tag lish

3
Taglish: Hanggang Saan? by Bienvenido Lumbera Taglish: Hanggang Saan? Bienvenido Lumbera May nagtanong kung ang paggamit ng Taglish sa kolum na ito ay recognition on my part na tinaggap kong maaaring gawing basis ng wikang “Filipino” and Taglish. Ngayon pa man ay nililinaw ko nang hindi lengguwahe and Taglish. Ito ay isa lamang convenient vehicle para maabot sa kasalukuyan an isang articulate sector ng ating lipunan na unti-unting nagsisikap gumamit ng Pilipino. Importnanteng makita nang sinumang gumagamit ng Taglish na limited and gamit nito. Dahil sa binubuo ito ng mga salitang galling sa dalawang wikang not of the same family, makitid ang range of expressiveness nito. Ang sensibiliteng ni-reflect nito ay pag-aari ng isang maliit na segment ng ating lupinan, at ang karanasang karaniwang nilalaman nito ay may pagka-superficial. Isang makatang malimit banggitin kapag pinag-uusapan ang paggamit sa taglish ay si Rolando S. Tinio. Sa kanyang koleksyon ng tulang tinawag na Sitsit sa Kuliglig, may ilang mga tula na pinaghalong English na sulatin. Effective lamang ang Taglish, gaya ng pinatutunayan na rin ng mga tula ni Tinio, kapag Americanized intellectual and speaker, at ang tone ng tula ay medyo tongue-in- check or sarcastic. At kahit na sa ranks ng Americanized Filipino intellectual, and profounder aspects of cultural alienation ay hindi kayang lamanin nang buong-buo ng Taglish. Better described marahil and Taglish as a “manner of expression.” Ibig sabihin, sa mga informal occasions, mas natural sa isang English-speaking Filipino na sa Taglish magsalita. Sa light conversation, halimbawa. Pero para sa mga okasyong nangangailangan ng sustained thought, Taglish simply won’t do. Walang predictive patterns and paghahalo ng vocabulary at syntax ng dalawang lengguwaheng magkaiba ng pamilya. Dahil dito, maraming stylistic and logical gaps na nag-iinterfere sa pag-uunawaan ng manunulat at mambabasa. Kailangan sa Taglish ang spontaneaous interactionng nagsasalita at ng nakikinig. Sa pamamagitan ng physical gestures, facial expressions, o tonal inflection, nagagawa ang filling-in na siyang remedyo sa mga stylistic at logical gaps. Maaari naming sa pagtatanong linawin ng nakikinig ang anumang ambiguity sa sinasabi ng kausap. Sumakatuwid, ang pagsusulat sa Taglish, cannot be a permanent arrangement. Kung talagang nais ng manunulat na magcommunicate sa nakararaming mambabasa, haharapin niya ang pagpapahusay sa kanyang command ng Pilipino. Para sa manunulat, isang transitional “language” lamang ang Taglish. Kung tunay na nirerecognize niya na napakaliit at lalo pang lumiit ang audience for English

Upload: jamie-johnson

Post on 22-Oct-2015

209 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tag Lish

Taglish: Hanggang Saan? by Bienvenido LumberaTaglish: Hanggang Saan?

Bienvenido Lumbera

May nagtanong kung ang paggamit ng Taglish sa kolum na ito ay recognition on my part na tinaggap kong maaaring gawing basis ng wikang “Filipino” and Taglish. Ngayon pa man ay nililinaw ko nang hindi lengguwahe and Taglish. Ito ay isa lamang convenient vehicle para maabot sa kasalukuyan an isang articulate sector ng ating lipunan na unti-unting nagsisikap gumamit ng Pilipino.

Importnanteng makita nang sinumang gumagamit ng Taglish na limited and gamit nito. Dahil sa binubuo ito ng mga salitang galling sa dalawang wikang not of the same family, makitid ang range of expressiveness nito. Ang sensibiliteng ni-reflect nito ay pag-aari ng isang maliit na segment ng ating lupinan, at ang karanasang karaniwang nilalaman nito ay may pagka-superficial.

Isang makatang malimit banggitin kapag pinag-uusapan ang paggamit sa taglish ay si Rolando S. Tinio. Sa kanyang koleksyon ng tulang tinawag na Sitsit sa Kuliglig, may ilang mga tula na pinaghalong English na sulatin. Effective lamang ang Taglish, gaya ng pinatutunayan na rin ng mga tula ni Tinio, kapag Americanized intellectual and speaker, at ang tone ng tula ay medyo tongue-in-check or sarcastic. At kahit na sa ranks ng Americanized Filipino intellectual, and profounder aspects of cultural alienation ay hindi kayang lamanin nang buong-buo ng Taglish.

Better described marahil and Taglish as a “manner of expression.” Ibig sabihin, sa mga informal occasions, mas natural sa isang English-speaking Filipino na sa Taglish magsalita. Sa light conversation, halimbawa. Pero para sa mga okasyong nangangailangan ng sustained thought, Taglish simply won’t do. Walang predictive patterns and paghahalo ng vocabulary at syntax ng dalawang lengguwaheng magkaiba ng pamilya. Dahil dito, maraming stylistic and logical gaps na nag-iinterfere sa pag-uunawaan ng manunulat at mambabasa.

