sisa

2
Aila Arielle S. Tolosa Ginoong Jonathan Magbitang III- St. Gregory Filipino III SISA Magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si Sisa. Ako’y nakapag-asawa ng isang lalaking iresponsable, palaboy at higit sa lahat ay sugarol! Simula pa lamang ng aming pagsasama, nilustay niya ang aking mga alahas at iilang kagamitan para sa kanyang bisyo ngunit nang simulang wala na akong maibigay na pera para gamitin niya sa kanyang bisyo ako’y pinagbubuhatan na niya ng kamay! Alam ko sa aking sarili na ako’y isang mahina lamang pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil sa aking mga anak na sila Crispin at Basilio. Sila ay mga sakristan sa simbahan ng San Diego. Dumating ang panibagong araw at naalala ko na ngayon uuwi ang aking mga anak kaya kailangan ko ito paghandaan. Nagluto ako ng kanilang mga paboritong pagkain at nang matapos akong maghanda sa sobra kong tuwa na makasama na ulit ang aking mga anak, ako’y masayang naghintay sa kanilang pagdating. Hindi ko inaasahan na dumating ay ang aking asawa. Inubos niya ang inihanda ko para sa aking mga anak pero nalungkot ito lalo dahil walang pakialam ang asawa niya sa kanyang mga anak at umalis na ang kanyang asawa. Naisipan ko nalang magluto ulit para sa mga anak ko. “Gaganahan silang mabuti sa layo ng pinanggalingan at walang pinipili ang sikmurang gutom”. Umawit ako ng kundiman habang hinihintay ko ang aking mga anak nang marinig ko si Basilio sa pinto. Ako’y kinabahan. Sinabi sakin ni Basilio na naiwan si Crispin sa simbahan dahil ito’y kinaladkad ng sakristan mayor at ayaw sila pauwiin kundi ikasampu ng gabi na maaring mahuli na sila ng guardiya sibil kung saan natamaan ang aking anak na si Basilio. Kinabukasan ako’y tumungo sa simbahan at habang papanhik ako pataas ako’y biglang

Upload: riellest

Post on 08-Apr-2015

3.096 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

monologo

TRANSCRIPT

Aila Arielle S. Tolosa Ginoong Jonathan MagbitangIII- St. Gregory Filipino III

SISA

Magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si Sisa. Ako’y nakapag-asawa ng isang lalaking iresponsable, palaboy at higit sa lahat ay sugarol! Simula pa lamang ng aming pagsasama, nilustay niya ang aking mga alahas at iilang kagamitan para sa kanyang bisyo ngunit nang simulang wala na akong maibigay na pera para gamitin niya sa kanyang bisyo ako’y pinagbubuhatan na niya ng kamay! Alam ko sa aking sarili na ako’y isang mahina lamang pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil sa aking mga anak na sila Crispin at Basilio. Sila ay mga sakristan sa simbahan ng San Diego. Dumating ang panibagong araw at naalala ko na ngayon uuwi ang aking mga anak kaya kailangan ko ito paghandaan. Nagluto ako ng kanilang mga paboritong pagkain at nang matapos akong maghanda sa sobra kong tuwa na makasama na ulit ang aking mga anak, ako’y masayang naghintay sa kanilang pagdating. Hindi ko inaasahan na dumating ay ang aking asawa. Inubos niya ang inihanda ko para sa aking mga anak pero nalungkot ito lalo dahil walang pakialam ang asawa niya sa kanyang mga anak at umalis na ang kanyang asawa. Naisipan ko nalang magluto ulit para sa mga anak ko. “Gaganahan silang mabuti sa layo ng pinanggalingan at walang pinipili ang sikmurang gutom”.

Umawit ako ng kundiman habang hinihintay ko ang aking mga anak nang marinig ko si Basilio sa pinto. Ako’y kinabahan. Sinabi sakin ni Basilio na naiwan si Crispin sa simbahan dahil ito’y kinaladkad ng sakristan mayor at ayaw sila pauwiin kundi ikasampu ng gabi na maaring mahuli na sila ng guardiya sibil kung saan natamaan ang aking anak na si Basilio. Kinabukasan ako’y tumungo sa simbahan at habang papanhik ako pataas ako’y biglang nakaramdam ng kaba sa aking dibdib ngunit hindi ko doon natagpuan si Crispin at ako’y pinalayas nila sa simbahan. Paguwi ko ay nakita kong may dalawang gurdiya sibil sa tapat ng aking bahay natakot ako pero ako ay kanilang nakita. Ako’y pinasama nila sa kanila upang Makita ang alperes. Ako’y kinulong sa kwartel ng halos 2 oras at pinalaya din ng alperes pagkatapos. Ako’y pinagtulaktulakan nila. Ako’y walang kibong umuwi sa aking bahay at may nakita akong punit na piraso ng damit ni Basilio na nasa dulo ng sanga na malapit sa bangin. Ako’y nawala sa aking sarili.

“Crispin..Basilio! Crispin!!! Basilio!! Mga anak ko! Haha.. Mga…mga anak ko!”.