tetragrammaton

Upload: lemuel-condes

Post on 13-Oct-2015

54 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

YHWH

TRANSCRIPT

Tetragrammaton

Tetragrammaton (oTetragramsa anyong pinaiksi) ang tawag sa apat na katinig na Hebreo () na tumutukoy sa pangalan ng Diyos ng mga Israelita at Kristiyano. Sa alpabetong Hebreo, ito angYOD(),HE(),WAW(), atHE(); sa alpabetong Romano naman, ito angY,H,V, atH. Noong panahon ng mga Romano, ang tunog ngJatVay katulad ngYatWsa kasalukuyang wikang Tagalog, kaya't karaniwang nakikita ang Jehovah (Jehovanaman sa Tagalog) sa mga salin ngBibliana nakabatay sa Latin o kaya naman sa mga anak na wika nito, tulad ngKastila,Italyano, atPranses, imbis naYahweh. Matagal nang inaakalang hindi ginamit ang Tetragrammaton saSeptuaginta, ang Griegong salin ngHebreong Kasulatano Lumang Tipan. Dahil dito, maraming nasa paniniwala na hindi ginamit ng mga Kristiyanong nagsulat saBagong Tipanang banal na pangalan nang nagsisipi sila mula sa Kasulatang Hebreo.

Nguni't pinatutunayan ng maraming katibayang natuklasan sa loob ng nakaraang kulang-kulang na dantaon na lumitaw nga sa Septuaginta ang pangalang YHWH. Ayon sa isang bukal ng impormasyon, dahil sa kanilang matinding hangad na panatilihing tiyak ang banal na pangalan ng Diyos, kinopya na lang nang tuwiran ng mgaHelenistikong Hudyoang Tetragrammaton nang isinasalin nila ang Bibliang Hebreo sa wikang Griyego. Ito ay kumbaga sa paggamit ng mgaIntsikna karakter mismo kung nais ng mga nagtatagalog na gamitin ang mga hiram na salitang Intsik, tulad ngsiyopaw,tikoy, atdiko, sa kanilang mga sulat.

May natuklasang fragmento sa Oxyrhynchus,Ehipto, na kilala sa bilang 3522. Mula pa raw sa unang dataon pagkatapos ipinanganak siKristoang fragmento, at ang sukat nito ay 2.5 pulgada (7 sentimetro) ang lapad at 5 pulgada (10.5 sentimetro) ang haba. Nakasulat dito ang tekstong Job 42:11,12 at nasa Hebreong titik mismo ang pangalan ng Diyos.

Ginamit ba ang Tetragrammaton sa mga unang manuskrito ng Kasulatang Griyego ng mga Kristiyano? Ayon sa iskolar na si George Howard, sigurado ang sagot sa tanong na ito. Dahil daw nakatala sa alpabetong Hebreo ang banal na pangalan sa Septuaginta (ang pangunahing Kasulatan ng papausbong pa lamang na Simbahang Kristiyano), malamang at kapani-paniwalang ituring na, nang nagsisipi ang mga nagsulat sa Griyegong Bagong Tipan, pinanatili rin nila ang Tetragrammaton sa kanilang mga akda. Sa katotohanan, may Bibliyang nasa wikang Griyego na pinalayawan ngBibliyang Pipidahil sa paggamit nito ng Tetragrammaton. Sa mata ng mga mambabasang hindi bihasa sa wikang Hebreo, parang letrangPI() ng Griyego angHE() ng Hebreo at parangIOTA() ng Griyego angWAW() atYOD() ng Hebreo. Kapag "binasa" ang YHWH sa paraang Griyego, "pipi" ang labas ng pagbigkas (ikumpara angsa). Pagkatapos lamang daw kopyahin ang mga akdang ito na napalitan ang YHWH ng ibang salitang Griyego, tulad ngkyrios(panginoon) otheos(diyos).

Kapansin-pansin, ang ilang mga tagapagsalin ng Bibliya ay nakadama na ipinagkait ng sinaunang mga tagakopya ang sustansiya at kahalagahan ng Tetragrammaton sa mga mambabasa at hindi sila sumang-ayon sa ginawa ng mga ito. Kung kaya't nang isalin nila ang Bibilya mula sa sinaunang mga manuskrito (na kakikitaan ng paglitaw ng Tetragrammaton), may kombiksiyon nilang isinauli sa wastong kinalalagyan nito ang Tetragrammaton. Ang ilang kilalang salin ng Bibliya na nagpanumbalik sa banal na pangalan ay angAmerican Standard Version,Young's Literal Translation,King James Version,Inspired Version of the Bible,Geneva Bible,Bishop's Bible,Webster Bible,Darby Bible,New World Translation of the Holy Scriptures, atThe Recovery Version. AngEnglish Standard Versionnaman ay bumalik saJehovahoYHWHsa talababa (footnote) na lamang (Ex 6:3, Ps 83:18).

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedyahttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tetragrammaton