series 5
DESCRIPTION
breastfeedingTRANSCRIPT
![Page 1: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/1.jpg)
![Page 2: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/2.jpg)
Name _________________________________
Station ___________________
Ang mga sumusunod na pahina ay nagtataglay ng mga kaalaman sa
nutrisyon na nauugnay sa “BREASTFEEDING” o ang pagpapasuso
ng isang ina sa kanyang anak at ang kahalagahan nito. Ang mga
kaalaman na ito ay maaring gamitin sa inyong programa bilang
mga broadcast fillers o info bits.
Maari rin pong mag-interview ng mga Doktor, Nutritionist-
Dietitians o Nutrition Action Officers sa inyong lalawigan o
siyudad.
Marami pong salamat muli sa inyong tulong sa patuloy na
pagpapalaganap ng wastong nutrisyon.
National Nutrition Council
Provincial/City Nutrition Committee
Province/City of ______________
Contact persons:
__________________________ _________________
__________________________ _________________
![Page 3: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/3.jpg)
“Ang pagiging isang ina
ay napakahalagang
responsibilidad ng isang
babae. Sinasabi ng
marami na ang sukatan
ng pagiging isang babae
ay ang kakayahan nitong
magsilang ng sanggol at
kakayahang magbigay ng
di mapapantayang
pagmamahal sa kanyang
anak.”
Mga NILALAMAN
Ano ang Breastfeeding at Breastmilk? 1
Ano ang Exclusive Breastfeeding? 13
Anu-ano ang mga mabubuting dulot ng
Breastfeeding o pagpapasuso? 14
Anu-ano ang mga sustansyang matatagpuan
sa breastmilk o gatas ng ina? 21
Ano ang tamang pamamaraan ng pagpapasuso? 29
Ano naman ang hindi mabubuting naidudulot
ng mga milk formula? 31
Sampung mga hakbangin tungo sa matagumpay
na pagpapasuso 34
Mga karaniwang problema at katanungan sa
pagpapasuso 40
![Page 4: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/4.jpg)
“Ang pagpapasuso o ang
pagbibigay ng gatas sa
anak ay pagpapakita ng
pagmamahal at
malasakit sa kanya.
Napakagandang isipin na
ang anak mo ay lalaking
malusog, listo at
matalino dahil sa
pagpapasuso mo.”
Ano ang Breastfeeding o Pagpapasuso?
Ang pagpapasuso ay ang pagpapakain at
pagpapainom sa isang sanggol o bata ng gatas na
tuwirang manggagaling sa suso ng isang ina sa
pamamagitan ng laktasyon, sa halip na mula sa
isang bote o ibang uri ng lalagyan.
Mayroong kusang pagsupsup o paghitit ang mga
sanggol kaya naman naisasagawa nila ang
pagsipsip at paglunok ng gatas.
Source: Horton S, Sanghvi T, Phillips M, at iba pa. (1996).
"Breastfeeding promotion and priority setting in health". Health Policy
Plan 11 (2): 156–68.
![Page 5: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/5.jpg)
“Maipadarama ng isang
ina ang pagmamahal niya
sa kanyang anak sa
pamamagitan ng gatas na
mula sa kanya. Sa gatas
ng ina makukuha ang
kumpletong sangkap ng
pagmamahal, pagaaruga
at lalung-lalo na ang
sangkap na magbibigay
ng kalusugan sa isang
sanggol”
Ano ang Breastmilk o Gatas ng Ina?
Ang gatas ng ina ay ang kumpletong pagkain para
sa sanggol. Pinakamasustansya at hindi kayang
pantayan ng kahit ano mang uri ng gatas ang gatas
na nagmumula sa suso ng isang ina.
Ang unang gatas na lumalabas sa suso ng isang ina
ay medyo dilaw at malapot, ito ang tinatawag na
colostrum. Pinoprotektahan at binibigyang
sustansya nito ang sanggol hanggang dumating ang
iba mong gatas 2-3 araw pagkatapos manganak.
Source: Food and Nutrition Research Institute, Department of Science
and Technology
![Page 6: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/6.jpg)
“Ang gatas na
nagmumula sa
suso ng isang ina
ay mainam na
panlaban sa lahat
ng uri ng sakit at
impeksyon at
nagpapalakas sa
katawan ng
kanilang
sanggol.”
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…GAMOT?
Ang gatas ng ina ay buhay na gamot ni baby. Panlaban ito
sa mga karaniwang karamdaman tulad ng pagtatae, lagnat,
pneumonia, meningitis, asthma, allergy at iba pa. Bihira o
hindi madaling dapuan ng sakit ang mga batang pinasuso
kaysa mga batang gatas sa lata ang iniinom.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 7: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/7.jpg)
“Ang gatas ni
Inay,
siguradong
walang
kapantay.”Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…ANGKOP SA PANGANGAILANGAN NI BABY?
