termpaper renewwww

Download TermPaper RENEWWWW

Post on 20-Oct-2015

367 views

Category:

Documents

10 download

Embed Size (px)

DESCRIPTION

katangian na dapat taglayin ng mga kabataan ngayon upang tawaging pagasa ng bayan

TRANSCRIPT

I. PanimulaA. Saligan ng Pagaaral Ang matatalinhagang salita ay nagmula sa ating mga ninuno na mapahanggang ngayon itoy ating ginagamit. Sa paggamit nito maipapakita ang isang matalino at mapanuring paglalahad ng isang damdaming iyong ipapakita sa iyong kapwa. Ito ay matatawag na isang malawak at pinakamataas na uri ng mga salita sapagkat kakaiba ito sa paraan na binibigyan nito ng isang matinding paglalahad ang isang damdamin. Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang damdamin na gusto ipahiwatig. Pagibig, kasiyahan, pagkatakot, pagkalumbay, at pananabik ay mas mailalahad ng mabuti kapag ginamitan o hinaluan ng mga matatalinhagang salita sa pasalita man o pasulat dahil ang mga matatalinhagang salita ay nagbibigay ng isang malakas at kapana-panabik na pahiwatig at kasabihan. Ang pagbibigay halaga sa pagaaral na ito ay ating masasaksihan ang tunay na halaga ng mga matatalinhagang salita sa ating lipunan. Gaano man kahirap arukin ang mga salitang ito hindi pa rin mawawala ang pagkasining na inilapat sa isang sulatin ng isang akda. At higit sa lahat ang pagaaral na aking gagawin ay siyang maghahatid ng mga katotohanan na ating nasasaksihan sa kasalukuyan, katotohanan na siyang magiging paraan upang magkaroon ng halaga ang mga matatalinhagang salita sa ating inang bayan.B. Layunin1. Pagunawa sa mga matatalinhagang salita bilang paglalahad ng isang matinding damdamin.2. Pagtalakay sa kahalagahan ng matatalinhagang salita sa kasalukuyan.3. Paghahambing ng mga kaibahan sa paglalahad ng kanyang nais ipahiwatig sa wikang Ingles at sa wikang Filipino na may matatalinhagang salita.4. Pagbibigay ng mga halimbawa sa maaaring idulot ng matatalinhagang salita sa kaisipan ng bawat Pilipino.5. Paggawa ng isang malinaw at maayos na impormasyon ukol sa pamagat na aking ibinigay.III. Paglalahad ng Suliranin Ang pagunawa sa mga matatalinhagang salita ay napakahirap sapagkat itoy napakalawak at napakalalim. Hindi mo ba naisip na maraming Pilipino na halos kabataan ay hirap na hirap sa pagunawa sa mga salitang ito? Itoy nanggaling sa ating mga kaninu-ninuan na dapat pinapahalagahan natin mapa-hanggang ngayon sa kasulukuyan. Bilang isang magaaral sa isang pribadong paaralan, nararanasan ko rin ang mga ganitong suliranin na halos kapag akoy nagbabasa ng mga nobelat pahayagan. Oo ngat mahirap unawain ang mga ito pero sa pamamagitan nito naipapakita nito ang kahalagahan n gating mga isinusulat sapagkat pinapalawak nito ang nais nating sabihin at itoy mas nagiging makabuluhan at masining na sulatin. Ngunit hindi lang diyan ang gusto kong iparating. Ano nga ba ang kaibahan ng wikang Ingles sa ating sariling wika? Masasabi ko na ang kanilang kaibahan ay kung paano makakapukaw ng damdamin n gating mga kapwa na sa pamamagitan ng mga matatalinhagang salita mararamdaman nila ng lubusan at wagas ang mga kahulugan nito. Isa sa mga suliranin na ating kinakharap ay kung paano natin palalawakin an gating mga isipat damdamin sa pagsusuri sa mga matatalinhagang salita. Hindi bat mas mainam at nakakaantig sa ating mga puso kapag tayop ay nakakabasa at nakakarinig ng mga matatalinhagang salita sapagkat pinapkita nito ang isang tunay na makadiwang Pilipino.IV. Kahalagahan ng Pagaaral Masasabi ko na bilang isang kabataan, ang mga matatalinhagang salita ay isang mahiwaga sapagkat itoy nagbibigay ng isang matinding damdamin na inilalahad ng isang mahusay na tao. Sa paglalahad ng mga ito, mas bukal sa ating kalooban at tagos sa ating mga puso ang kahit na anong linya at kasabihan ang nakalahad sa alinmang libro o sulatin. Kahit na anong, damdamin kapag itoy hinaluan ng mga matatalinhagang salita, itinatatak nito sa ating pusot isipan ang isang Malaya at makadiwang pamamahayag. Halimbawa ng kasabihang ito, Pag-ibig anilay bulag ang kahambing, Hindi nakakikilala ng pangit at matsing, At kahit pa nga magdildil ng asin, Duling na sa gutom, maligaya pa rin! na aking nakuha sa 1 corinto 13:4 ay nagpapahiwatig na bulag ang pagibig dahil sa itsura lamang nakikinabang ang mga tao. Hindi nila binibigyang importansya ang kahalagahan ng ugali na mayroon sa ibang kapwa. Halimbawa na lamang ng aking ibinigay na pahayag, ang paggamit ng matatalinhagang salita ay matatawag na henyong paglalahad sapagkat pinalalalim nito ang kahulugan ng bawat kasabihan. Isa pang halimbawa, ang salitang I Love You sa Ingles, kapag itoy isinalin sa wikang Filipino ito ay Mahal Kita , masasabi mo ban a mas tagos sa puso ang salitang I Love You kaysa sa salitang Mahal Kita ? Para sa isang Pilipinong katulad ko masasabi ko na ang salitang Mahal Kita ay nagiiwan ng isang matalinot makadamdamin na salita. Kapag tayo ay sinabihan ng I Love You para sa atin, parang wala na itong masyadong dating o walang gaanong kahalaga ang salitang ito sapagkat itoy araw araw na lang nating naririnig sa tuwina. Pero kapag ikay sinabihan ng iyong mahal na Lubos kitang minamahal aking pagsinta , Hindi bat parang gusto mo na siyang sagutin ng mahiwaga mong OO sapagkat nakaramdam ka ng isang damdamin na nagmula sa kanyang tapat at totoong pagtingin sa iyo. Ang kahulugan nito ay iniibig ka niyang talaga at wala ng iba pa. Kay tamis nga naman kase kapag ikay sinabihan ng ganoon mula sa nagmamahal sa iyo, hindi ba? Para sa aking konklusyon, ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ay inaakit ang iyong kaluluwat isipan sa pagunawa sa mga salitang ito sapagkat ito ay isang kayamanan na hindi mawawala ng sinuman. Isang kayamanan na dapat pahalagahan hanggang sa kasulukuyan sapagkat itoy itinuro n gating mga ninuno na dapat nating mapaningning sa kalawakan. Kaya ang mga matatalinhagang salita ay mga salita na ma malalim na ugat sapagkat itoy nagbibigay ng isang malakas at makapangyarihan na pahiwatig para sa iyong kapwa.

