suring pelikula

4
Pangalan:_______________________Seksyon:___________________________Petsa:_________________  Pagsulat ng Isang Rebyu ng  Napanood na Programa sa Telebisyon 1. Buod ng pelikula   ang kabuuang bahagi ng istorya. Piling mga eksenangmagkakaugnay. Pinaikling ulat ng buong pelikula. 2. Direksyon   ang pamamaraan ng direktor kung paano n iya patatakbuhin angistorya. Sa kamay ng direktor nakasalalay ang bisa at ganda ng  pelikula sa kubuuan . 3. Disenyong pamproduksyon    props, kasuotan, gamit at background ng p elikula ang pinag-uusapan sa produksyong-disenyo. Dito nakikilala ang kahusayan ng desayner lalo na kung marunong siyang maghanap ng paraan upang maging tugma at akma ang lahat p ara sa isang pelikula. Ang kaganapan noong panahon ng d igmaan ay di dapat kakitaan ng mga modernong kasuotan. 4. Sinematograpiya    ang labo at linaw ng pelikula ay nakikita sa kagalingan ng isang sinematograper. Siya ang nagbibigay ng anggulo ng mga tagpo o eksena. 5. Makatotohanang pagganap ng mga tauhan   nangangailangan ng masusing pagsusuri ang pagkilala sa mga tauhan ng p elikula. Ang pagganap ng isang artista ay kinakailangang may kaugnayan sa katauhan ng kanyang papel na ginagampanan. 6. Kaugnayan ng istorya sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito.Naaangkop ba sa kasalukuyan ang istorya? Mahalaga ang paghahambing ng  pelikula sa kasa lukuyan upang makita ang pag kakatulad/pagkakaiba.B awat  pelikula ay may taglay na aral na nais ibahagi sa manonood. 7. Ang paglapat ng tunog   lubhang makabuluhan ang tunog sa pelikula. Isipin mo na lamang kung ang pinapanood mo ay di kailanman makakilala ng damdamin tulad ng putukan, tilaok ng manok, bagsak ng anumang bagay, at bigat ng suntukan.Pinalalagay natin na ang tunog a y akma sa bawat eksena. Di dapat nahuhuli sa kilos, galaw at maging sa damdaming nais ipakahulugan sa b awat eksena. 8. Ang paglalapat ng musika   nabubuhay ng isang musika ang eksenang malungkot, galit, takot at hinagpis. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit naaapektuhan ang manonood ng pelikul. Nariyang paglabas ng tao mula sa sinehan ay mugto ang mata, masayang-masaya, galit na galit atbp. Ang paglalapat ng musika ay nakatutulong para lalong umangat ang bigat at gaan ng eksena. 9. Ang editing ng pelikula   sa paggawa ng pelikula, ang mga editor ang siyang nagdud ugtung-dugtong ng eksena, mula sa mga negatibong nagamit sa shooting ng pelikula. Ang daloy ng palabas ay n apakahalaga sapagkat dito nabubuhay ang istorya. 10. Skrinplay ng pelikula “Para kang bukas na karinderya sa lahat ng oras sa gustong kumain.” “Asawa ka lang, ako’y anak . . . hindi n apapalitan at di nababayaran.” “Bakit ba parang di tayo magkakilala . . . Asawa mo ako, hindi asong  dadaan-daanan lamang.” Ilan lamang ito sa magagandang dayalogo na nakaaangat sa pelikula.  Kapagka mahusay ang manunulat ng iskrip, motibasyon ito up ang panoorin ang isang pelikula. Gayundin naman, ang iskrinpley ay ibinabagay sa  panahon at tagpuan ng peli kula. I. Tungkol sa Pelikula A. Pamagat ng Pelikula: (Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat. Maaari ng sagutin ang katanungang bakit?) B. Direktor: (Pangalan ng Direktor) C. Prodyuser: (Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser) D. Pangunahin tauhan: (Pangalan ng karakter   artistang gumanap   paglalarawan) E. Tema ng Pelikula: (Ano ang paksang tinatalakay sa p elikula?) F. Buod ng Pelikula (Magbigay ng maikling buod ng pelikula.) II. Mga Aspektong Teknikal A. Musika (Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?) B. Sinematografi (Maganda ba ang kabuuang kulay ng p elikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda  ba ang visual effe cts na ginamit? ) C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari (Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?) D. Pagganap ng mga Arista (Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang  pag-arte sa pag-unawa s a nilalaman?) E. Tagpuan (May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?) III. Kahalagahang Pantao A. Paglalapat ng Teoryang Realismo (Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na tinalakay sa pelikula na maihahalintula d sa mga isyung nagaganap sa lipunan?) B. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan (Para sa ikaapat na taon ) Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa Realismo. C. Mga Aral