Wala nang hihigit pa sa gatas ng ina. Lahat ng
pangangailangan ni baby ay kayang tugunan at ibigay nito.
Ang gatas ng ina ay may sariling abilidad upang
maiangkop ito sa pabagu-bagong pangangailangan ng
lumalaking sanggol. Kung ano at gaano karami ang
kailangan ni baby, yaon ang ibinibigay at idinudulot nito.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 8: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/8.jpg)
“Ang batang pinasuso ng
kanyang ina ay lumalaking
matalino at mapagmahal.”
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…TALINO?
Ang gatas ng ina ay nagtataglay ng DHA, Amino Acid, at
lactose na mainam upang maging malusog at matalino si
baby.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 9: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/9.jpg)
“Ang pagpapasuso
ang nagbibigay ng
panahon sa isang ina
para makapagpahinga
at magkaroon ng oras
para sa kanyang
sanggol. Isa rin itong
paraan upang
magkaroon ng
magandang relasyon
ang mag-ina.”
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…AMOR?
Ang gatas ng ina ay nagpapatatag at nagpapalakas ng
bigkis sa pagitan ng ina at kanyang anak. Mas malapit sa
kanilang mga magulang ang mga batang napasuso ng
kanilang ina noong sila’y baby pa lamang. Mas madali at
mas mabuti ring makitungo sa ibang tao ang mga batang
napasuso noong bata pa.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 10: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/10.jpg)
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…SUSTANSYA?
Ang gatas ng ina ay isang likas-yaman. Sagana ito sa
sustansya at kumpletong pagkain ni baby. Siksik ito sa
protina at mga bitamina’t mineral na kailangan ng isang
sanggol sa kanyang paglaki.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Sa gatas mo inay,
buhay ko ay
nakasalalay.”
![Page 11: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/11.jpg)
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…NAGPAPAGANDA NG KATAWAN NG INA?
Mas madaling pumayat ang mga inang nagpapasuso kaya
naman maiiwasan ang pagtaba o paglaki ng katawan.
Dahil sa pagpapasuso ay madaling nasusunog ang mga
taba sa katawan na bunga ng pagbubuntis.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Sa pamamagitan
ng pagpapasuso,
magiging malusog
na si baby, sexy pa
si mommy.”
![Page 12: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/12.jpg)
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…GINHAWA?
Dahil ang batang pinapasuso ay bihirang magkasakit,
malaking ginhawa ito para sa kanyang mga magulang
sapagkat hindi na mamomoroblema pa ang mga ito sa
kalagayan ng anak. Panatag na ang loob ng mga
magulang, lalo na ng nanay kapag nakikitang malusog at
masigla ang kanilang mga anak.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Ang gatas ng ina
ay nagpapalakas
ng resistensya ni
baby upang
labanan ang mga
sakit na hindi
kayang ibigay ng
mga ordinaryong
gatas.”
![Page 13: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/13.jpg)
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…IWAS GASTOS?
Ang gatas ng ina ay libre. Aabot ng halos P4,000 o higit
pa ang gastos bawat buwan kung paiinumin ng gatas sa
lata si baby. May karagdagang gastos pa para sa tubig, sa
sabon, sa tsupon, at bote tuwing pakukuluan o iisterilize
ito. Bukod pa dito, dahil sa bihirang magkasakit ang mga
batang pinasuso, hindi na gagastos pa ang mga magulang
para sa konsultasyon sa doktor, resetang gamot at
ospitalisasyon.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Dahil sa gatas ng ina,
malusog na si baby,
pera pa’y maitatabi.”
![Page 14: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/14.jpg)
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…NAKAKAPAGPAHILOM NG SUGAT NG MATRES?
Nakakatulong ang pagpapasuso sa pagpapaliit ng matres ng
ina. Nakakabawas pa ito sa pagdurugo ng matres at maging
ang kirot na dulot ng panganganak ay naiibsan din nito.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Ang
pagpapasuso
ay hindi
lamang
mahalaga
para sa
sanggol,
kundi na rin
para sa mga
ina.”
![Page 15: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/15.jpg)
Alam ba ninyo na ang GATAS NG INA ay…
…AGWAT NG PANGANGANAK?
Ang pagpapasuso ay isang paraan ng “Family Planning”.
Ang mga nanay na nagpapasuso sa kanilang mga anak at
walang ibinigay na ibang pagkain maliban sa kanyang
gatas, lalo na sa mga unang buwan ni baby, ay
natatagalang magkaregla. Mas nakakaiwas sa pagbubuntis
ang mga inang nagpapasuso kaysa sa mga ina na hindi
nagpapasuso.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Ang pagpapasuso ay nagsisilbing
paraan ng pagpaplano ng pamilya
dahil pansamantala nitong dinedelay
ang normal na obulasyon at buwanang
dalaw ng ina.”
