tatag ng wikang filipino

2
TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA- PILIPINO Wikang Pambansa, Wikang Filipino, Wika ng magigiting na lahing Pilipino, Wika baga ito ng matatapang na tao Wikang matatag, lakas ng pagkalahi ko! Pundasyon mo’y dugo’t pawis ng mga ninuno na tanging iniisip, kapakanan ng inapo di-alintanang kamatayan, pag-aglahi sa pagkatao maitawid, maihatid, wikang angkin sa panahong ito Sinubok kang itatag sa Biak na Bato Pinaglaban, isinulong ng mga Katipunero Sa pagnanasang pag-isahin ang bayang ito Nang tuluyang makalaya sa mga Ilustrado! Ngunit nang magpalit ng bagong gobyerno, Ibinenta’t ibinilin sa mga Amerikano Wika’y binansot ibinaon sa limot Pilit nag-iingles nang pabalu-baluktot Muli tayong nangarap, Kasarinla’y makamtan Kay Pangulong Quezon, maisasakatuparan Binalangkas ang konstitusyon ng sambayanan Wika’y kaagapay, kapatid ng tagumpay Mula sa katutubong wika ng mga Pilipino Hahanguin, pipiliin, pambansang Wika Ko, Mayamang balangkas, gamit ng nakararaming tao, Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino! Palibhasa’y wikang Tagalog nagtatamo nito Ipinasya ng batas na gamitin at ituro Nang lumao’y nagpalit ng katawagang bago Pambansang wika’y naging Wikang Pilipino

Upload: frances-may-pabico-nillo

Post on 18-Feb-2016

81 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

sb

TRANSCRIPT

Page 1: Tatag Ng Wikang Filipino

TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO

Wikang Pambansa, Wikang Filipino,Wika ng magigiting na lahing Pilipino,Wika baga ito ng matatapang na tao

Wikang matatag, lakas ng pagkalahi ko!

Pundasyon mo’y dugo’t pawis ng mga ninunona tanging iniisip, kapakanan ng inapo

di-alintanang kamatayan, pag-aglahi sa pagkataomaitawid, maihatid, wikang angkin sa panahong ito

Sinubok kang itatag sa Biak na BatoPinaglaban, isinulong ng mga Katipunero

Sa pagnanasang pag-isahin ang bayang itoNang tuluyang makalaya sa mga Ilustrado!

Ngunit nang magpalit ng bagong gobyerno,Ibinenta’t ibinilin sa mga Amerikano

Wika’y binansot ibinaon sa limotPilit nag-iingles nang pabalu-baluktot

Muli tayong nangarap, Kasarinla’y makamtanKay Pangulong Quezon, maisasakatuparan

Binalangkas ang konstitusyon ng sambayananWika’y kaagapay, kapatid ng tagumpay

Mula sa katutubong wika ng mga PilipinoHahanguin, pipiliin, pambansang Wika Ko,

Mayamang balangkas, gamit ng nakararaming tao,Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino!

Palibhasa’y wikang Tagalog nagtatamo nitoIpinasya ng batas na gamitin at ituro

Nang lumao’y nagpalit ng katawagang bagoPambansang wika’y naging Wikang Pilipino

Unti-unting umunlad ang bayang PilipinasGamit ang wikang pinatatatag, pinatatalas

Nang demokrasya’y ikinubli’t naghari ang dahasWika’y sa kaakibat ng mga nag-aaklas

Nang muling bumangon, napatalsik ang diktador

Page 2: Tatag Ng Wikang Filipino

Nagbunga ang buhay na ibinuwis ng Senadorhinabi, binuo bagong konstitusyon

Wikang Filipino na ang gamit ng buong Nasyon

Bicolano, Maranao, Hiligaynon, Cebuano,Waray-waray, Kapampangan, Maguindanaoan, Chavacano

Pangasinense, Tagalog, Tausug, Ilocano, Mga Wikang matatatatag saligan ng Filipino

Pinanday ng panahon, tatag ng Wikang FilipinoHinubog ng kasaysayan, lakas ng pagka-Pilipino

Wikang Filipino, wika ng bayan koLahing Pilipino, taas noo sa buong mundo!