at Tacloban. Siyempre po gagamitin po natin yung effectivity at yung kadalian po ng paggamit natin ng ating social media. Nandiyan po yung Facebook, nandiyan po yung Twitter, at siyempre po yung through text messages at siyempre kung may mga pagkakataon po tayo, palagian din po natin silang bibisitahin dahil siyempre importante sa atin na lahat ng Iskolar ng Bayan ay napakikinggan.

2) Si Senator Grace Poe Llamanzares po. Bakit? Dahil siya po ay nakikita kong isa sa mga senador na mayroon nga naman talagang naipanukala, naipasang mga batas na talagang nakakatulong sa taong-bayan at siyempre higit pa po dun, hindi po siya nagpakulong sa konsepto ng partido dahil po kung ano po yung tinakbuhan niya nung nakaraan pagkakataon po hindi po siya natakot na labanan po kahit po yung mga kaalyado mismo niya. At siyempre po, nakikita ko rin po ang sarili ko sa kanya dahil po isa po siyang larawan ng babaeng matatag, mayroong ipinaglalaban, at prinsipyado, linyado sa lahat ng isyung kinakaharap niya.

LINADAYAG, Cherry Ann | INDEPENDENT

USC COUNCILORS

Page 5: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

NEWS 05Volume 28 Number 15Thursday | April 16, 2015\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

So, paano ko malalapit ang aking mga plataporma sa mga Schools of Health Sciences, ayun. So, through the community empowerment, dito naglalayon na yung USC ineencourage yung mga students na gamitin yung knowledges nila at yung skills para i-transform yung mga natutunan nila sa classroom and iaapply nila sa real life. Sa pag-apply nila sa real life, definitely gagawa ito ng change sa buhay ng mga tao sa nearby na mga baranggays at communities sa SHS. So itong community empowerment ay isang proyekto ng USC na naglalayon ng new avenue for real problem solving, problem-based solving ng mga bagay-bagay.

2) So, um, kung sinong bet ko tumakbo sa 2016 national elections. Actually, ngayon, wala pa since wala pa naman at hindi natin alam yung mga platforms nila. Kaya come ng campaign period, aalamin natin yung mga platforms nila at yung mga platforms nila at kung sino man yung kandidato na makakapagdala ng platform na pro-student, pro-health care, yung makakaangat talaga sa estado ng bansa natin ngayon ay siyempre siya yung pipiliin.

ESTENAR, Lance | BIGKIS-UPM

1) Maabot po natin ito, una, sa part po ng general plan of action natin sa Bigkis UPM ang Abot Kamay at Nakikinig na USC. Isa po sa mga konkreto na gagawin natin ay May Boses Ka. Kung kinakailangan po natin na lumapit at pumunta sa ating mga SHS sa Palo, sa Baler, at sa Koronadal, pupunta po tayo dito para malaman ang mga suhestiyon at mga komento dahil gusto po natin ng isang USC na consultative.

At for mas naman po na specified plan of action natin sa Students’ Rights and Welfare committee, aalamin din po natin yung gusto nila na ipaglaban natin sa linya ng karapatan rin ng mga estudyante.

2) Sa ngayon po ay wala pa po tayong napipili mula sa mga naglalabasang pangalan. Pero gusto po muna nating mapag-aralan ang mga platapormang ihahain nila, lalo na po sa linya ng kabataan at linya ng kalusugan ng bayan.

FERNANDO, Lawrence | BIGKIS-UPM

1) So, mailalapit natin ang ating mga plataporma sa mga kapwa natin mag-aaral sa SHS sa pamamamagitan, unang-una, ng online. Pwede nating i-livestream ang mga events, halimbawa na lamang nung nagkaroon tayo ng talk at forum noong nakaraang, nitong taon dahil sa CAMP Student Council at sa tulong ng IMS at naihatid natin ang talk at forum na ito sa mga kapwa natin mag-aaral sa SHS.

At isa pa rito, isang punto, pwede nating ilapit ito sa pamamamagitan ng pagpunta mismo sa mga unit na ito. Pwede tayo pumunta dun paminsan-minsan o di kaya naman ay panatilihin na constant ang communication with the councils.

2) So, kung tayo’y papipiliin sa kung sinong iboboto natin o kung sinong bet nating tumakbo para sa 2016 elections, um, napipisil natin si ano, Mar Roxas. Dahil unang-una, um, maski hindi siya nanalo noong bise presidente ay patuloy siyang naglingkod sa bayan sa pamamamagitan ng DILG. At pangalawa, na dahil sa Philippine Good Governance Summit, kung saan naging delegate ang inyong lingkod, ay nakita natin dito na sa DILG at sa Department of Budget and Management, nagkaroon sila ng bottom-up budgeting or bottom-up consultation sa mga local governments at sa communities, kaya naman tulad ng sa Bigkis UPM ngayong taon ay magiging consultative tayo, magiging bottom-up ang ating consultation. Magsisimula tayo sa mga estudyante paakyat. Pero uulitin ko lamang no, nasa sa sating parin mga estudyante kung paano natin susuriin ang mga tatakbo sa darating na eleksyon.

ISIDRO, John Aaron | BIGKIS-UPM

1) Ayun nga, sa BIGKIS-UPM, ihahatid namin sa inyo ngayong taon ay ang pagiging consultative namin sa lahat ng bagay na mangyayari sa USC. Gagawin naming yan sa pamamagitan nga ng pagkuha ng representative sa bawat block, at paakyat sa mga student council, at paakyat sa USC. So sa akin namang committee ay gagawin ko yun specifically sa pamamagitan ng pag-tap or pagtawag at pakikipagcooperate lalong-lalo na sa mga environmental orgs sa bawat college specifically yung Saribuhay tsaka yung One Earth.

2) Sa darating na eleksyon, ang akin pong iboboto ay si Grace Poe. Unang-una dahil nga siya ay yung Public Information head ng ating senado at siya din ay isang primary author doon sa ating Freedom of Information bill at sa BIGKIS-UPM, naniniwala po tayo na dapat transparent po tayo sa lahat po ng ginagawa natin lalong-lalo na doon sa governance na ginagawa natin sa USC. Lastly, naniniwala ako na bilang babae, si Grace Poe ay mararamdaman talaga niya yung pulso ng mga Pilipino.

MANANSALA, Cyrene Geneve | BIGKIS-UPM

1) So we can focus on three things. First is yung career advancement programs, second is yung RSA reforms, and third yung university exchange programs. So dun sa career advancement programs, dahil totoo naman na ang ating mga kapatid sa mga SHS ay talagang parte naman dapat ng UP Manila community, ieextend natin sa kanila yung pagpaplano sa mga career and yung assistance sa kanila.

Second naman, yung sa university exchange programs, we will really push for dissemination of the exchange programs, not only to UP Manila but also to yung mga SHS/ Tapos yung you also push for more scholarships, dahil hindi lang dapat yung mayayaman yung nakaka-go on exchange.Tas yung last, yung RSA, we will ensure na hindi mabibigyan ng RSA na hindi plantsado yung mga SHS.

2) Si Dick Gordon. As the head of the Philippine Red Cross, siya yung plataporma na pinakarelevant sa UP Manila as the health sciences center.

RODOLFO, Raphael Cecilio | BIGKIS-UPM

1) So ano na nga ang mga plataporma natin? We have get social, get active, get together. Since malayo ang SHS, we can get social with them by showing their concerns in their school, in the university, through get social. We can have exhibits about their situation. And we can have online campaigns about the real situation.

Second, get active, so if we want effective solutions, if we want effective answers to their problems, we have to consult them first. But since they’re far, we can have online consultations so we can hear their problems.Last, get together. So, sa get together, we want na everyone na kasama sa lahat ng projects natin, so sa SHS we can incorporate their culture in our projects para hindi sila maleleft-out. Kasi bilang SHS, parte parin sila ng kultura ng unibersidad.

