tanaga, awit, soneto

4
I. TULANG TANAGA BIBLIYA Salitang dakila Ng banal na dila Diyos ng himala Sa’tiy pinagpala. GURO Bayaning ituturing Tuwid nilang hangaring Ang musika at sining Maituro sa atin. LARAWAN Ang iyong kasaysayan Dito’y masisilayan Matamis na lambingan Tao ng nakaraan. TUBIG Ang tubig ay buhay At panghabangbuhay ‘Wag itong sayangin Bagkus ay mahalin. ALAK Ito’y nakakalasing At nakakahumaling Hindi mo nanaisin Epektong ‘karimarim.

Upload: raymart-oliveros

Post on 28-Nov-2014

308 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: TANAGA, AWIT, SONETO

I. TULANG TANAGA

BIBLIYASalitang dakila

Ng banal na dilaDiyos ng himalaSa’tiy pinagpala.

GUROBayaning ituturing

Tuwid nilang hangaringAng musika at sining

Maituro sa atin.

LARAWANAng iyong kasaysayan

Dito’y masisilayanMatamis na lambingan

Tao ng nakaraan.

TUBIGAng tubig ay buhay

At panghabangbuhay‘Wag itong sayanginBagkus ay mahalin.

ALAKIto’y nakakalasingAt nakakahumalingHindi mo nanaisin

Epektong ‘karimarim.

Page 2: TANAGA, AWIT, SONETO

II. AWIT (Pang-Kaibigan)

TUNAY NA KAIBIGANRaymart Oliveros

Kaibigang tunay kay hirap hanapin,Sa apat na sulok nitong mundo natin.

Pagkaingatan mo kung mayroong darating,Kaibigang tapat, maaalalahanin.

Oh! Kay sarap naman kung makatagpo kaMabuting kaibigan, kay inam kasamaSa palarong Lotto para kang tumama

At umaapaw ang puso sa tuwa.

Kaibigang tunay ay sumasakloloAt handang dumamay ‘pag kaylangan mo

Ipaglalaban ka kahit na kaninoBasta’t nasa tama at katwiran ito.

Piliing mabuti ang yong kaibiganDahil sila’y ating pagtitiwalaan

Ang mga sikreto’y kanyang malalamanMga suliranin, sya’y iyong sandalan.

Kaibigan minsan sila ay pahamakInggit ay nairal di maisiwalat

Kung tawagin sila’y kaibigang ahasAt sa ganyang tao ikaw ay mag-iingat.

III. SONETO (Pag-ibig)

LIHIM NA PAGSINTARaymart Oliveros

Pusong umiibig ay nahihirapan,Di maipagtapat ang nararamdamanTakot mabigo at walang katugunan

Page 3: TANAGA, AWIT, SONETO

Habambuhay kayang ilihim na lamang.Pag-ibig ko’y tunay nais ipadama,

Sa nililiyag kong mahinhing dalaga.At sa araw araw nais s’yang makita

At sa bawat oras gusto sya’y kasama.Ang pag-ibig nama’y hindi pinaplano,

Kusang dumarating di man natin gusto.Pero sana lamang Panginoon ko

Ibigay sa aki’y babaeng mahal ko.Nagpapasalamat sa’yo, oh giliw ko,

Dahil sa pagtugon sa panambitan ko.

Page 4: TANAGA, AWIT, SONETO

TULAMBUHAY

RAYMART VALDERRAMA OLIVEROS

Bente tres, buwan ng Hunyo, 1992 ‘yong arawIsang sanggol na lalaki ang noon ay pumukawSa baryo Halayhayin don’ sa bayang SiniloanValderama’t Oliveros, wagas ang kasiyahan.

Romeo dakilang ngalan ng aking amang makisigSusana naman ang ngalan ng aking inang himigAking pangangailangan, ay sila ang dumidinig

Ako’y lumaki at natuto, tulong ang kanilang bisig.

Bilang isang kabataan, ako’y naging SK ChairmanNaging Pangulo rin noon ng lupon ng mag-aaral

Mataas na Paaralan ng Bayan ng SiniloanNagtapos ng sekondarya tanggap ang tanging parangal.

Paaralang LSPU, ngayon ay pinapasukanUpang akin ay tuparin ang pangakong binitawanSa mahal ko na magulang na makatapos ng aral

Sa kurso ng pagtuturo,matematikang kritikal.

Mga naging karanasan di maiwawaglit kaylanmanGagawin kong inspirasyon para sa kinabukasan

Aral kahapon at ngayon, sandata magpakaylanman At upang maging matatag, kasunod na kasaysayan.