![Page 16: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/16.jpg)
“Ang pagpapasuso ay
ang pinakamabuting
paraan ng pag-aaruga sa
sanggol upang lumaki
itong malusog. Walang
kahalili ang sustansyang
dulot ng gatas ng ina sa
sanggol”
Ano ang Exclusive Breastfeeding?
Mula pagkapanganak hanggang sa ika- anim na
buwan tanging gatas lamang ng ina ang nararapat
na ibigay sa sanggol. Ito ang tinatawag na
Exclusive Breastfeeding.
Sa unang 6 na buwan, ang tiyan ng sanggol ay
handa lamang para sa gatas ng ina.
Walang sapat na nutrisyon o proteksyon na
makukuha si baby mula sa ibang mga bagay tulad
ng formula milk, tubig, kanin, lugaw, sabaw o am.
Maaaring bigyan ng mga supplemento o gamot ang
sanggol kung pahihintulutan ng doktor.
Source: United Nations Children’s Fund (UNICEF)
Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
![Page 17: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/17.jpg)
“Tinatayang ang
pagpapasuso sa
sanggol ay
makapagliligtas ng
1.5 milyong bata
kada taon sa buong
mundo”
Anu-Ano ang mga Mabubuting Dulot ng
Breastfeeding o Pagpapasuso?
…SA SANGGOL
Sa pamamagitan ng pagpapasuso, nakukuha ng isang
sanggol ang mga sustansyang kailangan ng kanyang
katawan upang lumaking malusog at upang malabanan
ang iba’t ibang uri ng sakit.
Ang pagpapasuso sa sanggol ay nagbibigay sa kanya ng
pakiramdam na siya ay pinoprotektahan, inaalagaan at
binibigyan ng lubos na pagmamahal ng kanyang ina.
Source: United Nations Children’s Fund (UNICEF)
Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
![Page 18: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/18.jpg)
Anu-Ano ang mga Mabubuting Dulot ng
Breastfeeding o Pagpapasuso?
…SA SANGGOL
Nagkakaroon ng matinding koneksyon ang sanggol sa
kanyang ina kapag ito ay sumususo.
Nagbibigay ng kakaibang kasiyahan sa sanggol ang
pagpapasuso sa kanya.
Narerelax ang sanggol kapag ito ay pinapasuso ng
kanyang ina.
Source: United Nations Children’s Fund (UNICEF)
“Sa tala ng FNRI
noong 2003, 16,000 na
kaso ng pagkamatay ng
mga sanggol sa
Pilipinas ay maaaring
maiwasan kung
uugaliin ng mga ina
ang pagpapasuso sa
kanilang mga
sanggol.”
![Page 19: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/19.jpg)
Anu-Ano ang mga Mabubuting Dulot ng
Breastfeeding o Pagpapasuso?
…SA SANGGOL
Kapag pinasususo ang sanggol, maiiwasan ang
pagkakaroon ng sakit at impeksyon na nagiging
sanhi ng pagkamatay ng maraming sanggol.
Ang mga batang pinasususo ng kanilang mga ina ay
lalaking matalino at maliksi.
Source: United Nations Children’s Fund (UNICEF)
Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
“Ang gatas
ng ina ay
nagtataglay
ng DHA na
nagpapatalas
ng isip ni
baby.”
![Page 20: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/20.jpg)
Anu-Ano ang mga Mabubuting Dulot ng
Breastfeeding o Pagpapasuso?
…SA INA
Nakatutulong ang pagpapasuso upang maiwasan ang
mga sakit tulad ng breast cancer, ovarian cancer at
osteoporosis.
Sa pamamagitan ng pagpapasuso, maiiwasan ang
pagdurugo at mabilis na maibabalik ang bahay bata sa
normal nitong laki pagkatapos ng panganganak.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
Likhaan Center for Women’s Health
“Ibalik ang tiwala
sa iyong sariling
gatas. Dahil ang
pagpapasuso ay
likas sa iyo.”
![Page 21: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/21.jpg)
Anu-Ano ang mga Mabubuting Dulot ng
Breastfeeding o Pagpapasuso?
…SA INA
Ang pagpapasuso ay tumutulong na mabawasan ang
timbang at maibalik ang dating pangangatawan ng
isang ina dahil nakakatulong ito sa pagsunog ng mga
taba sa katawan na dulot ng pagbubuntis.
Kapag nagpapasuso ang isang ina, nagkakaroon siya
ng oras para makapagpahinga at mabigyan ng
panahon ang kanyang anak. Ito rin ang paraan upang
higit na mapalapit sa isa’t isa ang mag-ina.
Source: Likhaan Center for Women’s Health
“Nararapat lang na
ituring ng bawat ina na
isang napakahalagang
gawain ang magpasuso
ng sanggol dahil ito ay
nangangahulugan ng
pagbibigay ng sapat na
sustansya at tamang pag-
aaruga sa sanggol
habang ito ay lumalaki.”