Kailangan sa Taglish ang spontaneaous interactionng nagsasalita at ng nakikinig. Sa pamamagitan ng physical gestures, facial expressions, o tonal inflection, nagagawa ang filling-in na siyang remedyo sa mga stylistic at logical gaps. Maaari naming sa pagtatanong linawin ng nakikinig ang anumang ambiguity sa sinasabi ng kausap.

Sumakatuwid, ang pagsusulat sa Taglish, cannot be a permanent arrangement. Kung talagang nais ng manunulat na magcommunicate sa nakararaming mambabasa, haharapin niya ang pagpapahusay sa kanyang command ng Pilipino. Para sa manunulat, isang transitional “language” lamang ang Taglish. Kung tunay na nirerecognize niya na napakaliit at lalo pang lumiit ang audience for English writing, hindi siya makapananatiling Taglish lamang ang kanyang ginagamit. Maliit pa rin ang audience na nakauunawa sa Taglish pagkat nagdedemand ito ng adequate control of English. Magbalik sa English. O tuluyang lumapit sa Pilipino. Ito ang alternatives para sa Taglish users ngayon na hangad pa ring magpatuloy sa pagsusulat.

Page 2: Tag Lish

                  Magkabilaan(Isang repleksyon)

“Pagkakaiba ay mayroon sa lahat.”                Tama at mali, ilalim at ibabaw, liwanag at dilim, tubig at apoy, lupa at langit, malakas at mahina, mahirap at mayaman, may puti at may itim. Ilan lamang ito sa mga magkasalungat na parilalang nagpapakita ng pagkakaiba na binanggit sa loob ng kanta ni Joey Ayala. Sinasabi lamang ng kanta na may dalawang mukha ang mga bagay sa lipunan ng tao. At ang dalawang mukha na ito ay nakabatay sa iyo bilang isang kabahagi ng lipunan kung saan ka papanig at lulugar. Ito ba ay sa baluktot at marungis na gawain o di kaya naman ay sa tuwid, malinis ngunit iilan lamang ang pumipili.                Pagkatapos kong maringgan ang mga sambitla na ipinahayag ng kanta ay natanto ko na ang kanta ay nakatuon sa pagpapakita ng panlahat na larawan sa ating buhay at maging ng ilan sa mga kalagayang kinatatayuan ng maraming mga Pilipino. Ito ay ang pagiging “API”.                Panahon pa lamang ng mga mananakop ay tinawag nang api ang mga Pilipino. Sapagkat sila ay ginawang manggagawa sa sarili nilang lupa. Ang mga kastila, hapon at iba pang-banyagang lahi ay naglakbay patungo sa Pilipinas na kung tutuusin sana ay sila ang magmimistulang alipin sa ating lupain subalit hindi ito ang naganap.                Tinawag na mga “INDIYO” ang mga Pilipino, inalipin, kinawawa at kinulong sa sarili nitong bansa.                Subalit kung sasalaminin naman natin ang kalagayan natin sa ngayon, hindi na tayo masasabing “ALIPIN NG MGA BANYAGA”. Sapagkat malaya na tayo mula sa pang-aalipin ng alinmang lahi. Bagkus ay “ALIPIN NA TAYO NANG SARILI NATING MGA AMBISYON”. Ambisyon na umangat subalit kulang naman sa gawa. Sapagkat nakalulungkot man na isipin. Ang ating bansa ay nakabila 3rd WORLD COUNTRY na magsisilbing indikasyon na sa kabila ng pagpupunyagi ng ilan na tayo umunlad, kabaligtaran nito ang nagagap. Ito marahil ay dahil sa mga negatibong katangian ng mga Pilipino tulad ng NINGAS KUGON na sa umpisa lamang ang pagpupunyagi subalit sa paglipas ng panahon ay maghihinto sapagkat ang  katamaran ay gagana. BAHALA NA HABIT na nagpapakita naman ng kawalang kamalayan at pakialam ng mga Pilipino sa maraming bagay. At ang pinakamasaklap sa lahat ay ang laganap na KURAPSYON hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa maraming bagay. Krimen at prostitusyon ay laganap rin sa lipunang Pilipino na magiging larawan ng pagka-alipin ng mga Pilipino sa kasamaan.                Subalit magpasaganuon pa man ay ipinakita pa rin ng kanta na mayroon pa ring naghihintay na pag-asa sa kabila ng lahat. Sa kabila ng mga bagyo, pagsubok, pighati, kabiguan at pagkakasadlak na dinanas ng lipunang Pilipino ay mayroon pang naghihintay na MAGANDANG BUKAS. Ngunit magaganap lamang ito kung sa ngayon pa lamang ay mamimili na tayo ng dapat nating kalagyan. Ito ba ay sa kanan o kaliwa, sa tuwid o baluktot na gawa, sa malinis o marungis na sistema ng pamamalakad, sa masagana o naghihikahos na lipunan.                Ang kanta ay nag-iwan ng hamon sa lahat ng makapapakinig nito. At nakabatay na lamang sa kaninuman ang pamimili. Sapagkat ang “Pagkakaiba ay mayroon sa lahat.” At nakabatay na lamang sa iyo kung saan ang mas maganda batay sa iyo.

Page 3: Tag Lish