II. Kaugnay na pagaaral Ang isangsawikainoidyomaay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal - sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.Ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ay nakapagpapayaman sa iyong talasalitaan. Ngunit kung kukunin ang literal na kahulugan nito ay kalimitang nagiging katawa-tawa ang resulta. Kaugnay sa pagpapalawak ng mga damdamin sa isang sulatin ang tayutay. Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin. Maraming manunulat ang gumagamit ng mga ganito salita upang maipahayag nila ang tunay nilang nararamdaman para sa ating mga Pilipino. Halimbawa na lamang ng tulang sa aking mga kababata ni Jose Rizal. Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang salita nati'y huwad din sa iba, na may alfabeto at sariling letra, na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa, ang lunday sa lawa noong dakong una. Bakit inihambing ni Rizal sa malansang ang isda ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika? Tulad ng isda na nabubuhay lamang sa tubig na tunay niyang mundo, ang taong hindi nagmamahal sa sariling wika ay nabubuhay sa isang mundong hindi kanya at hiniram lamang. Dahil dito, siya ay parang isda na napakalansa ng amoy kapag inalis sa "freezer". Maipapakita dito ang isang tunay na Pilipino na nagmamahal sa kayang sariling wika. Higit na napalawak ang tulang ito na sinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa paggamit ng mga matatalinhagang salita na nagbigay linaw para sa bawat Pilipino sa ating bansa. Halimbawa pa sa aking nakalap sa internet, Isa si Martin Luther King Jr. sa mga makatang manunulat sa ating mundo. Ang kanyang mensahe na I have a dream noong August 28, 1963, Martin Luther King, Jr. led a march on Washington, D.C. The speech he gave that day is one of the best known in American history. When people remember the I Have a Dream speech, as it has come to be known, they recall Kings message about civil rights. But perhaps the reason it is so memorable is because King was a master of literary and rhetorical devices. His word choice matched the strength of his message. I say to you today, my friends, even though we face the difficulties of today and tomorrow, I still have a dream. It is a dream deeply rooted in the American Dream. I have a dream that one day this nation will rise up and live out the true meaning of its creed: "We hold these truths to be self-evident; that all men are created equal, I have a dream that my four little children will one day live in a nation where they will not be judged by the color of their skin but by the content of their character, Free at last! Free at last! Thank God almighty, we are free at last!. Maipapakita rito ang isang taong lubos na nagmamahal sa kanyang bayang sinilangan. Gamit ang mga salita na nagpapahayag ng isang matinding emosyon, maipapahiwatig nito para sa mga tagapakinig ang isang makadamdamin at totoong pagpapahayag ng kayang nakikita, naoobserbahan, at nararamdaman sa kanyang baying ginagalawan. Isa pa ay ang tula na Invictus ni William Ernest Henley na aking nakalap sa librong Proficiency In English ni Dela Cruz at iba pang akda. Out of the night that covers me, Black as the pit from pole to pole, I thank whatever gods may be, for my unconquerable soul. It matters not how strait the gate, How charged with punishment the scroll, I am the master of my fate, I am the captain of my soul. Maraming matatalinhagang salita ang ginamit ni Henley sa tulang ito na magpapahayag ng kanyang matinding nararamdaman para sa mga taong makakabasa ng kanyang tula. Nakasaad dito na kahit anumang problema na dumating sa atin dapat maging matatag tayo na harapin ang lahat ng ito at huwag tayong mawalang ng pagasa sapagkat nandiyan ang Diyos sa atin na nagbabatay upang tulungan tayo sa lahat ng masama. Talagang magiging mak

Recommended

View more >