2) Ang bet kong tumakbo sa 2016 elections ay si Miriam Santiago, kasi gusto niya totoo, totoo, totoong solutions sa ating mga problema. Thank you.

BALDOVINO, April Joy | Independent

USC COUNCILORS

Questions:1) Paano mo ilalapit sa kapwa mo estudyante sa SHS ang iyong mga plataporma? | 2) Sinong bet mong tumakbo sa 2016 Presidential Elections? Bakit?

Page 6: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

06 FEATURES Volume 28 Number 15April 16, 2015 | Thursday

///////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

Ang pagkakawatak-watak ng konsehong kanilang sinundan, dulot ng pagmamataas at pananaig ng partisyon sa gitna ng asul at pula, ay naging isang malaking aral sa kasalukuyang konseho. Isang malaking hamon ang gawing kulay lila at maiahon ang imahe ng institusyon mula sa pagkakasadlak tungo sa isang konsehong may konkretong pagkakaisa at naghahangad ng tunay na pagbabago.

Sa isang banda ay napatunayan nila na hindi hadlang ang kulay upang magsilbi. Ngunit, makikita pa rin ang mga lamat sa kanilang pamumuno sa pagiging balintiyak nila sa ilang mga isyu sa loob ng pamantasan, at lalo na sa mga isyung bumabagabag sa lipunang kanilang ginagalawan.

Sa gitna ng mga kulay na ito ay masisipat kung tunay nga bang nagampanan ng mga nahalal ang kanilang tungkulin. Ang hatol ay magmumula sa pagsusuri ng kanilang mga inilatag na solusyon sa mga isyung kinaharap ng mga Iskolar ng Bayan at sa kanilang mga iniambag sa sambayanan.

SA PAG I G I N G L I L A

“Kailanma’y hindi po kami nag-divide ng house. May mga pagkakataon, kagaya nung pag-e-elect ng mga officers sa ExeComm, pero aside from that, never na po kaming nagkaroon ng divided na house. ” – Carlo Lorenzo, USC Chairperson

Sa aspeto ng pagkakaisa ay masasabing naging matagumpay ang ika-36 na USC, at ang pagtutulungan at pagkakaisa umano ng mga miyembro nito ang naging susi sa isang mas epektibong konseho. Naging isang malaking hamon ang pagiging hati ng mga miyembro sa mga nakalipas na konseho, at tila nabawasan naman ang ganitong mga pagkakataon sa termino ng kasalukuyang USC. Wika ni Lorenzo,

sa pagbuo ng kanilang konseho ay mas pinaigting ang praktikal na pamamaraan sa pagbibigay serbisyo at husay bilang iisang lupon na tutugon sa pangangailangan ng mga estudyante. Ang kanilang mandato umano ay binuo sa pamamagitan ng pagkakaisa, at sa patuloy na pagsulong ng “One USC.”

Subalit may mga panahon pa ring nanaig ang indibidwal na kulay ng pula at asul, at madaling napuna ito sa kalagitnaan ng pag-oorganisa ng mga malalaking proyekto ng konseho. Bukod sa hindi pagtatagumpay ng ilang mga proyektong kanilang ipinanukala ay nangibabaw rin ang mga isyu at manaka-nakang alitan sa loob ng konseho. Hinggil dito, binanggit ni Carlo Lorenzo na walang perpektong institusyon. Ayon sa kanya, palaging mayroong hadlang at palaging mayroong madadapa. Ang nararapat bigyan ng halaga ay kung paano sila babangon, at ang optimismong pagharap nila sa mga pagsubok na sumasalubong sa kanila sa lubak na daan. Ang mga pagsubok ang tumulong sa kanilang malagpasan ang lahat ng ito at magpatuloy sa paghahanap ng mga kasagutan at pakikibaka para sa mga karapatan ng mga estudyante at ng sambayanan.

Sa panayam sa kanila ng The Manila Collegian ay muling iginiit ng konseho ang pagiging “campaign-based” ng kanilang termino — isang konseho na tumutugon sa mga isyu sa pamamagitan ng mga aksyong nagdudulot ng agaran at pangmatagalang solusyon. Binigyang-diin din ng konseho ang halaga ng pagiging mulat at pamilyar sa mga isyung kinahaharap ng pamantasan tulad na lamang ng Socialized Tuition System (STS) at ng nakaambang pagtaas pa ng matrikula. Sa pamamagitan ng situationers, matagumpay umanong naihapag ng USC ang impormasyon sa nakararaming estudyante, sampu na rin ng pakikiisa ng mga konseho

ng iba’t ibang kolehiyo. Ayon rin kay Lorenzo, nagpapatuloy ang pagsulong ng USC sa kanilang mga kampanyang naghahangad na ibasura ang STS. Ngunit nananatiling isang tanong kung naging isa nga ba sila sa kanilang pananaw sa isyu, sapagkat kung susuriin ay may ilang miyembro na mas pabor sa pagreporma ng nasabing iskema ng matrikula — ang tindig na isinusulong ng asul na partido.

Ang konseho ay umaksyon din hinggil sa RSA o Return Service Agreement sa pamamagitan ng pagbuo ng RSA Alliance o RSA Watch upang suriin nang mabuti ang mga probisyon ng nasabing kasunduan. Sa kasalukuyan ay naitaas na nila ang kanilang mga amyenda kay Chancellor Padilla, at umaasa ang USC na ipagpapatuloy ng hahaliling konseho ang pagsulong sa isang mas makataong RSA. Nabanggit din ng konseho na naniniwala sila sa kagandahan ng RSA kung maaalis ang ilang hindi makatarungang probisyong nakalatag dito. Mapapansin na tumbalik ang kasalukuyang perspektiba ng konseho tungkol sa isyu kumpara sa kanilang naging pananaw dito noong nakaraang taon. Sinasalamin lamang nito na tila mayroong mga hindi pagkakaalinsunod sa kanilang mga paninindigan at mas nagiging pragmatiko na ang bawat partido.

Makikita na kahit papaano ay patuloy na sinubukan ng ika-36 na konsehong baguhin ang imahe ng USC na nakilala sa iba’t ibang mga internal na hidwaang nagiging balakid sa isang progresibong pamumuno. Subalit katulad din ng kanilang hinalinhan, sila rin ay nahulog sa mga bitag ng kapalaluan sa gitna ng mga hamong kanilang kinahaharap.

SA PAG I G I N G I T I M

Hindi maikakaila na kagaya ng ibang konseho, marami ring butas at gusot ang ika-36 na USC.

Hindi maiiwasan ang mga problemang kinaharap ng konseho sa pagsulong ng kanilang ilang mga proyekto. Isa na rito ang hindi naituloy na STRAWB Forum ng Gender Committee matapos mapagtanto na hindi ito kakayanin ng iskedyul. Humarap naman ang Sports Committee sa problema ukol sa kakulangan ng badyet, kaya’t hindi na rin naiusad ang Zumba fitness programs na nasimulan nito noong unang semestre. Aminado rin ang USC na nagkulang ito sa Academics and Research, partikular na sa pagpapasimula ng pagsasaliksik ukol sa mga isyu ng unibersidad at lipunan. Taliwas sa layunin ng USC na makapagpalaganap ng kaalaman at kamulatan sa pamantasan, makikita ang naging kakulangan nila sa pagtatag at pag-organisa ng kanilang mga proyektong dapat sana ay pakikinabangan ng mga mag-aaral.

