salawikain at kahulugan

18
SALAWIKAIN - ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay. Kung hindi ukol, hindi bubukol Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya. Lahat ng gubat ay may ahas Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa iyong biyenan Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag- asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao. Kung ano ang puno, siya ang bunga Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo. May tainga ang lupa,may pakpak ang balita Kahulugan: Mag ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao. Ang pili nang pili, natatama sa bungi

Upload: jenilyn-faye-orpilla

Post on 25-Oct-2015

2.550 views

Category:

Documents


21 download

DESCRIPTION

Salawikain at Kahulugan

TRANSCRIPT

Page 1: Salawikain at Kahulugan

SALAWIKAIN- ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigaypatnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay

humahantong din ito sa kasalan.Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit

Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas nabagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit.

Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktotKahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyangmamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa

pamumuhay.Kung hindi ukol, hindi bubukol

Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan parasa iyo.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawaKahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan

ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.Lahat ng gubat ay may ahas

Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mgabagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa iyong biyenanKahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-

asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit namapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng

ibang tao.Kung ano ang puno, siya ang bunga

Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat angmga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiginglarawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang)

anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin

Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo.Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan

mo.

May tainga ang lupa,may pakpak ang balitaKahulugan: Mag ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo

nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento saibang tao.

Ang pili nang pili, natatama sa bungi

Page 2: Salawikain at Kahulugan

Kahulugan: Hindi ka dapat mag-aksaya ng oras sa mapipili ng gusto dahil pag naubos angoras wala na ang mga bagay na gusto mo.

Batong buhay ka man na sakdal ng tigas, sa patak ng tubig lamang

naagnasKahulugan: Gaano ka man katapang may mga panahon na ikaw ay mahina at napapaiyak.

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo

Kahulugan: May mga taong tahimik ngunit pag sila ay may hindi nagustuhan lumalabas angtunay nilang kulay o pag-uugali

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod

Kahulugan: Ang tunay na matapang ay walang kinatatakutan o inaatrasang pagsubok.

Ang hipong tulog ay tinatangay ng agosKahulugan: Panatilihin alerto at maging mapagbantay para hindi ka mahanap ang iyong

sarili saisang masamang sitwasyon.

Ang nakatikip na bibig ay hindi pinapasukan ng langawKahulugan: Panatilihin ang bibig ay nakasara at tumahimik upang manatili sa

labas ng problema.

Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto'y matamisKahulugan: Gaano man kapait ng isang gulay, ito ay matamis sa mga taong gusto nito.

Kung walang tiyaga, walang nilaga

Kahulugan: Pag hindi pinagsikapan ang bagay na gusto mo sa huli hindi mo rin itomakukuha dahil wala kang ginawa para makamtam ito.Bago mo sabihin at gawin, makapitong iisipin

Kahulugan: Pag isipang mabuti ang mga bagay na gagawin o sasabihan mo para hindi moito magsisihan sa huli

Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.Kahulugan: Pag nagamit mo ang lahat ng biyaya o nakain mo na ang mga biyayang pagkain.

Kinabukasan wala ng natira sa iyo.

BUGTONG- ay isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batangpinoy, at ng mga nakakatanda. It ay may doble o nakatagong kahulugan nanilulutas bilang isang palaisipan.

1. Bugtong: Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: kandila2. Bugtong: Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.

Sagot: langka3. Bugtong: Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya4. Bugtong: Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

Page 3: Salawikain at Kahulugan

Sagot: ilaw5. Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino6. Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig7. Bugtong: Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: siper8. Bugtong: Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo9. Bugtong: Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: gumamela10. Bugtong: Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: kubyertos11. Bugtong: Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo12. Bugtong: Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig13. Bugtong: Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.

Sagot: kulog14. Bugtong: May bintana nguni’t walang bubungan,

may pinto nguni’t walang hagdanan.Sagot: kumpisalan

15. Bugtong: Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.Sagot: palaka

16. Bugtong: Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.Sagot: kasoy

17. Bugtong: Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.Sagot: paruparo

18. Bugtong: Dalawang batong itim, malayo ang nararating.Sagot: mga mata

19. Bugtong: Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.Sagot: tenga

20. Bugtong: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.Sagot: baril

PABULA

- ay isang maiksing kuwentong kathang-isip na kinatha nuong unang panahon. Eto ay ginagampanan ng mga hayop nanagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangangituwid o baguhin dahil sa pagiging hindi mabuti o makatarungan.

