retorika6

40
MGA RETORI K AL TEK N IK PANGHIHIKAYAT SA PAMAMAGITAN NG RETORIKA: MGA GAMITING TEKNIK

Upload: pinoyako1420

Post on 01-Dec-2015

808 views

Category:

Documents


87 download

TRANSCRIPT

Page 1: retorika6

MGA

RETORIK

AL

TEKNIK

PANGHIHIKAYAT SA PAMAMAGITAN NG RETORIKA: MGA GAMITING TEKNIK

Page 2: retorika6

KATUTURAN NG RETORIKA

Plato: Rhetoric is "the art of winning the soul by discourse."

Aristotle: Rhetoric is "the faculty of discovering in any particular case all of the available means of persuasion.

 

Page 3: retorika6

Francis Bacon: Rhetoric is the application of reason to imagination "for the better moving of the will."

George Campbell: [Rhetoric] is that art or talent by which discourse is adapted to its end. The four ends of discourse are to enlighten the understanding, please the imagination, move the passion, and influence the will.

KATUTURAN NG RETORIKA

Page 4: retorika6

Kenneth Burke: "Rhetoric is rooted in an essential function of language itself, a function that is wholly realistic and continually born anew: the use of language as a symbolic means of inducing cooperation in beings that by nature respond to symbols."

"Wherever there is persuasion, there is rhetoric, and wherever there is rhetoric, there is meaning."

KATUTURAN NG RETORIKA

Page 5: retorika6

ELEMENTO NG RETORIKA

1. Konteksto— okasyon o panahon ng pagkakasulat o pagkakasabi

2. Layunin– ang nais ipahayag at matamo ng manunulat/ispiker

3. Tesis (inaangkin)– pangunahing ideya; malinaw, nakatuong pahayag

Page 6: retorika6

• Ethos – paano ipinakita/ipinalutang ng manunulat /ispiker ang kangyang sarili

• Pathos – paano naapektuhan ng manunulat/ispiker ang damdamin ng kanyang mambabasa/tagapakinig

• Logos – paano ginamit ng manunulat/ispiker ang teksto

Page 7: retorika6

ETHOS:

“Ethos” tumutukoy sa apilang etikal, paano pinalutang/ipinakita ng manunulat/ispiker ang kanyang sarili.

Maalam, resonable at mapagkakatiwalaan ba siya?

Naging makatarungan at may respeto ba siya sa kanyang mga katunggali, mga taong tumutuligsa sa kanya, o naging mapagpatol ba siya?

Nasubukan ba niyang magkaroon ng pagkakatulad sa kanyang mga mambabasa/ispiker?

Page 8: retorika6
Page 9: retorika6

PATHOS:

“Pathos” tumutukoy sa mga argumento ng apilang emosyonal, paano kinuha/naantig ng manunulat/ispiker ang damdamin ng kanyang mambabasa/tagapakinig.

Madalas, ang apilang ito ay kung paano gagawing mahalaga/makabuluhan ang mga argumento sa mambabasa/tagapakinig.

Advertisements Umaapila sa emosyon gaya ng kalungkutan,

pagmamalaki, pagkatakot, galit, pagkamabayan, atbp.

Page 10: retorika6
Page 11: retorika6

LOGOS:

“Logos” tumutukoy sa mga argumento ng apilang lohikal paano ginamit ng manunulat/ispiker ang teksto ng kanyang sariling argumento at ebidensya.

Naglalaman ang argumento ng mga makatotohanang impormasyon, datos, estadistika, testimonya ng mga eksperto, atbp.

Ang mga sulatin na dumedepende lamang sa logos ay maaaring maging kabagot-bagot sa mga mambabasa at tagapakinig.

Page 12: retorika6
Page 13: retorika6

KAGAMITANG RETORIKAL :

Ang kagamitang retorikal ay isang lingguwistikong kagamitang ginagamit upang makaimpluwensya sa paniniwala, atityud, kilos, at gawi.

Gumagamit ito ng wika upang lumikha ng paniniwala o pakiramdam na maaari o di maaaring iugnay sa ano mang suportang lohikal.

Page 14: retorika6

Karaniwan itong tinatawag na “slanters” dahil madalas na tinatangka nitong ilihis o paikut-ikutin ang impormasyon.

Hindi ito nagdaragdag ng anumang kapangyarihang lohikal sa argumento, subalit, napakaepektibo nito sa pagbibigay ng kapangyarihang sikolohikal sa isang argumento.

