sa tamang panahon, for slide share

8
SA TAMANG PANAHON Ni: JENITA D.GUINOO “Sige na Lola, payagan mo na ako…gusto kong makasama sa outing ng mga barkada ko.., please… Kahit ngayon lang..payagan mo na ako”…”Naku! Bata ka, Joshua..makinig ka! Hindi nga pwede, baka mapaano ka’t madisgrasya sa pagsasama-sama mo sa iyong mga barkada, bakit? ikaw ba ang mananagot sa iyong ina ha?” “Lola naman eh..ngayon lang naman.” “ Tumigil ka nga diyan.. lagi na lamang nagbubulakbol! Mas mabuti pang dumito ka na lang sa bahay, manood ka ng TV o kaya’y mag-aral ng iyong mga leksyon kaysa pumunta sa kung saan-saan!”

Upload: jenita-guinoo

Post on 12-Jan-2017

227 views

Category:

Education


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Sa tamang panahon, for slide share

SA TAMANG PANAHON Ni: JENITA D.GUINOO

“Sige na Lola, payagan mo na ako…gusto kong

makasama sa outing ng mga barkada ko.., please…Kahit

ngayon lang..payagan mo na ako”…”Naku! Bata ka,

Joshua..makinig ka! Hindi nga pwede, baka mapaano ka’t

madisgrasya sa pagsasama-sama mo sa iyong mga

barkada, bakit? ikaw ba ang mananagot sa iyong ina ha?”

“Lola naman eh..ngayon lang naman.” “ Tumigil ka nga

diyan.. lagi na lamang nagbubulakbol! Mas mabuti pang

dumito ka na lang sa bahay, manood ka ng TV o kaya’y

mag-aral ng iyong mga leksyon kaysa pumunta sa kung

saan-saan!”

Nakakainis naman! Ano na lamang ang masasabi sa

akin ng aking mga kaibigan lalong-lalo na si Grace? Nais

pa naman niya sanang makasama kaming mga

manliligaw niya para makapili na kung sino sa amin ang

Page 2: Sa tamang panahon, for slide share

kaniyang sasagutin. Paano na ito? Tiyak kong pag wala

ako roon, hindi ako ang magiging una niyang nobyo. Ang

malas talaga! Dyahe naman itong aking

Lola ..nakakabad-trip! Pero, ano namang magagawa ko

kundi ang sumunod sa kaniyang payo. Ayaw ko rin

namang magagalit ito sa akin dahil mahal na mahal ko

naman ito kahit sobrang sungit sa akin at maging ng

aking mga kaibigan. At ayaw ko ring malalaman ng ina

kong nasa ibang bansa..baka mag-aalala ito sa akin. Hay,

buhay nga naman! Kung kailan ko ninanais na makasama

ang barkada ay saka pa hindi ako pinapayagan ng aking

Lola. Tatanggapin ko na lamang nang maluwag sa

damdamin na hindi si Grace ang aking magiging unang

nobya. Hindi marahil kami ang itinadhana para sa isa’t

isa. Makikibalita na lamang ako sa kanila pag-uwi nila

galing sa probinsiya nina Grace. Tunay na mapalad ang

mapupusuan ni Grace! At iyon ay hindi ako!