![Page 22: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/22.jpg)
Anu-Ano ang mga Mabubuting Dulot ng
Breastfeeding o Pagpapasuso?
…SA BUONG PAMILYA
Mas matipid ang pagpapasuso dahil hindi na
kailangan gumastos para bumili ng gatas. Mas
matipid ito subalit mas higit ang sustansyang dulot
nito. Nakakatipid sina tatay at nanay sa pambayad sa
ospital dahil bihirang magkasakit si baby.
Source: Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and
Technology
“Di lamang kalusugan ang
dulot ng pagpapasuso,
nakakatulong din ito sa
pagpapalakad ng isang
pamilya.”
![Page 23: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/23.jpg)
Anu-Ano ang mga Mabubuting Dulot ng
Breastfeeding o Pagpapasuso?
…SA BUONG PAMILYA
Ang pagpapasuso ay nagsisilbing isang natural na
paraan ng pagpaplano ng pamilya dahil pansamantala
nitong dinedelay ang normal na obulasyon at
buwanang dalaw.
Nagkakaroon ng maganda at masayang relasyon di
lamang si nanay at si baby, pati na rin ang buong
pamilya.
Source: County of Los Angeles Department of Health Services
“Kailangan ng buong suporta ni tatay
kay nanay sa kanyang pagpapasuso
upang maging matagumpay sila sa
layuning mapalaking malusog at
matalino ang kanilang anak.”
![Page 24: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/24.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
PROTINA
Ang gatas ng ina ay nagtataglay ng dalawang uri ng
protina. Ang whey na liquid part ng gatas at casein na
solid part nito. 60% ng gatas ng ina ay whey at 40%
naman ay casein. Dahil mas marami ang whey na
taglay ng gatas ng ina, mas madali at mas mabilis
itong matutunaw ng tiyan ng sanggol.
Ang protinang taglay ng gatas ng ina ay panlaban at
proteksyon ng sanggol laban sa sakit at impeksyon.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
American Pregnancy Association
“Sa gatas ng ina
siguradong ligtas ang
inyong mga anak.”
![Page 25: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/25.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
PROTINA
Ang protina na matatagpuan sa gatas ng ina ay
binubuo ng mga amino acids. Isa sa mga taglay na
amino acid ng gatas ng ina ay ang taurine na
tumutulong upang madevelop ang utak at mga mata
ng sanggol.
Mayroon ding lysozyme ang gatas ng ina. Ito ay
tumutulong upang maprotektahan ang sanggol sa
E.Coli at Salmonella at nagpapanitili ng kalusugan ng
tiyan ng sanggol.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
American Pregnancy Association
“Napakaraming
kabutihang dulot ng
pagpapasuso para sa
sanggol at sa nanay kaya
hinihikayat na ang
bawa't nanay ay
magpasuso ng kanyang
sanggol..”
![Page 26: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/26.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
FAT
Ang gatas ng ina ay nagtataglay ng fat na
kinakailangan ng sanggol upang maging malusog. Ito
ay tumutulong sa pagbuo ng utak ng sanggol, pag-
absorb ng mga fat-soluble vitamins at nagsisilbing
pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng sanggol.
Ang uri ng fat na taglay ng gatas ay tinatawag na long
chain fatty acid na kailangan sa pagbuo ng nervous
system ng sanggol.
Source: American Pregnancy Association
“Ang iyong gatas,
Nanay, ang
pinakamatibay na bantay
sa kalusugan at
nutrisyon ni baby.”
![Page 27: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/27.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
BITAMINA
Ang dami at uri ng mga bitaminang taglay ng gatas ng
ina ay kaugnay ng kung ano ang mga bitaminang
nakukuha ng isang ina buhat sa mga pagkaing
kinakain nito. Kaya naman nararapat na bantayan at
panatilihin ang kalusugan ng isang ina.
Ang gatas ng ina ay nagtataglay ng iba’t ibang
bitamina tulad ng Bitamina A na tumutulong sa
pagpapalinaw ng mata ni baby at nagpapalakas ng
resistensya ni baby at upang malabanan ang mga
impeksyon.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
“Walang duda ang
kalidad at bentahe ng
gatas ng ina. Kaya san
ka pa? Ugaliin ang
pagpapasuso sa iyong
anak.”
![Page 28: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/28.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
BITAMINA
Nagtataglay ang gatas ng ina ng Bitamina D na
tumutulong sa pag-absorb ng calcium sa katawan ng
sanggol.
Mayroon ding Bitamina E ang gatas ng ina na
tumutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng
anemia ang sanggol.
Ang gatas ng ina ay mayroon ding Bitamina K na
tumutulong upang maiwasan ang hemorrhage.
Source: American Pregnancy Association
“Kung
makikita mo
ang laman ng
iyong suso,
isang
kamangha-
manghang
makinarya
ito.”