Humarap din ang konseho sa iba’t ibang kontrobersiya katulad na lamang ng proyektong UPM Fiesta; hindi ito nakaligtas sa batikos at mga kritisismo, kung saan ay sinasabing kakaunti lamang ang lumahok at tumangkilik nito. Sa pagtapos ng UPM fiesta ay umusbong din ang isyu ng hindi pagdalo ng ilang mga miyembro sa mga aktibidad, na nakita sa inilabas na Attendance Sheet ng USC mismo. Ayon kay Jhaypee Naco, na siyang pangulo ng komite ng nasabing proyekto, ay naging matagumpay naman daw ang UPM Fiesta dahil sa magandang “reception” ng mga estudyante dito . Idinagdag rin niya na ang mga pangunahing problemang kinaharap ay tungkol sa pinansyal, o sa badyet. Klaro ring makikita sa isa sa mga General Assembly ng USC ang naging mainit ang diskusyon ukol sa partisipasyon ng mga miyembro sa kalagitnaan ng mga aktibidad.

Sa pangyayaring iyon ay lumabas pa rin sa ika-36 na USC ang karakter ng pagiging watak-watak. Tila hindi

IBA’T IBANG KULAY NG PAGBABAGOPA GS I PAT S A I K A - 36 UN I V E R S I T Y S T U D EN T COUNC I L N G UN I B E RS I D A D N G P I L I P I N A S M AY N I L A

IPAGPATULOY SA PAHINA 09

JOLEEN AIRA RESTERIO ESTELLA, CHLOE PAULINE REYES GELERA AT LIEZL ANN DIMABUYU LANSANG

Page 7: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

CULTURE 07Volume 28 Number 15Thursday | April 16, 2015\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

It’s that time of the year again.

Hindi mo alam kung sa Divisoria ka nagpunta o sa UP Manila sa dami nang nagsilitawan na mga taong buong giting na bumabati at nagduldol sa mukha mo ng kanilang mga tinda – ah este, plataporma. Samu't-saring personalidad na naman ang naglilitawan ngayong panahon na ito — may ilang balat-sibuyas na makanti lang ay gagawin na itong malaking isyu, habang ang iba naman ay walang ginawa kung hindi maghanap o magtakip ng butas ng mga kandidatong manok nila. May ilan namang tila naglilibot lang – nagkikibit-balikat, nanonood lang, at walang pakialam.

Ang kulturang dala ng halalan ay ang dahilan kung bakit hinihintay ito buong taon. Madalas, ang pagsunod sa kulturang ito rin nagdidikta kung sino ang mananalo. UP Manila, maghanda na sa batuhan ng putik.

“ S p i e l a t P u b m a t ”

Buksan ang bintana at pakinggan ang iyong mga manliligaw; eleksyon na naman.

Hindi pa naman Halloween pero kay tindi na nilang magparamdam. Isang pikit lang ay lunod na agad ang newsfeed mo ng kanilang mga photoshopped na mukha, mga nagbabanguhang credentials, mga platapormang hitik sa adjectives, at iba’t ibang pubmat mula sa mukhang Word Art hanggang sa pinakamalupit.

Hindi tayo naglolokohan kapag sinabi nating iba’t iba ang pakulo tuwing pangangampanya. Ganoon kadesperado ang mga kandidato sa iyong matamis na boto. Maglalalaan sila ng oras para puntahan ka sa klase, nasa Pedro Gil ka man o Faura, at iabot ang kanilang kamay para iyong hawakan. May makikipagkamay kahit kakagaling lang sa ilong nila ang daliri, mayroong kumakanta, at mayroong magtatawag pa ng estudyante sa mga RTR.

Sa panahon ng pangangampanya sa unibersidad, hindi rin nawawala sa eksena ang mga black propaganda. Kaya't kung tatakbo ka naman sa eleksyon, at kung sa tingin mo’y hindi ka naman kagandahan o kagwapuhan, ihanda mo na ang iyong sarili – ang iyong mga “pagkukulang” ang sasamantalahin upang ikaw ay siraan sa eleksyon. Gagawin

nila ang lahat upang patunayan na ang mga “pagkukulang” mo ay nangangahulugang “kulang” din at baluktot ang iyong mga plataporma. Sa eleksyon, requirement din ang pagkakaroon ng mala-anghel na ugali. Nakakalungkot man isipin, bagama’t kritikal dapat ang mga estudyante ng UPM, may ilan pa ring lubos na naiimpluwensiyahan ng mga ganitong uri ng black propaganda.

Ngunit sabi nga nila, huwag magpapadala sa kilig mula sa dulas ng bibig. Katulad na lamang ng iyong pagkain ng prinitong manok, ang iyong pagkilatis sa kandidato ay hindi lamang dapat hanggang sa “balat.” Kailangan mong himayin ang “laman” ng isang kandidato – ang kanyang mga prinsipyo at paninindigan. At sa pamamagitan nito, malalaman mo kung hilaw o hinog ang isang kandidato o partidong iboboto mo.

Sa huli, ang katotohanan na iyong makakamit mula sa kritikal na pagsusuri ang siyang magpapalaya sa iyong kaisipan at sa mga kandidatong biktima ng mapanirang mga propaganda, at sa mga botanteng biktima ng matatamis na taglines.

“ T o p t h r e e t e x t m e s s a g e s ”

Sa ilang linggong pagkukumahog ng mga botante sa paghagilap ng konkretong impormasyon, madalas na ang one stop shop ng mga sariwang tsismis, tungkol sa mga kandidatong kanilang napupusuan ay ang mga entidad na humuhubog sa pagpapatakbo, at kultura ng eleksyon sa unibersidad.

Bago pa man magsimula ang mainit na campaign season, inaabangan ng lahat ang paglabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato na magmumula sa University Electoral Board (UEB), at College Electoral Board (CEB). Lahat ng batas na sinusunod ninoman sa eleksyon ay kanilang hawak, at sa kamay din ng mga batas na ito maglalaro ang bawat partido. Ngunit katuwang nito, ay ang kanilang responsibilidad na maging aktibong tagamasid at tagapagtupad ng mga batas na ito. Kaya't madalas hindi lamang ang mga kandidato ang minamatyagan tuwing eleksyon, kundi pati na rin ang kahandaan ng UEB at CEB na maaayos at mahigpit na gampanan ang kanilang trabaho,

Ang eleksyon rin ang tilaok ng manok na hudyat ng pagkabuhay ng pinaka-

notorious na kritiko ng mga kandidato: si UPM Heckler. Ihanda ang sarili sa “top three text messages”, na may tamang timpla ng insulto, hugot, at kritisismo sa credentials ng mga kandidatong tumatakbo. Sa pagpatok ng ganitong uri ng pagpapatamis ng eleksyon, may iba na ring naglitawang sumusubaybay sa bawat galaw ng eleksyon tulad na lamang ng Factcheck UPM at Newsroom UPM. Ang mga personalidad na ito ang hinihintay ng mga tao dahil na rin gusto nilang makita ang mga baho ng mga mala-anghel sa kampanya.

Manalo, matalo, boring, magulo man ang eleksyon, nariyan ang The Manila Collegian. Hawak ng MKule ang mga impormasyong galing mismo sa bibig ng mga kandidato, at mga impormasyong hinahabi mula sa pulso ng mga estudyante, upang makaggawa ng mga artikulong magpapamulat sa mga botante. Sa paglabas ng institusyon ng mga artikulong nagbibigay daan sa pagkatuto ng mga botante sa kritikal na pagboto ay siya ring paglabas ng panawagang maging mas matalas rito.

Ang bawat kritisismo ng mga institusyon at entidad na ito, ang bawat pagpuna, ang bawat paglalahad at pamamahala ng eleksyon, ay ang pagpapabigat ng timbang ng kahalagahan ng matalas na pagsusuring kinakailangan ng bawat isa sa sensitibong bahagi ng taong akademiko – isang bagay na ‘di matutumbasan ng kahit anong kalidad ng pakikinig lamang sa makukulay na RTR, at panonood sa mga campaign videos sa Internet.

“ G l i t c h e s ”

Nakaka-excite isiping matapos ang naging maiinit na Miting de Avance at Meet the Press, ay dumating na ang araw kung saan masasalin na sa mga boto ang panghuhusga sa mga kandidato batay sa kani-kanilang mga plataporma at paninindigan.