Page 4: Salawikain at Kahulugan

Kabayo at ng MangangalakalIsang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at

nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang

bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at

napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sapalengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyangkabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sakoat ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't

sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyangnagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may

lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man aymagpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"

ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng

tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.

Ang Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang

kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-

Page 5: Salawikain at Kahulugan

hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"

pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang

katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw."Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya

ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang

makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Daga at ng LeonIsang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na

leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at

kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na

maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain

ang pagtulog ko," sabi ng leon."Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "

sagot ng daga.

Page 6: Salawikain at Kahulugan

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na

nakawala sa lambat."Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

ANG LOBO AT TUPA

Isang lobo pulong sa isang tupa na naliligaw mula sa kulungan ng mga tupa, hindi nalutas upang maglatag ng marahas na mgakamay sa kaniya, kundi upang mahanap ang ilang mga sagot sa paratang, na dapat Nakahanay sa tupa mismo ang kanyang

karapatan na kumain sa kanya. Siya kaya hinarap niya:"pare, noong nakaraang taonmong mahalay inalipusta mo ako.

" "katunayan," bleated ang tupa sa isangmalungkot tono ng boses, "hindi ako ay pagkatapos ay ipinanganak." Nang magkagayo'y sinabi ng lobo, "Ikaw pagkain sa aking pastulan."

"Hindi, mabuti sir," tugon ng tupa, "hindi ko pa natikman damo." Muli ay sinabi ng lobo, "uminom ka ng aking mabuti."

"Hindi," sabi ang tupa,"hindi ko pa uminom ng tubig, para sa bilang pa gatas sa aking ina ay ang parehong mga pagkain at inumin sa akin.

" Na kung saanang lobo nasamsam sa kaniya, at kumain siya, na sinasabi,"Well! hindi ako ay mananatiling supperless, kahit na pabulaanan ang bawat isa sa aking imputations."

ANG LOBO AT KAMBING

Ang lobo, pagtatago kaniyang malungkot kalagayan sa ilalim ng isang masayangpagkukunwari, indulged sa isang labis-labis pagpupuri sa tubig, ay sinasabi ito aywalang kapantay mahusay, at hinihikayat siya sa hagdanan. Ang kambing, nasa sa

isiplamang ng kanyang uhaw, thoughtlessly kumuha ngpuwesto down, kapag lamangbilang siya namamatay kanyang uhaw, ang Fox alam sa kaniya ng kahirapan sila

ayparehong sa, at iminungkahing ng isang pamamaraan para sa kanilang mga karaniwang makatakas. "Kung," sabi niya, "ikaway ilagay ang iyong nasa unahan-paa sa mga pader, at yumuko ang inyong ulo, ako'y tatakbo up ng

iyong likod at makatakas,at tutulong sa iyo sa labas pagkatapos." Sa kambing kaagad assenting sa itopangalawang panukala, ang lobo leapt sa kanyang likod, at steadying kanyang sarili sa

ang kambing's sungay, umabot sa kaligtasan ang bibig ng mabuti, kapag siya agadginawa off bilang mabilis na bilang aymaaaring siya. Ang kambing upbraided siya ngmga paglabag ng kanyang linay, kapag siya

ay lumingon at sumigaw: "Ikaw mangmanglumang kapwa Kung ikaw ay nagkaroon ng maraming mga talino saiyong ulo bilangikaw ay may mga buhok sa iyong balbas, hindi mo gusto ay wala na sa

harap monagkaroon siniyasat ang paraan ng up, o may nakalabas na ang iyong sarili sapanganib mula sa kung saan ikaw aynagkaroon ng walang ibig sabihin ng pagtakas. "

ANG KUNEHO AT LOBO

Isang araw kuneho isa don't ridicule a short ang mga paa at mabagal na tulin ng lakad ngang pagong. Sahuli, tumatawa, sinabi: "Kahit na ikaw ay matulin sa hangin, ako'ymatalo ka sa