![Page 29: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/29.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
BITAMINA
May taglay na Bitamina C ang gatas ng ina na
nagbibigay proteksyon sa sanggol laban sa mga sakit.
Ang Bitamina B2 o Riboflavin ay taglay din ng gatas
ng ina. Ito ay tumutulong sa pagbuo ng mga red blood
cells. Tumutulong rin ito upang magamit natin ang
enerhiyang mula sa carbohydrates.
Ang Bitamina B3 o Niacin na nagpapaganda at
nagpapakinis ng balat at nagpapahusay sa panunaw
ng tiyan.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
American Pregnancy Association
“Maliit man o malaki,
anumang sukat o hugis,
ang mga suso ng isang
babae ay sadyang
nilikha upang
makapagpasuso ng
isang sanggol.”
![Page 30: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/30.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
CARBOHYDRATES
Ang pangunahing carbohydrate na matatagpuan sa
gatas ay lactose. Ito ang bumubuo sa halos 40% ng
calories na naibibigay ng gatas ng ina sa sanggol.
Tumutulong ang lactose upang mabawasan ang mga
bakterya sa tiyan na maaring masama sa kalusugan ng
sanggol. Pinapahusay din nito ang pagabsorb ng
calcium, phosphorus at magnesium sa katawan.
Tumutulong rin ito sa pagdami at paglaki ng mga
mabubuting bakterya sa tiyan ng sanggol.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
American Pregnancy Association
“Walang labis,
walang kulang ang
gatas ng ina. Isa pa,
angkop na angkop ito
sa pang-araw-araw na
pangangailangan ni
baby.”
![Page 31: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/31.jpg)
Anu-Ano ang mga Sustansyang Taglay ng
Breastmilk o Gatas ng Ina?
MINERAL
Ang gatas ng ina ay mayaman sa iba’t ibang klase ng
mineral na tumutulong upang masuportahan ang
tamang paglaki ng sanggol.
Isa sa mga taglay nitong mineral ay iron na
tumutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng
anemia. Ang iron na matatagpuan sa gatas ng ina ay
higit na mas madaling maabsorb ng katawan ng
sanggol kumpara sa iron na matatagpuan sa gatas na
nasa lata.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
American Pregnancy Association
“Ang gatas ng
ina ay may
kakaibang
katangian na
nababagay sa
kakaibang
mekanismo ng
katawan ng
sanggol. Galing
di ba?”
![Page 32: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/32.jpg)
Ano ang Tamang Pamamaraan ng
Pagpapasuso?
Humanap ng magandang posisyon kung saan ka
komportable. Hawakan ng mabuti ang ulo ng sanggol.
Suportahan ng inyong mga braso ang likod at puwit ng
bata. Hawakan ang iyong suso ng isang kamay (huwag
hawakan ang parte kung saan nakadikit ang bibig ng
sanggol). Ilapit ang suso at itapat sa bibig ng bata.
Marahang idampi ang iyong suso sa labi ng bata para
maibuka niya ng mabuti ang kanyang bibig. Kapag naibuka
na ang kanyang bibig, ilapit at hawakang mabuti at saka
pasusuhin. Kapag hindi pa naibubuka ng sanggol ang
kanyang bibig, ipagpatuloy ang pagdampi sa kanyang labi.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Ang unang oras ng
buhay ni baby ang
tamang pagkakataon
tungo sa mayos na
panimula ng iyong
pagpapasuso.”
![Page 33: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/33.jpg)
Ano ang Tamang Pamamaraan ng
Pagpapasuso?
Siguruhin na nakadikit ang bibig ng bata sa inyong areola,
may pagkakataon na ang ilong ng bata ay nakadikit sa
iyong suso, huwag mag-alala dahil normal ito at
nakakahinga pa rin ng maluwag ang sanggol.
Hayaang sumuso ang sanggol mula 10 hanggang 15
minuto at ilipat naman sa kabilang suso.
Kapag busog na ang bata, kusa itong titigil sa pagsuso.
Kung tapos ng sumuso at kailangan tanggalin ang bibig
mula sa suso, ilagay ang isang daliri sa sulok ng kanyang
bibig at ilayo ng marahan ang bata. Hayaang dumighay ang
sanggol pagkatapos sumuso.
Source: Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Ugaliin ang
pagpapasuso umaga’t
gabi. Tandaan, kapag
madalas, lalong
lumalakas.”
![Page 34: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/34.jpg)
Ano naman ang Hindi Mabubuting
Naidudulot ng mga Milk Formula?
Maaring makamatay sa ilang bata ang pormulang
gatas. Ang mga sanggol na may dalawang buwan
pa lamang ay may 25 ulit ang pagkakataong mag-
tae o apat na pagkakataong mapulmonya kaysa sa
mga sanggol na pinasususo ng ina. Tinatayang 20
porsyento ng kabuuang bilang ng mga namatay na
sanggol ay sanhi ng pagpapadede sa bote.