KAGAMITANG RETORIKAL :

Page 15: retorika6

Ang kagamitang retorikal ay simpleng pagpili ng mga salita o pagsasaayos ng mga salita na nagtataglay ng isang partikular na konotasyon, na nagbibigay tuon naman sa layunin ng manunulat/ispiker.

Ginagamit ito upang dalhin/akayin ang awdyens sa isang direksyon o isang partikular na kongklusyon.

KAGAMITANG RETORIKAL :

Page 16: retorika6

Ang kagamitang retorikal ay hindi naman masama, sa ganang sarili, ito ay nagbibigay sa atin ng dahilan na tanggapin o tutulan/tanggihan ang isang argumento.

Bagaman, sa epektibong paggamit , pinagbubuti nito ang layunin ng manunulat/ispiker- sa pamamagitan ng mga imahe na nagtataglay ng mga kahulugan.

KAGAMITANG RETORIKAL :

Page 17: retorika6

MABISANG PAGPAPAHAYAG

Ang mabuting pagpapahayag ay halos kasingkahulugan ng kawastuan, kaangkupan, at kagandahan gayundin ang kawastuang pambalarila at wastong gamit ng mga salita ay kailangan sa mabisang pagpapahayag.

Datapwa’t, may mga pagpapahayag na kung matamang susuriin ay tila may kamalian kundi man ay lihis sa tuntunin ng balarila.

Ang tinutukoy dito ay ang mga pasawikaing pagpapahayag o sawikain, kasabihan, salawikain, kawikaan at mga uri ng tayutay.

Ang paggamit sa mga ito ay napatunayang mabisa at epektibo sa pagpapahayag. Kung kaya, marapat lamang na ito’y pag-aralan.

Page 18: retorika6

SALAWIKAIN

Ito ay mga pangaral, paalaala na lagi nang may dalang aral. Sinasabi rin na ito ay isang binhi ng pamimilosopiya na minana natin sa ating mga ninuno na nagbibigay-aral sa pagsasabi ng katotohan.Mga halimbawa:

• Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan,di makararating sa paroroonan.

• Kung may isinuksok, may madudukot.• Daig ng maagap ang masipag• Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.• Laging nasa huli ang pagsisisi.

Page 19: retorika6

KAWIKAAN

Ang kawikaan ay kalipunan ng mga turong pangmoral at pangrelihiyon. Karamihan nito’y tumatalakay sa mga bagay na praktikal at pang-araw-araw.Mga halimbawa:

• Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.• Ang gumawa ng masama ay ayaw sa ilaw.• Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar; at sa Diyos

ang sa Diyos.• Walang natatago na di nalalantad at walang

lihim na di nabubunyag.• Kumatok ka at ika’y pagbubuksan.

Page 20: retorika6

KASABIHAN

ito ay mga sabi-sabing naging palasak na tinatanggap ng bayan sa pagdaraan ng panahon. Ito rin ay bukambibig na hinango sa karanasan ng buhay na nagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin. Napapaloob dito ang mga kaisipang nagpapahayag sa atin ng mga katotohanang may sadyang pagkakaugnay ang buhay sa kaasalan ng tao. Maraming paksa ukol sa ikapapanuto ng buhay ang tinatalakay sa ating kasabihan.Mga halimbawa:

• Magbiro ka na sa lasing , huwag lang sa bagong gising.

• Ang taong duling walang gawang magaling.• Ang maniwala sa sabi-sabi; walang bait sa

sarili.• Kung may tag-araw ay may tag-ulan.• Pili nang pili, nauwi sa bungi.

Page 21: retorika6

SAWIKAIN

ang pag-aaral ng mga sawikain ay kaugnay ng panretorikong kaalaman. Ito ay nagpapabisa , nagpapakulay at nagpapakahulugan sa pagpapahayag. Ito ay isang di-tuwiran o tahasang pagpapahayag nang gustong sabihin na may kahulugang patalinghaga.Mga halimbawa:

• Nagpuputok ng butse – galit na galit• Amoy –lupa – malapit nang mamatay,

matanda na• May gatas pa sa labi- bata pa• Itinulak sa bangin – ibinuyo, ibinulid sa

kapahamakan• Balat-kalabaw – hindi marunong mahiya

Page 22: retorika6

MGA URI NG TAYUTAY

Isang mahalaga at di maiiwasang kasangkaapan sa pagpapahayag ng kaisipan ng tao. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng nagsasalita upang pasarapin ang pag-unawa at gawing mabisa, makulay, maharaya at kaakit-akit ang pagpapahayag.