Page 7: Salawikain at Kahulugan

isang lahi." Ang kuneho deeming kanyang assertion na lang imposible,assented sa mungkahi, atkanilang napagkasunduan na ang lobo ay dapat pumili ngmga kurso, at ayusin ang mga layunin. Sa araw na takda

sa mga lahi nila nagsimula na magkasama. Ang pagong hindi kailanman para sa isang sandali tumigil, ngunit angnagpunta sa saisang mabagal ngunit tumatag makipagsabayan tuwid sa katapusan ngkurso. Ang Hare, nagtitiwala sa kanyang katutubong katulinan, inaalagaan kauntitungkol samga lahi, at nakahiga sa tabi ng daan, nahulog nahihimbing. Sa hulingnakakagising up, at paglipat bilang mabilis hangga't siya aymaaaring, nakita niya angpagong ay naabot na ang layunin, at noon ay matiwasay dozing pagkatapos ng kanyangnakakapagod

na.

ANG OSO AT DALAWANG MANLALAKBAY

Dalawang lalaki ay naglalakbay na magkasama, kapag ang isang oso biglangsinalubong sila sa kanilang mga landas. Isasa kanila umakyat pataas nang mabilis sa isang kahoy, at inilihim ang kanyang sarili sa ang mga sanga. Ang iba

pang, nakikita na dapat siya ay atakihin, nahulog sa lupa, at kapag ang lobo dumating sa taas at nadama niya siyang kaniyang nguso, at tunawin niya ang lahat ng higit, siya gaganapin ang kanyang hininga, at nagdahilan ng

anyo ng kamatayan ng mas maraming bilang siya maaaring. Ang Tumungo sa lalong madaling panahon iniwan niya, para sa mgaito ay hindi sinabisiya ay hawakan ang isang patay na katawan. Kapag ganap na siya ay wala na, ang iba pang mga manlalakbay

ay bumaba sa punong kahoy, at accosting kanyang kaibigan, jocularly. Itinanong "kung anoito ay ang oso ay binulong sa kanyang tainga?" Sinabi niya,"Binigyan niya ako ng payo na

ito:. Huwag paglalakbay sa isang kaibigan na ilang ka sa diskarte ng panganib"

ANG KABAYO AT MANGANGABAYO

Isang sundalong kabayo kinuha ang sukdulan ng panganganak sa kanyang charger.Habang ang digmaan ay tumagal, siya aytumingin sa kaniya na gaya sa kanyang kapwa-helper sa lahat ng mga emerhensiya, at pinakain siya ng maingat na

may hay atmais. Kapag ang digmaan ay higit, siya lamang ang pinahihintulutan ipa niya na kumain, at ginawa dalhin siya mabigatna load ng mga kahoy, at sumailalim siya samaraming bagay sa mga alipin mahirap na trabaho at masamaang paggamot. War,gayunman, sa pagiging muli ipinahayag, at ang pakakak summoning kaniya sa kaniyang

mga pamantayan, angmga Sundalo ilagay sa kanyang charger nito militargayak, at inimuntar, pagiging armas sa kanyang mabigat

na baluti. Ang Horse nahulogkaagad sa ilalim ng bigat, hindi na katumbas ng pasan, at sinabi sa kaniyangpanginoon, "Ikaw aydapat na ngayon e'en pumunta sa digmaan sa paa, para sa iyo ay may transformed sa akin mula sa

isang Horse sa isang asno; at kung paano maaari mong asahan na maaari ko uli turn sa isang sandali mula saisang asno sa isang kabayo? "

ANG LEON,OSO AT LOBO

Lamang bilang isang mahusay na oso nagsidaluhong upang sakupin ang isang ligaw na hayop bata, angisang leon lumukso mula sa ibang direksyon sa

ibabaw saparehong huli. Ang dalawang nakipaglaban magilas para sa premyo hanggang sa silaay nakatanggapng maraming sugat na ang parehong sank down hindi upang magpatuloy ang labanan.

Basta pagkatapos ng lobo dashed up, at pagsamsam ng bata, na ginawa off sa mga ito bilang mabilis hangga't siya aymaaaring pumunta, habang ang mga Lion atang Bear tumingin sa walang magawa sa galit. "Magkano mas mahusay

na ito ay," kanilang sinabi, "upang magkaroon ng shared sa mabuting espiritu."

ANG LOBO AT UWAK

Isang lobo, pagkakaroon ng buto ng bumara sa kanyang lalamunan, inupahan ng uwak, para sa isang malakinghalaga, upang ilagay ang kanyang ulo sa kanyang lalamunan at maglabas ng buto.