Ngunit ang pagiging kritikal, kung saan kilala ang mga Isko ay parang kilig – passing feeling lang din pala.

Aminin man o hindi, ang tingin sa mga taga-UP ay mas matalino o kritikal mamili ng mga lider na iboboto. Pero ang totoo, kahit nakalatag na sa harap lahat ng mga panig at kanilang mga plataporma upang tasahin, ay nahuhulog pa rin ang mga Isko at Iska sa bitag ng personality-based na pagboto imbes na platform-based.

Malaki ang impluwensya sa mga Isko ng katanyagan ng pangalan at/o partido ng mga kandidato, maging ang kani-kanilang mga panlabas na anyo. Minsan, mukha lamang ang puhunan ay mananalo pa rin; nasasantabi ang mga batayang credentials o kakayahang maglingkod ng isang kandidato.

Makikita rin ang sistema ng padrino sa UPM Eleksyon. Nariyan ang block-voting ng mga fraternity, sorority at iba-iba pang mga organisasyon ng mga estudyante na ikinakampanya ang kanilang mga manok. Maging ‘yung ibang mga kolehiyo, full-support sa mga kandidatong ka-kolehiyo nila.

Kahit mismong ang voters’ turn-out ng eleksyon sa pamantasan ay malaki ang sinasabi. Gaya ng sa national elections, namamalas rito na marami pa ring ang mga ‘di nakakaboto o ‘di talaga bumuboto. Marami ang hindi nakaka-ensayo o hindi talaga nag-eensayo ng kanilang mga karapatan sa pagboto, marahil dahil sa wala ring pagtitiwala sa kasalukuyang sistema ng halalan.

Sa huli, ang isa sana sa pinaka-epektibong armas ng mga estudyante para magkaroon ng kapangyarihan sa konseho ay nawawalan ng saysay sa iba’t ibang salik na kakabig sa landas ng kanilang mga kandidato.

“ D e l i c a d e z a ”

Tapos na ang mahigit isang linggong mala-karnabal na eleksyon sa unibersidad. Ngunit, brace yourselves, dahil ngayon pa lang magsisimula ang tunay na palabas – hanggang saan nga ba ang mararating ng boto ng UP Manila sa konsehong kanilang iniluklok sa puwesto?

May mga botong hanggang magagandang tagline lang ang inaabot – ito 'yung mga tipong nagtra-transform sa panibagong ugali 'yung kandidatong inihalal mo. Kung noong panahon ng eleksyon ay daig pa niya ang manliligaw na may pitumpu't-pitong kasalanan kung makalambing at maka-suyo, ngayon e halos hindi mo na siya mabati o malapitan man lang. Nang maluklok sa puwesto, tila ba nakalimutan na niyang utang niya sa mga estudyante ang kanyang pagkaluklok, at obligasyon niyang paglingkuran ang mga ito at ang taumbayan – hindi ang interes lamang ng kanyang partido.

Hanggang saan aabot ang boto mo, Isko?

IPAGPATULOY SA PAHINA 09

P a g t a n a w s a K u l t u r a n g E l e k s y o n s a U P M SEKSYON NG KULTURA

Page 8: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

08 FEATURES Volume 28 Number 15April 16, 2015 | Thursday

///////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

COLOSSAL CLASH FROM PAGE 12

composed of five councilors for health and environment, gender, student rights, sports and good governance and academics and research and student exchange, BIGKIS-UPM exudes excellence academically and aesthetically. From CAS, BIGKIS-UPM has Cyrene Manansala, Lance Estenar and Lawrence Fernando, along with Aaron Isidro and Raph Rodolfo from the College of Allied Medical Professions (CAMP) and College of Medicine respectively.

Under their campaign, the BIGKIS-UPM-led USC proposes a more consultative council towards the opinions of their constituents, anchored in the belief that failure to address the students will lead to failure as a council. With this, the candidates promote a council that is accountable, accessible and transparent, re-evaluating the technicalities within the council and introducing new committees that will cater to the needs of the students. The UP-centric campaigns and projects of BIGKIS-UPM seem to be their greatest asset in winning the election, with students primarily concerned with projects that will immediately address their needs.

Despite these straightforward changes, the Cayabyab-Yao tandem fails to address national and local issues that resonate outside the University. This is a contradiction to the party’s “Iskolar Para sa Bayan” trademark, which they claim as their form of giving back to the people, as the council fails to address the needs of the masses – they remain solely concerned with projects situated within the university and seemingly neglects the greater context. Past councils hailing from BIGKIS address issues through temporary solutions and various reforms, often bearing little to no changes in permanence. The challenge for BIGKIS-UPM remains the procedure to instill awareness and mobilize the students, as well as themselves, regarding different issues – may it be university-wide, local, or national.

Independent

Two female runners, both for slots as USC councilors are characterized by straight-arrow approaches and

innovative platforms. April Baldovino urges students to get real with their choice of councilors, and arrays projects, a huge margin of which revolves around the use of the internet and mass media influence. Baldovino’s weaknesses are that of her lack of transparency and concrete plan for the oppression of student’s rights, a facet all too important for the consideration of a USC councilor.

Cherry Lindayag, on the other hand, promises a council that will strive to unite, serve and catalyze. With conventions and assemblies lined up, as well as comprehensive watches on the issues of the Socialized Tuition System (STS) and the Student Academic Information System (SAIS), Lindayag offers an approach that ought to bring empirical results in record time. Lindayag’s barriers to victory are that of her pursuit to lead as a singleton, providing less traction for a unified approach.

What Baldovino and Lindayag may lack in their approach, they make up for substantiating their platforms and campaigns. Only their victory will tell if they have a greater similarity with one another and the ability to provide representation deserved by the students.

prognosIs

The jury has their work cut out for them, candidates all sharp and their cards in spades, with the jury to decide who is worthy to lead the student body of UP Manila to leaps and bounds of success and unity.

The standard bearers of both political parties stand on equal footing as all of them are relatively inexperienced in university student council work.

Manalo exceeds Cayabyab with regards to ranking in the Chairpersonship race as Manalo holds his experience as the incumbent College of Arts and Sciences Student Council (CASSC) Vice Chairperson handy. Because of his position, he has established himself as a leader in the most populous college—CAS. Manalo’s previous experience in council work gives him favorable odds against his opponent as

the latter has technically no experience in council activities. Cayabyab, on the other hand, fell victim to various intrigues as the University Electoral Board (UEB) pointed out violations of the 2015 Election Guidelines due to premature campaigning. A dent in her otherwise unwrinkled integrity as a leader, Cayabyab’s loss may further progress into a greater one, and lead to her losing more votes than anticipated. The violations of rules are grounds for disqualification which, if proven true, would lead to the ineligibility of her candidacy. Cayabyab, however, may see her light at the end of the tunnel in the support awarded to her by the students from the white colleges, most exuberantly from the College of Allied Medical Professions, a known blue-leaning college.

The race for the Vice Chairpersonship will be dictated by the exposure and appeal of the candidates to the students. Balahadia and Yao both come from the White Colleges. However, like Manalo, greater odds are in favor of Balahadia as it was established that students from College of Medicine support their own. Balahadia has proven herself reputable due to her leadership in the Pangkalusugang Lingkod Bayan of the College of Medicine. Moreover, her affiliation with A-K garners votes in the College of Arts and Sciences, a feat to be recognized. Yao banks on his home college – the College of Dentistry (CD). Yao’s influence on CD as the founder of the Confederation of Dentistry Students as well as his service in the college assures the support of CD towards him – painting it blue. However, like his running-mate Cayabyab, Yao’s campaign is laden with intrigues as his candidacy in last year’s USC elections ended in failure – gathering the lowest votes among the candidates last year. In retrospect, the GabCaf mobilization last February 2014 where Yao was one of the students who talked with the administration as representatives of the students, will affect negatively on his candidacy this year. Being branded as one of reasons on why the administration and the students had a miscommunication back then, the incident will haunt Yao as he vie for a post in the USC.