Source: Food and Nutrition Research Institute, Department of Science
and Technology
“Ang gatas ng aso ay
para sa tuta; ang gatas
ng baboy ay para sa biik;
e ang gatas ng baka?
Para sa anak ko? Hindi
hayop ang anak ko!”
NO!!!
![Page 35: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/35.jpg)
Ano naman ang Hindi Mabubuting
Naidudulot ng mga Milk Formula?
Nakadarama ng impeksyon sa baga ang mga
sanggol na malimit pinadedede ng pormulang
gatas imbis na gatas ng ina. Ang labis na
impeksyon sa sistema ng paghinga ng sanggol at
bata ang nagiging sanhi rin ng pagkamatay nila.
Kontaminado kung minsan ang pormulang gatas,
at lalong nagiging kontaminado ito ng bakterya
habang tinitimpla, kaya nagiging sanhi ng sakit at
kamatayan. Ang bakterya ay maaaring magmula
din sa di gaanong napakuluang tubig, maruming
bote ng gatas at di nalinis na tsupon.
Source: Food and Nutrition Research Institute, Department of Science
and Technology
“Isasaalang alang mo ba
ang buhay ng anak mo sa
gatas na hindi nagmula sa
iyo? Buhay ng anak mo
pangalagaan mo,
pagpapasuso ugaliin mo.”
Oh NO!
![Page 36: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/36.jpg)
Ano naman ang Hindi Mabubuting
Naidudulot ng mga Milk Formula?
Ang iba pang panganib ng pormulang gatas ay
maaring magdulot o magpalubha ito ng hika,
allergy, mababang IQ at mabagal na pag-unlad ng
utak, kanser sa bata, type-1 diabetes, sakit sa puso,
pagtaba, impeksyon sa bituka at tenga.
Source: Food and Nutrition Research Institute, DOST
Infant and Young Child Feeding, Trainers Manual (NNC)
“Ang mga pormulang
gatas ay hindi angkop sa
iyong anak. Tanging gatas
mo lamang nanay ang
swak na swak sa kanya.”
![Page 37: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/37.jpg)
Sampung mga Hakbangin Tungo sa
Matagumpay na Pagpapasuso
1. Matapos ang halos isang oras pagkapanganak ng
ina, ilapit at ilagay agad si baby sa suso ng kanyang
ina upang maihanda at maging pamilyar si baby at
si mommy sa pagpapasuso.
2. Hangga’t maaari, mas mainam na laging
magkasama ang ina at ang kanyang baby. Iwasang
ilayo si baby sa kanyang ina. Mas makabubuti rin
kung hindi sila paghihiwalayin ng kwarto sa araw
man o sa gabi.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Magpasuso ng
matagal upang
mabigyang
kasiyahan ang
iyong sanggol.”
![Page 38: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/38.jpg)
Sampung mga Hakbangin Tungo sa
Matagumpay na Pagpapasuso
3. Ang unang gatas ng ina o ang tinatawag na kolostrum ay
dapat ipasuso sa sanggol. Kahit kakaunti lamang ito,
Makasisiguro naman na punong puno ito ng sustansya para sa
pangangailangang pangnutrisyon ng sanggol. Sa katunayan,
ito ang nagbibigay proteksyon sa sanggol upang makaiwas sa
sakit at impeksyon. Ito rin ay paghahanda sa epektibong
pagtunaw ng gatas.
4. Pasimulan kaagad ang pagpapasuso sa sandaling magpakita
ng mga senyales ang sanggol na siya ay nagugutom tulad ng
pagiging aktibo, pagsupsop at paggalaw palapit sa suso.
Huwag nang hintayin pang umiyak ang sanggol bago
pasusuhin sapagkat kapag umiyak ang sanggol, ito na ang
huling senyales na siya ay gutom na.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Madalas
pasusuhin
ang sanggol
upang mas
maging
malalim ang
samahan ng
mag-ina.”
![Page 39: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/39.jpg)
Sampung mga Hakbangin Tungo sa
Matagumpay na Pagpapasuso
5. Madalas na pasusuhin ang sanggol. Ito ang
pinakamabisang paraan upang maging sapat ang gatas ng
ina. Sa mga araw o lingo ng pagpapasuso, makabubuti
kung laging pasususuhin ang sanggol ng hindi bababa sa
10 beses araw araw sa loob ng 24 na oras. Ang
karaniwang dalas ng pagpapasuso ay tuwing ikalawang
oras. Mayroon din namang mga sanggol na malakas
uminom ng gatas.
6. Tanging gatas ng ina lamang ang ibigay sa sanggol.
Hindi na kailangang painumin ng tubig, tubig na may
halong asukal o kahit ano pa mang inumin ang sanggol
sapagkat mataas ang porsyento ng tubig sa gatas ng ina.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Ang mga
botelya at mga
pacifier ay
nakakabawas
sa dami ng
gatas na
magagawa
mo.”