Page 8: Salawikain at Kahulugan

Kapag ang uwak ay nakuha ang tinik, at hiningi ang ipinangako sa pagbabayad, ang lobo, grinning at paggiling ang mgangipin, exclaimed: "Bakit, ikaw ay tiyak na isang sapat na gaganti, sa may na pinahihintulutan upang maglabas ng iyong ulo sa kaligtasan mulasa bibig at pangil ng isang lobo. " Sa paghahatid ng mga masama, walangnilaga, at nagpapasalamat kung kamakatakas pinsala para sa iyong panganganak.

ALAMAT- ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil satunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay angalamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

ANG ALAMAT NG SAGINGNoong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan.

Sila ay si Juana at si Aging. Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa.Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan.

Gayun pa man di ito alintana ni Juana.Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging.

Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana.

Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang

bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulaydilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.

Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Alamat ng Ilog PasigPayapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sabuwan sa kapaligiran. Isang binata’t dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi.Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahanna mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipinaang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit maynapansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga nanakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkangkanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binataay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawagniya si Paz na tulungan siyang makaahon. “Paz sigueme! Paz, sigueme!” Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako.

Page 9: Salawikain at Kahulugan

Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ngbinata ay “Paz sig!” Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sapangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang “Pasig” o Ilog Pasig.

Alamat ng Rosas

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyangangking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyangkagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mganangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, aydi makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinalaito sa hardin.Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot niCristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyonupang di na magbalik kailanman.Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isanghalamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahilsa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak siRosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulinlamang ng sinuman.

Alamat ng Bundok Arayat

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija aymay iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Samaraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito,dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan. Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda atmapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, angaraw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtindaat mamili. Subali’t ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba’t ibang paraan ngpagbabalatkayo na kanyang ginagawa.Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagigingmaitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sabundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at angsinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungangmaibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roonay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin.Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sapauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok aybatyang pinaglalabhan ng engkantada.Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtuginmaririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma silaat hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.

Alamat ng Hagdan-hagdang Palayan sa Ifugao

Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi n glider, “Ipinagmamalaking Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao RiceTerraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?” Si G.Malintong ang guro ay sumagot, “Ikinslulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanangpakinggan.”Nagsimula ang pagkukwento an glider habang ngumunguya-nguya ng buyo. “Noong pangkaunas-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sakanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos.

Page 10: Salawikain at Kahulugan

Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kayanagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sapaligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod.Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,a’y sa Bundok ngAnuyao. Nais magluto ni Wigansubali’t walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag nanagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoyang bundok. Siya’y tinanggap ni Bugan ng buong kasiyahan.Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sabundok ng Anuyao. Sapagka’t napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nangmagpatuloy ang buhay, sila’y nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang ito’y nag-isang dibdib,pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palaysa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, “Kilala kitang mabutingtao.Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung sususndin moa ang aking mga tagubilin,kakasihan ka ng mga Diyoses.” “Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?”Ang Dakilang Diyos ay sumagot, “Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng cañaoaraw at gabi ngtatlong araw na sinkad upang ako’y ipagbunyi. Kung ako’y msiyahan, uunlad ang inyong tribo.”Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribno ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahandahangagng sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganaynagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya niKabunian. Siya’y nagsalita, “Mabuti anak. Ako’y nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka itoang aking gantimpala. Kita’y bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagi’y inbagar.Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras aydapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ngiyong taniman. Ang malapot na putik atang batonngbuhay na yaon,” tuloy turo sa duminding, ‘ ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo angaking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon.” “Salamat po, Diyos ko,” ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayong dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian.Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buongIpugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayo’y ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang tanimanng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya.