The recognized swing colleges in the university – College of Public Health (CPH), College of Nursing (CN), and College of Pharmacy (CP) may play a vital role more so than expected, as their deliberation to direct votes to either party can drastically change the outcome. All three colleges will be gathering votes directed to A-K and BIGKIS-UPM Standard Bearers. The largest number of votes from CAS and CM may favor the Manalo-Balahadia tandem, whereas for CAMP and CD, the Cayabyab-Yao tandem may prevail, and as for the remaining colleges – CPH, CN, and CP – votes will be divided but more likely will favor the Manalo-Balahadia tandem.

The USC councilors will once again be a mixed slate but will be spearheaded by either Merencilla from A-K due to her incumbency in the USC, or Rodolfo, credited to his academic excellence and good credentials. Acuesta, Omaga and Lindayag all lead a close battle, with the other councilors vying for the onus of service.

With the new breed of student leaders comes a new university student council, ripe for genuine change and the pursuit of victory.

The battle for a council that will truly represent the students and uphold their rights has begun. Propositions and promises are swords that clank on the ground, with the candidates relying on influence and credentials, their success banking on support and dependence.

The student body of UP Manila deserves a council that will do more than lead; it deserves a council that is veritably nationalistic and upholds the virtues exemplified by a unified front of Iskolars ng Bayan.

The battle commences, a blitzkrieg of politics in the battlefield, with the real fighters, the students. It is up to the superior number of UP Manila students to choose those who are truly worthy to serve, in order for the real victors to emerge glorious and able to fight for the rights of the Iskolars ng Bayan and the Filipino people in general.

Page 9: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

GRAPHICS 09Volume 28 Number 15Thursday | April 16, 2015\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

UPM NGA: MITING DE AVANCE JAMELA LIMABUAN BERNAS

MANG DENIS: NEGOSYO SA ELEKSYON JAZMINE CLAIRE MARTINEZ MABANSAGMay mga boto ring hanggang sa CV lamang ng nahalal umaabot – puhunan ay laway at salita, ngunit sa paggawa ng mga konkretong programa ay walang kusa. Pagkatapos ng eleksyon, tila nagkaroon na rin siya ng amnesia, at wala ni isang naisakatuparan sa kanyang mga pangako. Umasa na lang sa mga pinakatatanging volcorps at magagandang pubmats, at ibinatay sa bilang ng likes, shares at retweets ang uri ng pagsisilbi sa taumbayan. Kung gaano naman karami ang titik sa acronyms sa kanyang tagline, ay ganoon din kadami ang attendance niya sa general assemblies, at partisipasyon niya sa mga proyekto ng konseho.

Meron din namang mga botong nagiging "matingkad ang kulay" pagkatapos ng eleksyon. Kapag perfect combination ng magkakaibang partido ang konseho, asahan nang isa sa mga aasamin ng mga nanalo na maging tagumpay ay ang pagkakaisa. Ngunit, kadalasan, hindi pang-isang taon ang epekto ng "pagkakaisang" ito – ang institusyon sana para sa mga Iskolar ng Bayan, ay nagiging isang malaking makinarya lamang para sa pagsulong sa mga interes ng iba't-ibang partido.

Ngunit kahit madalas ay hindi nararating ng boto ng mga estudyante ang destinasyong kanilang inaasahang aabutan, ay hindi dapat ito maging dahilan para humina ang mas makapangyarihan pa sa boto na armas nila sa unibersidad: ang kanilang mga tapang, tatag, at paninidigan sa mga karapatan, para sa taumbayan.

Sa munting espasyong kinasasakupan ng mga nagnanais pumuwesto sa konseho, wala halos ipinagkaiba ang kalakarang ito sa pambansang eleksyon. Ang ingay tuwing kampanya ay tila numinipis sa panahong kailangan na ng masa ang gobyerno. Ang mga naka-ugat na suliranin ay nahahapyawan lang ng panandaliang amyenda. Ang matatamis na pangako ay binabasag ng manhid na mga pakiramdam. Natutulak ang ibang magsawa’t maubusan ng tiwala’t pasensya, o mas malala pa’y mawalan ng pakialam, dahil batid ng lahat na uulit din sa susunod na botohan ang pagpapasikat.

Kaya, kaakibat ng demokrasya ang pagkakataong tumimbang ng mga taong magsusulong ng pagbabago at hindi makasasagabal sa pagsulong ng mga dapat matamasa ng mga pinamumunuan nito. Dahil hindi lamang ang mga partido ang tumitingkad ang kulay tuwing panahon ng eleksyon -- ang pinaka-makulay na elemento ay nagningning mula sa boto ni Isko.

HANGGANG... MULA SA PAHINA 07

rin naiwasan ng konseho ang pag-usbong ng mga isyu ukol sa paparating na halalan. Nanggaling na mismo kay Councilor Iska Dalangin na may namuong tensiyon sa mga miyembro sa kanilang huling GA, na madali namang nawala nang malaman ng isa’t-isa na hindi na sila tatakbo sa susunod na halalan. Pinapatunayan nito na nananatiling bulnerable ang mga miyembro sa personal na pampolitikang hangarin sa loob ng konseho.

Bilang naging matunog ang pagkakani-kaniya ng nakaraang

IBA’T IBANG KULAY NG PAGBABAGO MULA SA PAHINA 06

USC, hindi maitatanggi na sadyang pinagsumikapan ng kasalukuyang konseho na makamtan ang pagkakaisa – na sa kabila ng ilang hindi pagkakatugma-tugma sa paniniwala ay pinilit pa rin nilang makapagbigay serbisyo nang matiwasay. Sa naging panunungkulan ng kasalukuyang USC, hinahamon ang susunod na mga miyembro ng konseho na buuin ang isang ganap na pagkakaisa – pagkakaisang hindi umiikot lamang sa mga personalidad, kung hindi para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral na dapat nilang pinagsisilbihan. Maliban dito, hinihimok rin ang susunod na

USC na palawakin pa ang pag-unawa nito ukol sa tungkuling dapat nitong gampanan.

Inaasahan sa susunod na USC na kanilang mauunawan na ang pagiging isang konseho ay hindi natatapos sa paglalatag nga mga proyekto para sa mga Iskolar ng Bayan, kung hindi ito ay nagpapatuloy din sa pagsisilbi sa mas malawak na hanay ng mga mamamayan sa labas ng pamantasan.

Page 10: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

10 OPINION Volume 28 Number 15April 16, 2015 | Thursday

///////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

PADAYON*TACHYCARDIAJennah Yelle Manato Mallari

U T A N G N A L O O B

BASAG-ULOLean Sandigan

Nakakasawa nang makarinig ng paulit-ulit na kalokohan niyo.

Lagi akong nag-aabang ng eleksiyon dito sa UP Manila. Sa likod ng mga pagtawa ko sa mga kandidatong napapahiya sa kanilang mga RTR, hanggang sa Miting de Avance, naroon ang pag-asa na magkaroon ng pagbabago mula sa pangangampanya ng mga kandidato. Pero wala eh, paulit-ulit akong umaasa, at paulit-ulit din akong nabibigo.

Para sa akin, walang kwenta ang eleksiyon sa UP Manila hanggat may mga balitang namura ang isang kandidato pagkatapos ay ilalagay sa social media, may mga traydor umano sa kani-kaniyang political party, may nga nahahati, may umaalis mula sa alyansa, may lumilipat ng kulay, at napakarami pang iba. Masaya, oo, ang ganitong mga eksena. Halatang-halata na gagawin ang lahat ng mga kandidato at political party na ito para lang manalo.