Page 23: retorika6

SIMILE

Paggamit ng tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Gumagamit ng mga salitang tulad ng , tila, para siya, kapara ng at iba pa.

Halimbawa:• Ang punongkahoy ay tila isang nakadipang

krus.• Ang hangin ay tila hininga ng isang nilalagnat.• Ang tren ay tila isang alupihan.• Ang buhay ng tao ay tila isang gulong.• Ang dating ganda niyang dagling naglaho’y

tulad ng kupasing damit.

Page 24: retorika6

METAPOR O PAGWAWANGIS

Naghahambing din ang pagwawangis na gaya ng pagtutulad. Ang pagpapahayag na ito’y tiyakang naghahambing at naiiba sa pagtutulad sa di paggamit ng mga pariralang ,tulad ng , kapara ng, para ng, gaya ng.

Halimbawa:• Ang iyong balita ay isang punyal sa

kanyang dibdib.• Isang bukas na aklat sa iyo ang aking

buhay.• Ang mga pangungusap ng panauhin ay

kawili-wiling tugtugin sa aking pandinig.

• Ako’y isang tulang maningning ngunit walang isa mang pumansin.

Page 25: retorika6

PERSONIPIKASYON O PAGBIBIGAY –KATAUHAN Ang pagsasalin ng talino, gawi at katangian

ng tao sa mga karaniwang bagay o mga bagay ay tinatawag na padiwantao. Naipakikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa tulad ng mga sumusunod.

• Ang malamig na hangin ay nagbabalita na ng pagdating ng Paskong dakila.

• Nagbabala ang madilim na langit.• Alam mo bang siya’y laging dinadalaw ng

aking alaala?• Lumuluha ang panahon sa araw ng kamatayan

ng bayaning Rizal.

Page 26: retorika6

PAGLILIPAT- WIKA O PAURINTAO

Sa pagpapahayag na ito’y inililipat sa mga bagay ang ilang namumukod na pang-uring gamit lamang sa tao

• Inilapag ng matanda ang kanyang matapat na palakol at siya’y nagpahinga.

• Ang ulila’t kaawa-awang silid ay pinasok ng magnanakaw kagabi.

• Bumagsak sa sahig ang matalinong pluma at nabali ang mahalagang asero.

• Ang mapaglingkod na sapatos ay ipinagbili kong mabigat ang aking loob.

Page 27: retorika6

PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI

Sa pagpapahayag na ito’y lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan ng kalagayan ng tao, bagay , pangyayari at iba pa.

• Maniwala kang sa magdamag na pagkakahiga, hindi man lamang napikit ang aking mga mata.

• Nakalulusaw ang mga tingin ng matandang lalaki.

• Sa sagupaan ng dalawang pangkat, bumaha ng dugo sa kanilang nayon.

• Sa gayong ganda ng mukha’t katawa’y patay o himala ang hindi umibig.

Page 28: retorika6

EUPHEMISMS‘Sanitary landfill’ instead of ‘garbage

dump’

‘Pre-owned vehicles’ instead of ‘used cars’

‘Correctional facility’ instead of ‘prison’

‘Percussive maintenance’ instead of ‘to repair with loud hammering’

‘Pro-choice’ instead of ‘pro-abortion’

Page 29: retorika6

PAGPAPALIT-TAWAG O METONYMY

Ang pagpapahayag na ito’y nagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.

• Si Prinsesa Elizabeth ang nagmana ng korona (ng kaharian)

• Ang may mapuputing buhok ay dapat na igalang (matatanda)

• Ang tinapay (kabutihan) na iniabot sa kanya ay ginanti niya ng bato (kasamaan).

• Ang lunsod (mga mamamayan) ay pinarusahan ng hukbo.

Page 30: retorika6

PAGPAPALIT-SAKLAW O SYNECDOCHE Ang pagpapahayag na ito’y naisasagawa

sa pamamagitan ng : Ang pagbanggit sa bahagi bilang

pagtukoy sa kabuuan:• Bawat kamay (tao) sa nayon ay

tumutulong sa pagtatayo ng simbahan.• Limang mabibilis na layag (bangka) ang

dumaan sa ilog na malapit sa amin. Ang nag-iisang tao’y kumakatawan sa

isang pangkat:• Isang Daniel (kumakatawan sa

marurunong na tao) ang humarap sa pagtitipon.