![Page 40: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/40.jpg)
Sampung mga Hakbangin Tungo sa Matagumpay
na Pagpapasuso
7. Kung kailangan nang bumalik ng ina sa trabaho,
maaring i-express ng ina ang gatas mula sa kanyang
suso bago umalis o kaya ay i-express niya ito habang
nasa trabaho upang mapanatili ang produksyon ng
gatas. Kailangan lamang na ang gatas mula sa suso
ay mailagay sa malinis at sterilized na lalagyan na may
takip. Ang nasabing lalagyan ay dapat ilagay sa
malamig na lugar tulad ng refrigerator o cooler upang
masiguro na ang gatas ay mapapanatiling sariwa.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Laging gamitin ang parehong suso
kapag pasususuhin ang sanggol.”
![Page 41: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/41.jpg)
Sampung mga Hakbangin Tungo sa
Matagumpay na Pagpapasuso
8. Mainam na kumain ang ina ng masusustansyang
pagkaain lalo na yaong hitik sa calcium at protina
tulad ng malunggay, kasubha, pechay, munggo,
papaya at iba pa. Ang mga inang nagpapasuso ay
nangangailangan ding uminom ng maraming likido
tulad ng tubig, juice at iba pa.
9. Sa unang anim na buwan ng buhay ni baby, tanging
gatas lamang ng ina ang ibigay sa kanya. Sa ika-6 na
buwan ng sanggol, maaring bigyan siya ng iba pang
pagkain bukod sa gatas ng ina. Hindi kailangan at
hindi rin nararapat na bigyan pa si baby ng kahit na
anumang gatas maliban sa gatas ng ina.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Sa unang anim na
buwan ng sanggol,
walang ibang
pagkain ang
kailangan ng
sanggol kundi ang
gatas ng ina.”
![Page 42: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/42.jpg)
Sampung mga Hakbangin Tungo sa
Matagumpay na Pagpapasuso
10. Ituloy ang pagpapasuso kay baby sa loob ng
dalawang taon o kung maaari ay higit pa.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
“Nanay, ugaliing kumain
ng masusustansyang
pagkain sapagkat
nagmumula sa mga ito
ang sustansyang hatid ng
gatas mo.”
![Page 43: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/43.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
KAILAN DAPAT MAGSIMULANG MAGPASUSO?
Nararapat na simulan ang pagpapasuso agad-agad pagkapanganak ng sanggol
kahit wala pang gatas na lumalabas sa suso ng ina dahil ito ang tamang
panahon upang matuto ang sanggol sa tamang pagsuso. Nakakatulong din ito
sa ina upang magkaroon ito ng gatas nang mas maaga. Isa pa,
makasisigurong makukuha ng sanggol ang unang gatas na lalabas sa suso ng
ina o ang tinatawag na kolostrum.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 44: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/44.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
MAARI BANG MAGPASUSO KAHIT MAY MASAKIT O
NAMAMAGANG PARANG BUKOL SA SUSO?
Ang tawag sa susong masakit at namamaga ay “mastitis” at maaaring ituloy
ang pagpapasuso sapagkat nakababawas ito ng sakit na nararamdaman ng
ina. Masahihin lang ng dahan-dahan at madalas ang parang bukol sa suso.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 45: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/45.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
HANGGANG KAILAN DAPAT MAGPASUSO ANG ISANG INA?
Mas maganda at makabubuti sa sanggol kung siya ay pasususuhin sa loob ng
dalawang taon o higit pa. Subalit dapat tandaan na kailangan din ng sanggol
ang karagdagang pagkain maliban sa gatas ng ina simula sa ika-6 na buwan
ng kanyang buhay.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 46: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/46.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
MAARI BANG MAGPASUSO KAHIT MAY SAKIT ANG INA?
Oo, sapagkat kung may sakit ang isang ina, hindi naman kaagad ibig sabihin
na bawal ang magpasuso. Ito ay dahil karamihan sa mga impeksyon at
karamdaman ay hindi naman naipapasa kay baby sa pamamagitan ng
pagpapasuso. Sa katunayan, mas maraming impeksyon at karamdaman ang
makukuha ni baby kung paiinumin siya ng gatas na mula sa lata.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 47: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/47.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
MAAARI BANG MAGPASUSO KUNG MALIIT O NAKALUBOG ANG
UTONG?
Oo, maaaring magpasuso ang mga inang may maliit o nakalubog na utong.
Habang nagbubuntis pa lamang ang ina, ang utong ay dapat minamasahe sa
pamamagitan ng hintuturo at hinlalaki. Iikot lamang dahan-dahan ang utong
ng medyo palabas gamit ang dalawang daliri.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 48: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/48.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
BAKIT ANG IBANG BATANG PINASUSO AY DI GAANONG
MATABA?
Hindi nangangahulugan na kapag ang sanggol ay mataba ito ay malusog.