Upload: sonja-boyd

Post on 09-Oct-2015

890 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

Suring Pelika Banghay ng Noli

TRANSCRIPT

Pangalan:_______________________Seksyon:___________________________Petsa:_________________Pagsulat ng Isang Rebyu ngNapanood na Programa saTelebisyon1. Buod ng pelikula ang kabuuang bahagi ng istorya. Piling mga eksenangmagkakaugnay. Pinaikling ulat ng buong pelikula.2. Direksyon ang pamamaraan ng direktor kung paano niya patatakbuhin angistorya. Sa kamay ng direktor nakasalalay ang bisa at ganda ng pelikula sa kubuuan .3. Disenyong pamproduksyon props, kasuotan, gamit at background ng pelikula ang pinag-uusapan sa produksyong-disenyo. Dito nakikilala ang kahusayan ng desayner lalo na kung marunong siyang maghanap ng paraan upang maging tugma at akma ang lahat para sa isang pelikula. Ang kaganapan noong panahon ng digmaan ay di dapat kakitaan ng mga modernong kasuotan.4. Sinematograpiya ang labo at linaw ng pelikula ay nakikita sa kagalingan ng isang sinematograper. Siya ang nagbibigay ng anggulo ng mga tagpo o eksena.5. Makatotohanang pagganap ng mga tauhan nangangailangan ng masusing pagsusuri ang pagkilala sa mga tauhan ng pelikula. Ang pagganap ng isang artista ay kinakailangang may kaugnayan sa katauhan ng kanyang papel naginagampanan.6. Kaugnayan ng istorya sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito.Naaangkop ba sa kasalukuyan ang istorya? Mahalaga ang paghahambing ng pelikula sa kasalukuyan upang makita ang pagkakatulad/pagkakaiba.Bawatpelikula ay may taglay na aral na nais ibahagi sa manonood.7. Ang paglapat ng tunog lubhang makabuluhan ang tunog sa pelikula. Isipin mo na lamang kung ang pinapanood mo ay di kailanman makakilala ng damdamin tulad ng putukan, tilaok ng manok, bagsak ng anumang bagay, at bigat ng suntukan.Pinalalagay natin na ang tunog ay akma sa bawat eksena. Di dapat nahuhuli sa kilos, galaw at maging sa damdaming nais ipakahulugan sa bawat eksena.8. Ang paglalapat ng musika nabubuhay ng isang musika ang eksenang malungkot, galit, takot at hinagpis. Ito ang kadalasang dahilan kung bakit naaapektuhan ang manonood ng pelikul. Nariyang paglabas ng tao mula sasinehan ay mugto ang mata, masayang-masaya, galit na galit atbp. Ang paglalapat ng musika ay nakatutulong para lalong umangat ang bigat at gaan ng eksena.9. Ang editing ng pelikula sa paggawa ng pelikula, ang mga editor ang siyang nagdudugtung-dugtong ng eksena, mula sa mga negatibong nagamit sa shooting ng pelikula. Ang daloy ng palabas ay napakahalaga sapagkat ditonabubuhay ang istorya.10. Skrinplay ng pelikula Para kang bukas na karinderya sa lahat ng oras sa gustong kumain. Asawa ka lang, akoy anak . . . hindi napapalitan at di nababayaran. Bakit ba parang di tayo magkakilala . . . Asawa mo ako, hindi asongdadaan-daanan lamang. Ilan lamang ito sa magagandang dayalogo na nakaaangat sa pelikula.Kapagka mahusay ang manunulat ng iskrip, motibasyon ito upang panoorin ang isang pelikula. Gayundin naman, ang iskrinpley ay ibinabagay sa panahon at tagpuan ng pelikula.I. Tungkol sa Pelikula A. Pamagat ng Pelikula: (Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat. Maaaring sagutin ang katanungang bakit?) B. Direktor: (Pangalan ng Direktor) C. Prodyuser: (Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser) D. Pangunahin tauhan:(Pangalan ng karakter artistang gumanap paglalarawan) E. Tema ng Pelikula: (Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?) F. Buod ng Pelikula (Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)II. Mga Aspektong TeknikalA. Musika(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)B. Sinematografi(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na ginamit?)C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)D. Pagganap ng mga Arista(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista? Makatotohanan ba ang emosyong kanilang pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)E. Tagpuan(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)III. Kahalagahang PantaoA. Paglalapat ng Teoryang Realismo(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?)B. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan (Para sa ikaapat na taon)Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa Realismo.C. Mga AralKaramihan sa mga pelikula ay gumagamit ng Christ like character kung saan ang bida ay may mga katangiang katulad kay Kristo. Sa pelikulang Caregiver, Paano maihahalintulad ang pangunahing karakter sa mga katangian ni Kristo. Gamitin ang Venn Diagram sa bahaging ito. D. Kabuuang Pananaw(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang pelikula sa atin. Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)GAWAIN 1:Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga halimbawang inilalahad sa bawat bilang.1. Magagaling ang artistang gumanap na sina Gloria Romero, Edu Manzano, Johnny Delgado, Cherry Pie Picache, Hilda Koronel at Dina Bonnevie. Talagang di matatawaran ang husay nila sa pag-arte. Damang-dama nila ang katauhan ng kanilang ginagampanan.2. Angkop na angkop ang mga kasuotan ng bawat tauhan sa panahon ng mga pangyayari kung kailan naganap ang istorya.3. Mahusay na naalagaan ang kaliit-liitang detalye ng pelikula kayat madaling makilala ang obra maestrang may kalidad.4. Akmang-akma ang dubbing ng mga artista sa diyalogong kanilang binibigkas sa bawat eksena. Hindi nahuhuli ang salita sa pagbuka ng bibig.5. Sa mga tagpong may mangyayaring di maganda, kaagad na maririnig ang mga musikang nakapagpapataas ng damdamin tulad ng takot, pagnanasa at pakikipaglaban.6. May mga eksenang kapag nag-uusap ang dalawang tao, lumalabo ang kamera sa kausap at lumilinaw naman sa nagsasalita.7. Hindi ka na sisikatan ng araw . . .Walang personalan, trabaho lang . . .Gawain 2: PLONING. Ni Dante Nico Garcia Banghay ng Noli Me Tangere at Mahahalagang Detalye