Kalokohan ang mga kwentong ito, totoo man o hindi. Bilang mga Iskolar ng Bayan, utang na loob naman, wika nga ng aking patnugot, itaas natin ang diskurso. Nakakarindi na ang pagiging iyakin ng mga politikong ito na masabihan lang ng kung ano ay magsisimula na ang away.

Panahon na rin siguro para itigil na ang paggamit ng social media para awayin ang kabilang panig, lalo na ang paggamit ng iba’t ibang anonymous accounts, o paggamit ng mga FB pages para usigin ang kalaban. Itinatago pa ng ilan ang kanilang mga sarili sa iba’t ibang codenames para lang hindi mapagbuntungan ng galit. Utang na loob naman. Alam na ng mga tao ang ganitong propaganda. Hindi lahat sa amin ay uto-uto.

Gaya ng sinabi ko, itaas ang diskurso.

Pag-usapan niyo ang mga bagay na tunay na mahalaga para sa mga naghihirap at inaapi nating mga kamag-aral at mga kababayan. Mabuting magdebate sa kung ano ang pinakamabisang paraan para makatulong sa kanila. Wala na dapat tayong panahon para mag-away sa mga mabababaw na pangyayari tuwing eleksiyon.

Labinlimang taon ang nakalipas, ang pinagdedebatihan ng mga lider estudyante sa eleksiyon ay kung sino ang tunay na aktibista, kung sino ang kayang ilunsad ang kampanya at pagkikilos para sa mga estudyante at mamamayan. Noon, hindi natatakot ang mga kandidato sa salitang aktibismo, pero ngayon, kung banggitin siya ng ilan ay akala mo kung anong dumi ito sa kanilang pagkatao.

Ang aktibismo, bukod sa pagiging mahusay at pagiging marangal ay ang tunay na nagpakilala ng UP sa kasaysayan. Huwag nating kalimutan ang aktibismo dahil lang sa galit tayo sa kabilang partido. Wag na nating lagyan pa ng ibang pakahulugan ang aktibismo kung hindi pag-aalay ng sarili sa bayan at ang masikhay na pakikipaglaban para sa isang makatarungang lipunan.

Utang na loob, ayusin niyo mga sarili niyo.

Napakabilis ng paglipas ng panahon.

Apat na taon na simula nang maging bahagi ako ng publikasyon. Apat na taon na akong nakikipaglaban para sa masa. Apat na taon ko nang pinaglilingkuran ang sambayan gamit ang aking panulat. Apat na taon na akong gumagawa ng mga alaala sa loob ng apat sa sulok ng ating opisina.

Apat na taon na rin simula nang makilala ko kayo.

Pare-pareho tayong freshie noon, nagmula sa iba’t ibang mga kurso pero pinagbuklod ng institusyong ating kinabibilangan. Naalala ko pa ang mga una nating tagpo – mga simpleng ngitian habang nasa mga miting, mga sandaling pag-uusap para matapos ang isang artikulo.

Masasabing “awkward” ang ating pagsasama noon. Tayo ay maingat sa presensya ng bawat isa – kalkulado ang bawat galaw at kilos. Hindi masyadong nag-uusap at madalas na nakakulong sa ating sari-sariling mga mundo. Sa kabila nito, sama-sama tayong hinubog ng publikasyon at kasabay nito – sa paglipas ng panahon – ay nakabuo tayo ng isang matibay na pagkakaibigan.

Hindi ko makakalimutan ang mga Press Work, mga Christmas party, at mga “walwal days” natin hindi lamang bilang mga manunulat at ilustrador kundi bilang magkakaibigan. Kung gaano tayo katindi magbiruan ay ganoon

din ang ating pag-aalala sa isa’t isa. Nakakatuwa na mula sa mga maiikling pag-uusap noon ay halos hindi na tayo mapaghiwalay ngayon. Nariyan ang mga pagkikita para lang mag-usap hinggil sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating mga buhay sa labas ng publikasyon. Mayroon ding mga pagkakataon na ang presensya ng bawat isa ay sapat nang interaksyon para sa araw na iyon.

Marami na tayong pinagdaanan sa loob at labas ng publikasyon, at sa lahat ng ito, tayo ay magkakasama.

Apat na taon na nga ang lumipas.

Nagpapasalamat ako sa inyo. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng aking mga pagkukulang, nariyan kayo upang patuloy akong suportahan. Nagpapasalamat ako dahil nariyan kayo para makinig sa lahat ng aking saloobin – kahit na ano pa man ito. Nagpapasalamat ako sa magagandang alaala na nagawa natin bilang magkakaibigan sa loob ng publikasyon. Nagpapasalamat ako dahil hindi tayo nanatiling magkakatrabaho lamang sa

isang institusyon, pinatuyan din natin na isa tayong pamilya na magkakaramay.

Ngayon, ako ay pansamantalang hihiwalay sa ating hanay sapagkat hindi pa tapos ang aking laban sa loob ng Unibersidad. Sa kabila ng kalungkutang ako ay maiiwan, isang hindi matatawarang saya ang aking nararamdaman para sa inyong nalalapit na pagtatapos. Isang panibagong laban – sa labas ng pamantasan – ang inyong haharapin at kahit na hindi ako kasama sa pagsugod sa bagong laban na ito, masaya ako dahil nakita ko ang inyong tagumpay sa loob ng Unibersidad. Masaya ako na kahit paano ay nakibahagi ako sa apat na taon niyong pananatili sa loob ng Unibersidad at ng institusyon.

Sa inyong pagtatapos, ipagpapatuloy at tatapusin ko rin ang aking laban. Tulad niyo, ang dedikasyon na aking ipapakita sa institusyon ay hindi magmamaliw. At tulad niyo, darating din ang panahon kung saan susugod din ako sa isang panibagong laban sa aking buhay. Sa pagdating ng araw na ito, umaasa ko na muling magtatagpo ang ating mga landas – tayo, tulad ng dati ay sama-samang haharapin ang landas na nasa ating harapan.

Padayon, aking mga kaibigan.

* Para kina Gelo, Lizette, at Ron. Hindi sapat ang mga salita para maipakita ko kung gaano ako kasaya para sa inyo.

HOURGLASSAPERTUREJenny Mary Camama Dagun

May mga panahong hindi mo na mabilang kung ilang gabi kang

hindi makatulog habang nakatitig sa kisame. Gusto mong umiyak pero hindi mo magawa.

May mga panahong sa dinami-dami ng “konti na lang” na nasambit mo’y bigla kang mapapaisip kung konti pa bang matatawag iyon. May mga panahong pagod na pagod ka na sa paulit-ulit na nangyayari sa iyo at sa mga ginagawa mo kung kaya’t tinatanong mo ang sarili mo kung may patutunguhan pa ba ang lahat, mga panahong maiisip mo kung tama ba ang mga naging desisyon mo. Napakahirap na makulong sa kaisipang wala ka din namang mapapala.

Ito iyong mga panahong gusto mong tumakas sa katotohanan, tumakbo mula sa mga responsibilidad, humanap ng kaunting panahong mailalaan para sa sarili. Maaaring sa maikling mga pagkakataon. Maaari din namang sa mahaba-habang panahon.

Para kang nasa limbo.

Patuloy na nakatingin sa malayo, nagmumuni-muni, nabubuhay sa nakaraan — sa nakalipas. Sa panahong hindi mo na kayang balikan at mga desisyong hindi na pwedeng palitan.

May mga panahon namang nakatingin ka nga sa harap, kung minsan ay

lumilingon pa sa mga nadaanan ngunit kailan mo naisipang tumingin sa iyong dinadaanan? Sa kasalukuyan? Kung kailan nadapa kang muli dahil hindi mo napansin ang bato sa daan? At pagkagayon ay muli kang titingin sa iyong likuran at magkakamot ng ulo, “Hindi ko napansin yung bato.” Paano

mo nga naman mapapansin kung abala ka sa pagtingin sa malayo?