Ang pagiging mataba ay hindi indikasyon ng pagiging malusog at masigla.
Kaya naman hindi kinakailangang maging “chubby” si baby. Ang importante
ay malakas ang kanyang resistensya upang maiwasan ang mga karamdaman
na maaaring dumapo sa kanya.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 49: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/49.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
ILANG TAON NARARAPAT NA BIGYAN NG IBANG PAGKAIN
MALIBAN SA GATAS NG INA ANG SANGGOL?
Sa ika-6 na buwan ng sanggol, bigyan na siya ng ibang pagkain maliban sa
gatas ng ina. Unti-unting pakainin si baby ng malambot na pagkain tulad ng
lugaw, itlog, kalabasa, munggo, prutas, nilingis na karne o isda, at iba pa.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 50: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/50.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
BAKIT MINSAN KUSA NA LANG LUMALABAS ANG GATAS SA
SUSO?
Karaniwan lamang ang paglabas ng gatas mula sa suso lalo na kung nasanay
na ang baby sa pagsuso o pagsipsip dito. Sa katunayan, isa itong indikasyon
na sapat ang gatas ng ina upang matugunan ang pangangailangan ng sanggol.
Sa pagkakataong hindi kapiling si baby at lumalabas ang gatas nang hindi
inaasahan, kailangan lamang na i-express ito sa isang malinis na lalagyan na
may takip. Mas makabubuti kung ilalagay ito sa freezer o cooler.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 51: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/51.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
PAANO MAG-IMBAK NG GATAS NG INA?
Linisin ang kamay at suso bago magsimula. Maghanda ng isang malinis na
tasa o bote. Hawakan ang suso sa ibaba nito habang ang hinlalaki ay nasa
itaas. Masahihin ang suso mula sa dibdib hanggang sa areola o ang bilog na
nakapagilid sa utong. Gawin ito paikot sa buong suso papunta sa utong.
Pigain ang gatas na naipon sa utong. Ipunin ang nakuhang gatas, at ilagay sa
refrigerator o freezer.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 52: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/52.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
GAANO KATAGAL MAAARING IIMBAK ANG GATAS NG INA?
Sa pangkaraniwang temperatura tumatagal ito hanggang 10 oras. Sa icebox
na puno ng yelo, maari itong tumagal ng 24 oras. Sa malamig na parte naman
ng refrigerator, ang gatas ay tatagal ng 48 oras. Sa freezer naman ng
refrigerator, kayang tumagal ng gatas sa loob ng 3-6 na buwan. Kung ang
gatas ay sa hiwalay na freezer na may sariling temperature control nakalagay,
ito ay tatagal ng isang taon.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 53: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/53.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
BAKIT WALA PANG GATAS NA LUMALABAS KAAGAD
PAGKATAPOS MANGANAK?
Sa mga unang araw, maaaring hindi ganoon karami ang gatas na lalabas,
kung patuloy na magpapasuso, masasanay ang katawan na maglabas ng gatas
na kailangan ni baby, at kusang dadami ito.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 54: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/54.jpg)
Mga Karaniwang Problema at Katanungan sa Pagpapasuso
NORMAL BANG SUMAKIT ANG UTONG KAPAG NAGPAPASUSO?
Oo, sadyang pangkaraniwan at normal lamang ang pagsakit ng utong lalo na
sa unang pagkakataong magpasuso. Pero kapag sanay na ang ina sa
pagpapasuso, hindi na sasakit ito. Maaaring makaramdam ng paghapdi sa
unang pagsipsip ni baby. Kung minsan pa nga, ang utong ay maaring
magdugo subalit sa katagalan ay mawawala rin ang pagdurugo.
Source: Nutrition Foundation of the Philippines, Inc.
![Page 55: Series 5](https://reader031.vdocuments.site/reader031/viewer/2022012310/55cf9bff550346d033a82ded/html5/thumbnails/55.jpg)
PAGKILALA AT PASASALAMAT
IYCF Counselling. Trainer’s Manual (NNC)
United Nations Children's Fund (UNICEF)
Likhaan Center for Women’s Health
American Pregnancy Association (APA)
County of Los Angeles Department of Health Services
Horton S. et.al., “Breastfeeding Promotion and Priority Setting
in Health”. Healthy Policy Plan
Food and Nutrition Research Institute (FNRI)
Nutrition Foundation of the Philippines (NFP)
Ang Himpilang Ito…
Hatid ng
NATIONAL NUTRITION COUNCIL
CALABARZON and MIMAROPA Regions
March 2011
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring sumulat o tumawag sa:
NATIONAL NUTRITION COUNCIL
CALABARZON & MIMAROPA REGION
Fernando Generics Hall, Center for Health Development IV-A, Quirino
Memorial Medical Center Compound, Project 4, Quezon City
Telefax: (02) 440 – 3511
E-mail: [email protected]
Website: www.doh.gov.ph/nnc