1. Simula (Kabanata 7: Romansa sa Balkonahe) Naipakita ang pag-iibigan ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara.Mga Simbolismo: Crisostomo Ibarra- kumakatawan sa mga Pilipino/Indio Maria Clara- ang simbolismo ng kalayaan Padre Damaso- kumakatawan sa mga KastilaPag proseso sa malalim na konteksto:Ipinakita ni Rizal kung gaano pinapahalagahan ng mga Pilipino ang pagkamit ng kalayaan at kung paano ito hinahadlangan ng mga Kastila.2. Tumitinding Galaw (Kabanata 35: Ang Panaghalian) Dito naipakita ang pagpapataas ng mga pangyayari noong hindi na nakatiis sa Crisostomo Ibarra at nagalit ito kay Padre Damaso. Muntik na niya itong masaktan ngunit napigilan lang siya ni Maria Clara.

Pag proseso sa malalim na konteksto:Gustong ipahiwatig ni Rizal na mababang uri lamang ang tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino noon. Ito ay simbolismo ng kawalang hustisya na dinanas ng mga Pilipino noon sa kamay ng mga Kastila.3. Kasukdulan (Kabanata 55: Ang Sabwatan) Natuklasan ni Padre Salvi na may malaking sabwatan na nagaganap at si Crisostomo Ibarra ang nasisising may pakana nito. Tinulungan ni Elias si Ibarra na tumakas bago pa mahuli ng mga kastila. Habang nag-iimpake sila ay may napulot si Elias na liham na nakasulat ay Don Pedro Eibarramendia. Siya ang lolo sa tuhod ni Ibarra ngunit siya rin ang kalaban ng mga ninuno ni Elias. Dahil sa matinding galit, muntik nang mapatay ni Elias si Ibarra. Ang pangyayaring ito ang tinutukoy na pinakamaigting sa lahat.Simbolismo: Elias- kaibigan, isa ring PilipinoPag proseso sa malalim na konteksto:Gustong ipahiwatig ni Rizal na kailangan magkaisa ng mga Pilipino upang makamit ang hinahangad na kalayaan.4. Kakalasan (Kabanata 55: Ang Sabwatan, mga sumunod na pangyayari) Hindi na natuloy ang balak ni Elias na pagpatay kay Ibarra dahil nanaig ang kanilang pagkakaibigan.

Pag proseso sa malalim na konteksto:Ipinakita ni Rizal na likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin at palakaibigan. Pilipino lang ang may utang na loob at isang mapagpatawad at maunawain na tao.5. Wakas (Kabanata 61: Ang Kasal ni Maria Clara) Dito naipakita ang balak na pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares.Simbolismo: Linares- kumakatawan rin sa mga KastilaPag proseso sa malalim na konteksto: Ipinakita ni Rizal na tuluyan nang nawala ang kalayaan ng mga Pilipino sa mga Kastila.Layunin ni Rizal sa Pagsulat ng Noli Me Tangere Character Profile(Touch Me Not)Paglalarawan:

Gusto ni Rizal na mamulat ang mga mata ng mga Masining/Makulay- may mga simbolismoPilipino sa mga katampalasanan ng mga Kastila. Direkta/Hayagan