Nakakulong na lamang sa mga katagang, “Paano kaya kung…” o kaya sa pag-iisip kung gaanong katotoo na nasa huli ang pagsisisi. Nakakulong sa mga pangyayari sa nakaraan o di kaya’y nag-aalala sa magiging bukas.

Pero ang mga bagay na ito’y wala sa ating mga kamay, wala sa ating kontrol, katulad na lamang ng mga nakapaligid sa atin na hindi naman natin hawak. Pero alam mo kung ano ang kaya mong baguhin? Ang ngayon. May magagawa ka naman, may sagot sa iyong mga katanungan. Kung paano mo gagamitin ang mga iyon ay nasa iyo na.

Sa huli, ikaw lang din naman ang makakatulong sa iyo. Walang mabulaklak na salita mula sa kaibigan mo ang makakapagpakita sa iyo ng ayaw mong makita. Minsan, hindi mo naman kailangang layuan ang iyong pagtitig. Minsan, nariyan lang naman ang kasagutan sa iyong mga kamay, hindi mo lang napapansin.

“SA PAGDATING NG ARAW NA ITO, UMAASA KO NA MULING MAGTATAGPO ANG ATING MGA LANDAS – TAYO, TULAD NG DATI AY SAMA-SAMANG HAHARAPIN ANG LANDAS NA NASA ATING HARAPAN.

“MAY MAGAGAWA KA NAMAN, MAY SAGOT SA IYONG MGA KATANUNGAN. KUNG PAANO MO GAGAMITIN ANG MGA IYON AY NASA IYO NA.

Page 11: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

EDITORIAL 11Volume 28 Number 15Thursday | April 16, 2015\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\

NGAYONG HALALAN, HIGIT NA KAILANGANG MAKITA ANG MGA

PLATAPORMA AT PANININDIGANG TUNAY NA MAGPAPAUNLAD SA PAMANTASAN, MULA ROON SA MGA MANANATILI LAMANG SA PAPEL.

Sa pagpataw ng pamantasan ng Academic Calendar Shift, nailipat ngayong buwan ng Abril ang pinakahihintay na eleksiyon para sa mga susunod na mamumuno sa iba’t ibang konseho. Humarap ang mga kandidato at ang mga Iskolar ng Bayan sa tila mas maikling panahon ng pangangampanya, isang importanteng pagkakataon para lubos na makilatis ng mga elektor ang mga kandidato.

Ang pagbabago ng iskedyul ng pangangampanya ay may idinulot na pagbabago sa halalan, subalit ang pagbabagong hatid nito sa kabuuang pagpili ng mga susunod na lider estudyanteng mamumuno ng mga konseho sa pamantasan ay wala pang kasiguraduhan. Sa mga nakaraang araw, halos kawangis pa rin ng mga nakaraang taon ang mga pakulo ng mga tumatakbo. Ang bawat panig ay hindi pa rin tumitigil sa pagbutas ng mga layag ng kabilang barko sa pamamagitan ng paglalabas ng kontrobersiya, nakalapat man sa katotohanan o hindi.

Subalit hindi lang mga paninira ang patuloy na lumalabas tuwing eleksiyon dahil patuloy na ikinakabit sa kampanya ang iba’t ibang pakulo ng bawat political party o kandidato. Ang mga palamuti at matutunog na salita sana ay hindi masamang taktika, subalit tila napapalitan na ng nakaririnding tunog at nakabubulag na kislap ang tnay na esensiya ng pangangampanya at eleksyon — ang makita ang tunay na magsisilbi at mamumuno nang may linya at sikhay.

Kasabay ng matagal nang mga gawain tuwing eleksiyon ay ang pagbabagong hatid naman ng mga tumatakbo ngayong taon. Ang mga bagong kandidato ay sinabayan ng mga bagong pagkakataon, ngunit madalas ay nasa ilalim pa rin ng mga lumang iskema ng pangangampanya. Maraming mga proyekto ang dumaan lamang ulit sa mga bagong pangalan. Umaalingasaw pa rin ang mabahong kasaysayan ng pagpapaasa sa mga proyektong ginagamit lamang para humatak ng boto sa simula ngunit tuluyan namang iiwan kapag nasa puwesto na.

Sa pananatili ng ganitong sistema tuwing eleksiyon, mananatili ring biktima ang mga Iskolar ng Bayan at ang sambayanan, lalo kung hindi mahahalal ang tunay na maghahatid ng pagbabagong nakalapat sa realidad ng lipunang ginagalawan nila.

Mahalagang mailayo ng mga Iskolar ng Bayan mula sa anomang tyansa ng pagkapanalo ang mga kandidatong inihahalo ang lamang ang proyekto sa malalabong salita at paninindigan. Sa pagbabaliktanaw, maaalalang walang naidulot na kabutihan ang paghalal sa isang reaksyunaryong pinuno na hindi kayang maglagay ng linya sa pagitan niya at ng isang isyung dapat bakahin.

Hindi rin kailangan ng pamantasan ang mga pinunong ang kaya lamang ihatid ay

mga proyektong nakalapat sa Internet. Upang mas makapagsilbi at mapulsohan ang tunay na hinaing ng mga estudyante, at upang masiguradong sasama at kikilos ang madla at manindigan, kailangang makita at maramdaman ang pinuno, may akses man sa Internet o wala ang isang nasasakupan nito. Hindi natatapos ang konkretong aksyon sa paggawa ng infographic at anomang position paper dahil ang pinakamataas na hamon ay ipaintindi at pakilusin ang mas malawak na hanay ng mga kritikal at progresibong mag-aaral.

Dapat maging mapagmatyag din ang mga Iskolar ng Bayan sa mga kandidatong

kaya lamang ipagpatuloy ang proyekto at laban ilang buwan matapos manalo sa eleksyon at babalik na lang tuwing malapit na ang halalan. Ang mga ningas-kugon ay hindi sapat upang paigtingin ang apoy ng pagsisilbi sa mas maraming Pilipino. Ang dapat ihalal ay ang mga kandidatong gagalaw nang may katuturan buong taon. Ang kailangan ng pamantasan at ng bayan ay ang isang konsehong nararamdaman buong taon sa patuloy nitong pakikipaglaban para sa karapatan ng mga estudyante at mga mamamayan — malayo sa mga kandidatong dumadalo lamang sa isang komunidad o pangyayari upang makuhanan ng larawan.

Ilang beses na ring binigo ang mga Iskolar

ng Bayan ng mga kandidatong puhunan lamang ang personalidad tuwing halalan. Hindi nakakapagdala ng pagbabago ang mga maaamong mukha, higit lalo kung ito ay walang kaalaman tungkol sa tunay na pagdurusa ng mamamayang Pilipino. Walang personalidad na kailangan ang isang bayang naghihirap kung hindi ang pinunong may prinsipyong mag-aangat sa api mula sa kanilang kinasasadlakang kalagayan.

Ang pagboto ng mga Iskolar ng Bayan ay dapat sumalamin sa kritikal na karakter ng mga mag-aaral sa pamantasan — isang pagboto na malayo sa kung sino ang magaling lang sa salita at propaganda.

Ang hamon para sa mga nagnanais pamunuan ang pamantasan ay ang pakilusin ang mga Iskolar ng Bayan tungo sa tunay nitong mandato — ang magsimula ng panlipunang pagbabago kung saan mas lumulubog sa masa at mas nakapaghahatid ang kabataan ng mga solusyong magtatagal.

Higit kailanman, ang eleksiyon ay panahon kung kailan mas nililinaw sa mga estudyante ang mga isyu ng pamantasan at bansa, kasama ang mga magiging tugon dito hindi lang bilang mga Iskolar ng Bayan, kung hindi bilang mga mamamayang naaapi at nahihirapan sa isang bulok na sistema.