Page 3: Sa tamang panahon, for slide share

Isang Linggo ang nagdaan at nagkaharap ang

magbabarkada. “Joseph, balitaan mo naman ako sa

naging bakasyon niyo sa Leyte. Masaya ba roon? “Naku,

Joshua , ang saya-saya namin. Andaming gimik doon at

kung saan-saan kami dinadala ni Grace. Napuntahan

namin ang sikat nilang beach resort, magagarang

restawran..may sa bukid kami napunta, may sa

Lungsod..at maging sa mga peryahan mismo sa kanilang

nayon ay aming napuntahan sa pagdidiriwang ng

kanilang kapistahan. May mga mapaghimalang birhen din

ang aming dinayo sa isang tuktok ng bukirin na

napapabalitang natutupad ang anumang kahilingan. Ang

layo-layo talaga! Nanginginig na nga ang aking mga paa

sa sobrang pagod at hirap sa paglakad sa bukiring

maputik. Gayunpaman, ang dami kong natutunan. Doon

ako nakakita ng isang malawak na palayan, nagtataasang

mga bundok, at mga naggagandahang bahay-kubo na

Page 4: Sa tamang panahon, for slide share

hindi natin makikita sa ating bayan. Pati mga kabataan

doon ay ang babait! Ngunit, ang ipinagtataka ko’y

bagong salta pa lamang kami ay kilala na nila. Higit sa

lahat, sila ay magagalang lalong-lalo na sa mga

matatanda. Laging nagmamano sa mga matatanda. At

napansin ko sa loob ng simbahan ay parang

magkakapamilya silang lahat. Tulong-tulong sila sa lahat

ng mga gawain para sa bayan. Doon ko rin naranasan

ang tinatawag nilang “bayanihan”, ang sarap pala ng

“feeling” kapag nakatulong ka kahit sa maliit na paraan.

Sa susunod, sana makakasama ka na Joshua!” “ Sana

nga, kaso hindi nga ako pinayagan ng Lola. Siyanga pala,

sino ang maswerteng naging nobyo ni Grace? Masaya ako

para sa kanila! Sige na, sabihin mo na sa akin!” “Hello,

Joshua.“ Si Grace na kaibigan ng lahat. Kumusta ka,

Josh? Ano ba naman ang pinag-uusapan niyo riyan? At

napaka-seryoso niyo naman! “Ah..Grace, Joshua..maiiwan

Page 5: Sa tamang panahon, for slide share

ko muna kayo ha..kasi may pupuntahan pa akong

kaibigan.”Nakalimutan ko nga palang ibigay ang

pasalubong ko sa aking best friend.” “Sige, bye! Ingat

ka.” Biglang tumahimik ang dalawa na tila

nagpapakiramdaman lamang sa isa’t isa. “Ehem..Grace,

kumusta ka nga pala? Tiyak kong may nobyo ka na kaya

di na ako dapat pang makikipag-usap sa iyo, baka

magagalit iyon!” sabi ko sa kaniya. “Oo nga, ano? Tugon

naman ni Grace.” Kumusta ka rin naman Joshua? Bakit di

ka nga pala nakasama sa grupo?” tanong niya sa akin na

tila naguguluhan sa di ko pagsama sa kanilang bakasyon.

“Eh, kasi..hindi ako pinayagan ng Lola..alam mo na..Over-

protective sa akin. Nanghihinayang nga ako’t di ko

nararanasan ang mga naikuwento sa akin ni Joseph.

Kaso, hindi ko talaga masusuway si Lola dahil alam kong

ginagawa niya iyon para sa aking kapakanan. Marahil

magagawa kong makarating sa ibang lugar kapag nasa

Page 6: Sa tamang panahon, for slide share

tamang gulang na ako na maaari ko nang

mapangalagaan ang aking sarili. Ngunit habang menor de

edad pa ako, mas maigi na susundin ko siya para

makaiwas sa anumang kapahamakan.” “Diyan ako bilib

sa iyo, Joshua! Kaya nga wala akong napili sa iyong mga

barkada dahil lahat sila’y sinuway ang mga magulang at

ang ilan pa nga ay hindi nagpaalam. Naglayas! Kaya,

ayon..tumaas ang presyon..inatake sa puso ang ama ni

Joseph. Puro sakit sa ulo ang ibinigay nila sa kani-

kanilang mga magulang. Kaya kung makapaghihintay ka

sa tamang panahon, ikaw ang nais kong maging unang

pag-ibig! Iyon ay kung nais mo rin.” “Ha..? Naku! Iyan

ang pinakaasam-asam ko , Grace! Sige, maghihintay ako,

sa tamang panahon!

End