• Upang magtamo ng kalayaan ang bansa, isang magiting na kayumanggi (kumakatawan kay Rizal) ang nagbuwis ng buhay sa Luneta

Page 31: retorika6

PAGTATANONG –RETORIKA

Ginagamit sa pagpapahayag na ito ang pagtatanong upang tanggapin o di tanggapin ang isang bagay. Ang paraang ito ay higit na mabisa at makapangyarihan kaysa karaniwang pagpapahayag.

• Ang isa kayang matalinong mag-aaral ay babagsak sa pagsusulit na tulad nito?

• May ina kayang makatitiis sa kanyang mga anak?

• Ang isa kayang maganda at matalinong babae ay tatandang dalaga?

Page 32: retorika6

PAGSALUNGAT O EPIGRAM

Ang pagpapahayag na ito’y kahawig ng pagtatambis ngunit natatangi lamang sa kaigsian at katalinghagaan. Ang mga salitang pinag-uugnay rito’y magkasalungat sa kahulugan.

• Ang lakas ng mga babae ay nasa kanilang kahinaan.

• Madalas mangyaring ang kagandaha’y nasa kapangitan.

• Umuunlad ang daigdig sa katamaran ng tao.• Ang kawal ay namatay nang mabuhay

Page 33: retorika6

PAGTAWAG O APOSTROPHE

Sa pagpapahayag na ito’y ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay o sa isang di –nadaramang kaisipan na para bang pakikipagsalitaan sa isang buhay na tao o sa isang taong gayong wala nama’y parang naroroo’t kaharap.

• O buwan, sumikat ka’t aliwin mo ako sa aking pangungulila.

• Panibugho,panibugho , ikaw ay kaaway ng dalawang pusong tapat magmahalan.

• Pag-asa,Pag-asa ako ay lapitan nang ako’y yumaman sa karalitaan

Page 34: retorika6
Page 35: retorika6

PAG-UYAM O IRONY O SARCASM

Ang pagpapahayag na ito’y pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pangungusap. Ang tunay na kahulugan ng pagpapahayag na ito’y mauunawaan ayon sa paraan ng pagsasalita ng taong nangungusap.

• Ang mga kabataan ngayo’y totoong mauunlad at makabago. Sa marami sa kanila, makaluma nang ugali ang humalik sa kamay sa kanilang magulang.

• Talagang mabuting makisama ang itong kapatid. Pagkatapos na alagaan namin siya nang may isang buwan sa ospital, kami pa ang kasama-samaang tao ngayon

Page 36: retorika6

PAGTANGGI O LITOTES

Ang pagpapahayag na ito’y karaniwang gumagamit ng panangging”hindi” upang magpahiwatig ng lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.

• Hindi hangal ang aking kaibigan na sa gayong pagtatalo lamang ay magagapi mo.

• Ang lalaking iyon ay hindi luno na sa pag-aaway ay kaagad-agad mong tatalunin

Page 37: retorika6

PAG-UULIT O ALLITERATION

Ang pagpapahayag na ito’y gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap o taludtod.

• Bumabalik at wari’y bumabagabag sa aking budhi ang bulong ng kataksilang nagawa ko.

• Binabati kita binibini sa iyong kaarawan; kawangis mo’y isang kampupot na bago lamang kabubukadkad

Page 38: retorika6

PAGHIHIMIG O ONOMATOPOEIA

Ito ang ibinibigay na tawag sa isang pagpapahayag na sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita ay nagagawa o naipahihiwatig ang kahulugan.

• Isang malaking bagay na buhat sa itaas ang bumagsak at kumalabog sa matigas na lupa.

• Ang bungbung ng malalaking kanyon ay lumunod sa rabdabdab ng mga tambulero ng hukbo.

• Ang lagaslas ng tubig sa batis ay nagpapabalik sa aking masasayang alaala.

Page 39: retorika6

OKSIMORON O OXYMORON

Ang paggamit ng dalawang magkasalungat na salita o pahayag o ng dalawang salita o pahayag na nagsasalungatan sa paraang tila kakatwa, tulad ng tumatawa’y umiiyak, may lungkot at tuwa.

• Siya’y isang mabuting kaaway.• Ang buhay niya’y puno ng pait at

tamis.

Page 40: retorika6

EUPHEMISMS AT DYSPHEMISMS

Ang mga salita at parirala na inihahalili sa ibang salita o parirala upang gawin itong higit na positibo o negatibo

Euphemism: used cars - pre-owned vehicles

Dysphemism: music-noisetala: ang ulat at paglalarawan ay maaaring magbigay ng kaaya-aya o di-kaaya-ayang impormasyon na di lumalabas na euphemistiko o dysphemistiko. Nasa kalidad ito ng wikang ginamit.