Halalan

JOSE PAOLO BERMUDEZ REYES

EDITOR-IN-CHIEFAngelo Dennis Aligaga Agdeppa

ASSOCIATE EDITOR FOR INTERNAL AFFAIRSPatrick Jacob Laxamana Liwag

ASSOCIATE EDITOR FOR EXTERNAL AFFAIRSElizabeth Danielle Quiñones Fodulla

MANAGING EDITORCarlo Rey Resureccion Martinez

ASSISTANT MANAGING EDITORJennah Yelle Manato Mallari

NEWS EDITOR Ronilo Raymundo Mesa

FEATURES EDITORAngelica Natividad Reyes

CULTURE EDITORJamilah Paola dela Cruz Laguardia

GRAPHICS EDITORLizette Joan Campaña Daluz

NEWS CORRESPONDENTSEzra Kristina Ostaya Bayalan

Adolf Enrique Santos GonzalesEunice Biñas Hechanova

Gayle Calianga Reyna

FEATURES CORRESPONDENTSLiezl Ann Dimabuyu Lansang

CULTURE CORRESPONDENTSJose Lorenzo Querol Lanuza

Thalia Real Villela

RESIDENT ILLUSTRATORSDaniel John Galinato Estember

Princess Pauline Cervantes HablaJoanne Pauline Ramos Santos

RESIDENT PHOTOJOURNALISTJenny Mary Camama Dagun

OFFICE4th Floor Student Center Building,

University of the Philippines Manila,Padre Faura St. corner Ma. Orosa St.,

Ermita, Manila 1000

[email protected]

WEBSITESissuu.com/manilacollegian

www.facebook.com/themanilacollegianwww.twitter.com/mkule

themanilacollegian.tumblr.com

MEMBER

Illustration by Michael Lorenz Dumalaog Raymundo

The Cover

College Editors Guild of the Philippines

Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications

and Writers’ OrganizationsANG HAMON PARA SA MGA NAGNANAIS PAMUNUAN ANG

PAMANTASAN AY ANG PAKILUSIN ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN TUNGO SA TUNAY NITONG MANDATO — ANG

MAGSIMULA NG PANLIPUNANG PAGBABAGO KUNG SAAN MAS LUMULUBOG SA MASA AT MAS NAKAPAGHAHATID

ANG KABATAAN NG MGA SOLUSYONG MAGTATAGAL.

Page 12: The Manila Collegian Volume 28 Number 15 | Pre-Election Issue

A battlefield stained with blood and slung with mud hosts yet another tournament, a clash of colors and interspersed differences as individuals compete for the honor and onus of representing a diverse student body. The battle begins, and the onlookers expectedly wait until the witching hour, that is the election.

New tactics and strategies are laid out as the shift in the time, delivered by the academic calendar shift, brings upon a greater challenge and more extraneous problems to bring resolutions forth to. The ground has shifted to one that is unfamiliar and startlingly new, devoid of the retrograde know-how and ideologies.

Those set out for battle are composed of novices and virtuosos in the game, all bearing the standard fare of flamboyant rhetoric and propositions laden with hope. The battle begins with a loud call, a bellow to bring forth the resolutions needed by the Iskolars ng Bayan.

AsAp-KAtIpunAn

For the past two years, the Alternative Students’ Alliance for Progress – Katipunan ng mga Progresibong Mag-aaral ng Bayan (A-K) copped the USC Chairpersonship. Despite the bumps during the sail of the Zubiri-led council for the Academic Year 2012-2013, the incumbent leadership of USC Chairperson Carlo Lorenzo for this academic year is seen to have great influences on the party’s anticipated dominance in this year’s election. Both former leaders’ terms have set a silver standard of dynamic leadership, a hard line to follow for the chair to be elected.

With the tandem of a student from the College of Arts and Sciences (CAS) and one from the College of Medicine (CM), A-K continues the fight with councilors as equally varied and differentiated as it suits the leaders. For the representation in the culture and arts, gender, health and environment, people’s struggle and sports and wellness, A-K presents Marj Acuesta, Micahella Merencilla, Gil Catalan, Alfe Omaga and Howell Villacrucis, respectively. Acuesta, Omaga and Villacrucis all hail from CAS, whereas Merencilla comes from the College of Nursing (CN) and Catalan from the

College of Public Health (CPH). The platforms draw inspiration from those presented by their predecessors, and the councilor’s stratagems are shown via their appeal to the most pressing issues and concerns of the students.

The principles of A-K remain true and loyal, their militant stand towards university and national issues still unfaltering. A-K reinstates the battle to be fought, the standard bearers Cid Ryan Manalo and Ana Pholyn Balahadia laying out their manifesto with brevity. With a demand to level up the fight for genuine change and progress, Manalo and Balahadia strive to focus on addressing issues that perturb the health and education sectors in connection to their implications and repercussion towards the university. In line with this, they aim to be consultative towards the needs of the students as they continue to assert students’ rights .The A-K Standard Bearers bring with them the promise of approach with and for collective action, along with the militancy against the deprivation and repression of rights. The ideology of concrete and long-term changes within the grounds of the university as well as beyond it proves to be effective, as support comes in steadily with great regard for their principles.

However, A-K’s increasing record of battles fought and won, as well as continual victories in leading the students towards a common goal, is seemingly not sufficient to ensure a surefire win or a boost against the enemy. Their evident lack of a structured plan, vis-a-vis that of the opponent’s, may cost them a greater price in votes than what they had anticipated. Conversely, A-K may be weighed down by the same principles that they firmly present. The demands of militant activism spearheaded by the party causes the leaning of majority of the students towards the other party’s brand of activism. Due to the misconceptions that are often tagged to activists and red-leaning leaders alike, A-K’s downfall may be brought upon by the current of negativity intertwine with insurgency against the norm. For this year’s election, A-K needs to go beyond this stumbling block in order to ensure the superiority of the party over the opponent. A-K’s brocade of results that come in the long-run faces the possibility of unraveling, as

COLOSSALCLASHT H E 2 0 1 5 U N I V E R S I T Y O F T H E P H I L I P P I N E S M A N I L A

S T U D E N T C O U N C I L E L E C T I O N S THE FEATURES TEAM

CONTINUED ON PAGE 08

credited in the growing individualism and changing demographics of students in the university. Where students are bound to demand long-term solutions in fortnights, A-K fails to deliver steadily. The challenge presents itself by the timeframe with the probable result of A-K facing the bitter reality of interspersed seeds in a field that demands a short-period of sowing and an even shorter period of blossoming.

The candidates from the party known to lead frontiers and face challenges head on are less grounded on surety yet braggarts regarding their prospective projects and visions for the university and its encompass. A single thing is for sure, however: that if A-K were to lead the student council again, its leadership will not be far different from its predecessors.

BIgKIs-upM

Bigkis ng mga Iskolar Para sa Bayan Tungo sa Makabuluhang Pagbabago-UP Manila (BIGKIS-UPM) is a party known to brand themselves as five-star leaders who uphold the principle of multi-perspective activism, a form of activism that congregates various opinions from their constituents. For BIGKIS, an efficient leadership may be singled out and anchored on diplomacy achieved through a bureaucratic, less militant approach. Since two years’ time, the party’s primary goal was to establish a united university with a united university student council. However, changes present themselves for this year’s election, with the political party found restructuring their branding and plans of action due to the ineffectiveness of their past campaigns in grabbing the upper seats in the council. For this elections, BIGKIS-UPM chose to address those who form the unified party they sought, those who bear the greatest brunt and those who are primarily oppressed—the Iskolars ng Bayan themselves.

In order to reclaim the party’s former glory, BIGKIS brings forth the marquee of YOUsc: A.T.I.N. ang Konseho. YOUsc marks the campaign of this year’s BIGKIS-UPM standard bearers, led by Hanna Thea Cayabyab and Charles Kenneth Yao, running for chair and vice-chair, respectively. With their council