Alamat ng Palay

Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy saparang. Sila ay maligaya roon.Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga taoay nalungkot.Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila’y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila’ynagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila aymakapangyarihan subalit magagalang. Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila’y nagpunta sa yungib. Dito aynapakarami pala ang engkantada. Sila’y may reyna. Sila’y nagsaya noon, nag-awitan, atnagsayaw.Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito aypunong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila’y pinainom ngputing alak at sila’y at nagging matalino. Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, ” Kayo’y bibigyan ko ng butyl. Ito’yitanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan aymamumunga. Aanihin ninyo ang bunga.”“Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan anginyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo.”Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Page 11: Salawikain at Kahulugan

Alamat ng KawayanNoong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo.Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapagnasisikatan ng araw.Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapagnalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiyapagka’t tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihanniyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan.Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito. Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga.Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas.Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis atpulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit namansi Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan.Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti niHangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan.Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nangmakitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ngmaulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak angbinata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilansa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sapagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan. Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyangmga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim nanapangiti si Kawayan.Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upangmakapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay nasanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka’t makikitid ang mgadahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mgadahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ngnakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag niKawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ngBanaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng lubhang ikinagalak ni Kawayan.Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni atmapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko niBathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga saanumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapatmamugad sa puso nino man.Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

Alamat ng LansonesSinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walanggaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mgatao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin angmagnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ngmga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones.Walang nangahas kumain nito. Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatanniya ang mga tao para lumapit. “Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari

Page 12: Salawikain at Kahulugan

na ninyong kainin.” Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones.“Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.Kumain na kayo.” At nawala ang babae.Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon ngaang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.

Alamat ng Chocolate Hills

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawaksubali’t ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagangpagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-ulan ito ay maputik atsiguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng tanimanay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook. Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawanghiganteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Angmga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisanpansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawanghigante.“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari at umalis ka na,” galit nasinabi ni Higanteng mula saTimog . ” Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding galit ng higante mula sahilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig anglugar na parang lumilindol.“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa athumulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ngbinilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari natagaroon. Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ngmga naabing higante sa pagbabatuhan.Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa atmasagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ringnapakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot angbuto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamangmagdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Adaang lahat ng hayop at halaman.Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huning mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayangkasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra angTsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging angPapaya. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tangingang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan perohindi naman nakikita ang katuwaan.”Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?” “Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayopat halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa

Page 13: Salawikain at Kahulugan

pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo,mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loobng prutas na ito.”Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning napananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaanng mga hayop at halaman. Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ngmga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sapagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ngbahay-bahayan.Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw.Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nangkumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabitng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig angButo.“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ngkulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa aypinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito. Iyan ang Alamat ngKasoy at ng di nito makuntentong Buto.

SAWIKAINo idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang

gamit at hindi tuwiran ang kahulugan.

Page 14: Salawikain at Kahulugan

1. Kapag mataas ang lipad, tiyak na malayo angbabagsakan. Kahulugan: Kapag ikaw ay masyadong hambog at hindi kontento kung ano angmeron ka tiyak na dadating ang panahon na ikaw ay walang makukuha kahitpiso.

2. Kakaning-itik

Kahulugan: walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan

3. Luha ng buwayaKahulugan: hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis

4. Maaliwalas ang mukha

Kahulugan: masayahin,taong palangiti

5. Maitim ang budhiKahulugan: tuso, masama ang ugali

6. Makitid ang isip

Kahulugan: mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman

7. Malawak ang isipKahulugan: madaling umunawa, maraming nalalaman

8. Malikot ang kamay

Kahulugan: kumukuha ng hindi kanya kawatan

9. Pagputi ng uwakKahulugan: walang maaasahan, walang kahihinatnan

10. Tulak ng bibigKahulugan: salita lamang, di tunay sa loob

11. Pusong-bakal

Kahulugan: hindi marunong magpatawad

12. Kalapating mababa ang lipad

Page 15: Salawikain at Kahulugan

Kahulugan: babaing nagbibili ng aliw

13. Alilang-kaninKahulugan: utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

14. Balitang-kutsero

Kahulugan: balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

15. Balik-harapKahulugan: mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

16. Di madapuang langaw

Kahulugan: maganda ang bihis

17. Itim na tupaKahulugan: masamang anak

18. Nagmumurang kamatis

Kahulugan: matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga

19. Matalas ang taingaKahulugan: madaling makarinig o makaulinig

20. Takaw-tulogKahulugan:mahilig matulog

Page 16: Salawikain at Kahulugan
Page 17: Salawikain at Kahulugan
Page 18: Salawikain at Kahulugan

Pinagsama-samangGawain

Proyekto sa Filipino II(Salawikain,Sawikain,Bugtong,Pabula At

Alamat)

Ipinasa Ni:Janine Joy M. Orpilla

II-Loyalty

Ipinasa Kay:Ma’am Lacanilao